Maraming salamat at may "bukas-loob" pa lang na kaanib ng Iglesia ni Cristo (1914) na nais malaman ang katotohanan tungkol sa Iglesiang kay Cristo-- ang Nagkakaisang Iglesia Katolika Apostolica. Siya ay nagpakilala sa pangalang "allan". Sana marami pang katulad ni Ginoong allan ang marunong makipag-usap ng matiwasay. Halatang may pinag-aralan itong si G. allan dahil ayon sa kaniya dati raw siyang "Katoliko."
sabi ni allan, kaanib ng INC:
ang akong katoliko na depensor ng kanyang pangalan. kung paano ang mga pari noon ay sinasabing pera pera lang ang INC pero ang totoo pala ay sila ang ngkakamal ng malaking pera. Sana mabasa ninyo ang Vatican Billions ni Avro Manhattan. Nkakasuka talaga ang katotohanan hindi ba? At ung korapsyon na kasama ang mga pari ng Iglesia Katolika katulad na lang ng Monte De Piedad alam niyo kaya ito. Di ba tunay namang may bangko na gayun ang pangalan. Maraming mga lihim na dapat na isiwalat sa publiko na ito rin nman ang tunay na battlecry ni Jose Rizal kaya bayani talaga siya dahil inexpose niya ang kabulukan ng simbahan at pulitika na namamayani noong panahong kastila. Meron siyang huling aklat ang "makamisa" na nagpapatunay na lalong bulag na pamumuhay katoliko ng mga pilipino noon ang hilig nito sa pagsisimba sa mga rebultong hindi naman makapgsalita at ginagamit na pera perahan ng mga pari sa kanilang tusong pamamaraan ng mga himala at panloloko sa mga tao ng mga agua bendita at mga See more... oracion ng kaluluwa sa purgatoryo. hindi ba ito lalong nakakapanginig ng balahibo - na ang lahat ng mga nagsisigawa ng mga kasinungalingang ito ay mapapahiya lamang pagdating ng paghuhukom marpat lang na parusahan sila spagkta husto na ang inilagi ng kanilang kabulukan na hanggang sa langit ang ksalanan. |
Ang iyong malayang pagtalikod sa pananampalatayang Katoliko ay isang PATUNAY lamang NA INIINGATAN ni Cristo ang kanyang Iglesia laban sa mga MAPAIMBABAW" at mga "balat-kayo" or sa ating karaniwang panananalita ay "PLASTIK" katulad ni Martin Luther, Felix Manalo at ng kanilang mga kampon. Hindi hinahayaan ni Cristo na may mga "LASON" at "KALAWANG" sa kanyang Iglesia. Ito'y ipinangako niya sa Mt. 16 ng sinabi niyiang "HINDI KAILANMAN" magagapi ng impierno ang KANYANG IGLESIA.
Ibig sabihin ng KAILANMAN ay MAGPASAWALANG-HANGGANG mula noong 33 A.D. hanggang sa kasalukuyan (2,010 A.D) ay HINDING-HINDI MATATALIKOD ang KANYANG IGLESIA. Kaya't lalong lumalabas na PEKE ang iglesiang tatag ni Felix Manalo sa Pilipinas na ipina-rehistro niya bilang "Corporation Sole" noong Hulyo 27, 1914.
The history of the Catholic Church is traced by the Catholic Church to apostolic times. The history of the Catholic Church is an integral part of the history of Christianity and of Western civilization... (Wikipedia)
Hindi na bago sa amin ang mga tumitiwalag. Sa katunayan maraming hindi nakasunod kay Cristo. Si Hudas Iscariote ay isa sa mga nagkanulo sa Panginoon at marami pa sumunod sa kanya. Narian si Arius, Nestorius, Martin Luther, Gregorio Aglipay, Felix Manalo. At ang karamihan sa mga tumiwalag ay nagtatag ng sarili nilang mga "iglesia" at nagturo ng kani-kanilang mga paniniwala na hindi naman ayon sa katuruan ng tunay na Iglesiang kay Cristo at sa Dios.
Ang Iglesia ni Cristo (33 AD) ay hindi nagtitiwalag ng kaanib. Ang mga tumitiwalag ay kusang umaalis na lamang. Tunay nga na ang alagad ng kadiliman ay hindi kailan man makakatagal sa kaliwanagan ng kanyang ng aral sa tunay na Iglesia.
Sa Iglesia Katolika ni Cristo walang sapilitan. Ang paniniwala sa Katolisismo ay may kalayaan. Accept it or leave it ika nga. Tulad ng nasabi ko, panahon pa ni Cristo ang pagkakaron ng mga tumatalikod. Katulad na lamang ng mga tumalikod kay Cristo nang itinuro niyag 'TUNAY NA PAGKAIN AT INUMIN ANG KANYANG LAMAN AT DUGO." Ganon din ang ginawa ng mga "paimbabaw" at mga "balat-kayo" kaya sila'y nagsialisan. Nilayasan nila si Cristo at iniwan ang kanyang Iglesia.
Then many of his disciples who were listening said, "This saying is hard; who can accept it?" Since Jesus knew that his disciples were murmuring about this, he said to them, "Does this shock you? What if you were to see the Son of Man ascending to where he was before? It is the spirit that gives life, while the flesh is of no avail. The words I have spoken to you are spirit and life. But there are some of you who do not believe." Jesus knew from the beginning the ones who would not believe and the one who would betray him. And he said, "For this reason I have told you that no one can come to me unless it is granted him by my Father." As a result of this, many (of) his disciples returned to their former way of life and no longer accompanied him. Jesus then said to the Twelve, "Do you also want to leave?" -John 6:61-67
Hindi ba't ganyan na ganyan din nga ang ginawa ni Hudas, Arius, Nestorius, Martin Luther, Gregoria Aglipay at ni Felix Manalo at ng iba pang mga Protestante. Hindi nila matanggap ang mga katuruan ng Santa Iglesia kaya sila'y nagparaya at nangaral ng sarili nilang version. Bagamat iba't iba ang kanilang mga katuruan nagkakaisa naman sila laban sa Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo ayon sa Pasugo.
Mali ang ikumpara mo ang Sovereing State of Vatican sa Iglesia ni Cristo sa Pilipinas sa kahit na anong larangan dahil wala sa kalingkingan ng Central ng INC ang State of Vatican.
Ang Vatican State ay isang Sovereign State. Sa madaling sabi, ang Estado ng Vaticano ay isang MALAYANG BANSA katulad ng lahat ng mga bansang napapaloob sa United Nations. Uulitin ko, ISA PO SIYANG BANSA. Kaya't marapat lamang na mayron siyang alituntunin sa pananalapi at ekonomia na kinikilala ng buong mundo. Kaya't ang pakikitungo nito sa iba pang mga Sovereign States ay saklaw ng pagiging kasapi nito sa Nagkakaisang mga Bansa (United Nations).
Ang Estado ng Vatican ay napapaloob sa United Nations at ito ay may mga Diplomatic ties sa iba't-ibang bansa sa America, sa Europa, sa Asia, maging sa mga Islamic countries tulad ng Egypt, Iraq, Turkey, Qatar, UAE, Jordan, Syria, Palestine, Lebanon, Yemen, Iran etc.
Ayon sa Wikipedia ang Vatican State ay mayroong kinitang 355.5 million US$ noong 2008 ngunit gumastos ito ng 356.8 million kaya't nagkaroon pa nga ng deficit.
Marahil ang tinutukoy na "billion" nitong kaanib ng INC ay ang "worth value" ng mga artifacts and paintings na nasa loob mismo ng Vatican City buildings.
Kung may"billion" mang pera ang Vatican ay HINDI PERSONAL NA PAG-AARI ni Joseph Ratzinger (ngayon ay Papa Benito VXI) o ng kanyang kamag-anakan sa Bavaria, Germany. At lalong hindi ito pag-aari ng kahit sinong Cardinal, Obispo o pari. Ito'y pag-aari ng BUONG SANTA IGLESIA. Nakalaan ito para sa buong Santa Iglesia at ng kanyang mga gawain espiritual. Ang Monte de Pidead ay pag-aari ng Archdiocese of Manila at hindi ang buong Santa Iglesia. Hindi ito personal na pag-aari ng yumaong Cardinal Sin o ng kanyang mga kamag-anak. At lalong hindi ito mamanahin ng kahit sinong Obispo sa Archdiocese of Manila.
