"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Saturday, December 15, 2012

Iglesia Katolika: Ang nag-iisang Iglesia ni Cristo

Basahin ang nag-iisang IGLESIA NI CRISTO!!!

Ang sabi ni README kaanib ng Iglesia ni Manalo:
"One of the many attacks is this, they say, what was written in the bible is not (capital letter)"Iglesia ni Cristo" but only (small letter) "iglesia ni Cristo". So, when quoting Romans 16:16 in filipino bible, it is said, "mga iglesia ni Cristo" or in english bible "churches of Christ" not in capital letters, but the Pasugo Magazine change it with a capital letter always...

"First of all, the INC doesnt care if it is written as Iglesia ni Cristo or iglesia ni Cristo or iglesia ni cristo or IGLESIA NI CRISTO because these are all the same! What the INC teaches is that the church that was established by Christ is none other than the Iglesia ni Cristo."
Quote mula sa post:
Malaking kagalakan ang mababasa natin sa mga comments na mababasa sa post ni README kaanib ng Iglesia ni Manalo sa pagsabing MALI raw at KONTRA ang aking post sa "iglesia o Iglesia".

Ayon sa may-ari ng blog na READMEInc, ang tunay daw na Iglesia ay ang "Iglesia ni Cristo". 

Maka-100% agree po tayo diyan.  Wala pong duda na ang tunay na Iglesia ay ang nag-iisang IGLESIA NI CRISTO pero ito ay hindi ang KATUNOG na itinatag ni Felix Manalo sa Punta Santa Ana Maynila.

Ang tinutukoy na NAG-IISANG IGLESIA ay ang IGLESIANG TATAG NI CRISTO sa JERUSALEM!

Ang iglesiang founded sa Sta. Ana na sa TAGALOG lamang nasusulat ay PEKE.  Samantalang ang itinatag ni Cristo sa Jerusalem ay hindi napapasailalim sa isang wika lamang at hindi rehistrado sa ilalim ng pamunuan ng kahit anong gobyerno ng tao.

At upang malaman natin kung alin nga ba ang TUNAY  IGLESIA na binabanggit sa Roma 16:16, ating hanguhin ngayon ang kanilang OFFICIAL magazine upang magpatotoo rito.

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."
At HINDI ang itinayo ni Manalo sa Pilipinas!

Kung tuus-tuusin ay wala na tayong dapat pang linawin pa dahil inilahad na pong sinabi OFFICIALLY ng INC ni Manalo na ang kanilang Iglesia ay HUWAD o PEKE sapagkat kailan laman sila "nagsisibangon ngayon."

 Sa mga salin na Biblia na kanilang pinagkukunan ng quote sa Roma 16:16, wala ni isa sa kanila ang nakalagay na "Iglesia" (Church) kundi "iglesia" (churches).  Iba naman kapag ito'y sinipi nila at ipalathala sa magasing Pasugo.


Ang maliit na titik ay ginagawa nilang malaking titik upang lalabas na ito ay PROPER NOUN.

Sa kanilang pagko-collect ng mga salin ng Biblia, tanging sa CATHOLIC EDITION (Tagalog) lamang nila masusumpungan ang mga katagang "mga Iglesia ni Cristo" (malaking titik) at sa buong akala nila ay SILA ang tinutukoy ng Santa Iglesia roon.


Hindi nila alintana na ang kanilang pinagsasaya ay hugot mula sa CATHOLIC EDITION ng Biblia na lalong nagpapatingkad sa mga nakasaad sa OFFICIAL MAGAZINE na PASUGO.

PASUGO Mayo 1968, p. 7:

    “Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

PASUGO Mayo 1954, p. 9:

    “Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."


Ayon ulit kay G. ReadmeInc,

Another thing, the phrase "churches of Christ" is not the name of the church that was established by Christ, it only denotes that Christ's church has congregations in other parts of the world. Because in the time the church was preached by the apostles, there are congregations or churches in other countries. For example, there is also a church in U.S.A, Europe, China, Philippines and Indonesia that's why it is said to be "churches of Christ", but the church that was established by Christ is not many, but only ONE that's why it should also be singular, "Church of Christ" or "Iglesia ni Cristo".

Ang iglesia raw ay IISA sapagkat IISA lamang daw ang itinatag ni Cristo kaya't marapat lamang daw na "Iglesia" ito at hindi "iglesia".  

Iyan din ang ITINUTURO ng Santa Iglesia mula pa noong ito'y ITINATAG sa JERUSALEM.  Na may IISANG IGLESIA at lahat ng mga nagpapanggap na "Iglesia" rin ay pawang mga PEKE o HUWAD lamang ayon sa magasing Pasugo.

Sa mga pangungusap ng kaanib ng INC ni Manalo na si Readme, at ng kanilang PASUGO, at ang CATHOLIC EDITION ng Roma 16:16 lalabas na ang NAG-IISANG IGLESIA NI CRISTO noon pang panahon ni Apostol San Pablo (na siyang sumulat ng Sulat sa mga taga-Roma) ay ang IGLESIA KATOLIKA lamang sapagkat tanging ito lamang sa maraming nag-aangking mga "iglesia" rin ang may kasaysayang nagmula pa noong UNANG SIGLO.

Sa katunayan ay tumatawid na po ito sa IKATLONG SIGLO samantalang ang "Iglesia ni Cristo" na KOPYA lamang ni Manalo ay papunta pa lamang sa SENTENARYO ngayong 2014 Anno Domini.

Tunay nga na TANGING ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang nag-iisang IGLESIA NI CRISTO sapagkat ito rin ang paglalahad ng OFFICIAL MAGAZINE ng INC ni Manalo:

PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."

At bago pa man nila muling sasabihin na NATALIKOD na GANAP ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo, abah, magsuri sila sapagkat hindi ito ang ITINUTURO ng INC ni Manalo.

Ayon sa magasing PASUGO hango mula sa aklat na pinamagatang "ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA INK-1914"  ang IGLESIA ay HINDI NATALIKOD.  Ito'y UMIIRAL pa hanggang sa KASALUKUYANkaya't lalong tumitibay ang unang sinabi ng PASUGO na HUWAG o PEKE lamang ang mga "nagsisibangon ngayon" na may kapangalang "Iglesia ni Cristo."

PASUGO Enero 1964, p. 2:
“Sa isang paksang mababasa sa nakaraang labas nitong Pasugo (Disyembre) ay ipinaliwanag kung saan naroon ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo as Jerusalem. Ito ay natalikod. Nalipol na lahat."

Itong mga sinasabi nilang ito ay maraming nailigaw na landas ng Kabanalan. Dahil dito ay inilalahad ko ang mga katibayang magpapawalang saysaysa sinasabi nilang ito at nasusulat din sa kanilang Pasugo gaya nitong mga sumusunod:

(a). PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."

Idaragdag natin dito ang talata 29, bilang susog sa talatang 28 na ginagamit nila, at ganito ang karugtong:

(29) Ang aking Ama (wika niJesus), na sa kanila ay nagbigay sa akin ay lalong dakila kaysa lahat; at hindi sila maaagaw ninuman sa kamay ng Ama." Ito bang nasusulat na ito sa kanilang PASUGO ay mabubura pa nila? Gayon din itong garantiyang sinasabi ni Jesus hinggil [sa] mga magiging tauhan niya? At higit pa bang paniniwalaan natin itong mga maling aral!

At bilang kalakip nito ay sisikapin pa natin ang isang banggit na nasusulat sa PASUGO Hunyo 1940, p. 27:

"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."

O ano pa ang ating puntong liliwanagin? Tinatanggap na nilang nananatiling matibay sa aral ng Dios ang mga Apostol ang unang Iglesia ni Cristo. At pagkatapos ay iyan daw ang kanilang pamarisan o dapat gawin. E, gayon pala; bakit sinasabi nilang "ganap na nawala sa ibabaw ng lupa ang mga dating tagasunod ni Jesus, inagaw at nilipol ng mga bulaang propeta." Huwag ninyong gawing sinungaling si Jesus. Malinaw ang kanyang sinabing garantiya na mababasa sa Juan 10:28-29, at inyong ginamit din.

At bago tayo magwakas ay kukuha pa tayo ng isang punto na may kaugnayan din dito.

(b). PASUGO Agosto 1971, p.22:
“Tinitindigan namin na ang Iglesiang itinatag ni Cristo ay talagang iisa
lamang. Nang magkaroon ng INK sa Pilipinas ay wala na ang Iglesia ni Cristo sa Jerusalem.”

Ang ibig nilang palitawin dito, ay noong 1914, ay nawala na ang itinayo ni Cristo. Bueno, tingnan natin ang bagay na ito, sapagkat may isang banggit na nasusulat sa PASUGO, Abril 1966, p. 46:

“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."


Ngayon, ang mga nakasulat ba sa CATHOLIC EDITION ng Bible ay LABAN sa Iglesia Katolika?  Hindi po.  Sinasabi lamang namin na KAMI ang binabanggit doon sa Roma 16:16 at hindi ang INC ni Manalo sa Pinas.  


Ang nag-iisang IGLESIA NI CRISTO na tatag ni Cristo sa Jerusalem? 

2 comments:

  1. Thank God, I'm a Catholic. I really believed that the TRUE Church of Christ is founded by Jesus Christ passed through Papacy to Saint Peter and now to Pope Benedict XVI. INC was 1914 and founded by Felix Manalo, funded by Masons. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Praise God you've allowed the Light of Christ to illumine the darkness of INC of Manalo and his darkness... Truly FYM is the fulfillment of the Biblical prophesies about the coming of the DECEIVER.. denying Christ (God) coming in the Flesh. Such are the DECEIVER and ANTI-CHRIST. (2 John 1:7)

      Delete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar