"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Friday, August 21, 2015

Koleksyon sa abuluyan ng Iglesia Ni Cristo®, dahilan kung bakit "For Sale" na raw ang Philippine Arena?

Source: Kelly Ong

FOR SALE NGA BA ANG PHILIPPINE ARENA?

Ngayon na lubog sa utang ang Iglesia ni Cristo, pinag-iisipan na ngayon ng MAGNANAKAW NA SANGGUNIAN na ipagbili na ang Philippine Arena dahil sa mga utang nito na hanggang ngayon ay hindi nababayaran. Isang reliable source mula sa Disbursement Section ang nagsabi sa atin na sa tubo pa lamang sa mga utang sa Philippine Arena ay lubha nang nabibigatan ang Iglesia lalo na raw ngayon na bumagsak ng may 60% ang handog ng mga kapatid sa ibang bansa.

Ito po ang dahilan kung bakit sila Matt Pareja ay naroon ngayon sa US at iniisa-isa ang mga bahay ng mga kapatid na dalawin at pinangangasiwaan nila ang mga pagsamba sa akala nila na mauuto ang mga kapatid sa Amerika.

Ang mga utang din sa Philippine Arena dahilan kung bakit ipinagbibili ngayon ang binili nilang Airbus at ibinenta ang VICTORIA TOWER. Ayon sa nasabing ministro sa legal department, ang malawak na lupa sa likod ng kapilya ng Lokal ng Ugong ay ginawa ring pambayad sa pagkakautang gayon din ang binili ng KA ERDY na Lupa sa Antipolo para sana pagtayuan ng kapilya at kumonidad ng mga kapatid sa Iglesia.

Idinagdag pa ng nasabing ministro na isang sako na ang mga tseke ng iglesia na hindi mai-release dahil sa kakulangan ng pondo. Bukod dito ay pinag-iisipan na rin ng SANGGUNIAN ang option na payagan na lamang maghanapbuhay ang mga ministro at gawing voluntary na lamang ang kanilang serbisyo sa Iglesia upang makatipid sa suweldo o sa tulong.

Hmmmm, alam kaya ni Ka Eduardo ang lahat ng ito ? Alam kay niya na ang pondo sana sa pagpapatayo ng Arena ay ipinasok ni Jun Santos sa kaniyang personal account at inutang niya ang mga ginastos sa Arena kapalit ng mga ari-arian ng Iglesia?

Alam kaya ni Ka Eduardo na nauubos na ang mga ari-arian ng Iglesia dahil sa pagnanakaw ni Jun Santos?

Subaybayan ang mangyayari sa Iglesia sa hinaharap dahil sa napakalawak na nakawan sa loob nito !

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar