"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Saturday, July 26, 2008

The Truth About the Iglesia ni Cristo (Eighth Part)

  • Read the Seventh Part

    All exerpts posted were taken directly from the booklet Ang Katotohanan Tungkol sa Iglesia Ni Cristo, a thorough PASUGO compilation by Julian Pinzon published by Divine Word Publication, Oroqueta Street in Manila. Please buy your copies at Chrirst the King Mission Seminary, E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City (near Quezon City Sports Club; in front of Maryhill School of Theology).

    All entries were copied as they are. It was intentionally done for Filipino Catholics's proper information and in particular for Filipino members of the sect Iglesia ni Cristo's own discernment. I hope and pray that with this little effort of typing some from the booklet, our separated brethren may finally come home to the real Church Christ has built on the rock of St. Simon Peter:

TUNGKOL SA MGA KALULUWA NG NAMATAY

Sa aklat nilang pinamagatang "ISANG PAGBUBUNYAG SA IGLESIA NI CRISTO" p. 110, ay ganito ang isang bahagi na mbabasa natin:

"Kaya kapag ang tao'y namatay kasamang namamatay ang kanyang kaluluwa. Kung ang namatay ay inilibing, saan kaya naroroon ang kaluluwa? Ang kaluluwa ay dumidikit sa alabok."

  • PASUGO Disyembre 1966, p. 10:"Kung patay na ang tao ay wala nang nalalamang anuman. Wala siyang isip. May bahagi ba ang patay sa anumang ginagawa ng buhay? Wala! Walang nababahagi ang patay."

NOTA: Ang sinasabi nilang ito ay patama sa atin o sa mga Katoliko na nagpapadasal sa mga umao nilang minamahal sa buhay. Datapuwat ang hindi natin kayang ilarawan ay kung sila ang nananalangin sa patay at nakikipagpunyagi kay Manalong patay na, ay malaya silang gumagawa, gaya nitong nakasulat sa kanilang PASUGO.

  • PASUGO Mayo 1964, p. 3: (patula)
    "Sa ubod ng aming puso at damdamin;
    Nagkapalad kami sa gintong layunin;
    Sa sikap ng Sugong naghirap sa amin.

    Ang pagtatagumpay, dangal at alindog;
    Ng Iglesia ngayo'y banal na kinaloob;
    Sa isang pag-asa kami ay nabuklod;
    Ang aming dalangin sa paninikluhod;
    Salamat sa SUGO... Salamat sa Dios."

Pansinin dito, na noong namatay si G. Felix Manalo ay noong Abril 1963. Kung gayon patay na si Felix Manalo, ay naninikluhod silang nananalangin sa kanya.

  • PASUGO Disyembre 1964, p. 2: (ukol kay Erdy)
    "Tandang-tanda namin noon nang ang sugo ay namatay;
    Ikaw noon ay nanumpa sa harap ng kanyang bangkay;
    Para ko pang nakita na nagtaas ka ng kamay;
    At ikaw ay lumuluhang pangako ay inusal;
    Ang sabi mo'y tutupad ka sukdang ikaw ay mamamatay;
    Mamahalin ang Iglesiang pasugo ng Amang Banal."

NOTA: Ano raw ang ginawa ni Eraño Manalo? Nanumpang nakataas ang kanyang kamay sa harap ng bangkay ni Felix Manalong patay. At lumuluha raw na kanyang inuusal na mamahalin ang Iglesiang pasugo ng Dios na Banal-- Hanggang siya'y mamamatay!

Isa na naman ito sa mapagkikilanlan na hindi sa D ios at kay Cristo ang Iglesiang iyan; na itinatag lamang ni Felix Manalong tao't hindi sugo ng Dios.

At sapagkat mga tula lamang ang ating binasang ito, ay nais kong ipabatid sa lahat na huwag isipin na hindi nila kinikilalal ang mga tula na nasusulat sa PASUGO sapagkat may garantiya sila na kanilang kikilalanin, gaya nitong mababasa sa PASUGO p. 20,21

"Hindi namin tinatalikkuran kahit ang mga tula na nasa PASUGO. Kung may nagsabi na ang tula'y hindi dapat paniwalaan sapagkat bulaklak lamang ng dila, hindi ito ang paninindigan ng pangangasiwa ng Iglesia ni Cristo. Ito ang sagot sa isang sulat ni G. Julian A. Pinzon."

Iyan ang ating katibayan na kanilang kinikilala ang mga tula na nasusulat sa kanilang magasing PASUGO.

KABUUAN:

  • Pinapatunayan ng Magasing PASUGO na si Cristo lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. At sinumang tao, maging marunong o mangmang ay walang karapatang magtayo ng Iglesia.
  • Pinapatunayan din ng Magasing PASUGO na si G. Felix Manalo'y nagtayo ng Iglesia.
  • Nasusulat sa Magasing PASUGO na makikilala ang Sugo ng Dios at ang hindi sinugo sa pamamagitan ng mga aral at itinuro. Ang aral ng sugo ng Dios ay mula sa Dios. Ang aral ng hindi sugo ng Dios ay mula sa kanyang sarili.
  • Pinapatunayan ng Magasing PASUGO na ang mga aral na sinusunod ng INC -- 1914 ay nagmula lamang kay G. Felix Manalo.
  • Ayon din sa Magasing PASUGO ay salu-salungatang aral ang nasusulat, wala sa Biblia at laban pa sa Biblia.

Read the Truth About the Iglesia ni Cristo (Ninth Part)

Picture Credit: imageshack

2 comments:

  1. Wala talagang kasawa-sawa ang mga tumutuligsa sa INC. Di marunong umunawa ang may-akda ng website na ito.

    Hindi po kailanman nanalangin sa mga patay ang INC gaya ng ginagawa ng mga Katoliko.

    ReplyDelete
  2. Right under your nose, the INC teachings are all anti-Catholic at wala rin silang kasawa-sawa sa pagtutuligsa sa Iglesiang tunay na kay Cristo as your PASUGO acknowledged.

    About the dead, well it's your PASUGO that says so: Catholics have no problem praying for the souls (not the dead body).

    PASUGO Disyembre 1964, p. 2: (ukol kay Erdy)
    "Tandang-tanda namin noon nang ang sugo ay namatay;
    Ikaw noon ay nanumpa sa harap ng kanyang bangkay;
    Para ko pang nakita na nagtaas ka ng kamay;
    At ikaw ay lumuluhang pangako ay inusal;
    Ang sabi mo'y tutupad ka sukdang ikaw ay mamamatay;
    Mamahalin ang Iglesiang pasugo ng Amang Banal."

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar