Buong ipinagmamalaking sinasabi ng mga kaanib ng IGLESIA NI MANALO na ang 'Iglesia ni Cristo' (INC) raw ay pareho sa 'Church of Christ' (COC). Kung papansinin niyo sa mga forums at Facebook group accounts na gawa ng mga kaanib ng IGLESIA NI MANALO ay puro INC ang pagpapakilala nila at hindi COC. Katulad na lamang ng halimbawang pagpapakilala nila sa ibaba.
Sa Pilipinas, kilalang-kilala ang INC bilang iglesiang tatag ni Felix Manalo. Mapa-English man ang mga artikulo o balita'y INC pa rin ang pagkakakilanlan sa grupong tatag ni Felix Manalo at HINDI COC.
Sumisimbulo po kasi ang INC sa iglesiang tatag ni Felix Manalo-- ang Iglesia ni Cristo. Ang pagpapatala po kasi ng iglesiang ito ay nakarehistro sa TAGALOG-- Iglesia ni Cristo at hindi sa English na Church of Christ.
Ayon sa INC, ang pagrehistro ng pangalang 'Iglesia ni Cristo' (INC) bilang katawagan sa kanilang samahang Sole Corporation ay ayon daw sa Roma 16:16
"Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Lahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati sa inyo."
Ito raw po ang pinaghugutan nila ng pangalan. Biblical daw po ang pinanggalingan at hindi raw katulad ng Iglesia Katolika Apostolika Romana na wala raw sa Biblia.
Sa makatuwid, ang pagpaparehistro pala ng INC (Iglesia ni Cristo) ay alinsunod sa Biblia
Tingnan natin nga natin kung totoo nga?
Romans 16:16
"Greet one another with a holy kiss. All the churches of Christ greet you."
May nabasa po ba kayonng IGLESIA NI CRISTO sa English version ng Biblia? Wala po 'di po ba?
Eh sa Greek.
ἀσπάσασθε ἀλλήλους ἐν φιλήματι ἁγίῳ. ἀσπάζονται ὑμᾶς αἱ ἐκκλησίαι πᾶσαι τοῦ Χριστοῦ.
Eh di lalong wala tayong mababasang "IGLESIA NI CRISTO" roon.
Baka sakali, sa Latin naman:
Salutate invicem in osculo sancto. Salutant vos omnes ecclesiæ Christi.
Patay na! Lalong wala!
Sa Tagalog: mga iglesia ni Cristo
Sa English: churches of Christ
Sa Griego: αἱ ἐκκλησίαι πᾶσαι τοῦ Χριστοῦ
Sa Latin: ecclesiæ Christi
Eh bakit kahit sa mga bansang English ang wika ay TAGALOG pa rin ang gamit na pangalan?!
Ang IGLESIA NI CRISTO
INC-Adelaide, Australia |
INC-Battersea, London, UK |
INC-Brisbane, Australia |
INC-National City, California, USA |
INC-San Gabriel California, USA |
INC-Burnabay BC |
INC-Charleston North Carolina, USA |
INC-Los Angeles, USA (Lahat ng larawan ay kuha sa Iglesia ni Cristo Skyraper forum) |
Bakit hindi CHURCH OF CHRIST? Bakit "IGLESIA NI CRISTO" pa rin?!!
Ang CHURCH OF CHRIST
Church of Christ - South Rail, Florida, USA (website:southrailchurchofchrist) |
Romans 16:16 din po ang verse na gamit nila |
Church of Christ Memphis, Tnnessee, USA |
Church of Christ Sallerburg, Indianapolis, USA |
Kaya't tatanungin natin ang mga kaanib ng Iglesia ni Manalo:
Tanong 1: Ang Iglesia ni Cristo ba ay Church of Christ?
Tanong 2: Ang Church of Christ ba ay Iglesia ni Cristo?
(Bashin ang mga iglesia na nagrehistro ng pangalang 'CHURCH OF CHRIST'.)
Kung for the sake of translating the word ika nga, OO ang tumpak na kasagutan sa dalawang tanong natin. Dahil ang English ng Iglesia ni Cristo ay Church of Christ nga naman.
Pero HINDI lang po translations ang pinag-uusapan natin dito. Ang mga nabanggit nating mga pangalan ay mga REGISTERED TRADEMARK kaya't huwag tayong magtaka kung bakit KAILANGANG TAGALOG pa rin (Iglesia ni Cristo- INC)ang pangalan ng Iglesia ni Manalo kahit na ito'y tumawid na sa bansang English ang mga wika.
Yan ang dahilan ni readme at ni Conrad J. Obligacion kung bakit INC pa rin sila ng INC kahit na ang sinusulat nilang mga artikulo ay ENGLISH.
readmeinc.blogspot.com |
PAGLININAW
Kaya't ating linawin sa ating mga kababayan.
Kung kayo'y mahilig uminom ng beer na galing Pinas, siguro hahanapin niyo ang SanMig Lights. Ang SanMig po ay galing sa salitang SAN MIGUEL Corporation.
Ang SAN MIGUEL po kahit na tumawid na ito sa ibang bansa ay hindi pwedeng palitan ang pangalan sa English na SAINT MICHAEL Beer sapagkat nawawala ang pagkakakilanlan nito bilang "The Best Beer in the World."
Kaya't ang paglilinaw natin ay ganito: Ang IGLESIA NI CRISTO po, katulad ng SAN MIGUEL BEER ay isang TRADEMARK.
Ang trademark po ang pangalan ng isang business establishment. Ito po ay REHISTRADO sa SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSIONS ng kahit anong bansa upang maingatan po ang pangalan nitong HINDI gagamitin ng kahit ninuman.
Kaya't kung may mga bahay-sambahan na CHURCH OF CHRIST lang ang nakalagay, HINDI po ito ang iglesiang TATAG ni FELIX MANALO sa Pilipinas.
Palatandaan na ang pinapasukan niyong bahay "sambahan(??)" ay kay FELIX MANALO, dapat may katagang IGLESIA NI CRISTO at may official logo ito.
PEKE ang IGLESIA NI CRISTO sapagkat ito'y tatag ng TAO noong 1914!
Kung bakit natin sinasabing PEKE ang INC tatag ni Felix Manalo ay sapagkat MISMONG sila ang NAGBIGAY sa atin ng PARAAN ng PAMANTAYAN upang makilatis kung alin ang PEKE at TUNAY na Iglesia ni Cristo.
PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Ayon sa official pronouncement ng pamunuan ng INC si FELIX MANALO raw po ang NAGTATAG nitong Corporasyong 'Iglesia ni Cristo'. Hindi po tayo ang nagsabi niyan. Baka kasi sabihin nilang paninira lamang natin ito sa kanila. Kaya't paano pa nila sasabihing si Cristo ang nagtatag nito samantalang nauna nang INAKO ng Pasugo na si Felix Manalo ang nagtatag nito? At hindi po pwedeng maliitin ito sapagkat ito ay OFFICIAL pong published sa kanilang official magazine.
Ito rin ang MAKATOTOHANANG pagbabalita ng mga NEWS AGENCIES sa Pilipinas at buong mundo.
Si FELIX MANALO ang NAGTATAG ng Iglesia ni Cristo!
Known for block voting, INC was founded by Felix Manalo in July 1914 in Sta. Ana, Manila. The INC considers Jesus Christ as its founder, with Felix as the messenger commissioned to preach about the church.
In its teachings, the INC considers the Bible as the sole basis of faith. Felix served as the executive minister of INC from 1914 until his death in 1963, and was replaced by his son Eraño, who died in 2009. INC’s current head is Eraño’s son Eduardo.
"...he [Felix Manalo] founded what he believed was the true church, the Iglesia Ni Cristo. On July 27, 1914, the INC was officially registered with the Philippine government and he became its first Executive Minister.
"...We join the Filipino nation in remembering the life and achievements of the Founder and First Executive Minister of the Iglesia Ni Cristo, Felix Y. Manalo, on the occasion of his 127th Birth Anniversary. CONGRATULATIONS AND MABUHAY!"
Ayon pa rin sa mga journalists:
The INC considers Jesus Christ as its founder, with Felix as the messenger commissioned to preach about the church.
Opo. Para po sa mga KAANIB, ibinibilang nilang si Cristo raw po ang nagtatag ng kanilang iglesia, taliwas sa mga FACTS of history na binabalita ng mga journalists.
Kaya kung sasabihin man nilang "si Cristo ang nagtatag ng INC' isang malaking kasinungalingan at panlilinlang ito sapagkat alam na alam naman ng buong mundo na ang INC-Registered Trademark ay TATAG ni Felix Manalo noong July 27, 1914. Ito rin ang dahilan kung bakit sa JULY 27, 2014 ay ang kanilang ika-100 Year Anniversary (Centenary).
BILANG ng mga NALINLANG ni FELIX MANALO 2.25 milyon lamang
Sa loob ng 96 years mula ng itatag ito ng taong si Felix Manalo, may 2.25 million lamang po na kaanib ng INC ayon sa CENSUS noong 2010 (Source: Philippine Inquirer) nangangandarapa ang mga kandidato.
A total of 2.25 million Filipinos were members of Iglesia ni Cristo (INC) in 2010, up from 1.76 million in 2000, data from the latest census by the National Statistics Office (NSO) showed.
Asked about the INC’s voting age population, the Iglesia’s department of evangelism under Bro. Bien Santiago said that as a matter of church policy, the figure was confidential.
Sa awa ng Dios na buhay, 2.25 milyon lamang po ang mga kaluluwang kailangan pa nating sagipin mula sa kadiliman ng iglesiang tatag ng tao at ng pekeng sugo!
Bakit KAILANGANG sagipin sila?
Sapagkat ito ang pagkakakilanlan sa kanilang sugo, mula sa 2 Juan 1:7
Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo’y (Dios) naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo. anti-Cristo.
Many deceivers have gone out into the world, those who do not acknowledge Jesus Christ (God) as coming in the flesh; such is the deceitful one and the antichrist.
Opo. Mandaraya po at manlilinlang si Felix Manalo at ang Iglesia ni Cristo. Hindi po nila matanggap na si Cristo ay DIOS (Filipos 2) na naparito bilang tao (Juan 1)!
kaawa awang mga nilalang..
ReplyDeleteoo nga kawawa yung gumawa nito, nagsayang lang ng panahon di naman maliligtas, hays kawawa naman. Damayan natin siya.. :(
DeleteKailan pa kayo nagkaroon ng KARAPATANG IHUSGA kung sino ang maliligtas o hinde?
DeleteDios na ba ang turing niyo kay Felix Manalo para angkinin niya ang KATANGIANG tanging sa Dios lamang?
Kilabutan naman kayo.. baka sa huling araw kayo pa ang masusunog sa dagat-dagatang apoy.
Hindi po Diyos si Kapatid na Felix Manalo. Meron po tayong iisang Diyos ang AMA at si Jesus bilang tagapamagitan sa Diyos at tao.. Pasensiya na po kayo sa aming mga lahad na pahayag. Kung gusto niyo po malaman kung bakit po nila nasabi na hindi maliligtas ang naggawa ng blog na ito iniimbitahan po nmen kau sa mga pagdodoktrina o pamamahayag ng salita ng Diyos sa pinakamalapit na lokal po kung nasaan man po kau. Sapagkat hindi po si Kapatid na Felix Manalo ang nagtatag ng Iglesia Ni Cristo ang panginoong Jesus po sa pamamagitan ng pagsusugo mababasa nio po ito sa libro ni propeta Isaias. Ang bawat mapapakinggan nio po pag dumalo kau sa mga pagdodoktrina ay di po nmen sariling opinion kundi po mga SALITA NG DIYOS mula sa BIBLIA po.. Hindi po katulad ng mga nababasa nio po dito na Humanly Oriented and Opinionated. We are welcoming you in a discussion and friendly sharing of Words of God :)
DeleteKapag pagtatalo ang pag-uusapan, hindi mauubusan ang dalawang panig sa sasabihin kahit na mali na ito.
DeletePatrick, salamat sa paanyaya pero thanks. Makikipagbolahan pa ba ako sa mga Ministro niyong tinawag ng "MGA SINUNGALING AT MANDARAYA" ng yumaong.
DeletePaano naman hindi mandaya eh mismong sugo niyo ay SAKSAKAN ng KASINUNGALINGAN at PANDARAYA!
At anong credibility naman ng mga bayarang ministro niyo? Ni isa sa kanila ay wala man lang qualified na BIBLE SCHOLAR?!
Kaya't sa inyo na lang ang mga Pandoktrina niyong PANLOLOKO sa mga Katolikong SALAT sa kaalaman. Di bale, kailangan talagang matupad ang sabi ni Cristo na ang mga mangmang, anay, salot, sa loob ng Iglesia ni Cristo dapat lamang MAWALA sapagkat IPINANGAKO niyang "HINDING-HINDI " ito kayang buwagin ng ka-DILIMAN!
