"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811
Showing posts with label INC vs INC. Show all posts
Showing posts with label INC vs INC. Show all posts

Friday, May 8, 2015

Mga Imoral na Ministro Talamak sa Central ng Iglesia Ni Cristo® ayon kay G. Antonio Ebangelista

Si ReadMeINC (may ari ng http://iglesianicristoreadme.blogspot.com) kaya ay isa sa mga kapanalig ni Ka Jun Santos sa malawakang "Cover-up" ng katiwalian sa pananalapi sa loob ng Iglesia Ni Cristo® dahil siya ay direktang nagtatrabaho sa Opisina ng Pananalapi ng Central?

Malamang na kasabwat. Tingnan niyo kung paano na lamang ang kanyang pagsisinungaling para lamang MANGHINGI pala ng DAGDAG ABULOY para raw sa pagbili ng mga properties sa ibang bansa:
Alam nyo bang ang konstruksyon ng pagpapatayo ng mga bahay sambahan ng Iglesia ay umaabot humigit kumulang sa 100 sa isang taon? at magkano kaya ang tinatayang halaga ng 1 bahay sambahan?? Milyon milyon po! para sa mga di nakakaalam.

At sa ibang bansa, mas focus ng INC ang pagbili ng properties para gawing bahay sambahan sapagkat di ito tulad ng Pilipinas na napakamura pa ng lupa at pagpapagawa o mga materyales sa paggawa. Kaya kung may nakikita kayong lokal sa ibang bansa na kaparehas ng sa Pilipinas, napakalaking gastos po nito umaabot sa 7million dollars (estimated expenses ng planong itatayong bahay sambahan ngayon sa Los Angeles, California).
Hirit pa noon nitong tagong ministro sa kaniyang blog na INC Defenders Online (na deactivated na) na may pamagat na "PAGHAHANDOG WAG IKATISOD" (na ngayon ay hindi na rin makikita sa websearch at hindi ko rin nakuhanan ng screen shot) ilang ulit niyang sinabing ang Iglesia Katoliko ay "tuluyan ng BUMABAGSAK" daw at kailangan nilang DAGDAGAN ang kanilang KONTRIBUSYON o ABULOY dumarami raw sila at kailangang BUMILI ng mga LOTE o mga bahay sambahan.

Pero ngayon iba na ang sinasabi...



Sa totoo lang, hindi ko ikinatutuwa ang katiwalian nangyayari ngayon sa loob ng INC™ tulad ng PAGSASAYA ni ReadMeINC sa mga masasamang balita tungkol sa mga paring Katoliko na inakusahan ng pagmamalabis.

Pero ano kaya ngayon ang ipagmalaki ni ReadMeINC sa balitang mas matindi ang katiwalian sa loob ng INC™ Central at mismong sa kanyang Departamento pa?

At dahil PILIT na INAALIS ang mga EBIDENSIYA laban sa kanyang mga naunang pahayag, ilang beses na yatang nagpalit ng blog itong si ReadMeINC kaya't burado na rin ang iba niyang mga posts.

Tapos kapag 'di nalagyan ng link o "Screen Shot" at 'di na mahanap o makita ang kanyang naunang mga articles eh sasabihin niyang "SINUNGALING" daw si Catholic Defender eh siya ang NAGBURA sa EBIDENSIYA at saka niya sabihing "singungaling" ako?!


Tapos bumalik lamang si ReadMeINC Abril 20, 2015 na buong pagmamalaking balik-TRENDING na raw ang kanyang blog:


Pero kapansin-pansin ang TIMING ng unang post niya matapos na siya'y pansamantalang nawala raw sa pagba-blog (dahil kaya sa crackdown na ginagawa noon ni Ka Jun Santos sa mga social media?).

Bumalik lang ulit siya sa pagba-blog noong April 25, 2015 isang linggo nang unang NAG-POST si G. Antonio Ebangelista nang pagsisiwalat sa mga katiwalian sa Iglesia Ni Cristo®:

Unang post ni ReadMeINC obvious na patungkol sa talamak na katiwalian sa Central ng INC™
Unang post ni G. Antonio Ebangelista, ang INC™ Ministro na nagsiwalat sa katiwalian sa loob ng INC™.
BINURA ang mga EBIDENSIYA para kunyaring walang alam ang mga mambabasa.

