Ang Simbahan ng Katoliko sa Qatar, isang bansang Muslim |
Bagamat nabanggit nga sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga Kristiano sa ROMA (16:16) ang mga salitang "iglesia ni Cristo" HINDI nangangahulugan na ang ang mga organisasyon o samahan na may ganitong KATULAD na pangalan ay SILA na nga. NANGOPYA lamang sila at kung tuus-tuusin ay PEKE pa rin sila!
At dahil may NAG-IISANG IGLESIA na ITINATAG si Cristo noong Unang Siglo, ang LAHAT ng mga nagsisibangon na mga iglesiang nagpapatawag din sa pangalang "Iglesia ni Cristo" ay mga HUWAD o PEKE o NAGPAPANGGAP lamang.
Ito ay sinang-ayunan ng opisyal na magasin na pag-aari ng samahang may katulad na pangalan-- ang Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo noong 1914 sa Sitio Punta Sta. Ana, Maynila.
Ang sabi ng magasing PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Bakit nila nasabing HUWAD o PEKE ang mga NAGSISIBANGON at nagsasabing na sila rin ay mga "Iglesia ni Cristo"?
Heto ang sagot din nila sa magasing PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."
Bakit? Sino ba ang nagtatag ng Iglesia ni Cristo na natatagpuan sa Pilipinas?
Ito ang sagot din ng magasing PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Sa makatuwid, ang Iglesia ni Cristo pala sa Pilipinas ay HUWAD, PEKE, NAGPAPANGGAP at NAGKUKUNYARI lamang kahit na may pangalan pa itong "IGLESIA NI CRISTO" sapagkat ang samahang ito ay HINDI TATAG ni CRISTO na siya LAMANG ang may karapatang magtayo!
Ang samahang ito ay ITINATAG ng isang TAONG HAMAK na si FELIX MANALO dating kabilang sa TUNAY NA IGLESIA at saka NAGTAYO ng sariling KANYA at pinangalanang KATULAD ng sa atin.
At dahil IISA LAMANG ang IGLESIANG kay CRISTO na KANYANG TATAG hindi maaaring ang INC ni Manalo ay kay Cristo rin.
Saanmang dako ng Biblia ay mababasa natin ang salitang IGLESIA. Kung minsan tinatawag na "IGLESIA ng Dios" o kaya'y "IGLESIA ng Dios na buhay" o kaya'y "IGLESIA ni Cristo". Pero sa maraming pagkakataon ay ang katawagan sa kanya ay IGLESIA lamang sapagkat WALANG IBANG IGLESIA kundi ang IGLESIANG KAY CRISTO.
Bago iyan, basahin ang "Alin ang Iglesiang binabanggit sa Roma 16:16?" upang maunawaan natin kung ano ang ibig sabihin ng sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo.
Ngayon, may BINABANGGIT si Apostol San Pablo na IGLESIA raw. Hindi nabanggit dito ni San Pablo ang salitang "BIBLIA".
Balikan natin ang Unang sulat ni Apostol san Pablo kay Timoteo (3:14-16).
Umaasa akong magkikita tayo sa lalong madaling panahon, ngunit isinulat ko ang mga ito upang kung hindi man ako makarating agad ay malaman mo kung ano ang dapat na maging ugali ng mga taong kabilang sa sambahayan ng Diyos na buhay, sa iglesya na haligi at saligan ng katotohanan. Hindi maikakaila na napakadakila ng hiwaga ng ating relihiyon:
Siya'y nahayag nang maging tao,
pinatunayang matuwid ng Espiritu, at nakita ng mga anghel.
Ipinangaral sa mga Hentil,
pinaniwalaan ng lahat, at itinaas sa kalangitan.
Anong SABI ni APOSTOL SAN PABLO?
Ang IGLESIA raw ay siyang HALIGI at SALIGAN ng KATOTOHANAN!
Ito ba'y ang "IGLESIA" na tatag ni Felix Manalo sa Pilipinas?
Hindi po maaari.
Sapagkat ang sabi po ng magasing PASUGO, may NAG-IISANG IGLESIA raw po ang nararapat na KAY CRISTO. Kung alin ito? Ito ay ang IGLESIANG TATAG NI CRISTO at hindi ng kung sino-sinong HAMAK na tao lamang.
At kahit na may NAG-AANGKIN ng pangalan, HINDI pa rin sila maaaring tunay sapagkat alam nating lahat na HINDI NGA ITO TATAG ni CRISTO at tanging si CRISTO lamang ang may KARAPATANG magtatag!
Iyan ang mariing PAGKASABI sa kanilang OPISYAL na magasing PASUGO!
