Photo source: ReadMeINC |
Maraming salamat naman po at nakapulot na naman po tayo ng isang mahalagang komento mula sa mga kaanib ng INC ni Manalo dito sa post nating An Iglesia ni Cristo member quoting protestant ant....
Sa kabila ng kanilang pilit na PAGTATAGO ng kanilang OPISYAL na ARAL sa aklat man o sa Internet, ay kusang LUMALABAS mula sa mga kaanib nito kung anong PANG-KAUNAWA nila sa kanilang mga aral.
Nakakalungkot na isipin na ang halos mga bumabatikos sa aral-Katoliko ay mga dating Katoliko na walang alam sa pananampalataya. Their failure is our failure too as a Church. Kaya't sa pamamagitan ng blog na ito, umaasa tayong maibahagi sa kanila ang KATOTOHANANG pilit na IKINUKUBLI sa kanila ng kanilang mga bayarang ministro at umaasa tayong sa tulong ng Banal na Espiritu Santo na liwanagan ang kanilang pang-unawa at mabuksan ang kanilang kamangmangan at bumalik sa KAWAN ni CRISTO HESUS-- ang kaniyang TUNAY NA IGLESIA!
Sa isang paksa, natalakay ko ang pag-atake ng isang kaanib na SUMASAMBA SA REBULTO at ngayo'y LUMIPAT sa INC ni MANALO.
anyway, basahin po natin ang bagong komentong ito:
ire has left a new comment on your post "An Iglesia ni Cristo member quoting protestant ant...": naku may away ata dito! haha mga INC members jan, mga kapatid huwag po tayo padala sa mga naninira.. talagang ganito lang sa mundo.. manalig lng po sa inyong pananampalataya gaya ng pananalig ng mga katoliko sa kanila.. huwag po nating ipilit na intindihin tayo ng nasa labas, kapag naibahagi na natin sa kanila ang ating pananampalataya, tanggapin man nila o hindi, wala na tayong paki-alam doon.. i understand po kung bakit ganito ang laman ng blog na ito... kaso nga lang kung i defend nio po ang inyong relihiyon, eh wag na po ninyong lagyan pa ng sarili ninyong opinion.. gaya ng pagsasabi ng Iglesia ni MANALO, Iglesia po kami ni Cristo at kailanman ay hindi namin itutulad si ka Felix kay Cristo, at si ka Felix ay hindi founder ng INC.. pero bahala na kau.. sanay na kami sa mga naninira.. gaya ng pagbato ng mga Katoliko sa mga kapatid pagkatapos ng pagsamba doon sa aming lugar noon.. . daming nasaktan at nagkabukol.. harsh talaga (buti na nga lang ngayon pa blog2x na sa pag defend ng faith).. well., magkaalaman nalng po sa araw ng Paghuhukom.. ^_^ |
“Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios." -PASUGO Hulyo 1965, p. 12
Wala pong away dito. Paliwanagan lamang po. Ito po'y isang paraan ng pagtatalakay sa mga katotohanang pilit BINABALUKTOT ng mga ministro ng INC ni Manalo.
Maraming salamat sa mahinahong pagpapaliwanag ng inyong opinyon ngunit kapansin-pansin po ang mga LIHIS sa KATOTOHANAN binitiwan niyong mga pangungusap at maaaring MAKATISOD sa mga "tupang maliit ang pananampalataya."
Ang sabi niyo:
"i understand po kung bakit ganito ang laman ng blog na ito...
Ano po ba ang inyong "naunawaan" sa blog na ito? Sa palagay ko, WALA po kayong "naunawaan" sa kabila ng pagpapaliwanag ko ng katotohanan sapagkat ayaw niyong unawain ang mga katotohanang lantad na lantad.
Ang sabi niyo:
"kaso nga lang kung i defend nio po ang inyong relihiyon, eh wag na po ninyong lagyan pa ng sarili ninyong opinion.. gaya ng pagsasabi ng Iglesia ni MANALO,..."
Hindi ko po opinyon ang pagsabing "IGLESIA NI MANALO" ang INC. Ito'y OPISYAL na sinabi ng inyong mga MINISTRONG MANUNULAT sa PASUGO.
Ang sabi ng inyong OPISYAL na PASUGO Mayo 1968, pahina 7, IISA LAMANG daw ang Iglesiang kay Cristo. Ito'y ang IGLESIANG ITINATAG ni CRISTO. Maliban dito, ang lahat ay HUWAD na!
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Ang sabi pa ng inyong OPISYAL na PASUGO Nobyembre 1940, pahina 23, si CRISTO LAMANG ang TANGING makapagtayo ng Iglesia. Maliban sa kaniya (HESUS) wala nang ibang may karapatan!
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."
Sapagkat ang sabi ng inyong OPISYAL na magasing PASUGO Mayo 1952, pahina 4, kung SINO ang NAGTATAG SIYA RIN daw DAPAT ang may-ari ng ITINATAG at kanya rin galing ang mga aral...
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
At kung si CRISTO ang nagtatag ng UNANG IGLESIA, dapat lang na sa kanya ito! Maging ito man ay tawaging IGLESIA, o IGLESIA ng DIOS, o IGLESIA ni CRISTO, o IGLESIA ni HESUS, o IGLESIA ng PANGINOON-- IISANG IGLESIA ito! Wala ng iba pa!
Patunay na ang INC ay "Iglesia ni Manalo" ay hango sa OPISYAL na magasing PASUGO Agosto-Setyembre 1964, pahina 5 tungkol sa Iglesia raw ni Cristo na itinatag lamang noong 1914?
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Ang sabi niyo:
Iglesia po kami ni Cristo at kailanman ay hindi namin itutulad si ka Felix kay Cristo, at si ka Felix ay hindi founder ng INC..
Opo! Si F. Manalo raw po ang NAGTATAG ng INK sa Pilipinas noong 1914.
Ito rin po ang sinasabi ng kanilang rehistro sa SEC.
Ito rin po ang sinasabi ng KASAYSAYAN!
Ito rin po ang buong tapang na sinasabi ng mga MAMAMAHAYAG!
Si "Kapatid na F. Manalo" raw po ang nagtatag.
Sa makatuwid, IGLESI ni MANALO nga ang Iglesia ni Cristo (Registered Trademark) sa Pilipinas!
Ang sabi niyo:
"...kailanman ay hindi namin itutulad si ka Felix kay Cristo"
MALI!
Ang sabi po ng inyong OPISYAL na magasing PASUGO Hulyo 1965, pahina 12 ay ganito:
“Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios."
Ano raw?
PAREHONG-PAREHO raw si CRISTO sa diwa ni MANALO!
Heto pa ang sinabi ng inyong OPISYAL na magasing PASUGO Mayo 1961, pahina 22, ang Juan 10:16, ang PASTOL ay HINDI si CRISTO kundi si MANALO NA!
“Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5).
“Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."
Pero sa ibang aklat nilang pinamagatang "SULO" pahina 58, REKLAMO silang "ginagamit raw ng Iglesia Katolika ang Juan 10:16 para sa Papa samantalang si CRISTO raw ang tanging PASTOL sa Juan 10:16.
“Itinuturo din ng Iglesia Katolika na ang Papa ang siyang "Kataas-taasang Pastor". (Question Box 169). Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: "Ako ang tanging Pastor" (Juan 10:16).”
Heto pa ang NINAKAW ni FELIX MANALO kay CRISTO ayon sa inyong OPISYAL na magasing PASUGO Disyembre 1956, pahina 17: (patula)
“ANG KAPANGANAKAN NG SINUGO
At sa huling kaarawang nalalapit na ngang ganap;
Ang dakilang paghuhukom ng Dios sa taong lahat;
Sa pagibig ni Bathalang ang tao ay maligtas;
Sa hula ay pinabangon ang Sugo sa Pilipinas;
Siya ay si Kapatid Felix Manalo ang tawag;
Si Elias na paririto bago dumating ang wakas."
Hindi ba't si CRISTO ang HINULAANG SANGGOL sa Isaias at HINDI si MANALO? Basahin ang Juan 4:9,16 at Gawa 4:12!
At heto ang NAKAKAKILABOT na PAG-ANGKIN ni MANALO sa kabanalan ni CRISTO na nailathala sa kanilang OPISYAL na magasing PASUGO Mayo 1964, pahina 1 ay INIHANDOG daw ng DIOS kay MANALO ang kaniyang SARILI para DUMIYOS sa kanya (FYM)???:
“Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo."
Sabi niyo:
"pero bahala na kau.. sanay na kami sa mga naninira.. gaya ng pagbato ng mga Katoliko sa mga kapatid pagkatapos ng pagsamba doon sa aming lugar noon.. .
daming nasaktan at nagkabukol.. harsh talaga (buti na nga lang ngayon pa blog2x na sa pag defend ng faith)..
well., magkaalaman nalng po sa araw ng Paghuhukom.."
