"Hindi matitibag ang Iglesia ni Cristo". Ito ang pahayag ng isang kaanib ng Iglesia ni Cristo (ni Manalo) sa Facebook forum topic. TOTOO nga po ito. Ito rin kasi ang PANGAKO ni Cristo sa Mat. 16:18. Kaya nga dapat SUMPAIN ang mga sinungaling na mangangaral (daw) na nagsasabing TULUYAN nang NATIBAG ang Iglesiang tatag ni Cristo at kailangang ibangon uli!!!
Pero ang tinutukoy kaya niyang IGLESIA ay ang HUWAD na naitatag lang kamakailan (Iglesiang tatag ni Felix Manalo noong 1914) o ang TUNAY na Iglesia na naitatag ni Cristo noong Unang Siglo (Iglesia Katolika 33A.D)?
Ano ang paalala ng kanilang OPISYAL na magasing PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
"Nabasa ko na yan" sabi nitong kaanib ng Iglesia ni Cristo. Itong munting aklat na Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914 ang tinutukoy niyang nabasa na raw niya 'yan.
"Nabasa ko na yang site na iyan...
Isa lang yan sa mga ginawang paninira laban sa Iglesia Ni Cristo...
Hindi ninyo matitibag ang aral ng Iglesia Ni Cristo dahil ito ang tunay na aral na mula sa bibliya... Yan kasing mga aral ninyo inimbento na lang kaya hindi ninyo mapagtanggol..
Kung inyong i-click ang link na 'yan, isa pong malinaw na kasiraan ang mga nakasulat doon dahil mismong kanilang mga ministro ay naglilimbag niyan.
Ang mga nakasulat po doon ay hango sa OPISYAL na pahayag ng mga Ministro ng Iglesia ni Cristo na nailathala sa kanilang OPISYAL na magasin. Ibig lang sabihin ng mga nakasulat sa magasing Pasugo ay ang pangkalahatang katuruan ng Iglesia ni Cristo, maging ito'y personal na pananaw o saloobin ng bawat Ministro, tatanggapin pa rin itong "SIGNIFICANT" sapagkat OPISYAL na inilathala sa kanilang OPISYAL na MAGASIN.
Sino ang SINISIRAAN ng kanilang magasing PASUGO sa munting aklat na ito? Wala pong iba kundi ang PASUGO laban sa IGLESIA ni CRISTO (Manalo 1914). Wala na tayong dapat pang ipaliwanag dito. Basahin niyo na lamang.
Buong pagmamalaking sinabi nitong kaanib ng Iglesia ni Cristo na "HINDI" raw "MATITIBAG" ang IGLESIA ni CRISTO.
Ang 'HINDI' raw na pagkatibag ng Iglesia ni Cristo (Manalo) sa kabila ng mga 'PANINIRA' sa kanya ay PATUNAY lamang na TUNAY raw sila at tunay din daw na galing sa Biblia ang kanilang mga aral.
TUMPAK!
Napakatuso talaga ng kanilang mga pahayag. Hindi nila nalalaman na ang kanilang mga sinasabi ay lalong NAGPAPATUNAY lamang sa IGLESIANG tunay na kay CRISTO -- ang IGLESIA KATOLIKA na siyang tunay na IGLESIA ni CRISTO (PASUGO April 1966, p. 46).
Dahil sa kabila ng paninira sa kanya. Sa kabila ng paghamak sa kaniya ng iba't ibang mga emperyo, kaharian, kilusan, lupon, schism, apostates, dissenters, bigots, anti-Catholics etc, ito'y NANATILING MATATAG at sa katunayan ay mahigit kumulang na 2,010 TAON na po KAMI!
Kung ang HINDI PAGKATIBAG pala ay PATUNAY lamang ng KATOTOHANAN na NASA kanya, eh di mas lumalabas na ang IGLESIA KATOLIKA ang MAS TUNAY sapagkat HINDI siya NATIBAG hanggang ngayon!
Salamat naman sa patotoo nitong kaanib ng Iglesia ni Cristo!
Ang Iglesia Ni Cristo na tinayo ni Cristo nuong unang panahon ay siya ring Iglesia Ni Cristo na tinayo nuong 1914 sa pamamagitan ni ka felix.. si Cristo mismo ang nagsabi niyaan...
Si Cristo ang Ulo ng Iglesia. Iglesia Ni Cristo...
"Ang Iglesia Ni Cristo (brand name) na itinayo ni Cristo nuong unang panahon ay siya ring Iglesia Ni Cristo na itinayo nuong 1914 ... si Cristo mismo ang nagsabi niyaan..."
Ha? Sinabi ba ni Cristo? Saan? Naku, sinong bogus na cristo kaya ang bumulong kay Manalo niyan.. Pareho ba ang 33 AD sa 1914 AD? Kahibangan at kayabangan!
