Si ReadMeINC (may ari ng http://iglesianicristoreadme.blogspot.com) kaya ay isa sa mga kapanalig ni Ka Jun Santos sa malawakang "Cover-up" ng katiwalian sa pananalapi sa loob ng Iglesia Ni Cristo® dahil siya ay direktang nagtatrabaho sa Opisina ng Pananalapi ng Central?
Malamang na kasabwat. Tingnan niyo kung paano na lamang ang kanyang pagsisinungaling para lamang MANGHINGI pala ng DAGDAG ABULOY para raw sa pagbili ng mga properties sa ibang bansa:
Alam nyo bang ang konstruksyon ng pagpapatayo ng mga bahay sambahan ng Iglesia ay umaabot humigit kumulang sa 100 sa isang taon? at magkano kaya ang tinatayang halaga ng 1 bahay sambahan?? Milyon milyon po! para sa mga di nakakaalam.
At sa ibang bansa, mas focus ng INC ang pagbili ng properties para gawing bahay sambahan sapagkat di ito tulad ng Pilipinas na napakamura pa ng lupa at pagpapagawa o mga materyales sa paggawa. Kaya kung may nakikita kayong lokal sa ibang bansa na kaparehas ng sa Pilipinas, napakalaking gastos po nito umaabot sa 7million dollars (estimated expenses ng planong itatayong bahay sambahan ngayon sa Los Angeles, California).
Hirit pa noon nitong tagong ministro sa kaniyang blog na INC Defenders Online (na deactivated na) na may pamagat na "PAGHAHANDOG WAG IKATISOD" (na ngayon ay hindi na rin makikita sa websearch at hindi ko rin nakuhanan ng screen shot) ilang ulit niyang sinabing ang Iglesia Katoliko ay "tuluyan ng BUMABAGSAK" daw at kailangan nilang DAGDAGAN ang kanilang KONTRIBUSYON o ABULOY dumarami raw sila at kailangang BUMILI ng mga LOTE o mga bahay sambahan.
Pero ngayon iba na ang sinasabi...
Pero ngayon iba na ang sinasabi...
Sa totoo lang, hindi ko ikinatutuwa ang katiwalian nangyayari ngayon sa loob ng INC™ tulad ng PAGSASAYA ni ReadMeINC sa mga masasamang balita tungkol sa mga paring Katoliko na inakusahan ng pagmamalabis.
Pero ano kaya ngayon ang ipagmalaki ni ReadMeINC sa balitang mas matindi ang katiwalian sa loob ng INC™ Central at mismong sa kanyang Departamento pa?
At dahil PILIT na INAALIS ang mga EBIDENSIYA laban sa kanyang mga naunang pahayag, ilang beses na yatang nagpalit ng blog itong si ReadMeINC kaya't burado na rin ang iba niyang mga posts.
Tapos kapag 'di nalagyan ng link o "Screen Shot" at 'di na mahanap o makita ang kanyang naunang mga articles eh sasabihin niyang "SINUNGALING" daw si Catholic Defender eh siya ang NAGBURA sa EBIDENSIYA at saka niya sabihing "singungaling" ako?!
Pero ano kaya ngayon ang ipagmalaki ni ReadMeINC sa balitang mas matindi ang katiwalian sa loob ng INC™ Central at mismong sa kanyang Departamento pa?
At dahil PILIT na INAALIS ang mga EBIDENSIYA laban sa kanyang mga naunang pahayag, ilang beses na yatang nagpalit ng blog itong si ReadMeINC kaya't burado na rin ang iba niyang mga posts.
Tapos kapag 'di nalagyan ng link o "Screen Shot" at 'di na mahanap o makita ang kanyang naunang mga articles eh sasabihin niyang "SINUNGALING" daw si Catholic Defender eh siya ang NAGBURA sa EBIDENSIYA at saka niya sabihing "singungaling" ako?!
Tapos bumalik lamang si ReadMeINC Abril 20, 2015 na buong pagmamalaking balik-TRENDING na raw ang kanyang blog:
Pero kapansin-pansin ang TIMING ng unang post niya matapos na siya'y pansamantalang nawala raw sa pagba-blog (dahil kaya sa crackdown na ginagawa noon ni Ka Jun Santos sa mga social media?).
Bumalik lang ulit siya sa pagba-blog noong April 25, 2015 isang linggo nang unang NAG-POST si G. Antonio Ebangelista nang pagsisiwalat sa mga katiwalian sa Iglesia Ni Cristo®:
Unang post ni ReadMeINC obvious na patungkol sa talamak na katiwalian sa Central ng INC™ |
Unang post ni G. Antonio Ebangelista, ang INC™ Ministro na nagsiwalat sa katiwalian sa loob ng INC™. |
BINURA ang mga EBIDENSIYA para kunyaring walang alam ang mga mambabasa.
Ganon na ganon din ang ginawa raw ni Ka Jun Santos sa www.loopnet.com nung in-advertise ng Iglesia Ni Cristo property FOR SALE sa Texas, USA, tapos ngayon eh nawala na sa website ayon pa rin kay G. Ebangelista.
Buti na lang at nakunan ni G. Antonio Ebangelista ng Screen Shot bago pa nila binura sa internet at sasabihing sinungaling si G. Ebangelista? Ngayon, kaya pa kayang i-cover up ni Ministro ReadMeINC ang mga pagbubunyag ni G. Antonio Ebangelista ukol sa talamak na kaimoralidaran ng mga Ministro sa Central?