Nakapunta ka na ba sa mga pagsamba ng Inc ? Kung hindi pa, huwag po kayong magsalita ng tapos parang alam niyo po lahat ng bagay... Pero sa bagay di po kayo mauubusan ng sasabihin at isasagot dito.
DeleteHindi ko na kailangan pang pumunta at MAKIPAGBOLAHAN sa mga KALOKOHAN ng inyng pandoktrina.
DeleteACtually hindi PANDOKTRINA ang tawag diyan. Dapat BRAINWASHING kasi nabe-brainwash kayo sa mga KASINUNGALINGAN ng mga minstro niyo na sinasabi nilang SILA LANG daw ang nakakaunawa ng Biblia? Bakit lahat ba ng kaanib ng INC ni Manalo ay mga BOBO at di makaintindi ng Biblia at kailangan pa ng isang bayarang Ministro?
Sa amin ang tawa kasi ang KAMANGMANGAN niyo sa BIBLIA ay nagsasakdal sa inyo papuntang DAGAT-DAGATANG APOY. Tutal naron na si Felix Manalo, naghihintay sa inyo...
Talagang di niyo malalaman kung ano ang INC sabi niyo di niyo na po "kailangang pumunta" so di pa po kayo nakakapunta sa mga doktrina't pamamahayag ng INC since birth? Huwag niyo lang po suriin ang INC kung ano ang nakikita ninyo sa amin tignan niyo rin po sa kaloob-looban nito. Di lamang po sa mga pasugo namin o kaya naman sa mga mapaghatid-dumapit na balita masusuri ang INC... Try niyo rin po suriin ang INC base sa biblya. O kayo po
DeleteO baka kayo po ang NABRE-BRAINWASH?
Basahin niyo po ito sa Biblya ng Bagong Tipan - Juan 8:42 - 44
Mang-uusig spotted...
Sa panlabas, suring suri na po ang mga tao sa PANDARAYA at PANLILINLANG ng inyong mga Ministro. Ano pang meron sa Biblia na BINALUKTOT ng mga MANLILINLANG na mga MANGANGARAL upang palabasing "biblical" kayo?
DeleteKahit PANGALAN ni FELIX MANALO ay WALANG-WALA sa Biblia, ano pang dapat namin alamin?
Ang BIBLIA na ginagamit niyo ay VERSION ng mga KATOLIKO at PROTESTANTE pero galing lahat yan sa KATOLIKO na tinawag niyong KAMPON ni SATANAS..
Mga IPOKRITO!
Nagpadaya sa MANDARAYA at Anti-Cristo.. kaawaan nawa sila ng Dios at Panginoong Hesus.
ReplyDeleteIbig sabihin po di iisa si Cristo at ang Diyos ? Sabi niyo po " Dios at Panginoong Hesus". - Dalawa po yun...
DeleteNagtatanong ka ba dahil DI MO ALAM? O nagtatanong ka dahil gusto mo ng argumento?
DeleteSinasabi ng Biblia na si CRISTO ay DIOS at TAO! Mas maalam ka pa ba sa sinasabi ng Biblia?
Pero sa inyo si CRISTO ay TAO pero SINASAMBA nyo.
At ang DIOS AMA ay SINASAMBA niyo rin?
Saan ba NAKASULAT sa BIBLIA na DAPAT SAMBAHIN ang TAO?
DALAWA ang SINASAMBA niyo. Isang TAO at isang DIOS?!!! Kahindik hindik!
At ang DIO
Ang dami nyo talagang ayaw tumigil sa kakatuligsa sa Iglesia ni Cristo... Sana Maghukom a ng magkaalaman na.
ReplyDeleteHanggat matauhan kayo lahat sa katotohanan na ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ay hindi ang tatag ni Felix Manalo noong 1914.
DeleteAt hangga't di kayo matigil sa katutuligsa sa IGLESIA KATOLIKA na SIYANG IGLESIA NI CRISTO ayon sa Pasugo niyo ay HINDI kami titigil sa aming gawain...
Habang pinagtatanggol niyo si Felix Manalo at ang kanyang Iglesia ni Cristo (REGISTERED TRADEMARK) kami naman sa tunay na Iglesia ay patuloy na magtatanggol kay Cristo at ng kanyang Iglesia.
Narito ang tunay na IGLESIA NI CRISTO!!!!
DeleteGalit na galit sa iglesia ni cristo eh!
ReplyDeleteHahajaaaajaajajajaja
Magpadoktrina ka para may idea k kung ano ang sinasampalatayanan namin!
Hindi ung puro paninira lang ang alam mo!
Pag ang pinagusapan ntin aral wala kng ibubuga!
Sa porgatoryo nyo lng talo na kayo eh! Idagdag pa ang mga rebulto nyo nasinasabi nyong larawan ng Diyos...ano???
Pumapayag b ang Diyos n gwan x ng larawan?
Idagdag p ang pagiging Diyos ni maria!
Kaya nyo bng sagutin ito???
Sa doktrina o aral ang dpat mong gwing batayan!
Kami galit? Di kaya...!
Deletekayo un... hindi kami!
1- PASUGO Disyembre 1965, p. 5:
“Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni Satanas na Diablo."
2- PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."
3- PASUGO Agosto 1962, p. 9:
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”
4- PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."
Eh si Manalo nasan ba siya ngayon?
Nasa dagat-dagatang apoy sa PAGTANGGING si CRISTO ay DIOS na nagkatawang tao!!
2 John 1:7
I say this because many deceivers, who do not acknowledge Jesus Christ (divine) as coming in the flesh, have gone out into the world. Any such person is the deceiver and the antichrist.
Wala nang purgatoryo kay Felix, diretso na sa IMPIERNO!!!
Matatawa ang mga mamababasa natin rito...
DeleteSaan ba itinuturo ng Iglesia Katolika na si "MARIA AY DIOS"?!!!
Mangilabot ka naman sa sinasabi mo.
Kung sisiraan mo lang ang Iglesia Katolika huwag sa sarili mong kasinungalingan kasi lalabas na kayong mga kaanib ng INC™ ni Manalo ay naniniwala sa mga sabi-sabi hehehe...
Heto bibigyan kita ng link, pakihanap mo kung saan doon sinabi na si MARIA AY DIOS
dito ka maghanap sa OFFICIAL CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH...
Kung medyo windang ka sa English, nasa NATIONAL BOOKSTORE po ang TAGALOG VERSION nito.. un nga lang bibilhin mo....
Hintay kami!
