|
St. Mary's Catholic Church - Dubai, UAE (Source: MSNBC.com) |
Nakadalo na ba kayo sa "pamamahayag" (daw) ng Iglesia ni Cristo 1914?
May mga napansin ba kayong kahina-hinala? Naging mapagmasid ba kayo sa inyong mga nakita at inyong mga narinig? Kung naging mapagmasid kayo at nakinig ng maayos marami kayong mapupulot na mga maling aral.
Kung sakaling nakadalo nga kayo ngunit dumating kayo roon na paramg mga "empty CDs" o walang sapat na kaalaman sa pananampalatayang Katoliko (o
tabula rasa) sigurado ko, kahit virus or malwares pa 'yan, tatanggapin niyo ng inyong mga "CDs".
Ngunit kung may laman na kayo at may ANTI-VIRUS na kayo sugurado ko, rejected agad ang mga nagpapanggap na mga friendly files pero may nakatago palang mga tojans and worms sa loob nito.
Ganyan ang aral ng INC 1914. Kunyari banayad pero sa loob nito ay may lasong nakamamatay ng kaluluwa. Ganyan na ganyan mangaral ang mga bayarang ministro ng INC ni Manalo.
Gagawin lahat upang MAKADAYA ng marami. Para silang mga virus ng computer. Mag-i-inject sila ng mga aral na alam nilang bago sa inyong pandinig at gagamitin nila ang banal na kasulatan PARA MANDAYA.
Gagamitin nila ang inyong "walang-kaalaman" sa pananampalatayang Katoliko at sisirain nito ang inyong pananampalataya. Itatanim sa inyo ang matinding GALIT at PAGKAMUHI sa Iglesia Katolika at sa mga katoliko. Sisirain nila ang inyong mga kaluluwa katulad ng pagkasira ng kaluluwa ng nagpanggap daw na Sugo at umangkin ng mga katanginang tanging kay Cristo lamang.
Kaya't sila'y mga mandaraya ng PANANAMPALATAYA. Sumisira sa ating mga kaligtasan.
Bakit ko sinabing MANDARAYA sila?
Sapagkat sinasabi nilang ang "Iglesia ni Cristo" raw na tatag ni Felix Manalo ang tunay.
At sinasabi pa nila na si Felix Manalo raw ay tinawag ng "Dios" upang maging "sugo sa mga huling araw." Saan at kailan siya "tinawag" ng Dios? Narinig ba niya ang "Dios" na tumawag sa kanya? O may naging saksi ba sa kanyang "pagtawag"?
"I have other sheep* that do not belong to this fold. These also I must lead, and they will hear my voice, and there will be one flock, one shepherd."
Para sa Iglesia ni Cristo 1914, ang PASTOL na tinutukoy rito ay si FELIX MANALO at HINDI si HESU-KRISTO!
PASUGO Mayo 1961, p. 22:
“Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5).
“Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."
Ngunit sa isang banda, sinasabi rin ng aklat na NILIMBAG ng INC na HINDI raw si FYM ang tinutukoy sa Juan 10:16, KUNDI si HESUS!
SULO sa pahina 58, ay ganito ang mababasa natin:
“Itinuturo din ng Iglesia Katolika na ang Papa ang siyang "Kataas-taasang Pastor". (Question 169). Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: "Ako ang tanging Pastor" (Juan 10:16)".
Ang JUAN 10:16, sino ang tinutukoy na PASTOL: si CRISTO ba o si FELIX MANALO?!!
Ang gulo nila!!! Mandaraya nga sila!
"Jesus said to them in reply, “See that no one deceives you. For many will come in my name, saying, ‘I am the Messiah,’ and they will deceive many.
"Many will come in my name" sabi ni Cristo. Ibig sabihin, PAGKATAPOS niyang itatag ang kanyang Iglesia, "many will come" at isa na roon ang INC ni Manalo na dumating nga upang MANLINLANG ng tao!