Hindi naman natin pwedeng linlangin ang sarili natin dahil sa ating kamang-mangan sa kasaysayan. At lalong hindi naman kami kayang linlaning sa pamamagitan mga umiikot an "conspiracy theories" na binibili naman ng mga
kumakalaban sa Iglesia ng Dios-- ang Iglesia Katolika. Alam naman ng lahat na ang Iglesia ni Cristo (1914) ay tatag ni Felix Manalo. Tanging ang mga nagbugulag-bulagan lamang ang hindi nakakakita at nakakaalam nito.
At dahil si Manalo ay ang NAGTATAG nito, walang duda na ito'y pag-aari NIYA. Kaya't hindi nagtaka ang Pilipinas ng ILUKLOK NITO SI EDUARDO MANALO bilang bagong Executive Minister ng INC.
Sa Vatican, kapag namatay ang Santo Papa, dali-dali ang mga tao at di makahintay kung sino ang hihiranging bagong kahalili ni San Pedro sa kanyang pamumuno sa Santa Iglesiang pinagkatiwala ni Cristo sa kanya "And thou art PETER and upon this rock I will build my Church (not churches) and the gates of hell WILL NOT prevail against it. I will give you the keys of the Kingdom of heaven. Whatsoever you bind on earth shall be bound in heaven. Whatsoever you loose on earth shall be loosen in heaven (Mt. 16: 16-18). Dahil HINDI MINAMANA ang pamumuno sa tunay na Iglesia ni Cristo (33 A.D.).
Ito'y napapatunayan sa pamamagitan ng kanilang Executive Minister. Nauna si Felix Manalo. Ipinamana kay Eraño at ngayon ay pinapamahalaan ni Eduardo na anak ni Eraño na apo ni Felix Manalo. Tunay nga ang nagtatag at marapat lamang na sa kanya ang itinatag at ng mga ari-arian nito.
Tumpak ang sinabi ng PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Ayon sa mga secular sources, si Felix Manalo nga ang nag-tatag ng INK.
Wikipedia said:
Felix Y. Manalo officially registered the church as a corporation sole with himself as executive minister on July 27, 1914[17] and because of this, most publications refer to him as the founder of the church.
Brittanica Encyclopedia says:
Its members assert that the early Christian church was restored in God’s chosen nation, the Filipinos, when Felix Manalo launched this church in 1914. Rapid growth after 1945 produced some 600,000 members by the late 20th century, imposing chapels throughout the nation, and a wealthy centralized organization (emphasis mine).
Bagamat may kalayaan namang magsulat ang mga Editors ng mga nasabing mga babasahin pero WALANG NAGTANGKANG sabihin na si Cristo ang nagtatag ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas. Bakit kaya? Sapagkat ayon sa FACTS OF HISTORY si Felix nga ang nagtatag nito. Period!
"Napapakanginig-balahibo" nga ang sumasamba sa mga dius-diyosan tulad ng ginawa nitong kaanib ng INC. Katoliko raw siya noon pero pumupunta pala siya sa Simbahan para sambahin ang mga rebulto doon. At ang buong akala niya ay dios ang mga rebultong iyon. Kaawa-awang nilalang. Saan kaya niya napulot ang mga aral na iyan? Pero sigurado ko, hindi iyan ang tinturo ng Inang Iglesia.
Ang mga larawan at imahe ng mga banal ay nagpapahayag lamang ng kanilang MAKALANGIT NA PAMUMUHAY. Marahil hindi alam nitong kaanib ng INC ang buong kwento ng buhay ng mga banal. Kung ang secular societies nga nagpaparangal sa kanilang mga BAYANI tayo pa kayang TUNAY NA KRISTIANO ang hindi marunong magparangal sa mga BAYANING NAMATAY PARA KAY CRISTO at ng INANG IGLESIA?
At dahil malayong maunawaan nitong kaanib ng INC ang mga katuruan ng Santa Iglesia, hindi ako umaasang mauunawaan niya ang aral ng Purgatoryo. At dahil WALANG HIMALANG NAGAWA ang kanilang sugo, lalong bokya siya sa mga himalang nangyayari sa loob ng kanyang tunay na Iglesia.
