Pages

Thursday, August 25, 2011

Glory is given to buildings, colors, symbols, and 'inc"-- ultimately give praise to the founder

Have we got any answers for these pressing questions to the Iglesia ni Cristo of Felix Manalo?

What's in their LOGO?

What's the meaning of their FLAG?

What's the meaning of their 97th Year Anniversary Logo?

These are the new "baal" being worshiped-- buildings, symbols, colors, and the "inc" abbreviations. Yes, they do not have images of "saints" (Christian heroes) but their buildings, logos, symbols, tri-color and their registered name are their new gods being worshiped.

Those abbreviations "inc" is another form of marketing their registered trademarks.

That symbol, what does it mean?

Those "crescents" tri-color, what do the mean?

The color, the number, the registered name in tagalog "Iglesia ni Cristo"-- a form of a "god"?




Or you mean "Iglesia ni Cristo-Church of Christ" by Felix Manalo?

The Green, White and Red, what does it mean?

"inc"?

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

F. PAGKAKAPAREHO NG DIWA SA PAMAMARAAN NG TUNGKULING TINANGGAP SA DIOS (DAW) NI JESU-CRISTO AT NI G. FELIX MANALO

PASUGO Hulyo 1965, p. 12:
Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios."

Tanong: Sasangayunan kaya ito ng Banal na Kasulatan? Hindi po sapagkat ang ginawang pamamaraan ni Cristo bilang diwa ng kanyang tungkulin ay ang mababasa sa Hebreo 9:14 na ganito:

“Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios..."

Naganap din ba ito kay Felix Manalo upang masasabi natin na sila'y magkapareho? Hindi po, sapagkat ang nababasa sa PASUGO Mayo 1964, p. 1 ay ganito:

“Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo."

NOTA: Patiwarik pala o kabaliktaran, sa halip na umano'y magkapareho sila, ay nakakataas pa si Manalo kay Cristo. Bakit? Sapagkat si Cristo'y inihahandog ang kanyang dugo at sarili sa Dios, subalit si Felix Manalo nama'y siya ang pinaghandugan ng Dios ng kanyang sarili (daw).

Dahil dito'y pikit matang pinaniniwalaan ng kanyang mga kaanib na siya ay sinugo ng Dios upang itatag ang Iglesia sa Pilipinas. 

At ang isang punto na ibig kong linawin sa bagay na ito ay yaong sinasabi nilang "Si Felix Manalo lamang ang tanging may Dios." 

Ang paniniwala nilang ito ay laban sa Banal na Kasulatan ayon sa talatang sumusunod:

Juan 20:17: "Sinabi sa kanya ni Jesus, huwag mo akong hipuin, sapagkat hindi pa ako nakaakyat sa Ama, ngunit pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila; Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios."

Kung si Cristo'y hindi niya inaring sariling Ama at Dios ang Dios, gasino pa kaya itong Felix Manalong ito? At ang mga tagasunod naman niya'y pikik-matang sunud-sunuran, na kung sa ating kapanahunan ngayon ay "Mga tupa nina Manalo" kung tatawagin. Kaunting pagbubulay-bulay o sentido comun naman mga kababayan!

G. ANG MGA KARAPATAN NI JESU-CRISTO NA INAANGKIN NI G. FELIX MANALO AT NG IGLESIA NI CRISTO NA LUMITAW SA PILIPINAS NOONG 1914

PASUGO Enero 1941, p. 12: 
Hindi inaangkin ng Iglesia ni Cristo ang karapatan ni Cristo at ng mga Apostol o ng ninuman. Siya'y may sariling karapatang galing sa Dios at kaloob ng Dios. Siya'y inihalal ng Dios at hindi siya ang naghalal sa kanyang sarili. Sa Apoc. 7:2 ay sinasabing isang anghel ang may taglay na tatak ng Dios na Buhay."

Ang sinasabi nilang ito ay tiyak na kasinungalingan sapagkat napakaraming inaangkin ni G. Felix Manalo na hindi nauukol sa kanya kundi nauukol kay Cristo. At bilang katunayan, ay narito at patutunayan natin sa pamamagitan ng PASUGO.

1-PASUGO Mayo 1961, p. 22:
Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5).

“Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."

Ngayon ay ganito ang tanong: Ang Pastor na ito na nabanggit sa Juan 10:16, totoo kaya na si G. Felix Manalo, at sa pinamagatang SULO sa pahina 58, ay ganito ang mababasa natin:

“Itinuturo din ng Iglesia Katolika na ang Papa ang siyang "Kataas-taasang Pastor". (Question Box 169). Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: "Ako ang tanging Pastor" (Juan 10:16).”

O paano ngayon ito? Kailangan pa ba namin na kami ay gumamit ng pangsarili naming pagpapatunay? Samantalang kayo rin ang mismong nagsasabing si Cristo ang tinutukoy na Pastor na nasa Juan 10:16? Paano ninyo sasabihin ngayong walang inaangkin ang Iglesia ni Cristo na karapatan ni Cristo! Sumagot nga kayo! 

Bueno, iwanan natin ang puntong ito at kumuha pa rin tayo ng ibang karapatan ni Cristo na kanilang inaangkin gaya nitong sumusunod: 

PASUGO Disyembre 1956, p. 17: (patula) 

“ANG KAPANGANAKAN NG SINUGO

At sa huling kaarawang nalalapit na ngang ganap;
Ang dakilang paghuhukom ng Dios sa taong lahat; 
Sa pagibig ni Bathalang ang tao ay maligtas; 
Sa hula ay pinabangon ang Sugo sa Pilipinas;
Siya ay si Kapatid Felix Manalo ang tawag;
Si Elias na paririto bago dumating ang wakas."

Ang liwanagin natin dito, ay yaong sinasabi nilang si Manalo ang siyang pag-ibig ng Dios na pinabangon o sinugo upang ang tao'y maligtas. At ang sinasabi nilang ito ay hindi sinasang-ayunan ng Banal na Kasulatan, at narito ang katunayan:

·         Juan 4:9,16: At nahayag ang pag-ibig ng Dios sa atin, sapagkat sinugo ng Dios ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya, at ating makilala at sampalayatanan "ang pag-ibig ng Dios sa atin..."

·         Gawa 4:12: At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan; sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na sukat nating ikaligtas."

Sa mga talatang ito ay napakaliwanag na sinasabing si Cristo ang sinugo ng Dios sa ikaliligtas. O paano ngayon ito, mayroon bang inaangkin ang Iglesia ni Cristo na karapatan ni Cristo? Sagutin ninyo ito mga kababayan namin!
Kumuha pa rin tayo ng isa sa karapatang inangkin nila na nauukol lamang kay Cristo.

PASUGO Hunyo 1967, p. 11 (patula) 
“Alaala natin ngayon ang kanyang kaarawan
Isang sangol na lalaki sa atin ay ibinigay;
Ang araw ay ika-sampu ang buwan ay Mayo naman;
Nang kumita ng liwanag ang sinugong ating mahal;
Sa dahon ng kasaysayan ay hindi na mapipigtal;
Ang kanyang kasaysayang punung-puno ng tagumpay."

Sino ang isang sanggol o batang lalaki na ibinigay sa atin? Si Jesus ayon sa Isaias 9:6 at ganito ang pahayag: "Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang Anak na lalaki; at ang pamamahala ay maaatang sa kanyang balikat; at ang kanyang pangalan ay tatawaging kamangha-mangha. Tagapayo, Makapangyarihang Dios at walang Hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan."

Ayon pa rin sa Lucas 2:11-16, ay sinasabing si Jesus ang siyang sanggol na ipinanganak sa isang sabsaban. At walang mababasa sa Biblia na ikalawang sanggol o batang lalaki na ibinigay sa mundo. Kun gayon ay inaangkin na naman nina G. Manalo ang pagkasanggol ni Jesu-Cristo. 

KABUUAN:

  • Limang panahon o nagkakaibang petsa ng pagkatatag ng Iglesia Katolika ang ipinangaral ni G. Felix Manalo sa mga kaanib ng Iglesiang kanyang itinatag.

  • Ipinangaral ni Felix Manalo na hindi siya nag-aangkin o hindi niya inaangkin ang karapatan ni Cristo sapagkat mayroon daw sariling karapatan na ibinigay ng Dios sa kanya. Datapuwa't pinatutunayan ng kanilang PASUGO na inaangkin niya ang karapatan ni Cristo gaya nitong mga sumusunod:

  1. Pastor na nasusulat sa Juan 10:16
  2. Pag-ibig ng Dios sa mga tao sa ikaliligtas 1 Juan 4,9,6; Gawa 4:12
  3. Isang sanggol na ibinigay sa atin Isaias 9:6; Lucas 2:11-16


H. ANG KARUNUNGAN NI FELIX MANALO

1-PASUGO Hunyo 1962, p. 35:
Ang mga sugo ay kusang pinagkalooban ng Dios na makaunawa ng mga salita ng Dios. Ang mga hindi sugo ay kusang pinagkaitan naman na makaunawa nga mga salita ng Dios."

2-PASUGO Enero 1953, p. 10:
“Ito'y natupad sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Siya'y marunong bagama't hindi nag-aral kailanman. At ang kanyang dunong ay humihiya sa mga kumakaaway sa kanya. Natupad din ito kay kapatid na Felix Manalo. Siya'y walang katangian ayon sa laman. Natupad gaya ng dunong, kayamanan, o kaya'y kapangyarihan. Hindi siya nag-aral sa paaralan ng tao. Ngunit kung si Kapatid na Felix Manalo man ay mangmang sa karunungan ng sanlibutan, gayunman ay marunong siya ng mga salita ng Dios."

Ang mga sinasabi nilang ito ay pawang kayabangan at kasinungalingan. At dito natin sila ngayon puputulan ng dila upang huwag magpalalo sa pagmamayabang, sapagkat nasusulat sa kanilang PASUGO Hulyo 27, 1964, p. 180, 182; (Ika-50 Anibersaryo) na si Felix Manalo'y nag-aral sa paaralan nga tao gaya nitong mga sumusunod:

Pahina 180: Noong 1904, ay nag-aral si Felix Manalo sa paaralan ng Methodist Theological Seminary.” (Hindi pa naitatag ang kanyang Iglesia).

Pahina 182: sinasabing nagpunta si Manalo sa Amerika noong 1919, at nag-aral sa Pacific School of Religion sa California, USA.

Dahil diyan ay maliwanag na kasinangilan at kayabangang sabihing hindi nag-aral sa paaralan ng tao si G. Felix Manalo. At gamundong pagmamapuri kay Manalo na kusang pinagkalooban ng Dios ng mga karunungan sapagkat sinugo siya ng Dios. Ang lahat ng mga sinasabi nilang ito ay isang nagdudumilat na katotohanan, na hindi sugo ng Dios si Felix Manalo; kundi ang ipinangangalat ay maling aral, at pikit mata namang sinusunod ng kanilang mga manunulat sa PASUGO o ng mga kaanib na Iglesiang itinayo niya at pag-aari. O paano ito mga kababayan? Sumagot na kayo.

Read more: Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.