Pages

Tuesday, November 18, 2014

INC™ member ang KRUS daw ay simbulo ni Satanas??

Taken from INC™ - Catholic Forum in Facebook "Catholic Church 33 A.D vs INC 1914 A.D."


Ginoong Gomez, alam mo ba ang mga pinagsasabi mo sa Forum? Aprobado ba ng pamunuan ng INC ang iyong mga binitiwang opinyon?

Ang mga sinabi mo ba ay ang kabuuan ng paniniwala sa loob ng INC™ ni Manalo? Tahasan mo bang inaamin na ika'y nagsasabi ng katotohanan ayon sa PANINIWALA ng buong Iglesia Ni Cristo®?

Sabi mo: "Dmo kc alam c Kristo nagtayo ng ng Iglesia noo. Pa pero bago cya napaku sa Krus sinabi na niya sa kanyang mga apostol. Na natalikod ang Iglesia dahil cla ay papatayin.at 22ong nangyari ito. Pero sinabi rn nya na ito ay muling babangon."

Nagugulat ako sa mga sinabi mo. Saan ba sinabi ni Jesus na "NATALIKOD ANG IGLESIA" (past tense)?

Ibig mo bang sabihin eh mamamatay pa lang si Cristo sa krus ay "NATALIKOD" na ang "IGLESIA"?

Maaari mo bang IBAHAGI sa amin kung SAAN ito NAKASULAT sa Biblia? Anong VERSION ng Biblia? Anong CHAPTER? Anong VERSE?

Kapag napatunayan mo 'yan, AANIB ako agad agad sa INC™ ni Manalo!


Sabi mo: "... ang krus ay simbulo ni satanas..."

Nasagot na po namin ito sa naunang artikulo na sinulat ko: "The "sign of the Cross is a mark of the Beast" says an Iglesia ni Cristo member"

Nakasulat ba ito sa Biblia?

At kung meron man, may sinabi ba talagang "ang krus" MISMO ay "SIMBULO ni satanas"?

Sabi niyo ung wala sa Biblia ay HINDI dapat paniwalaan?  Sige, hintay namin ang sagot mo para mapatunayan natin kung KARAPAT-DAPAT ka bang PANIWALAAN o hinde!

Very exciting itong naman ang napulot mong kaalaman. Ganito pala ang mga inaralan ng mga pekeng sugo!

Bagkos, ang sabi ng Biblia tungkol sa KRUS ay ganito: 1 Corinthians 1:17-23

"For Christ did not send me to baptize but to preach the gospel, and not with the wisdom of human eloquence, so that the cross of Christ might not be emptied of its meaning.

"The message of the cross is foolishness to those who are perishing, but to us who are being saved it (the CROSS) is the power of God. For it is written:“I will destroy the wisdom of the wise,and the learning of the learned I will set aside.”

"Where is the wise one? Where is the scribe? Where is the debater of this age? Has not God made the wisdom of the world foolish? For since in the wisdom of God the world did not come to know God through wisdom, it was the will of God through the foolishness of the proclamation to save those who have faith. For Jews demand signs and Greeks look for wisdom, but we proclaim Christ crucified, a stumbling block to Jews and foolishness to Gentiles..."

Ang KRUS daw ay KAPANGYARIHAN NG DIOS sa mga katulad NAMING ILILIGTAS!!!

Sabi ng INC™ member: "Punta ka sa loob ng mga kapilya nmin kung may makita ka na mga rebulto. Pag may makita ka bigyan kita ng 10K."

Hindi naman usapin kung nasa loob o nasa labas ang isang imahe o rebulto. Yung rebulto ni FELIX MANALO sa LABAS ng inyong CENTRAL eh INAALAYAN pa ng BULAKLAK?

Ang rebulto ba ay BATO LAMANG? Bakit KAYO  NAG-AALAY ng bulaklak sa ISANG BATO? Hindi ba kayo mga TIMAWA't NAG-AALAY sa isang MUOG na YARI sa BATO?!

Mga IPOKRITO!


Acts 20:28: "Keep watch over yourselves and over the whole flock of which the holy Spirit has appointed you overseers  in which you tend the church of God that he acquired with his own blood."

Mga Gawa 20:28 "Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, sapagkat sila'y inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos a na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak."

O nasaan ung "IGLESIA NI CRISTO" sa Mga Gawa? Wala naman ah...

Ah... sa Lamsa Translations siguro ang tinutukoy mo.  Di naman Tagalog ang Lamsa Bible ah!

Acts 20:28 (Lamsa) "Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood."

Na mabilis namang ISINALIN ng mga Iglesia Ni Cristo® sa Tagalog para lalabas ang mga salitang IGLESIA NI CRISTO, patunay raw na NASA BIBLIA sila (and ni-capslock pa ang IGLESIA NI CRISTO sa Torch of Salvation Blog):  

Mga Gawa (salin ng mga INC™ sa Tagalog): "Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Bakit PINALITAN ni George Lamsa ang "church of God" sa "church of Christ" na siyang ikinatuwa ng mga kaanib ng INC™ ni Manalo? 

