Heto na naman po ang isang paratang ng nagtatagong Ministro ng Iglesia ni Cristo. Ang pen name po niya ay "readme". at magugulat kayong hindi nga dapat "readme".
Sige na nga. Patulan na lamang natin ang kanyang mga rantings na nasusulat pa rin sa kanyang bagong blog na may pamagat na INC Defenders Online.
Ang pamagat ng artikulo ay "Mga Kadalasang tanong sa INC... (updated)" pero halos wala nang update mula ng i-post ito noong August 18, 2010. Heto ang kanyang panimula:
Mga Pang grade school na tanong sa Iglesia ni Cristo ng mga nanghuhulang hindi pa kaanib na simulat simula pa 1914 ay batikos na sa Iglesia.
Note: Hindi ko (namin) pinipilit na maniwala sa katotohanan ang mga taong naghahanap ng kasagutan(hindi pa kaanib), dahil choice nila yon kung magbubulag bulagan sila, hindi matanggap ang kasagutan sapagkat lubhang totoo, at sapagkat namulat sila sa kasinungalingan galing mismo sa mga tao sa kanilang simbahan at sa paniniwala sa mga paratang ng iba sa Iglesia...
Bawal walang common sense,Bawal i quote at bigyan ng maling pagpapakahulugan ang sinasabi ko,Bawal epal...
Own Terms: Epals (mga detractors ng INC na mga akusa ang alam, nagpapapansin lang pala)
pwede ninyong icomment sakin ang mga tanong na pang grade school, na napakapopular dahil panahon pa ni kopong kopong na batikos
"Epals" ang tawag niya sa mga nagku-question sa kanila.
Tutal wala rin namang bago sa mga sinasabi nila. Mabuti nga't "epals" lang ang tawag nila. Si Bro. Cenon Bibe nga ay pinapangalanang Demon Bibe, si Fr. Abe ay Padre Damaso ang tawag at lahat ng mga Catholic Defenders ay pinaparatangang "bading" dahil marami raw sa mga paring Katoliko ang may "ganong klase" ng seksuwalidad.
Iyan ang mga panimulang salaysay nitong "pang-grade school" na article ni readme. Tutal, ang excuse naman nitong si readme ay "estudyante" lang daw naman siya kaya't tanggapin na lamang natin ang level ng maturity at intelligence niyang pang "grade schooler" which is fair enough.
Tanong: Bakit ang INC ay nangopya ng aral at iba pa sa ibang relihiyon, kahit pati disenyo ng kapilya ng Mormon ay kinopya ng INC? Sagot: Ang INC kahit kaylan ay WALANG KINOKOPYANG DOKTRINA at iba pa sa IBANG RELIHIYON. Ito ay paninira lamang ng mga kulang sa pansin nating mga catholic defenders/ADD defenders at iba pang di pa kaanib. Dahil lang sa may napansin silang konting "PAGKAKAPAREHO" ibig sabihin ba ay NANGOPYA NA? Hal. Kung ikaw ay nagpagawa ng bahay, may cr sa sala, at ganun din ang kumpare mo, IBIG SABIHIN BA AY GINAYA MO ANG IDEYANG MAGPAGAWA NG CR SA SALA? ^_^ Isa pa, kung ang tanong sa exam ay 1+1 at ang tamang sagot ay 2, hal. ang sinagot mo ay 2, dahil alam mo ang tamang sagot, at ang kaklase mo malayo sayo ay sagot din ay 2 dahil parehas kayong matalino, at kayo lang ang nakasagot sa tanong, iyon ba ay isang maliwanag na NAGKOPYAHAN KAYO???^_^ Ang INC ay BIBLYA lamang ang batayan sa mga aral ng dyos, e hal. kung nakasulat naman talaga sa bibliya bawal pumatay, ibig sabihin ba KINOPYA NG INC ANG ARAL SA KATOLIKO? at dun sa disenyo ng kapilya, nd na kailangan na BAWAT DETALYE na mismo mga GUHIT sa kapilya, pagkakasunod-sunod ay nakasaad sa bibliya dahil WALA! Kung meron man, sana isinakatuparan na ito ng INC. Sapagkat ang mahalaga ay ang itatayong bahay sambahan ay para sa DYOS at maging kalugod lugod sa kanya! |
Napakahusay na analogy ang ginamit nitong si readme. Sa edad na limang taon, ito'y maituturing na excellent. So hayagan niyang sinabing "WALANG KINOKOPYANG DOKTRINA at iba pa sa IBANG RELIHIYON" itong Iglesia ni Cristo.
Ang TANONG: Totoo kaya?
Katulad ng paniwala ko, tumitibay ang isang salaysay kapag may mga SUMAKSI nito. Tulad na lamang ni Joseph Smith, wala siyang saksi na "tinawag" nga siya ng Dios para maging "Huling Propeta". Tanging ang mga "SAKSI" raw nila ay ang mga nakakita sa "Golden Plates" daw na ngayon ay dinala na sa kalangitan.
