By ncv, jr.June 25, 2012 11:05 PM from The Sign of the Cross is the Power of God1 1 Cor 1:8
From INC comments: [Libre lahat, pwede ka ngang makasal nang hindi kana gagastos kahit singko.sainyo ang kasal gastos, kaya pinipili na lang nang iba live in na lang or civil, na tinututulan ng simbahan ninyo mismo.]
ncv.jr: Hindi naman siguro kelangang kwentahin kung gaano kalaking pera ang pumapasok sa kaban ng INC-1914 sa tuwing may araw ng pagsamba at iba pang lagak. Noong dumadalo ako sa pagsamba ng INC, yung may hawak ng abuluyan ay hindi umaalis sa harapan mo hangga't hindi naghuhulog. Kapag nagtagal siya (may hawak ng basket), pansinin mo ang katabi mo at palihim iyang susulyap sayo.
Sa pagdu-doktrina naman ay laging may paala-ala sa pag-aabuloy (baka makalimot?). (I agree on this one. It's one of the 10 commandments of the Manalos na HINDI DAPAT KALIMUTAN! -CD2000)
Hindi ko na rin kailangan na isa-isahin kong ano pa ang pinagkakakitaan ng mga Manalos dahil hahaba lang masyado itong post ko.
Ang point lang, kung masabi mang libre ang kasal at iba pa sa INC ay dahil ito ay pwedeng ituring na "bayad na" rin at sobra-sobra pa.
Ako, personally, hindi ko itinuturing na bayad kapag nag-aabot ako sa simbahan, kundi ito ay konting contribution lang para sa gawain ng simbahan. Hindi naman kasi ako nire-require ng simbahan na laging magbigay. Kahit pagsama-samahin pa ang contributions na naibibigay ko sa simbahan (kasal [na minsan lang], libing [minsan lang], binyag [minsan lang], etc.) ay mas maliit pa rin ito kumpara sa abuloy na naibibigay ng isang INC sa kaban ng Manalos.
Nakakatuwa naman na nasabi sa post ng INC na ang pagli-live-in ay tinututulan ng simbahan. Higit kasing matimbang sa akin ang maunawaang hindi ito itinuturo ng simbahan. Sa panig ng nagli-live-in, yun ay isang bagay na sarili nilang desisyon. Kung minsan, ginagawa lang nilang dahilan ang "bayad" daw sa kasal. Yung mga taong sinasabi mo, sa palagay ko, kahit may "kasalang-bayan" ay hindi pa rin magpapakasal dahil sa totoo lang ay ayaw nila.
Sigurado ka bang walang nagli-live-in na INC?
Na, walang gumagawa ng pre-marital sex?
Walang bakla o tomboy?
Tungkol sa third sex, may mga kilala akong tomboy sa INC. Pumupunta ng kapilya na nakapanlalaking attire (or sabihin nating unisex, katulad ng maong pants) pero nagpapalit lang ng lady dress kapag andun na sa loob ng kapilya. Bago lumabas, nakapagpalit na ulit ng damit.
[... sainyo mga around 9 to 10pm yata sarado na naka padlock na, sa gate ka na lang manalangin ...]
Parang ayaw mo na naman bigyan ng pahinga ang Priest, e. Marami namang oras para makapasok sa simbahan, from early morning to evening (9 or 10pm kamo). Bakit malaking question sayo ang pagsasara ng simbahan kung malalim na ang gabi?
Hindi lang naman sa loob ng simbahan o kapilya pwedeng magsagawa ng pananalangin, di ba?
Alam naman ng INC 'yun!
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.