"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Wednesday, June 17, 2015

May kasagutan kaya si ReadMeINC sa mga kaanib nilang nakikipagsimpatiya kay Ka Antonio Ebangelista?

Isang liham na naman ang inilathala ng Whistle Blower na Ministro ng Iglesia Ni Cristo sa katauhan ni G. Antonio Ebangelista.

Medyo i-highlight ko lang ang mga nakikita kong mga importante baka sakaling may maisasagot itong si ReadMeINC na isang FINANCE OFFICER, na posibleng napapaloob sa tanggapan ni KA JUN SANTOS (General Auditor) na masyadong kahaman sa salapi ayon na rin sa mga akusasyon ni Ka AE. Ang mga quotes po ay kuha sa "Voice of the Brethren: EGM Video Conference Lecture October 14, 1998 – Krisis sa Liderato sa Iglesia"

Dear Ka AE, Una po sa lahat ay binabati ko kayo sa inyong tunay na malasakit sa sambahayan ng sugo, sa sambahayan ng yumaong ka Erdy, sa ka EVM at higit po sa lahat ay ang PAGMAMALASAKIT NINYO SA IGLESIA sa kabuuan.

[...]

Saksing buhay po ako nang ang aking magulang ay nilait, pinagsalitaan ng masama dahil sa pag-uulat niya ng mga maling kaganapan tungkol sa patas na pag-papatupad ng mga tuntunin sa Iglesia.

[...]

Malungkot po ako sa nangyayari ngayon sapagkat parang bawat isang kapatid po o may tungkulin ay nagpapakiramdaman. PATI PAGMAMAHAL SA SAMBAHAYAN NG KA ERDY IPINAGBABAWAL. SANA PO MAKITA NAMING MULI ANG KA TENNY, ANG KA ANGEL AT ANG KA MARK. Wala pong kalayaang pumuna o magtanong kung bakit hindi sinasagot ng tuwiran ng Pamamahala ang tungkol sa lahat ng inyong inilathala. Ang pilit nilang sinisira ay ang inyong pagkatao. Hindi po nila masira ang mensahe kaya pilit nilang sinisira ang nagdala ng mensahe.

[...]

Masakit po talaga na marami na pong mga kapatid ang mabilis na itiniwalag dahil LUMALABAN DAW PO SA PAMAMAHALA. Pero napakarami pong mga kapatid na matagal nang hindi sumasamba UMABOT SA LIMA HANGGANG SAMPUNG TAON, nabubuhay ng labag sa pagka Iglesia Ni Cristo, umalis nang walang paalam, SUBALIT hanggang ngayon ay nasa talaan.

[...]

Ito pong mga kapatid na naglike lang sa comment, o nagrepost lang article sa FB, akalain mong napakabilis itiniwalag.

[...]

Magaling kasing mambilog ng ulo itong mga Sanggunian. Saan kayo nakakita ng namamahala na ikukumpara ang kanilang mga accomplishments sa lumipas na administrasyon. Inilalagay pa sa PASUGO, na sa loob ng 5 taon, may humigit kumulang na 2,000 libo ang na ordinahan, may ilang libo ang nag aaral ng ministerial at pati ang pagpapatayo ng bahay sambahan, sa dating administration daw, 20 kapilya lang kada isang taon, pero sa ngayon, Abril pa lang halos ganoon na ang bilang ng ipinatatayong bahay sambahan.

[...]

Pero dapat bang ikumpara? Hindi ba ang lahat ay awa at tulong ng ating Dios? Yun ba ay upang patunayan lang kung saan ginagamit ang ating mga pananalapi? Pera pera na lang po ba ang Iglesia ngayon?

[...]

Masagot lang po ng punto per punto ang lahat ng karangyaan ng mga taga Sanggunian, lalo na si JS, siguro po hindi na kami titingin pa sa FB. Sana po ay bumalik ang dating maningning na kalagayan ating Iglesiang pinakamamahal. Maraming salamat po.
Kapatid na KC
Eraño de Guzman Manalo, son of INC™ Founder Felix Manalo Ysagun (posted in "Iglesia Ni Cristo Silent No More" blog

Ano kaya ang kasagutan ni Ka ReadMeINC sa kaanib nilang nakikipagsimpatiya kay Ka AE?

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar