Pages

Saturday, July 7, 2012

INC Comment: Iglesia Katolika ang tunay na Iglesia ni Cristo

Comment hango sa post natin sa Unexplained Centennial Logo of the INC:


Anonymous July 5, 2012 12:22 PM

(PASUGO Abril 1966, p. 46: “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo.")

oo sila nga ang unang iglesia ni cristo at sila rin ang tumalikod.... batay yan sa pahayag ni cristo.. dapat sana hanggang ngayon ay iglesia parin ni cristo ang pangalan at hindi katoliko. dahil nagbago lahat sa kanila lalo na ang mga aral nagka malimali na ang tinuro at hindi ang aral ng panginoong jesucristo.

kaya ayun... tuluyan nang natalikod sa pananampalataya..

pero wag mag alala dahil hinulaan naman sa bibiliya na sa mga wakas ng lupa o sa malapit ng dumating ang panginoong jesus ay babangon muli ang tunay na iglesia ni cristo na tinayo nya noon at sa pilipipinas magsisimula. dala nila ang tunay na aral ng Dios.

dati po akong katoliko na sumasamba sa mga rebulto at nagpapasalamat ako ng naliwanagan ako ng ang Dios ay espirito (walang laman at buto) sa makatuwid hindi pwedeng gawan ng larawan.

(PASUGO Abril 1966, p. 46: “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo.")

oo sila nga ang unang iglesia ni cristo at sila rin ang tumalikod.... batay yan sa pahayag ni cristo.. dapat sana hanggang ngayon ay iglesia parin ni cristo ang pangalan at hindi katoliko. dahil nagbago lahat sa kanila lalo na ang mga aral nagka malimali na ang tinuro at hindi ang aral ng panginoong jesucristo.

Salamat naaman at TANGGAP niyo pala na ang IGLESIA KATOLIKA ang siyang TUNAY na IGLESIA ni CRISTO.   Salamat sa opisyal na pahayag ng Pasugo.

Kaya kung kami nga ang TUNAY sa PASIMULA pa, kami pa rin ang TUNAY hanggang sa wakas.  Ito'y sinabi ni CRISTO na siya MISMO ang NAGTATAG ng kanyang Iglesia!

Ating hahanguhin ang  mga PAHAYAG ni CRISTO noong ITATAG niya ang KANYANG IGLESIA (Mt. 16:13-20)!

13 Nang dumating si Jesus sa bayan ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Ano ang sinasabi ng mga tao patungkol sa Anak ng Tao?" 14 At sumagot sila, "Ang sabi po ng ilan kayo si Juan na Tagapagbautismo. Sabi po naman ng iba, kayo si Elias. At may nagsasabi pong kayo si Jeremias, o isa sa mga propeta." 15 Tinanong ulit sila ni Jesus, "Ngunit para sa inyo, sino ako?" 16 Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay." 17 Sinabi sa kanya ni Jesus, "Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama na nasa langit. 18 At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit." 20 At mahigpit niyang iniutos sa kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya nga ang Cristo.

Sino ang KAUSAP ng PANGINOONG HESUS noong itatag niya ang kanyang NAG-IISANG IGLESIA?

"Ikaw si PEDRO (hindi si FELIX MANALO), at sa ibabaw ng batong ito (hindi si FYM) itatayo ko ang AKING IGLESIA (sa ibabaw ng bato-- si Pedro at hindi si Felix Manalo) at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya."

NAGTAGUMPAY ba ang HADES sa kanyang Iglesia?

Ang sabi ng trademark na Iglesia ni Cristo tatag ni Manalo, "Oo nagtagumpay nga" sapagkat itinuturo nilang NATALIKOD na GANAP nga ito!

Ang SABI naman ni CRISTO "... hindi mananaig ang kapangyarihan ng Hades" sa kanyang Iglesia.

Sino ang nagsasabi ng totoo: Si Felix Manalo o si Cristo Hesus?

At ipaglalaban man nila ng pukpukan ang pangalang Iglesia ni Cristo, may nabasa ba kayo sa Mateo 16 na sinabi ni Cristo na:

"Pedro, ipangalan mo ang aking iglesia sa pangalan ko at dapat ito ay nakasulat sa TAGALOG lamang. Ayaw ko ng ng Italian or Latin o ano mang wika. Dapat Tagalog lang kasi darating ang aking huling sugo sa pulu-pulong isla at tatawagin nila itong Pilipinas.

Pasensiya Pedro pero MANANAIG ang Hades sa iglesiang itatatag ko sa iyo."

'Iyan ang ibig palabasin ng mga Manolistas. Na sinungaling si Cristo at si Manalo ang sugo!

