"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Sunday, September 15, 2019

TAYO ANG TUNAY NA BAYAN NG DIYOS!

Iglesia Ni Cristo flag (the colors represent faith, hope and love while the seven-branched candelabrum or menorah represents the church in the Bible) -Wikipedia
NASA BIBLIA BA ANG KAHULUGAN NG KANILANG BANDILA?

Isa lamang iyan sa maraming tanong sa Iglesia Ni Cristo® Ukol sa kanilang opisyal na simbulo. Narito ang kanilang paliwanag:


Tanong : Maituturing ba ang  Iglesia Ni Cristo® 1914 bilang isang "bayan" o nation? 

Sagot : Hindi po! Hindi po sila isang "bayan" o "bansa". Ang INC™ po ay isang sekta-Protestante na kinaaniban ng halos 99% na mga Pilipino at lahat ng kanilang pag-iral ay napapailalim sa itinatakda ng SALIGANG BATAS NG BANSANG PILIPINAS.

Ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ay katulad rin ng maraming nagsulputang mga sekta sa mundo maging sa Pilipinas. Sila po ay MGA KORPORASYON (Corp.) (o inkorporasyon (Inc.)). Ang mga korporasyon/inkorporasyon ay tatag ng tao. WALA silang SOBERANYA (sovereignty) o pagkakakilanlan bilang independent states. Hindi sila nakahihigit sa batas ng ano mang bansa tulad ng Pilipinas. Sila ay umiiral sa ilalim ng batas ng Pilipinas (basahin ang kaibhan ng corporation vs incorporation).

First Part Annex D, Ammended Laws of INC
(Source: alias Benito Afflek)
XXX



XXX

Ang Iglesia Ni Cristo Inc. 1914 ay TATAG ni Ginoong Felix Y. Manalo ayon na rin sa kanilang opisyal na magasing PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Tanong : Ang bandila ba ng INC™ ay maituturing na kapantay ng ibang mga bandila ng alinmang sovereign state o bansa?

Sagot : Hindi po. Ang bandila ng INC™ 1914 ay hindi maituturing na kapantay ng kahit sa alinmang mga bandila ng mga bansa. Kaya't kahit na pilit pang ipantay ito sa alinmang bandila ng bansa, sila ay hindi pa rin maituturing na "bayan" o "nation" lalo't ang pag-ankin na sila raw ay "bayan ng Diyos" o "God's nation". Uulitin po natin, ang INC™ 1914 ay isang SEKTA (religious sect), hindi bayan o nation!

Ambasador ng Mexico at ang Pinunong Pangkalahatan ng sektang INC™ (Photo source: INCMedia)
Katulad ng larawan sa itaas, maling mali na ipantay ng INC™ ang kanilang bandila sa bandila ng Mexico sapagkat tulad ng nasabi na natin, ang INC™ ay HINDI BANSA. Pangalawa hindi pinuno ng bansa si Eduardo V. Manalo kundi tagapangasiwa lamang ng kanilang korporasyon. Mas tama kung ang ilagay ng INC™ na kapantay ng Mexico ay ang BANDILA NG REPUBLIKA NG PILIPINAS!

Pope Francis and President Enrique Peña Nieto, accompanied by First Lady Angélica Rivera, held a meeting in the premises of the Presidential hanger following the Pope's arrival in Mexico. (Photo Source: Wikipedia)
Tanong: Ang bandila ba ng Vatican ay maituturing na kapantay ng ibang mga bayan o bansa?

Sagot: Opo. Sa larawan sa itaas, TAMA po ang pagkakapantay ng bandila ng Mexico at Vatican sapagkat pareho silang mga bansa. Bagamat ang Vatican City State ay ang Centro ng Iglesia Katolika, ITO AY ISANG BAYAN o NATION!

Ayon sa History.com, ang VATICAN CITY po ay ang PINAKAMALIIT NA BANSA sa buong mundo o THE SMALLEST NATION IN THE WORLD. Ito ay may sariling pamahalaan, sariling batas, may sariling gobyerno, at may kasarinlan at soberenya. Ang bawat bansa ay may ambassador sa Vatican at may Papal Nuncio naman sa mga bansang may diplomatic relations tulad ng Pilipinas.

Si Papa FRANCISCO ay isang HEAD OF STATE, at siya rin ay ang VISIBLE head of the Church of Christ. Ito ang dahilan kung bakit ang VATICAN ay may DIPLOMATIC RELATIONS sa maraming bansang kinabibilangan ng UNITED NATIONS. Sa kanyang pagbisita sa maraming mga bansa, ang pagdalaw ng isang Santo Papa ay may katulad na PROTECTION PAGKILALA ayon sa UN Protocol para sa isang VISITING HEAD OF THE STATE.  At sa mga Katoliko, ang kanyang State Visit ay isang Apostolic Visit na rin.


Halimbawa na lamang ang kanyang makasaysayang pagbisita sa United Arab Emirates (UAE) na ginastusan ng Kaharian, ito ay maituturing na isang APOSTOLIC VISIT at isang STATE VISIT.

Ang Iglesia Ni Cristo® 1914, wala po siyang sariling pamahalaan, walang sariling batas, walang sariling gobyerno at walang kasarinlan. Umiiral lamang siya ayon sa itinakda ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas na kinapapalooban nito. Ganon din naman sa ibang bansa. Ang kanilang mga LOKAL ay itinuturing ng kanilang mga gobyerno bilang sekta (Inc.) at hindi isang bayan o nation.  Mangyari man na magdeklara sila ng kasarinlan, ito ay maituturing na isang rebelyon o treason.

Sa pagdalaw ni Eduardo V. Manalo sa ibang bansa, hindi po siya binibigyan ng pansin ng lider ng bansang dinadalaw katulad ng isang head of state sapagkat ay hindi siya pinuno ng isang bansa o nation. Kaya't MALABO pong maituturing na BAYAN NG DIYOS o GOD'S NATION ang IGLESIA NI CRISTO® na TATAG ni Ginoong Felix Manalo sa Pilipinas noong 1914.

Sa kabuuan, ang IGLESIA KATOLIKA (ang tunay at nag-iisang Iglesiang tatag ni Cristo bilang KANYA) ay ANG BANAL na BAYAN NG DIYOS. Hindi lamang ito isang kathang isip kundi ito ANG KATOTOHANAN. Hindi lamang ito makasaysayang relihiyon kundi ito ay ang makasaysayang IGLESIA NI CRISTO, ISANG BAYANG dinadalika ng buong mundo. Tunay nga na NATUPAD sa KANYA (Iglesia Katolika) ang mga sinalita ni Apostol San Pablo sa kanyang sulat sa mga KRISTIANO ng ROMA (16:16) na ang "LAHAT NG MGA IGLESIA (NI CRISTO) AY BUMABATI SA INYO (ROMA)"!



My Blog List

My Calendar