ITO ang TUNAY na IGLESIA ni CRISTO 33AD
From ReadMeINC blog |
Totoo bang NATALIKOD na GANAP ang IGLESIA? O ang TAO ang tumalikod sa Iglesia?
Heto ang sabi ng nagtatagong Ministro ng INC ni Manalo:
Thank God, an anti-INC blogger called Catholicdefender2000 is accepting the truth that Christ's church is called "Iglesia ni Cristo"! We are glad that for the sake of the truth, you are going against the Catholic Church's doctrines, Im proud of you!
He even call his church as "Iglesia ni Cristo" (Note: Not a descriptive title because it starts in capital letters) instead of "One Holy Catholic Apostolic Roman Church" as what their doctrine states to be the true church of Christ.
At first, he believe that the church that Christ built is the Catholic Church:
Hindi lamang po ako naniniwala na ang TUNAY na IGLESIA ni CRISTO ay ang IGLESIA KATOLIKA kundi mismong OPISYAL po itong sinasang-ayunan ng INC ni Manalo sa kanilang PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
Mula pa sa PASIMULA ang IGLESIA KATOLIKA raw ay ang siyang TUNAY na IGLESIA ni CRISTO.
Pinatutunayan din po ng kanilang pamunuan na HINDI nga po NATALIKOD ang IGLESIANG ito na TATAG ni CRISTO, bagkos ito ay BUHAY na BUHAY hanggang sa kasalukuyan.
PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."
Ang UNANG IGLESIA po ay ang IGLESIA KATOLIKA at sila po ay "binigyan" ng "walang hanggang buhay" at "kailanma'y hindi sila malilipol..."
Iyan po ang pagpapatunay ng kanilang PASUGO. Opisyal po iyan!
At hindi lang po buhay na buhay ang IGLESIA KATOLIKA na siyang TUNAY na IGLESIA ni CRISTO noong una sapagkat SINASABIHAN pa nila ang kanilang mga kaanib sa INC ni Manalo na DAPAT daw na ITO RIN ANG KANILANG GAWIN.
PASUGO Hunyo 1940, p. 27:
"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
Bilang katunayan na HINDI nga NATALIKOD ang IGLESIANG ORIG kay CRISTO, heto ang sabi ng PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Ano raw?
Sa totoo, "HANGGANG SA KASALUKUYAN..."daw ay patuloy pang pinapasukan ni Satanas ng maling aral daw.... Samakatuwid buhay pa!
At bago MAGSAYA itong si README na "TINANGGAP" ko raw ang "IGLESIA NI CRISTO" bilang Iglesiang kay Cristo, napansin niyo ba ang sabi ng kanilang PASUGO?
"Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo.
Sa makatuwid, TANGGAP na TANGGAP nga nila na ang IGLESIA KATOLIKA nga ay ang IGLESIANG TATAG mismo ni CRISTO.
Heto nga't NAHULI na natin sila sa katotohanang ang IGLESIA KATOLIKA ay siyang TUNAY na IGLESIA ni CRISTO, ating hahanguhin ngayon sa BIBLIA kung ano ang IPINANGAKO ni CRISTO sa kanyang ITINATAG na IGLESIA!
Aalamin nga natin kung SINABI ba ni CRISTO na MATATALIKOD ang IGLESIANG kanyang ITINATAG?
And so I say to you, you are Peter, and upon this rock I will build my church,* and the gates of the netherworld shall not prevail against it.
HINDI raw po!
HINDING-HINDI raw MANANAIG ang kapangyarihan ng HADES rito.
Ibig sabihin ay MANANATILING MATIBAY ang kanyang Iglesia kahit ilang SALOT ni MANALO at ng kanilang ampon sa ka-DILIMAN ang kumakaaway dito.
Matthew 28:20
"...And behold, I am with you always, until the end of the age.”
At si CRISTO ay MANANATILI raw sa kanyang IGLESIA hanngang sa katapusan ng mundo.
Pero sa PAGTUTURO ng INC ni Manalo, pinapangaral nilang si CRISTO ay NAGSINUNGALING at HINDI TUMUPAD sa kanyang mga pangako dahil PINABAYAAN niya ang kanyang IGLESIA na maagaw ng HADES at HINDI siya nanatili dahil INAGAW nga naman ng kaaway ang KANYANG IGLESIA.
Kung paniniwalaan natin ang HOKUS-POKUS na turo ng INC ni Manalo, lalabas na si CRISTO ay NAGPABAYA sa loob ng maraming taon at saka lang NAGPAPOGI muli noong 1914. At si FELIX MANALO pa ang nakita niyang magtatatag.
Parang lalabas na si CRISTO ay isang INUTIL na panginoon kaya't kailangan pa niya ng isang FELIX MANALO para "ITATAG MULI" ang kanyang inanay at binukbok na Iglesia?
Kung paniniwalaan natin ang HOKUS-POKUS na turo ng INC ni Manalo, lalabas na SINUNGALING si CRISTO sapagkat NANAIG nga ang kapangyarihan ng Hades sa kanyang tatag na Iglesia.
Pero alam na alam natin na HINDI SINUNGALING si CRISTO. Siya ang DAAN, ang KATOTOHANAN at BUHAY (Juan 14:6), kaya lalabas na ang TAGAPAGTATAG ng INC ni MANALO ang siyang saksakan ng KABUKTUTAN at KASINUNGALINGAN.
Lalabas na HINDI tumalikod ang IGLESIANG TATAG ni CRISTO noong una-- ang IGLESIA KATOLIKA kundi si FELIX MANALO ang TUMALIKOD sa IGLESIANG TATAG NI CRISTO.
Sa makatuwid, si FELIX MANALO ang NAGSINUNGALING at si FELIX MANALO ang NANDAYA at si FELIX MANALO ang siyang tumalikod na GANAP sa IGLESIANG TATAG ni CRISTO-- ang IGLESIA KATOLIKA!
Si FELIX ang LUMAYAS at HINDI ang IGLESIA!
Sa kabuuan, ang IGLESIA KATOLIKA pala ang TUNAY na IGLESIA ni CRISTO, at sino ang NAGTATAG sa INK sa Pilipinas noong 1914?
Opisyal pong sinasabi ng PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
Si FELIX ang LUMAYAS at HINDI ang IGLESIA!
Sa kabuuan, ang IGLESIA KATOLIKA pala ang TUNAY na IGLESIA ni CRISTO, at sino ang NAGTATAG sa INK sa Pilipinas noong 1914?
Opisyal pong sinasabi ng PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Opo, SI FELIX MANALO raw po ang NAGTATAG ng INK (Iglesia ni Kristo) noong 1914!
Rehistro sa SEC ng samahang INK at anging INC |
Purihin ang Dios sapagkat HINDING-HINDI mananaig ang kapangyarihan ng Hades sa kanyang NAG-IISA, BANAL, PANGKALAHATAN at APOSTOLIKANG IGLESIA ni CRISTO!
At napatunayan natin na si FELIX MANALO ang TUMALIKOD at hindi ang IGLESIA!!!
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.