Pages

Saturday, May 23, 2015

LIFESTYLE CHECK sa mga MINISTRO ng IGLESIA NI CRISTO® ayon kay G. Antonio Ebangelista

KAPATID NA RADEL G. CORTEZ (read here)
1. Position: The General Secretary of the Iglesia Ni Cristo
2. Lifestyle Component: Luxury Vehicles (one of many)

Pangalan: Eraño “Erdz” Codera (read here)
Tungkulin: Ministro
Natatanging Tungkulin: Political Liaison ng Iglesia Ni Cristo
Unexplained Wealth: High-End Luxury Vehicles
1. Hyundai Sta. Fe Titanium Silver

16 comments:

  1. Meron palang Political Liaison ang mga INCM? Now i know..

    ReplyDelete
    Replies
    1. There was a complete secrecy inside the INC™ of Manalo. But now everything is being revealed. They always paint a fake imagery that their INC™ Church is pristine and pure but look, their filthy activities and greed is now exposed. Truly Jesus is working and that he is exposing the LIES within the Iglesia Ni Cristo®

      Delete
  2. HINDI PO KAMI NABABAHALA SA MGA GANYANG MGA AKUSASYON AT PANINIRA SA IGLESIA NI CRISTO. HINDI NA PO BAGONG BAGAY SA AMIN YAN.

    Kung mapatunayan na totoo ang mga ipinaparatang na yan sa kaninuman pagkatapos ng patas na pagsusuri, subok na subok na namin ang pagiging mabuting lider ng Pamamahala sa INC, hindi kukunsintihin yan kundi lalapatan ng kaukulang disiplina at aksiyon, sinuman sila.

    SA INYO PO BA AY NILALAPATAN NG TAMANG DISIPLINA O KAPARUSAHAN ANG SINUMANG KAANIB NIYO NA GUMAGAWA NG KATIWALIAN O KASAMAAN? ITINITIWALAG PO BA SILA SA INYO?

    Kung gusto po ninyo ng usapan ukol sa katiwalian o kasamaan ng mga kaanib at mga lider ng relihiyon ng INC o ng Iglesia Katolika, CALL PO AKO RIYAN.

    Timbangin po natin kung sino ang punong-puno ng kabulukan sa moral, mga eskandalo, iba’t ibang uri ng kasamaan at katiwalian, mga pagpatay sa kapuwa tao, at kung ano-anong mga imoralidad. Iglesia ni Cristo po ba? o Iglesia Katolika?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi kayo nababahala pero PINAGBABAWALAN niyo ngayon ang mga Ministro niyo na gumawa ng Facebook account na hindi sinasang-ayunan ng mga nasa Sanggunian?

      HIndi kayo nababahala pero bawal ang magdala ng recorder, ng celphone, ng mga gadgets sa loob ng mga conferences ninyo?

      Hindi nababahala pero HINA-HUNTING niyo kung sino si Antonio Ebangelista?

      Oo nga naman, HINDI KAYO NABABAHALA! Hindi halata!

      Delete
    2. At tinitiwalag niyo sino man ang mahuling nagsi-SHARE o nagku-COMMENT sa social media tungkol sa mga akusasyon ni Antonio Ebangelista.

      Minsan, basahin mo paulit ulit ang mga comments niyo bago niyo i-submit dahil lalabas na kahiya-hiya kayo sa paniningin ni A.E.

      Delete
  3. HINDI PO PALA NINYO NAINTINDIHAN ANG KAHULUGAN NG SINABI KO NA, “DI KAMI NABABAHALA.”

    Simpleng analogy lang po. Halimbawa, sinabi ko po na di kami nababahala sa mga lumalaganap na kasamaan at kahirapan sa mundo ngayon. Ang ibig po bang sabihin nito ay di na kami mag-iingat sa paglakad, gagawin naming laging bukas ang mga pintuan pati bintana ng aming bahay para pumasok kahit na ang masasamang loob, di na kami magsisikap at gagawa ng mga kaparaanan para sa aming ikabubuhay tutal di naman kami nababahala sa mga kasamaan at kahirapan na nangyayari. Sana po ay inunawa po muna ninyo ang kabuuan ng aking sinasabi. Basahin po ninyo ulit ang unang bahagi at sana'y maunawaan na po ninyo kung bakit di kami nababahala sa mga ganyang pangyayari para huwag kayong mahulog sa maling pakahulugan. Kung di pa rin po ninyo maunawa ay sabihin ninyo lang at ipaliliwanag ko sa inyo ang kahulugan kung bakit ko po sinabi na di kami nababahala.

    KAYA KONTING INGAT NAMAN PO SANA SA PAG-UNAWA SA MGA SINABI KO PARA HUWAG PO KAYONG NALALAGAY SA ALANGANING SITWASYON.

    At saka paalala lang po. Pakisagot naman po ang mga tanong ko. Wala naman pong mahirap unawain sa mga tanong ko, di ba? Napakasimple lang naman po at madaling unawain ang mga itinanong ko. Pasensiya na po at uulitin ko lang dahil sa baka na-ooverlook ninyo lang at di ninyo sinasadya na iwasan na lang na sagutin ang mga ito.

    SA INYO PO BA AY NILALAPATAN NG TAMANG DISIPLINA O KAPARUSAHAN ANG SINUMANG KAANIB NIYO NA GUMAGAWA NG KATIWALIAN O KASAMAAN?

    ITINITIWALAG PO BA SILA SA INYO?

    ANG GUSTO PO BA NINYO NA PAG-USAPAN NATIN AY ANG UKOL SA MGA KATIWALIAN O KASAMAAN NG MGA KAANIB AT MGA LIDER NG RELIHIYON NG INC O NG IGLESIA KATOLIKA?

    Pagpaumanhinan na lamang po ninyo ako kung tinamaan na naman kayo ng mga pa-jab jab na pinakakawalan ko. Let us practice good sportsmanship kung baga sa boksingero. OK po ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganon na ganon ba kayo sumagot kay Antonio Ebangelista? EBAK pa nga tawag niyo sa kanya.

      Nasagot niyo na ba ang mga akusasyon ni G. Ebangelista? Bakit dito ka nagkakalat? May link po ung blog ni G. Ebangelista at gusto kong dun ka sumagot... please send me link na sumagot ka sa blog ni G. Ebangelista!

      Delete
  4. Wala po akong makitang part na puwede na magcomment. Tinanggal na po yata niya. Yong iba na nagpost ay idinilete na niya. Ito po ang katunayan:

    http://theiglesianicristo.blogspot.com/2015/06/ano-ba-ang-tunay-na-layunin-ni-antonio.html

    Siguro po ay makakahalata na rin kayo sa tunay na layunin niya. Suggest ko lang po sa inyo, nasa inyo kung tanggapin niyo, Huwag po kayong tutulad sa ganyang uri ng tao na hindi pag-ibig ang umaakay sa pagpuna kundi paghihiganti. Madadamay kayo sa kanyang mga kasalanan.

    Medyo irritating po ang ilang bahagi nang sagot sa inyo ni Ka readme. Pero itinuring ninyo po ito na gamot na bagaman mapait pero magbibigay sa inyo ng kagalingan.

    Wait ko pa rin po ang sagot ninyo sa iba pang ipinost kong comment o sagot sa inyo. Thank you po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang layunin ni G. Antonio Ebangelista ay ISIWALAT ang KATAKAWAN sa PERA ng Sangunian at ang lumalaking SIGALOT sa pamilyang MAY-ARI ng INC™ na walang iba kundi ang PAMILYA MANALO!

      Delete
    2. Ayaw lang ni ReadMe INC na siraan ang INC dahil SIYA MISMO ay KASABWAT ni Ka Jun Santos dahl nasa Finance Department din siya nagtatrabaho. Sana eh ihayag din ni Ka Antonio Ebangelista ang tunay na pagkatao ng ReadMe na yan.

      Naalala niyo pa ba ang post niya noon na sinabi niyang IGLESIA KATOLIKA TULUYAN NANG BUMAGSAK SA KANLURAN yon pala eh MANGHIHINGI lamang ng DAGDAG ABULOY at HUWAG DAW IKATISOD...

      O ano ngayon, lumabas na NAGPEPERA na masyado ang INC™ ayon kay G. Antonio Ebangelista at kasabwat pa si ReadMeINC sa panawagan na HUWAG DAW IKATISOD ang DAGDAG ABULOY!

      Ganyan ba ang mga Ministro na nagsisilbi sa inyong Central, ang GATASAN ang mga kaanib para sa kanilang pansariling kapakanan samantalang maraming mga kaanib ng INC™ ang naghihirap?!

      Delete
  5. Pasensiya na po kung nagiging negatibo ang napupuna ko sa inyo. Kasi po ang bilis niyong humatol kahit wala pa naman kayong mga napatutunayan na mga validong katibayan at katunayan. Madali lang po ang mag-akusa ng kahit ano kahit na kanino ngunit ang patunayan ang akusasyon, yon po ang maglalantad ng katotohanan. Si ka Readme ay kaanib na sa INC at natitiyak kong sinusubaybayan niya ang mga akusasyon ni Antonio Ebangelista ngunit hindi niiya sinasabi na mali o tama ang akusasyon dahil sa nauunawaan niya na wala siya sa posisyon upang sabihin ito dahil sa aminado siya na wala naman siyang alam sa mga akusasyon ni Ebangelista.

    Pero kayo po, na wala namang kaalam-alam sa mga tunay na pangyayari at mga detalye ng mga ipinaparatang ay agad-agad na naniniwala sa mga akusasyon. Dahil po ba sa ang akusasyon ay akusasyon sa itinuturing niyong kaaway ay agad na kayong kumakampi sa nag-aakusa? Kung kayo po ay isang hukom at mayroon inakusahan na gumawa ng pagnanakaw agad po ba ninyong hahatulan ang inakusahan na siya ay totong nagnakaw ng hindi muna ninyo titiyakin ang katotohanan ng paratang.

    DI PO BA IBIBILANG KAYO NA MASAMANG HUKOM KUNG GANOON ANG INYONG MAGIGING REAKSIYON?

    Pasensiya na po, pero yan po ang nahahayag sa ginagawa ninyo ngayon.

    Kahit tanungin po ninyo ang mga matitino na kaanib ninyo ay natitiyak kong ganyan din ang sasabihin sa inyo.

    Alam na alam din po ninyo siguro na parurusahan ng Diyos ang mga humahatol nang di matuwid na paghatol. Hindi po ba kayo natatakot sa Panginoong Diyos na nakakaalam ng nilalaman ng bawat puso at pag-iisip ng tao? Kung ang mismong puso ninyo ay sinasabi sa inyo na masama ang ginagawa ninyo, Lalo naman ang Panginoong Diyos na hindi ninyo maililihim sa Kaniya ang inyong mga masamang layunin at gawain.

    Nabasa ko na po ang sagot ni Ka readme sa akusasyon ninyo sa kaniya na dahil siya ay finance officer ay pinaratangan na ninyo agad na kasama sa katiwalian. Sang-ayon po ako sa sagot niya dahil sa kaanib din ako sa INC at alam ko rin na bawat lokal namin ay maraming mga finance officers.

    Sana po ay makatulong ako kahit kaunti na maituwid ang inyong mali at masamang paraan ng pagtatanggol sa inyong simbahan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alfer, siguro baguhan ka lang dito sa aking blog. Baka pwede balikan mo mula nang nagumpisa itong blog ko para malaman mo ang BUONG DAHILAN kung paano at bakit nabuo ito.

      Kaya't nasabi mong "Madali lang po ang mag-akusa ng kahit ano kahit na kanino ngunit ang patunayan ang akusasyon, yon po ang maglalantad ng katotohanan."

      Totoo ito.

      Dapat sana, kung ganito pala ang pamantayan niyo eh IN-APPLY niyo sa mga Katoliko. Kung mag-akusa kayo sa aming mga Katoliko ay parang wala na kaming ginawang tama sa paningin niyo. At ang tanging kasalanan namin ay ang pagiging Katoliko. Hindi ba't kaya kayo nangangandarapang I-CONVERT ang mga Katoliko ay para MALIGTAS kami sa dagat-dagatang apoy dahil ang tingin niyo sa aming lahat ay mga NASA DEMONIYO?

      At hindi mo pwedeng ikaila ito dahil MISMONG SI FELIX MANALO na inyong SUGO at TAGAPAGTATAG ang NAGTURO niyan sa inyong mga Ministro at maging sa inyong mga kaanib!

