Transcript: from an earlier post
“Ngayon, kung ang isang manggagawa, mga kapatid, sinungaling, hindi puwedeng manindigan. Kung ang isang manggagawa kakampi sa katiwalian, hindi puwedeng manindigan. Kung ang isang manggagawa siya pang nagtuturo ng katiwalian, eh lalong masamang manggagawa ito.
“Wala nang sariling paninindigan ay siya pang kasangkapan ng diablo. Eh sino ho iyang ganyang manggagawa? Maraming manggagawa natin, halos lahat ganyan.
“Hindi ho ba naman isang napakarahas na pagpaparatang iyan? Hindi. Kaya ko nalalaman sapagka't ang mga ulat na dumarating sa amin, hindi totoo. Bakit ho hindi naging totoo?
“Hindi sapagka't ang kapatid ang nagkamali kundi ang mga manggagawa ang siyang bumabago ng ulat para ilihis ang paniniwala ng pangangasiwa.
“Eh iyon ho bang mga tagapamahala nalalaman iyan? Nalalaman iyan ng karamihan. Pero nagkaisa ang mga manggagawa sa loob ng iglesia para linlangin at dayain ang pangangasiwa sa layunin nilang gumanda, kuminis ang bagay na marumi at ang bagay na hindi matuwid.
“Pero napakasama naman na ito palang mga tinustusang ito, ito pala naninira sa iglesia. NAPAKAGAGONG pangangasiwa, na gumagastos ka para sa maninira.
“Pero gusto kong masaktan kayo. Gusto ko na higit pa sa masaktan. Kung maaari ko lang DAGUKAN ang iba ay gagawin ko para maging matindi sa kaniya...
“Yung ibang mga kalihim sa probinsya, talagang wala eh, hindi abot ng kanilang kapasidad. Lalo na sa mga liblib na lugar, papaano makagagawa ng form 'yun?
“Kayong (Eh yong) manggagawa ngayon, inaasahan ko na kapatid, heto, mali ito, bakit ka mag-uulat ng hindi totoo? masama iyan.
“Eh hindi, yung kapatid mag-uulat ng totoo. Baguhin mo iyan! Eh ito ho ang nasa tuntunin. Ah, anong nasa tuntunin?
“Akin na iyan, pag hindi SUSUNTUKIN KITA! Iyan ang manggagawa natin ngayon. “MANLULUPIG! MANINIKIL NG KAPATID.
“Kaya ang iglesia'y naghihimagsik laban sa manggagawa sa nakikita nilang KATIWALIAN AT KATAMPALASANAN na hindi nila inaasahang mangyari.
“Ano ang sulat sa akin ng isang kapatid? Baka gusto ninyong ipabasa ko sa inyo. Hanggang ngayon wala pa po akong nakikitang MATINO na manggagawa sa kasaysayan ng buhay ko, LAHAT ho puro TIWALI. Masakit na salita.
“NASAKTAN AKO... sapagka't ako'y manggagawa rin. Pero hindi ko masita yung kapatid sapagka't alam kong nagsasabi siya, kung hindi man buong-buo na katotohanan eh NAGSASALITA SIYA NG TOTOO.
“Wala nang nagkaroon ng takot sa Dios na kahit isa para tumayo at manindigan sa panig ng katuwiran. LAHAT MANLULUPIG na ng katuwiran.
“Bakit? SUWELDO ang hinahanap, yung TULONG niya, yung BAHAY niya, yung KASAGANAAN niya, siguro, ang TINATAMASA niya pero ang iglesia ay ayaw na niyang pagsilbihan ng totoo.
“Pero isipin ninyo, dumadami tuloy ang ating form. Nagagalit kayo sa opisina. Pati mga taga-opisina kinakalaban ng ibang mga manggagawa. Kapag nag-uulat sa akin, nagagalit. Nasaan ninyo gusto... Papaano ang ating gagawin sa iglesia?