Kung NATALIKOD na nga ang tunay na Iglesia, saan ba ito sinabi sa Biblia na MATATALIKOD o saan man sa Kasaysayan ito naitala?

Wala!

Kaya ang INC ni Manalo ay mga HULA-HULA lamang ang pagpapaliwanag. Dapat sa kanila BOLANG KRISTAL ang dala hindi biblia!

Ang sabi ng PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Gusto mo bang lakihan ko ang sinabi ng inyong Pasugo?

"Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Tunay nga at walang kaduda-duda rito, heto ang katibayan!


kaya ayun... tuluyan nang natalikod sa pananampalataya..

Hindi 'yan ang sinasabi ng inyong PASUGO!

PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."

PASUGO Hunyo 1940, p. 27:

"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
Alin ang UNANG IGLESIA na tinutukoy ng kanilang Pasugo?

PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."

Kaya't ano pang pagtatalo natin kung ang UNANG IGLESIA -- ang IGLESIA KATOLIKA pala ay MANATILI sa mga aral ng Dios sapagkat "ito ang ginawa ng unang Iglesia" na dapat namang GAWIN ng mga kaanib ng INC ni Manalo!

 dati po akong katoliko na sumasamba sa mga rebulto at nagpapasalamat ako ng naliwanagan ako ng ang Dios ay espirito (walang laman at buto) sa makatuwid hindi pwedeng gawan ng larawan.

Mabuti naman at LUMIPAT ka sa INC ni Manalo. Dahil kaming mga sumasamba sa tunay na Dios ay nanantili.

Katulad mo rin ang mga NALIGAW na mga tupa na SUMASAMBA sa REBULTO at ngayo'y mga KAANIB ng pekeng INC ni Manalo!

Kaya't sa huli pa rin, ang IGLESIA NI CRISTO ay ang IGLESIA KATOLIKA!

At para malaman mo kung sino ang TUMIWALAG sa TUNAY NA IGLESIA basahin mo rito sa
WIKIPEDIA, tapos tingnan mo ang 1914!

Good luck!

4 comments:

  1. "oo sila nga ang unang iglesia ni cristo at sila rin ang tumalikod.... batay yan sa pahayag ni cristo.. dapat sana hanggang ngayon ay iglesia parin ni cristo ang pangalan at hindi katoliko. dahil nagbago lahat sa kanila lalo na ang mga aral nagka malimali na ang tinuro at hindi ang aral ng panginoong jesucristo."

    dito ay sinabi "oo sila nga ang unang iglesia ni cristo" mapapansin ninyo na oo sila ang una. pero itoý napalitan, o natalikod.. bakit po sinabing natalikod kasi mali na ang pinagpatuloy na aral.. kapag napalitan na o natalikod masasabi mo pa bang iyan pa rin yung tunay? ang sagot hindi na.. napalitan na kasi eh..
    “Salamat naaman at TANGGAP niyo pala na ang IGLESIA KATOLIKA ang siyang TUNAY na IGLESIA ni CRISTO. Salamat sa opisyal na pahayag ng Pasugo.”
    Dito naman ay sinabi na TANGGAP daw ng Iglesia Ni Cristo na ang IGLESIA KATOLIKA ang Tunay na Iglesia ni Cristo. Wala pong sinabi na ganun ang tinatanggap po naming ay ANG IGLESIA KATOLIKA ay Tunay na Iglesia Ni Cristo. ang tinatanggap po namin ay ang unang IGLESIA NI CRISTO bago naging IGLESIA KATOLIKA.. dahil sa ang unang Iglesia ang Tunay
    Ang iglesia katolika ngayon ay hindi na tunay na iglesia ni cristo dahil mali at iba na sa itinuro.
    “Kaya kung kami nga ang TUNAY sa PASIMULA pa, kami pa rin ang TUNAY hanggang sa wakas. Ito'y sinabi ni CRISTO na siya MISMO ang NAGTATAG ng kanyang Iglesia!”
    Dito naman ay sinabi na ” Kaya kung kami nga ang TUNAY sa PASIMULA pa, kami pa rin ang TUNAY hanggang sa wakas.” Sa parteng ito ay nag kongklusyon na sila, dahil kung sila ang IGLESIA NI CRISTO sa simula sana hindi iglesia katolika ang pangalan, at hindi naiba ang itinuturo sa ngayon… kaya ibig pong sabihin hindi sila Iglesia Ni Cristo sa pasimula kundi iglesia katolika sa ngayun…

    ReplyDelete
    Replies
    1. true[faked]religion-inc, MARAMING SALAMAT at INAMIN mong kami ang ang UNANG IGLESIA NI CRISTO pero hwuag mo namang ibilad ang iyong KATANGAHAN sa blog na ito.