"Si Cristo ang Ulo ng Iglesia Ni Cristo..."
Kayabangan nitong kaanib ng Iglesia ni Cristo! Ang sabi ng PASUGO Mayo 1961, p. 22 si FELIX MANALO raw ang ULO, hindi si Cristo!!!
“Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5).
“Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."
Ito rin ang PAG-AMIN ni JOSE VENTILACION, hindi na raw si Cristo ang Ulo ng Iglesia ni Cristo kundi si Felix Manalo na raw!!!
Ngayon ko lang napagtanto na marami-rami rin pala ang comedians sa loob ng Iglesia ni Cristo? Isa na itong si Ron (di tunay na pangalan) na lakas loob na NAGBIBILAD ng KAMANGMANGAN sa forum sa Facebook. Tanghaling tapat nananaginip itong kaanib ng Iglesia ni Cristo. Gusto pa niyang linlangin ang kasaysayan!!
Sinong SALAMANGKERO kaya ang nagturo sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo kay Manalo na ang sinaunang IGLESIA raw ay siya rin ang IGLESIA ni CRISTOng tatag ni Felix Manalo.
- Una, hindi napatunayan ng kahit sinong salamangkero ng Iglesia ni Cristo ang may TOTAL APOSTASY sa Unang Iglesia ay WALA sa Biglia (Iglesia Katolika -- see my earlier post Apostasy: Biblically Unfounded).
- Pangalawa, wala silang patunay mula sa pahina ng kasaysayan na LUBOS na NAWALA ang Iglesiang tatag ni Cristo noong unang siglo.
- Pangatlo, sinasabi ng Banal na Kasulatan (2 Thes. 2:3)na may 'apostasy' na magaganap pero HINDI ang buong Iglesia kundi 'iilan' lamang (kasama na riyan si Felix Manalo).
- Pang-apat: Sinasabi ng Kasaysayan na ang Iglesia Katolika ay nagmula pa noong panahon ng mga Apostoles (History of the Catholic Church)
- Pang-lima: Sinasabi ng Kasaysayan na si itinatag ni Felix Manalo ang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas noong 1914 (History of the Iglesia ni Cristo -1914).
- Pang-anim: Inaamin ng Pamunuan ng Iglesia ni Cristo na si Felix Manalo nga ang nagtatag ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas at hindi si Cristo (PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5).
SUMATOTAL: Malinaw na PANLILINLANG at KASINUNGALINGAN ang sabihing ang INC tatag ni Manalo sa Pilipinas ay siya ring Iglesiang tatag ni Cristo noong unang siglo 33AD!
kailan man hnde inangkin ni kapatid felix manalo na siyang ulo nang iglesia ..dapat suriin nyo munang mabuti bago kayo mag comment..paano itatag ni cristo ang iglesia noong 1914 eh nandun na siya sa langit,natural na mgsugo siya nang mga tao para matatag ang tunay na iglesia kasi nga naiba na ang aral naitalikod na bulaang mangangaral..dba nasa bible na hnde dpat sumamba sa mga larawan o rebulto pero bakit ginawa ng mga katoliko yon..kaya kailangan mayrong tunay na mangangaral na mgpapahayag para ipaabot sa mga tao ang katotohanan..alam mo ang iglesia ni cristo hinde takot na ilantad ang katotohanan,kasi nga yan ang dapat para sa kaligtasan ng mga tao..ang tunay na mangangaral hinde takot na ilantad ang katotohanan...salamat..
ReplyDeleteGinoong Anonymous,
ReplyDeleteSinuri na namin ang katuruan ng inyong kulto. Ang hirap sa inyo, puro kayo dada wala naman kayong maipakitang OPISYAL na sinasabi ng inyong Iglesia. At yung mga OPISYAL na pahayag ng mga Ministro niyo sa Pasugo ay ayaw niyo pang tanggaping OPISYAL na statement nga ito mula sa mga piling-pili na mga Ministro ng Iglesia ni Cristo.
Ngayon, paano itatag muli ni Felix Manalo ang Iglesiang kay Cristo eh HINDI naman natalikod? Hibang si Felix Manalo.
At anong karapatan ni Felix Manalo niyo na magsabing "GANAP na NATALIKOD" eh wala namang sinabi sa Biblia na may GANAP na PAGTALIKOD kundi MAY IILANG TATALIKOD at ung iilang iyon kasama na si Felix Manalo niyo dahil SIYA ang TUMALIKOD, hindi ang IGLESIA!!!
