"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Monday, May 21, 2018

Mga Saksi Ni Jehova Di Alam Kung Bakit may 66 Aklat ang Kanilang "New World Translation" Bible

Originally posted at: Iglesia ni Cristo 33 A.D. blog

Kalat sa mga kalye at mga matataong lugar ang mga mangangaral na mga "Saksi" o mga "Jehovah's Witnesses". Kadalasan dalawa o higit pa ang namimigay ng kanilang libreng babasahin.

Isa sa kanilang libreng aklat na pinamimigay ay ang "What Does the Bible Really Teach?" 


At ang mumunting aklat na ito ay isinalin sa maraming wika.  

Ang Tagapag-tatag ng mga Saksi Ni Jehovah

Katulad ng Iglesia Ni Cristo® sa Pilipinas na tinatag ni Felix Y. Manalo, ang Jehovah's Witnesses ay itinatag ni Charles Taze Russel noong 1870 sa Pittsburgh, Pennsylvania, U.S.A. bilang isang samahan ng mga mag-aaral sa kolehiyo.

Hindi sila kilala sa pangalang "Jehovah's Witnesses" sa pasimula ng kanilang samahan. Kundi  sa pangalang Zion's Watch Tower Tract Society.

Noong mamatay si Ginoong Russel ( October 31, 1916) sa edad na 64, nagkaroon ng pagkawatak-watak ang kanyang samahan.

Unang pagkawatak-watak ay naitala noong 1909 na tinawag ang grupo ng mga tumiwalag na Free Bible Students.

Nagkaroon ng pangalawang pagkawatak-watak noong 1916, 1919 na tinawag ang kanilang grupo bilang Layman's Home Missionary Movement at Associated Bible Students.

Pangatlong pagkawatak-watak ay naganap noong 1928 at 1931 kung saan umanib ang grupo ng Associated Bible Students sa Free Bible Students o ang mga kaanib sa Free Bible Students umanib sa Associated Bible Students o bumalik sa mainstream Watch Tower group.

Sa pagkamatay ng kanilang tagapagtatag, naiwan ang malaking bahagi ng WathTower Society at nang mga ari-arian sa pamamahala ni Joseph Franklin Rutherford na siyang dahilan ng PAGPAPALIT ng pangalang "JEHOVAH'S WITNESSES" hango sa Isaiah 43:10-12.

Ang pangalang "Jehovah"

Ayon sa mga eksperto sa wikang Hebreo, ang salitang "Jehovah" raw ay isang kamalian sapagkat hindi ito pangalan o wikang Hebreo;

Si Bro. Duane Cartujano na dalubhasa sa wikang Hebreo ay ganito ang sinasabi:

“Jehovah” is based on the form in the medieval vocalized Masoretic Text: the consonants of YHWH and the vowels of Adonai (AdOnAi) reduced A-vowel (“e”), long O, and long A). The first “a” in adonai is a shewah. 
“Jehovah” is not a name or a Hebrew word. It is a conflation of YHWH and Adonai. 
It is the (uneducated) combination of “the consonants of YHVH with the vowels of AdOnAi.” 
Jehovah” is not a word; it is an erroneous mix of two different words by people who know Elementary Hebrew but not much else and see that combination in the vocalized Masoretic Text and presume that the form with those consonants and those vowels is the correct name but is simply is not. 
Jehovah is incorrect; it is a mixture of qere (aDONAI) & kethiv (YHWH): the consonants of YHVH with the vowels of AdOnAi (the MT vocalizes the four consonants as if “adonai” to keep one from pronouncing the name).

Ang maling pagtawag sa pangalan ng Diyos bilang "Jehovah" ay inamin mismo ng Jehovah's Witnesses sa kanilang 1950 unang edition ng The New World Translation ayon sa The New World Translation Bible Committee ng JW. Ganito ang pagkasulat:

“While inclining to the very pronunciation “Yahweh” as the more correct way, we have retained the form “Jehovah” because of people’s familiarity with it since the 14th century. Moreover, it preserves, equally with other forms, the letters of the tetragrammaton JHVH.”

What Does the Bible Teaches?

Kung sa pangalan pa lamang ng kanilang samahan ay MALING-MALI na at sila mismo ay UMAAMIN na MALI nga naman ang paggamit ng salitang "JEHOVAH", ano pang saysay at maniwala sa kanilang mga aral.

Halimbawa na lamang sa pahina 7 ng  nabanggit na aklat na "What Does the Bible Teaches?", sinasabi roon ang mga ganito:


Ang mga tanong na hindi nila kayang sagutin ay ganito:
  • Saan sinabi ni Jehovah na may 66 lamang ang dapat na mga aklat at mga liham ang napapaloob sa Biblia?
  • Saan nasusulat sa Biblia na sinabi ni Jehovah na dapat may mga kapitulo at versikulo ang mga talata at saknong ng Biblia?
  • Saan sinabi ni Jehovah sa biblia na ang tawag sa Banal na Aklat ay "Biblia"?
Ang mga katanungang ito ay sadyang mahirap sagutin ng mga misyonero ng JW sapagkat tahimik maging ang kanilang saling biblia kung bakit may 66 books at nahahati sa kapitulo at versikulo ang kanilang mga biblia.

Anong basehan nila at 66 na mga aklat/sulat ang nasa kanilang The New World Translation?

Ang tanging sagot lamang na nasasambit nila ay mga "ISKOLAR" raw ng Biblia ang mga tumukoy kung alin ang mga aklat at sulat na dapat na bumubuo sa Biblia kaya't ito'y may 66 na aklat / sulat.

Hindi man nila matukoy kung sino-sino ang mga iskolar ng Biblia na nagpasya nito, ngunit madaling malaman sa pamamagitan ng kasaysayan.

Ang kasalukuyang listahan ng mga aklat sa bibliang gamit ng mga PROTESTANTE ay 66 lamang. Samantalang ang UNANG IGLESIA - ang IGLESIA KATOLIKA - na siyang nagpasya kung aling aklat/sulat ang karapat-dapat na bumubuo sa ating Biblia, sa pamamagitan ng kanyang taglay na otoridad nito mula sa ating Panginoong Jesus (Mt. 16:16-18) ay siyang nagpasya na ang BIBLIA ay binubuo ng 73 AKLAT.

Ayon sa Wikipedia ay ganito:

Irenaeus (died c. 202) quotes and cites 21 books that would end up as part of the New Testament, but does not use Philemon, Hebrews, James, 2 Peter, 3 John and Jude. By the early 3rd century Origen of Alexandria may have been using the same 27 books as in the modern New Testament, though there were still disputes over the canonicity of Hebrews, James, 2 Peter, 2 and 3 John, and Revelation (see also Antilegomena). Likewise by 200 the Muratorian fragment shows that there existed a set of Christian writings somewhat similar to what is now the New Testament, which included four gospels and argued against objections to them. Thus, while there was plenty of discussion in the Early Church over the New Testament canon, the "major" writings were accepted by almost all Christian authorities by the middle of the second century.
The next two hundred years followed a similar process of continual discussion throughout the entire Church, and localized refinements of acceptance. This process was not yet complete at the time of the First Council of Nicaea in 325, though substantial progress had been made by then. Though a list was clearly necessary to fulfill Constantine's commission in 331 of fifty copies of the Bible for the Church at Constantinople, no concrete evidence exists to indicate that it was considered to be a formal canon. In the absence of a canonical list, the resolution of questions would normally have been directed through the see of Constantinople, in consultation with Bishop Eusebius of Caesarea (who was given the commission), and perhaps other bishops who were available locally. 
In his Easter letter of 367, Athanasius, Bishop of Alexandria, gave a list of exactly the same books that would formally become the New Testament canon, and he used the word "canonized" (kanonizomena) in regard to them. The first council that accepted the present Catholic canon (the Canon of Trent) may have been the Synod of Hippo Regius in North Africa (393). The acts of this council, however, are lost. A brief summary of the acts was read at and accepted by the Council of Carthage (397) and the Council of Carthage (419). These councils took place under the authority of St. Augustine, who regarded the canon as already closed. Pope Damasus I's Council of Rome in 382, if the Decretum Gelasianum is correctly associated with it, issued a biblical canon identical to that mentioned above, or if not the list is at least a 6th-century compilation claiming a 4th-century imprimatur. Likewise, Damasus's commissioning of the Latin Vulgate edition of the Bible, c. 383, was instrumental in the fixation of the canon in the West. In 405, Pope Innocent I sent a list of the sacred books to a Gallic bishop, Exsuperius of Toulouse. When these bishops and councils spoke on the matter, however, they were not defining something new, but instead "were ratifying what had already become the mind of the church." Thus, from the 5th century onward, the Western Church was unanimous concerning the New Testament canon.
The last book to be accepted universally was the Book of Revelation, though with time all the Eastern Church also agreed. Thus, by the 5th century, both the Western and Eastern churches had come into agreement on the matter of the New Testament canon. The Council of Trent of 1546 reaffirmed that finalization for Catholicism in the wake of the Protestant Reformation.
Wala kayong mababasa sa itaas na MAY AMBAG ang mga Protestante sa Canon ng Biblia. Lahat ay Iglesia Katolika ang nagpasya kung alin sa mga aklat at sulat ang dapat na kabahagi ng Bagong Tipan.

