"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811
Showing posts with label Iglesia ni Cristo History. Show all posts
Showing posts with label Iglesia ni Cristo History. Show all posts

Sunday, January 31, 2021

Bakit Iglesia De Cristo ang gamit na pangalan ng INC™ (1914) sa Madrid (España)?

[Originally posted at Iglesia ni Cristo 33 A.D. blog]

Sa buong kasaysayan ng iglesiang TATAG ni Ginoong Felix Y. Manalo sa Pilipinas noong 1914, KILALA ito sa pangalang 'IGLESIA NI CRISTO' (o Iglesia Ni Kristo).  

Ang 'Iglesia Ni Cristo' ay ang OPISYAL na PANGALAN, ipinarehistro ni Ginoong Felix Y. Manalo sa gobyerno upang ang kanyang tatag na iglesia ay HINDI MAKOPYA at HINDI MAGAGAMIT ninuman.

Si opisyal na tala ng pagkakatatag ng INC™, pinatotohanan nila doon na HINDI si Cristo ang nagtatag nito kundi si Ginoong FELIX Y. MANALO ~ siya ang NAGTATAG (founder) at siya rin ang ULO (head) ng kanyang iglesia. (Pasugo May-June 1986)

Ang 'Iglesia Ni Cristo' ay isang INKORPORASYON na nakatala sa Securities and Exchange Commission. Iniingatan at pinangangalagaan ito ng gobyerno tulad ng pag-iingat at pangangalaga nito sa iba pang mga business companies na nakatala sa SEC.  

Ang Iglesia Ni Cristo ay tinawag ni Ginoong Felix Manalo na "MY CHURCH" (FreePress, Feb. 11, 1950). Ayon sa Pasugo Enero 1974, p. 8, ang "MY CHURCH" daw po ay "possessive pronoun" at ito ay nangangahulugan ng "possession and ownership." Kaya't po wala tayong pagtutol na ang INC™ ay PAGMAMAY-ARI ni Ginoong Felix Y. Manalo.

Bagamat may mga ibang mga "iglesia ni Cristo" na sumulpot bago o pagkaraan ng Hulyo 27, 1914, ang mga ito ay walang ugnayan sa INC™ ni G. Manalo.  

Hudyat na makakasiguro ang isang kaanib ng INC™ na ITO NGA ang iglesiang kay G. Felix Y. Manalo, ay MABABATID sa kanilang OPISYAL NA SIMBULO tulad ng LOGO ng PAGPAPAKILANLAN.  Ang ibang mga 'iglesia ni Cristo' na naitatag ng tao ay may kanya-kanyang mga pagkakakilanlan tulad ng nasa post na ito.  

Ang paggamit ng kanilang opisyal na mga simbulo o pagpapakilanlan (sa opisyal na bagay) ng walang kapahintulutan mula sa pamamahala ng INC™ ay ipinagbabawal ng batas tulad sa kasong 'Iglesia Ni Cristo vs Cayabyab' na layong mapapanagot ang mga dating kaaanib sa INC™ na patuloy na gumagamit ng kanilang mga opisyal at rehistradong mga copyrights at trademarks. (Iglesia Ni Cristo v. Cayabyab Case No. 18-cv-00561-BLF 08-23-2019 IGLESIA NI CRISTO, Plaintiff, v. LUISITO E. CAYABYAB, et al., Defendants.)

“INC indicated that it had intended to sue only for unprotected activity, specifically Defendants' unlawful use of its trademarks and copyrights materials including INC's Seal, Executive Seal, Flag, and hymns, in worship services. 

TATAG sa Pilipinas, tumawid ito sa Estados Unidos sa pamamagitan ng mga Filipino Immigrants (o mga Overseas Filipino Workers) na kaanib nito ~ opisyal na rehistrado sa Hawaii noong Hulyo 27, 1968; Sa San Francisco noong Agosto 1968; sa UK noong 1971 at Canada noong 1973.

Sa South Africa noong 1978; Roma (Italia) noong Hulyo 27, 1997; Jerusalem (Israel) noong Marso 31, 1996; Athens (Greece) noong Mayo 10, 1997.

KILALA ang IGLESIA NI CRISTO® bilang 'THE FILIPINO CHURCH' ('Filipino Church Gains Foothold in Valley, Spars With Archdiocese : Religion: Authoritarian Iglesia ni Cristo, which disputes Catholic beliefs, relocates to Panorama City.' Los Angeles Times, May 31, 1992) dahil nga sa ito ay pinamamahalaan at tinatangkilik at halos 99% ng mga kaanib nito ay mga Pilipino.

'IGLESIA NI CRISTO (CHURCH OF CHRIST)' 

Iglesia Ni Cristo Burnside NZ

Sa mga English-speaking countries, MAGKARUGTONG ang FILIPINO at ENGLISH na IGLESIA NI CRISTO (CHURCH OF CHRIST) ~ upang mas madaling unawain ng mga banyagang HINDI nakakaunawa ng Filipino o Tagalo na "Iglesia Ni Cristo" ~ "Church Of Christ" ~ ngunit HINDI ITO KAY CRISTO!

At kahit nasa ibang bansa ito, HINDING-HINDI sila nagpapakilalang 'CHURCH OF CHRIST' (Iglesia Ni Cristo) kundi 'IGLESIA NI CRISTO (Church of Christ)! Sapagkat ang 'Iglesia Ni Cristo' ang KANILANG REGISTERED TRADEMARK!




Bakit 'Iglesia De Cristo' ang pagpapakilala nila sa Madrid, España?

Ang bahay-sambahan ng INC™ sa Madrid, España

Totoong may kahulugan at may pinagmulan ang bawat salita. Ang isang salitang mayroong UNIVERSAL MEANING ay HINDI NAGBABAGO ang kahulugan nito saan man gamitin at anong wika man ito isalin.

Katulad ng salitang IGLESIA KATOLIKAIISANG KAHULUGAN kahit anong lengguwahe o wika ito isalin. At ITO ay TUMUTUKOY sa NAG-IISANG SIMBAHANG KATOLIKA o CATHOLIC CHURCH na SIYANG TUNAY na IGLESIANG TATAG ni CRISTO (Pasugo│Abril 1966, p. 46) ~ at ang pinagmulan nito ay sa salitang Griego καθολικός (katholikos), na ibig sabihin ay "universal" o pangkalahatan saan mang dako ng mundo). 

Pagdating sa 'Iglesia Ni Cristo', ang opisyal na pangalan ng iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo. NAIIBA ang KAHULUGAN kapag ISALIN ito sa ibang wika o lengguwahe.

Ang salitang 'Iglesia' ay pinamanang salita sa atin ng mga Español na ibig sabihin ay "Simbahan" o "Church" orihinal mula sa Griego Ekklesia  

Ang salitang 'Cristo' naman ay mula sa Español ng 'Kristo' o 'Christ', orihinal mula sa wikang Griego 'Khristos'.

At kapag unawain ng isang Kastila ang pang-ukol na 'Ni' na umuugnay sa panggalang 'Cristo', NAIIBA ang KAHULUGAN nito ngunit NAGPAPAHAYAG ito ng KATOTOHANAN!


'HINDI Iglesia o HINDI kay Cristo'! Ganyan ang ibig sabihin ng 'Iglesia Ni Cristo' sa wikang Kastila.  Pilit mang ikinukubli ngunit lalong tumitibay ang katotohanang HINDI IGLESIA at HINDI KAY CRISTO ang INC™


Sadyang makapangyarihan ang SALITA. Nawawala at NAIIBA ang kahulugan nito kapag tumatawid sa ibang bansang.  

Kaya pala IGLESIA DE CRISTO ang gamit sa España. Ayaw gamitin ang official registered name na 'Iglesia Ni Cristo' at mapapasama sila. Naiiba kasi ang kahulugan ngunit NAGPAPATOTOO sa kung ano talaga ang Iglesia Ni Cristo na tatag ni G. Felix Manalo noong 1914, HINDI TUNAY na iglesia, at LALONG HINDI TUNAY na kay Cristo. Sa madaling sabi, ito ay PEKE o HUWAD!

"Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." -PASUGO│Mayo 1968, p. 7
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem." -PASUGOMayo 1954, p. 9

“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK." -PASUGO│Agosto-Setyembre 1964, p. 5

Ang pangyayaring ito sa salita ng mga Kastila ay hindi nagkataon lamang. Ito ay ang PAGBUBUNYAG ng BUONG KATOTOHANAN kung PAANO LUMITAW ang isang iglesiang TATAG ni FELIX Y. MANALO at pinalalagay na si Cristo (raw) ang nagtatag nito (noong 1914?).

Maihahalintulad ito sa isang tao na NAGTATAG ng iglesia at TINAWAG na "IGLESIA NI MANALO" pagkatapos  ay saka niya IPINANGARAL na si FELIX Y. MANALO ang TUNAY na MAY-ARI at NAGTATAG nito. Sigurado, hindi ito tatanggapin ng Iglesia Ni Cristo®. GANON DIN SI CRISTO!

Sa kabuuan, ang pagpapakilala nila bilang 'Iglesia De Cristo' sa España ay sinadya. Ito ay bunsod ng katotohanang MABUBUNYAG ang TOTOONG katayuan ng Iglesia Ni Cristo® 1914. Na ito ay HINDI kay Cristo at HINDI iglesia. Ito ay pag-mamay-ari ni Ginoong Felix Y. Manalo at ito ay isang negosyo, isang korporasyon.

Monday, April 27, 2020

Huling Sugo: Aral na Hindi Pinaniwalaan ni Felix Manalo hanggang noon lamang 1922?

[Originally posted at Iglesia Ni Cristo 33AD blog]



Si Félix Manálo, na kilalá ring Ka Felix, ang tagapagtatag ng Iglesia Ni Cristo, bagama’t sa mga opisyal na talâ ng nasabing simbahan, siyá ay tinawag na Unang Tagapamahalang Pangkalahatan at Huling Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw.

Isinilang si Manalo sa Taguig noong 10 Mayo1886. Ang kaniyang mga magulang ay sina Mariano Ysagun at Bonifacia Manalo, na isang debotong Katoliko. Nang yumao ang ina, bilang pagpapahalaga rito ay pinilì niyang maging Manalo ang kaniyang apelyido. Bagama’t lumaki sa aral ng Simbahang Katolika, naging mapagtanong ang isip ni Manalo kayâ lumahok siyá sa iba’t ibang sekta upang masagot ang kaniyang mga tanong. Naging tagasunod siyá ng Colorum, isang grupong nagdaraos ng paglalakbay sa isang banal na bundok. Pagkaraan, nilisan niya ang Simbahang Katolika at naging pastor sa Methodist Episcopalian Church. Tumigil siyá ng pag-aaral nang mamatay ang kaniyang ina at nang bumalik sa pag-aaral ay nagpatalâ sa Presbyterian Bible School. Nakakilála niya ang grupong Christian Mission at nag-aral sa Manila College of the Bible sa loob ng apat na taón. Sa grupong ito, natutuhan niyang pahalagahan ang pagbibinyag sa pamamagitan ng paglubog sa tubig. Naging tagapangaral siyá ng Salita ng Diyos kabilang sa isang grupong nakilalang Society for the Propagation of the Gospel. Pinakasalan niya nang mga panahong ito si Tomasa Sereneo na taga-Paco, Maynila.

Naging miyembro siyá ng Seventh Day Adventism at nang yumao ang kaniyang asawa, nagpakasal naman siyá kay Honorata de Guzman, na kabílang sa nasabing sekta. Ngunit sumapit ang panahon na kinukuwestiyon na niya ang pangingilin ng grupo kapag araw ng Sabado. Nang hindi makatanggap ng kasiya-siyang sagot, nagbitiw siyá bilang ministro noong 1913. Nagtatag siyá ng sariling grupo noong 1913, na kilalá ngayong Iglesia Ni Cristo (nang una ay Kristo ang baybay). Ipinatalâ ang Iglesia noong 27 Hulyo 1914, ang araw ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Noong 1922, pinalutang ng Iglesia ang idea na si Manalo ang “huling sugo ng Diyos,” dahil para sa kanila, ang kanilang tagapagtatag ay maihahambing kay Moises o kay Pablo ang Apostol. Ang isa pang dahilan ay upang mapatatag ang pamumunò ni Manalo sapagkat may isang sektor na nagtangkang umagaw ng pamamahala ng simbahan. Yumao si Felix Manalo noong12 Abril 1963.

Mabilis na lumago ang mga aral ng Iglesia. Noong 1948, mayroon itong 60,000 miyembro, na naging 200,000 noong 1960. Nagkaroon ito ng mga simbahan hindi lámang sa Filipinas kundi sa 75 iba pang bansa sa buong mundo. Ngayon, mayroon na itong 1,250 lokal na kapilya at 35 katedral sa iba’t ibang panig ng bansa. Mayroon din itong 21 kongregasyon sa Estados Unidos. Noong 27 Hulyo 2007, sa ika-93 anibersaryo ng pagkatatag ng INC, isang panandang pangkasaysayan ang inilagak ng National Historical Institute (NHI) sa bahay na sinilangan ni Manalo sa Barangay Calzada, Tipas, Taguig. Idineklara rin ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Hulyo27 bilang “Araw ng Iglesia ni Cristo.” (AEB)


[Cite this article as: Manalo, Felix. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/manalo-felix/]

Sunday, October 13, 2019

Pagmamali ng Iglesia Ni Cristo na Tatag ni Felix Manalo noong 1914 Tungkol sa Kasaysayan ng Kristianismo

[ORIGINALLY POSTED FIRST AT IGLESIA NI CRISTO 33 A.D. BLOG]


ANG KASAYSAYAN NG IGLESIANG TATAG NI CRISTO AYON SA IGLESIANG TATAG NI G. FELIX Y. MANALO NITO LAMANG 1914

“ANG IGLESIA NI CRISTO”
I. PAGKAKATATAG SA JERUSALEM
II. PAGKATALIKOD
III. MULING PAGLITAW SA MALAYONG SILANGAN
IV. PAGLAGANAP HANGGANG SA MALAYONG KANLURAN
V. PAGLAGO
VI. PAGKATUPAD NG MGA HULA
VII. PAGKILALA NG IBANG LIDER AT NG MGA BANSA
VIII. PAGTATAGUMPAY

SA PANGINOONG DIYOS ANG KALUWALHATIAN SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESUCRISTO


Transcript mula sa video [-49.24 hanggang -39.46]. Ang pagdidiin ay amin.

"Noong unang siglo sa Jerusalem, ay itinayo ng Panginoog Jesucristo ang kanyang Iglesia na tinawag sunod sa kanyang pangalan, iglesya ni Cristo (Roma 16:16) subalit pinagpauna na ng Panginoong Jesukristo na babangon ang maraming mga bulaang o hindi tunay na mgangangaral na magliligaw sa kanyang mga alagad na magbubunga ng pagtalikod sa pananampalataya.

"Ipinagpauna na rin ng Panginoong Jesucristo na ang kanyang mga lingkod na nanindigan sa pananampalataya ay papatayin.

"Bagamat ang iglesia ni Cristo na itinatag noong unang siglo ay natalikod sa pananampalataya magkagayonman ay ipinagpauna na ng Panginoong Jesucristo nay mayroon pa siyang ibang mga tupa o mga alagad (Juan 10:16). At sila’y magiging isang kawan. Ayon sa mga apostol, sila ay magmumula sa malayo. Malayong panahon at dako (Gawa 2:39).

"Ito’y pinagpauna sa aklat ni propeta Isaias na mga anak ng Diyos na magmumula sa malayong silangan sa mga pulo ng dagat (Isaias 24:15).

"Natupad ang mga hulang ito ng Banal na Kasulatan sa bansang Pilipinas na nasa malayong silangan na binubuo ng mga pulo…"

Bigyan diin ang mga sumusunod:

A. Noong unang siglo sa Jerusalem, ay itinayo ng Panginoong Jesucristo ang kanyang Iglesia.
B. Ang iglesia ay sunod sa pangalan ni Cristo.
C. Babangon ang maraming mga bulaang propeta o hindi tunay na mangangaral.
D. Ang kanyang mga lingkod na nanindigan sa pananampalataya ay papatayin.
E. Ang iglesiang itinayo ng Panginoong Jesucristo ay natalikod sa pananampalataya.
F. Mayroon pa siyang ibang tupa o mga alagad na magmumula sa malayo.
G. Bansang Pilipinas ang bansang nagmumula sa malayong silangan.
_________________________________________________________________

Hindi matibay ang pundasyon ng pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo® 1914.  Ang kaniyang pundasyon ay NAKABATAY lamang sa kanilang DOKTRINA ng GANAP na PAGTALIKOD (TOTAL APOSTASY) raw ng IGLESIA KATOLIKA na sa 'PASIMULA ay SIYANG  [tunay na] IGLESIA NI CRISTO' ayon sa kanilang opisyal na magasin (Pasugo Abril 1966, p. 46).