Ito ang kasuklam-suklam at nakakapanginig-balibo na katuruan. Pakibasa ng mahinahon:
PASUGO Mayo 1964, p. 1 ay ganito:
“Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo.".
Hindi naman sang-ayon ang Banal na Kasulatan sa katuruang iyan. Ito naman ang sinabi sa sulat sa Hebreo 9:14 ay ganito: “Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios..."
“Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo.".
Hindi naman sang-ayon ang Banal na Kasulatan sa katuruang iyan. Ito naman ang sinabi sa sulat sa Hebreo 9:14 ay ganito: “Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios..."
Hindi ba't nakakapanginig-balahibo ang katuruang INIHANDOG NG DIOS ANG KANIYANG SARILI kay FELIX MANALO upang DUMIOS SA KANIYA?!!!
sabi ni allan, kaanib ng INC:
May opisyal naman talagang pangalan ang isang organisasyon, hinda ba ginoong catholic defender. Ang ICAR hindi ba opisyal na pangalang ninyo. Itatangi mo ba ito e di lalo na ang Bibliya at hindi ang mga aklat na gawa bilang pnanamplataya ng mga tao katulad n ginawa ng mraming inembentong aklat sa ICAR. kaya nga ang may pinakaraming imbensyon ay wala s siyensya kung hindi s larangan ng relihiyon n pinangunahan ng ICAR. Gusto kitang isama sa Central para mabasa mo ang nakainscribed doon tapos titirahin mo na hindi mo naman lubos na nauunawaan at sasabihin mong ito ay panlilinlang ng INC di ba talaga namang maraming ferocious wolves sa mundong ito, kya hindi puro nasa pulitika ang mga corrupt kung hindi nsa relihiyon rin at santambak p sila o diba! kaya ang sagot, at sapagkat nga hindi mo naman nauunawaan na may utos at paliwanag ang bibliya ukol sa bakit dapat pumasok o maging kaanib sa INC ang tao at hindi kung saan saang relihiyong lang sa mundo. Di ba sinabi ko sa iyo n dpat kang sa See more... ministro magtanong ukol dito kaya hwg kang maduwag. ako hindi naman ministro kaanib lang sa INC alam ko ung mga patutsada mo e di dapat lalo kang mghanap ng katwiran, hwg kang mgtago sa mga blog blog na katulad nito. baka tumatanggap ka p ng renumeration sa mga pinaggagwa mo dahil hindi ito kaila ni ginagawa ito ng mga pari at ng kapapahan ung concessions sa ksaysayan nila e dipat mong alam ito o kaya naman ay nagbubulag bulagan ka lang. Gusto mong mgpadala ako ng ministro sa inyong lugar para matapos ang mga kahibangan ng mga kamangmangan sa punong kapaimbabawan nito. tapos sinasbi mong paimbabaw akong katoliko eh paano yung mga naging pari madre lay minister, seminarista mga nakarating p sa Roma at ibat iba pang religious orders sa mga bansang katoliko tapos pararatangan mong paimbabaw eh ikaw hindi mo alam ang mga itim na kasaysayan ng mga aral ritos mga tradisyong katoliko.,di ba malaking kapaimbabawan at kayabangan sa kapwa mo katoliko na nauunawaan mo ang mga pinagsasabi mo. ung mga ksaysayan nga hindi mo alam paano pa yung iba. Marami kang dpat saliksikin. Katulad na lang when was Christ made God in the Catholic Church. Kailan pinutungan ng korona si Birhen Maria sa kalangitan saan sulok na Banal na Kasulatan nakasulat ang mga inembentong pagkkaperahan ng ICAR. Ang mga himala diba aliw na aliw ako noon din sa mga ito. Bakit hindi ba kumikita ng malaki ang ICAR. Gusto mo ng ebidensiya? |
Hindi ko alam na ICAR pala ang opisyal na pangalan ng Santa Iglesia. Ito rin ba ang sinabi sa inyo ng inyong mga "Bayarang manggagawa"?