Sapagkat HINDI matanggap ni Lamsa na ang DIOS ay MAY DUGO. 

Hindi raw ito MAAARI sapagkat ang Dios ay walang dugo. Kaya't MAS ANGKOP daw kay "CRISTO" ang mga katagang: "...upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng KANYANG DUGO." Dugo raw ni Cristo 'yan at hindi ang Dios. 

Ganyan ang paniniwala kasi ni George Lamsa bilang kaanib ng ASSYRIAN CHURCH of the EAST (Sorry po mga INC™ hindi po sila aanib kahit kailan sa Iglesiang TATAG ni FELIX MANALO!).

Ano po ba kasi ang Assyrian Church of the East?

Sila po ay taga-sunod ng EREHENG si NESTOR o ng "NESTORIAN CHURCH".

Heto po ang sabi ng Wikipedia tungkol kay NESTOR at ang kanyang HERETIC THEOLOGY:

"Nestorius (386–450), Patriarch of Constantinople from 428–431. The doctrine, which was informed by Nestorius' studies under Theodore of Mopsuestia at the School of Antioch, emphasizes the disunion between the human and divine natures of Jesus. Nestorius' teachings brought him into conflict with some other prominent church leaders, most notably Cyril of Alexandria, who criticized especially his rejection of the title Theotokos ("Bringer forth of God") for the Virgin Mary. Nestorius and his teachings were eventually condemned as heretical at the First Council of Ephesus in 431 and the Council of Chalcedon in 451, leading to the Nestorian Schism in which churches supporting Nestorius broke with the rest of the Christian Church."

Kita niyo na? Ang LAMSA ay HINDI naniniwala sa pagka-DIOS ni Cristo kaya't hindi ito kataka-taka kay Ginoong Lamsa. 

Ngunit sa kasamaang-palad ay HINDI po UMANIB si Ginoong George Lamsa sa mga Iglesia Ni Cristo®

Romans 16:16 "Greet one another with a holy kiss. All the churches of Christ greet you."

Ano raw?

Ang LAHAT daw ng mga iglesia ni Cristo (hindi Iglesia Ni Cristo) ay BUMABATI sa kanya? 

Hindi ba't ito'y SULAT ni Apostol San Pablo sa Iglesia sa Roma? 

Magkaiba po ang Iglesia sa Roma sa INC sa Roma

Ang Iglesiang tinutukoy ni Apostol San Pablo ay ang IGLESIA SA ROMA at HINDI po ang Local ng INC sa Roma. Ang Iglesia sa Roma ay NAROON pa rin sa Roma sa kasalukuyan. Ito ang NAG-IISA, BANAL, PANGKALAHATAN (CATHOLIC) at APOSTOLIKONG IGLESIA NI CRISTO sa Roma!


Sa katunayan, halos LAHAT NG BANSA na may Iglesia Katolika ay BUMABATI nga naman sa IGLESIA SA ROMA! Tunay nga na NATUPAD sa Iglesia Katolika ang sinasaad ng Roma 16:16 "... lahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati SA INYO (Iglesia sa Roma at hindi sa Pinas!)."

Ang Local na INC sa Roma ay BUMABATI sa CENTRAL nila sa PILIPINAS at HINDI sa Roma.



Heto ang nakagaya sa Apocalipe o Revelations 13:16-18

"It forced all the people, small and great, rich and poor, free and slave, to be given a stamped image on their right hands or their foreheads[j]so that no one could buy or sell except one who had the stamped image of the beast’s name or the number that stood for its name.

"Wisdom is needed here; one who understands can calculate the number of the beast, for it is a number that stands for a person. His number is six hundred and sixty-six."

May nabasa ba kaming 'TANDA NG KRUS" sa Revelations 13? Wala naman ah.

Gawa-gawa lang kayo ng kwento palibhasa eh nag-aantanda kami ng Krus mula noo eh kami na yung pinapatungkulan ng Revelations 13... mga inaralan talaga kayo ng PEKENG SUGO!


Naku, alam na alam po namin yan. Sino naman ang Iglesia Ni Cristo® para aralan kami ng kasaysayan eh hirap pa kayong nakarating sa 100 Year Anniversary.

Pero ang HINDI namin alam ay kung SAAN ba SINABI  ni CRISTO na "NATALIKOD" ang Iglesia (past tense pa ha).  So BUHAY pa ang mga apostol ay "NATALIKOD" na ang Iglesia?

Heto ba ang mga sinasabi niyong SUMUSUNOD sa ARAL NG BIBLIA?

Mukhang hindi Biblia ang binabasa nito kundi nobela.

Di bale, di naman kami naniniwala sa mga sabi-sabi sapagkat ang sabi ni Cristo ay "HINDING-HINDI" raw po "MATATALIKOD" ang kanyang "IGLESIA".

Pangakong NAGKATOTOO!

Opo, 2,014 years na po ang IGLESIA KATOLIKA! Nakasulat po yan sa mga kalendaryong NAKASABIT sa inyong mga OPISINA sa CENTRAL OFFICE ng INC™.

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.