At ito'y tinanggap ng lahat ng mga sumasampalataya sa loob ng 1,516 taon bago dumating ang PROTESTANTISMO noong 1517. At noong 1549 sinalaula ng Iglesia Protestante ang Banal na Kasulatan. Naglimbag ng kani-kanilang interpretasyong Biblia at marami sa ORIHINAL na salita ay binago upang mapalitan ang kahulugan at paka-ibig sabihin ng salita.

Dahilan ito ng salu-salungatang aral at turo na siyang nagbigay ng PAGKAWATAK-WATAK ng Kristianismo at naging dahilan ng PAGKALITO ng mga mananampalataya.  Maging sa dami ng mga versions ng Biblia, halos nabalahura na ang kabanalan ng Salita ng Diyos. 


Ang Saksi Ni Jehovah na may 66 aklat sa kanilang New World Translation Bible ay hindi orihinal. Limbag ng mga Protestante Authorized Version (King James), ang kanilang batayan sa kanilang New World Translation bible. Kaya't ang kanilang New World Translation version ay isang aklat na punung-puno ng maling aral dahil mali ang mga salin ng mga salita.

Ayon sa GotQuestions, ang NWT Bible ay tahasang pinalitan at binago ang mga salita sa biblia upang sumakto ito sa kanilang mga aral.

The New World Translation is unique in one thing – it is the first intentional, systematic effort at producing a complete version of the Bible that is edited and revised for the specific purpose of agreeing with a group's doctrine. The Jehovah’s Witnesses and the Watchtower Society realized that their beliefs contradicted Scripture. So, rather than conforming their beliefs to Scripture, they altered Scripture to agree with their beliefs.

Foreword ng NWT 1950 vs NWT 1985

Upang mapagtakpan ang kanilang sinabi sa Foreword 1950 NWT Bible, ang Jehovah’s Witnesses ay naglimbag ng panibagong edition (1985) at inalis ang mga Foreword na naisulat nila noong 1950.  Ngunit ang KATOTOHANAN ay NASABI na nila. 

Sa kabuuan, HINDI dapat PAGKATIWALAAN ang mga BULAANG mga SAKSI o mga SINUNGALING na SAKSI. 

Ayon sa KAWIKAAN 14:5  
“Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan: nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan.”

Katulad ng Iglesia Ni Cristo®, ang Saksi Ni Jehovah ay hindi maituturing na mga Kristiano. Ito ay sapagkat taliwas sa paniniwala ng Unang Iglesia at ng mga Protestante (Lutheran et.al), na si Cristo ay Diyos.

Monday, May 14, 2018

Ang IGLESIANG NAMAMANA ay HINDI kay Cristo

Originally Posted at Iglesia ni Cristo 33AD blog.

“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad." -PASUGO Hulyo 1952, p. 4

“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK." -PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5


Sunday, May 6, 2018

Worldwide Walk to Fight Poverty ng Iglesia Ni Cristo®: Sino ngayon ang "Makasanlibutan"?

Originally posted at Iglesia ni Cristo 33AD blog


Maraming mga opisyal na terminolohiyang ginagamit ang mga Iglesia Ni Cristo® -1914 sa kanilang mga pangangaral. Halimbawa na lamang, ang PAGHATOL nila sa mga Katoliko na "MAKASANLIBUTAN". 

Ano ba ang ibig sabihin ng makasanlibutan ayon sa katuruan ng INC™?

Sa kanilang PASUGO Setyembre 1970, p.20, ganito ang pagkasabi:

“Sino ba ang nakadaya sa buong sanlibutan ayon sa itinuturo ng Banal na Kasulatan? Sa Apoc. 12:9 ay ganito ang mababasa: 'At inihagis ang malaking Ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang nakadaya sa buong sanlibutan.' Sinasabi ng Banal na Kasulatan o Biblia na si Satanas o ang Diablo ang nakadaya sa buong sanlibutan. Kaya Satanas ang Pambuong Sanlibutan. Kung ang Iglesia Katolika Romana ay pambuong sanlibutan o laganap sa buong sanlibutan kung gayon ito ang nadaya ni Satanas."

Ang sanlibutan ay kay Satanas sapagkat "dinaya" raw ito ni Satanas. At sa kanilang baluktot na lohika, kung ang Iglesia Katolika ay "LAGANAP" sa buong mundo, kung gayon "ITO [raw] ANG NADAYA" ni Satanas.

Hindi ba't ang tinutukoy sa Pahayag 12:9 ay ang NANDAYA (Satanas) at hindi ang nadaya (sanlibutan)?

Pero ang tanong natin eh: Ito bang Iglesia Ni Cristo®-1914 ay pang-lokal (Pilipinas) lamang o PANG-BUONG MUNDO?

Pasasagutin natin ang aklat ni G. Pinzon na "Ang Katotohanan Tungkol sa INC-1914".

Tanong: Ito bang Iglesia na itinaguyod nina Manalo ay para sa Pilipinas lamang o pambuong mundo at naging laganap na sa buong daigdig?

Sagot: Ang sasagot sa tanong na ito ay ang PASUGO na napalathala noong Abril 1969, at ang nababasa sa huling panakip ay ganito: (patula)

“Kung buhay ang sugo, Makikita niya na hindi nasayang;
Ang mga panahong kanyang ginugol nang siya'y mangaral;
Saka ang Iglesia'y hindi lamang dito ngayon nakatatag;
Tumawid na ito sa ibayong Pangpang nitong Pilipinas;
Pati na sa Hawaii at sa San Francisco doo'y lumaganap;
Nakatatag ngayon si Cristong pinakahahamak;
Papaano di gayon ay kalat na ngayon ang mga kapatid;
At nangakalatag sa palibut-libot ng buong daigdig."
(Hindi totoo ito, ngunit napasilat...)

Dito pa lamang sa unang puntong ito, ay nagangamote na sina Manalotos. Bakit? Sapagkat sila ang may sabi na ang Iglesiang laganap o pambuong sanlibuan ay siya ang nadaya ni Satanas na Diablo.

Pansinin: Ang kanilang Kapatid daw ay nangalatag sa palibut-libot ng buong daigdig. Kahabag-habag na nilalang ng Dios.

Tanong: Mayroon po bang ibang daigdig na kinaroroonan ng mga tao? O wala na ba sina G. Manalotes dito sa daigdig na ito?

Sagot: Narito rin sila na kasama natin sa mundo. Kung gayon kay Satanas din sila, ayon sa kanilang sinabi, na kay Satanas ang buong mundo.

Ayon, lumalabas na MAS MAKASANLIBUTAN pa nga ang Iglesia Ni Cristo®-1914 ni Felix Manalo  kaysa ang Iglesia Katolika sapagkat halos isangla na nila ang kanilang kaluluwa sa sanlibutang ito.

Tinatamasa na nila ang KAPURIHAN ng SANLIBUTAN at hindi ang kapurihan ng Diyos. Sa kanilang mga gawain, nais lamang nilang MASUNGKIT ang titulo bilang WORLD RECORD HOLDER ng GUINNESS WORLD RECORD.

An expected 358 sites around the globe in 44 countries, 33 territories and across 18 time zones will simultaneously host the multi Guinness World Record event. The first Worldwide Walk event in 2014 was recognized as the largest charity walk across multiple venues held in 24 hours. It had 519,221 participants from 129 sites across the world, situated in 16 countries. This year's Worldwide Walk to Fight Poverty is aimed to beat its own records. -PRNewswire
Sa kanilang "Worldwide Walk to Fight Poverty" hindi po kabawasan sa bilang ng mga mahihirap ang GUINNESS WORLD RECORD. Pakitang-tao lamang upang purihin sila ng SANLIBUTAN!

At hindi po maitatago sa kanilang mga kaanib ang kanilang KATUWAAN at GALAK sa nakakamit na maka-SANLIBUTANG KAPURIHAN: GUINNESS WORLD RECORD HOLDER!



Sila na nga ang laging gustong MAKASUNGKIT ng kapurihan ng SANLIBUTAN, eh, mga Katoliko pa ang hinahatulan na maka-sanlibutan at nadaya ng diablo?!