Kung gagamitin natin ang kanilang lohika, walang INC™ 1914 kung walang pagtalikod ng tunay na Iglesia ni Cristo na tatag ng Panginoong Jesus noong Unang Siglo.

ANG TANONG: KAILAN BA NATALIKOD NA GANAP ANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO?

Ayon sa Iglesia Ni Cristo® 1914, ang IGLESIA KATOLIKA raw ang totoong Iglesia ni Cristo na itinatag ng Panginoon sa Jerusalem noong Unang Siglo (PASUGO Abril 1966, p. 46) ngunit NATALIKOD daw ito ng GANAP. Ibig sabhin ng "ganap" ay WALANG NATIRA at "NALIPOL NA LAHAT" (Pasugo Enero 1964, p. 2).

Ang GANAP na PAGTALIKOD ay naganap raw ito noong NAMATAY NA ang lahat ng mga ALAGAD ni Cristo (PASUGO God's Message, February 2012,  pp. 27-29).  NALIPOL na raw LAHAT ng mga tagasunod ni Cristo na TAPAT sa ARAL ni CRISTO.

AT DAHIL NATALIKOD at NALIPOL na LAHAT ng mga TUNAY na ALAGAD at TAGA-SUNOD ni Cristo kaya't KINAKAILANGAN ng DIYOS ng isang tao upang ITATAG MULI ang "KANIYANG IGLESIA".

Ayon sa kanilang aral, ang PAGTALIKOD daw na GANAP ng BUONG IGLESIA NI CRISTO na tatag ng ating Panginoong Jesus ay 'HINULAAN" daw sa Biblia. Ngunit WALA silang 'unified Bible verse na makakapagpatunay na hinulaan nga sa Biblia ang pagtalikod ng Iglesiang tatag ni Cristo.

Ang sabi ng isang Muslim Imam rito ay "TAGPI-TAGPI" [panoorin dito ang video]. Kuha sa Lumang Tipan, itagpi sa Bagong Tipan. Halimbawa ay Zakarias (13:8-9) at sa Gawa (2:39, 20:28), Roma (16:16) at saka ibuod kay Juan (10:16) upang MAKABUO ng SAKNONG na SASAKTO sa KANILANG nais palabasin [basahin itong paliwanag ng "Ang Pagbubunyag".

Sa kanilang pagnanais na PATUNAYAN na ang INC™ 1914 nga raw ay ang siyang tunay na pagmamay-ari ni Cristo BIBLIA ang kanilang gamit na PANLOKO at marami na silang NALINLANG na kaluluwa, tulad ng pagnanais ni Satanas na linlangin ang Panginoong Jesus gamit ang Banal na Salita ng Diyos (Mateo 4:6).

At ang RESULTA ng kanilang "TAGPI-TAGPING ARAL" ay LILITAW (raw) muli ang "tunay" na IGLESIA at natupad raw ito kay Ginoong Felix Y. Manalo noong itatag niya ang kanyang Iglesia sa Pilipinas noong 1914 (PASUGO February 2012, pp. 27-29)!

HINDI PA NATATALIKOD ANG UNANG IGLESIA NI CRISTO ~ ANG IGLESIA KATOLIKA!


Ito ay ayon na rin sa kanilang magasing PASUGO, Abril 1966, p. 46 (ang pagdidiin ay amin):
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Kabuuan ng kanilang sinabi sa Pasugo:
  • Mula noong Unang Siglo hanggang 'ngayon' (1966) ay hindi pa natatalikod ang tunay ang Iglesiang tatag ni Cristo.
  • Ang orihinal at tunay na Iglesiang tatag ni Cristo noong una ay ang Iglesia Katolika at hindi ang registered trademark na  Iglesia Ni Cristo® 1914
  • Kung di pa natatalikod noong 1966 ang tunay na iglesia, lalabas na ang iglesiang tatag ni Felix Manalo noong 1914 ay huwad ~peke~ fake~!
ANG TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO  AYON SA KASAYSAYAN

A. ANG PAGKAKATATAG SA JERUSALEM


Taong 33 A.D., ITINATAG ng Panginoong Jesucristo sa Jerusalem ang KANYANG IGLESIA.  Ito ay NASUSULAT sa lahat ng AKLAT ng KASAYSAYAN ng tao. Katulad ng Islam na itinatag ni Muhammad noong ika-7 siglo, ay nakatitik din sa aklat ng kasaysayan. Maging ang IGLESIA PROTESTANTE at nang mga nagsulputang mga SEKTA nito na mahigit sa 30,000 na  ay nakasulat sa mga aklat ng kasaysayan. Ang kasaysayan ng PAGKAKATATAG ng korporasyong IGLESIA NI CRISTO® ay NAKASULAT po sa aklat ng Kasaysayan.

Bago pa nauso ang pagpaparehistro ng mga tatag na korporasyong iglesia sa kinasasakupang bayan o bansa, ang orihinal na IGLESIA NI CRISTO ay ITINATAG ng PANGINOONG JESUS sa JERUSALEM. Mula noon, WALANG ibang pinapatungkulan ang salitang IGLESIA kundi ang KAY CRISTO. Kaya't by default ang salitang IGLESIA ay walang ibang pinatutungkulan kundi ang NAG-IISANG IGLESIANG KAY CRISTO ~ang "IGLESIA KATOLIKA NA SA PASIMULA AY SIYANG IGLESIA NI CRISTO" (PASUGO Abril 1966, p. 46).
"According to Catholic tradition, the history of the Catholic Church begins with Jesus Christ and his teachings (c. 4 BC – c. AD 30) and the Catholic Church is a continuation of the early Christian community established by the Disciples of Jesus." -Wikipedia
Maging ang mga nakasulat sa mga Encyclopedias walang ibang kinikilalang UNANG IGLESIANG pagmamay-ari si Cristo kundi ang IGLESIA KATOLIKA.
The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world. -Online Encyclopedia Britannica
After the ascension of Jesus Christ, as the apostles began to spread the gospel and make disciples, they provided the beginning structure for the early Christian Church. It is difficult, if not impossible, to separate the initial stages of the Roman Catholic Church from that of the early Christian church. -Learn Religions
Ayon sa mga dalubhasang manunulat ng kasaysayan, ang Iglesia Katolika ay siyang may direktang kasaysayan pabalik sa panahon ni Jesus at ng mga alagad. Sa aklat ni James Hitchcock, History of the Catholic Church, ibinuod niya rito kung ano ang Iglesia Katolika ayon sa kasaysayan ng tao.

The Catholic Church is the longest-enduring institution in the world. Beginning with the first Christians and continuing in our present day, the Church has been planted in every nation on earth.  
The Catholic Church claims Jesus Christ himself as her founder, and in spite of heresy from within and hostility from without, she remains in the twenty-first century the steadfast guardian of belief in his life, death, and resurrection. The teachings and redemptive works of Jesus as told in the Gospels are expressed by the Church in a coherent and consistent body of doctrine, the likes of which cannot be found in any other Christian body.
B. ANG IGLESIA SUNOD SA PANGALAN NI CRISTO

Bagamat ang CRISTO at JESUS ay tumutukoy sa iisang pagkakakilanlan sa Anak ng Diyos na nagkatawang-tao, ang JESUS ay PANGALAN at ang CRISTO ay ang Kanyang tungkulin.  Ayon sa Mateo 1:21; Lukas 1:31 JESUS ang ipapangalan sa IPAPANGANAK ng Birheng Maria ayon kay San Gabriel Arkanghel.

Ang Cristo ay MESIAS sa salitang Hebreo o TAGAPAGLIGTAS sa wikang Filipino. Ang literal na pakahulugan nito ay "ang Siyang Pinahiran ~ the Annointed One". Kaya't HINDI po mismong pangalan ang "Cristo" kundi JESUS.

Kung susundin natin ang lohika ng mga INC™, ang iglesiang tatag ng Panginoong Jesus ay IGLESIA NI JESUS ang dapat na ipangalan alinsunod sa pangalan ng nagtatag.

