Ulat mula pa rin kay G. Antonio Ebangelista (hindi niya tunay na pangalan), Ministro ng INC™, patungkol sa "Leksiyon sa Pagsambang Sabado at Linggo: May 2/3, 2015"
April 30, 2015
ITULOY ANG PAGBABASA RITOMga mahal na Kapatid,
Marahil po ay kumalat na sa inyong Lokal ang issue na ititiwalag na daw po ang magkapatid na Ka Angel and Ka Mark Manalo. At narito po ang leksyon na kanilang pinabalangkas kay Kapatid na Dan V. Orosa upang bigyan ng “justification” ang kanilang gagawing pagtitiwalag sa magkapatid at sa lahat ng sinumang magkukwestyon sa Sanggunian.
Bago po ninyo ito basahin, nais po naming ipabatid sa inyo na ang leksyon na ito ay ginawa ng Kapatid na Felix Y. Manalo, ang sugo ng Diyos sa mga huling araw na ito. At upang matanggap natin ito ng buong galang at pagkaunawa ay isinangguni ko po ito sa mga kaibigan kong mga Tagapangasiwa at mga Ministro upang malaman ang kanilang pananaw ukol dito.
Wala po kaming anumang tutol sa hanay ng Sugo sa leksyong ito, wala rin po kaming tutol sa nilalaman ang mga talata, ang nais lang po naming ipapansin sa inyo ay kung paanong ginamit itong leksyon na ito ng Sugo upang bigyan ng sapat na dahilan ng Ka Dan. V. Oras na hindi dapat batikusin, punahin at kwestyunin ang mga Taga-Sanggunian dahil katumbas daw ito ng paghihimagsik sa Sugo at sa Pasugo at tatanggap ng kaparusahan gaya ng binabanggit sa mga talata ng Biblia.
Ang mga komento po ng mga kasama po naming mga Tagapangasiwa at mga Ministro ay nakapaloob sa [***…***]. Minarapat po naming hindi na muna sabihan ang pangalan ng mga tapat na Ministrong ito upang huwag silang mapag-initan ng mga taga-Sanggunian. Narito na po ang Leksyong pang Sabado at Linggo:
ANG IBUBUNGA SA MGA KAPATID NA MAY PAGHIHIMAGSIK SA SUGO AT SA PASUGO
ISYU
Ang Diyos ang tuwirang kinakalaban ng sinumang kapatid na naghihimagsik o lumalaban sa Sugo at sa pasugo Niya at ito ay kaniyang ikapapahamak....
Mga mahal na kapatid, lalo po nating pagibayuhin ang ating pagpapanata sa Ama upang kahabagan nya ang buong Iglesia sa pangunguna ng ating pinakamamahal na Kapatid na Eduardo V. Manalo. Nawa ay ihayag na ng Panginoong Diyos sa Tagapamahalang Pangkalahatan ang lahat ng mga katiwaliang nagaganap ngayon sa pangunguna ng mga taong pinagtiwalaan nyang mangalaga sa Iglesia, ang Sanggunian. Sana ay protektahan ang Kapatid na Eduardo V. Manalo mula sa lahat ng uri ng panganib sa kaniyang paligid at manatiling malakas at makapangyarihan upang magabayan nya ang buong Iglesia sa ganap na pagbabagong buhay at paglilinis sa loob ng Iglesia at papanumbalikin ang Iglesia sa kaniyang malinis at walang dungis na kalagayan. Diringgin lang tayo ng Ama kung sakaling buong kababaang loob tayong mangungunyapit sa Kaniya at aasa na Siya lamang ang maaaring makatulong sa atin lalo na sa panahong ito na laganap ang mga kumakaaway sa Iglesia sa loob at labas nito, marami ang nagnanais namanamantala sa Pamamahala at sa Iglesia. Kapag sama-sama tayong dudulog at magmamakaawa sa Panginoong Diyos, tutuparin Nya ang Kaniyang pangako sa Kaniyang bayan, diringgin Nya tayo sa ating pagmamakaawa at ihahayag Nya ang lahat ng mga taong tampalasan upang huwag na silang makapinsala sa Iglesia, sa ganoy manunumbalik ang kapayapaan at katiwasayan sa ating mga paglilingkod sa Ama, lalung lalo na sa ating mga pagtupad ng Tungkulin. Kahabagan nawa tayo ng Ama at ingatan tayo mula sa lahat ng mga nais na puminsala sa atin at sagkaan ang ating layunin na maibalik ang Iglesia sa kaniyang malinis at maningning na kalagayan.
Maraming salamat po.
Antonio Ebangelista
Nasaan kaya si Cristo sa pinaglalaban nilang ito samantalang ang tawag sa kanilang samahan ay "Iglesia Ni CRISTO"!?
Lumalabas na Iglesia nga ito ni Manalo sapagkat mga Manalo rin ang namamahala at nagpapatupad at nangangalaga ng lahat ng kanyang gampanin.
Ano ngayon ang role ni "Cristo" sa "Iglesiang" ito? Parang lumalabas na si Cristo ay tulog na naman at walang paki sa nangyayari tulad ng kanilang bintang na NATALIKOD NA GANAP daw ang tunay na Iglesia ni Cristo- ang Iglesia Katolika.
Sa gayon, lumalabas na nagpabaya nga si Cristo sa loob ng libong taon upang ito'y matalikod na ganap! At ngayo'y NAGPAPABAYA na naman ULIT si Cristo at nagkakagulo na ang "kanyang" iglesiang lumitaw sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanya raw na "Huling Sugo"...
Napaka-pabaya naman ng kanilang "Cristo"--- laging tulog sa pansitan. Manhid at walang pakialam sa kanyang "iglesia"! At nanganganib na matatalikod na naman ang pangalawang iglesia niya at magtatatag na naman ng bago... at saan kaya ito susulpot na naman? At sino kaya ang magiging sunod na susuguin niya?!
Sa gayon, lumalabas na nagpabaya nga si Cristo sa loob ng libong taon upang ito'y matalikod na ganap! At ngayo'y NAGPAPABAYA na naman ULIT si Cristo at nagkakagulo na ang "kanyang" iglesiang lumitaw sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanya raw na "Huling Sugo"...
Napaka-pabaya naman ng kanilang "Cristo"--- laging tulog sa pansitan. Manhid at walang pakialam sa kanyang "iglesia"! At nanganganib na matatalikod na naman ang pangalawang iglesia niya at magtatatag na naman ng bago... at saan kaya ito susulpot na naman? At sino kaya ang magiging sunod na susuguin niya?!
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.