Ako si Katryn M. Leonor, 19 na taong gulang at naging Kristiyano noong ika-30 ng Enero taong 1994.
Marami ang nagtatanong kung bakit ako naging interesado sa pag-aaral ng Apologetics at sa pagtatanggol ng ating Simbahan. Hayaan niyong ilahad ko sa inyo ang aking istorya.
Sampung taong gulang pa lamang ako ay naglilingkod na ako sa simbahan bilang choir. Tuwing 3pm ay kumakanta kami sa Children's mass. Di naglaon ay sumali rin ako sa Legion of Mary at ako ay naging Junior Legionary.
Nang tumuntong ako sa highschool ay pumasok ako sa kaisa-isahang Katolikong paaralan sa aming bayan, at yun ay ang Saint Peter's School. Dito ay masasabing kong lumalim din ang aking pananampalataya at naging interesado din ako sa mga bagay tungkol sa ating relihiyon. Naging miyembro ako ng Theresian, SCA, naging student Catechist, naging lector, once naging commentator at siyempre sumali rin ako sa choir. Sumasali rin ako sa mga religion quizbees.
Sa loob ng apat ng taon ko sa paaralang ito ay masasabi kong nakatulong ito sa pagpapatibay ng pundasyon ng aking pananamplataya kaya noong ako ay makagraduate dito ay hindi ko pa rin itinigil ang pagsimba ko linggu-linggo. Hindi na nga lang ako nakakaattend ng novena para sa Mother of Perpetual Help dahil pumapasok na ko nun sa kolehiyo.
Hanggang sa nagkaroon ako ng boyfriend at siya ay isang Born Again. Sa una ay hindi ako sumasama sa kanya dahil ayaw ko talaga kasi parang pangit sa katulad ko na graduate ng Catholic school ang sumimba sa ganun.
Hanggang sa inakit niya ko sa Christmas party ng kanilang simbahan. Hindi ko naman siya matanggihan kaya um-oo na lang ako, gitarista nga pala siya ng music ministry nila. Yun pala, bago magparty ay may worship service muna sila. So ayun na nga po, natouch yung puso ko sa worship songs nila, una po na napakinggan ko ay yung "At the Cross".
Naramdaman ko nun na parang anlayu-layo ko kay God that time. I felt guilty cause of my sins that I've done. Hindi naman po kasi ako sobrang religious nung mga panahong yun. Oo, nagsisimba ako pero I know just a little about our Catholic Faith.
That time, hindi naman po ako nakakaisip lumipat sa kanila. May pinapanghawakan kasi akong pangako na binitiwan namin ng aking bestfriend noong 3rd year highschool kami. Oras yun ng Christian Living and Values namin. Nangako kami na "Ipinanganak kaming Katoliko, mamamatay din kaming Katoliko" (kabilang din sa pangako namin na walang magpaparebond samin ng buhok, pero hindi ko na sana ilalagay kasi wala namang koneksyon ito sa blogpost ko hehe)
Nung first time kong sumama sa kanya ay na-guilty din ako bilang Katoliko dahil pagkatapos kong sumimba sa Catholic ay dumiretso ako sa simbahan nila.
Pagkatapos po nun, kapag inaakit niya ko na sumimba sa kanila ay nagdadahilan na lang ako ng kung anu-ano para hindi ako makasama sa kanya.
One time, habang kami'y namamasyal ay nag-open siya ng topic kumbakit daw tayo nagpapahid ng panyo sa mga rebulto at bakit daw tayo lumuluhod sa harap nun. Sumagot naman ako based on my logic at salamat sa Diyos tama pala ang naisagot ko sa kanya. Sabi ko, "Hindi naman dun sa rebulto kami nananalangin kundi sa nirerepresenta nito"
Halos magsigawan na kami nun sa tabing kalsada kasi idinedepensa namin parehas ang aming panig. At the end naman ay naging okay rin kami, Sinabi ko "Hindi ako titigil sa pagtatanggol sa relihiyon ko. Sabi naman niya, "Ako rin"
Napaisip ako nun na magresearch pero nawala sa isip ko na magresearch kaya pagkalipas ng ilang araw ay party na naman sa simbahan nila. (Christmas party ng church nila doon sa sinabi ko kanina, ngayon ay Christmas party naman ng mga Youth people)
Nung nag-speech na yun pastora ay may sinabi siya na dati raw siyang Katoliko, sinabi niya na kung may nag-aakit daw na magsimbang gabi ay wag sumama. Nung Katoliko pa kasi siya ay inaantok daw siya pag simbang gabi at naiinis sa mga matatandang nagdadaldalan habang may misa.
Gustung-gusto ko sumagot nun pero siyempre, nagkontrol muna ko ng sarili, hindi naman kasi ako eskandalosa.