Ang Tunay na Iglesia Laganap sa Buong Mundo!

Ang pagiging LAGANAP ng TUNAY na IGLESIA sa BUONG MUNDO ay hindi po gawa-gawa lamang ng mga Katoliko. Ito IPINAGBUNYI mismo ni Apostol San Pablo sa kanyang sulat sa mga Katolikong Kristiano sa ROMA (1:7-8)

Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. 
Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, sapagkat ang inyong pananampalataya ay balitang-balita sa buong daigdig.
Napakasarap namang pakinggan. Na noon pa lamang sa panahon ni Apostol San Pablo ay KILALA na pala ang PANANAMPALATAYA ng mga TAGA-ROMA kay Cristo Jesus. At TAYO po ang mga SAKSI sa pananampalatayang tinutukoy ni San Pablo. Sapagkat sa buong mundo tanging ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang BANTOG ang pananampalataya ~ THE ROMAN CATHOLIC and APOSTOLIC CHURCH OF CHRIST! Kasama na po riyan ang iba pang mga Catholic Churches na KINIKILALA ang KATANYAGAN ng ROMA kung saan matatagpuan ang THE VATICAN CITY STATE, the Seat of the Catholic Church!


At sa pamamagitan ng IGLESIA SA ROMA, ang LAHAT ng mga [TUNAY] Iglesia ni Cristo ay BUMABATI sa kanya (16:16)!

Samakatuwid, ang IGLESIANG NASA ROMA ay BANTOG, KILALA, TINAWAG SA KABANALAN at BINABATI ng lahat ng Iglesia ni Cristo!

Ang Katuparan ng mga Hula ng Biblia sa INC™-1914

Originally Posted at Iglesia ni Cristo 33 A.D. blog

Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga alamat. -II Timoteo 4:3-4



Iyan po ang KATUPARAN sa sinabi ni Apostol San Pablo kay San Timoteo LIBONG TAON bago pa maitatag ni Ginoong Felix Y. Manalo ang kanyang INC™ noong 1914. Ayon kay San Pablo ang HINDI NAKIKINIG sa WASTONG ARAL na itinuro ng tunay na Iglesia ~ ang IGLESIA KATOLIKA "na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo" ayon sa Pasugo Abril 1966, p. 46 ay mga NADAYA ng mga MALING ARAL ng mga bulaang propeta.

Mali po ang sabihin ng mga erehe tulad ng INC™ na "NATALIKOD NA GANAP" na raw ang tunay na Iglesia.  Kung bakit ang mga pahayag nilang ito ay MALING-MALI ay sapagkat HINDI ito sinasang-ayunan ng Banal na Kasulatan.

Wala po tayong mababasa sa Biblia na nagsasaad ng PATALIKOD ng TUNAY na Iglesia. Bagkos, ang sinasabi ng Biblia ay ang PAGTALIKOD NG MGA TAO sa tamang aral.

Ang PAGTALIKOD noon ni Martin Luther (1521 A.D.) na dati ay isang paring Katoliko ang naging sanhi ng pagdami ng mga erehe at mga pekeng mangangaral katulad ni Joseph Smith (1827-1830), taga-pagtatag ng Mormonism; Ellen Gaud White na nagtatag ng Seventh Day Adventists noong May 21, 1863;  Si Felix Manalo na nagtatag ng Iglesia Ni Cristo® noong Hulyo 27, 1914; Eliseo Soriano na nagtatag ng Ang Dating Daan noong 1978, si Eddie Villanueva (1978), si Apollo Quiboloy (1985), Wilde Almeda (1975) at marami pang iba ay naging daan ng katuparan ng mga sinabi ng ating Panginoon at Diyos na si Jesus, "Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw." (Mt. 24:4b-5)


Felix Manalo, Mas Mataas o Kapantay ni Cristo? 

Hindi maitatwa ng INC™ ang pag-aangkin ni G. Felix Manalo sa mga katangiang laan lamang kay Cristo. Halimbawa na lamang ng mga sumusunod na nailathala nila sa kanilang opisyal na magasing PASUGO:

PASUGO Hulyo 1965, p. 12:
“Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios."

Dito sa sinabi nilang ito, nakakakilabot na sabihing PAREHO raw ang espiritu ni CRISTO na Anak ng Diyos sa espiritu ni Felix Manalo na kahit sa kalingkingan ay MALAYONG-MALAYONG IHAMBING kay Cristo Jesus.  Hindi ba't natupad ang mga sinabi ni Cristo sa Mateo 24: 4b-5?

Heto pa ang isang mas nakakakilabot na pahayag nila ukol kay Felix Manalo.

PASUGO Mayo 1964, p. 1:
“Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo."

Diyos na mahabagin! INIHANDOG raw ng DIYOS ang KANIYANG SARILI kay Felix Manalo! At dahil rito eh, si Felix Manalo LAMANG daw ang MAY DIYOS?!

Susmaryosep!

Ano na nga ba ang sinabi ng Panginoong Jesus ukol sa PAGDATING ng MANDARAYA at MANLILINLANG?

"Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw." (Mt. 24:4b-5)

Natupad na nga sa kanila ang mga hula ng Biblia sa pagdating ng BULAANG PROPETA!

Ang Anti-Cristo!

Madaling matukoy kung SINO ANG ANTI-CRISTO.

Ayon kay Apostol San Juan, ang anti-Cristo ay ang mandarayang mangangaral.  Ito ay ang taong HINDI KINIKILALA si Jesus bilang Diyos na NAGKATAWANG-TAO. Para sa kanila, TAO LAMANG si Cristo at kahit kailan ay HINDI raw siya naging Diyos. Ito ay inilathala nila sa kalinang Pasugo:

“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa arw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyat sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.” -PASUGO, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin)
Ngunit DIYOS bago pa  man Siya naging-tao (nagkatawang-tao)!


Dahil MALI ang pagkaunawa nila kay Cristo kaya MALI rin ang kanilang pagkakilala sa kanya.  Para sa mga INC™, "hindi Siya (Cristo) naging Diyos kailanman" ay isang TAHASANG KASINUNGALINGAN, PANLILINLANG at PANDARAYA.

Sapagkat ayon sa Biblia, ang LOGOS o ang SALITA ay DIYOS sa pasimula pa ~ at ang VERBO, LOGOS, SALITA ay NAGING-TAO! (Juan 1:1,14) at NAKAPILING-NATIN!


Heto naman ang PAGLALAHAD ni Apostol San Pablo sa kanyang sulat sa mga FILIPOS!


Ayon sa BIBLIA, KUNG ANO si Cristo NOON ay Siya rin magpasawalang-hanggang.


Kaya ano ang sabi ni Apostol San Pablo sa mga DI TUMATANGGAP kay CRISTO bilang NAGKATAWANG-TAO (mula sa pagka-Diyos)?

Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naging tao.  Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo: o kaya'y anti-Cristo. (2 Juan 1:7)
Ayan po, ang linaw!

Kaya't huwag po tayong padalos-dalos sa kanilang mga propaganda na kesyo mga PARI pa raw ng Iglesia Katolika ang umanib sa INC™ ni Ginoong Felix Manalo. Sapakat DAPAT lamang itong mangyari upang MATUPAD ang mga sinabi ni Cristo sa Mateo 24:4b-5.

Tandaan natin, ang TUMIWALAG ay HINDI si Cristo o Kanyang Iglesia kundi TAO ANG TUMALIKOD.

Sa panahon ni Cristo, si JUDAS ISCARIOTE ang tumalikod.  Unang 500 daang taon ng Santa Iglesia, si ARIUS at NESTORIUS ang tumalikod.

Matapos ang 1,500 taon ng Santa Iglesia, si MARTIN LUTHER naman ang tumiwalag. Sinundan pa siya ni HARING HENRY VIII ng Englatera at marami pang iba.

Sa mga TUMALIKOD na ito nasimulang NAGKAWATAK-WATAK ang mga Kristiano. Nagkaniya-kaniya sila ng mga aral. SALUNGATAN ang kanilang mga itinuturo sapagkat WALA kinikilalang kahalili ni San Pedro.

Sa Pilipinas, TUMALIKOD si FELIX MANALO. At sinundan pa siya ng maraming mga taga-sunod.

Paalala ni San Juan: "Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran...

"Huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay ni batiin ang sinumang dumating sa inyo na may dalang katuruang laban kay Cristo, sapagkat ang bumabati sa kanya ay nagiging kasama niya sa masamang gawain!" -I Juan 1:8-11

AMEN!  Malinaw po 'yan! Magsuri po ang mga tumalikod at bumalik na po kayo sa TUNAY at NAG-IISANG IGLESIA NI CRISTO ~ ang IGLESIA KATOLIKA!


My Blog List

My Calendar