"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Tuesday, July 29, 2008

The Truth About the Iglesia ni Cristo (Last Part Part)

Read the Tenth Part

All exerpts posted were taken directly from the booklet Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo, a thorough PASUGO compilation by Julian Pinzon published by Divine Word Publication, Oroqueta Street in Manila. Please buy your copies at Chrirst the King Mission Seminary, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (near Quezon City Sports Club; in front of Maryhill School of Theology).

All entries were copied as they are. It was intentionally done for Filipino Catholics's proper information and in particular for Filipino members of the sect Iglesia ni Cristo's own discernment. I hope and pray that with this little effort of typing some from the booklet, our separated brethren may finally come home to the real Church Christ has built on the rock of St. Simon Peter:

ANG IGLESIANG LAGANAP SA MUNDO AY MAY SATANAS (DAW) NA DIABLO

Ang paksa na ating tatalakayin ngayon ay ang Iglesiang Pambuong Sanlibutan na siya raw ang nadaya ni Satanas at ang buong sanlibutan kay Satanas (Diablo).

PASUGO Setyembre 1970, p.20:

"Sino ba ang nakadaya sa buong sanlibutan ayon sa itinuturo ng Banal na Kasulatan? Sa Apoc. 12:9 ay ganito ang mababasa: 'At inihagis ang malaking Ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang nakadaya sa buong sanlibutan.' Sinasabi ng Banal na Kasulatan o Biblia na si Satanas o ang Diablo ang nakadaya sa buong sanlibutan. Kay Satanas ang Pambuong Sanlibutan. Kung ang Iglesia Katolika Romana ay pambuong sanlibutan o laganap sa buong sanlibutan kung gayon ito ang nadaya ni Satanas."

Iyan ang ang paghatol nina G. Felix Manalo sa Iglesiang Pambuong Sanlibutan. Datapuwa't ang nais kong una sa lahat na bigyang pansin dito ay mali ang paggamit ng talata ng Biblia. Bakit? Sapagkat ang tinatanong ng PASUGO ay kung sino ANG NAKADAYA SA BUONG SANLIBUTAN. Ang pinanagotna talata ay DUMADAYA ang sinasabi at hindi nakadaya; na anupa't dinadaya pa lamang at hindi nadaya na.

Dahil dito ay ito naman ang tanong:

Tanong: Ito bang Iglesia na itinaguyod nina Manalo ay para sa Pilipinas lamang o pambuong mundo at naging laganap na sa buong daigdig?

Sagot: Ang sasagot sa tanong na ito ay ang PASUGO na napalathala noong Abril 1969, at ang nababasa sa huling panakip ay ganito: (patula)

"Kung buhay an sugo, Makikita niya na hindi nasayang;
Ang mga panahong kanyang ginugol nang siya'y mangaral;
Saka ang Iglesia'y hindi lamang dito ngayon nakatatag;
Tumawid na ito sa ibayong Pangpang nitong Pilipinas;
Pati na sa Hawaii at sa San Francisco doo'y lumaganap;
Nakatatag ngayon si Cristong pinakahahamak;
Papaano di gayon ay kalat na ngayon ang mga kapatid;
At nangakalatag sa palibut-libot ng buong daigdig."

(Hindi totoo ito, ngunit napasilat...)

Dito pa lamang sa unang puntong ito, ay nagangamote na sina Manalotos. Bakit? Sapagkat sila ang may sabi na ang Iglesiang laganap o pambuong sanlibuan ay siya ang nadaya ni Satanas na Diablo.

Pansinin: Ang kanilang Kapatid daw ay nangalatag sa palibut-libot ng buong daigdig. Kahabag-habag na nilalang ng Dios.

Tanong: Mayroon po bang ibang daigdig na kinaroroonan ng mga tao? O wala na ba sina G. Manalotes dito sa daigdig na ito?

Sagot: Narito rin sila na kasama natin sa mundo. Kung gayon kay Satanas din sila, ayon sa kanilang sinabi, na kay Satanas ang buong mundo.

Tanong: Ang buong mundong ito, o ang mga nasa mundo ay kay Satanas na ba at hindi sa Dios?

Sagot: Ang sabi ng mga talata ng Biblia ay ganito: Salmo 50:7-12:
"Iyong dinggin, O Bayan, at ako'y magsasalita, O Israel, at ako'y magpapatotoo sa iyo; Kung ako'y magutom ay hindi ko sasaysayin sa iyo: sapagkat ang sanlibutan ay akin at ang buong narito."
Idaragdag pa natin ang sabi sa 1 Corinto 10:10:26 ay ganito:

"Sapagkat ang lupa ay sa Panginoon at ang kabuuan ng narito."

CONKLSYON: Sa anumang sabihin nina Manalo at ng kanilang mga panatikong Ministro; nasa Biblia at wala sa Biblia ay may nakaabang na panlunas na nasusulat sa PASUGO. At sa wakas mga kababayang Manalista ay nakikiusap ako sa inyo na sagutin at isulat sa Magasing PASUGO ang inyong mga paliwanag at opinyon sa mga inilahad kong ito.

-Julian Pinzon


--END--

Picture Credit: Icarus Rising

Monday, July 28, 2008

The Truth About the Iglesia ni Cristo (Tenth Part)

Read the Ninth Part

All exerpts posted were taken directly from the booklet Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo, a thorough PASUGO compilation by Julian Pinzon published by Divine Word Publication, Oroqueta Street in Manila. Please buy your copies at Chrirst the King Mission Seminary, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (near Quezon City Sports Club; in front of Maryhill School of Theology).

All entries were copied as they are. It was intentionally done for Filipino Catholics's proper information and in particular for Filipino members of the sect Iglesia ni Cristo's own discernment. I hope and pray that with this little effort of typing some from the booklet, our separated brethren may finally come home to the real Church Christ has built on the rock of St. Simon Peter:

SI FELIX MANALO BA ANG IBONG MANDARAGIT NA HINULAAN SA ISAIAS 46:11?

Ang ibong mandaragit na mababasa sa Isaias 46:11, ay mababasa sa PASUGO na si Felix Manalo raw ang tinutukoy at ang talatang ito ni Isaias 46:11 ay ganito ang sinasabi:
"Buhat sa silanganan, tinatawag ko ang ibong mandaragit, buhat sa malayong lupain ang taong (gaganap) ng akingmga ablak. Kung ano ang aking sinabi ay siya kong gagawin; kung ano ang aking binalak ay siya kong isasagawa".


PANSININ: Ang interpretasyon nina G. F. Manalo at ang mga panatikong Manalista ay ganito:

  1. Ang ibon ay mula sa silangan -- W. History, B.S.A. p. 445
  2. Ang tao na iyon din ang ibon ay mula sa malayong lupain, mga pulo ng dagat -- Isaias 24:15, ang Pilipinas.
  3. Si G. Felix Manalo ang ibong mandaragit mula sa Pilipinas.

Ang ibong mandaragit na ito na hinulaan ni Propeta Isaias ay si Ciro na hari ng Persia, ayon sa mga Pantas at Dalubhasa sa mga Kasaysayan at sa Banal na Kasulatan.

Kaya ang hulang ito (Isaias 46:11) na ipinatutungkol ni G. Felix Manalo sa kanyang sarili, ay hindi dapat bigyang pansin kung isasaalangalang sa mga nailahad na mga paksa. Bakit? Sapagkat nasusulat sa Santiago 2:10 ang ganitong mga pangungusap:

BlockquoteSapagkat ang sinumang gumanap ng buong kautusan, at gayon ma'y natisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat."

Si Felix Manalo 'y napatunayan natin na hindi sinugo ng Dios, ayon sa paliwanag ng kanilang Magasing PASUGO at gayon din sa Banal na Kasulatan; na anpa't ang mga itinurong aral ay hindi nagmula sa Dios kundi nagmula lamang sa kanyang sarili. Bakit? Sapagkat wala sa Bibliya at laban sa Bibliya. Ang magasing PASUGO ay laban sa magasing PASUGO.

Datapuwa't bagaman wala nang pangangailangan pa o nasabi nga natin na hindi sapat pansinin pa ang bagay na ito, ay sa kapakanan ng mga walang kabatiran sa hulang ito, narito ang pahapyaw na paglilinaw tungkol sa "silanganan at malayong lupain at mga pulo ng dagat" na kanilang piagbabatayan na umano'y ang Bansang Pilipinas, at ilalahad natin ito sa pamamagitan ng mga tanong at sagot:

  • TANONG: Saang dako ng daigdig ang tinutukoy ng Banal na Kasulatan na Silanganan?
    SAGOT: Genesis 25:6
    BlockquoteDatapuwa't ang mga anak ng naging mga babae ni Abraham ay pinagbigyan ni Abraham ng mga kaloob; at samantalang nabubuhay pa siya ay inilayo niya kay Isaac na kanyang anak sa dakong silanganan sa lupaing silanganan."

Pansinin: Ang mga anak ni Abraham ay pinapunta sa silanganan. Ang mga ito'y anak ni Abrahamn sa laman. Si Felix Manalo'y hindi anak sa laman ni Abraham.