Ganon din naman kay Felix Manalo, wala siyang saksi. Tanging SIYA lamang ang nag-PROCLAIM sa sarili niya bilang "Huling Sugo" o "ANGHEL" at pinaniwalaan ng ilang mga tambay sa Santa Ana. Ang mga dilat ang mga mata ay hindi niya naakay. Maging ang mga magulang niya't kamag-anakan ay HINDI naging kaanib ng kanyang kulto.
Sa katunayan nga HINDI binyagang IGLESIA ang kanilang SUGO. Kaya't ang pagliligtas ay hindi matutupad sa kaniya ayon sa katuruan sa Iglesia ni Cristo de Manalo. At kung hindi siya maliligtas dahil hindi siya nabinyagan sa Iglesia ni Cristo, saan na kaya ang kanyang kaluluwa?
Ayon sa kanilang katuruan, DALAWA lang ang patutunguhan ng isang kaluluwa, kung HINDI sa kaligtasan, eh di doon sa DAGAT-DAGATANG APOY ng IMPIERNO.
Sa PAMANTAYANG iyan, sila na mismo ang nag-CONDEMN sa sarili nilang SUGO. Dahil "WALANG KALIGTASAN sa kaluluwang HINDI binyagang Iglesia ni Cristo."
Heto ang ilan sa mga KINOPYA ng Iglesia ni Cristo:
INC Temple = copied from the Mormon Temple
INC Tabernacle = copied from the Mormon Tabernacle
INC Huling Sugo = copied from Mormon's The Last Prophet doctrine
Total Apostasy = copied from Mormon's Total Apostasy Theory
INC Restored Church = copied from Mormon Restored Church concept
Christ a man only = copied from Arianism
Pope the anti-Christ = copied from the Seventh-Day Adventists
Rebulto ni Manalo = copied from the Catholic Church
Hindi kataka-taka ito sapagkat ang kanilang Sugo ay unang naging Katoliko, at naging Protestante. Naging mangangaral siya sa iba't ibang mga Iglesia Protestante At ang huling inaniban niya ay ang Adventista (Sabadista) kung saan niya nakuha ang aral ng "Anti-Cristo" daw ang Papa.
At bakit nasangkot ang MASONRY sa kanilang LOGO? Sapagkat minsan naging "ateista" o walang kinikilalang dios ang kanilang sugo bago niya natuklasang siya pala ay "hinulaan" sa Isaias.
Tanong: Bakit ang INC ang hilig itukoy na sa Pilipinas ang sinasabing "Far east", Pilipinas lang ba ang nasa Far east? Pwede namang sa Korea, Japan at iba pa, bakit sa Pilipinas, sinungaling ang ministro sa INC? Sagot: Ako naman ang magtatanong: Saang bansa ba may lumitaw na Iglesia ni Cristo o Church of Christ? Sa Korea ba? sa Indonesia kaya? eto pa, kung hindi INC ang sinasabi sa hula, anong RELIHIYON ITO, o samahang Kristyano na magmumula sa FAR EAST o EAST? Antay ko mga sagot ng mga EPALS ah.^_^ Ang INC ay naniniwalang sa amin, dito sa iglesiang ito natupad ang hula sapagkat wala naman akong alam na relihiyong kristyano na umusbong sa FAR EAST o EAST na TRUE CHURCH (except phil.) Hal. sa Korea, bakit, ano bang dominant belief ng mga tao doon? Mga EPALS, Go, sagot na! sa China kaya? sa Indonesia kaya? So, kung sinasabi na sa FAR EAST matutupad ang hula na lilitaw ang Iglesiang Kay kristo, Goodbye Catholic Church dahil sa Roma ito nagmula, at ang iba pang major Christian religion na nagmula halos lahat sa U.S. Totoo nga kayang sinungaling ang mga ministro ng INC pag BINABASA nila ang HULA sa BIBLYA o ang sinungaling ay ang mga di makatanggap tanggap ng katotohanang sa INC natupad ang hula?^_^ |
Tama. Ayon sa Wikipedia, ang mga bansang napapaloob sa FAR EAST ay:
China
Japan
Mongolia
Korea
Taiwan
Brunei
Cambodia
East Timor
Indonesia
Laos
Malaysia
Myanmar (Burma)
Papua New Guinea
Philippines
Singapore
Thailand
Vietnam
Russia
Bakit kaya wala man lang isa sa mga nakatira sa mga bansang nabanggit (maliban sa Pilipinas) ang nag-angkin ng FAR EAST sa Isaiah 46:11?
Sapagkat alam nilang ang tinutukoy na"Far East" na nasa Biblia ay hindi ang kanilang bansa. (Basahin ang Tumbukin Natin ni Cenon Bibe). Bukod niyan, HINDI nga naman KRISTIANO ang nakararami sa mga nabanggit na bansa maliban sa Pilipinas.
