Source: Abante
Out ang Katoliko sa gobyerno ko! -- Du30
Tahasang sinabi ni Davao City Mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte na sakaling manalo siya sa pagka-pangulo ngayong eleksyon ay walang magiging role o gagampanang papel ang Simbahang Katoliko sa ilalim ng kanyang administrasyon.
“No more. Why should I acknowledge them? They say I should not be elected. I will not die if the Catholics will not vote for me,” sabi pa ni Duterte.
Gayunman, sinusuportahan niya ang family planning, moderno man o ‘yung natural methods at binigyang-diin pa na ang ideal number of children per family ay dalawa hanggang tatlo upang mas mapalaki nang mabuti.
Samantala, minaliit lamang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagyayabang ni Duterte na hindi nito kailangan ang boto ng mga Katoliko sa buong bansa.
Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, kung hindi kailangan ni Duterte ang boto ng may 81 porsiyentong registered voters na Katoliko ay bahala na itong maniwala sa kanyang sarili.
“Kung hindi niya kailangan ang boto ng mga Katoliko ay bahala siya basta sa kasalukuyan ay nasa 81 porsiyento lang naman ang mga botante na pawang tagasunod ng Simbahang Katoliko,” sa panayam ng Abante kay Arguelles.
Ani Arguelles, kahit nakuha ni Duterte ang basbas ng Iglesia ni Cristo (INC) ay hindi ito nakakasiguro na mapupuwersa ng pamunuan nito na sumunod ang mga miyembro nito.
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.