      PASUGO Agosto 1962, p. 9:
      “Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”


      Sabi mo pa: "Pero kayo po, na wala namang kaalam-alam sa mga tunay na pangyayari at mga detalye ng mga ipinaparatang ay agad-agad na naniniwala sa mga akusasyon. Dahil po ba sa ang akusasyon ay akusasyon sa itinuturing niyong kaaway ay agad na kayong kumakampi sa nag-aakusa?"

      Hindi ba't ganyan na ganyan ang mga akusasyon at paratang niyo sa mga pari namin na kesyo LAHAT eh bading, pedopilya, etc etc.. at pinagpipiyestahan niyo pa nga ang mga bawat articles sa news na may kinalaman sa kabuktutan ng ilan sa aming mga members?

      Kung yon pala ang ay masakit, BAKIT NIYO GINAGAWA SA MGA KATOLIKO?

      Ngayon, INAANI NIYO LAMANG ANG BUNGA NG INYONG SARILING GAWAIN!

      Hindi natutulog ang Diyos kaya't PINAPALASAP lamang niya sa inyo kung ano ang ibig sabihin ng DO NOT DO UNTO OTHERS WHAT YOU DO NOT WANT THEM DO UNTO YOU...

      Naging MASAMANG HUKOM kayo, mula pa sa inyong sugo hanggang sa ngayon... MAG-LIKE lng sa FB page ni AE eh TIWALAG NA..

      SA tingin mo, MAKATARUNGAN? kaya kung pwede huwag kayong IPOKRITO. Gawin niyo muna sa kapwa niyo ang mga sinasabi mo sa akin bago mo asahang ibalik sa iyo ang kabutihan.

      Itinanim niyo sa mga kaanib niyo ay MASAMA LAHAT ANG MGA KATOLIKO, may aasahan pa ba kaming mabuti galing sa inyo?

      Tingnan niyo, KAYO LANG ANG MAY NEGATIVE FEEDBACK sa pagdalaw ni Pope? kayo lang mga IGLESIA NI CRISTO® ang WALANG REPRESENTATIVE sa INTER-RELIGIOUS DIALOGUE noong dumalaw sya?

      Ganyan ba ang sinasabi mong KATARUNGAN?!

      Be real! Sawang sawa na kami sa kaipokrituhan niyo sa aming mga INC™. !!!

      At pasensiya at di po ako nagbabasa ng articles in ReadMeINC, minsan lang kapag may panahon akong mag

      Delete
    2. SINABI KO NA PO SA INYO NA HINDI PO AKO SANG-AYON SA MGA GAWANG PANINIRA O PAGPAPASAMA SA KAPUWA.

      Ang turo ng kapatid na Felix Manalo ay di yan gawain ng mabuting tao o ministro. Ang utos ng Panginoong Diyos ay pag-ibig sa kapuwa. Naniniwala rin po ako sa simulain na itinuro ng kapatid na Felix Manalo na ang ibunyag ay ang mga maling aral o turo para sa kapakanan ng kaluluwa ng lahat ng tao upang ang sundin ay ang mga aral ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.

      Ang alam ko po na itinuro sa amin ay dalawa lamang ang uri ng tao sa paningin ng Diyos: Sa Diyos o sa diablo. Kung hindi siya sa Diyos, sa diablo siya, Kung sa Diyos siya, hindi siya sa diablo. Ang isa po sa aral sa INC ay iisa lamang po ang tunay na Iglesiang sa Diyos at naniniwala kami na sa panahon ngayon ay yon ang INC na ipinangaral ni Ka Felix Manalo. Kaya kung hindi tunay na INC ang organisasyon hindi po yon sa Diyos kundi sa diablo. Kaya siguro sinabi na hindi kayo sa Diyos kundi sa diablo. Napakapait po yon na pananalita pero kung totoo ay dapat pa rin na lunukin.

      Ang dapat sana na gawin po ninyo ay pabulaanan o tutulan ang sinasabing hindi kayo sa Diyos kundi sa diablo ngunit sa paraang itinuturo ng Biblia na maging mahinahon at magalang na ituwid ang mga sumasalungat sa inyo.

      Ang turo pa ni Apostol Pedro ay HUWAG NINYONG GANTIHIN NG MASAMA ANG MASAMA O NG ALIPUSTA ANG PAG-ALIPUSTA.

      TINATALIKURAN NA BA NINYO ANG TURO NG IPINAGMAMALAKI NIYO NA UNANG “PAPA” NINYO?

      KAHIT ANO PA ANG GAWIN PO NINYONG PAGMAMALINIS O PAGDEPENSA O PANINISI SA IBA SA GINAGAWA NINYONG PANINIRA AT MISREPRESENTATION AY NAMAMALAGI PA RIN ANG KATOTOHANAN NA MASAMA ANG GINAGAWA NINYONG YAN.

      Kagaya na lang kayo nila Eba at Adan na noong punahin sa kanilang kasalanan ay kung ano-ano pa ang ikinakatuwiran at isinisisi sa iba ang kanilang kasalanan sa halip na magpakababa at kumilala sa kasalanan. Kaya nagalit ang Diyos sa kanila at pinalayas pa sila sa paraiso. Gusto po ba ninyong kasama kayo sa itinatakwil ng Dios dahil sa inyong masasamang gawa.

      Ang pag-ulit po ninyo sa pagbanggit na itiniwalag dahil sa pagre-post ng mga akusasyon ni AE ay nangangahulugan lamang na di pa rin ninyo naunawa ang isinagot ko sa inyo. Ginamit ko na nga ang mismong sinasabi ninyo na LATAE SENTENIAE. Di po ba ninyo napansin na kasama sa ground for expulsion maging sa standard ng simbahan ninyo ang kasalanan na lumilikha ng pagkakabaha-bahagi sa Iglesia, o ang pagiging “schismatic.” Marami ganyan ngayon na mga nagpapakilalang KATOLIKO na lumilikha ng “schism” sa inyong simbahan pero di ninyo itinitiwalag? BAKIT KAYA?

      Ang katunayan na may justice po sa INC ay ipinatawag sila, siniyasat na mabuti, at binigyan ng pagkakataon na ihayag ang kanilang panig. Napatunayan po na di sila napasakop sa bilin ng aming Tagapamahalang Pangkalahatan kaya sila dinisiplina. Kung nasa panig pa rin sila ng pamamahala sa INC ay dapat nilang ipakita ang pagpapakababa at pagkilala sa kanilang pagkakamali ay bibigyan sila ng pagkakataon na makabalik sa INC. Unfair po ba yon? Idilat po ninyo ang inyong mga mata sa katuwiran para huwag kayong mamalagi sa mga naililigaw o nadadaya ng diablo at ng mga kinakasangkapan niya.

      Delete
    3. Ano po ba ang negative feedback ng pamunuan ng INC sa pagdalaw ng PAPA ninyo? Paki specify nga po para malaman ko rin.

      Delete
    4. Mayroon po ba kayong katunayan na sinabi ng aming pamamahala sa INC na LAHAT ng pare ninyo ay bading o pedophilia?

      Yon po ba na mga kaso ng mga pari ninyo ukol sa immoralidad at corruption, napatunayan bang totoo o hindi?

      Delete
  6. Hindi pa rin pala ninyo mahalata ang masamang layunin ni Antonio Ebanghelista at mga kasinungalingan na hinahaluan ng ilang katotohanan para magmukhang totoo ang sinasabi niya. O baka naman po talagang nagbubulag-bulagan lang po kayo na kahit kitang-kita na ang kanyang mga kasinungalingan pero dahil sa galit kayo sa INC kaya kumikiling agad kayo sa mga paratang niya na wala namang validong katunayan kundi akusasyon lamang.

    Ganyan ba ang lahat ng CFD o kayo lang po ang ganyan? Alam po kaya ng pamunuan ng simbahan ninyo ang masamang ginagawa ninyong ito? Curious lang po ako kung may sanction ang pamunuan ng Iglesia Katolika sa napakalaking blunder (a gross stupid mistake) na ginagawa po ninyo.

    Sino-sino pa kayang mga CFD ang gumagaya sa inyo? Lalo lang kayong magiging kahiya-hiya sa mga ginagawa ninyong ito at kapag nalaman ito ng mga unbias na miyembro ninyo ay lalong hindi na sila maniniwala sa inyo.

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.