Kaya kailangan pa ba ng HULING SUGO? Tanging si HESUS ang HULING SUGO at si Felix Manalo ay inaangkin niya ang pagliligtas sa pagsabing walang saysay ang ginawa ni Cristo at kailangan pa niyang magpadala ng isang salamangkero sa katauhan ni Felix Manalo.
At nakapasingungaling naman ng Cristo ng Iglesia ni Manalo. Matapos niyang sabihing HINDING HINDI MAGAGAPI ang KANYANG IGLESIA (Mt. 16), tapos heto nagpadala siya ng salamangkero at sabihing "Wait, I'm sorry, I made a big mistake. I lied to Peter and I lied to the my disciples because well, hell prevailed so I need to send my Last Messenger, Felix Manalo from the Philippines to establish it again.
Ganon ba ang sinabi ni Cristo niyo? Gusto niyo pang sabihing si CRISTo ay SINUNGALING!!!
Kakapal ng mukha niyo. Si Felix ang NAGSINUNGALING sa INYO at hindi si Cristo!!!
Mangisay naman kayo sa takot ano!! Di ba kayo kinikilabutan sa mga bintang niyo kay Cristo Hesus!??? Susmaryosep!!!
ano ba yan hindi naman ganyan ang itinuro sa akin ng iglesia ni cristo bkit yn ang isinasabi mong aral namin
ReplyDeleteAnonymous, saan ba namin matatagpuan ang OPISYAL na KATURUAN ng inyong KULTO?
ReplyDeleteYayayain mo rin ba kaming makipagtagpo sa isa sa mga Ministro nyong bayaran?
Paki-suggest na lamang kung paano matamo ng mga nasa North Pole at Jungles ng Africa ang kaligtasan kung MISMONG ang inyong IGLESIA ni CRISTO ay nagtatangi at NAGKAKAIT nito sa mga taong malayo sa PILIPINAS?
Anong klaseng dios ba ang meron kayo? Tsk tsk tsk.
Kaya nga sa mga debate umuwing talunan ang mga INK, kaawa-awa ang resulta sa nangyari sa kanila kaya sa mga pinapalabas nilang replay ay binabaligtad para tingnan na talo ang katoliko, pero sa totoo at sa live coverage ay naku wala talaga, mula sa mga debate nila ni Bro Soc Fernandez, Atty. Marcelo Bacalso, Talibong at Karl Keating makikita na tagilid sila dahil makikita mo at lalabas ang katotohanan na ang simbahan nila ay tinatayo lang ng isa ng tao sa Sta. Ana Maynila sa taong 1914 at ito at pinatutunayan ng mga dokumento na nasa Securities and Exchange Commission, sa Philippine history books at pati na mismo ang kanilang magazine na PASUGO.
ReplyDeleteExactly.. that's the reason why they fight anyone who opposes them by AD HOMINEM...
ReplyDeleteThanks for your comments... God bless you.
Matagal na pong nasagot ang mga accusations ni Catholic defender sa blog sites tulad ng kay Readmeinc... paulit-ulit na lang ang threads ni catholic defender regarding this and most topics... catholic defender pakisagot na lang po yung hanging questions sa blog ni readme, kasi nagbabasa rin ako doon... thanks po..
ReplyDeleteBakit? Anong authority bang meron si README INC kundi puro opinyon lamang.
ReplyDeleteMay maibibigay ba kayong mga mungkahi na mga website ng INC para ma-double check namin kung totoo at opisyal ba ang mga pinagsasabi ng inyong Readme?
Bakit kapag may mga tanong kami, laging si README INC ang inyong tinutumbok para sagutin ang mga katanungan namin?
Anong merong kapangyarihan si Readme INC para sangunian namin siya ng Opisyal na kasagutan mula sa INC?
Ibig bang sabihin ay si README INC ay HINDI STUDYANTE kundi isang TAGONG MINISTRO na nagpapanggap lamang na ordinaryong INC member eh halos ang mga INC ay umaasa sa kanyang mga rebutal sa blog?
Aminin niyo na kasi kung sino talaga ang katauhan nitong si READMEINC para naman sulit namin siyang i-quote at least kilala namin kung sino itong taong ito-- MINISTRO ba o isang ordinaryong INC member tulad ko.
O baka si README ay siya rin si RESBAK, halos iisa ang tabas ng dila eh.
EWAN NAMIN
ReplyDeletethat's why God said in a verse "THE KINGDOM OF GOD IS WITHIN YOU"... hindi gawa ng tao o nice building.
ReplyDeletethat's why God said in a verse "THE KINGDOM OF GOD IS WITHIN YOU" .. it's personal most especially the SALVATION. not in the building made with the hands of men.
ReplyDeleteanu ba meron dito at nagtatalo lahat? anu ba relgion niyo?
ReplyDeletehayahay
new anonymous.. wala ako account kaya anonymous gamit ko