"False messiahs and false prophets will arise, and they will perform signs and wonders so great as to deceive, if that were possible, even the elect."
At sila'y magpapanggap na mga "SINUGO" pero babala ng Biblia, sila'y mga paimbabaw at HINDI sila SINUGO. Sa madaling sabi-- PEKE.
At anong palatandaan na sila nga'y mga MANDARAYA? Hindi lang daw IISA ang MADARAYA nila kundi MARAMI.
Sa kasalukuyan may mahigit 3-10 milyon na raw po silang mga NADAYA. Ganyan na po karami ang mga NAGPADAYA sa MANDARAYA!
Sa kaso ni Felix Manalo na nagtatag ng INK at pinalitan ng INC, ang kanyang excommunication ay tinatawag na
Latae Sententiae o mas kilala sa tawag na "automatic" excommunication!
Kung paano si
Arius na nagtuturong si Cristo ay TAO LAMANG, ang lahat ng mga taga-sunod nito hanggang sa kaapu-apuhan ng Iglesia ni Manalo na NANGOPYA ng Arianism ay SINUMPA na ng Santa Iglesia mahigit isang libong taon na po ang nakalilipas.
"But even if we or an angel from heaven should preach [to you] a gospel other than the one that we preached to you, let that one be accursed!"
Kahit na isang "ANGHEL" daw ang mangaral sa inyo ng KAKAIBA sa mga ITINURO ng mga APOSTOLES, mangyari raw na ITAKWIL siya!
Bakit kaya sa tingin niyo na sinasabi kong "MANDARAYA" sila?
Una, sapagkat ang tunay na Iglesiang itinayo ni Cristo ay si CRISTO MISMO ang nagtatag! Hindi tao!
Ayon sa opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo, PASUGO Nobyembre 1940, p. 23
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"
Kung IISA lamang ang TANGING MAKAPAGTAYO ng IGLESIA-- at ito'y ang ating PANGINOONG HESUKRISTO LAMANG, anong karapatan ngayon ni Felix Manalo upang MAGTATAG ng kanyang Iglesia?
Pangalawa, sapagkat ang tunay na Iglesia itinayo ni Cristo ay sa JERUSALEM itinatag at hindi sa Punta, Santa Ana, Manila sa Pilipinas!
Ayon sa opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo, PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."
Samakatuwid, ang Iglesiang itinatag sa Punta, Manila ay hindi kay Cristo!
Kung hindi kay Cristo ang Iglesiang tatag sa Pilipinas, eh kanino ito?
Heto nga rin ang sinabi ng opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo, PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Hayon! Kay Felix Manalo pala ang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas ayon sa sinasaad ng kanilang rehistro!!!
At ano ang katayuan ngayon ng Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo sa Pilipinas?
Heto ang opisyal na pahayag ng Iglesia ni Cristo sa usaping ganyan: PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
Opo! Ang sabi po ng opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo: HUWAD po SILA!
Kaya't suma-total, MANDARAYA po ang isang PEKENG Iglesiang sabihin nilang "Sila ang tunay" daw at ang Iglesia Katolika raw ang peke?
Heto ang sinasabi ng opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo: PASUGO Abril 1966, p. 46: “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
Aba'y sa PAUMPISA pa lang pala ay IGLESIA KATOLIKA na ang TUNAY na Iglesiang kay Cristo!!!
At kung sasabihin nilang "NATALIKOD na GANAP" ang Iglesiang tatag ni Cristo ayon sa opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo: PASUGO Enero 1964, p. 2:
“Sa isang paksang mababasa sa nakaraang labas nitong Pasugo (Disyembre) ay ipinaliwanag kung saan naroon ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo as Jerusalem. Ito ay natalikod. Nalipol na lahat."
Eh HINDI po ito maaari. Sapagkat ang sabi ng opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristo:
PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."
PASUGO Hunyo 1940, p. 27:
"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
OPO!