SANA PO MATAOHAN NA ANG MGA SUMASAMBA KAY MANALO ANG IGLISIA NI MANALO AY KANYA LANG AT HANDI KAY CHRISTO ito po ay INC ..NAGPARIHISTRO SA GOVYERNO PANAHON NI MARCOS NOONG 1914 SA SANTA ANA,,, AT HINDI SA PANAHON NI KRISTO..
DeleteTOTOONG ANG IGLESIA NI MANALO WALANG KABULOHAN DAHIL ISALAMANG ITONG NIGOSYO TATAG NI MANALO AT HINDI KAY CHRISTO
DeleteSana po marinig nio po kung ano po ang tunay na aral ng IGLESIA NI CRISTO hindi po puro kuro-kuro at sariling opinion.
DeleteTopi, salamat sa iyong mga comments. Totoo po yon, ang INC po ay hindi kay Cristo kundi kay MANALO. Kung kay Cristo yan bakit PURO MGA MANALO ang mga NAMUMUNO..
DeleteUna si FELIX, sunod ang anak nyang si ERAÑO, sunod ang anak ni Eraño na si EDUARDO, tapos kapag TODAS na si Eduardo ay si ANGELO MANALO naman ang susunod?
O nasan si Cristo? puro sila kalokohan...
Eh tingnan mo ang mga unversities nila... pangalan ay INVERTED na ERAÑO, nagiging NEW-ERA...
Ung Arena naman nila ay nasa CIUDAD de VICTORIA.. eh tagalugin mo ang Ciudad de Victoria ay magiging LUNGSOD NG MANALO (Ciudad=Lungsod tapos ang de=ng at ang Victoria=Manalo).. kaya LUNGSOD NG MANALO...
O nasan si Cristo diyan?!!! Mga INC ang ULO ay HINDI lang PATUBUAN ng buhok... may gamit yan! GAMITIN NIYO ng MALINAWAN KAYO!
Patrick Amo-INC member said:
DeleteSana po marinig nio po kung ano po ang tunay na aral ng IGLESIA NI CRISTO hindi po puro kuro-kuro at sariling opinion.
CD200 said:
Kaya nga mas maniwala kami sa OFFICIAL na PASUGO, basahin mo
PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Anong sinasabi ng PASUGO? Ang Iglesia Katolika ay siya pa ring IGLESIA NI CRISTO HANGGANG SA KASALUKUYAN.
Ang IGLESIA KATOLIKA ay siyang TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO.
Hindi po yan OPINYON kundi OFFICIAL po yan galing sa PAMUNUAN ng INC ni MANALO.
Di po kayo galit eh punong-puno ng padamdam yung mga tinatype niyo di po ba galit yun?
DeletePareho nalang galit ang dalawang panig bakit di po ba totoo? Wag na po kayo magpretend na di kayo galit...
" Anong sinasabi ng PASUGO? Ang Iglesia Katolika ay siya pa ring IGLESIA NI CRISTO HANGGANG SA KASALUKUYAN.
DeleteAng IGLESIA KATOLIKA ay siyang TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO. "
Tunay po dahil si Cristo naman talaga ang nagtatag niyan eh yung Iglesia noong unang siglo Iglesia Katolika po yan. Yun nga lang noong umakyat na si Cristo at ang lahat ng mga apostol ay namatay na yung mga sumunod na namahala sa Iglesia ay binago na yung mga aral at doktrina ng Iglesia Katolika. Naging labag na sa Biblya yung mga panuntunan nito... Gusto niyo po pa ba ng sample? Magbibigay po ako ng sample kung gusto niyo po...
Kaya ngayon sa kasalukuyan natalikod na ito gaya ng Bayang Israel...
Isang MALAKING KASINUNGALINGAN ang PINAGSASABI mo.
DeleteAng IGLESIA KATOLIKA ay naroon na bago pa man NAGKAROON ng BIBLIA!!! So paano niyo masabi kung ALIN ang turong WALA sa Biblia? Hahahaahaha
At tsaka DI NAMAN NATALIKOD at DI PA NATATALIKOD ang sinasabi mong TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO-- ang IGLESIA KATOLIKA dahil ito ang patunay ng PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Taong 1966 eh DI PA PALA NATALIKOD ang TUNAY NA IGLESIA?!!!!
O akala ko sabi mo eh natalikod pagkamatay ng mga alagad.
At tsaka DI PO INIWANAN NG DIOS ang ISRAEL dahl CHOSEN PEOPLE po ito! He might chastise them but NOT LEAVE THEM. Ganon din sa SANTA IGLESIA. Magkamali man ang mga kaanib pero pangako ni Cristo ay MANANATILI siya sa KANYANG IGLESIA hanggang sa HULING PANAHON (Mt. 28).
Pinapalabas niyo lang na SINUNGALING si Cristo!
Ang SINUNGALING ay si FELIX MANALO!
2 John 1:3 Grace, mercy and peace from God the Father and from Jesus Christ, the Father’s Son, will be with us in truth and love.
ReplyDelete"God the Father" and from "Jesus Christ, the Father’s Son"
So when Jesus was praying to God... was he really praying to himself? Confusing.
Matthews 6:7 KJV But when ye pray, use not vain repetitions, as the heathen do: for they think that they shall be heard for their much speaking.
So how many Hail Mary's should I do today? I hope I have the rosary memorized so I can say it over and over.
Exodus 20:4-6 NIV You shall not make for yourself an image in the form of anything in heaven above or on the earth beneath or in the waters below. 5You shall not bow down to them or worship them; for I, the Lord your God, am a jealous God, punishing the children for the sin of the parents to the third and fourth generation of those who hate me, 6but showing love to a thousand generations of those who love me and keep my commandments.
Hmm... don't forget to bring our Black Nazareth statue, and our Santo Nino's, its Holy Week. Speaking of Holy Week, gotta buy some fish for Friday.
1 Tim 4:1-3 KJV Now the Spirit speaketh expressly, that in the latter times some shall depart from the faith, giving heed to seducing spirits, and doctrines of devils; 2 Speaking lies in hypocrisy; having their conscience seared with a hot iron; 3 Forbidding to marry, and commanding to abstain from meats, which God hath created to be received with thanksgiving of them which believe and know the truth.
Hmm... is fish considered meat? I hope not. Maybe my priest can help answer that, probably help me with my marital problems too. Wait, how could he, he isn't married. Oh well, I can always count on Dr. Phil.
Our Catechism says that Jesus is NOT the Father and the FAther is NOT the Son and so the Holy Spirit as well.