At ganoon din sa INC™, dahil si Ginoong Felix Manalo ang nagtatag ng INC™ sa Pilipinas ay dapat  lamang na isunod ito sa pangalan ng nagtatag ~ IGLESIA NI FELIX MANALO o IGLESIA NI MANALO.

At kung ipagpupumilit nila na ang 'Cristo' ay isang pangalan, dapat lamang palang isunod sa titulo ni G. Felix Manalo ang kanyang Iglesia bilang "Iglesia ng Ibong Mandaragit" o kaya'y "Iglesia ng Huling Sugo sa Mga Huling Araw" o "Iglesia ng Anghel".

[BASAHIN: Hindi raw Iglesia Katolika ang tunay na Iglesia ni Cristo?]

C. BABANGON ANG MARAMING BULAANG PROPETA 

Pagkatapos malipol daw ng lahat ng mga alagad ni Cristo at TUMALIKOD na ganap na raw ang buong Iglesiang tatag ni Cristo ay nagsilitawan raw ang mga BULAANG PROPETA ayon sa turo ng INC™ 1914.

Gamit ang Banal na Kasulatan, kanilang sipiin ang Mateo 24:11 "At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami."

At dudugtungan nila ng susog mula sa Mateo 24:4 na ganito ang pagkasabi "At sumagot si Jesus at winika sa kanila, 'Mangagingat kayo na huwag maliligaw ninoman." 

Ito ang wika ng isang Imam ng Islam ukol sa paggamit ng mga INC™ 1914 sa biblia:


"Ang Biblia ba ninyo ay gawa ba ninyo yan?"  
Sabi, "Hindi!"  
"San ba nagmula ang biblia ninyo?" 
Sabi niya, "Sa iglesia, sa Iglesia Katolika Apostolika Romana." 
Sabi ko, "Iglesia Ni Cristo kayo, tapos yung Biblia ninyo ay nagmula sa Romana Katolika Apostolika? Hindi sila nakakaintindi sa Biblia nila, aklat ng Katoliko, hindi sila nakakaintindi. At kayong mga Iglesia Ni Cristo, NAGBABASA lamang, sa AKLAT NG MGA KATOLIKO, kayo ang nakakaintindi? Dahil the HISTORY OF THE BIBLE, we cannot deny, the history of the Bible was compiled, collected by the early Christian Catholics. While the Roman Catholics in this latest century they are reading the Bible, at ang BIBLIA ORIGINAL ay NAGMULA sa ROMANO KATOLIKO!  
"Imposible na ang GUMAWA sa Biblia ng ROMANO KATOLIKO ay maiimpierno. Yung lumikha sa Biblia maiimpierno. Yung NAGBABASA maparaiso? Imposible naman! 
Ang mga INC™ 1914 ay MALING-MALI sa kanilang pagsipi sa Banal na Biblia. OUT OF CONTEXT ika nga. Hindi nila nalalaman na ang tinutukoy sa Mateo na DARATING na mga MARAMING BULAANG PROPETA ay ISA na roon ang kanilang sugong si FELIX MANALO. Sapagkat HINDI NAMAN NATALIKOD ang Iglesia kundi TAO ang tumalikod sa Iglesia at ITONG mga TAONG TUMALIKOD ay kinasangkapan ng Diablo at nagiging mga BULAANG PROPETA.

Sino ang mga BULAANG PROPETA na tinutukoy sa Biblia? Basahin niyo itong BABALA ni Apostol San Juan:
"Mumunting mga anak, sumapit na ang huling oras.  Batay sa inyong narinig na dumarating na ang anti-Cristo, marami nang anti-Cristo ang dumating; kung kaya nalalaman nating sumapit na ang huling oras. Sa atin sila nanggaling ngunit hindi sila atin, sapagkat kung sila ay atin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ito ay nangyari upang matanyag na silang lahat ay hindi atin." -1 Juan 1:18-19 (ang pagdidiin ay atin)
NAGBABALA si Apostol San Juan ukol sa PAGDATING NG MGA ANTI-CRISTO o ang KALABAN NI CRISTO!

PAANO sila MAKIKILALA? Simple!

Sa 'CHECK LIST' na ibinigay ni Apostol San Juan, ang PALATANDAAN ay ang mga sumusunod:

  • Sila'y DATING KAANIB sa Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo
  • Sila'y TATALIKOD sa Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo.
  • Sila'y HINDI NA ATIN sapagkat kung sila'y sa atin ay mananatili sana sila sa atin (sa tunay na Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo).
  • Mahahayag ang kanilang pagka-bulaang propeta sapagkat sila'y TUMALIKOD at ngayon ay KUMAKALABAN sa atin!

Sa kasaysayan ng Santa Iglesia, narito ang mga personalidad na TUMALIKOD sa tunay na Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo at dahilan ng pagkawatak-watak ng Bayan ng Diyos:
  • ARIUS ~ [256 A.D. - 336 A.D. Gitnang Silangan at Hilagang Africa] Siya ay isang dating pari ng Iglesia sa Alexandria, Egypt ngunit tumalikod. Siya ay nangaral na si Jesus ay Diyos ngunit mas mababa kaysa sa Diyos Ama. Ang kanyang maling aral ay kinondena ng Iglesia sa Unang Konseho ng Nicea (325 A.D.).
  • MARTIN LUTHER ~ [1483 - 1546 Europa at America] Siya ay paring monghe ayon sa disiplina ng OSA (Ordo Sancti Agustini (L), isang propesor ngunit siya ay tumalikod. Siya ay nagnanais na isulong ang reporma sa Iglesia ngunit dala ng kanyang malalim na poot sa mga namumuno sa Iglesia, siya ay nagrebelde (protesta) kaya't sumulpot ang Iglesia Protestante. Mula 1517 nagkawatak-watak ang Kristianismo at mula 1549 nabalahura ang Salita ng Diyos na dahilan upang lalong maraming tumalikod sa tunay na turo ni Cristo.
  • FELIX Y. MANALO ~ [1886 - 1963 Pilipinas at Asia] Siya ay binyagan at lumaking Katoliko hanggang siya ay tumalikod noong 1902. Taong 1903 siya ay umanib sa mga kulto sa kabundukan ng Banahaw at San Cristobal (Quezon) hanggang siya ay tuluyang umanib sa mga sekta ng Iglesia Protestante na dala ng mga Amerikano. Una siyang umanib sa mga Methodists. Hindi nasiyahan sa mga Methodists at lumipat sa mga Presbyterians. Hindi nasiyahan sa mga Presbyterians, umanib sa Alliance of Christian Missionaries. Hindi nasiyahan sa mga ACM kaya't lumipat sa Seventh Day Adventists o mga Sabadista. Di nasiyahan sa mga Sabadista kaya't dito niya napagtanto na siya na mismo ang magtatag ng kanyang iglesia at papangalanang "Iglesia Ni Kristo" (INK), pinarehistro noong Hulyo 27, 1914 ngunit di kalauna'y pinalitan ng "Iglesia Ni Cristo" (INC). Noong 1919 siya ay nagtungo sa Estados Unidos upang mag-aral sa Pacific School of Religion isang paaralan ng mga Protestante (Pasugo Hulyo 1964, p. 182) sa paaralang tinuturing niyang mga "kay Satanas o sa demonyo" (Pasugo Agosto 1961, p. 39).  Noong 1922 bumalik siya ng Pilipinas at doon nagsimulang mangaral na siya (Felix Y. Manalo) ay ang katuparan daw ng mga hula sa Biblia at inangkin ang titulo bilang "Huling Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw".

Dito tayo nakakasiguro na sa mga katulad nila ay mga ANTI-CRISTO. Silang mga nagsasabi na TUMALIKOD ang Iglesia. Ngunit ang katotohanan ay SILA ANG TUMALIKOD sa Iglesia.  "Sa atin sila nanggaling ngunit hindi sila atin, sapagkat kung sila ay atin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ito ay nangyari upang matanyag na silang lahat ay hindi atin." -1 Juan 1:18-19

Ang PAGLILIGAW, PAGSISINUNGALING, PANLILINLANG nila ay tumpak na naging dahilan ng PAGTALIKOD rin ng maraming tao sa Iglesia ay KATUPARAN na nga ng mga HULA sa Biblia ukol sa pagdating ng mga BULAANG PROPETA o mga HUWAD na mga MANGANGARAL!

D. ANG KANYANG MGA LINGKOD NA NANINDIGAN SA PANANAMPALATAYA AY PAPATAYIN

KATHANG-ISIP lamang na sabihin ng INC™ 1914 na WALANG NATIRANG KRISTIANO  mula nang MAMATAY ang mga Apostol.  Sa mga nagsusuri, isang MALAKING KASINUNGALINGAN. MAPANLINLANG ang sasabihin na "walang natira" sa mga tagasunod ni Cristo mula nang namatay ang mga Apostol (c. 110 A.D.).  Tunay nga na NAGANAP na ang mga HULA sa Biblia ukol sa pagdating ng mga BULAANG PROPETA! Gagawin lahat upang mandaya at manlinlang!

Hindi po totoo na 'walang natira' sa mga tagasunod ni Cristo mula nang namatay ang mga Apostol.  Sa katunayan, LALONG LUMAGO ang mga mananampalataya habang ang mga UNANG KRISTIANO ay INUUSIG.

Umpisahan natin sa ating Panginoong Jesucristo. Siya ay PINATAY hindi dahil sa siya ay masamang tao.  Siya ay PINATAY dahil NANINDIGAN siya sa KATOTOHANAN.

Ano ang katotohanan na pinanindigan ni Cristo?

Na SIYA NGA AY DIYOS na nagkatawang-TAO!  Siya ay isinakdal ng mga Punong Saserdote at ng mga Hudyo sa salang "BLASPHEMY" o sa wikang Filipino ay ang PAGLAPASTANGAN SA DIYOS.  Siya na nasa kalagayan bilang TAO ay NAGPAPANGGAP RAW na Diyos. At dahil si Cristo ay isang TAPAT at MATUWID na 'TAO' ay hindi niya ito tinatwa kundi NIYAKAP niya ang kamatayan kaysa itakwil ang KATOTOHANANG SIYA NGA AY DIYOS sa kalagayan ng TAO!
"Hindi ka namin binabato dahil sa mabuting gawain kundi ikaw na isang TAO lamang ay nagpapanggap na DIYOS." (Juan 10:33b)
Si Cristo nga ay Diyos na nagkatawang tao! Si Jesus ~ VERBO ~ DIYOS ~ nagkatawang-TAO (Juan 1:1-4). At bagama't si JESUS ay NASA ANYONG DIYOS, nagpakababa, INARI ang KATANGIAN ng isang TAO, at NIYAKAP ang KAMATAYAN ~ oo, kamatayan sa KRUS. Kaya't sa Kanyang KALAGAYANG-TAO ay DINARANGAL siya ng DIYOS AMA at ginawa siyang DAKILA sa LAHAT ng bagay na NILALANG. At sa pamamagitan NIYA ang lahat ng tuhod maninikluhod, lahat ng dila idadakila SIYA bilang PANGINOON! (Filipos 2:4-9)

KUNG PINATAY ANG PANGINOON DAHIL SA KATOTOHANAN, HINDI NAKAHIHIGIT  ang mga alagad. Kung INUSIG, pinahirapan at pinatay si Cristo alang-alang sa katotohanan, sila rin ay nakaranas nito. Sila ay PINATAY (maliban kay Apostol San Juan na namatay dahil sa katandaan noong c. 110 A.D.).

  • San Pedro ~ pinatay sa Roma ng pabaliktad sa Krus
  • San Pablo ~ pinugutan ng ulo sa Roma
  • San Andres ~ (bandang Russia) pinaslang sa pamamagitan ng pagpapako rin sa krus
  • San Tiago ~ (anak ni Zebedee) pinaslang ni Herod Agrippa I
  • San Tomas ~ pinatay sa India sa pamamagitan ng sibat
  • San Filipe ~ pinatay (Hilagang Afrika)
  • San Bartolome ~ pinaslang habang nangangaral
  • San Mateo ~ pinaslang habang nangangaral
  • San Tiago ~ (anak ni Alpheus) pinaslang sa pamamagitan ng pagbato at hambalos
  • San Simon ~ pinaslang sa pagtangging sumamba sa diyos-diyosan ng Persia
  • San Matias ~ (kapalit ni Judas Iscariote) pinaslang sa pamamagitan ng pagsunog
  • San Judas Thaddeus ~ pinaslang sa Persia
  • San Juan ~ tanging alagad na namatay ng hindi pinahirapan

Source: Catholicism.org 

Bagamat sila ay PINAHIRAPAN, INUSIG at PINATAY, lalong NAGNINGAS ang PANANAMPALATAYA ng mga KRISTIANO sa Diyos.  At ang kanilang mga DUGO bilang mga MARTIR ay naging BINHI ng PANANAMPALATAYA na UMUSBONG hanggang sa kasalukuhan.

Sila'y mga TAPAT na SAKSI sa KATOTOHANAN, magigiting na IPINAGTANGGOL ang katotohanan. Sa kabila ng banta sa kanilang mga buhay, mas pinili nilang IALAY  ito alang alang sa kanilang pananampalataya. Hindi nila ipinagkanulo ang Katotohanan ng ating pananampalatayang NATANGGAP mula sa kay CRISTO at sa mga APOSTOL.

Narito ang ilan sa mga PINASLANG na mga TAGASUNOD ni Cristo at ng mga ALAGAD.

Mula kay CRISTO at sa mga APOSTOL ang PAGPUPUTONG ng KAMAY sa kanilang mga KAHALILI ay HINDI NAPUTOL (unbroken line of succession)  halimbawa kay Apostol SAN PEDRO, humalili si LINUS, sumunod si ANACLETUS, sumunod si CLEMENT I, sumunod si EVARISTUS. Sila ang unang APAT na humalili kay Apostol San Pedro.  At sa kasalukuyan, si PAPA FRANCISCO ang ika-266 na kahalili ni Apostol San Pedro.

Ito naman ang listahan ng mga KAHALILI ni APOSTOL SAN MARCOS. [Basahin ang KASAYSAYAN ng KRISTIANISMO at ng PATRIARCHY]

Katulad ng mga BAYANI ng mga bansa, ang KAMATAYAN ng isang tao ay hindi katapusan kundi ito ay PATUNAY na sa kabila ng kamatayan, ang katotohan ay HINDI mapapatay ninoman.

KATOTOHANAN nga na PINASLANG ang mga NANINDIGAN sa KATOTOHANAN ngunit HINDI namatay ang KATOTOHANAN sa kanilang kamatayan kundi ang katotohanan ay UMUSBONG at naging BINHI ng PANANAMPALATAYANG KRISTIANISMO na PINATUNAYAN ng mga MARTIR at mga SANTO hanggang sa KASALUKUYAN, hanggang sa pagbabalik ng Panginoon!

Ang HAPDI ng PAGHIHIRAP ng mga ALAGAD ay alang-alang sa KATOTOHANAN at ang MAKALANGIT na GANTIMPALA ayon kay APOSTOL SAN PABLO ay KALIGTASAN ng mga HINIRANG (2 Timoteo 2:8-13):
Beloved: Remember Jesus Christ, raised from the dead, a descendant of David: such is my gospel, for which I am suffering, even to the point of chains, like a criminal. But the word of God is not chained. Therefore, I bear with everything for the sake of those who are chosen, so that they too may obtain the salvation that is in Christ Jesus, together with eternal glory
This saying is trustworthy: If we have died with him we shall also live with him; if we persevere we shall also reign with him. But if we deny him he will deny us. If we are unfaithful he remains faithful, for he cannot deny himself.

E. ANG PAGKATALIKOD


Sa JERUSALEM itinatag ng Panginoong JESUS ang TUNAY na IGLESIA! IPINANGAKO niya sa mga ALAGAD na HINDING-HINDI ito MATATALIKOD kailanman (Mt. 16:16-18).

Kanyang sinabi:  "Lilipas ang langit at lupa ngunit di lilipas ang aking mga salita." (Mt. 24:35)!

Itong PANGUNGUSAP ng Panginoon ay TOTOO mula noon hanggang NGAYON! Ni isa sa mga SINALITA ng Panginoong Jesucristo ang HINDI MABABALI.

Dugtong pa ni Jesus na  SIYA ay MANANATILI sa kanyang IGLESIA HANGGANG sa KATAPUSAN NG MUNDO: "Tandaan ninyo na ako ay sumasainyo sa lahat ng araw hanggang sa wakas ng daigdig". (Mt. 28). ITO AY ISA ring PANGAKO!  At uulitin natin, kapag SI JESUS ang NANGUSAP, HINDI ITO MABABALI (Mt. 24:35)

Ang mga BULAANG PROPETA ay nagpahayag ng SALUNGAT sa mga PANGAKO ni Cristo. Ipinangangaral nila na ang mga WINIKA ng Panginoon ay NABALI ~ DI NATUPAD! At ang kanyang mga PANGAKO ay LUMIPAS at DI NAGKATOTOO.