HINDI raw po malilipol "KAILAN MAN"!
Sapagkat "binigyan sila ng walang-hanggang buhay"!
Ano ngayon ang dapat gawin ng mga KAANIB ng INC ni Manalo?
Aba'y dapat daw silang "MANATILING MATIBAY" sa mga aral ng Iglesia Katolika sapagkat ito raw po ang GINAWA ng "UNANG IGLESIA"--
At alin ang UNANG IGLESIA na tinutukoy nila?
PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
IILAN BA ANG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO at ILAN BA ANG MGA NAGPAPANGGAP?!
Ito ang isa sa mga HIMUTOK nila sa mga Katoliko.
Kung tunay raw ang Iglesia Katolika, bakit wala raw itong pangalan sa Biblia?
Tama! wala ka namang mababasang "Iglesia Katolika" sa English versions or Tagalog or Visaya, or Ilocano versions!
At lalong wala ito sa French, or German, Russian, Chinese, Japanese, Indian, Malaysian, Indonesian, Vietnamese etc. etc versions ng Biblia!!!
Ito'y mababasa lamang sa GREEK VERSION nito. At dapat ka talagang nakakabasa at nakakaunawa ng salitang Griego!
Ganon din sa "Iglesia ni Cristo"!
At bago man magsaya ang mga kaanib ng INC ni Manalo, suriin naman nila kung ILAN ang mga samahan na GUMAGAMIT din ng Roma 16:16 sa iba't ibang wika?
Iglesia ni Cristo ng Royce City
Iglesia ni Cristo Internet Ministries
Iglesia ni Cristo ng Metropolis
Iglesia ni Cristo ng Signal Mountain
Iglesia ni Cristo ng Duluth
Iglesia ni Cristo ng Jacksonville
Iglesia ni Cristo ng Foristell
Iglesia ni Cristo ng Vegas
Iglesia ni Cristo, mga Kristiano
Iglesia ni Cristo ng Southside
Iglesia ni Cristo ng Warrenton
Iglesia ni Cristo ng Purcelville
Iglesia ni Cristo ng Rivermont
Iglesia ni Cristo ng Sunrise Acres
Iglesia ni Cristo ng Moab
Iglesia ni Cristo ng Pontiac
Iglesia ni Cristo ng Four Lakes
Iglesia ni Cristo ng Lincoln Fort Sam Houston
Iglesia ni Cristo ng Hartville
Iglesia ni Cristo ng Orangeval
Iglesia ni Cristo ng Petaluman
Iglesia ni Cristo ng Marion
Iglesia ni Cristo ng Forest Park
Iglesia ni Cristo ng Woodstock
Iglesia ni Cristo ng Maplewood
Iglesia ni Cristo ng Ramsey
Iglesia ni Cristo ng Rogers City
Iglesia ni Cristo ng West Perrine
Iglesia ni Cristo ng Creekwood
Iglesia ni Cristo ng Lewiston
Iglesia ni Cristo ng Cambridge
Iglesia ni Cristo ng South Strokes
Iglesia ni Cristo ng Westville
Iglesia ni Cristo ng Whitmore
Iglesia ni Cristo ng Cleveland
Iglesia ni Cristo Grapevine
Iglesia ni Cristo ng Sweden
Iglesia ni Cristo ng Tara
Iglesia ni Cristo Honduras
At ang Iglesia ni Cristo Hesus sa mga Huling Araw (The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints o mas kilala sa tawag na MORMONS). Sila'y umaangkin din na GANAP na PAGTALIKOD ng Iglesiang tunay na kay Cristo!!
Kaya't kung ikaw ay nagsasabing kaanib ka ng "Iglesia ni Cristo", hindi ba nila kaanib ang mga nagpapatawag din ng "Church of Christ" (o Iglesia ni Cristo in Tagalog) sa ibang bansa? (Iyon nga lamang ay sa wikang Ingles.)