Tungkol naman sa mga imoral daw na mga Ministro na naglilingkod sa INC™ Central, heto ang pagkasabi ni G. Ebangelista:
"Ang sabi nga ng isang Ministro sa Tanggapan ng Ka Radel Cortez na naalis sa Ministerio dahil sa “imoralidad”, at ng pagkabalik sa karapatan, wala pang isang taon ay kinuha na ng Ka Radel Cortez at ginawa niyang kalihim at Tagapagsiyasat sa kaniyang opisina, ang sinabi nya sa isang kasama naming Ministro, “Kung gusto mong manatili ngayon sa pagtitiwala ng Pamamahala (Sanggunian ang tinutukoy niya), kailangang matibay ang dibdib mo sa lahat ng bagay. Dapat kapag sinabi sayong GAWAIN MO ‘TO, sasagot ka agad ng OPO!"
"Tingnan ninyo ngayon ang bilang ng mga nababalik sa karapatan na Ministro at napupunta sa mas magagandang destino o kaya ay kinukuha sa Central para maglingkod sa iba’t-ibang Tanggapan, karamihan dun ay mga nagka-kaso ng imoralidad. Nakipagrelasyon sa ibang babae, pumatol sa menor de edad, nangalunya at naki-apid. Subalit agad na nababalik pagkalipas lang ng ilang taon, at ang masakit ay may ilan na hindi talaga naaksyunan, nalipat lang ng Destino kahit pa kaso ng imoralidad... Mga Ministrong napatunayan na kayang isaisang-tabi ang moralidad at Ministerial ethics ng dahil sa pansariling pakinabang o kaligayahan."
"Marami ang nagtatanong sa akin, bakit sa kabila ng mga lantarang nagaganap na pagbabago sa Iglesia na palala pa ng palala ay parang hindi yata ito batid ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan. Imposible naman daw ito. Kaya para malaman natin ang kasagutan ukol dito ay alamin natin, ano nga ba ang ISTRATEHIYA ng Sanggunian? Ang istratehiya nila ay isang mabisang “COVER UP” upang maitago ang lahat ng ito sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Tinitiyak nila na napapaligiran ang Ka Eduardo V. Manalo ng mga taong pinagtitiwalaan ng Sanggunian upang matiyak na hindi makakalusot sa kaniya ang kahit anumang impormasyon na maaaring makapagbunyag sa kanilang ginagawang pagmamalabis."
"Ang pinanatili nila sa pwesto sa mga Distrito sa Metro Manila at karatig na Distrito ay mga Tagapangasiwang kilala sa pagiging “mapanginoon”, “molestyador sa mga materyal na bagay”, “magaling mandaya ng ulat” at mga “sakim sa mahalay na pakinabang” at maaasahan (malakas “mag-abot”). Kaya nga kapag nagkaroon ng lifestyle check sa lahat ng mga Tagapangasiwa din sa mga Distritong ito ay malalantad din ang kanilang mga “hidden wealth”, “dummy bank accounts” at mga house and lot, condo units, mamahaling sasakyan na ipinangalan nila sa mga kamag-anak o dummies nila upang huwag ma-trace sa kanila... Ito rin ang “rationale” kaya maraming mabibilis na na-promote gaya ng Ka Romer Galang at ka Regalado Delos Reyes na dating nasa TV bilang tagapagsalita, naging Pastor ng Lokal ng Central. Paano sya tumalon sa pagiging Tagapangasiwa agad? Dahil sa napatunayan nya sa Sanggunian na handa siyang gawin ang LAHAT, kahit talikuran ang kaniyang sinumpaang katapatan sa Diyos.
"Marami ang nakakakila sa atin kay Ka Regalado Delos Reyes na isang mabait, malumanay at mapagpakumbabang Ministro…noon. Subalit ngayon, alam nating lahat (lalo nan g mga taga-Central) kung paanong nagbago na siya. Ang larawan ng Tagapangasiwang ito ngayon ay ang paging maypagka-panginoon, (kung magsalita at mag-utos sa mga maytungkulin at mga kapatid ang aakalain mo ay kung sino na) mahilig na rin sa pagnenegosyo at materyal na pakinabang, mayroon na rin syang mga alagang contractors, suppliers at mga “runners” at “bagmen” para sa ganitong mga iregular na aktibidad. At higit sa lahat, kaya sya nakapagbigay ng mabisang patotoo sa Sanggunian ay nang walang habas nyang pinaggigipit ang Mommy Tenny at ang Pamilya ng Ka Erdy. Alam ito ng mga ilang kapatid na nakasaksi kung paano sigawan, pagsalitaan ng masasamang salita ng Ka Rey ang Pamilya ng Ka Erdy.
"...ang Ka Jun Santos upang unti-unting itanim sa isip nila na ang pinaka-pinagtitiwalaan ng Tagapamahala ay ang Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. Siya ang “Representative” ng Ka Eduardo. Siya ang mukhang laging inilalabas sa mga palabas sa NET 25 at INC TV, maging sa mga pahina ng PASUGO GOD’S MESSAGE, siya ang laman ng mga interviews, siya ang laman ng mga video presentation/message sa mga Maytungkulin at kapatid sa buong mundo, siya ang nagpapadala ng mga Sirkular sa Pagsamba, siya ang gumagawa ng mga leksyon sa Pagsamba, siya na rin ang bigla biglang nagbabago ng laman ng leksyon, siya ang nangunguna sa Video Conferencing ng mga Ministro at Manggagawa, Siya ang nagpupulong sa mga Tagapangasiwa…
"...And that, my friends, is how you orchestrate THE GREATEST COVER UP OF THEM ALL.
Antonio Ebangelista
Nakakabinging Katahimikan ni ReadMeINC, INC™ Central Finance Officer ukol sa katiwalian sa pananalapi ni G. Glicerio aka Jun Santos (Jr), General Auditor ng INC™ Central
ReadMeINC, may masasabi ka ba sa mga alegasyong ito? Tahimik ang iyong blog tungkol kay G. Antonio Ebangelista? :)
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.