  • Genesis 29:1,4
    BlockquoteNang magkagayo'y si Jacob sa kanyang paglalakbay ay napasa-Lupain ng mga anak ng Silanganan. At sinabi sa kanila ni Jacob; mga kapatid ko, taga saan kayo? At kanilang sinabi, taga Haram kami." (Kapatid -- kapwa Israelita)

  • Deut. 4:47-49
    BlockquoteAt kanilang sinakop ang kanyang lupain sa pinakaari, at ang lupain ni Og na Hari sa Basan, ang dalawang hari ni Amorreo, na nangasa dako pa roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw. Mula sa Aroer na nasa hangganan ng libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Sion o Hermon at ang buong Arabia sa dako roon ng Jordan sa dakong Silanganan hanggang sa dagat ng Arabia sa ibaba ng gulod ng Pisga."

Pansinin: Ang SILANGANAN na binabanggit sa Isaias 46:11 ay walang pangalan ng bansa na sinasabi. At sapagkat Bibliya ang may sabi nito, ay dapat din na Biblia ang magsasabi kung san naroon. Ngayon ipinakita at sinasabi sa atin ang dakong tinatawag ng Biblia na SILANGANAN. At ang sabi ay sa dako pa roon ng Jordan. (Pansinin sa mga talatang ito.)

Dahil diyan ay maliwanag na paltos at kamangmangang sabihin sa Pilipinas ang tinutukoy na SILANGANAN sa Isaias 46:11. At huwag isali dito ang Word History p. 445.

At ngayon ay sisipiin natin ang nasa Isaias 24:15, na kanilang pinagbabatayan hinggil sa SILANGANAN at MGA PULO NG DAGAT, na ganito ang nasusulat:

BlockquoteKaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa SILANGANAN samakatuwid bagay ang pangalan ng Panginoon ang Dios ng Israel, sa MGA PULO NG DAGAT.


Tanong: Mayroon bang masusumpungan sa Banal na Kasulatan na lugar ng "MGA PULO NG DAGAT?"

Sagot: Mayroon at si Isaias din agn una nating pasasagutin dito, at sa Isaias 11:11-12a na ganito ang pahayag:
BlockquoteAt mangyayari sa araw na yaon na ilalapag ng Panginoon uli ang kanyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalalabi sa kanyang bayan na nalalabi mula sa Asira, at mula sa Ehipto, at mula sa Patros, at mula sa Cus, at mula sa Elam, at mula sa
Sinar, at mula sa Amoth, at mula sa mga pulo ng dagat."
Pansinin: Unawain sa mga binanggit dito na walang nabanggit na Pilipinas.

Sa Esther 10:1 ay ganito ang sinasabi:
"At ang Haring Assuero ay nag-atang ng buwis sa lupain at mga "PULO NG
DAGAT."
Nayon ay ito naman ang tanong:
Ang bawat Pilipinas na maraming mga "PULO NG DAGAT" ay nagbayad p ba ng buwis kay Haring Assuero? O sa kasaysayan ng Bayang Pilipinas, mababasa po ba na nakasakop ni Haring Assuero ang bansang Pilipinas? Sa tanong na ito'y tiyak na mangangamatis ang mga Manalotes panatikostes. Kaunting pagbubulay-bulay mga kababayan!

Tanong: Yaon bang 'MALAYONG LUPAIN' na binanggit ni Propeta Isaias 46:11, saan naman mababasa at aling bansa ang tinutukoy?

Sagot: Sa Isaias 39:3 ay ganito ang pahayag:
"Nang magkagayo'y duating si Isaias na propeta sa Haring Ezequias at nagsabi sa kanya; Anong sinasabi ng mga lalaking ito, at ssan nanggaling na nagparito sila sa iyo? At sinabi ni Ezequias; Sila'y nagsiparito sa akin mula sa MALAYONG LUPAIN." (Ang mga lalaking nabanggit dito ay mga pangkat ni Ciro.)
Sa talatang ito ay ipinababatid salahat na ang MALAYONG LUPAIN na nasusulat sa Biblia ay doon sa Babiloni at hindi sa Pilipinas. Dahil diyan, sino ngayon ang dapat paniwalaan, sina Manalo ba o si Isaias na sumulat sa Isaias 46:11, at Isaias 39:3? O ang World History nina Boak, Sosson at Anderson, p. 445, na ito ang ginamit nilang patotoo upang linlangin ang mga walang muwang sa bagay na ito.

Datapuwa't malaman ang buong katotohanan. Ang World History ay naglalaman ng mga katotohanan. Datapuwa't suriin ang mga bagay-bagay na inilalarawan ng bawat mannulat kung ano yaon. Isang halimbawa'y may sumulat sa lalawigan ng Abra at ilarawan niya ang apat na direksiyon: Silangan-- Isabele; Kanluran-- Vigan, Ilocos Sur; Hilaga-- Laoag, Ilocos Norte; at Timog-- La Union o Cabanatuan. Sa gayon, mayroon lamang hangganan na inilalarawan. Dahil diyan siya na sumulat ang dapat tanungin kung ano ang ibig sabihin, at huwag sa ibang manunulat. Ang ibig kkong ipagunita sa halimbawang ito, si Isaias ang nagpahayag ng SILANGAN, MALAYONG LUPAIN at MGA PULO NG DAGAT, siya rin ang dapat magturo kung nasaan ang mga bagay na sinasalita, ay Biblia rin ang magbibigay ng liwanag.

Ngayon ay nais kong sariwain sa alaala ng mga kinauukulan ng bagay na ito ay baka magtanim sila ng galit sa atin ay unawain nila ang nasusulat sa mga Magasing PASUGOng sumusunod:

PASUGO Okt. 1956, p. 29:

"Bakit ang hindi nag-aral ng Iglesia ni Cristo ang iyong tuligsain? Ipakita
ninyo sa pamamagitan ng Biblia na mali ang aming mga aral. Ito ang dapat ninyong
gawin."
  • PASUGO Marso 1962, p.2:
    "Makagagawa ka ng mabuti kung ang mga aral ng INK ay iyong tututulan at ipakita mo sa pamamagitan ng Biblia. Kung iyan ay magagawa mo... makapaglilingkod ka pa sa Dios at makapaglilingkod ka pa sa kapwa mo tao."
    (sanay'y maunawaan ng mga kinauukulan ang nasusulat na ito sa kanilang Magasing PASUGO.)

Read the The Truth About the Iglesia ni Cristo (Last Part).

Picture Credit: Network54.com

Sunday, July 27, 2008

The Truth About the Iglesia ni Cristo (Ninth Part)

Read the Eighth Part

All exerpts posted were taken directly from the booklet Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo, a thorough PASUGO compilation by Julian Pinzon published by Divine Word Publication, Oroqueta Street in Manila. Please buy your copies at Chrirst the King Mission Seminary, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (near Quezon City Sports Club; in front of Maryhill School of Theology).

All entries were copied as they are. It was intentionally done for Filipino Catholics's proper information and in particular for Filipino members of the sect Iglesia ni Cristo's own discernment. I hope and pray that with this little effort of typing some from the booklet, our separated brethren may finally come home to the real Church Christ has built on the rock of St. Simon Peter:

IBANG ANGHEL SA APOC. 7:2-3

Ayon sa isang aklat ng INC-1914, na pinamagatang SULO p. 80-105, at gaundin sa kanilang Magasing PASUGO, ang hula sa Apoc. 7:1-3 ay ganito ang interpretasyon nina G. Felix Manalo at ng kanyang mga kaanib:

Apoc. 7:1, (Apat na Anghel)
  1. Wilson ng America
  2. Lloyd George ng Englatera
  3. Clemenceau ng Francia
  4. Orlando ng Italya
Apoc. 7:2-3 (Ibang Anghel)
  • Felix Manalo ng Pilipinas
  1. Ang ibang anghel (Apoc. 7:2-3) na umakyat sa sikatan ng araw upang pigilin ang apat na mga anghel (Apoc. 7:1) na ibig magpahamak ng daigdig ay si G. Felix Manalo raw na taga-Pilipinas (o lumitaw sa Taguig, Rizal).

  2. Ang hangin na nasasabi sa bersikulo 1 ng kapitulo 7 ng Apocalipses ay iyan daw naman ang unang Digmaang Pandaigdig (Hulyo 27, 1914)

PALIWANAG: Ito ang pakahulugan ng mga salamangkero ng Biblia na sina Manalo at ng kanilang mga panatikong Ministro.

Ngunit ang tanong ay ito naman:

  • Ano ang kahulugan ng "Sigaw" Simboliko or Literal? (Apoc. 7:2-3)
    Ang sagot nila dito ay: Simboliko -- pangangaral ng dalisay na Ebanghelyo.

  • Napangaralan ba ni Felix Manalo ang apat na Ministro de Guerra noong 1914?
    Hindi gaanong marunong ng English si G. Felix Manalo at narito sa Pilipinas noong 1914, kaya walang saysay ang batayan nilang ito.
  • Marahil nagsenyasan sina ni Wilson at ni Lloyd Geroge na isang Amerikano at Ingles. Aba! Hindi rin pala maaari sapagkat nasa Amerika at Englatera ang dalawa at si F. Manalo naman ay nasa Taguig, Rizal. Kahit sa senyasan ay hindi rin maaari, ano po!
  • Kung sa wikang English ay kakapusin si G. Manalo, sa wikang Frances at Italiano ay lalo siyang mangangamatis. Kaunting repaso mga kababayan.
  • Kaya ang sagot nilang "Pangangaral ng dalisay na Ebanghelyo" ang Sigaw na tinutukoy sa Apoc. 7"2-3 ay hindi rin maaari kay G. Felix Manalo, kaya lumalabas na palsipikador ng Biblia.

PANSININ:

Kung papansinin naman nila na ang mga Apostol ni Cristo ay nauunawaan ang lahat ng wika ng araw ng PENTEKOSTES nang sila'y nagsasalita ay malayong maikapit nila sa kanila. Bakit? Sapagkat ang mga Apostol ay puspos ng Espiritu Santo, samantalang si G. Felix Manalo ay puspos ng espiritu ng maling aral.
Ito ang mga karagdagang katanungan"
  1. Natuloy ba ang Unang Digmaan? (Natuloy po ayon sa kasaysayan.)
  2. Sinunod ba ng apat na anghel si G. Felix Manalo na sina Clemenceau, Lloyd, Orlando at Wilson? (Hindi sila sumunod kay Manalotos.)
  3. Ano kaya ang matuwid na dahilan?
  • Ang Francia ay napaloob sa Digmaan noong Agosto 3, 1914. Pansinin: Hulyo 27, 1914 nang itatag ni G. Felix Manalo ang kanyang Iglesia. Pitong araw na hindi niya napigil ang Francia at hindi pa sumali noong inumpisahan niyang sinisigawan. (Malaking lamat ng utak si Felix Manalo).
  • Ang Englatera ay lumahok sa Digmaan nong Agosto 4, 1914. Pansinin: Hulyo 27, 1914 nang itayo ni G. Felix Manalo ang kayang Iglesia. Walong araw na sigaw ng sigaw si Felix Manalo noon ay hindi rin siya pinakinggan ni George ng Englatera.
  • Si Orlando ng Italya ay Mayo 1915 nang napaloob sa Digmaan. Isang taon na namang nagsisisigaw ni Manalotos at hindi niya napigil si Orlando.
  • At ang Amerika ay Abril ng lumahok sa Digmaan. Pansinin: Huly 27, 1914 nang itinatag ni G. Felix Manalo ang Iglesiang tinagurian niyang Iglesia ni Cristo. Tatlong taon na namamalat sa kasisigaw ay hindi pinansin ni Wilson ng Amerika. (Ito ang panaginip ng Iglesia Manalista sa katanghaliang tapat. Ano ang kapansin-pansin?)

Dito'y pansin: Hulyo 27, 1914 nang nagsisigaw si G. Felix Manalo, at ang kanyang sinisigawan ay itong apat na Ministro de Guerra. At sa ibang pakahulugan; sinisigawan niya ang mga hindi pa napaloob ng Digmaan. Kung gayon parang nasisiraan siya ng bait sapagkat inaaralan niya o sinisigawan ang mga wala.

At ngayon naman ay linawin natin ang apat na larawan ng apat na anghel na nasa aklat nilang pinamagatang "SULO" sa p. 82-83. At ang apat na anghel na ito ay panay na may pakpak, ay inilarawan sa apat na sulok ng lupa, at mababasa sa ibaba nito:

"At nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa" (Apoc. 7:1). Ang apat na anghel na ito ay ang Big Four, Francia, Englatera, Italya at Amerika na nakatayo sa apat na direksyon ng mundo; Ang Silangan, Kanluran, Hilaga at Timog. (Nakalarawan ding naka-Amerikana ang apat na kumakatawan sa apat na anghel.)

PANSININ: Ang tatlo sa kanila ay pawang taga Europa (Englatera, Francia at Italya). At si Wilson naman ay taga Amerika. Kaya dahil diyan ay kamangmangang sabihing nasa apat na direksion ng mundo ang naturang apat.

At ito namang talagta 3 kapitulo 7 ng Apoc. na ganito ang sinasabi:

"hanggang sa aming matatakan sa kanilang noo ang mga alipin ng ating Dios."

PANSININ: Tinawag ito ng "ibang anghel na kaatin niya ang apat na anghel."

Ang tanong naman natin ay ito: Umanib ba sa Iglesia ni Cristo na itinayo ni G. Felix Manalo ang apat na anghel o ang apat na Ministro de Guerra, upang maging kaating Dios nina G. Felix Manalo? (Hindi po!) At sapagkat hindi nga kung gayon paltos na naman ang nasusulat sa Magasing PASUGO Peb. 1968, p.20, na ganito ang sinasabi:

"Sino ang tinutukoy ng salitang "dahil sa atin?" Lahat ba ng taong makababasa at nakaririnig ng salitang ito? Ang tinutukoy ng salitang "daihl sa atin" ay ang nagsasalita at ang kinakausap. Sino ang nagsasalita? Ang nagsasalita ay si Apostol Pablo, Ministro ng Iglesia ni CRisto at ang kinakausap niya'y ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo."

Ang ibig nilang palitawin dito, ang magkakaanib at iisang pananampalataya ay siyang magkaka-atin. At ayon pa rin sa PASUGO Mayo 1964, p. 1, sinasabi nilang "ang tanging may Dios ay si Felix Manalo at ang mg umugnay sa kanyang gawain."

At sapagkat hindi natatakan o umanib sa Iglesia Manalista ang apat na Ministro de Guerra kaya hindi totoo na si Felix Manalo ang "ibang anghel" sa Apoc. 7:2-3 at hindi rin totoo na sina Orlando, Clemenceau, George at Wilson ang apat na anghel sa Apoc. 7:1. At dahil dito ay nais kong ipabatid sa mga kinauukulan ang isa pa nilang patakaran na sila rin ang nagpapawalang saysay, na ito'y nasusulat sa kanilang PASUGO Mayo 1970, p. 32 na ganito ang sinasabi nila:
"Nasusulat sa Isaias 34:16... Kaya hindi dapat humigit sa nasusulat sa Banal na Kasulatan o Biblia ay sapagkat ito ay hindi kulang. Ito ay sapat na upang sampalatayanan sa ikapagiging dapat ng tao sa harap ng Dios. Hindi na ito nangangailangan ng kasama."
NOTA: Pansinin ang kanilang ginagamit na reperensiya, na hindi masusumpungan sa Banal na Kasulatan o Biblia, na ang mga reperensiyang ito'y mga kasaysayan at iba-iba pa. Kaya kapuna-puna ang ginagawa nitong mga panatikong ito. Aral nila laban sa kanila.
-----------------------------




Read the Truth About the Iglesia ni Cristo (Tenth Part)

Picture Credit:
Jesus-Messiah.com
Josepherdon's Blog
About Iglesia ni Cristo Blog

Saturday, July 26, 2008

The Truth About the Iglesia ni Cristo (Eighth Part)

  • Read the Seventh Part

    All exerpts posted were taken directly from the booklet Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo, a thorough PASUGO compilation by Julian Pinzon published by Divine Word Publication, Oroqueta Street in Manila. Please buy your copies at Chrirst the King Mission Seminary, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (near Quezon City Sports Club; in front of Maryhill School of Theology).

    All entries were copied as they are. It was intentionally done for Filipino Catholics's proper information and in particular for Filipino members of the sect Iglesia ni Cristo's own discernment. I hope and pray that with this little effort of typing some from the booklet, our separated brethren may finally come home to the real Church Christ has built on the rock of St. Simon Peter:

TUNGKOL SA MGA KALULUWA NG NAMATAY

Sa aklat nilang pinamagatang "ISANG PAGBUBUNYAG SA IGLESIA NI CRISTO" p. 110, ay ganito ang isang bahagi na mbabasa natin:

"Kaya kapag ang tao'y namatay kasamang namamatay ang kanyang kaluluwa. Kung ang namatay ay inilibing, saan kaya naroroon ang kaluluwa? Ang kaluluwa ay dumidikit sa alabok."

  • PASUGO Disyembre 1966, p. 10:"Kung patay na ang tao ay wala nang nalalamang anuman. Wala siyang isip. May bahagi ba ang patay sa anumang ginagawa ng buhay? Wala! Walang nababahagi ang patay."

NOTA: Ang sinasabi nilang ito ay patama sa atin o sa mga Katoliko na nagpapadasal sa mga umao nilang minamahal sa buhay. Datapuwat ang hindi natin kayang ilarawan ay kung sila ang nananalangin sa patay at nakikipagpunyagi kay Manalong patay na, ay malaya silang gumagawa, gaya nitong nakasulat sa kanilang PASUGO.

  • PASUGO Mayo 1964, p. 3: (patula)
    "Sa ubod ng aming puso at damdamin;
    Nagkapalad kami sa gintong layunin;
    Sa sikap ng Sugong naghirap sa amin.

    Ang pagtatagumpay, dangal at alindog;
    Ng Iglesia ngayo'y banal na kinaloob;
    Sa isang pag-asa kami ay nabuklod;
    Ang aming dalangin sa paninikluhod;
    Salamat sa SUGO... Salamat sa Dios."

Pansinin dito, na noong namatay si G. Felix Manalo ay noong Abril 1963. Kung gayon patay na si Felix Manalo, ay naninikluhod silang nananalangin sa kanya.

