"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811
Showing posts with label INC Comments. Show all posts
Showing posts with label INC Comments. Show all posts

Tuesday, April 23, 2019

Sa Kanilang Bunga ay Inyong Makikilala Sila (Mt. 7:16)

Karapatan ninomang angkinin na sila ay ang "tunay" na Iglesiang tatag ni Cristo ngunit sa kasaysayan at sa kanilang mga baluktot na gawa, nahahayag ang katotohanang ang IGLESIA NI CRISTO® na tatag ni G. Felix Y. Manalo noong 1914 sa Sitio Punta Sta. Ana Maynila, Pilipinas at HINDI kay Cristo ay ito'y isang HUWAD lamang.

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

HUWAD! Sapagkat sila'y natutuwa sa kasamaan at nagagalak sa kapighatian ng kanilang kapwa-tao!



Friday, May 13, 2016

ANG BATAYAN SA TUNAY NA IGLESIA AYON SA KOMENTO NG ISANG INC™

Epiphany Catholic Church, IL, USA (Source: Epiphany Parish)
Heto ang isa namang komento ng kaanib ng Iglesia Ni Cristo® -1914 mula sa ating post na ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA INK-1914.

rodel daroyMay 12, 2016 at 10:01 AM

#1. Ang Cristo at mga Apostol ay matagal nang pinag pahinga ng Dios.. 
#2. Ang unang Iglesia Ni Cristo ay natalikod dahil pinag papatay, ang iba ay sumamba na sa mga dios-diosan na gawa sa ginto, bato, kahoy at iba pang materials... nangyari ito ng umakyat na sa langit ang Cristo,,, at ang mga apostol ay pinag pahinga na ng Dios. 
#3. May sinabi ang Cristo, meron pa akong mga tupa wala sa kulongang ito, sila ay tatawagin mula sa malayo... sa maka tuwid hindi ito kasama sa mga pinag papatay at natalikod sa pananam palataya.. merong kakasang-kapanin ang Dios sa muling pag bangon ng INC sa mga huling araw,,, natural mente hindi na ang cristo yun at hindi narin ang mga apostol yun... tao na mag mumula sa sikatan ng araw o sa malayung silangan o Pilipinas,,, bakit namin natiyak na ang INC sa pilipinas nga yong tinotukoy ng Cristo? bakit? meron bang ibang bansa sa malayung silangan na doon muling bumangun ang INC? makikilala ba? 
#4. Sinabi ng Cristo makikila ito sa pamamagitan ng aral na itataguyod nito,,, 
#5. Isang tagapagligtas ang Cristo at isang Dios ang Ama na lumalang ng lahat ng bagay at nasa loob ng isa lamang katawan yun ang IGLESIA,,,ANG KAWAN,,, ANG IGLESIA NI CRISTO,,, colosas 1:18, gawa 20:28, roma 16:16.... 

Ito naman paki basa: 
#6. kani no bang aral ang pag babawal ng pag-aasawa? ang pag babawal ng pagkain ng lamang kati o karne sa mga araw na bawal? at pag samba o pag luhod sa mga larawan o mga santo o mga dios-diosan? ito ang dapat mong suriin kinauukulan,,,, kung ito ba ay aral ng Dios? o aral ng Diablo? wala akong mabasa sa biblia na nangaral ang cristo ang mga apostol ng ganito,,,, at maging ang kapatid na Filix Manalo ay wala ring ganitong ipinangaral,,,,, kung gayun kaninong aral kaya ito? ikaw na ang tumimbang kinauukulan,,, 
#7. ito ang hula sa Iglesiang lilitaw o lumitaw na nga sa Bansang Pilipinas,,, Awit 4:3, Isa.43:5-6, moffatt translation; Isa. 62:11-12, Gawa 20:28 Lamsa translation, ang mga aral ng Iglesiang ito ay walang pinag kaiba sa aral ng unang Iglesia na itinatag ng Cristo sa jerusalim,,, sa makatwid ang INC na lumitaw muli sa pilipinas ay ang kawan na sinabi ng cristo na mula sa malayo... makikilala sa turo at pangangaral... 

mahal namin kayo,,, kaya sana pag laanan niyo ng panahun ang pagsusuri sa mga aral ng INC... salamt po

rodel
proud to be INC,,,


Bagamat ang mga katanungan at sariling sagot ng kaanib ng INC™ na ito ay KASING-TANDA na ng mga kabundukan, atin pa ring sasagutin upang MAIPAKITA natin sila na ang PAGMAMAHAL ng DIYOS ay PAGPAPAHAYAG ng KATOTOHANANG hindi pa nila nasusumpungan hanggang sa kasalukuyan.

#1. Ang Cristo at mga Apostol ay matagal nang pinag pahinga ng Dios..

  • Ano nga ba ang pagkaunawa ng mga kaanib ng INC™ na kapag namatay na ay ALABOK na lamang daw ang isang patay ("Pagbubunyag sa Iglesia Ni Cristo", p. 110) at wala na raw itong saysay sa mundo ng mga buhay (PASUGO December 1966, p. 10). Pinagpahinga ng Panginoon ang mga Apostol ang kanilang mga katawang-lupa ngunit BUHAY NA BUHAY kapiling ang Diyos na si Jesus sa langit. Sa Mt. 22:32, bagamat MATAGAL NANG PATAY sina Abraham, Isaac at Jacob sila ay BUHAY na kapiling ng Diyos. Ganon din ang mga Apostol ni Jesus. Sa katunayan, sinabi pa ni Jesus sa mga Apostol na "mauuna siya at ipaghahanda sila ng tirahan sa langit" na kapiling Siya (Jn. 14:3).

#2. Ang unang Iglesia Ni Cristo ay natalikod dahil pinag papatay, ang iba ay sumamba na sa mga dios-diosan na gawa sa ginto, bato, kahoy at iba pang materials... nangyari ito ng umakyat na sa langit ang Cristo,,, at ang mga apostol ay pinag pahinga na ng Dios.

  • Ang UNANG nagsabing NATALIKOD na GANAP ang Unang Iglesia ay HINDI si Felix Manalo kundi si JOSEPH SMITH ng Mormon. Let me quote what was written by Dr. Patrick Madrid in his article 'IN SEARCH FOR THE GREAT APOSTASY'. "The restored Church affirms that a general apostasy developed during and after the apostolic period, and that the primitive Church lost its power, authority, and graces as a divine institution, and degenerated into an earthly organization only. The significance and importance of this apostasy, as a condition precedent to the re-establishment of the Church in modern times, is obvious. IF THE ALLEGED APOSTASY OF THE PRIMITIVE CHURCH WAS NOT A REALITY, THE CHURCH OF JESUS CHRIST OF LATTER-DAY SAINTS IS NOT THE DIVINE INSTITUTION ITS NAME PROCLAIMS"[1] (emphasis added).
    KINOPYA nga ba ni Felix Manalo ang doktrina ng mga Mormons ayon sa paratag ng blog na ito? Ngunit sa ngalan ng tamang pagsisiyasat, kung NATALIKOD NA GANAP ang TUNAY na Iglesiang TATAG ni Cristo (at ito ang IGLESIA KATOLIKA), ano bang KATIBAYAN ang maaari nating PANGHAHAWAKAN upang paniwalaan natin ang ganitong mga pahayag? Meron po ba silang hawak na HISTORICAL RECORDS na nagpapatunay ng PAGTATALIKOD?
    AYON kay Cristo, HINDING HINDI RAW MATATALIKOD ang kanyang TATAG NA IGLESIA. Kahit pinto pa lamang ng Hades ay HINDI makapananaig dito (Mt. 16:16-18). ISANG PANGAKO yan! Tapos dumating lang si Felix Manalo noong 1914 eh NATALIKOD NA GANAP na raw ito? Inabot pa ng ISANG LIBO'T SIYAM NA RAAN AT LABING PITONG TAON (1,914) bago nalaman ni Cristo na NATALIKOD na pala ang Iglesiang TATAG niya at KAILANGAN ng isang Felix Manalo para 'itatag' muli tulad ng sinabi sa PASUGO Agosto 1971, p.22? Konting sentido comon naman po mga G. Rodel.
    Sa katunayan, ayon na rin sa inyong OPISYAL na MAGASING PASUGO, ay HINDI nga NATALIKOD o HINDI PA NATATALIKOD ang tunay na Iglesia-- ang Iglesia Katolika.
    PASUGO Mayo 1968, p. 5: "Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man." 
    PASUGO Hunyo 1940, p. 27: "Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
    PASUGO, Abril 1966, p. 46: “Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
    Mayron pa ba akong dapat pang ipaliwanag tungkol sa "PAGTALIKOD NA GANAP" daw ng TUNAY na Iglesia ni Cristo? Malinaw na siguro ito mula sa inyong official magazine.

Monday, June 1, 2015

Kung ang Iglesia Ni Cristo® ay 100 years, ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo ay mahigit 2,000 years na po!

Comment of an INC™ member at "Iglesia ni Cristo Symbol, nasa Biblia ba ang kahulugan ng kanilang bandila?"