Ayon sa PASUGO Abril 1966, p. 46 ang IGLESIA KATOLIKA ay siyang tunay na IGLESIA ni CRISTO:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
Kung ang IGLESIA KATOLIKA pala ay siyang TUNAY na Iglesia, HINDI maaaring DALAWA ang tunay. Dapat ISA ay TUNAY at isa ay PEKE.
Pero nakita na natin sa itaas kung paano ang magasin nilang PASUGO ay tumulong sa atin upang tuntunin natin kung alin sa mga maraming "iglesia" raw ang tunay at PEKE.
Ngayon baka naman sabihin nilang NATALIKOD ang tunay na Iglesia ni Cristo na siyang Iglesia Katolika.
MAGASING PASUGO rin ang nagpapatunay na HINDI nga NATALIKOD ang TUNAY na Iglesiang kay Cristo sapagkat HINDI raw natinag ang mga UNANG MGA APOSTOL sa kanilang PANANAMPALATAYA at naging matatag.
Iyan din daw ang DAPAT na GAWIN ng mga kaanib ng Iglesia ni Manalo.
Heto ang pagkasabi sa OPISYAL na magasing PASUGO Hunyo 1940, p. 27:
"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
Ito ang TINITINDIGAN ng mga kaanib ng Iglesia ni Manalo sapagkat ito ay sinasaad sa Juan:
PASUGO Mayo 1968, p. 5:
Salamat na lamang sa PASUGO sapagkat mas maliwanag ngayon ang ating pagsusuri na ang IGLESIA KATOLIKA pala ay siyang IGLESIANG BINABANGGIT sa BIBLIA na HALIGI at SALIGAN ng KATOTOHANAN.
Makakaasa tayong sa IGLESIANG ITO ang lahat ng ITINUTURO ay KATOTOHANAN sapagkat ito ay ang IGLESIANG TANGING kay CRISTO HESUS. Ito rin daw ang GINAWA ng UNANG IGLESIA na siyang IGLESIA KATOLIKA na sa PASIMULA ay siyang IGLESIA NI CRISTO. Sila'y nanatili sa aral ng Dios.
Nalipol ba ang UNANG IGLESIA?
Hindi po.
Ayon sa kanilang aral, HINDI raw TAYO KAILANMAN MALILIPOL sapagkat ayon sa Juan 10:28 "bibibyan" daw tayo ng "walang hanggang buhay" at "kailanma'y HINDI" raw tayo "MALILIPOL"
Ito rin kasi ang PANGAKO ni CRISTO noong ITATAG niya kay PEDRO (bato) ang kaniyang Iglesia (Mateo 16:18):
"At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya."
Kaya't tayong mga KATOLIKO at dapat MANATILI sa IGLESIANG tatag ni CRISTO sapagkat ang IGLESIANG ito ay siyang HALIGI at SALIGAN ng KATOTOHANAN. Hindi man natin nauunawaan LAHAT ng mga DOKTRINA nito ay MAKAKAASA TAYO na ang kaniyang ITINUTURO ay KATOTOHANAN lamang!
Magsaliksik man kayo sa kasaysayan, ang LAHAT ng mga maling aral ay TUMIWALAG sa Iglesia at nagtayo ng kanilang sariling mga "iglesia". Ito ay sapagkat inihula rin ng Biblia na may mga taong mga TATALIKOD ngunit ang IGLESIA ay HINDING-HINDI tatalikod sapagkat HINDI MANANAIG ang kapangyarihan ng kadiliman dito!
Halina't ibahagi ang KATOTOHANAN TUNGKOL SA PEKENG IGLESIA at ibahagi ang KATOTOHAN tungkol sa Iglesia KATOLIKA na siyang TUNAY na IGLESIA-- haligi at sandigan ng katotohanan!
puro INC ang tinitira, tsk... a minor religion in Philippines, pero walang kasing lawak ang pagtatagumpay...
ReplyDeletepaayos muna ang mga scandal ng mga pari nio pati na rin ang corruption sa loob ng vatican...
hihihi, alisin mo muna ang malaking troso sa iyong mata bago mo punain ang mata ng iba... Learn from that wisdom from the Great Master and Lord Jesus..
ReplyDeletePaki post po ang mga tahasang pangloloko ng mga INC sa blog ninyo galing kay Bro. Marwil Llasos O.P para mas maraming makabasa... God Bless po... http://bromarwilnllasos.blogspot.com/2012/02/pambubuking-sa-panggogoyo-ng-iglesia-ni_06.html Eto pa po... http://bromarwilnllasos.blogspot.com/2012/02/name-game-exposing-iglesia-ni-cristos_05.html
ReplyDeleteI will re-blog it..
ReplyDeletePinost ko po ng buong-buo para mabasa ng lahat... thanks for the link..
ReplyDelete