Anonymous said...
Iglesia ni Cristo member (Lyndon Domantay):
bakit ba pinipilit niyo na Iglesia Ni Manalo. Kami ay IGLESIA NI CRISTO..wala itinuturong doktrina na Iglesia ni Manalo ang kinaaniban namin at kinikilala namin na ang Panginoong Jesus ang ULO ng IGLESIA (Colosas 1:18)
Maraming salamat po Ginoong Lyndon Domantay sa pagkomento sa aking articulo. Hindi ko man naising saktan ang iyong kalooban pero kailangan lamang po nating itama at ituwid ang mga mapanlinlang at maling pananaw ng mga kaanib ng INC-1914.
Sa aking pagkaalam, ang sabi po ng inyong INC ay PEKE raw po ang mga "nagsisibangon ngayong mga Iglesia ni Cristo..." Ito po ay mababasa sa inyong PASUGO, Mayo 1968 Pahina 7 po.
At kailan ba naitatag ang INC? PASUGO Agosto-Setyembre 1964, Pahina 5 rin po ang nagpapatunay na ito ay naitatag ni Felix Manalo noong Julyo 21, 1914, AYON NGA sa "sinasabi sa rehistro". Sa makatuwid ang INC na tatag ni Felix Manalo ay kamakailan lamang "naibangon" kaya ito ay PEKE at HNDI TUNAY.
At bakit naman dapat na IGLESIA NI MANALO ang iglesiang yan ay sapagkat AYON sa Pasugo Agosto-Setyembre 1964, pahina 5, na TUNAY NGA na SINASABI ng REGISTRO na si K. FELIX MANALO ang NAGTATAG ng IGLESIA NI KRISTO.
Kung sino ang nagtatag, marapat na sa kanya ang itinatag!
PASUGO Hulyo 1952, p. 4:
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
Ngayon may angal ka pa?
**********************************************
Tungkol sa INC flag ang topic...>>>mukhang mas Pinapahalagahan niyo ang flag kaysa sa aral..
Kami ba ang nagpapahalaga ng flag? Makipagpustahan ako kung may makikita kang FLAG NG VATICAN sa mga sasakyan ng mga Katoliko! Ang makikita mo ay ang KRUS na simbolo ng KALIGTASAN ng SANLIBUTAN! Huwag mong baligtarin ang pangyayari. Tingnan mo kung paano yabang na yabang ang mga kaanib niyong winawagayway pa ang bandilang at simbulong WALANG PALIWANAG at WALANG IBIG SABIHIN!
**********************************************
Kaya may mga INC symbol sa mga sasakyan ay para maipakita nila ang kanilang kahalalan... pag nakita ang ganyang symbol sa sasakyan, makikilala na siya ay nasa Iglesia ni Cristo...
So anong ibig sabihin ulit ng bandila niyo para naman maunawaan namin kung anong "kahalalan" ito. Baka naman "kahangalan" ang magwagayway ng isang simbolo na walang paliwanag at walang ibig sabihin. Lalabas na walang saysay ang "kahalalan" kung walang paliwanag ang mga bagay-bagay na ginagawa niyo!
ang kulay na Green, White, Red ay maraming kahulugan- nasa tao yan kung paano niya ito papakahulugan..
kung gusto mo talagang malaman kung ano talaga ang tunay na kahulugan niyan, makipag-usap ka ng masinsinan at personal sa ministro ng Igleisa ni Cristo.. sasagutin ka niya,
Alam kong di mo kayang ipaliwanag ang mga kulay na GREEN, WHITE at RED kasi mimong INC Central walang OPISYAL na paliwanag. Mas matalino ka pa ba sa mga nakaupo sa Central offices niyo?
So sige sakyan kita. Depende sa nagbibigay ng kahulugan. Kung ayaw niyo ng paliwanag tungkol sa ITALIAN FLAG bibigyan natin ng kahulugan:
GREEN - BERDE ito, ibig bang sabihin BERDE ang mga namumuno sa INC?
WHITE - BLANGKO, ibig bang sabihin, walang alam ang mga INC?
RED - DUGO, ibig bang sabihin mamatay-tao ang mga INC?
So matatanggap mo ba kung iyan ang pakahulugan ng tumitingin sa bandila niyo? Natural hinde. Kaya nga dapat may opisyal na paliwanag ang Central ng INC ni Manalo.
************************************************
THE CATHOLIC CHURCH IS THE CHURCH OF CHRIST AT FIRST(when the HOLY NAME OF CHRIST IS NOT YET REMOVED IN THE NAME OF HIS CHURCH, when the word "catholic" is not yet invented and when there are NO TEACHINGS THAT ARE NEVER TAUGHT BY CHRIST AND THE APOSTLES but lead to PAGANISM) .....
Ha? Saang hula-hoops mo naman nakuha ang mga information mo? Para naman hindi ka lalabas na MANGHUHULA at MAPANIWALA sa mga SABI-SABI at walang SARILING-BAIT, maglagay ka na lang ng source mo.
Pero tutulungan kita. Heto ang sabi ng WIKIPEDIA kung bakit nagkaroon ng pangalang "KATHOLOS" ang Iglesiang tinatag ni Cristo Hesus!
"The term "Catholic", derived from the Greek word καθολικός (katholikos), which means "universal" or "general", was first used to describe the Church in the early 2nd century. The term katholikos is equivalent to καθόλου (katholou), a contraction of the phrase κατὰ ὅλου (kata holou) meaning "according to the whole". Thus the full name Catholic Church roughly means "universal" or "whole" church."
Panis ang INC ni Manalo diyan. Second Century, walang wala pa ang INC ni Manalo so dream on, libre naman!
***********************************************
Dahil sa sinabi mong : "Purihin si Cristo Hesus. Narito po SIMBOLONG makakapagligtas sa atin!"-- tunay ngang mali ang aral niyo, at mukhang ito na nga ang nagawa ni SATANAS.--- NAPANIWALA KA NIYA NA ANG SIMBOLO ANG MAKAKAPAGLIGTAS SA ATIN..
*SA TOTOO LANG, HINDI ANG SIMBOLO ANG MAKAKAPAGPALIGTAS SA BAWAT TAO KUNDI ANG KATOTOHANAN- ANG MGA DALISAY NA ARAL.
PURIHIN ANG DIOS AT ANG PANGINOONG JESUS! -Lyndon
Sa lugar ng mga Muslim, BAWAL na BAWAL ang magsuot ng KRUS. Maaaring mahatulan ka ng pagkakulong kapag nakitaan ang isang tao ng KRUS.
Bakit kaya?
Sapagkat para sa mga Muslim, ang KRUS ay simbolo ng pagwawagi ng KRISTIANO. Hindi lang yan, HINDI sila naniniwalang si CRISTO ay namatay, lalo na sa pamamagitan ng kahiya-hiyang kamatayan sa Krus. Para sa kanila, propeta si Hesus at hindi papayag ang Dios na mamatay si Hesus ng nakakahiyang klase ng kamatayan.
Ang mga Hindu, Bhudists, Hudyo, alam nilang ang KRUS ay simbolo ng mga MANANAMPALATAYA kay HESUS. Bakit ba hindi niyo matanggap na ito nga ay simbolo ng kaligtasan AT HINDI ANG BANDILA ng ITALIA!
The Christian cross, seen as a representation of the instrument of the crucifixion of Jesus Christ, is the best-known religious symbol of Christianity. -Wikipedia
Ang KRUS ay pagwawagi ng DIOS laban sa kasalanan! Ito'y PAGLILIGTAS niya sa atin (kasama ba kayo kaya?).
|