Ka Cerio
Galit na galit ako sau last week when u posted na "INC members ay hindi nagbabasa ng Holy Bible", tamad at umaasa na lng sa ministro at hindi na sinusuri kung tama pa ba ang mga doktrina. Maraming INC Defenders ang na-offend at pina-unlike ka pa nga ni Ka Rebecca Job at Puting Agila. Lumipas ang aking galit at na-realize ko na tama po kayo, minumulat at pinapatamaan nyo lang pala kami. Ayon nga po pala sa doktrina sa loob ng INC, ang salita ng Diyos ay nakalihim sa hiwaga at ang tanging makakaintindi ng hiwaga ay ang mga ministro lamang. Kaya nga po ang alam lang namin basahin ay ang Pasugo. Bawat katiwala ng grupo ay obligado bumili ng limang kopya ng God's Message or Pasugo kada buwan. Kahit wala sa budget ay wala naman po kami magawa dahil nangongonsensya ang aming destinado na tungkulin namin ang gawaing pagpapalaganap. Hindi nila batid na kapos na kapos na nga ang aking sweldo para sa pang araw araw na tustusin sa aking pamilya. Salamat po sa patuloy ninyong paghahayag ng korupsyon at katotohanan. Ngayon ay nabigyang linaw sa akin at sa aking sambahayan na ang iglesia ay hindi na paglilingkod sa Diyos, pawang brainwashing na lang at puro pera pera na lng at ang pamamahala ay ginagawang gatasan kaming mga uto utong miyembro. I am praying na ma-guide ako ng Holy Spirit sa pagbabasa ng Holy Bible at mapag-aralan ko ang "New Covenant" na tinutukoy ninyo.
Ang inyong kapatid kay Kristohesus na ating tagapagligtas,
Ka Lawrence
Source: Iglesia ni Santos |
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.