DeleteThe Father, Son and Holy Sprit are NOT the same persons but SHARE the same GODHOOD-- ONE GOD.
Such that H2O has three phrases.
The liquid we drink is not a gas, and the ice we use to cool our drinks is not the liquid but they are the same H2O.
We cannot solve the mystery of the Trinitarian One God. If we do, then God is limited and cease to be God himself.
All we know is that the Father, the Son and the Holy Spirt is ONE GOD but they are not the same as you would want to understand.
God bless.
It's not true there's no such state as Trinity. Dahil sinabi mismo ng Panginoong Jesucristo sa Juan 8:40, sinabi Niya:
Delete"..ako'y tao na nagsasaysay ng katotohanang narinig ko sa Diyos.."...
pag may mag-iisip pa ng iba dito halimbawa sasabihin si Cristo ay taong totoo at dios na totoo, Dios na nagkatawang-tao, tao na dios o dios na tao....iba na ito sa tinuro ni Cristo...pagdaragdag na sa nakasulat...
Sa Juan 1:1 ang nagkatawang tao ay ang Verbo hindi si Cristo...
ang pariralang ang "Verbo ay Dios" ay isang metaphor tuald nag pariralang ang "Oras ay Ginto".
kung ipipilit ng iba na ang Verbo ay isa pang Dios. sinabi sa talata "ang verbo ay sumasa Dios" lilitaw dalawa na ang Dios salungat sa itinuro ni Cristo na iisa ang tunay na Dios, ang Ama (Jn.17:1,3)
Eh Patrick Amo, tingnan natin ang sabi sa FILIPOS 2:6-7
Delete"Na SIYA (Jesus), bagama't NASA ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao..."
Hayun pala eh. DIOS PALA SI CRISTO, kaya pala siya SINASAMBA ng mga TUNAY NA KRISTIANO.
Kayo sinasamba niyo siya na di niyo alam at TAO LAMANG SIYA?! Kailan itinuro sa Biblia na SUMAMBA SA TAO?!!
There is one word that can describe this blog. STUPID.
ReplyDeleteAnd that person who visits and is affected by it is MORE STUPID... :)
DeleteHayaan mo lang sila Anonymous. Bahala na ang AMANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT sa kanila ^_^
ReplyDeleteAt si CRISTO anong kalagayan niya sa pang-aalipusta niyo sa kanya? At sa tingin niyo ang AMANG MAKAPANGYARIHAN sa lahat ay hindi mapopoot sa inyong mga MANDARAYA at MANLILINLANG laban sa kanyang anak?
Deletetanungin na lang natin si New Testament kung noon bang 1st century ay kinikilala nga ba talaga si Kristo na DIYOS ba o TAO?
DeleteAyon sa ibat-ibang patotoo ng mga tao:
"Ngunit ang taong ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama." Gawa 2:24
"Dahil dito'y nagkaroon ng mainitang pagtatalu-talo ang mga Judio, Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang makain natin?" Juan 6:52
"Sumagot ang mga bantay: "Kailanmay wala pang taong nangusap gaya ng pangungusap ng taong ito."" Juan 7:46
"Ang sabi ng ilang Pariseo, Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga. Ngunit sinabi naman ng iba, Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan? At hindi sila magkaisa." Juan 9:16
"Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises ngunit ang taong iyon, ni hindi namin alam kung saan siya nanggaling!" Juan 9:29
"Si Pedro'y tinanong ng dalaga, Hindi ba't isa ka sa mga alagad ng taong iyan? Hindi, sagot ni Pedro." Juan 18:17
"Nagsimula noong mag isip isip ang mga guro ng Batas at mga Pariseo: "Talagang iniinsulto ng taong ito ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di bat ang Diyos lamang?"" Lucas 5:21
"Nang ito'y makita ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, nasabi nito sa sarili, "Kung talagang propeta ang taong ito, dapat ay alam niya na ang babaing humahawak sa kanyang paa ay isang makasalanan." Lucas 7:49
"At nagsimulang mag isip ang mga nasa hapag: "At nangangahas ang taong ito na magpatawad ng mga kasalanan!"" Lucas 7:49
"Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung taga Galilea nga ang tao." Lucas 23:6
"At ni si Herodes, hayat ipinabalik niya siya sa akin. Maliwanag na walang magagawa ang taong ito para hatulan ng kamatayan." Lucas 23:15
"Subalit sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, "Patayin ang taong iyan! Palayain si Barabbas!"" Lucas 23: 18
"Nang makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, siya'y nagpuri sa Diyos na sinasabi, "Tunay ngang matuwid ang taong ito!" Lucas 23:47
"Nakatayo sa harap ng krus ang opisyal ng mga kawal. Nang makita kung paano namatay si Jesus, sinabi niya, "Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!"" Marcos 15:39
"Nooy inisip ng ilang guro ng batas: "Iniinsulto ng taong ito ang Diyos."" Mateo 9:3
"Kaya ipinadala nila ang kanilang mga alagad kasama ng mga kampi kay Herodes. Sinabi nila kay Jesus: "Guro, nalalaman namin na tapat kang tao at tunay na nagtuturo ng Daan ng Diyos;..."" Mateo 22:16
Ayon kay Pilato:
Delete"Kaya't si Pilato ay lumabas sa palasyo at tinanong sila, Ano ang paratang ninyo laban sa taong ito?" Juan 18:29
Kaya lumabas si Jesus, suot ang tinikang korona at ang kapang pulang pang hari. Sinabi sa kanila ni Pilato: "Hayan ang tao!" Juan 19:5
Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, "Wala akong makitang kasalanan sa taong ito." Lucas 23:4
"Sinabi niya sa kanila, "Isinakdal ninyo sa akin ang taong ito sa kasalanang panunulsol sa mga taong bayan na maghimagsik. Siniyasat ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong walang katotohanan ang mga paratang ninyo sa kanya." Lucas 23:14
Ayon sa mga alagad ni Kristo:
Delete"Namangha silang lahat at sinabi, "Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!" Mateo 8:27
Ayon kay Pablo na APOSTOL ni Kristo:
"At sinabi ni Pablo: "Binyag ng pagsisisi lamang ang binyag ni Juan. Sinabihan din niya ang bayan na sumampalataya sa taong darating na kasunod niya at ito si Jesus."" Gawa 19:4
(Yung dumating na kasunod pala ni Juan ay TAO, hindi naman pala Diyos!)
"Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang libreng kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang libreng kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo." Roma 5:15
(Kagandahang loob daw ng isang TAO, [at hindi Diyos] na si Jesukristo!)
