Read, PART IV, PART III, PART II, PART I
Inaalayan ng bulaklak si Felix Manalo at ang Pangulong Diosdado Macapagal at binibigyan ng parangal
May isang nauto ang mga ministro ng Iglesia ni Cristo na ang pangalan ay ALLAN JOSE DIGIDI. Buong akala ng natansong miyembrong ito ng INC na nagpaskel sa wall ng Facebook account ko ng isang video mula sa Youtube na ang pamagat ay “Kung Bakit ang IGLESIA NI CRISTO Walang Imahen o Rebulto.”[1] Makailang ulit na po nating nabuking ang mga kasinungalingan at pangloloko ng mga ministro ng INC sa pag-gamit nila ng mga pekeng referencia para lamang mapatunayan ang paborito nilang paratang na sumasamba ang Iglesia Catolika sa mga larawan.
Si Felix Y. Manalo ang tagapagtatag at ulo ng Iglesia ni Cristo
Isa po sa mga referenciang ginagamit ng mga sinungaling na ministro ng INC ay ang diumano’r Catecismo na isinalin sa Tagalog ng paring si Luis de Amezquita. Sinisipi nila ang diumano’y makikita sa pahina 79 at 82 ng nasabing aklat. Anila, mababasa sa mga pahina ang mga sumusunod:
"Sabi ni Fr. Syndicus at Fr. De Amezquita ay dapat sambahin ang larawan.
"Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa isang Krus o mahal na larawan.
"Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa isang Krus o mahal na larawan.
Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar, magwika ka ganito: "Sinasamba kita,"
Catesismo: Tinagalog ni Padre Luis de Amezquita p. 79 at 82."
Catesismo: Tinagalog ni Padre Luis de Amezquita p. 79 at 82."
Panggogoyo ng INC: Binabanggit daw sa pahina 79 at 82 ng Catecismo na tinagalog ni Padre Luis de Amezquita ang mga salitang "Sinasamba kita."
Bago nating pasambulatin sa pagmumukha ng mga ministro ng INC ang kanilang mga kasinungalingan, iwawasto natin na ang tunay na pamagat ng Catecismo ni Padre Luis de Amezquita ay “Catecismo: na pinagpalamnan ng mga pangadyi at maikling kasaysayan na dapat pag-aralan nang taong cristiano.” Ito po ay inilimbag noong 1933 ng Libreria Y Papeleria de P. Sayo vda. De Soriano, sa Rosario No. 225, Binondo y Azcarraga, No. 552, Tondo, Manila, I.F.[2]
Doble-doble kung magsinungaling ang Iglesia ni Cristo. Palibhasa manang-mana sa ama nilang Diabo na walang ni isang katiting na katotohanan. Dalawa po ang pangloloko ng mga ministrong halang ang kaluluwa.
Pansinin po na walang binabanggit sa pahina 79 ng Catecismo ang mga katagang "Sinasamba kita"
Una po, ayon sa TV screen, makikita na hinango daw ang halaw mula sa aklat ni Padre Amezquita sa pahina 79 at 82. Ngunit pansinin po natin ang mga nalalahad sa pahina 79 at 82 ng Catecismo.
Sadyang mga illiterate ang mga ministro ng INC. Mga hindi marunong magbasa. O talagang sadya lamang na mapanlinlang at singungaling. Basahin po ninyo at suriing maigi kung makikita ninyo sa mga pahinang binabanggit ng INC na wala ang kanilang binabanggit na halaw. Eh nasaan?
Wala rin po sa pahina 82 ng Catesismo ang mga salitang "Sinasamba kita."
"Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa isang krus o mahal na larawan.
"Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar, magwika ka ganito: "Sinasamba kita,"
"Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar, magwika ka ganito: "Sinasamba kita,"
Ano naman po ang aktuwal at tunay na nasasaad sa Catecismo? Tunghayan po natin:
"Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng isang Cruz o ng isang mahal na larawan. Mangyaring mag Ang tanda ka muna at saka magdasal ng tatlong Ama namin sa Santisima Trinidad. Sa Dios Ama, ay hihingi ka ng pananampalataya ..."
Sa pahina 96 po ng Catecismo matatagpuan ang pamagat na "Sa pagbangon." Pero saan po dito nahablot ng mga ministro ng INC ang mga salitang "Sinasamba kita"?
Suriin po natin ang talamak at walang hiyang panggagantso ng mga ministro ni Manalo. Pansinin po ninyo ang mismong sinabi ni Padre Aezquita. Wala pong binabanggit na “Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar, magwika ka ganito: "Sinasamba kita…"
Wala ho, walang wala. Sadyang nagdagdag na naman po ang mga dalubhasa sa “dagdag-bawas” na mga ministro ng INC. Hindi na po talaga tinatablan ng hiya ang apog ng mga tampalasang ito. Nuknukan talaga sila ng kasinungalingan palibhasa kasi manang-mana sa ama nilang Diablo (Jn. 8:44).
Desperadong idinadagdag lang ng mga mapanirang ministro ng INC ang mga salitang “SINASAMBA KITA” para lamang maipalabas niya na dinidiyos ng mga Katoliko ang mga rebulto. Walang magawang matino sa buhay ang mga halang ang kaluluwang mga ito. Salamat sa Dios at walang lihim ang hindi nabubulgar. Pansinin po ninyo sa tunay at orihinal na referencia ay walang binabanggit na “Sinasamba kita.” Gawa-gawa o imbento lamang ng nga ministrong alipores ng kadiliman na bihasang-bihasa sa pagsisinungaling at panggogoyo sa kapwa. Husto na ang katampalasanang ito. Bistado na kayo!
Sino ang may katha ng kasinungalingan at panglolokong ito? Walang iba kundi si Felix Y. Manalo sapagkat ayon sa Pasugo, lahat ng mga itinuturo ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo ay si Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila. Tunay nga na kung ano ang puno, siya ang bunga. Puro kasinungalingan at panlilinlang lamang ang binalangkas at itinuro ng pekeng anghel na si Felix Manalo. Ganyan ba ang "Sugo" ng Dios na sinungaling? Hindi po kundi sugo ng kanyang amang Diabo (Juan 8:44).
[4]
http://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/pageviewer-idx?c=philamer;cc=philamer;rgn=full%20text;idno=aps8658.0001.001;didno=aps8658.0001.001;view=image;seq=00000084.
http://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/pageviewer-idx?c=philamer;cc=philamer;rgn=full%20text;idno=aps8658.0001.001;didno=aps8658.0001.001;view=image;seq=00000084.
The silence of the Manalistas regarding this issue is deafening...
ReplyDeletekahit di neo man aminin na sumasamba kayo sa mga larawan at rebulto, nakikita naman sa telebisyon ang mga ganitong gawain.. Bakit deny kayo ng deny, totoo naman na sinasamba neo mga rebulto ah! inaalayan ng bulaklak, sinasayawan, niluluhuran, hinahalikan, at dinadasalan! anong tawag neo jan? di ba pagsamba yan sa mga bato at kahoy! tingnan neo na lang yong fiesta ng nazareno, halos magkadamatay na sila para lang makahipo sa itim na nazareno.. deny kayo ng deny dyan samantalang totoo naman.. nakikita po namin, di namin kailang mangbintang sa mga bagay na ito kasi kitang kita mo namin ginagawa neo sa mga rebulto at larawan pati mga santo at si maria, pinagsasamba neo na.. tatak paganismo talaga.. aminin neo na kasi para di na humaba.. pag dinedeny neo pa kasi, lalo kayong maiipit sa kahihiyan!
ReplyDeleteSomebody told me probably he/she was an INC member that the reference they (INC) using was a REVISED EDITION of the Catechism of Padre Amezquita... :)
ReplyDelete