  • PASUGO Disyembre 1964, p. 2: (ukol kay Erdy)
    "Tandang-tanda namin noon nang ang sugo ay namatay;
    Ikaw noon ay nanumpa sa harap ng kanyang bangkay;
    Para ko pang nakita na nagtaas ka ng kamay;
    At ikaw ay lumuluhang pangako ay inusal;
    Ang sabi mo'y tutupad ka sukdang ikaw ay mamamatay;
    Mamahalin ang Iglesiang pasugo ng Amang Banal."

NOTA: Ano raw ang ginawa ni EraƱo Manalo? Nanumpang nakataas ang kanyang kamay sa harap ng bangkay ni Felix Manalong patay. At lumuluha raw na kanyang inuusal na mamahalin ang Iglesiang pasugo ng Dios na Banal-- Hanggang siya'y mamamatay!

Isa na naman ito sa mapagkikilanlan na hindi sa D ios at kay Cristo ang Iglesiang iyan; na itinatag lamang ni Felix Manalong tao't hindi sugo ng Dios.

At sapagkat mga tula lamang ang ating binasang ito, ay nais kong ipabatid sa lahat na huwag isipin na hindi nila kinikilalal ang mga tula na nasusulat sa PASUGO sapagkat may garantiya sila na kanilang kikilalanin, gaya nitong mababasa sa PASUGO p. 20,21

"Hindi namin tinatalikkuran kahit ang mga tula na nasa PASUGO. Kung may nagsabi na ang tula'y hindi dapat paniwalaan sapagkat bulaklak lamang ng dila, hindi ito ang paninindigan ng pangangasiwa ng Iglesia ni Cristo. Ito ang sagot sa isang sulat ni G. Julian A. Pinzon."

Iyan ang ating katibayan na kanilang kinikilala ang mga tula na nasusulat sa kanilang magasing PASUGO.

KABUUAN:

  • Pinapatunayan ng Magasing PASUGO na si Cristo lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. At sinumang tao, maging marunong o mangmang ay walang karapatang magtayo ng Iglesia.
  • Pinapatunayan din ng Magasing PASUGO na si G. Felix Manalo'y nagtayo ng Iglesia.
  • Nasusulat sa Magasing PASUGO na makikilala ang Sugo ng Dios at ang hindi sinugo sa pamamagitan ng mga aral at itinuro. Ang aral ng sugo ng Dios ay mula sa Dios. Ang aral ng hindi sugo ng Dios ay mula sa kanyang sarili.
  • Pinapatunayan ng Magasing PASUGO na ang mga aral na sinusunod ng INC -- 1914 ay nagmula lamang kay G. Felix Manalo.
  • Ayon din sa Magasing PASUGO ay salu-salungatang aral ang nasusulat, wala sa Biblia at laban pa sa Biblia.

Read the Truth About the Iglesia ni Cristo (Ninth Part)

Picture Credit: imageshack

Friday, July 25, 2008

The Truth About the Iglesia ni Cristo (Seventh Part)

Read the Sixth Part

All exerpts posted were taken directly from the booklet Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo, a thorough PASUGO compilation by Julian Pinzon published by Divine Word Publication, Oroqueta Street in Manila. Please buy your copies at Chrirst the King Mission Seminary, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (near Quezon City Sports Club; in front of Maryhill School of Theology).

All entries were copied as they are. It was intentionally done for Filipino Catholics's proper information and in particular for Filipino members of the sect Iglesia ni Cristo's own discernment. I hope and pray that with this little effort of typing some from the booklet, our separated brethren may finally come home to the real Church Christ has built on the rock of St. Simon Peter:

ANG KARUNUNGAN NI FELIX MANALO
  • PASUGO Hunyo 1962, p. 35:
    "Ang mga sugo ay kusang pinagkalooban ng Dios na makaunawa ng mga salita ng Dios. Ang mga hindi sugo ay kusang pinagkaitan naman na makaunawa nga mga salita ng Dios."
  • PASUGO Enero 1953, p. 10:
    "Ito'y natupad sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Siya'y marunong bagama't hindi nag-aral kailanman. At ang kanyang dunong ay humihiya sa mga kumakaaway sa kanya. Natupad din ito kay kapatid na Felix Manalo. Siya'y walang katangian ayon sa laman. Natupad gaya ng dunong, kayamanan, o kaya'y kapangyarihan. Hindi siya nag-aral sa paaralan ng tao. Ngunit kung si Kapatid na Felix Manalo man ay mangmang sa karunungan ng sanlibutan, gayunman ay marunong siya ng mga salita ng Dios."

Ang mga sinasabi nilang ito ay pawang kayabangan at kasinungalingan. At dito natin sila ngayon puputulan ng dila upang huwag magpalalo sa pagmamayabang, sapagkat nasusulat sa kanilang PASUGO Hulyo 27, 1964, p. 180, 182; (Ika-50 Anibersaryo) na si Felix Manalo'y nag-aral sa paaralan nga tao gaya nitong mga sumusunod:

Pahina 180:
"Noong 1904, ay nag-aral si Felix Manalo sa paaralan ng Methodist Theological Seminary. (Hindi pa naitatag ang kanyang Iglesia).

Pahina 182:
sinasabing nagpunta si Manalo sa Amerika noong 1919, at nag-aral sa Pacific School of Religion sa California, USA.

Dahil diyan ay maliwanag na kasinangilan at kayabangang sabihing hindi nag-aral sa paaralan ng tao si G. Felix Manalo. At gamundong pagmamapuri kay Manalo na kusang pinagkalooban ng Dios ng mga karunungan sapagkat sinugo siya ng Dios. Ang lahat ng mga sinasabi nilang ito ay isang nagdudumilat na katotohanan, na hindi sugo ng Dios si Felix Manalo; kundi ang ipinangangalat ay maling aral, at pikit mata namang sinusunod ng kanilang mga manunulat sa PASUGO o ng mga kaanib na Iglesiang itinayo niya at pag-aari. O paano ito mga kababayan? Sumagot na kayo.

Read the Truth About the Iglesia ni Cristo (Eigth Part)

Picture Credit: captain-ned

The Truth About the Iglesia ni Cristo (Sixth Part)

Read the Fifth Part

All exerpts posted were taken directly from the booklet Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo, a thorough PASUGO compilation by Julian Pinzon published by Divine Word Publication, Oroqueta Street in Manila. Please buy your copies at Chrirst the King Mission Seminary, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (near Quezon City Sports Club; in front of Maryhill School of Theology).

All entries were copied as they are. It was intentionally done for Filipino Catholics's proper information and in particular for Filipino members of the sect Iglesia ni Cristo's own discernment. I hope and pray that with this little effort of typing some from the booklet, our separated brethren may finally come home to the real Church Christ has built on the rock of St. Simon Peter:

PAGKAKAPAREHO NG DIWA SA PAMAMARAAN NG TUNGKULING TINANGGAP SA DIOS (DAW) NI JESU-CRISTO AT NI G. FELIX MANALO


PASUGO Hulyo 1965, p. 12:
"Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios."
Tanong: Sasangayunan kaya ito ng Banal na Kasulatan? Hindi po sapagkat agn ginawang pamamaraan ni Cristo bilang diwa ng kanyang tungkulin ay ang mababasa sa Hebreo 9:14 na ganito:

"Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios..."
Naganap din ba ito kay Felix Manalo upang masasabi natin na sila'y magkapareho? Hindi po, sapagkat ang nababasa sa PASUGO Mayo 1964, p. 1 ay ganito:

"Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo."
NOTA: Patiwarik pala o kabaliktaran, sa halip na umano'y magkapareho sila, ay nakakataas pa si Manalo kay Cristo. Bakit? Sapagkat si Cristo'y inihahandog ang kanyang dugo at sarili sa Dios, subalit si Felix Manalo nama'y siya ang pinaghandugan ng Dios ng kanyang sarili (daw).

Dahil dito'y pikit matang pinaniniwalaan ng kanyang mga kaanib na siya ay sinugo ng Dios upang itatag ang Iglesia sa Pilipinas.

At ang isang punto na ibig kong linawin sa bagay na ito ay yaong sinasabi nilang "Si Felix Manalo lamang ang tanging may Dios."

Ang paniniwala nilang ito ay laban sa Banal na Kasulatan ayon sa talatang sumusunod:
  • Juan 20:17: "Sinabi sa kanya ni Jesus, huwag mo akong hipuin, sapagkat hindi pa ako nakaakyat sa Ama, ngunit pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila; Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios."

Kung si Cristo'y hindi niya inaring sariling Ama at Dios ang Dios, gasino pa kaya itong Felix Manalong ito? At ang mga tagasunod naman niya'y pikik-matang sunud-sunuran, na kung sa ating kapanahunan ngayon ay "Mga tupa nina Manalo" kung tatawagin. Kaunting pagbubulay-bulay o sentido comun naman mga kababayan!

Read the Seventh Part

Picture Credit: ebrorestoration.com

The Truth About the Iglesia ni Cristo (Fifth Part)

Read the Fourth Part

All exerpts posted were taken directly from the booklet Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo, a thorough PASUGO compilation by Julian Pinzon published by Divine Word Publication, Oroqueta Street in Manila. Please buy your copies at Chrirst the King Mission Seminary, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (near Quezon City Sports Club; in front of Maryhill School of Theology).

All entries were copied as they are. It was intentionally done for Filipino Catholics's proper information and in particular for Filipino members of the sect Iglesia ni Cristo's own discernment. I hope and pray that with this little effort of typing some from the booklet, our separated brethren may finally come home to the real Church Christ has built on the rock of St. Simon Peter:

ANG MGA KARAPATAN NI JESU-CRISTO NA INAANGKIN NI G. FELIX MANALO AT NG IGLESIA NI CRISTO NA LUMITAW SA PILIPINAS NOONG 1914

  • PASUGO Enero 1941, p. 12:
    "Hindi inaangkin ng Iglesia ni Cristo ang karapatan ni Cristo at ng mga Apostol ong ninuman. Siya'y may sariling karapatang galing sa D ios at kaloob ng Dios. Siya'y inihalal ng Dios at hindi siya ang naghalal sa kanyang sarili. Sa Apoc. 7:2 ay sinasabing isang anghel ang may taglay na tatak ng Dios na Buhay."

Ang sinasabi nilang ito ay tiyak na kasinungalingan sapagkat napakaraming inaangkin ni G. Felix Manalo na hindi nauukol sa kanya kundi nauukol kay Cristo. At bilang katunayan, ay narito at patutunayan natin sa pamamagitan ng PASUGO.

  1. PASUGO Mayo 1961, p. 22:
    "Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5).

    Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."

Ngayon ay ganito ay tanong: Ang Pastor na ito na nabanggit sa Juan 10:16, totoo kaya na si G. Felix Manalo, at sa pinamagatang SULO sa pahina 58, ay ganito ang mababasa natin:

"Itinuturo din ng Iglesia Katolika na ang Papa ang siyang "Kataas-taasang Pastor". (Question Box 169). Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: "Ako ang tanging Pastor" (Juan 10:16).

O paano ngayon ito? Kailangan pa ba naman na kami ay gumamit ng pangsarili naming pagpapatunay? Samantalang kayo rin ang mismong nagsasabing si Cristo ang tinutukoy na Pastor na nasa Juan 10:16? Paano ninyo sasabihin ngayong walang inaangkin ang Iglesia ni Cristo na karapatan ni Cristo! Sumagot nga kayo!

Bueno, iwanan natin ang puntong ito at kumuha pa rin tayo ng ibang karapatan ni Cristo na kanilang inaangkin gaya nitong sumusunod:

  • PASUGO Disyembre 1956, p. 17: (patula)
    "ANG KAPANGANAKAN NG SINUGO

    At sa huling kaarawang nalalapit na ngang ganap;
    Ang dakilang paghuhukom ng Dios sa taong lahat;
    Sa pagibig ni Bathalang ang tao ay maligtas;
    Sa hula ay pinabangon ang Sugo sa Pilipinas;
    Siya ay si Kapatid Felix Manalo ang tawag;
    Si Elias na paririto bago dumating ang wakas."
Ang liwanagin natin dito, ay yaong sinasabi nilang si Manalo ang siyang pag-ibig ng Dios na pinabangon o sinugo upang ang tao'y maligtas. At ang sinasabi nilang ito ay hindi sinasang-ayunan ng Banal na Kasulatan, at narito ang katunayan:

  • Juan 4:9,16: "At nahayag ang pag-ibig ng Dios sa atin, sapagkat sinugo ng Dios ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya, at ating makilala at sampalayatanan "ang pag-ibig ng Dios sa atin..."
  • Gawa 4:12: "At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan; sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na sukat nating ikaligtas."

Sa mga talatang ito ay napakaliwanag na sinasabing si Cristo ang sinugo ng Dios sa ikaliligtas. O paano ngayon ito, mayroon bang inaangkin ang Iglesia ni Cristo na karapatan ni Cristo? Sagutin ninyo ito mga kababayan namin!

Kumuha pa rin tayo ng isa sa karapatang inangkin nila na nauukol lamang kay Cristo.

  • PASUGO Hunyo 1967, p. 11 (patula)
    "Alaala natin ngayon ang kanyang kaarawan
    Isang sangol na lalaki sa atin ay ibinigay;
    Ang araw ay ika-sampu ang buwan ay Mayo naman;
    Nang kumita ng liwanag ang sinugong ating mahal;
    Sa dahon ng kasaysayan ay hindi na mapipigtal;
    Ang kanyang kasaysayang punung-puno ng tagumpay."

Sino ang isang sanggol o batang lalaki na ibinigay sa atin? Si Jesus ayon sa Isaias 9:6 at ganito ang pahayag: "Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang Anak na lalaki; at ang pamamahala ay maaatang sa kanyang balikat; at ang kanyang pangalan ay tatawaging kamangha-mangha. Tagapayo, Makapangyarihang Dios at walang Hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan."

Ayon pa rin sa Lucas 2:11-16, ay sinasabing si Jesus ang siyang sanggol na ipinanganak sa isang sabsaban. At walang mababasa sa Biblia na ikalawang sanggol o batang lalaki na ibinigay sa mundo. Kun gayon ay inaangkin na naman nina G. Manalo ang pagkasanggol ni Jesu-Cristo.

KABUUAN:
  • Limang panahon o nagkakaibang petsa ng pagkatatag ng Iglesia Katolika ang ipinangaral ni G. Felix Manalo sa mga kaanib ng Iglesiang kanyang itinatag.
  • Ipinangaral ni Felix Manalo na hindi siya nag-aangkin o hindi niya inaangkin ang karapatan ni Cristo sapagkat mayroon daw sariling karapatan na ibinigay ng Dios sa kanya. Datapuwa't pinatutunayan ng kanilang PASUGO na inaangkin niya ang karapatan ni Cristo gaya nitong mga sumusunod:
  1. Pastor na nasusulat sa Juan 10:16
  2. Pag-ibig ng Dios sa mga tao sa ikaliligtas 1 Juan 4,9,6; Gawa 4:12
  3. Isang sanggol na ibinigay sa atin Isaias 9:6; Lucas 2:11-16
    ... to be continued


    Picture Credit: Philippines at friendster.com

Read the Sixth Part

Thursday, July 24, 2008

The Truth About the Iglesia ni Cristo (Fourth Part)

Read the Third Part

All exerpts posted were taken directly from the booklet Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo, a thorough PASUGO compilation by Julian Pinzon published by Divine Word Publication, Oroqueta Street in Manila. Please buy your copies at Chrirst the King Mission Seminary, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (near Quezon City Sports Club; in front of Maryhill School of Theology).

All entries were copied as they are. It was intentionally done for Filipino Catholics's proper information and in particular for Filipino members of the sect Iglesia ni Cristo's own discernment. I hope and pray that with this little effort of typing some from the booklet, our separated brethren may finally come home to the real Church Christ has built on the rock of St. Simon Peter:

ANG SALU-SALUNGATANG PAGSIPOT SA MUNDO NG IGLESIA KATOLIKA NA NASUSULAT SA MAGASING PASUGO

  1. PASUGO Pebrero 1959, p. 1: (sinulat ni Ben Santiago)"Mahigit nang isang libo at limangdaang taon ang Iglesia Katolika sa mundo. Maglilimangdaang taon naman ang mga Protestante. Ang Iglesia ni Cristo ay mag-aapatnapu't limang taon lamang mula noong 1914." (Ika-limang siglo ng Iglesia Katolika)
  2. PASUGO Mayo 1952, p. 5: (sinulat ni Ben Santiago)."Mula sa taong 527 hanggang 565 sa panahon ng Emperador Justinano naging ganap ang pagkatatag ng Iglesiang ito na sumipot sa Pulong ng Nicea." (Ika-anim na siglo)
  3. PASUGO Agosto 1962, p. 3: (sinulat ni Ben Santiago)"Sino ang nagtayo ng Iglesia Katolika Apostolika Romana? Ang Konsilyo Batikano! Kailan? Noong 1870." (Ika-labingsiyam na siglo)
  4. PASUGO Marso 1956, p. 25: (sinulat ni Teofilo Ramos) "Ang Iglesia Katolika'y pinabrika lamang ng mga Obispo noong 1870 sa Batikano."
  5. PASUGO Pebrero 1952, p. 9: (sinulat ni Joaquin Balmores)"Hindi mapapasinungalingan ninuman na talagang ang Iglesia Katolika ang lumitaw sa loob ng Emperyo Romano noong ika-apat na siglo."
PANSININ: Ang mga ito ang Ministrong inaralan at inatasang magpahayag ng pagkatatag ng Iglesia Katolika Apostolika Romana:

  • Si Emiliano Magtuto--PASUGO Nob. 1956, p. 18: -- 44 B.C.
  • Si Benjamin Santiago -- PASUGO Peb. 1959, p. 1: -- 400 A.D.
  • Si Benjamin Santiago -- PASUGO Ago. 1962, p. 3: -- 1870 A.D.
  • Si Teofilo C. Ramos -- PASUGO Mar. 1956, p. 25: -- 1870 A.D.
  • Si Joaquin Balmores -- PASUGO Peb. 1952, p. 9: -- 400 A.D.

Isa ang mga petsang salu-salungatan na napag-aralan ni G. Felix Manalo na pagkatatag ng Iglesia Katolika at inilathala naman ng mga nabanggit na Ministro niya.

Dahil dito lalong lumilitaw na hindi sa Dios at kay Cristo ang itinayong Iglesia ni Felix Manalo alinsunod pa rin sa nasusulat sa Magasing PASUGO Agosto 1951, p. 18 na ganito ang mababasa natin:

"Totoo rin na kung ang Iglesia ay iba-iba ang inaaral sa iba't ibang panahon ay tunay na Iglesia ni Cristo."

Tumpak at marahil sa mukha nila bumalandra ang sinasabi nilang ito:



Read the Fifth Part.

Wednesday, July 23, 2008

The Truth About the Iglesia ni Cristo (Third Part)

Read the Second Part

All exerpts posted were taken directly from the booklet Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo, a thorough PASUGO compilation by Julian Pinzon published by Divine Word Publication, Oroqueta Street in Manila. Please buy your copies at Chrirst the King Mission Seminary, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (near Quezon City Sports Club; in front of Maryhill School of Theology).

All entries were copied as they are. It was intentionally done for Filipino Catholics's proper information and in particular for Filipino members of the sect Iglesia ni Cristo's own discernment. I hope and pray that with this little effort of typing some from the booklet, our separated brethren may finally come home to the real Church Christ has built on the rock of St. Simon Peter:

ANG PALAGAY NG IGLESIA NI CRISTO SA PASKO
  1. PASUGO Disyembre 1956, p. 34: (sinulat ni Benjamin T. Villalba)
    "It strikes people as odd that members of the Church of Christ (Iglesia ni Cristo) do not celebrate Christmas. (ang Iglesia ni Cristo ay tuwirang hindi nagdiriwang ng Pasko ng kapanganakan ni Cristo).
  2. PASUGO Disyembre 1957, p. 28: (sinulat ni Emeliano I. Agustin)
    (Patula)
    "Ang diwa ng Pasko ay kapayapaan;
    Nang mundong naglunoy sa lusak ng Buhay;
    Mabuting balita sa kinalulugdan;
    Pagsilang ni Jesus sa abang sabsaban."

Napakagulong talaga ang mga Ministrong ito na inaralan ng Anghel Felix Manalo. Isang taon lamang ang pagitan, ay binago na naman ang kanyang paninindigan tungkol sa Pasko. Kahabag-habag ang anghel nilang ipinaglalaban ng pukpukan.

KABUUAN NG PAKSA:

  • Ayon sa Magasing PASUGO, si Ginoong F. Manalo ay nangaral na hindi siya nagtatangi ng mga tao at hindi sinasarili ang kaligtasan. Ang kanyang turong aral na ito, ay siya rin ang nagpapawalang saysay, sapagkat pinatunayan din ng PASUGO na sinasarili niya ang kaligtasan.
  • Ipinapangaral ni G. Felix Manalo na ipinagdiriwang ang Paskong kapanganakan ni Cristo, at ipinangaral din na hindi ipinagdiriwang, sapagkat aral daw ng mga Pagano ang pagdiriwang ng Pasko. (Sa gayon ay salu-salungatan ang aral na itinuro).
  • Ipinangaral din na hindi masamang ipagdiwang ang kapanganakan ninumang tao huwag lamang iuukol sa pagsamba sa D ios. Ngunit ang kanyang kaarawan ay iniuukol sa pagsamba sa Dios at pati ang kaarawan ng kapanganakan ni Erdy Manalo.

Read the Fourth Part

Tuesday, July 22, 2008

The Truth About the Iglesia ni Cristo (Second Part)

Read the First Part

All exerpts posted were taken directly from the booklet Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo, a thorough PASUGO compilation by Julian Pinzon published by Divine Word Publication, Oroqueta Street in Manila. Please buy your copies at Chrirst the King Mission Seminary, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (near Quezon City Sports Club; in front of Maryhill School of Theology).

All entries were copied as they are. It was intentionally done for Filipino Catholics's proper information and in particular for Filipino members of the sect Iglesia ni Cristo's own discernment. I hope and pray that with this little effort of typing some from the booklet, our separated brethren may finally come home to the real Church Christ has built on the rock of St. Simon Peter:


ANG MGA HIDWAANG ARAL NA ITINUTURO NG YUMAONG FELIX MANALO
(Ang mga Ministro Na Pinaglalaban-laban ng Kanilang Anghel Felix Manalo)

  1. PASUGO Hulyo 1953, p. 15: (sinulat ni Joaquin Balmores)
    BlockquoteKami raw na mga Iglesia ni Cristo ay nagtatangi ng mga tao. Sinasarili raw namin ang kaligtasan. Iyan ay hindi totoo, at kung may nasasabi niyan sa am in sa kasalukuyan, iyan ay bunga ng malaking kadiliman na naghahari sa kanyang buong pagkatao.
  2. PASUGO Agosto 1966, p.13: (sinulat ni Tomas C. Catangay)
    BlockquoteTotoo na nailangan ng tao ang pananampalataya upang maligtas, ngunit kung siya'y hindi Iglesia ni Cristo, tiyak na hindi siya maliligtas."
  3. PASUGO Hunyo 1967, p. 16: (sinulat din ni T.C. Catangay)
    BlockquoteAng may karapatan na tumawag sa Dios, humingi at bigyan, tanging tayo lamang na mga Iglesia ni Cristo."
  4. PASUGO Pebrero 1966, p. 18: (sinulat ni Benjamin Santiago)
    BlockquoteSa panahong ito'y ang Iglesia ni Cristo lamang ang may karapatang gumamit ng pangalan ni Cristo. Maliban sa Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay walang may karapatang gumamit sa mahalagang pangalang ito."

Ang nakita natin dito ay dalawa laban sa isa, sa pagkat si G. Balmores ay naninindigan sa hindi pagsasarili ng kaligtasan at pagtatangi ng tao.

At itong dalawa naman, na sina B. Santiago at T.C. Catangay, ay naninindigan sa pagsasarili ng kaligtasan at pagtatangi ng tao. Dahil dito, ang tanong natin ay ganito:

Alin kaya ang sinasang-ayunan ng Banal na Kasulatan; itong nag-iisa kaya o itong dalawa? Sisipiin natin ang nasa Gawa 10:34-35 at ganito ang nasusulat:

BlockquoteAt binuka ni Pedro ang kanyang bibig at sinabi: 'Tunay ngang natatalasko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao; kundi sa bawat bansa siya na may takot sa kanya, at gumawa, ay kalugud-lugod sa kanya."

Kung gayon, mayroong apostol na kasama si G. Joaquin Balmores. Baka ito ang dahilan na itiniwalag ni G. Felix Manalo noong 1937, sapagkat kumakampi sa ara ng mga apostol. (Palibot liham na may lagda ni G. Felix Manalo, Junyo 3, 1937, na itiwalag sa Iglesia si Joaquin Balmores).

Read the Third Part

Picture Credit: taestensen.com

Monday, July 21, 2008

The Truth About the Iglesia ni Cristo (First Part)

All exerpts posted were taken directly from the booklet Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo, a thorough PASUGO compilation by Julian Pinzon published by Divine Word Publication, Oroqueta Street in Manila. Please buy your copies at Chrirst the King Mission Seminary, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (near Quezon City Sports Club; in front of Maryhill School of Theology).

All entries were copied as they are. It was intentionally done for Filipino Catholics's proper information and in particular for Filipino members of the sect Iglesia ni Cristo's own discernment. I hope and pray that with this little effort of typing some from the booklet, our separated brethren may finally come home to the real Church Christ has built on the rock of St. Simon Peter:

A. "SI JESU-CRISTO'Y SINUGO NG DIOS UPANG MAGTATAG NG IGLESIA."

  1. PASUGO Mayo 1963, p. 13:
    BlockquoteNoong tumalikod ang bayang Israel at sumamba sa diyus-diyosan ay nagsugo an gDios upang magtatag ng Iglesia"

  2. PASUGO Setyembre 1940, p. 1:

  3. BlockquoteDapat malaman ng lahat, ayon sa Bagong Tipan, ang tunay na INK ay si Cristo ang nagtatag nito."

  4. PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
    BlockquoteIisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"

  5. PASUGO Mayo 1968, p. 7:
    BlockquoteAng tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

  6. PASUGO Mayo 1954, p. 9:
    BlockquoteAlin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."
Ang Kabuuan ng Nasa Itaas:

  • Sinasariwa nila sa atin, ng mga tagapagtuaguyod ng INK na lumitaw sa Pilipinas n oon g 1914, na si Cristo lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios, at walang sinumang taong makapagtatayo ng Iglesia maging marunong o mangmang.

  • At ipinababatid pa rin nila na iisa lamang ang Iglesiang itinayo ni Cristo at sa Jerusalem niya itinayo noong unang siglo.

B. SI FELIX MANALO'Y SINUGO NG DIOS UPANG MAGTATAG NG IGLESIA."

  1. PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 2,5:
BlockquoteSino ang sinugo ng Dios upang maitatag ang Iglesia sa Pilipinas? Sa Isaias 46:11, ay ganito ang sabi: 'na tumatawag ng ibong mandaragit mula sa silanganan ang
taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain" (Si Felix Manalo).
Ayon sa kumakaaway sa INK sinasabi raw ng Rehistro na si Felix Manalo ang
nagtatag ng INK."
  1. PASUGO Mayo 1967, 9.14:
    BlockquoteSa panahong ito ng mga wakas na Lupa na nagsimula sa unang Digmaang Pandaigdig ay tatawag ang Dios ng kanyang huling sugo upang itatag ang kanyang Organisasyon. Kung gayon ang INK na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay siyang Organisasyong Pinangunahan o Pinamahalaan ni Felix Manalo."

  2. PASUGO Hulyo 1955, nasa panakip:
    BlockquoteIyon ang Iglesia ni Cristo na dapat pasukan ng lahat ng tao; at ang tanging sugo'y si kapatid na Felix Manalo."

  3. PASUGO Hulyo 1952, p. 4:
    BlockquoteKung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."

Ang Kabuuan ng Nasa Itaas:

  • Ipinaaalala nila sa atin na si Felix Manalo raw ang sinugo ng Dios na magtatag ng Iglesiang kanilang kinaaaniban, at si Kapatid nilang F. Manalo raw ang siyang tanging sugo sa Iglesia na lumitaw sa Pilipinas noong 1914.

  • At tinatanggap nilang ito na sinasabi raw sa Rehistro na si Felix Manalo ang nagtatag.

Ang sinasabi nilang ito na ating hinango sa kanilang PASUGO ay tumpak at walang pagtatalo sapagkat iyan nga ang buong katotohanan, ngunit ang mga katotohanang ito ay sila-sila na rin ang nagpapaw3alang asysay gaya nitong nasusulat sa mga PASUGOng sumusunod:

  1. PASUGO Enero 1964, p. 6:
    BlockquoteSino ang tunay na nagtayo ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914? Hindi ang kapatid na si Manalo kundi ang Dios at si Cristo."
  2. PASUGO Mayo 1964, p. 15:
    BlockquoteTinatanggap halos ng lahat na sa Dios at kay Cristo ang INK na itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Datapuwat ang INK sa huling araw na ito na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay hindi nila kinikilalang sa Dios at kay Cristo. Ito ay nagpapanggap lamang na INK ngunit ang totoo raw ay Iglesia ni Manalo. Walang katotohanan ang kanilang palagay na ito sapagkat walang Iglesiang kanya si Kapatid na Manalo."

Ang sinasabi nilang ito ay pinagmumulan ng kaguluhan, sapagkat ipinaglalaban nila ng pukpukan sa larangan ng debate, maging sa palatuntunan ng radyo. Dahil dito, pinagsisikapan nating isulat sa munting babasahing ito ang mga patotoo na hindi ang Dios at kay Cristo ang Iglesiang iyan na itinatag lamang ni FELIX MANALO.

Ngayon ay liwanagin natin ito sa pamamagitan ng tanong at sagot upang maunawaan natin ang buong katotohanan at mga kamalian:

  • Tanong: Totoo ba o hindi na si Felix Manalo ang siyang nagtatag ng INK -1914?
    Sagot: PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
    BlockquoteKailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
  • Tanong: Sino ang may-ari ng Iglesiang itinatag ni Ginoong Felix Manalo?
    Sagot: PASUGO Mayo 1952, p. 4
    BlockquoteKung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."

Lalong lumilitaw na si Felix Manalo ang nagtatag at may-ari nitong tinagurian nilang INK na nairehistro sa Pilipinas noong Huly 27, 1914 at hindi sa Dios at kay Cristo kundi nagpapanggap lamang, baka sakali'y makalusot!

  • Tanong: Mayroon bang karapatan na magtayo ng Iglesia ang isang tao, na katulad ni Felix Manalong tao?
    Sagot: PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
    BlockquoteIisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."
  • Tanong: Ilan ba ang Iglesiang itinayo ni Cristo, at saang dako ng daigdig niya itinayo?
    Sagot: PASUGO Mayo 1968, p. 7:
    BlockquoteAng tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

Maliwanag sa sikat ng araw na walang pakialam ang Dios at si Cristo sa Iglesiang iyan na tinagurian nilang Iglesia ni Cristo at sumulpot noong 1914.

At isang bagay na kamangmangan na pinupuna sa atin, kung bakit daw na hindi natin tanggapin at kilalaning sa Dios at kay Cristo ang Iglesiang iyan samantalang tinatanggap daw na sa Dios at kay Cristo yaong Iglesiang itinayo noong unang siglo sa Jerusalem. Ang sinasabi nilang ito'y isang kamangmangan sapagkat batid naman nila na mayroon na tayong tinaggap na Iglesia at ibig yata nila na dalawa ang aaniban natin: isa ang tunay at isa ang huwad.

  • Tanong: Anu-ano pa ang kanilang pinagbabatayan upang palitawing sa Dios at kay Cristo ang kinaroroonan nilang Iglesia?
    Sagot: May tatlong bagay pa gaya nitong sumusunod:
    (a) Si Felix Manalo raw ay sinugo ng Dios upang itatag ang Iglesia sa Pilipinas.
    (b) Ang mga lokales ng Iglesia lamang daw ang kanyang tinatag.
    (c) Ang INK raw noong unang siglo, natalikod; nalipol at inagaw ng mga bulaang propeta ang mga ddating alagad ni Cristo kaya walang natira sa tagasunod.

Ang tatlong puntong ito ay isa-isahin nating liwanagin sa pamamagitan ng mga tanong at sagot at ang mga tanong lamang ang manggagaling sa atin at ang mga sagot naman ay sa kanilang PASUGO manggagaling.

  • Tanong: Ano ang patakaran nina Felix Manalo at panukat upang makilala ang tunay at hindi tunay na Sinugo ng Dios?
    Sagot: Ang sagot ng PASUGO ay narito:

    (a) PASUGO Nobyembre 1960, p. 26:
    BlockquoteKaya't papaano makikilala ang sugo ng Dios at ang hindi sugo ng Dios: Sa aral makikilala ayon kay Jesus. Ang aral ng mga sugo ng Dios ay mula sa Dios, ang mg aral ng hindi sugo ng Dios, ay mula lamang sa kanyang sarili. (Juan 7: 16-18)
    (b) PASUGO Nobyembre 1959, p. 20:
    BlockquoteKaninong aral ang itinuturo ng Iglesia ni Cristo? Aral ng Dios, ni Cristo at ng mga Apostol na nasusulat sa Banal na Kasulatan. Walang aral si Kapatid na Felix Manalo na kinatha mula sa kanyang sarili."

Dito tayo ngayon sumakay sa sinasabi nilang patakaran o panukat sa tunay at hindi tunay na sinugo ng D ios, upang wala na silang maidadahilan at ano pa mang pagtatalo. At wala tayong ibang gagawin kundi sisipiin lamang natin ang kanilang mga aral na nasusulat sa PASUGO at pagkatapos ay pagtitimtimbangin natin sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, gaya nitong sumusunod:

  1. PASUGO Mayo 1961, p. 4, ay gantio ang isang bahagi na nasusulat:
    BlockquoteAt sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo".
  2. PASUGO Mayo 1963, p. 27:
    BlockquoteKaya't sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng bayan, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at at nagtuturo sa kanila."

Dito pa lamang sa dalawang artikulong ito na ating hinango sa kanilang PASUGO ay mapapansin na natin, na hindi nagmula sa Dios ang kanilang mga aral na itinataguyod, kundi nagmula lamang kay G. Felix Manalo. Gayon pa man ay ipagpatuloy natin ang pagsipi sa mga dahon ng kanilang PASUGO, ng mga aral na hindi nagmula sa Dios kundi nagmula lamang sa sarili ng yumaong Felix Manalo. At itong PASUGO na napalathala noong taong Nobyembre 1954, p. 2, 1, ay ganito:

BlockquoteHindi kailangang patunayan pa kung hindi tunay na Iglesia, kung ito'y kay Cristo o
hindi. Ang pag-uusig na nagaganap sa INK, na siyang katuparan ng pinagpauna ng
Panginoon ay siyang malinaw na katunayan na ang INK ay tunay na Iglesia at kay
Cristo. Anu-ano ang mga kinathang kasinungalingan na ipinaparatang kay Jesus na
nakasisirang puri! Hindi lamang nila sinasabing siya'y may demonyo, kundi
pinaparatangang siya'y nauulol (Juan 15:20). Kung siya'y inusig tao man ay
uusigin din. Ang pag-uusig sa Ulo at tagos hanggang sa katawan. Siya ang ulo,
tayo ang mga sangkap, na siyang Iglesia."
Totoo nga kaya na sila ay inuusig at pinaparatangang sa demonyo, na katulad sa naganap kay Cristo! Na siyang katuparan sa nasusulat sa Juan 15:20, at sa Juan 8:40?

Hindi iyon totoo, kundi sila pa nga ang nagpaparatang na ang lahat maliban sa kanila, ay pawang mga demonyo o sa kay Satanas! At bilang katunayan ay ating sisipiin ang mga nasusulat sa kanilang PASUGO na malalaswang salita:


  1. PASUGO Disyembre 1965, p. 5:
    BlockquoteKaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni
    Satanas na Diablo."
  2. PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
    BlockquoteMga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."
  3. PASUGO Agosto 1962, p. 9:
BlockquoteKaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko."
  1. PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
    BlockquoteAng Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."
  • Tanong: O sino ngayon ang lumilitaw na nang-uusig at nagpaparatang, kami ba o sina Felix Manalo at ang kanilang mga kaanib? Kung sino pa man ang nagpaparatang ay inaangkin na siyang pinararatangan. At kung ang panukat sa tunay na Iglesia ay sa inuusig at pinararatangang sa demonyo, ay lalong tumitingkad ang pagiging dalisay na Iglesiang sa Dios at kay Cristo ang Iglesia Katolika. May reklamo ba kayo?
At ang isa pa na kalunus-lunos na pagyurak i pagmamaliit sa ating Panginoong Jesu-Cristo ay itong sinabi nilang ang Iglesia Katolika raw ay hindi itinatag ni Cristo kundi ng Diablo. Bakit sinasabi nating pagmamaliit ito kay Cristo? Sapagkat batid nila na ang Iglesia Katolika ay Iglesia ni Cristo, ayon sa PASUGO Abril 1966, p. 46:


BlockquoteAng Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni
Cristo."
Tanggapin natin na nang pasimula lamang naging Iglesia ni Cristo! Ano ngayon ang kalagayan ni Cristo sa naturang Iglesiang iyan? Ang lagay ba'y noon ay naitatag na ni Diablo ang Iglesia Katolika; nakiusap ba si Cristo kay Diablo upang mapasakanya? O inagaw ni Cristo kay Diablo ang Iglesiang iyan!

O sino ngayon ang maniniwala na sinugo ng Dios si Kapatid na Felix Manalo upang itatag ang Iglesia sa Pilipinas?

Ngayon naman ay dumako tao sa ikalawa, ang nauukol sa lokales ng Iglesia ni Cristo.


  • Tanong: Nasa Jerusalem ba ang central ng mga lokales na itinatag ni G. Felix Manalo?
    Sagot: Tanging PASUGO ang ating pasasagutin upang walang gaanong usapan.:

    (a). PASUGO Oktubre 1968, nasa huling panakip, at ganito ang mababasa natin: BlockquoteDapat malaman ng lahat-- Dahil dito, ipinahahayag na mula ngayon ang mga nakalagda sa kasulatang ito bilang pasimulang kaanib sa lokal ng San Francisco, Estados Unidos ng Amerika, ay iniuugnay at ngayon ay nasasakop ng Pamahalaang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo na may Tanggapang Pangkalatan sa 154, F. Manalo St., San Juan, Rizal, Republika ng Pilipinas."
    (b). PASUGO Hulyo 1971, p. 2:
    BlockquoteA permanent Central Office after 57 years establishment of the Church of Christ in the Philippines. This stands on a sprawling lot in Quezon City, at the corner of Central Avenue in Commonwealth Avenue."
Nota: Pansinin natin dito kung saan masusumpungan ang Central na nakakasakop sa isang Lokal ng INK na nasa Amerika (USA). Narito pala sa Pilipinas ang Central nila ano po! Matuwid bang tatawagin pa ring "Lokal" ang nakakasakop sa isang "Lokal"?

Kaunting pagbubulay-bulay o sentido comun, mga kababayan namin! Mabuti yata'y magpasuri kayo sa mga doktor na dalubhasa sa utak, habang may panahon pa. Ano po!

Ngayon naman ay dadako tao sa ikatlong punto: Ang nauukol sa pagkalipol ng INK, at ang kanila ring PASUGO ang ating gagamitin sa puntong ito.


  1. PASUGO Mayo 1961, p. 21:
    BlockquoteMaliwanag sa pag-aaral nating ginagawa sa unahan nito na ang Iglesiang
    itinayo ni Cristo noong unang siglo ay natalikod o ganap na nawala sa ibabaw ng
    lupa. Inagaw nila sa pagsunod sa hulihan ni Cristo."
  2. PASUGO Hulyo 1954, p.4:
    BlockquoteAng mga alagad ni Jesus na dating sumusunod sa hulihan niya ay inihiwalay ninyo sa pagsunod sa Kanya, at pinasunod ninyo sa inyong hulihan. Kaya nawalan ng tao ang Iglesia. Ang natira sa Iglesia'y si Jesus at ang mga salita ng Dios."
  3. PASUGO Enero 1964, p. 2:
    BlockquoteSa isang paksang mababasa sa nakaraang labas nitong Pasugo (Disyembre) ay ipinaliwanag kung saan naroon ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo as Jerusalem. Ito ay natalikod. Nalipol na lahat."

Itong mga sinasabi nilang ito ay maraming nailigaw na landas ng Kabanalan. Dahil dito ay inilalahad ko ang mga katibayang magpapawalang saysaysa sinasabi nilang ito at nasusulat din sa kanilang Pasugo gaya nitong mga sumusunod:

(a). PASUGO Mayo 1968,m p. 5:
Blockquote"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol,
at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging
Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay
at hindi sila malilipol kailan man."

Idaragdag natin dito ang talata 29, bilang susog sa talatang 28 na ginagamit nila, at ganito ang karugtong:

(29) BlockquoteAng aking Ama (wika niJesus), na sa kanila ay nagbigay sa akin ay lalong dakila kaysa lahat; at hindi sila maaagaw ninuman sa kamay ng Ama." Ito bang nasusulat na ito sa kanilang PASUGO ay mabubura pa nila? Gayon din itong garantiyang sinasabi ni Jesus hinggil [sa] mga magiging tauhan niya? At higit pa bang paniniwalaan natin itong mga maling aral!

At bilang kalakip nito ay sisikapin pa natin ang isang banggit na nasusulat sa PASUGO Hunyo 1940, p. 27:

Blockquote"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
O ano pa ang ating puntong liliwanagin? Tinatanggap na nilang nananatiling matibay sa aral ng Dios ang mga Apostol ang unang Iglesia ni Cristo. At pagkatapos ay iyan daw ang kanilang pamarisan o dapat gawin. E, gayon pala; bakit sinasabi nilang "ganap na nawala sa ibabaw ng lupa ang mga dating tagasunod ni Jesus, inagaw at nilipol ng mga bulaang propeta." Huwag ninyong gawing sinungaling si Jesus. Malinaw ang kanyang sinabing garantiya na mababasa sa Juan 10:28-29, at inyong ginamit din.

At bago tayo magwakas ay kukuha pa tayo ng isang punto na may kaugnayan din dito.

(b). PASUGO Agosto 1971, p.22:

BlockquoteTinitindigan namin na ang Iglesiang itinatag ni Cristo ay talagang iisa
lamang. Nang magkaroon ng INK sa Pilipinas ay wala na ang Iglesia ni Cristo sa Jerusalem.

Ang ibig nilang palitawin dito, ay noong 1914, ay nawala na ang itinayo ni Cristo. Bueno, tingnan natin ang bagay na ito, sapagkat may isang banggit na nasusulat sa PASUGO, Abril 1966, p. 46:

BlockquoteAng totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
NOTA: Dapat pansinin natin ang katugon na petsa nitong banggit na "kasalukuyan." Ang petsa nito ay noong Abril 1966, sapagkat noon nga napalathala ang sinasabi nilang ito. Kung gayon, maliwanag na hindi pa nawala ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Bakti? Sapagkat pinapasukan pa rin ni Satanas ng kanyang mga maling aral. Malinaw po ba?

Ang lahat ng mga bagay na ito mga kababayan naming kaanib sa Iglesiang tatag ni Felix Manalo ay pinakikiusapang ipaliwanag at sagutin asna ninyo sa lalong madaling panahon. At kung hindi ninyo kayang sagutin sapagkat tinitiyak kong malalagay kayo sa kahihiyan, ay itigil sana ninyo ang gawaing tungo sa kapahamakan.

Ganito naman ang sinasabi ni Propeta Isaias tungkol sa mga Manunulat katulad nitong tagasulat ng Pahayagang PASUGO. Isaias 10:1-2, ay ganito ang sinasabi: "Sa aba nila na nagpapasya ng mga likong pasya, at ng mga manunulat na sumusulat ng mga kasuwalian. Upang iligaw sa kahatulan ang mapagkailangan, at upang alisin ang katuwiran ng mga dukha ng aking bayan, upang an mga babaeng balo ay maging kanilang samsam, at upang kanilang gawing kanilang huli ang mga ulila".

KABUUAN NG PAKSANG TINALAKAY:

  • Si Cristo ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios, at sinumang tao maging marunong o mangmang ay walang karapatang magtayo ng Iglesia.
    Si Felix Manalo ay tao, kung gayon walang karapatang magtayo ng Iglesia.
  • Ang mga aral ng sugo ng Dios ay mula sa Dios. Ang aral ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay mula sa sarili ni G. Felix Manalo.
  • Nang magipit sa mga unang paninindigan, ay lumukso sa pag-uusig, na kaya raw tunay ang Iglesia ni Cristong kinaroroonan nila ay sapagkat sila raw ay inuusig at pinararatangang demonyo. Datapuwat hindi rin nakaiwas sa pag-ilag, sapagkat pinatunayan ng kanilang magasing PASUGO na ang nang-uusig na ang lahat maliban sa kanila ay pawang sa demonyo o kay Satanas at ang Papa raw ng Iglesia Katolika ang siyang tunay daw na anti-Cristo.
  • At ang kahuli-hulihang nilundagan ay pagtalikod o pagkawala raw sa mundo ng Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo at nais nilang palitawin na ang mga lokales lamang ng Iglesia ang itinatag ni Manalo. Ngunit lalo siyang naipit sapagkat wala silang kamalay-malay na naisulat sa magasing PASUGO ang mga tanikalang panakal sa kanilang mga leeg.

Read The Truth About the Iglesia ni Cristo (Second Part)


Picture Credit: wikimedia.org

My Blog List

My Calendar