“Kayo ang maghahari sa iglesia? [Bah mga Manalo lang ang maghahari sa INC dahil tatag ito ni Felix Manalo na kanyang ama!] Hindi. TAMAAN KAYO NG KIDLAT AT KULOG bago mangyari iyan. (Kung) Kaya sabi ko sa Dios, napakarami ho namang dapat BAHAING MANGGAGAWA, bakit hindi mo siyang binaha? PARA MALIPOL ang mga TAMPALASANG taong ito. Nadaig pa ang kasalanan ni Judas, iisang maestro ang ipinagkanulo. Iisa ang nagkanulo sa panahon ni Kristo pero NGAYON LAHAT NG MANGGAGAWA nagkakaisa ipagkanulo Dios.
“Te' kayo, tingnan ninyo, mga kapatid, iyan ang tagapamahala sa Visayas at Mindanao. Nagpalitan tayo ng mga matatagal na sa pamamahala. Eh isa-isa, lumalapit sa akin, dumadaing sa akin. Kapatid, mayroon ho akong problema. Ano? Yun hong nakatala sa ating sa senso na mga pangalan ng kapatid, eh hindi ko naman ho makita (dito) ngayon sa aking destino.
“Ano kako ang ibig mong sabihin? Eh ang numero ho eh napakalaki pero sa katotohanan ho'y wala yung tao. Ang Camarines, este ang Sorsogon, hinihiling sa akin na alisin sa talaan ang kulang-kulang na apatnaraang tao eh kakaunti lang naman ang kapatid sa Sorsogon.
“Bakit? Tinignan ko sa ulat ang nakaulat na malamig eh mahigit lang isandaan. Pero ang aalisin eh apat na raan.
“Eh bakit, ano ho ba ang ginawa nung mga dating naroon? Aba'y e di binabago ulat. “Pinakikinis para huwag mapagalitan.
“Samakamatuwid eh malaman, ang sinasanggalang iyong sarili, hindi ang kapakanan ng iglesia. Eh iyon ho ba'y sa Sorsogon lang? Laganap iyan kung saan-saan. Maski sa Maynila, ANG MGA MANGGAGAWA RITO'Y MAGDARAYA. Sasabihin sa iyo, dinoktrinahan ko iyan. Hindi naman. Sasabihin sa iyo, (nabautismu...) iyan ho'y nasubok sa pagsamba, pero hindi totoo. Eh bakit?
“Nakita sa matatandang ministro, nakita sa matatandang manggagawa na iyon pala ang paraan para siya ay bumuti sa paningin ng pangangasiwa.
“Sila ang nagsasanggalang ngayon sa kapakanan! Pero hanggang kailan tatagal ang iglesia'y INAAWAY ng mga MANGGAGAWA, BINABABAG, MINUMURA, NILALAIT at PINIPILIT NA KAYO ANG GUMAWA NG LIKO? Saan kayo nakakita ng manggagawa, sa halip na siyang magtindig sa nakalugmok.
“Yung nakatayo ang ilulugmok para lamang gumanda ang kanyang sarili. Eh kung dito sa Maynila nangyayari iyon eh, eh di lalo na sa probinsya, lalo na sa malalayong lugar. Ay, tingnan ninyo sa Mindanao at sa Bisaya ngayon eh, at sa lahat ng mga... eh iba, mabibigla, mababagong bigla ang senso ng iglesia. Ano ang dahilan? Wala pala yung mga kapatid na iyon, sinasabi lang na naroon. Sino ho ang may gawa niyan? Yung magdarayang manggagawa. Hindi iyong kapatid. Yung kapatid, magkamali man, eh hindi sinadya. YUNG MINISTRO, SINASADYA.
“Tumawag ako ng pulong ng mga pamunuan sa Maynila para sabihin: Mga kapatid, tumulong kayo sa akin. Ayokong mamatay ang manggagawa; ang gusto ko ay pagtulong-tulungan nating sila'y buhayin. Sabihin n'yo sa akin kung ano ang ating maitutulong. Aba'y hindi ang sinabi sa akin kung ano ang maitutulong. Ang sinabi sa akin kung anu-anong KATIWALIAN. Ang sabi sa akin nung isa; Kapatid, tama ho ba na hindi ho itinuturo outline? Tuwing mamimili ho ng tatlong talata, tatanungin, o ano, naiintindihan mo ba iyan? Tama ho ba kapatid, bungkos-bungkos na mga katibayan, siya pumipirma, PINAPALSIKA ho niya pirma ng mga kinauukulang kalihim at mga katiwala ng gawain? Pinigil ko. Ni hindi ko itinanong sino gumagawa niyan.