INC po ako. Unang una, kalat na po sa mundo ang INC. Lahat po ng continents, may INC. Maliban lang po Antarctica. Pangalawa, nakaka 100 years palang po ang INC kaya po nasa 102 countries palang, wag kayo excited. Pangatlo, hindi lang Filipino ang mga INC. Pero sa Pilipinas nagmula. Asan po ba ang Pilipinas, diba asa far east. Ano po ba nakasulat sa Isaiah 43:5? Diba po sabi "From the FAR EAST will I bring your offspring...", e kayong mga catholics, diba galing kayo sa rome, asan po ba yung rome? Diba asa west? You should check yourself, before you wreck yourself. Inject that intp your giant cavity, where your brain's supposed to be!!!!
-----------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming salamat po G. Joemel Malgapo sa inyong ipinadalang comment.

Unang-una po, wala po sa Biblia ang pagpapakilala ng mga tagasunod ni Cristo bilang mga "INC". Kaya't kapag sinabi mong "INC po ako" ay diyan pa lang ay unbiblical na po siya.

Pangalawa, HINDI po INC™ ang "kalat" sa buong mundo kundi OFW po.  Nag-boom po ang dagsa ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa bawat dako ng mundo at nagkataon lamang po na ang iba sa mga Pilipino ay mga kaanib ng INC™ ni Manalo ngunit karamihan pa rin sa kanila ay mga KATOLIKO, ayon po yan sa Wikipedia.

Overseas Filipinos
Flag of the Philippines.svg
Total population
10,460,327 - 13,500,000[a]
Regions with significant populations
Countries with over 100,000 overseas Filipinos (2012)[a]
 United States3,494,281
 Saudi Arabia1,267,658
 UAE931,562
 Canada852,401
 Malaysia686,547
 Australia391,700[not in citation given]
 Japan243,136 (approx. >1,000,000 including undocumented workers)
 United Kingdom218,777
 Kuwait213,638
 Qatar200,016[1][not in citation given]
 Hong Kong195,128
 Singapore184,498
 Italy172,148
 Israel176,499[not in citation given]
Languages
Philippine languagesEnglishSpanish
Religion
Mostly Christianity, particularly Roman Catholicism  · Islam.
Related ethnic groups
Filipino people

  1. Jump up to:a b Population figures shown are the top ten figures from estimates in 2012 by the Commission on Filipinos Overseas.[2] Countries for which other sources report significant differences from these include the following:

In other words, OFW pong Pinoy at Pinay ang nagdala ng INC™ ni Manalo sa mga bansang iyon at HINDI si MANALO o isa man sa mga tagapag-mana niya ang nagdala niyan sa mga 102 bansang sinasabi mong "mayroon pa lang" na mga kaanib ng INC™ ni Manalo.

Kayo  102 "countries" in 100 years? 

Kami naman, eh CHRONICLED po siya sa Wikipedia (highlights are mine)

  • Although the calculations of Dionysius Exiguus put the birth of Jesus in the year that in consequence is called AD 1, history places his birth more likely some time between 6 and 4 BC.
  • c. 28: Jesus' baptism, start of ministry, and selection of the Apostles. The Gospel of Luke indicates that Christ was baptized during the 15th reign of Tiberius Caesar which is dated in 28 AD (found in Luke 3:1,21,22). Christian Gospels strongly suggest Peter as leader and spokesman of the Apostles of Jesus, being mentioned the most number of times in the Gospels. Peter, and the sons of Zebedee, James and John, constitute the inner circle of the Apostles of Jesus, being witnesses to specific important events of the life of Jesus; preachings of Jesus, such as the Sermon on the Mount; and performance of miracles, such as raising the dead back to life, feeding five-thousand, walking on water, etc.
  • c. 31: Peter declares and other followers believe Jesus of Nazareth to be the Jewish Messiah promised by Yahweh according to the Jewish Scriptures and the predictions of the Hebrew prophets. Entry into Jerusalem, start of Passion of Christ. Jesus of Nazareth is crucified inJerusalem under Pontius Pilateprocurator of Judea during the reign of Tiberius and Herod Antipas, after the Sanhedrin, under the High PriestCaiaphas, accuse Jesus of blasphemy. He was then crucified under Pontius Pilate. According to his followers, three days later, "God raised him from the dead". Forty days after his resurrection (Ascension), the Christian Gospels narrate that Jesus instructed His disciples thus: "All authority has been given to me in heaven and on earth. Go therefore and make disciples of all the nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, teaching them to observe all things that I have commanded you; and lo, I am with you always, even to the end of time." (Matthew 28:18–20). Ten days later (Pentecost) Peter makes the first sermon converting 3,000 to be baptized.
  • c. 34St. Stephen, the first Christian martyr, is stoned to death in Jerusalem.
  • c. 52: Traditional arrival of St. Thomas, the Apostle in India.
  • c. 70: Fall of Jerusalem and the destruction of the Temple.
  • c. 100St. John, the last of the Apostles, dies in Ephesus.[4][5]
  • c. 110Ignatius of Antioch uses the term Catholic Church in a letter to the Church at Smyrna, one of the letters of undisputed authenticity attributed to him. In this and other genuine letters he insists on the importance of the bishops in the Church and speaks harshly about heretics and Judaizers.
  • c. 150Latin translations (the Vetus Latina) from the Greek texts of the Scriptures are circulated among non-Greek-speaking Christian communities.
So far, yan lamang po ang achievement namin during the first 100-150 YEARS ng IGLESIA KATOLIKA!

'Yung KABUUAN mula 4 B.C hanggang 2015 A.D eh CHRONICLED po siya. Nababasa ng lahat ng tao sa buong mundo.

Kung di ka sang-ayon sa mga entries ng mga historical facts, pwede kang mag-protest pero siguraduhin mong mayroon kang "historical facts" to back it up. So are you up for the challenge? Wikipedia is waiting even your most intelligent INC™ Defender to challenge them!

Kaya't kung kaya mong ipagmalaki ang 100 years niyo with 102 daw na bansa, eh ano pa kaya ang 2,015 YEARS ng TUNAY na IGLESIANG KAY KRISTO? 

Source: FreeCalendar
O, pustahan tayo, ginagamit niyo rin ang LIBONG TAONG BILANG na ito ng IGLESIA KATOLIKA sa inyong mga opisina!

So sa tingin mo, ILANG BANSA na po ba ang narating ng IGLESIA KATOLIKA? HETO, BASAHIN MO!

Pangatlo, maging ang mga asawa ng mga kaanib niyo na HINDI naman Pinoy ay INAKIT niyo na sa INC™ ni Manalo. Kaya't NAGKAROON ng mga FOREIGNERS sa INC™ ni Manalo.

Sa katunayan, halos lahat ng inyong mga malalaking pamamahayag ay sa TAGALOG o FILIPINO ito sinasalita dahil MAJORITY pa rin sa inyong mga pagtitipon ay mga OVERSEAS FILIPINO WORKERS and MIGRANT FILIPINOS.
"The dedication service itself, nearly all in Filipino, consisted of much singing, some praying, a monetary collection and an hourlong homily by Manalo... English-speaking visitors listened through translation headsets." -PASUGO God's Message, ("Restoring Life", Reprinted with permission fro the Telegraph Herald with Publication Date: January 5, 2012 pages: 1-2, Section: A, by Mary Nevans-Pederson, TH staff writer), p. 17-18

Pang-apat, WALA pong FAR EAST sa Isaiah 43:5.  Tanging sa MOFFAT Bible Translations lang may- "far east" na salita.

Bakit FAVORITE nila si MOFFAT i-quote sa Isaiah 43:5? 

Sapagkat TUMUTUGMA ito sa kanilang gustong palabasin na si Felix Manalo nga naman ay "HINULAAN" daw ng Banal na Kasulatan.

Kaya't ang tanong pa rin natin eh SINO si MOFFAT at may karapatan siyang baguhin at ilagay na lamang ang mga gusto niyang salita sa kanyang sariling version ng "biblia" at SASABIHIN ng mga INC™ na salita pa rin ito ng Diyos?

SALITA na ito ni MOFFAT at HINDI ang Diyos!

Totoo bang may "far east" sa katuruan ng INC™ ni Manalo o wala?

"Let us set this clear, We have never taught that  any mention of the expression of 'far east' refers to the Philippines.-PASUGO, July 1997, p. 5.
Kayo nga mismo eh hindi pa magkaisa sa katuruan eh kami pa kaya ang aasahan niyong mag-solve sa inyong kalituhan?.

Pang-lima. Wala pong PILIPINAS sa biblia. Walang FAR EAST. Walang HULING SUGO!

Pero bakit Pilipinas? 

Bakit hindi Indonesia? Taiwan? Vietnam? Malaysia? 

Bakit "PILING-PILI" ang PILIPINAS sa pagkakatatag-muli ng "Iglesia Ni Cristo®"?

Dahil ba ito'y BUKOD-TANGING "CHRISTIAN COUNTRY" in the South East Asia?  

Maaaring pakisagot nga yan?

