Isa sa mga mariing tinututulan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® ay kung bakit daw pinalitan ang pangalan ng Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo bilang Iglesia Katolika (Pasugo Abril 1966, p. 46). Palatandaan daw na tumalikod na raw na ganap ang tunay na Iglesia ni Cristo noong unang siglo sa pamamagitan ng pagpapalit raw nito ng pangalang "wala" naman raw sa Biblia (sa Griegong salin meron naman).
Hindi ba't ganon din ang ginawa nila? Mula sa pangalang IGLESIA NI KRISTO (INK) ay PINALITAN sa pangalang IGLESIA NI CRISTO (INC)?
Mula sa kanyang orihinal na pagpapatala sa Republika ng Pilipinas noong 1914, Iglesia Ni Cristo (INK) na ang gamit, bakit INC na ngayon?
Nagkamali ba ang kanilang SUGO sa pagpaparehistro nito bilang INK?
O kaya'y sa kadahilanang KINOPYA ni Felix Manalo ang salitang [i]GLESIA NI KRISTO mula sa saling TAGALOG ng Biblia (Basahin Alin ang Iglesiang binabanggit sa Roma 16:16?) na pag-aari ng mga Katoliko at di kalaunan ay kinopya rin ng mga misyonerong Protestante na siya namang binasa at pinaghugutan ng reperensiya ng kanilang sugo?
Alin man sa dalawa ang maaaring dahilan ng kanilang pagpapapalit ng pangalan ay dapat din nilang bigyang linaw kung BAKIT naman nila ito ginawa.
Hudyat din ba ito ng pagtalikod ng INK / INC?
Sinubukan kong hanapin sa internet ang kasagutan na maaari kong pagbabasyahan, maging sa Wikipedia o sa opisyal na website ng Iglesia Ni Cristo®, wala pong masumpungang kasagutan dito. Lahat ay tumutukoy lamang sa pinalit na pangalan nito bilang INC.
Sa aking pagsasaliksik, lalong LUMANTAD ang katotohanang si Felix Manalo ay nagpalit din ng pangalan. Mula sa FELIX YSAGUN, pinalitan niya ng FELIX MANALO (apelyido ng kanyang inang debotong Katoliko).
Hindi lang po 'yan. Nagpalit-palit din ng relihiyon si Felix Manalo.
Una siyang SUMANIB sa mga KOLORUM na relihiyon sa Bundok sa San Cristobal sa Lucena Quezon.
Noong 1904 hindi siya nasiyahan dito at lumipat naman sa Methodist Episcopal Church (Protestante). Naging Pastor Presbyterian matapos siya ay nag-aral sa mga paaralan ng mga Presbyterians sa tulong nina Esteban Aquino at Rita Baqui.
Noong 1907/1908 nagpalit na naman ng relihiyon si Felix Manalo. Mula sa mga Presbyterian, siya ay lumipat sa Christian Mission kung saan siya ay naparatangan ng PAGMAMALABIS sa mga KABABAIHAN nito.
Matapos sa Christian Mission, noong 1911/1912 lumipat naman siya sa mga Seventh-Day Adventists o mas kilala sa pangalang SABADISTA sapagkat nagsasamba sila tulad ng mga Hudyo sa araw ng Sabado.
Dalawang beses ikinasala si Felix Manalo. Una ay kay TOMASA SERENEO na namatay ilang taon matapos silang nagsama.
Habang nasa Presbyterian school si Felix Manalo, niligawan niya ang isang 19 años na dalaga na nagngangalang HONORATA DE GUZMAN at di nagtagal ay IKINASAL ng isang CHRISTIAN AND MISSIONARY ALLIANCE PASTOR (Protestante) na si EMILIANO QUIJANO. Ang dalawa ay ikinasal sa Singalong, Maynila. (Source: Ang Lihim at Kabulaanan ng Iglesia Ni Kristo)
Ang pagkatalo sa isang debate ang nagtulak kay Felix Manalo upang LISANIN muli ang relihiyong kinaaaniban at UMANIB sa mga FREETHINKERS tulad ng mga AGNOSTICS, ATHEISTS hanggang MISMONG SI FELIX MANALO AY NAWALAN NG PANANAMPALATAYA SA DIYOS!
Matapos ang tatlong araw ng pagbabasa ng Biblia Katoliko /Protestante ng mga "ministro ni Satanas" (Pasugo Agosto 1961, p. 39), lumabas si Felix Manalo mula sa kanyang kuwarto at NAGTATAG ng kanyang sariling iglesiang "IGLESIA NI KRISTO" na PINAREHISTRO sa Office of the Division of Archives t Patented Properties of Literature and Executive Office of Industrial Trade Marks, REGISTRATION No. 54, FILE No. 43.
Samakatuwid, ang orihinal na pangalan ng samahan ni Felix Manalo ay INK at hindi INC.
Sa kanyang pagpapapalit ng PANGALAN, ASAWA, RELIHIYON at PANGALAN ng kaniyang IGLESIA, hindi kaya HUDYAT ito sa ating ng DIYOS sa atin na HINDI nga tunay na SUGO ng Diyos si FELIX MANALO kundi siya ay SUGO ng KALABAN ng DIYOS? At ang kanyang TATAG na Iglesia ay HUWAD at PEKE?
"Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.
Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan. Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak. Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin: Sapagka't ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang gawa." -2 JUAN 1:7-11
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.