Sa makatuwid, MARAMING mga NAGPAPANGGAP na mga "Iglesia ni Cristo" (or Church of Christ) sa buong mundo.
At ayon sa opisyal na magasin ng Iglesia ni Cristong tatag ni Felix Manalo noong 1914 sa bansang Pilipinas:
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
Opo! Mga HUWAD lamang po silang lahat na NAGPAPANGGAP!
At dahil dito sa ating ipinakitang katotohanan, TANGING ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang IISA.
IISA ang TEMA sa Misa.
IISA ang kulay na ginagamit ng pari
IISA ang intension at panalangin sa maghapon
IISA ang pagdiriwang ng Banal na Misa
IISA ang panalangin ng Bayan
IISA ang tinuturing na IGLESIA
IISA ang pagbibinyag
IISA ang Dios sa banal na Santatlo
IISa ang kinikilalang kahalili ni San Pedro
IISA ang Panginoon (hindi dalawa ayon sa INC ni Manalo).
Ito man ay mapa-Arabic, English, French, German, Chinese, Japanes, Hungarian, Russian, Polish, Spanish, Portuguese, Italian, Latin, Greek, Hebrew, Aramaic, Sudanese, Ethopian, Afrikaans, Ghanaian, Tagalog, Ilocano, Bisaya, Kapampangan, Ilongo, Malayalam, Urdu, Indonesian, Malaysian, Vietnamese, Thailandese, Pigin (Papua New Guniea), Turkish, Iranian, Kurdish, Balkan, Swedesh, Danish, Swiss, Romanian, Ukrainian, Azerbaijani, Albanian, Kosovan, Kazakh, Nepalese, Punjab, Hindi, Konaini, Mandarin, Burmese, Bangladeshi, Korean, etc. etc...
At bukod sa lahat may KAISAHAN at PAGKAKAISA sa Iglesia Katolika sapagkat ito nga ang TUNAY na IGLESIANG itinatag ni CRISTO!
At bilang pangwakas, ang sabi ng kasaysayan ay:
"As both its critics and its champions would probably agree, Roman Catholicism has been the decisive spiritual force in the history of Western civilization. There are more Roman Catholics in the world than there are believers of any other religious tradition--not merely more Roman Catholics than all other Christians combined, but more Roman Catholics than all Muslims or Buddhists or Hindus. The papacy is the oldest continuing absolute monarchy in the world. To millions the pope is the infallible interpreter of divine revelation and the Vicar of Christ..."
Ang sabi pa ng mga dalubhasa, ang IGLESIA KATOLIKA raw ay "OLDEST" and "CONSTINUOUSLY" active.
Ibig sabihin, HINDI NALIPOL! Bagkos PATULOY at AKTIBO, hindi namamatay!
"The Catholic Church. It began as a small band of supporters following the teachings of an itinerant preacher in an outpost of the Roman Empire. From there, the church expanded both its size and its importance in the grand scheme of Western history.
Consider that the Catholic Church
- steered Western civilization through historical events such as the fall of the Roman Empire, the Dark Ages, the Crusades, and the Reformation;
- influenced the political ideas and actions of powerful leaders in a variety of European nations;
- made deep contributions to the Western philosophical tradition through the works of religious philosophers such as St. Augustine and Thomas Aquinas;
- funded and inspired the creation of fantastic works of religious art and literature, such as northern Europe's Gothic cathedrals, Michelangelo's Sistine Chapel, and Dante's Divine Comedy;
Today, the church is the oldest continuously active organization on Earth and one of the most influential institutions in the world—a force capable of moving armies, inspiring saints, and shaping the lives of a billion members. (emphasis mine)
Opo. Tanging ang Iglesia Katolika lamang po ang NAG-IISANG Iglesiang may pinakamatandang kasaysayan mula pa noong ito'y itinatag.
At patuloy at aktibo po itong gumagabay sa buong mundo, isa sa pinakamakapangyarihang institusyon sa buong mundo--