"Ngunit ngayong si Cristo'y muling binuhay, ito'y katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao." I Cor. 15:20-21
(Sa pamamagitan pala ng isang TAO [hindi Diyos] dumating ang muling pagkabuhay!)
"Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit" I Cor. 15:47
Delete(Ang nanggaling pala sa langit ay TAO AT HINDI DIYOS! Kahit na taga langit pala si Kristo eh TAO pa rin!)
Ayon naman kay Pedro na APOSTOL din ni Kristo:
"Mamatay man ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!" sagot ni Pedro." Marcos 14:71
Muling nagkaila si Pedro, "Isinusumpa ko, hindi ko kakilala ang taong iyon!" Mateo 26: 72
"Sumagot si Pedro, "Mamatay man ako! Talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan." Pagkasabing-pagkasabi nito, tumilaok ang manok." Mateo 26:74
(Nung itinatatwa ni Apostol Pedro si Kristo, hindi naman pala Diyos ang pagkakakilala sa kaniya, at inulit pa niya iyon, sinabi niya "hindi ko nakikilala ang TAONG yan!")
"Alalahanin na sadyang namatay si Kristo dahil sa mga kasalanan: namatay ang matuwid alang alang sa di matuwid upang dahil kayo sa Diyos. Pinatay siyang tao..." I pedro 3:18
(Pinatay pala siyang TAO, ibig sabihin mula nang siyay nabuhay hanggang namatay ay TAO ang kanyang likas na kalagayan!)
Ang babala ni Apostol Pablo sa mga tao tungkol kay Kristo:
"Ngunit nag-aalala akong baka malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat at dalisay na pananampalataya kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas. Sapagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumarating at nangangaral ng ibang Jesus kaysa sa ipinangaral namin. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro namin sa inyo." II Cor. 11:3
Kaya sana ay mag isip isip na kayo kung ang paniniwala ba ninyo kay Kristo ay GALING SA MGA APOSTOL o hindi. Tinanggap daw kasi ninyo ang ESPIRITU AT ARAL na IBA SA ITINURO NILA.
Dahil ang itinuro at ang pagkilala nila, maliwanag- si Kristo ay TAO!
Ano ba ang ipinagbubuntis ni Maria na ina ni Jesus?
"Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo." Mateo 1:18
Naku, ayan po, saksi kayo, ang ipinagbubuntis pala ni Maria ay TAO, ang sabi siyay nagdadalang TAO, hindi naman nagdadalang DIYOS. Kaya paano magiging Diyos ang ipinagbubuntis ni Maria at paanong magiging "INA NG DIYOS" si Maria eh TAO pala ang kaniyang DINADALA?
Ang patotoo ni Kristo sa kaniyang SARILI:
"Ngunit ngayon, hangad nyo akong patayin, na taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos" Juan 8:40
Ang ating Panginoong JesuKristo mismo ang nagpatunay, siya ay TAONG NAGSASABI NG KATOTOHANAN! Kanino ba dapat tayo maniwala? Sa bibliya, mga apostol at kay Kristo o sa mga nag imbento ng doktrinang Trinity?
ANG TUNAY NA DIYOS: ANG AMA, AYON SA BIBLIYA
DeleteEto naman ang mga katunayan na ang AMA ang TUNAY at NAG-IISANG DIYOS ayon kay New Testament.
Ngunit bago natin basahin ang mga talatang ito, dapat po natin malaman na ang Diyos ay ang Ama natin at ni Kristo, ang Ama natin at ni Kristo ay ang Diyos. Hindi po Ama si Kristo, at hindi rin po Diyos si Kristo. Ang Diyos ay ang Ama at ang Ama ang Diyos.
Naguluhan ba kayo?
Huwag, dahil masama. Pag naguluhan kayo hindi natin maiintindihan ang katotohanan. Sinabi ko ito dahil may mga talata na sinasabi na "Ang Diyos at Ama...." baka kasi unawain ito ng iba na ang "Diyos" na binabanggit eh si Kristo at yung "Ama" ay yung Diyos Ama. Kung iintindihin at bubuksan nating ang ating puso hindi tayo maliligaw at mamamali sa pagkakaintindi ng mga ito.
Ayon kay Pablo na APOSTOL NI KRISTO:
DeletePara sa mga taga-Colosas na hinirang ng Diyos at mga tapat na kapatid kay Cristo. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama. Colosas 1:2
Tuwing ipapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Colosas 1:3
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Filemon 1:3
Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. Efeso 1:3
Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na ipagkaloob niya sa inyo ang Espiritu na nagbibigay ng karunungan at nagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala. Efeso 1:17
iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat. Efeso 4:6
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Filipos 1:2
Purihin ang ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen. Filipos 4:20
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesu-Cristo. I Cor. 1:3
subalit para sa atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo. I Cor. 8:6
Sumainyo nawa ang pagpapala at ang kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. II Cor. 1:2
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. II Cor. 1:3
Hindi ako nagsisinungaling. Iya'y alam ng Diyos at Ama ng Panginoong Jesus. Purihin siya magpakailanman! II Cor. 11:31
Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Roma 1:7
Binabanggit namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong mga gawaing bunga ng inyong pananampalataya, ang inyong mga pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo. I Tess. 1:3
Patagin nawa ng Diyos na ating Ama, at ni Jesus na ating Panginoon ang aming daan tungo sa inyo. I Tess. 3:11
Palalakasin niya ang inyong loob upang kayo'y manatiling banal at walang kapintasan sa harap ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus, kasama ang kanyang mga hinirang. I Tess. 3:13
At patagin din nawa kayo ni Kristo Jesus na ating Panginoon at ng Diyos na ating Ama. Minahal niya tayo at sa kaniyang habag ay binigyan tayo ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pag-asa; II tess. 2:16
upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Roma 15:6
Ibinigay nga niya ang kaniyang sarili para sa ating mga kasalanan upang sagipin tayo mula sa masasamang panahong ito ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama; Gal. 1:4
Hindi ba't dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba't upang tayo'y mabuhay, mas nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu? Heb. 12:9
Ayon kay Pedro na APOSTOL NI KRISTO:
Delete"Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo mula sa libingan at ito ang nagbigay sa atin ng isang buhay na pag-asa." I pedro 1:3
Ayon kay Santiago na APOSTOL NI KRISTO:
Ang pagiging relihiyoso na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ang pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito. Santiago 1:27
Ayon pala sa mga APOSTOL ng ating Panginoong Jesukristo, ang DIYOS AY ANG AMA, hindi naman pala nila kinilala si Kristo bilang Diyos din, o kaya naman ay kinilala ang Diyos bilang Ama, anak at Espirito Santo. Yan po ang sabi ni New Testament.