Sa aking pagkaalam, ang official name ng Iglesia ay hindi limitado sa wikang Tagalog or Inggles or Latin lamang. Sa alinmang lengwahe, ang tunay na Iglesia ni Cristo ay nagtataglay ng mga katangian at hindi ang pangalan. Aking sasabihin sa wikang Tagalog ang Iglesia ni Cristo ay kilala sa iba't ibang pangalan tulad ng:
Iglesia ni Cristo
Iglesia ng Dios
Iglesia ng Manunubos
Iglesia ng Banal na Anak
Iglesia ng Dios Anak
Iglesia ng mga anak ng Dios
Iglesia ng Isantatlo
Iglesia ng Kordero ng Dios
Iglesia ng Buhay ng Dios
etc..etc...
Ngayon pwede mong i-translate ito sa ano mang lenguwaheng gusto mo pero iisa lamang ang pinapatungkulan. Ito ay ang KAISA-ISANG BANAL PANGKALAHATAN AT APOSTOLIKANG IGLESIA NI CRISTO or simply we call the Church CHURCH!
Ang tanong ko sa kaanib ng INC ay ganito:
- Mababasa ba sa Biblia "verbatim" (sabi mo) ang pangalan ni Felix Manalo?
- Mababasa ba sa Biblia ang salitang "Iglesia ni Cristo"?
- Mababasa ba sa Biblia na ipinag-uutos na dapat "Iglesia ni Cristo" ang opisyal na pangalan ng kanyang Iglesia?
- Hinulaan ba sa Biblia ang "pagtalikod" ng Iglesia ni Cristo (33 A.D) at kailangan pang may "re-emergence" sa pamamagitan ni Felix Manalo?
Kahit hindi ka naman sumasagot sa aking mga katanungan, sasagutin ko na rin ang iyong mga pag-aalinlangan. Ito'y hango sa paliwanag ni Bro. Beltran Vicente, OP sa kanyang blog sa Ang Daan ng Katotohanan:
Sana naliwanagan ka. Pagpalain ka nawa ni Cristong Dios at manunubos.Aba konting basa lang.. kaya lang dapat ORIGINAL ang babasahin mo, kasi kami ay ORIGINAL CHURCH hahaha .. ROMA 1:7-8
“Kayong lahat na nangasa ROMA mga iniibig ng Dios, tinawag na mga BANAL … nagpapasalamat ako sa Dios dahil ang inyong pananampalataya ay BANTOG SA BOONG SANLIBUTAN”
Ngayon, dahil sabi ko nga sayo SALITANG GRIEGO ANG CATHOLIC, dapat basahin din sa Salin na Griego.. eto..
“Pas ho on en ROMA agepetes Theos cletes HAGIOS . . . he pistis humon KATAngeletai en HOLO to kosmo”
AYOWN!!! Ang mga BANAL (IGLESIA) na nasa Roma (ROMAN) ay may pananampalataya na bantog sa BOONG mundo (KATA-HOLOS) ano bay an? Hndi ba tinuro sa inyo ni Michael Sandoval iyan? Db? May elective siya sa “Greek” ?? hehehe .. oh .. baka sabihin mo nagkakalokohan tayo, basahin pa natin..
Sa GAWA 9:31 .. ang Iglesia ay sinasabing kalat sa BOONG Judea , Galilea at Samaria. Pano basa neto sa Griego?
“Ho men ho EKKLESIA KATHOLIS..” (Gawa 9:31)
Yown!!! EKKLESIA KATHOLIS (English: Catholic Church) nga!! Hahaha.. oh baka gusto mo pa ng ibang salin? Sa Latin naman..
“si ergo conveniat universa ecclesia in unum et omnes linguis loquantur intrent autem idiotae aut infideles nonne dicent quod insanities’ ( 1 CORINTO 14:23 Novum Testamentum latine)
Yown nanaman!!! UNIVERSA ECCLESIA !! (Universal Church) !! Catholic Nga!! Haha .. oh ayan ahh? Kailangan lang na MARUNONG KA MAG TRANSLATE .. otherwise, di mo talaga maiintindihan, kung sabagay, malinaw naman sa biblia
“Na binulag ng dios ng Sanlibutan na ito ang mga mata ng di sumasampalataya” (2 Cor 4:4)
Hehehehe .. kung tutuusin ang salitang KATHOLIS ay nababanggit din sa mga salin sa Griego, sa ibang pagkakataon tulad ng pagkakakilanlan kay Cristo, ayon sa Lukas 4. si Cristo ay nakilala sa boong lupain..
“Kai hupostrepho ho Iesoos en ho dunamis ho Pneuma eis ho Galilaia kai pheme exerchomai KATHOLIS..”(LUCAS 4:14 Novum Testamentum Graece)
AYOWNN!! Hahaha . translate ko sau ahh? Hehehe .. si Kristo daw ay naging bantog sa BOONG LUPAIN..
Isa pa.. you want?
“Apelthen KATHOLIS ten polin kerruson hosa epoiesen auto ho Iesoos” (Lucas 8:39)
Yown !!! nanaman!! .. you want more? :) ok .. eto pa ..
“Anaseis ton laos didasko KATHOLIS ..” (Lucas 23:5)
Hahaha .. ang dami naman niyan.. sa GREEK LANG MABABASA .. ano? Want more? O no more? Hahaha .. MORE PA .. eto pa..
“Gnotos de egeneto KATHOLIS ..” (Gawa 9:41)
Oh ?? ok ka pa? baka sabihin mo nagkakalokohan ulit tayo, at wala naman talagang SALITANG KATOLIKO (KATAHOLOS) Sa biblia ehh, kaya eto pa
“Humeis oidate ho genomenon rhema KATHOLIS” (Gawa 10:32)
Ngayon bakit Roman? Syempre, nuong unang Siglo, si Pedro na syang TAGAPAMAHALA sa Iglesia ay nasa Roma, kaya dapat lamang na ang naging sentro ng Cristianismo ay sa Roma. (Matapos ang pang uusig ng mga judio at pagbagsak ng Jerusalem nalipat sa Roma ang sentro)
Anong katunayan? ROMA 16:16 (oops.. parang , kilala ko itong talata na ito ahh? )
“Mangagbatian kayo ng banal na halik BINABATI KAYO ( mga taga Roma) ng LAHAT ng MGA IGLESIA ni Cristo (Roma 16:16)
Sa Griego , napakalinaw na ang ginamit sa salitang BATI ay ASPAZOMAI .. na sang ayon sa strong greek dictionary ay SALUDO.. ngayon? Sino ang sinasaluduhan ng LAHAT NG MGA IGLESIA NI KRISTO? Napakalinaw sa talata.. ANG IGLESIA SA ROMA!!
Oh? Akala ko ba? Kayo ang INC na nasa Roma 16:16? Eh ang mga INC jan SUMASALUDO SA IGLESIA ROMANA ehh? Kayo ba sumasaludo ngayon sa IGLESIANG NASA ROMA? :p hahaha ..
Ngayon, sabi ni Kristo, “Huwag niyong gagawin sa kapwa ninyo ang ayaw niyong gawin ng kapwa mo sa inyo” MALINAW YAN.. uulitin ko lang ang tanong ko. AT NASILAT KA NG MALAKI dito ingkong
1) Saan mo nabasa sa Biblia na dapat BAWAT ARAL AY WORD FOR WORD.
2) Sino sa mga Apostol ang nag practice niyan? Bigay ka naman ng pangalan. Baka sakaling makilala ko
3) PARA FAIR. Saan mo mababasa sa BIBLIA WORD FOR WORD ang EXECUTIVE MINISTER AT ANG “EKKLESIA TAN CHRISTOU” (Iglesia ni Cristo) SA ORIGINAL MANUSCRIPTS??
Oh dapat FAIR ahh? J hehehe.. pinakitaan kita ng EKKLESIA KATHOLIS (Iglesia Katolika) mula sa Biblia. Dapat pakitaan mo din ako ng EKKLESIA TAN CHRISTOU (Iglesia ni Cristo) sa Biblia .. WORD FOR WORD” .
Basahin ang Sagot kay Allan, kaanib ng Iglesiani Cristo Part 2
Basahin ang Sagot kay Allan, kaanib ng Iglesia ni Cristo Part 2
What happen to Fr.Abe's Blog??
ReplyDelete-FiX_mE
Anong nangyari sa INC, wala pa silang post ng official teachings sa internet?
DeleteTagong tago ah...