Tanging ang MANGHUHULA ng Biblia na si Felix Manalo lamang ang HIBANG at inakala niyang SIYA nga ang HINULAAN sa Isaias. Hindi niya napagtanto na ang pangalan ng ating bansa ay hango sa pangalan ng haring (Katoliko) nanakop sa ating bansa--si Haring Felipe ng EspaƱa.
Kung ang batayan pala ng pagiging Pilipinas ng "FAR EAST" ay kung ano ang dominant religion ng mga bansang nabanggit, eh para na ring SINABI ni readme na WALANG KWENTA ang Iglesia ni Cristo dahil hanggang ngayon ay MINORITY pa rin sila mula ng IREHISTRO ito ng kanilang SUGO noong July 27, 1914 bilang CORPORATION SOLE. Diyan pa lamang, dedo na ang kanilang "Far East" dream.
Hirit nitong readme:
"...sinungaling ay ang mga di makatanggap tanggap ng katotohanang sa INC natupad ang hula?^_^"
Tama nga. Ang hula sa Biblia ay NATUPDA nga sa INC kay Felix Manalo. Sabi nga sa Gal. 1:8 -
"But though we, or an angel from heaven, preach a gospel to you besides that which we have preached to you, let him be anathema. As we said before, so now I say again: If any one preach to you a gospel, besides that which you have received, let him be anathema."
Inulit ni San Pablo Apostol, ang sinuman ang mangaral ng "ibang aral" liban sa IPINANGARAL ng mga APOSTOLES, maging ANGHEL man siya (o nagpapanggap ng SUGO), siya'y dapat kamuhian.
Kaya't mula noong 1914 hanggang sa KASALUKUYAN, ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo ay TUMUGON sa panawagan ni Apostol San Pablo na "KAMUHIAN" ang isang taong NANGANGARAL ng ibang CRISTO, maging siya man ay (nagpapanggap) na Anghel (mula sa langit).
Ito ang dahilan kung bakit may mga CATHOLIC DEFENDERS!
Repost :
ReplyDeleteTama. Ayon sa Wikipedia, ang mga bansang napapaloob sa FAR EAST ay:
China
Japan
Mongolia
Korea
Taiwan
Brunei
Cambodia
East Timor
Indonesia
Laos
Malaysia
Myanmar (Burma)
Papua New Guinea
Philippines
Singapore
Thailand
Vietnam
Russia
--baka may nakaligtaan ka,, na nakasaad sa isaias na "mga pulo".. iisang bansa lng nmn ang sinasabi sa hula,, un ang pinas,, composed of 7000+ islands
Yung ba ang pinapaniwalaan ninyong sagot ni Felix Manalo sa mga pulo-pulong isla? Sayang naman ang talino mo kung maniniwala ka sa isang manghuhula ng biblia.
ReplyDeletePero masakyan kita. Bakit noong 1920 lang ipinangaral ni Felix Manalo na siya nga ang "Huling Sugo"? Bakit hindi ito inumpisahan matapos i-rehistro ang kanyang iglesia?
At kung siya nga pala ay isang "Huling Sugo" bakit hinayaan niyang ordenahan siya ng mga Pastor protestante na itinuturing niyang mga 'APOSTATES'? Ibig bang sabihin, gawa-gawa laman niya ang pagiging "huling sugo" niya at saka laman niya napagtanto na ang Isaias pala ay ang Pilipinas upang maging tugma sa kanyang gustong palabasin?
Ang tinutukoy sa Isaias ay hindi si Felix kundi si Haring Ciro ng Persia.
Basahin ang Ang Katotohanan Tungkol sa INK+1914
HARING CIRO DAW NG PERSIA ANG KINATUPARAN...NASA FAR EAST BA ANG PERSIA? NASA SOUTHWEST ASIA ANG PERSIA MR. DEFENDER... ANG LAYO NMAN...
DeleteMas malayo namang si Felix ang tinutukoy kahit na ang Far East ay sa Pinas pa hehehehe
DeleteIn my own interpretation. About the verse of Prophet Isaiah. It is about the gathering of the Children of God that even in farthest ends God will unite his Children to be one. It does'nt say about Felix Manalo, INC or even Far East Philippines.
ReplyDeleteThe Bible never specifies the Philippines. Or Felix Manalo and His INC. That would become a big contradiction in Christian History.
"Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa SILANGANAN... sa MGA PULO NG DAGAT."
ReplyDelete-ISAIAH 24:15
Hindi paba obyus na Pilipinas ang tinutukoy dito? :)
"Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa SILANGANAN... sa MGA PULO NG DAGAT."
ReplyDelete-ISAIAH 24:15
Hindi paba obyus na Pilipinas ang tinutukoy dito? :)