Article shared by Mr. Antonio Ebangelista (not his true name), a Minister of the Iglesia Ni Cristo® working at Central Office in Manila, the Iglesia Ni Cristo Silent No More.
TRUE Deli Cafe, JET 7 Bistro and some Jollibee and McDonald, Chowking outlets allegedly owned by INC™'s General Auditor according to Mr. Ebangelista.
TRUE Deli Cafe, JET 7 Bistro and some Jollibee and McDonald, Chowking outlets allegedly owned by INC™'s General Auditor according to Mr. Ebangelista.
Mayo 5, 2015Mga mahal na Kapatid,Dahil sa matinding hamon ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. sa buong Iglesia ng magturo sya ng lektura sa WEBEX Video Conference kausap ang lahat ng mga Ministro at Manggagawa sa buong mundo patungkol sa diumano’y paninira daw na kumakalat sa internet, sa Social Media at ang kaniyang buong igting na ipinagsigawan ay “Walang anomalya sa pananalapi ng Iglesia! Puro lang yan paninira! Wala naman silang ebidensya! Wala! Wala silang nalalaman ni katiting tungkol sa pananalapi ng Iglesia! Wala! Wala silang alam!”.Papaano naman kaya ipapaliwanag ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. ang di-maipaliwanag na kayamanan nila kaya sila nagkaroon ng mga “high-end” Restaurants na ang nagmamay-ari ay ang kanilang mga anak na si Gertrude “Jet” Santos at “True” Santos-Matias. But then ofcourse tyak na may naka-ready ng “alibi” ang Pamilya Santos ukol dito dahil sa alam nilang darating ang panahon na malalantad din sila. Narito ang kanilang magarbong restaurant na ipinangalang pa nila sa kanila (para hindi daw natin mahalata), ang TRUE Deli Cafe at ang JET 7 Bistro na kung inyong bibisitahin, (gaya ng aking ginawa upang makita ko mismo sa sarili ko kung totoo nga) ay makikita nyo na ito ay hindi tinipid, sa lugar (location) pa lamang ay ginastusan na ng husto dahil napaka-mahal ng commercial value ng lugar kung saan ito nakatayo, mamahalin ang interior at mga kagamitan. Hindi ko na iisipin kung ilang milyon ang ginastos dito, subalit maraming mga kapatid na contractors ang makapagsasabi na hindi mumunting halaga ang ginugol para dito. At kayo na rin po ang humusga kung ito ba ay akma at abot kaya ng isang anak ng Ministro sa Iglesia… Kung sa ibang mga Ministro nga ay napakahigpit ng Pamamahala sa uri ng pamumuhay nila, bakit kapag sa mga anak na ng Sanggunian ay tila baga hindi aplikable ang mga tuntuning ito. At ang Jet 7 Bistro ay mayroon pang mga inuming nakalalasing, hindi lang pala tuntunin ang nalalabag, pati pala ang Doktrina ay hindi na nila isinasaalang-alang. Maari nilang itangging sa kanila ang mga negosyong ito subalit isa itong “open-secret” sa mga nandito sa Central, kaya pinupuntahan pa ito ng mga Ministro at Manggagawa at mga kawani sa Tanggapan. At ang Bistro ni Jet ang siyang may hawak ng “meal ticket” ng lahat ng mga trabahador sa mga pagawain sa Philippine Arena, Sports Stadium at iba pa. Sila din ang nagcater sa mga malalaking okasyon sa Iglesia gaya ng ginawa sa Centenaryo at iba pang malalaking okasyon sa Philippine Arena. O di ba sali nila lahat ng pagkakakitaan sa Iglesia. Kaya magatataka pa ba kayo kung bakit laging gusto ng Ka Jun Santos na maraming aktibidad sa Iglesia lalo na sa Philippine Arena, para kahit yun pang catering ng pagkain mula sa VIP, sa guests hanggang sa nga staff, contruction at personnel ay sa kanila pa rin ang pasok. Hindi ba conflict of interest yan? Hindi naman siguro kasi lahat na lang sa Iglesia ay may interest si JS kaya walang conflict. Kung merong tinatawag na captured market, TAYO GINAWANG HOSTAGED MARKET NG KA JUN SANTOS. Pero ano nga ba uli ang sa i nya (sic)? “Wala kayong nalalaman! Wala! Wala kayong kahit katiting na kabatiran! Wala!” .