December 2010 yan nangyari. Sa loob ng isang taon ay nabibilang sa daliri ang pagsama ko sa ex ko sa simbahan nila. Tuwing may okasyon lang ako sumasama kasi I'm afraid na baka hindi ako makatupad sa promise namin ng bestfriend ko.
Ang nakakatuwa nito, ay sumasama sakin dati yung ex ko sa pagsimba. Nakakatuwa nga e, lumuluhod din siya pag may luhod (kahit medyo labag sa kanyang kalooban) Hindi ko na nga pinapaluhod pero lumuhod pa rin siya (ako ay lumuhod just like this)
Ang isa pa sa nakakatuwa ay nakihawak kamay siya sa Ama Namin.
Meron akong lola. Actually hindi ko talaga siya lola, ninang siya nina papa sa kasal. Isa rin siya sa nakatulong kumbakit ako ganito ngayon. She's really a 'deboto' at isinasama niya ko sa Dawn penitential procession. Marami akong natutunan sa kanya. Isa rin siya sa mga nagpabago ng ugali ko. Siya rin ang naging dahilan kumbakit ako nagkaroon ng debosyon sa Divine Mercy. Marami rin siyang ibinahagi sa aking prayer booklets and pamplets. Sa kanya ako humihingi ng advice pag may problema ako, sabi niya magdasal ka lang lagi..
Eto siya oh.. please pray for her.. Sister Crispina Agawin..
Side view yan, lagi siyang nagbabasa ng prayer booklets kasi nga napakarelihiyoso niya ^_^
So now let's proceed, First Saturday of the month ay isinama namin ni lola yung ex ko sa dawn procession - nang nakayapak.
Sa loob ng isang taon ay wala namang gaanong nangyari, basta ang alam ko, mas lalong tumatag yung faith ko as a Catholic. Hindi pa ko nag-aapologetics that time.
Pero dumating sa point na medyo nanghina ang faith nung sumasama ulit ako sa kanya.
Napakabait kasi nung churchmates niya maging yung pastor. Nahihilig na rin ako sa worship songs nila. May isa nga dun na nagsabi, "Uy *pangalan ni ex*, dapat sa susunod naipatanggap mo na siya ha?". Hindi ko pa nagegets kong ano yun nung time na yun.
Minsan, tinanong ako ni ex kung "Tinanggap mo na ba si Hesus bilang Panginoon at personal mong Tagapagligtas?". Sumagot ako, "Oo". Tinanong niya ko kung kelan. "Sabi ko, "Nung ako ay binyagan." at tumahimik na siya. Ngayon ko lang nagets na yun pala yung unang process para maging born again, na para raw 'saved' na ko. Sorry na lang sa kanya kung hindi niya ineexpect yung sagot ko =)
Yun pala yung sinasabi nung babae na "pagpapatanggap".
I'm already born again on January 30, 1994
..nung biniyagan ako. =)
Noong November 10 ay napadaan ako sa simbahan. Isa kasi sa paring nagmimisa ay kilala ko kaya nagsimba ako. Napaisip din ako, siguro ito na yung time para magtanong ako tungkol sa pananampalataya ko, para mawala na rin ang pagkabagabag sa dibdib ko. After the mass ay nag-approach ako sa bagong pari sa aming parokya, at yun ay si Father Topher Parraba.
At yun na nga, yun ang kauna-unahang counseling ko sa isang pari. Sinabi ko lahat ng pagdududa at pag-aagam-agam ko sa ating pananampalataya na nagsimula nung sumama ako sa pagsimba sa Born Again. Isa na riyan ang tunugkol sa mga santo. Natutunan ko sa kanya yung 3 levels of reverence. Ang Latria, Hyperdulia at Dulia. Sinabi niya rin na magkaiba ang adoration sa veneration. Marami pa akong natutunan sa kanya at talagang naliwanagan ako. Dalawang oras din kaming nag-usap at pagkatapos nun ay nangumpisal ako sa kanya. Napakasarap sa pakiramdam. =)
Dun din ako nakapagdecide na simula ngayon ay magiging tagapagtanggol ako ng Simbahan.
Dun ko rin narealize na ang Catholic faith pala ay higit pa sa linggu-linggong pagsimba, pagrorosaryo at pagsama sa prusisyon. Napakalawak pala at napakaganda ng sakop nito.
Simula nun ay mas naappreciate ko na ang pag-attend sa misa. Nagte-take note rin ako sa mga sinasabi ng mga pari sa homily at pinagninilayan ko pag-uwi sa bahay. Naging kumpleto rin ang pakiramdam ko lalo na nung nakakatanggap na ko ng Banal na Komunyon. Kung dati ay naiinip ako sa misa, ngayon ay hindi na. Kung dati sumisilip-silip ako nang konti sa cellphone ko habang may misa, ngayon ay hindi na.