Pinalalabas ng mga BULAANG PROPETA na si JESUS ay isang SINUNGALING! Na ang kanyang mga SALITA ay WALANG SAYSAY.

PINALALABAS ng mga BULAANG PROPETA na ang Panginoong JESUS ay NAGKAMALI, NAGSINUNGALING at nagwika ng PANLILINLANG. Ngunit alam natin na ang GAWAING PANLILINLANG ay GAWAIN ng DIABLO. Sapagkat ang diablo ay ang AMA ng PANLILINLANG.

Sino ang mga NANLILINLANG, si JESUS ba o ang mga BULAANG PROPETA? Samakatuwid ang mga Bulaang Propeta ay mga KAMPON ni Satanas na ama ng PANLILINLANG!

Ang mga BULAANG PROPETA ay TUSO at mga MANLILINLANG Inaangkin nila na SILA raw ay ang TUNAY na Iglesia. Sila raw ay mga HULING PROPETA tulad ni JOSEPH SMITH, tagapagtatag ng MORMONISM noong Abril 6, 1830 sa New York USA; at ni Ginoong FELIX Y. MANALO na siya raw ang ang HULING SUGO NG DIYOS SA MGA HULING ARAW o isang ANGHEL, si Felix Manalo ang nagtatag ng IGLESIA NI CRISTO noong Hulyo 27, 1914 sa Sitio Punta, Sta. Ana, Maynila, Pilipinas.

Si Ginoong Smith at si Ginoong Manalo ay parehong nangangaral ng TOTAL APOSTASY upang SUMAKTO ang kanilang aral na SILA na ngayon ang tunay. Pingangaral ng mga BULAANG PROPETA na ang IGLESIANG TATAG NI CRISTO ay NATALIKOD na raw na GANAP (Total Apostasy) kaya't KAILANGANG ITATAG ito sa pamamagitan ni Ginoong Smith at ni Ginoong Manalo, dalawang umaangking HULING PROPETA at HULING ANGHEL ngunit hindi magkasundo kung sino sa kanila ang tunay na HULI at di magkasundo kung ang MULING PAGLITAW ba ng TUNAY na Iglesiang tatag ni Cristo na TUMALIKOD ay ang MORMONISM o ang IGLESIA NI CRISTO®! Ngunit iisa ang katotohanan sa kanilang dalawa, PAREHO SILANG MGA HUWAD!

Kung PANIWALAAN natin ang mga PAG-ANGKIN ni Ginoong Joseph SMITH at ni Ginoong Felix Y. MANALO, para na rin nating pinaniniwalaan na SINUNGALING at MANDARAYA ang Panginoong Jesus. 

Dahil alam na natin na HINDI MATATALIKOD ang IGLESIANG tatag ni Cristo, lalong luminaw na ang mga NAGSISULPUTANG mga IGLESIA kuno ay HINDI tunay kundi mga HUWAD lamang!

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK [Iglesia ni Kristo] ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." (ang pagdidiin ay amin lamang)
Tumpak!

Ngunit alam naman natin na NAPARITO na ang mga BULAANG PROPETA upang LINLANGIN ang IGLESIA. Naparito sila upang BALIIN ang mga SALITA ng DIYOS upang sumakto sa kanilang aral. Ginagawa nila ito upang MALINLANG ang Iglesia at may mga aanib sa kanila.  Naparito sila upang PASINUNGALINGAN ang mga pangako ni Cristo.

NATUPAD na nga ang mga hula sa Biblia. Ang babala ni Cristo sa PAGDATING ng mga ANTI-CRISTO o mga BULAANG PROPETA ~ mga KAAWAY NI CRISTO, ang babala sa atin ay ganito: 'MANGAG-INGAT KAYO NA HUWAG MALILIAGAW NINOMAN." (Mt. 24:4)

[BASAHIN: 'HINDI RAW IGLESIA KATOLIKA ANG TUNAY NA IGLESIA?']

[From 1517 onwards these faces of protestants changed the Christian religion and had caused many division among them not agreeing on one thing in the Bible that led them to split, divide and corrupted the Bible. Photo Source: Concordiaseniorliving.com] From 1st Century to 16th Century, "[u]ntil that point, for a person to feel connected to God, the Catholic Church was the only place to turn to hear the scripture or take part in the blessed sacraments from parish priests."
(Sila ang mga MUKHA ng PATALIKOD sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO at HINDI ang Iglesia ang tumalikod.)

F. MULING PAGLITAW SA MALAYONG SILANGAN?

Bilang Iglesiang TATAG ni Cristo, ang IGLESIA KATOLIKA ang KAISA-ISANG IGLESIA may kasaysayang pabalik sa PANAHON ni CRISTO at ng mga APOSTOL.  Ito ay NASUSULAT lahat sa mga AKLAT ng KASAYSAYAN.
The Church at Rome, which would later develop into what we know as Roman Catholicism, was started in the apostolic times (circa AD 30-95). -Christianity.com
Mula sa JERUSALEM hanggang maipangaral ng mga alagad sa buong EMPERO ng ROMA ang KADALISAYAN ng ating pananampalataya, ang IGLESIA po SA ROMA na TINUTUKOY ni Apostol San Pablo na BINABATI ng LAHAT NG MGA IGLESIA NI CRISTO (Roma 16:16) ay siya ring IGLESIANG KINIKILALA sa BUONG MUNDO bilang IGLESIA KATOLIKA

Ang IGLESIA NI CRISTO mula pa noong unang siglo ay NAKATAYO pa HANGGANG sa KASALUKUYAN at HINDI po ito NATALIKOD!

Maliban sa MAKASAYSAYANG pinagmulan ng Iglesia Katolika, ang LAHAT nang NAGSISULPUTAN ngayon na umaangking sila ay "TUNAY" ay mga HUWAD.

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."

Sa kabuuan, kung ang IGLESIA KATOLIKA sa SIMULA AY SIYANG IGLESIA NI CRISTO (Pasugo Abril 1966, p. 46) ay ang MAY PINAKAMATANDANG KASAYSAYAN ng pag-iral na halos UMABOT na sa mahigit-kumulang na 2,000 taon.  HINDI NATALIKOD at HINDI MATATALIKOD KAILANMAN!  ITO nga ang IGLESIANG TATAG ni CRISTO na "HANGGANG SA KASALUKUYAN" ay patuloy na inaakit ng diablo para tumalikod (Pasugo Abril 1966, p. 46).

KATOTOHANAN ang MAGLILIGTAS sa TAO. Na ang IGLESIA NI CRISTO ay ang IGLESIA KATOLIKA!
The Catholic Church is the oldest institution in the western world. It can trace its history back almost 2000 years. -BBC
WALANG PAGTALIKOD kaya't WALANG LILITAW na ibang IGLESIA! Kung mayroon mang MAGSISIBANGON ngayon na iglesia at TATAWAGING mga IGLESIA NI CRISTO rin, ang mga ito ay HUWAD o PEKE! (PASUGO Mayo 1968, p. 7)

[BASAHINIglesia ni Cristo Symbol, nasa Biblia ba ang kahulugan ng kanilang bandila?]



Saturday, June 29, 2019

NATALIKOD NGA BA ANG UNANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO?

(Originally posted at Iglesia ni Cristo 33AD blog)

Kahabag-habag ang mga umanib sa mga nagsisulputang mga relihiyon na pinamumunuan ng mga bulaang propeta at mga mandarayang mangangaral ngayon sapagkat lahat sila ay umaangkin na sila raw ang totoo at nasa kanila ang kabuuan ng katotohana. Isa na riyan ang Iglesia Ni Cristo®.

Ang isang malaking tanong ay kung PAANO naging sila ang TUNAY kung KAILAN LAMANG SILA ITINATAG?

Hindi maikaila ninuman ang pangunahing katotohanang ito, maging ang mga nasa media na ang Iglesia Ni Cristo® ay tatag ni Ginoong Felix Ysagun Manalo at hindi ni Cristo. Ayon sa kanilang sariling opisyal na limbag na magasing PASUGO, ang INC™ raw ay itinatag ni Ginoong Manalo noong 1914.
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK." -PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
Hindi naman nakagugulat ang mga sinabi nila sa Pasugo sapagkat ito rin naman ay sinasaad din sa kanilang REHISTRASYON sa Securities and Exchange Commission.