Madali ang MAGPARATANG pero mahirap patunayan.
May BALITA po bang nai-report ng media tungkol dito?
Nagkaroon ba ng POLICE INVESTIGATION kung sino nga ba talaga ang mga "nambato" di umano sa inyo "pagkatapos ng pagsamba" doon sa inyong lugar (kung saan man iyon sa lupalop ng Pilipinas)?
Sa kabila ng "pambabato" di umano sa inyo ng mga "katoliko" sa "inyong lugar" may ginawa po ba kayong HAKBANG upang mabigyan ng HUSTISYA ang "pambabato" di umano sa inyo ng mga "katoliko" matapos kayong "magsamba" sa inyong lugar?
Kung TUMAHIMIK lang kayo, aba'y HUWAG niyo na pong ISISI sa aming lahat ng 1.6 BILYONG Katoliko sa buong mundo ang inyong kawalang-aksiyon sa mga pangyayari!!!
Kasalanan niyo na iyon!Sisihin niyo ang sarili niyo dahil hinayaan niyong manaig ang masamang gawa!
Dahil kahit kailan HINDI po namin kinokonsinti ang mga GAWAING KADILIMAN!
Kahit ang PANGGAHASA ng inyong SUGO ay nadiyaryo po ito at NAPATUNAYANG ng korte na NAGMALABIS nga si F. MANALO sa kaniyang tungkulin bilang "ANGHEL" o "HULING SUGO" raw.
Ayon sa KORTE:
"... the Prosecution admits that there is reason to believe that the offended party, Manalo, did commit immoral acts with some women members of the Iglesia." "And the Solicitor concludes that he found out through proofs presented that Manalo is a man "un hombre de baja moral" (man of low moral) and that he took advantage of his position in the Iglesia to attack and sully the virtue of some of his female followers."(Case No.8180, April 21, 1942) and REPORTED by OFFICIAL GAZETTE in Vol. I, No. 1, July 1954, p. 394. The decision were made by HONTIVEROS, BRIONES and TORRES.
Kitam!
At ayon pa rin sa OPISYAL na magasing PASUGO Abril 1966, pahina 46 na ang IGLESIA KATOLIKA nga ang siyang TUNAY na iglesiang kay CRISTO!
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
Opinyon po ba ang tawag dito?
(Note: ang lahat ng mga PASUGO quotes ay hango sa aklat ni G.Pinzon na pinamagatang "Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914). Ang INK ay "Iglesia ni Kristo" at pinalitan po nila ngayon ng INC o "Iglesia ni Cristo".)
tama na pong paninira sa Iglesia Ni Cristo
ReplyDeletehindi po nten makakamit ang kapayapaan kng ptuloy tayong mag-aaway tungkol s kinaaaniban nting relihiyon ..
irespeto po nten ang pananampalataya at opinyon ng bawat isa anu man ang pinagmulang relihiyon
tama nang siraan ...
ni-repost ko bro. ang article na ito.
Delete---------------
maganda ang mga tinuran ni mae20. maganda nga sana kung merong respeto.
kaya po ngayon ay sumasagot ang mga Katoliko ay dahil sa kawalang respeto ng INC na dinadala sa mga araw ng pagsamba, pagdu-doktrina, sa mga artikulo sa kanilang magazine na Pasugo, radyo at telebisyon.
sana nga ay "irespeto po nten ang pananampalataya at opinyon ng bawat isa anu man ang pinagmulang relihiyon".
Salamat po kapatid na ncv, jr. God bless.
DeletePurihin ang Dios na buhay at ipagtanggol ang kanyang TUNAY na TATAG na IGLESIA.
Hindi po natin sinisiraan ang Iglesia ni Manalo. Manapa'y ating nililinaw at itinatama ang mga PAGMAMALI nila sa pananampalatayang KRISTIANO. Hindi sagot ang pananahimik natin. Habang inaatake nila ang Katolismo sa kanilang TV programs, radio and magasin tayo naman ay nasa DEPENSA sapagkat alam natin na TAYO'y nasa TAMANG LANDAS.
ReplyDeleteAng mga nananahimik sa kabila ng paninira kay Cristo ay hindi katanggap tanggap at dapat itong ilabas at itama.. kung may natatamaan at nasasaktan ay sapagkat dapat lang talaga silang ituwid kahit ito'y makakasakit... Ang Dios lagi ang papuri.
halatang halata po na hindi po sapat ang inyong kaalaman tungkol sa totoong aral ng diyos. mali mali po ang inyong pagkaka intindi sa aming pananampalataya. alam po ng lahat ng INC members na ang ibig sabihin ng INC ay IGLESiA NI CRISTO at hindi INF iglesia ni Felix. makabubuti po sa inyo na mag basa ng bibliya upang maunawaan niyo po kung ano ang totoong aral ng diyos. ang mga ginagawa niyo pong paninira at kasinungalingan laban sa IGLESIA NI CRISTO ay hindi po kalulugdan ng diyos. inaanyayahan ko po kayong dumalo ng doktrina kung mayroon po na malapit sa inyong lugar. Kung ipipilit niyo po ang inyo lamang po na nauunawaan tungkol sa INC hindi ko po kayo pipilitin, malalaman po ng lahat ng nilalang kung ano ang tamang relihiyon sa pag dating ng araw ng paghuhukom.
ReplyDeleteAnonymous na kaanib ng INC ni Manalo: Tanging payo ko lamang ay huwag bulag sa katotohanan. Suriin ang bawat pananalitang ginagamit ng inyong mga bayaring mga manggagawa para malaman ang katotohanan.
DeleteHindi porke't gumamit ng Biblia eh tama na siya. Marami sa inyong mga bulaang mga manggagawa ang BINABABOY ang Banal na Kasulatan.
Kuha ng verse dito at kinakabit sa ibang aklat para makabuo ng saknong.
O kaya'y PINUPUTOL ang mga verses para makadaya tulad dito sa post ko na Iglesia ni Cristo LIES and DECEIT Part 2.
Napakalinaw ang PANDARAYA ng INC ni Manalo.
Kaya huwag mo kaming pangaralan dahil AMIN ang BIBLIA, sa AMIN galiing ang BIBLIA. Sa AMIN galing ang paglalagay ng CHAPTERS and VERSES nito.
WALA kayong CONTRIBUTION sa Biblia! At bagamat galit kayo sa mga Katoliko at Protestante pero LAHAT ng inyong BIBLE VERSES ay AMIN, kahit ang protestante ay IGINAGALANG ang katotohanang KUNG WALANG IGLESIA KATOLIA ay WALANG BIBLIA!
Kayo lang ang ENGRATA!
Balikan niyo ang kasaysayan baka sakaling bumalik pa ang inyong bait...
ang Diyos po ng INC ay ang Diyos na espiritu at hindi tao ang Diyos po ay walang pinagmulan at walang katapusan. hindi po si Cristo at hindi rin po si kapatid na Felix manalo. Si Cristo po ay hindi po namin tinuturing na Diyos dahil siya ay tao at ang Diyos ay espiritu. Kailan man hindi naging Diyos ang tao na may laman at buto. mababasa niyo po sa bibliya na ang Diyos ay hindi tao. Ang diyos po namin ay Iisa at walang katulad. nasusulat din po sa bibliya na ang diyos ay Iisa. Kayo po ano po ang inyong Diyos?
ReplyDeleteHeto ISUPALPAL ko sa iyo ang sabi ng Biblia:
DeleteFILIPOS 2:5-8
... though he (JESUS CHRIST) was in the form of God"
Opo, si CRISTO ay nasa ANYONG DIOS sabi ng FILIPOS.
Filipos 2:7 ang sabi:
Si Cristo ay DIOS na dumating sa anyong-tao at ang DIOS na ito ay nakikita sa anyong TAO.
Ano naman ang TINGIN ng mga HUDYO kay CRISTO?
“We are not stoning you for a good work but for blasphemy. You, a man, are making yourself God.” - JOHN 10:33
Kitam?
Inaakusahan nila si Cristo ng paratang pero para kay Cristo ay TOTOO ang kanilang paratang! Si Cristo ay isang RIGHTEOUS man, kung mali man ang paratang sa kanya eh di sana ITINAMA niya ito.
Heto naman ang TUNGKOL KAY FELIX MANALO:
"Many deceivers have gone out into the world, those who do not acknowledge Jesus Christ as coming in the flesh; such is the deceitful one and the antichrist." -2 John 1:7
Opo!
Si FELIX MANALO na nagtatatwa kay CRISTO na DIOS coming in the flesh ay isang SINUNGALING na MANDARAYA at ANTI-CRISTO!!!
Isaksak mo yan sa makapal mong bungo!