Umaattend na rin ako ng daily mass, yun ang debosyon ko although minsan ay hindi ko ito natutupad dahil late na kong gumising.
December 05, 2012 - isinama ako ng ex ko sa simbahan nila sa kabilang bayan, meeting lang daw so sumama ako. Di ko naman inexpect na may konting kantahan at Bible sharing ulit. Pinagdala niya ko ng Bible. So dinala ko yung Catholic Bible ko. Kumpleto yan =)
Nung nagkaroon ng sharing, nagpreach na naman yung pastora at nakaramdam ako ng
pailalim na pag-atake sa mga Katoliko. Na kesyo yung nanay daw niya ay deboto noon, araw-araw nagrorosaryo. Tinuturuan nga daw siya magrosaryo tapos may pinapamemorya raw na pagkahaba-habang dasal kaya inaantok siya. Nagpapasalamat nga daw siya dahil two years bago namatay yung nanay niya ay 'naliwanagan' daw ito (naging born again). Binasa niya ang Bible from cover to cover.
Wag din daw maniwala sa santo, hindi daw sila dapat sambahin kasi ang Diyos lang ang dapat sambahin). (sino bang may sabing sambahin ang mga santo? Gumagawa ka ng sariling kwento). Wag din daw maniwala sa Purgatoryo, wala naman daw ito sa Bibliya. Alam ko naman na ako yung pinapatamaan niya, she is trying to persuade me to convert. But sad to say, mas lalong lumakas yugn desire kong maging defender ng Simbahan.
Medyo nagalit ako nun, kasi bakit ganun, antaas ng paggalang ko sa kanila dahil napakalapit nila kay God pero
ganun pala ang tingin nila sa mga Katoliko? Ang pagtingin kong iyon ay biglang bumugso. Sa tingin ba nila, gusto yun ni God? Na manghusga sila at mantuligsa?
Kaya pala ganun mag-isip yung ex ko e na-brainwash na ng ganung kaisipan.
Simula noon ay nagsimula na kong magresearch. Itinype ko sa search tab ng FB yung salitang Katoliko at lumabas ito:
Ang 100% Katolikong Pinoy ang kauna-unahang Catholic page na tinambayan ko. Napakarami ko ritong natutunan. Nagtanong na rin ako dito at naipost nga sa page nila ito at ang kasagutan.. Halimbawa:
Makikita ang link sa :
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150624332853643&set=a.10150527294783643.392908.96426468642&type=3&src=https%3A%2F%2Ffbcdn-sphotos-e-a.akamaihd.net%2Fhphotos-ak-ash4%2F425073_10150624332853643_1713261161_n.jpg&size=633%2C500
Isa ako sa naging certified tambayer ng kanilang page. Nag-oobserve din ako ng mga debate sa page at minsan ay nakikisabat ako pag alam ko ang isasagot. Binasa ko rin ang notes ng page na ito mula sa simula hanggang sa pinaka-latest na note.
Isang araw, nakita ko ang post ni Kuya Andrew Cagampang Calopez, inilagay niya yung link ng group na Ang Tunay na Kawan. Sumali ako roon at marami akong nakilala roon na apologist. In-add nila ako at ang isa nga sa mga unang naka-close ko dun ay si Kuya Carlo Rapay. Sumunod ay sina Bro. Elias Arzadon Jr at ang aking mentor na si Nolette Evangelista, formerly known as Teewee Diego.
Isa nga rin pala sa mga paborito kong dalawing blog ay yung blog ni Father Abe, ang The Splendor of the Church. Marami akong natutunang istratehiya kung paano sagutin ang mga heretiko na tumutuligsa sa ating Simbahan.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ako sa pagreresearch hindi lang tungkol sa Apologetics kundi pati tungkol sa Catholic Faith. Marami na rin akong kilala at ka-close na apologist. I love what I'm doing. Siya nga po pala, wala na kami nung ex kong born again. I also have a calling to enter religious life. Ipag-pray niyo naman po ako. Thank you!
Gloria in Excelsis Deo!
"I was born a Catholic and I wil die as a Catholic."
Special thanks to:
God
Mama Mary
Saints
Guardian Angel
ANd to my co-apologists at Catholic friends, Ryan Michael, Randale, Mark Gelo, Kuya Carlo, Bro. Elias, Bro. Igi, Father Abe, Sir Nolette, Noah, Lay Person Scripturist, Kuya Mark Louie, Atty. Llasos, Jack Saliba at marami pang iba.
- Katryn M. Leonor