Samakatuwid, ang Iglesia Ni Cristo® ay TATAG NG TAO at HINDI NG DIYOS! Ang INC™ ay pagmamay-ari ni Manalo at HINDI ni Cristo!


NATALIKOD NGA BA ANG UNA AT TUNAY NA IGLESIA?

Matalino rin nga naman ang nakapag-isip ng doktrinang "NATALIKOD NA GANAP ANG UNANG IGLESIA" ~ ang IGLESIA KATOLIKA ~ kaya't kinakailangan raw ng mga huling sugo, huling anghel, huling propeta, huling mensahero atb. upang ITATAG MULI ang Iglesia ni Cristo na natalikod.

Ang DOKTRINA ng PAGTALIKOD NG UNANG IGLESIA ay HINDI ekslusibo sa INC™ at lalong hindi po sila ang orihinal. Ito ay noon pang umusbong ang PROTESTANTISMO (1517) ~ ang THE GREAT APOSTASY ngayo'y PINANGANGARAL sa iba't ibang sekta sa Iglesia Protestante.

Si Luther at Calvin ang mga sinaunang TUMALIKOD sa Iglesiang tatag ni Cristo at di kalauna'y nasimulang magturo na ang IGLESIA KATOLIKA bilang UNANG IGLESIA ay siyang tinutukoy (raw) sa Biblia na tatalikod (1689 London Baptist Confession-Chapter 26).


Sa mga katulad nilang naniniwala sa GREAT APOSTASY ay ang mga ANABABTISTS, ang mga MORMONS (The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints), mga SABADISTA (Adventists), mga SAKSI (Saksi ni Jehova), mga CHRISTADELPHIANS, maging ang lokal na tatag sa Pilipinas na mga IGLESIA (Iglesia Ni Cristo) at marami pang bagong sulpot. Lahat sila ay tinatawag na mga RESTORATIONISTS!


Oo nga naman. Papaano naman magiging tunay ang mga nagsisulputang mga sekta ngayon kasama ang lokal na tatag ni G. Manalo ~ ang INC™ ~ kung hindi  nila palalabasin na tumalikod ang Unang Iglesia? Kinakailangan o DAPAT  nga lang naman na matalikod na ganap ang Unang Iglesia upang sa PANLABAS man lang ay sila ang tunay at ang TUNAY ang peke. 

Kung susundin natin ang LOGIC na kanilang argumento, lalabas na SINUNGALING SI CRISTO at Siya ay isang MANDARAYAG ANAK NG DIYOS.  Ganito kasi ang PANGAKO NI CRISTO sa Mateo 16:18 UKOL SA KANYANG TATAG NA IGLESIA:
"Ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA, at DI MANANAIG SA KANYA ANG MGA PINTUAN NG IMPIYERNO." 
Maging sa saling Biblia ng mga Saksi ni Jehova, ang The New World Translation of the Bible Tagalog, ay ganito ang mababasa natin sa parehong bersikulo ng Biblia (Mt. 16:18)
"Sinasabi ko sa iyo, Ikaw ay si Pedro, at sa ibabaw ng batong-bundok na ito ay ITATAYO KO ang aking kongregasyon, at ANG MGA PINTUAN NG HADES AY HINDI MANANAIG DITO." 
ISANG  PANGAKONG HINDI MANANAIG ANG KAPANGYARIHAN NI SATANAS ~ NI ANG PAGTALIKOD NITO AY HINDI POSIBLE~ sapagkat ito ay ISANG PANGAKO NI CRISTO na makaraan lamang ang 1,517 taon ay MAGLALAHO na lamang.  At sinundan pa ng isa pang pandaraya noong 1914.

At dahil alam naman nating mga tunay na taga-sunod ni Cristo na SI CRISTO AY HINDI SINUNGALING, HINDI SIYA MANDARAYA at HINDI MANLILINLANG, Siya ANG DAAN, KATOTOHANAN, AT ANG BUHAY (Juan 14:6), lalong lumalabas na ang mga PROTESTANTENG ITO kasama ang INC™ ay mga SINUNGALING, MANDARAYA at mga MANLILINLANG!

Pinalalagay nilang sinungaling ang ating Panginoong Hesus upang ang kanilang mga tatag na Iglesia kahit sa panlabas lamang ang siyang pinalalabas na tunay ~ ngunit MANANATILI SILANG MGA HUWAD at PEKE.


Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." -PASUGO Mayo 1968, p. 7
Mismong ang Pasugo na rin ang sumagot sa KATOTOHANAN UKOL SA NAG-IISA AT TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ~ ang IGLESIA KATOLIKA. Kaya't lahat sila, mula noong 1517 hanggang sa kasalukuyan na UMAANGKIN na sila ang tunay ay mga HUWAD LAMANG sapagkat sila'y mga BAGONG SULPOT lamang!

Baka naman sasabihin ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® na hindi totoong ang Iglesia Katolika ang tinutukoy na Una at Tunay na Iglesiang tatag ni Cristo KUNDI SILANG MGA BAGONG SULPOT, tanging ang kanilang opisyal na magasing Pasugo ang ating pasasagutin (Ang kabuuan ay nababasa rito sa Ang Katotohanan Tungkol sa INK -1914):
PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 2:
“Sino ang sinugo ng Dios upang maitatag ang Iglesia sa Pilipinas? Sa Isaias 46:11, ay ganito ang sabi: 'na tumatawag ng ibong mandaragit mula sa silanganan ang taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain" (Si Felix Manalo).

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5:
"Ayon sa kumakaaway sa INK sinasabi raw ng Rehistro na si Felix Manalo ang nagtatag ng INK."

PASUGO Mayo 1967, 9.14:
“Sa panahong ito ng mga wakas na Lupa na nagsimula sa unang Digmaang Pandaigdig ay tatawag ang Dios ng kanyang huling sugo upang itatag ang kanyang Organisasyon. Kung gayon ang INK na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay siyang Organisasyong Pinangunahan o Pinamahalaan ni Felix Manalo."

PASUGO Hulyo 1955, nasa panakip:
“Iyon ang Iglesia ni Cristo na dapat pasukan ng lahat ng tao; at ang tanging sugo'y si kapatid na Felix Manalo."

PASUGO Hulyo 1952, p. 4:
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."

PASUGO Enero 1964, p. 6:
“Sino ang tunay na nagtayo ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914? Hindi ang kapatid na si Manalo kundi ang Dios at si Cristo."

PASUGO Mayo 1964, p. 15:
“Tinatanggap halos ng lahat na sa Dios at kay Cristo ang INK na itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Datapuwat ang INK sa huling araw na ito na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay hindi nila kinikilalang sa Dios at kay Cristo. Ito ay nagpapanggap lamang na INK ngunit ang totoo raw ay Iglesia ni Manalo. Walang katotohanan ang kanilang palagay na ito sapagkat walang Iglesiang kanya si Kapatid na Manalo."

Tanong: Totoo ba o hindi na si Felix Manalo ang siyang nagtatag ng INC -1914?
Sagot: PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Tanong: Sino ang may-ari ng Iglesiang itinatag ni Ginoong Felix Manalo?
Sagot: PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."

Lalong lumilitaw na si Felix Manalo ang nagtatag at may-ari nitong tinagurian nilang INK na nairehistro sa Pilipinas noong Huly 27, 1914 at hindi sa Dios at kay Cristo kundi nagpapanggap lamang, baka sakali'y makalusot!

Tanong: Mayroon bang karapatan na magtayo ng Iglesia ang isang tao, na katulad ni Felix Manalong tao?
Sagot: PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

Tanong: Ilan ba ang Iglesiang itinayo ni Cristo, at saang dako ng daigdig niya itinayo?
Sagot: PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

At bilang KABUUAN ng ating talakayan, DITO PINAPATUNAYAN ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na  ang TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO AY UMIIRAL PA (1966) at HINDI PA NATATALIKOD NA GANAP ang UNA AT TUNAY NA IGLESIA sa kanilang lathala sa kanilang opisyal na magasin:

PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."


NOTA: Dapat pansinin natin ang katugon na petsa nitong banggit na "kasalukuyan." Ang petsa nito ay noong Abril 1966, sapagkat noon nga napalathala ang sinasabi nilang ito. Kung gayon, maliwanag na hindi pa nawala ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Bakit? Sapagkat pinapasukan pa rin ni Satanas ng kanyang mga maling aral. Malinaw po ba?

Sunday, January 6, 2019

INC™ "My church" ayon kay G. Felix Manalo?

Originally posted at Iglesia ni Cristo 2000 blog

Hindi mahirap unawain ang lohika ng mga bayarang ministo ng INC™. Kung bakit "Iglesia Ni Cristo" raw ang pangalang inirehistro ni Ginoong Felix Manalo sa kanyang iglesia ay sapagkat ito (raw) ang binigkas ni Jesus sa Mateo 16:16-18 na "My church". 
Source: INC Media News
Kaya't kung susundin din natin ang parehong lohika, ang INC™ ay hindi dapat na ipangalan kay Cristo sapagkat hindi naman naparito sa Pilipinas si Cristo para irehistro ito. Dapat lamang na tawaging "Iglesia Ni Manalo" sapagkat hindi maikaila ninuman na si Ginoong Felix Manalo ang nagtatag nito noong 1914 sa Sitio Punta, Santa Ana, Lungsod ng Maynila (Pilipinas) ayon na rin sa kanilang PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5, "Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK." At dahil mismong si G. Felix Manalo ang umangkin ng "my church" sa INC™ kaya't lalong lumilitaw na dapat lamang na ipangalan sa nagtatag ang INC™ ~ ang Iglesia Ni Manalo!

PASUGO Mayo 1952, p. 4

“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."



Sunday, December 2, 2018

Iglesia Ni Cristo® ~ "My Church" ayon kay G. Felix Manalo

Originally posted at Iglesia ni Cristo 33AD blog

Madalas na ipinagmamalaki ng mga kaanib ng samahan ni Felix Manalo sa larangan ng palitan ng kuru-kuro sa social media, maging sa kanilang mga programa sa telebisyon o radiyo, maging sa kanilang limbag na Pasugo, na ang "Iglesia Ni Cristo®" o INC™ raw ay hango sa pag-aangkin mismo ni Cristo sa Mateo 16:18 ng "AKING" iglesia o "MY" church. Kaya't nararapat lamang daw itong tawaging "Iglesia Ni Cristo®" tulad ng paliwanag ng isang INC™ sa ibaba:




JESUS CHRIST said so (Mt. 16:18)
"And so I say to you, you are Peter [not Felix Manalo], and upon this rock  I [not Felix Manalo] will build my [not Manalo] church, and the gates of the netherworld shall not prevail against it."[Christ's original Church will not be re-established!!! Hell shall NOT prevail! It's CHRIST'S CHURCH!]
Wala tayong dapat na pagtatalo-talo rito sapagkat sa kasaysayan ng ating kaligtasan, may IISANG IGLESIANG kilala sa buong mundo bilang TATAG ni Cristo.

Ang pagpapakilala ni Cristo ng "AKING IGLESIA" sa Mateo 16:18 ay hindi po nangangailangan ng PAGPAPAREHISTRO sa anumang gobyerno noon o hanggang sa kasalukuyan sapagkat WALANG IBANG IGLESIANG KILALA na itinatag si CRISTO kundi ang IGLESIA KATOLIKA  (Gk: καθολική Εκκλησία) noon hanggang ngayon.

Ayon sa Wikipedia, ang Iglesia Katolika ay ang PINAKAMATANDA sa kasaysayan...

The Catholic Church, also known as the Roman Catholic Church, is the largest Christian church, with approximately 1.3 billion baptised Catholics worldwide as of 2016. As the world's "oldest continuously functioning international institution", it has played a prominent role in the history and development of Western civilisation. The church is headed by the Bishop of Rome, known as the Pope. Its central administration, the Holy See, is in the Vatican City, an enclave within Rome, Italy.
Ayon naman sa BRITANNICA ENCYCLOPEDIA, ang Iglesia Katolika raw ay katumbas ng pagkakakilala sa buong ka-Kristianuhan sa buong kasaysayan nito:

At one level, of course, the interpretation of Roman Catholicism is closely related to the interpretation of Christianity as such. By its own reading of history, Roman Catholicism originated with the very beginnings of Christianity.

Paano tayo nakakasigurado na ang IGLESIA KATOLIKA nga ay siya pa ring TUNAY NA IGLESIANG tatag ni Cristo at magpahanggang ngayon sa kasalukuyan ay HINDI ito NATALIKOD tulad ng BINTANG ng mga Mormons (The Church of Jesus Christ of the Latter-day Saints) at ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo® - 1914?

Sa pamamagitan ng mga turo nitong HINDI nagbabago sa libong taon na itinuro ng mga Apostol sa pangunguna ni Apostol SAN PEDRO na siyang UNANG PAPA ng Iglesia. Sa nakaraang mahigit-kumulang na 2,018 taon ng Kristianismo, si PAPA FRANCISCO ay ang ika-266 Papa ng Iglesia Katolika ~ ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo!


Source: Britannica Encyclopedia
"MY CHURCH": ANG PAG-AANGKIN NI FELIX MANALO SA IGLESIA NI CRISTO®

Wala na tayong pagtatalo-talo pa sapagkat ayon sa PAMANTAYAN ng mga kaanib sa INC™ na kapag SINABI ni Cristo na "AKING IGLESIA" o "MY CHURCH" para mapatunayang may Iglesia si Cristo mula pa noong una (at hindi ito matatalikod kailanman ayon sa Kanyang ipinangako "hindi mananaig ang impierno (Mt. 16:17)" ito rin ang gagamitin nating PAMANTAYAN sa Iglesia Ni Cristo®-1914.

Sa lathala ng The Free Press noong  Pebrero 1950, INANGKIN ni G. Felix Manalo ang INC™ o IGLESIA NI CRISTO® bilang "MY CHURCH" o "AKING IGLESIA"

Samakatuwid, ang Iglesia Ni Cristo® ayon sa REHISTRO nito ay nilagdaan ni G. Felix Manalo bilang TAGAPAGTATAG gamit ang pangalang "Cristo" ngunit sa katunayan ay IGLESIA NI MANALO.

FELIX MANALO said:
Add caption

"Why, who is Quirino? He is a man just the same as I am. I am not afraid of him. Show fear to no man--that is the best way to defend your rights. Member of MY CHURCH were beaten up..." [Confirmation came right from the mouse of the horse! It's MANALO's CHURCH!]

PASUGO November 1940, p. 23:
“There is only one who could build a Church worthy for God.  Who is He-- Only Jesus Christ.  No man-- whether wise or fool, whether small or great-- has the right to build a Church." [FYM is a man, fool, made himself great has no right!]

PASUGO August-September 1964, p. 5, "Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914"
“When was the INK recorded or registered in the Philippines?  It was in July 27, 1914.  Truly the registration says Brother F. Manalo founded the INK."

PASUGO May 1968, p. 7:
“The true Church of Christ is only one.  This is the Church that Christ built.  If there are established (founded) churches today that claim to be the Church of Christ too, these are not real but fakes only." 

READ MORE: MY CHURCH

Sa pamamagitan ng kanilang lathala ay lalong lumilinaw na ang Iglesia Ni Cristo®-1914 ay HINDI  kay Cristo kundi sa mga MANALO lamang. Ito ay HINDI NAGMULA sa Diyos kundi nagmula sa mga Protestante! Hindi sila tunay na Kristiano kundi mga kulto! Hindi maka-Diyos kundi makasanlibutan!

Hanggang sa kasalukuyan, ang mga mamamahayag ay NAGPAPAKILALA pa rin sa INC™ bilang TATAG ni G. FELIX MANALO at hindi si Cristo! Sapagkat ito ay isang KATOTOHANANG hindi mapapalitan ninuman sa mga pahina ng kasaysayan ng tao!

GISING! Habang may panahon pa kayong magtika at bumalik sa tunay na Iglesia ni Cristo. Ito ang panawagan natin sa mga nasa ka-Diliman pa hanggang ngayon na lumapit na sa kaliwanagan ng tunay na Iglesia. 

Sa pahanon ng Adbiento (Advent), ihanda natin ang ating mga sarili sa pagdiriwang ng Kanyang kapanganakan upang sa Kanyang kaluwalhatian ay tayo'y dalisay na makikibahagi rito.

MALIGAYANG PAGDIRIWANG NG UNANG LINGGO NG ADBIENTO!

My Blog List

My Calendar