Narito na naman ang mga BELOW the BELT na mga patama ng mga kaanib ng INCorporated 1914 All Rights Reserved Church of Manalo laban kay Fr. Abe sa kanyang blog na
The SPLENDOR of the CHURCH, ang sabi:
To Mr. Abe Inosente Ignorante
Mga sagot sa mga kabaluktutan ng isip mo.
1. Sa loob ng Iglesia ni Cristo ay hindi itinataguyod ang aral o doktrina na ang Diyos ay mat 3 persona. Sa inyo lang yon.
Ang logo namin:
DOVE: tama na ito ay tumutukoy sa Espiritu santo, pero hindi ito Diyos ayon na rin sa aming diktrina.
LAMB: That is Christ (cordero) at hindi Diyos.
BIBLE. We do not claim that as ours, but it simbolizes that the Bible is our basis of faith.
TORCH: Christ and the members of the INC is likened as the light.
Mabuti naman at alam nitong kaanib ng INCorporated Church of Manalo na sa TUNAY na IGLESIA lamang ang pagtuturo ng TAMA. Biruin niyo binabanggit nila sa
KANILANG DOXOLOGY ang Ama, Anak at Espiritu Santo na animo'y PANTAY-PANTAY ang katangian ngunit HINDI nila ALAM kung bakit anong UGNAYAN ang Ama, Anak at Espiritu Santo?
Ang kanilang paniniwala ay parang isang scientist na naniniwalang MAGKAKAIBA ang SOLID form, LIQUID form, at GASEOUS form ng H2O.
Para sa ating mga TUNAY na nasa KATOTOHANAN, kahit mapa-SOLID o LIQUID or GASEOUS state pa ang H20-- IISA lamang yan! Ang tawag pa rin ay TUBIG!!
Pero ang LIQUID ay hindi SOLID. Ang SOLID ay hindi GASEOUS. Pero IISANG TUBIG pa rin siya.
2. OO, kami lang ang maliligtas at yan ang hindi mo matanggap. Hindi batayan ang dami sa kaligtasan. Kasindami nga ng buhangin sa dagat ang mapapahamak eh. at kayo un.
Ha?
Ok ka lang ba?
Saan ba nakikita sa Biblia na sinasabi na ang INCorporated 1914 All Rights Reserved Church of Manalo LAMANG ang maliligtas? Kahit tuldok sa pangalan ni FELIX eh wala sa Biblia, yung INCorporated pa kayang INC ni Manalo?
On the contrary, sinasabi ng Banal na kasulatan na ang IGLESIA NIYA lamang ang maliligtas at hindi mga COPY-CAT na mga INC din.
Sa kasamaang palad, ang MISMONG inyong PASUGO ang nagsasabing PEKE nga kayo at KAMI ang tunay!
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
PASUGO Abril 1966, p. 46: “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
Ano ang sabi ng PASUGO? Sa PASIMULA ay IGLESIA KATOLIKA-- hindi ang Iglesia ni Cristo!!!
3.Tao si Cristo at iyan ang katotohanang mismong itinuro Niya at ng mga Apostol. Itinayo ni Cristo ang Iglesia hindi dahil sa Siya'y tao kundi dahil kailangan ito sa ikapagtatamo ng kaligtasan.
Walang dudang si Cristo ay NASA ANYONG TAO! Iyan din ang aming paniniwala.
Ngunit HINDI siya TAO na nag-ANYONG DIOS. Kundi SIYA ay DIOS na NAG-ANYONG TAO!
"In the beginning was the Word and the Word was with God and the Word was God." John 1
"Though he (Jesus) is in the FORM OF GOD, he did not deem equality with God something to be grasped at..." Phil. 2
Ngayon, saan ka nakakita ng TAONG-TAO na LUMULUSOT sa DINGDING o LUMALAKAD sa TUBIG o biglang LUMILITAW sa ibang lugar? Si CRISTO ay ESPIRITU rin sapagkat nagagawa niya ang lahat na tanging ang ESPIRITU lamang ang may ganyang katangian!