      Saan ba sinabi sa Biblia na "MATATALIKOD" na ganap ang kanyang Iglesia?

      Kundi ang sabi ng biblia ay TAO ang TATALIKOD at HINDI ang IGLESIA!!!!

      At kung sasabihin mong "natalikod" na nga ang TUNAY na IGLESIA-- ang IGLESIA KATOLIKA ay baka naman makatulong sa iyo itong OFFICIAL na pahayag ng INC ni Manalo ukol dito...

      PASUGO, Abril 1966, p. 46:

      “Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."

      Ayon, sabi ng PASUGO eh "HANGGANG SA KASALUKUYAN" daw ay UMIIRAL pa ang IGLESIA KA... ibig sabihin UMIIRAL pa rin ang unang IGLESIA KATOLIKA na sa pasimula ay siyang IGLESIA NI CRISTO!!!

      Huwag mong sabihing mas magaling ka pa kaysa sa mga MINISTRO na nagsulat nito sa PASUGO... and take note... OFFICIAL po yan!

      At kung ang IGLESIA KATOLIKA ay umiiral pa rin hanggang sa ngayon, na siyang tunay na Iglesia ni Cristo, anong KASASAPITAN ng INC ni Manalo?

      Basa.....

      PASUGO Mayo 1968, p. 7:

      “Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

      Official din po yan!

      Ngayon sinong maniniwala sa mga sabi-sabi mong opinyon... heto at confirmed na ng PASUGO at official na nga ito at DI NIYO NA MABUBURA pa ito!!!

      Salamat PASUGO!

      Delete
  2. “Ating hahanguhin ang mga PAHAYAG ni CRISTO noong ITATAG niya ang KANYANG IGLESIA (Mt. 16:13-20)!

    13 Nang dumating si Jesus sa bayan ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Ano ang sinasabi ng mga tao patungkol sa Anak ng Tao?" 14 At sumagot sila, "Ang sabi po ng ilan kayo si Juan na Tagapagbautismo. Sabi po naman ng iba, kayo si Elias. At may nagsasabi pong kayo si Jeremias, o isa sa mga propeta." 15 Tinanong ulit sila ni Jesus, "Ngunit para sa inyo, sino ako?" 16 Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay." 17 Sinabi sa kanya ni Jesus, "Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama na nasa langit. 18 At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit." 20 At mahigpit niyang iniutos sa kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya nga ang Cristo.”

    “Sino ang KAUSAP ng PANGINOONG HESUS noong itatag niya ang kanyang NAG-IISANG IGLESIA?

    "Ikaw si PEDRO (hindi si FELIX MANALO), at sa ibabaw ng batong ito (hindi si FYM) itatayo ko ang AKING IGLESIA (sa ibabaw ng bato-- si Pedro at hindi si Felix Manalo) at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya."

    Dito sa parteng ito ay itinayo ng panginoong hesus ang iglesia niya, ngunit nag komento naman po sila ng ganito. "Ikaw si PEDRO (hindi si FELIX MANALO), at sa ibabaw ng batong ito (hindi si FYM) itatayo ko ang AKING IGLESIA (sa ibabaw ng bato-- si Pedro at hindi si Felix Manalo) at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya."”- una po wala po itinuturo ang IGLESIA NI CRISTO ngayon na itinayo ng KA FYM ang iglesia, itoý rehistro po ng IGLESIA NI CRISTO sa pilipinas.. at sinasampalatayanan naming na ang iglesiang ito na inirehistro niya ay siyang TUNAY at ang unang IGLESIA NI CRISTO dahil ang tinuro dito ay siya ring itinuro ng sa unang iglesia, walang nabago, walang napalitan…

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Cristo ba ang nagtatag ng INC sa Pinas?

      Basa...


      PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
      “Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
      Yun pala eh!

      Hayon, sinasabi pala ng REHISTRO na si FELIX MANALO ang NAGTATAG ng INK (INC)?!!

      Sinong maniniwala ngayon sa iyong mga opinyon fakereligion-inc?

      Heto pa, basahin mo!

      PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
      “Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

      Kahit sino raw ay WALANG KARAPATANG MAGTAYO... TANGING si CRISTO LAMANG!

      Ulitin natin.. sino ba ang nagtatag ng INC sa Pinas?

      PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
      “Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

      TUNAY nga... si FELIX MANALO ang NAGTATAG ng INK!!!

      At ano naman ang KASASAPITAN ng TATAG ni Manalo na INC?

      Heto ang sagot mula sa Pasugo!!!

      PASUGO Mayo 1968, p. 7:
      “Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

      Salamat PASUGO!

      Delete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.