Ni BRO. MARWIL N. LLASOS, OP
[3] Faith of Our Fathers, p. 3.
The Faith of Our Father ni James Cardinal Gibbons: Isa sa mga referenciang ipinanggogoyo ng Iglesia ni Cristo (1914)
PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA TANDA NG KRUS PART I
Nakagawian na ng mga ng Iglesia ni Cristo (1914) mula pa kay Felix Y.
Manalo na gumamit ng mga lumang-lumang aklat-Katoliko bilang mga
referencia. Ang akala ng mga ministrong ito ay hindi mabibisto ang
kanilang pangloloko sa kapwa.
Sa kanilang Pandoktrina at Aklat Ng Mga Referencia, tatlo sa mga aklat-Katoliko na sinisipi upang makapanligaw ng kapwa ay ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced, Siya Ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD at Pananmpalataya ng Ating Mga Ninuno ni
Cardinal James Gibbons. Ang mga ito ay ginagamit nilang referencia para
mapanindigan ang kanilang mga paratang sa Iglesia Katolika.
Ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced: Isa pa sa mga ipinang-uuto ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo
Sa
kauulit-ulit ng kanilang mga maling paratang sa lahat ng kanilang
pamamahayag at pangangaral, tiwalang-tiwala naman sa kanilang ministro
ang miyembro ng Iglesia ni Cristo. Buong akala nila na nagsasabi
ng katotohanan ang kanilang mga ministro. Ang hindi nila alam, patuloy
silang ginogoyo at inililigaw ng mga bulaang mangangaral na ito.
Sapagkat
nabilog na ng mga ministro ang kakapiranggot na kokote ng kanilang mga
miyembro, may mga INC na buong yabang na nakikipagdiskusyon sa Internet.
Ngunit kung gaano sila kayabang, ganoon din sila kaduwag. Sila ay
nagkukubli sa mga alyas lamang. Tila baga ikinahihiya nilang malantad
ang kanilang tunay na katauhan. Nahihiya sila sapagkat hindi nila
mapanindigan ang mga palsong aral ng kanilang huwad na iglesia.
Kung
ano ang pamamaraan ng mga ministro, parang mga unggoy naman kung
gayahin ng mga miyembro. Kopyang-kopya ang mga argumento pati na ang mga
referenciang binabanggit sa pandodoktrina at pangangaral ng mga
ministrong mapagkunwari. Tila walang sariling pag-iisip ang mga miyembro
ng INC na sunudsunuran lamang sa kanilang mga ministrong nanliligaw sa
kanila. Akala ng mga ito ay hindi mabubuking ang maling pag-gamit nila
ng mga referencia. Salamat sa Dios at hindi sa lahat ng panahon ay
maikukubli ang katotohanan sa kadiliman.
The Splendor of the Church
Sa
comments section ng pamosong blog ni Reb. Padre Abraham Arganiosa, CRS,
nagkaroon ng pagkakataon ang inyong lingkod na sumagot sa mga
kumakaaway sa Santa Iglesia Katolika. Isa sa mga paksa ng diskusyon ay
tungkol sa pag-aantanda ng krus[1]
ng mga Katoliko. Bagamat nasagot ko nap unto por punto ang mga
paratang, minarapat ko na gumawa ng artikulo para sa ikababatid ng lahat
at upang ibulgar ang mali-maling pag-gamit ng mga referencia ng mga
tampalasang INC. Iisa-isahin ko ang mga pangunahing paratang ng mga INC
tungkol sa pag-aantanda o tatak ng krus.
Ang aktuwal na sipi mula sa mga paratang ng INC ay nasa pula samantalang ang aking sagot naman ay nasa itim.
Ayon sa isang duwag na INCDefender (naturingang tagapagtanggol pero ayaw makipaglaban ng harapan):
“Father
ng mga Katoliko, di pekeng quotation ang inilahad diyan, genuine
Catholic book ang: “Siya ang inyong pakinggan" "Ang aral na katoliko"
by: Enrique Demond, p.11." Punong-puno kayo ng kasinungalingan talaga.