Ganon na ganon din ang ginawa raw ni Ka Jun Santos sa www.loopnet.com nung in-advertise ng Iglesia Ni Cristo property FOR SALE sa Texas, USA, tapos ngayon eh nawala na sa website ayon pa rin kay G. Ebangelista.

Buti na lang at nakunan ni G. Antonio Ebangelista ng Screen Shot bago pa nila binura sa internet at sasabihing sinungaling si G. Ebangelista?  Ngayon, kaya pa kayang i-cover up ni Ministro ReadMeINC ang mga pagbubunyag ni G. Antonio Ebangelista ukol sa talamak na kaimoralidaran ng mga Ministro sa Central?


Tungkol naman sa mga imoral daw na mga Ministro na naglilingkod sa INC™ Central, heto ang pagkasabi ni G. Ebangelista:
"Ang sabi nga ng isang Ministro sa Tanggapan ng Ka Radel Cortez na naalis sa Ministerio dahil sa “imoralidad”, at ng pagkabalik sa karapatan, wala pang isang taon ay kinuha na ng Ka Radel Cortez at ginawa niyang kalihim at Tagapagsiyasat sa kaniyang opisina, ang sinabi nya sa isang kasama naming Ministro, “Kung gusto mong manatili ngayon sa pagtitiwala ng Pamamahala (Sanggunian ang tinutukoy niya), kailangang matibay ang dibdib mo sa lahat ng bagay. Dapat kapag sinabi sayong GAWAIN MO ‘TO, sasagot ka agad ng OPO!"

"Tingnan ninyo ngayon ang bilang ng mga nababalik sa karapatan na Ministro at napupunta sa mas magagandang destino o kaya ay kinukuha sa Central para maglingkod sa iba’t-ibang Tanggapan, karamihan dun ay mga nagka-kaso ng imoralidad. Nakipagrelasyon sa ibang babae, pumatol sa menor de edad, nangalunya at naki-apid. Subalit agad na nababalik pagkalipas lang ng ilang taon, at ang masakit ay may ilan na hindi talaga naaksyunan, nalipat lang ng Destino kahit pa kaso ng imoralidad... Mga Ministrong napatunayan na kayang isaisang-tabi ang moralidad at Ministerial ethics ng dahil sa pansariling pakinabang o kaligayahan."

"Marami ang nagtatanong sa akin, bakit sa kabila ng mga lantarang nagaganap na pagbabago sa Iglesia na palala pa ng palala ay parang hindi yata ito batid ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan. Imposible naman daw ito. Kaya para malaman natin ang kasagutan ukol dito ay alamin natin, ano nga ba ang ISTRATEHIYA ng Sanggunian? Ang istratehiya nila ay isang mabisang “COVER UP” upang maitago ang lahat ng ito sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Tinitiyak nila na napapaligiran ang Ka Eduardo V. Manalo ng mga taong pinagtitiwalaan ng Sanggunian upang matiyak na hindi makakalusot sa kaniya ang kahit anumang impormasyon na maaaring makapagbunyag sa kanilang ginagawang pagmamalabis."

"Ang pinanatili nila sa pwesto sa mga Distrito sa Metro Manila at karatig na Distrito ay mga Tagapangasiwang kilala sa pagiging “mapanginoon”, “molestyador sa mga materyal na bagay”, “magaling mandaya ng ulat” at mga “sakim sa mahalay na pakinabang” at maaasahan (malakas “mag-abot”). Kaya nga kapag nagkaroon ng lifestyle check sa lahat ng mga Tagapangasiwa din sa mga Distritong ito ay malalantad din ang kanilang mga “hidden wealth”, “dummy bank accounts” at mga house and lot, condo units, mamahaling sasakyan na ipinangalan nila sa mga kamag-anak o dummies nila upang huwag ma-trace sa kanila... Ito rin ang “rationale” kaya maraming mabibilis na na-promote gaya ng Ka Romer Galang at ka Regalado Delos Reyes na dating nasa TV bilang tagapagsalita, naging Pastor ng Lokal ng Central. Paano sya tumalon sa pagiging Tagapangasiwa agad? Dahil sa napatunayan nya sa Sanggunian na handa siyang gawin ang LAHAT, kahit talikuran ang kaniyang sinumpaang katapatan sa Diyos.

"Marami ang nakakakila sa atin kay Ka Regalado Delos Reyes na isang mabait, malumanay at mapagpakumbabang Ministro…noon. Subalit ngayon, alam nating lahat (lalo nan g mga taga-Central) kung paanong nagbago na siya. Ang larawan ng Tagapangasiwang ito ngayon ay ang paging maypagka-panginoon, (kung magsalita at mag-utos sa mga maytungkulin at mga kapatid ang aakalain mo ay kung sino na) mahilig na rin sa pagnenegosyo at materyal na pakinabang, mayroon na rin syang mga alagang contractors, suppliers at mga “runners” at “bagmen” para sa ganitong mga iregular na aktibidad. At higit sa lahat, kaya sya nakapagbigay ng mabisang patotoo sa Sanggunian ay nang walang habas nyang pinaggigipit ang Mommy Tenny at ang Pamilya ng Ka Erdy. Alam ito ng mga ilang kapatid na nakasaksi kung paano sigawan, pagsalitaan ng masasamang salita ng Ka Rey ang Pamilya ng Ka Erdy.

"...ang Ka Jun Santos upang unti-unting itanim sa isip nila na ang pinaka-pinagtitiwalaan ng Tagapamahala ay ang Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. Siya ang “Representative” ng Ka Eduardo. Siya ang mukhang laging inilalabas sa mga palabas sa NET 25 at INC TV, maging sa mga pahina ng PASUGO GOD’S MESSAGE, siya ang laman ng mga interviews, siya ang laman ng mga video presentation/message sa mga Maytungkulin at kapatid sa buong mundo, siya ang nagpapadala ng mga Sirkular sa Pagsamba, siya ang gumagawa ng mga leksyon sa Pagsamba, siya na rin ang bigla biglang nagbabago ng laman ng leksyon, siya ang nangunguna sa Video Conferencing ng mga Ministro at Manggagawa, Siya ang nagpupulong sa mga Tagapangasiwa…


"...And that, my friends, is how you orchestrate THE GREATEST COVER UP OF THEM ALL.


Antonio Ebangelista

Nakakabinging Katahimikan ni ReadMeINC, INC™ Central Finance Officer ukol sa katiwalian sa pananalapi ni G. Glicerio aka Jun Santos (Jr), General Auditor ng INC™ Central

ReadMeINC, may masasabi ka ba sa mga alegasyong ito? Tahimik ang iyong blog tungkol kay G. Antonio Ebangelista? :)




Wednesday, April 29, 2015

Iglesia Ni Cristo® Minister vs Iglesia Ni Cristo® Minister! (pro Ka Eduardo Manalo vs.pro Ka Jun Santos)

Antonio Ebangelista (not his real name) is a Minister who exposes corruption in the INC™
Ka Antonio supports Ka Erdy and Ka Eduardo against the "feeling Executive Minister" Ka Jun Santos!

vs

Bro. README (not his real name) is a Minister who hides corruption in the INC™

ReadMeINC as a "Finance Officer" supports Ka Glicerio "Jun" Santos Jr., the General Auditor of the Iglesia Ni Cristo®

Saturday, February 1, 2014

Pagkain ng Dugo at Sabath- Aral laban sa Aral! Iyan ang Iglesia ni Cristo!

Bakit nga ba hindi kumakain ng dugo ang mga kaanib ng INC ni Manalo?

Ang sabi ng isang website na nakapangalan sa INC ni Manalo (readmeiglesianicristo.blogspot) ay ganito:
"Ngunit huwag ninyong kakainin ang dugo sapagkat nasa dugo ang buhay; ang sangkap ng buhay ay hindi dapat kainin." Deut. 12:23 BMBB

"Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman." Deut. 12:23

Hugot na Bible verse mula sa Lumang Tipan o Old Testament.

Utos po ito ng Batas ni Moises sa mga Israelita (Mosaic Law).

Sa isang banda naman, isang tanong na ibinato sa INC kung bakit di sila nagsasamba sa araw ng Sabat (Sabado) bilang pagsunod sa Batas ni Moises tulad sa hindi pagkain ng dugo ayon sa parehong batas:

Heto ang sabi mula sa inc.kabayankokapatidko.org:

Why Are You Not Observing The Sabbath Day?

Why are you not observing the Sabbath Day, the 4th commandment of God as stated in Exodus 20:8-11?

Answer:

The observance of Sabbath was commanded by God to the Israelites (Exod 20:8-11; Deut 5:12). Why were they commanded to observe the Sabbath Day? So that they could remember that they were slaves in the land of Egypt, and the Lord their God brought them out from there by a mighty hand and by an outstretched arm.

Observe the Sabbath day, to keep it holy, as the LORD your God commanded you. Six days you shall labor and do all your work, but the seventh day is the Sabbath of the LORD your God. In it you shall do no work: you, nor your son, nor your daughter, nor your male servant, nor your female servant, nor your ox, nor your donkey, nor any of your cattle, nor your stranger who is within your gates, that your male servant and your female servant may rest as well as you. And remember that you were a slave in the land of Egypt, and the LORD your God brought you out from there by a mighty hand and by an outstretched arm; therefore the LORD your God commanded you to keep the Sabbath day (Deut 5:12-15).

Since God put an end to the observance of Sabbath, this Mosaic law no longer applies to God’s people in the Christian era. Thus, in Colossians 2:16, it is stated:

Therefore let no one judge you in food or in drink, or regarding a festival or a new moon or sabbaths . . .

The observance of Sabbath which is a part of the Mosaic law could not make a person justified or righteous before God in the Christian era.

and by Him everyone who believes is justified from all things from which you could not be justified by the law of Moses (Acts 13:39).

Eh yon pala eh, hindi na pala tayo SAKOP ng batas ni Moises eh bakit pagdating sa hindi pagkain ng dugo ay isang karumaldumal pa ring aral ng pekeng sugo?

Ang pagkain ng Dugo ay ipinagbabawal ayon sa Batas ni Moises, ngunit sila (INC ni Manalo) na rin ang nagkompirma na "MOSAIC LAW NO LONGER APPLIES TO GOD'S PEOPLE IN THE CHRISTIAN ERA", eh bakit laking issue pa rin sa kanila ang pagkain ng Dinuguan? Hindi ba 'double-standard" na naman sila tulad ng iba pa nilang mga aral?

Ganyan ang mga inaralaN ng pekeng sugo. Papapalit-palit ang mga aral at natatangay ng panahon. Walang consistency at isa laban sa isa.

[Basahin Ang KATOTOHANAN TUNGKOL SA INK-1914 sa mga hidwaan aral ng INC laban sa INC!]

Ang sabi ng Banal na Kasulatan sa 2 John 1:7 ay ganito:

I say this because many deceivers, who do not acknowledge Jesus Christ as coming in the flesh, have gone out into the world. Any such person is the deceiver and the antichrist.

Si Felix Manalo na NAGTATWA ng katotohanang si CRISTO ay DIOS na NAGKATAWANG-TAO ay malinaw na batayan ng pagiging ANTI-CRISTO at MANLILINLANG ng sugo ng Iglesia ni Cristo (INC)-1914!

Salamat na lamang po tayo at di po tayo nabulid ng mga peke at bulaang propeta na hinulaan na libong taon na bago pa man ang pagdating ni Felix Manalo na kabilang sa mga isinusuka ng Banal na Salita-- mga paimbabaw at mga ganid sa laman at nagpapanggap na mga "cristo" o "anghel" ngunit kaaway ng kaliwanagan at kaaway ni Cristo!

My Blog List

My Calendar