4. Anghel ang Kapatid na Felix Manalo. Yan ang hindi ninyo matanggap dahil hindi nyo alam ang kahulugan ng anghel. Sabi ng tatay mong pari na si Juan Trinidad na sumulat ng Bagong Tipang Katoliko sa footnote ng Apoc.2:1, maaaring ikapit ang salitang anghel sa tao.
Tama! Anghel nga ang inyong HULING SUGO. Iyon nga lang FALLEN ANGEL. Ang lahat ng Anghel ay mga sugo pero hindi lahat ng sugo ay anghel!
At kung sa PASIMULA na ay ALAM na pala ni Felix na siya'y "anghel" daw, bakit HINDI niya ito itinuro right from the very START of his self-proclaimed un-biblical ministry?
5.Tinawag ni Apostol Pablo ang mga naging bunga ng kaniyang pangangaral sa Roma na 'iglesia ng mga Gentil' (Gal 1:22). Ang katagang 'iglesia ni Cristo sa Roma 16:16 ay ang tunay na pangalan ng Iglesiang itinayo ni Cristo. Sorry nlng kayo kc walang 'iglesia Katolika Apostolika Romana sa Biblia.
"Lahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati sa INYO (Iglesia sa Roma)"-- kitam! Walang kinalaman ang INCorporated ni Manalo sa Pilipinas!
6. Hindi ka pa ata nakakapasok sa Kapilya namin. Walang mga larawan doon. At walang mga rebulto hindi kagaya ng mga simbahan ninyo na punung puno ng mga larawang ipinagbabawal ng Diyos na sambahin (Exo. 20:3-5).
Saan ba sinasabi ng aming Katesismo na "sambahin" ang mga rebulto?
Hungkag lang ang nag-iisip na ang mga rebulto ay mga "dios" na dapat sambahin! Mga walang sariling bait. Ang mga INCorporated members siguro iniisip nila na ang larawan ng kanilang asawa at mga anak sa kapirasong papel ay SILA mismo, PINITPIT at IDINIKT sa papel.
Tayong mga KATOLIKO na siyang tunay na taga-sunod ni Cristo, ang mga IMAHE (by the word itself) ay REPRESENTATION lamang ng taong sinisimbulo nito.
Katulad ng MALAKING REBULTO ni FELIX MANALO, bagamat yari sa bato at buhangin pero para sa kanila ang imahe ay representation ni FYM. Maliban na kung ang iniisip nila ay SIYA NGA SI FELIX MANALO, pinatuyo at saka itinayo sa Central!!!
Anong meron sa inyong mga kapilya para naman kami'y pumasok? Wala nga kayong mga rebulto pero sa inyong Central naka-bantay ang rebulto ni Manalo doon sa grounds ng Central?! Halos SAMBAHIN niyo na ang mga MANALO sa inyong pagtatanggol. Samantalang NIYUYURAKAN niyo naman si CRISTO sa kanyang tunay na kalagayan bilang DIOS!!!
Mga IPOKRITO!
7. OO, Iglesia ni Cristo lamang ang maliligtas at iyan ang katotohanang hindi mo matanggap. Kami ay tinubos ng dugo ni Cristo at nahugasan sa mga kasalanan. at ang mga nasa labas ng Iglesia ang mapapahamak at may hatol pa (I Cor. 5:12-13 NPV).
Tama!
Ang mga nasa LABAS ng tunay na Iglesia ay HINDI MALILIGTAS!
Salamat! Ikaw na rin ang nagsasabing DI KA MALILITAS sapagkat NASA LABAS kayo ng TUNAY NA IGLESIA.
Heto ang PEKENG IGLESIA: PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Heto naman ang TUNAY na IGLESIA: PASUGO Abril 1966, p. 46: “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
8. Walang PURGATORYO sa Biblia! Magbasa ka nga! At ang kagantihan sa tao ay hindi agad agad kapag namatay ang tao. Ito ay sa araw pa ng paghuhukom, kung saan pagbubukdin-bukdin ang mga tupa sa kambing, kanan o kaliwa at walang panggitnang estasyon.