“Bakit? Alam kong ang manggagawa sa Maynila. Mawawalan ng dangal kapag nalaman ng lahat, siya pala'y MAGNANAKAW at TAMPALASAN.
“Maski saan ka bumaling eh, wala kang makikitang liwanag. Bakit? Kumalat, lumalaganap iyang espiritung iyan na DAYAIN ANG ULAT, dayain ang ulat, LINLANGIN ANG PANGANGASIWA.
“Sayang ang papel. Katakut-takot ang nagagastos natin. Binabayaran natin ang mga empleyado sa opisina, hindi pala totoo ang sinisiyasat nila.
“Dito ba magwawakas ang kamatayan ng mga ito? Sa tinagal-tagal ho ba ng iyong pagpapakasakit at pagpapakahirap, at iyon ang sugo sa huling araw, ay dito ba lamang ba matatapos ang kanilang buhay at takbuhin? Kundi ang manggagawa ang siyang lumulupig sa mga kapatid na gustong manindigan, tinatakot. Kaya nagkaroon tuloy ng paniniwala: Ang pinakamasamang tao ang mag-ulat. Ang pinakamasamang tao ang mag-ulat. Ang mabuti ang tahimik. Ang mabuti ang kunsintidor. Ang mabuti ang tiwali. Kaya hindi ako nagtataka, mga kapatid, kung bakit ang Dios pagod na pagod ng katatatag, talikod naman ng talikod ang tao.
“Ang tuntunin niya ang tinatalikuran. Ngayon, nagsasanay na naman ang mga manggagawa talikuran ang tuntunin! Pero sa ginagawa natin ngayon, sa ginagawa ng karamihang mga manggagawa kung hindi man lahat, anong ehemplo ang ipakikita sa may tungkulin?
“Papaano ko ngayon, papaano natin kokontrahin ang mga may tungkulin, magtapat kayo.
“Sasabihin ng may tungkulin: Ikaw ang salbahe eh. Lumilikom ka ng abuloy, wala namang pahintulot. Ikaw ang nagsabi sa amin na huwag na kaming magsusumbong. Papaano kami magtatapat eh ikaw ang gumagawa ng katiwalian? Papaano tayo makakalikha ng mabubuting may tungkulin? Papaano? Kung ganyan ang ating ipamumukha sa mga kapatid natin? Wala na kayong bibig diyan. Isipin ninyo sa Agusan, ilang beses, likom ng likom ng abuloy.?”
Salamat po kay Eraño Manalo sa kanyang pagbubunyag kung anong klaseng Ministro ang meron sa loob ng INC ni Manalo!
HAHAHA LAHAT PALA NG MINISTRO NG EGG-LESIA NI MANALO AY SINUNGALING EH AYON MISMO SA KANILANG LORD-ERANO, BAKIT PA KAYO NANINIWALA SA MGA MINI-STORE NYO? HAHAHAHAHA
ReplyDeleteOR MAYBE GALIT LANG SI LORD ERANO NYO DAHIL HINDI NYA NAKUHA YUNG TARGET QUOTA NG BUSINESS CORPORATION NYO?
MGA MINI-STORE NG EGG-LESIA NI MANALO, ABA'Y KUMILOS KAYO SAYANG ANG MGA HOUSE & LOT ALLOTMENT NYO MULA SA CHIEF-EXECUTIVE-OFFICER NG BUSINESS CLUB NYO...
HAHAHA
BRO. CD2000 NATAWA NAMAN AKO DITO LOL.
Loool right from the mouth of the horse ika nga!
DeleteTsk tsk tsk hindi maganda ang pagpapatakbo ng mga BRANCHES nila, nakakalungkot.
ReplyDelete