Mga dapat pag-isipan
DeleteAng sabi sa New Testament ay may Diyos si Kristo:
Nang ikatlo na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eloi, Eloi, lema sabachthani?" na ang kahulugan ay, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Marcos 15:43
Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eli, Eli, lema sabachthani ?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Mateo 27:46
Kung si Kristo ay Diyos, at siya ay MAYROONG DIYOS, ang Ama, sino ang TUNAY AT NAG-IISANG DIYOS ng mga tunay na Kristiyano?
Ang Diyos Ama na makapangyarihan sa lahat o si Kristong Diyos na may Diyos?
Kung ang sagot nyo naman ay ang Diyos na may tatlong persona, ang aking tanong, katanggap-tanggap ba na ang isa sa 3 persona ay may kinikilalang Diyos samantalang ayon sa aral ng trinity, sila ay co-equal o pantay pantay na mga Diyos?
katanggap-tanggap din ba na ang Espiritu Santo na walang kamalay-malay na ginawang Diyos ay walang nababanggit sa bibliya na isa siya sa 3 persona?
katanggap-tanggap ba na hindi man lang kinilala ng mga apostol at mga kristiyano noong unang siglo na ang Espiritu Santo ay Diyos din ayon sa BIBLIYA?
At pinag-uusapan na rin yang CO-EQUAL na yan, si Kristo ba ay KAPANTAY ng AMA na ating Diyos ayon sa bibliya?
DeleteSinabi ko na sa inyo, Ako'y aalis, ngunit ako'y babalik. Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat higit na dakila ang Ama kaysa sa akin. Juan 14:28
Kung pareho sila Diyos na co-equal, di ba dapat lang na dakila silang pareho? Bakit mas dakila ang Ama kesa sa kaniyang anak na si Kristo?
"Ngunit walang nakakaalam ng araw o ng oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. Marcos 13:32
Bakit hindi alam ng ANAK ang nalalaman ng AMA? CO-EQUAL NGA DIBA?
At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat. I Cor. 15:28
Bakit kailangang pumailalim si Kristo sa kapangyarihan ng Diyos (AMA) at bakit kelangan maghari ang Diyos (AMA) sa lahat eh CO-EQUAL sila?
"Hindi ako gumagawa dahil sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi sa akin ng Ama, kaya't matuwid ang hatol ko. Hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin." Juan 5:30
Bakit kailangan pa ni Kristong Diyos na sundin ang kalooban ng Ama, eh Diyos din naman siya? Meron naman siyang sariling kalooban diba? Eh CO-EQUAL naman sila di ba?
Eto pa ang sabi ni Kristo:
Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Ang Diyos lamang ang mabuti! Lucas 18:19
Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Marcos 10:18
BAKIT TUMANGGI SI KRISTO NA TAWAGIN SIYANG MABUTI? eh DIYOS LANG DAW ANG MABUTI. Kung Diyos siya, di ba dapat tanggapin niyang siyay MABUTI?
"Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat ang lahat ng ito ay naganap sa kalagitnaan ninyo" Gawa 2:22
Ayon sa mga naniniwalang Diyos si Kristo, si kristo daw ay tao at Diyos, kung siya ay tao na Diyos pa, bakit hindi niya kayang gumawa ng mga himala, kababalaghan at mga palatandaan sa ganang kanyang sarili? Bakit kailangan pa itong gawin sa pamamagitan ng Diyos (Ama)?
DeleteAng Diyos ayon kay Apostol Santiago ay hindi nagbabago:
Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago. Santiago 1:17
Si Kristo nagbago! Saksi sila Apostol Pedro, Apostol Santiago, Apostol Juan, Mateo, Lucas at Marcos:
Pagkaraan ng anim na araw, umakyat si Jesus sa isang mataas na bundok. Wala siyang isinama roon maliban kina Pedro, Santiago at Juan. Habang sila'y naroroon, nakita ng tatlo na nagbago ang anyo ni Jesus. Marcos 9:2
Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit. Mateo 17:2
Habang siya'y nananalangin, nagbago ang anyo ng kanyang mukha at ang kanyang kasuotan ay nagningning sa kaputian. Lucas 9: 29
Bakit nagbago ang anyo ni Kristo? Eh di ba nga hindi nagbabago ang Diyos?
Ang haba ng sinabi mo.. heto ang sabi ng Biblia
DeleteFilipos 2:6-7
Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, 7Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao
Na SIYA (si JESUS) ay NASA ANYONG DIOS!!!
Sige pasinungalingan niyo pa yan!
sino ba naman kasi ang matinong tao ang magtatag ng sariling sekta at sasabihing sya ay anghel at huling sugo,kung hindi ka ba naman may katok sa ulo eh..sabog ata c manalo ng magsabi sya ang anghel at dahil dw sa hula,ilang gramo ng katol ba ang tinira ng adik na yan at ginawa pang idolo c haring solomon at mangmolestya ng babae,,pakiexplain
ReplyDeletesabi ng nkausap kong kaanib ng iglesya ay sila lng dw ang makakalugtas sa huling araw,sabi ko pano? sabi nya ililipad dw sila,dun dw sila kukunin sa pinapatayo nilang arena,haha paano kaya ung nasa ibang bansa nilang kaanib hindi mkakaligtas haha,mga sira talaga ang ulo!
ReplyDeleteHahaha narinig ko na rin yan mismo sa mga panatikong mga Manalista. Ang pagliligtas ay gawa ng Dios, huwag na nating problemahin kung tayo ba'y maliligtas o hindi. Basta tumatalima tayo sa utos ng Dios, mahalin ang kapwa at sumunod sa kanyang Iglesia... bahala na siya doon.
Deletee di ang katoliko pala ay di catholic???? nampu naman o, kala ko pareho
ReplyDeleteAng ang INC pala ay hindi Iglesia ni Cristo hahahaha
DeletePero tutulungan ka ng PASUGO upang alamin kung alin ang tunay na Iglesia ni Cristo
PASUGO Abril 1966, p. 46: “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
Ok kita mo na?