Tanggapin nyo ang katotohanan, Trinity, Pag-antanda, Pagsamba sa Rebulto
at marami pang iba ay di utos sa bibliya bagkus ito ang mga tanda ng
mga Anti-Cristo! Malinaw na sinabi jan na wala sa Biblia ang
Pag-antanda, kinakalaban nyo ang sarili nyong aklat. Pity.... Hangga't
may oras pa tanggapin nyo ang katotohanan at umalis na kayo sa bulaang
relihiyon nyo.”
Tunghayan po natin ang pahina 11 ng Siya Ang Inyong Pakinggan ni
Padre Enrique Demond, SVD kung mababasa ang paratang nitong sinungaling
na INCDefender. Mga giliw naming mambabasa, kayo na po ang bahalang
humusga kung nasusulat nga sa pahina 11 ng nasabing aklat na binabanggit
diumano ng may-akda na ang Trinity, pag-aantanda, pagsamba[2]
(sic) sa rebulto at marami pang iba ay di utos ng Biblia bagkus ay ang
mga tanda ng mga Anti-Cristo. Tahasan po talaga kung magsinungaling ang
mga miyembro ng INC. Manang-mana sa kanilang amang Diablo (Jn. 8:44).
Malinaw din po na hindi marunong magbasa ang mga illiterate na ito!
Pansinin
po ninyo sa pahina 11 ng Siya Ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique
Demond, SVD na wala ang mga ipinaparatang ng Iglesia ni Cristo
Ang buong akala kasi ng nagpapakilalang INCDefender ay wala kaming kopya ng aklat na Siya Ang Inyong Pakinggan ni
Padre Enrique Demond, SVD. Sapagkat nabutata ang INCDefender na ito at
napatunayan nating hindi nakasulat sa pahina 11 ng nasabing aklat ang
mga binabanggit niya, imbes na humingi ng paumanhin ay walanghiyang
bumaling sa ibang aklat at gumamit ng ibang pangalan. Ngayon naman
nagtatago na naman siya sa tawag na TruthShallSetYouFree. Ano ang palusot ng sinungaling at tampalasang INC na ito?
“Banggit
kayo ng banggit ng pahina 11, sa edisyon ng librong hawak nyo wala nga
yan sa pahina 11, pero nasa ibang pahina ayaw nyo lang buksan ang
katotohanan. Mga kaawa-awang nilalang!!”
Pansinin
po ninyo kung gaano katarantado ang pamamaraan ng pakikipag-diskusyon
ng INC na ito. Inamin din na wala sa pahina 11 at nasa ibang pahina daw.
Saang pahina aber? Walang maibigay na pahina ng Siya Ang Inyong Pakinggan. Paano
makapagbibigay ng pahina eh wala naman siyang kopya ng nasabing aklat.
Namumulot lamang sa mga tingi-tinging sipi mula sa mga mapanlinlang na
ministro. Kaawa-awa at kaaba-abang mga nilalang ang INC. Mga nagoyo ng
mga ministro nilang mapagkunwari!
Ang
INC nga naman. Buking na nagpapalusot pa. Nung nasukol sa unang
referenciang ginamit, parang palos na nagpalusot pero lalong nagusot:
“Sigurado ako na wala kang kopya ng aklat na ito sapagkat wala sa pahina 11 ng nasabing aklat ang mga ipinaparatang mo”
Ito
oh: Malinaw nasa pahina 21 na sinasabing wala sa Bibliya ang
pag-aantanda: "we form on our foreheads the sign of the cross. These
practices are not commanded by a formal law of SCRIPTURE; but tradition
teaches them...”
Siya
ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD: Isa sa mga
paboritong referencia ng INC para ilako ang kanilang mga paratang laban
sa mga Katoliko
Nasa pahina daw ng Siya Ang Inyong Pakinggan samantalang ang ibinibigay niyang sipi ay mula sa The Faith of Our Fathers ni
James Cardinal Gibbons. Ang miyembro ng INC na nauto ng ministro ay
nang-uuto din. Kung ano nga ang puno siya rin ang bunga. Talagang iisa
ang likaw ng bituka ng mga Manalistang ito.
Buong akala na naman ng sinungaling na si TruthShallSetYouFree ay wala kaming kopya ng The Faith of Our Fathers ni Cardinal James Gibbons. Sinasabi daw dun sa pahina 21 na “wala sa Biblia ang pag-aantanda.” Illiterate
nga itong INC na ito. Hindi marunong bumasa (kung may kopya nga siya ng
libro at hindi namumulot lamang sa pira-pirasong sipi ng kanyang
ministrong manloloko). Una, wala sa pahina 21 ng The Faith of Our Fathers ang tungkol sa pag-aantanda ng krus. Pangalawa, walang binabanggit doon na “wala sa Biblia ang pag-aantanda.” Talagang
salat na salat sa unawa ang mga INC na ito na nagoyo ng kanilang mga
ugok na ministro. Pangatlo, hindi si Cardinal James Gibbons ang
nagbanggit ng “These
practices are not commanded by a formal law of scripture; but tradition
teaches them, custom confirms them, faith observes them”[3] kundi ang sinaunang Kristiyano na si Tertullian. Kasama ang mga nasabing kataga sa patotoo ni Tertullian na “In
all our actions, when we come in, when we dress, when we wash, at our
meals, before retiring to sleep, … we form on our heads the sign of the
cross.” Talaga
ngang hindi marunong magbasa ang mga INC na ito. Hindi nila tinitingnan
na nasa quotation marks ang mga salita ni Tertullian na nagpapatotoo na
ang mga sinaunang Kristiyano ay may pagtatatak na ng krus. Nakalagay
din sa footnote 9 ang pinagsipian ni Cardinal Gibbons mula sa panulat ni
Tertullian na De Corona, C. iii. Kaawa-awa ang mga mangmang at nabubulagang INC!
Pansinin po ninyo na walang binabanggit si James Cardinal Gibbons na wala sa Biblia ang pag-aantanda
Sinabi
ba ni Cardinal James Gibbons na wala sa Biblia ang pag-aantanda? Hindi
po at walang-wala kang mababasa sa kaniyang aklat na sinasabi niya iyon.
Bunga lamang ng ilusyon ng mga INC na hindi marunong magbasa. Hindi ni
minsan sinabi ni Cardinal Gibbons na wala sa Biblia ang pag-aantanda
gaya ng desperado at pilit na pinalalabas ng INC. Sa katunayan, nagbigay
siya ng pinagbabatayan sa Biblia kung bakit ang mga Katoliko ay may
pag-aantanda ng krus:
“The
Cross is held in the highest reverence by Catholics, because it was the
instrument of our Savior’s crucifixion. It surmounts our churches and
adorns our sanctuaries. We venerate it as the emblem of our salvation.
“Far be it from me,” says the Apostle, “to glory save in the cross of
our Lord Jesus Christ” (citing Gal. 6:14 in footnote 8). [Faith of Our Fathers, p. 2]
Ang Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno: Tagalog na salin ng The Faith of Our Fathers ni James Cardinal Gibbons
May
biblical na pinagbabatayan si James Cardinal Gibbons taliwas sa palsong
pag-aangkin ng INC. Ang mga biblical na batayan ng tanda ng krus ay mas
mapapalawig pa sa mga susunod na yugto ng pagbubunyag na ito.
Pansamantala, napatunayan na naman natin ang nakakarimarim at
kagilagilalas na pagsisinungaling ng huwad na Iglesia ni Cristo.
Ang
mga paratang ng Iglesia ni Kristo laban sa Iglesia Katolika ay pawang
mga katha at guni-guni lamang kaparis ng kuwentong ito na bumuhay (daw)
ng patay si Felix Manalo. Saan ang dokumento na magpapatunay na may
patay na binuhay si Felix Manalo?
[2]
Paulit-ulit na parang sirang plaka anf paratang na ito ng INC.
Ilang-ulit na nating nasagot ito ngunit hindi pumapasok sa mapurol na
utak ng mga Manalista.
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.