Eh wala nga ring letra pro letrang salita na BIBLIA sa BIBLIA eh. At lalong walang FELIX MANALO o ERAÑO o EDUARDO or ANGELO sa Biblia? Ito rin ba ay NANGANGAHULUGANG PEKE silang lahat?
Walang exact word na PURGATORYO sa Biblia dahil hindi naman ito talaan ng salita o DICTIONARY o LEXICON ang Biblia ano? At dahil kulang ang inyong PROTESTANT BIBLE, kaya hindi ko kayo masisisi kung bakit walang PURGATORYO sa inyong vocabulary (Basahin ang
About Catholics). Ang sabi sa aklat ng 2 Maccabees 12:46:
"Thus he made atonement for the dead that they might be freed from sin."
Sa Ebanghelyo ayon kay St. Matthew 12:32 says, "And whoever speaks a word against the Son of Man will be forgiven; but whoever speaks against the holy Spirit will not be forgiven, either in this age or in the age to come."
Sino ba ang mag-iisip na ang DIOS na ubod ng PAG-IBIG at AWA ay magtatakwil sa isang taong namatay ngunit may bahid pa ng konting kasalanan upang habang-buhay na masusunog sa "dagat-dagatang apoy" kasama ng mga PEKENG SUGO, mga kriminal at mga nagtatwa kay Cristo?
Kung ikaw nga na tao marunong magsuri kung anong kasalanan ang mabigat sa hindi, DIOS pa kaya?!!!
Ang PURGATORYO ay isang doctrina ng Santa Iglesia na SUMASALAMIN sa KABUTIHAN at HUSTISYA ng DIOS na puno ng AWA at PAG-IBIG.
9. Wala at lalong hindi nagimbento ng aral ang Kapatid na Felix Manalo, lahat ng ito ay pawang nakasulat lahat sa Biblia. at KUNG kokopya kami, HINDI sa inyo sa BIBLIA lang.
Ito rin kaya ang OPISYAL na sinasabi ng inyong PASUGO?
PASUGO May 1961, p.4
“At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”
PASUGO Mayo 1963, p. 27:
“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng baya, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”
10. Nabasa mo na ba ang aklat ng mga kasaysayan sa Biblia? Tuntunin na ng Diyos mula pa ng una na ang mga pinipili niyang Lider sa Kaniyang Bayan ay magkakadugo. Halimbawa: Abraham- Isaac- Jacob. David-Solomon. At si Cristo din ay mula sa lahi ni Abraham. nagpatuloy ang tuntuning ito ng Diyos hanggang ngayon sa panahon ng TUNAY na Iglesia ni Cristo!
Hahahaha... salamat at ibinibilad mo rito ang kamangmangan ng mga kaanib ng INCorporated church of Manalo!
Sa bagong TIPAN, wala kang makikitang ang mga kamag-anak ni San Pedro, San Juan, San Mateo etc ay naging kahalili nila. Para sa TUNAY na IGLESIA, ang lahat ng kaanib ay MAGKAKAPATID at MAGKAKAMAG-ANAK sa IISANG PAMILYa- ang Dios bilang Ama.
So ikaw na rin ang nagsasabi na si pagkatapos ni Felix ay si Eraño at sunod nga si Eduardo at si ANGELO MANALO nga ang nasa sunod na linya ng paggiging MAY-ARI este mamamahala sa Iglesia nila!!!
Tumpak!
Ikaw ang malabo! KUNG SAAN SAAN MO KINUKUHA YNG MGA IMPORMASYON MONG MALI!
May CHOICE pa ba kami?
Wala nga kayong OFFICIAL WEBSITE eh.
Tutal kayo na rin ang nagsabi na dapat kumuha ng TAMANG IMPORMASYON, heto kumuha na lamang kayo ng TAMANG CATHOLIC INFORMATION dito sa
CATECHISM of the CATHOLIC CHURCH, guaranteed 100% Catholic teachings!!!