Pasimula, unang itinatag, origin ang Iglesia Katolika kung tutuusin nga ito yung Iglesiang itinatag ni Cristo noong unang siglo pero sa pagdaan ng panahon noong si Cristo ay umakyat na sa langit at namatay na ang lahat ng apostol yung mga sumunod na namahala sa Iglesia Katolika ay unti-unti nang nilabag yung mga utos na nakasulat sa biblya. Halimbawa yung bautismo noon lubog ang ginagawang bautismo ng Iglesia Katolika bakit ngayon binyag na ? At yung mga imahen at rebulto ang da best na halimbawa bakit tumalikod na ang Iglesia Katolika sa mga aral ng Diyos. Marami pa yan kung sasbihin ko lahat.
DeleteWow. So this blog is your gateway to heaven? In here, you're all self-righteous, freely trampling on things you aren't able to explain. Things like how Iglesia Ni Cristo grew from A SINGLE PERSON, to a world wide religious organization. While the Catholic church, one of the major religion and with worldwide influences, started shrinking down in numbers, including your Church Pastors/Priests.
DeleteAnd If you claim the Iglesia Ni Cristo ay nambabastos sa inyong mga Catholic, this is your way for revenge, then? Some Catholic you are. Kung tutuusin yan ang gusto niyo lagi, eh. Makipag-away, from then, till now. Kung totoong relihiyon kayo, ganyan ba ang dapat na behavior ng religious person? Sabihin na nating hindi totoo ang Iglesia Ni Cristo, at ang Catholic, oo, Karapatan ba ninyong mamabastos na lang every now and then sa mga Iglesia, when if you hadn't noticed, they're answering calmly, and with respect. You on the other hand are going all out with your Criticism and Bad words against them.
When you also blindly ignore the fact that you can't stop ONE MAN from establishing this huge Church, which, according to you, ay walang kabuluhan, kasinungalingan, at brainwashing.
Explain to me also, why you aren't taking care of your church houses? All moldy, old and nearing destruction, ang nakita ko lang na malinis yung nasa Vatican. Yung tirahan ng "pope" ninyo. The same "pope" that gives the title "Saints" to your priests, and nuns. Where'd he get that right to name and give title to one person a saint? At ang nagawa niyo pang tawaging nagmamalinis, Ang Pamamahala ng Iglesia? Pointing out others' "flaws" while ignoring one's own. Sige, not all priests in general are rapists, why're you letting one stay in the midst of a "Holy" church, when it was stated in the bible that those who aren't living by the Holy Words of God, should shunned, and not given any encouragement. And remove it from the Church. May kumpisal kayo? Bakit sa pari niyo sinasabi yan? May kapangyarihan ba sila magpatawad sa inyo? Sila ba ang tagapamagitan sa Diyos at sa Tao? I thought that was Our Lord and Savior, Jesus Christ ONLY. Why must the priests be the mediator to your members. Why not directly call unto to ONLY GOD, The Father, and His Son, A Human, given the rank of Lord, and God's right hand, BY GOD HIMSELF.
That gives me another doubt, oo, sinasamba namin pareho ang Panginoong Diyos, at ang Panginoong Hesus. Because the Father, Himself, said so. But never did He tell us to give praise to Jesus as a God. And as what you believe, "Tao si Hesus na naging Diyos", nasaan na ang TUNAY na Diyos? Kung naging Diyos si Hesus, dalawa na yun. When the bible CLEARLY STATED that there's only ONE TRUE GOD, The Father on High, above all else in creation, including Jesus Christ. Are you implying that they merged somehow? The Father in heaven, disappeared, with Jesus as his successor in power? How rude is that?
Di tinitingnan ng Diyos ang Sexual Orientation. Well, well, bakit ginawa niya pala Babae at Lalaki LANG! Nasaan ang bakla at tomboy? Si Adan At Eva? At Iglesia pa talaga ang mas marunong sa bible according to you? Can't remember the exact words, but that's pretty much it. "Di tinitingnan ang sexual orientation", you gay, dude?
And why'd you disappear? Di ka na nagreply kay Patrick Amo. Can't stand your ground? Can't finds words to defend your statements? I thought you're the "Catholic Defender"? Ba't pinipili mo lang nire-replyan mo? Bias lang? Sayang naman, nasisira lalo ang image ng Catholic dahil sa know-it-all na katulad mo, na hindi naman kayang panindigan ang sarili niya. Minamaliit mo kasi masyado ang mga Iglesia ni Cristo, palibhasa umiiwas sa mga pointless one sided arguments like this, which inevitably will end as your loss, wait sabihin na nating walang panalo walang talo, pero ba't di ikaw ang huling replies dito? It's quite humiliating. Tapos bigla na lang mawawala sa takot? Come on.
Awwwwwww. Comments are moderated by the blog owner. Pinipili nga lang. Tsk. Typical, coward, pea-brained blasphemer. Pag di ko 'to nakita dito, ay sorry na lang. Ang haba nun, tapos di makikita. Sad.
DeleteC YourTen, blog ko ito. May angal ka pa kung moderated ang mga comments? Kahit nga CNNBlog eh moderated ang mga comments.
DeleteAnong inaangal-angal mo kung harsh ang mga gamit naming salita laban sa inyo? Hindi naman kasi kayo matinong kausap eh. Marami sa inyo ang nagbabanta na lamang ng buhay. Typical INC cult.
Sinisira ko lang ba ang image ng Catholic Church? On the contrary eh recognize pa nga ng Catholic Faith Defender National ang blog na ito...
O baka sabi sabi mo lang yan kasi masakit ang masapul...
Akala niyo kasing mga INC™ eh dati, papetiks petiks lang kami, pero ngayon, NATAUHAN na kami sa mga PANGGOGOYO niyo. Hakot kayo ng mga Katoliko na mahihina sa kaalaman tapos gagawin niyo silang mga monsters niyo na bumabanat sa Iglesia Katolika na hindi man lang nila napag-aralan ng pino?!
Kasama ka na roon.
Paano ba naman nabuo ang CATHOLIC DEFENDER?
Dahil dito sa OFFICIAL TEACHINGS niyo, BASBAS ng INC™ ADMIN
1- PASUGO Disyembre 1965, p. 5:
“Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni Satanas na Diablo."
2- PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."
3- PASUGO Agosto 1962, p. 9:
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”
4- PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."
Di lang mga bastos ang mga bayarang ministro niyo, mga tuta pa ng mga Manalo!
Ang iglesia ni cristo ay hindi kailan magiging iglesia katolika
ReplyDeleteMarjun, ang tunay na Iglesia ni Cristo (Hindi Iglesia Ni Cristo) ay ang Iglesia Katolika. Malinaw po yan na nakasulat sa mga pahina na kasaysayan.
DeleteAt pinapatunayan naman po ng official magazine ng INC™ PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
O di ba?