Pang-anim: Ano ba ang ginawa ni Felix Manalo: ang MAGTATAG ng IGLESIA? O ang i-RESTORE ang original na Iglesia?

So sa iyo ko rin ibabalik ang sarili mong salita: YOU SHOULD CHECK YOURSELF, BEFORE YOU WRECK YOURSELF. INJECT THAT INTP (sic) YOUR GIANT CAVITY, WHERE YOUR BRAIN'S SUPPOSED TO BE!!!"

Salamat po.

Wednesday, April 22, 2015

Iglesia Ni Cristo® Comments: Gross Ignorance makes her Bitter and Self-Righteous

Nag-iwan na naman ng isang komento ang kaanib ng INC™ dito sa ating post na Ang INC (Iglesia ni Cristo) ba at ang COC (Church of Christ) ay pareho at iisa?


C YourTen, April 22, 2015 at 6:44 am -   Wow. So this blog is your gateway to heaven? In here, you're all self-righteous, freely trampling on things you aren't able to explain. Things like how Iglesia Ni Cristo grew from A SINGLE PERSON, to a world wide religious organization. While the Catholic church, one of the major religion and with worldwide influences, started shrinking down in numbers, including your Church Pastors/Priests.

And If you claim the Iglesia Ni Cristo ay nambabastos sa inyong mga Catholic, this is your way for revenge, then? Some Catholic you are. Kung tutuusin yan ang gusto niyo lagi, eh. Makipag-away, from then, till now. Kung totoong relihiyon kayo, ganyan ba ang dapat na behavior ng religious person? Sabihin na nating hindi totoo ang Iglesia Ni Cristo, at ang Catholic, oo, Karapatan ba ninyong mamabastos na lang every now and then sa mga Iglesia, when if you hadn't noticed, they're answering calmly, and with respect. You on the other hand are going all out with your Criticism and Bad words against them.

When you also blindly ignore the fact that you can't stop ONE MAN from establishing this huge Church, which, according to you, ay walang kabuluhan, kasinungalingan, at brainwashing.

Explain to me also, why you aren't taking care of your church houses? All moldy, old and nearing destruction, ang nakita ko lang na malinis yung nasa Vatican. Yung tirahan ng "pope" ninyo. The same "pope" that gives the title "Saints" to your priests, and nuns. Where'd he get that right to name and give title to one person a saint? At ang nagawa niyo pang tawaging nagmamalinis, Ang Pamamahala ng Iglesia? Pointing out others' "flaws" while ignoring one's own. Sige, not all priests in general are rapists, why're you letting one stay in the midst of a "Holy" church, when it was stated in the bible that those who aren't living by the Holy Words of God, should shunned, and not given any encouragement. And remove it from the Church. May kumpisal kayo? Bakit sa pari niyo sinasabi yan? May kapangyarihan ba sila magpatawad sa inyo? Sila ba ang tagapamagitan sa Diyos at sa Tao? I thought that was Our Lord and Savior, Jesus Christ ONLY. Why must the priests be the mediator to your members. Why not directly call unto to ONLY GOD, The Father, and His Son, A Human, given the rank of Lord, and God's right hand, BY GOD HIMSELF.

That gives me another doubt, oo, sinasamba namin pareho ang Panginoong Diyos, at ang Panginoong Hesus. Because the Father, Himself, said so. But never did He tell us to give praise to Jesus as a God. And as what you believe, "Tao si Hesus na naging Diyos", nasaan na ang TUNAY na Diyos? Kung naging Diyos si Hesus, dalawa na yun. When the bible CLEARLY STATED that there's only ONE TRUE GOD, The Father on High, above all else in creation, including Jesus Christ. Are you implying that they merged somehow? The Father in heaven, disappeared, with Jesus as his successor in power? How rude is that?

Di tinitingnan ng Diyos ang Sexual Orientation. Well, well, bakit ginawa niya pala Babae at Lalaki LANG! Nasaan ang bakla at tomboy? Si Adan At Eva? At Iglesia pa talaga ang mas marunong sa bible according to you? Can't remember the exact words, but that's pretty much it. "Di tinitingnan ang sexual orientation", you gay, dude?

And why'd you disappear? Di ka na nagreply kay Patrick Amo. Can't stand your ground? Can't finds words to defend your statements? I thought you're the "Catholic Defender"? Ba't pinipili mo lang nire-replyan mo? Bias lang? Sayang naman, nasisira lalo ang image ng Catholic dahil sa know-it-all na katulad mo, na hindi naman kayang panindigan ang sarili niya. Minamaliit mo kasi masyado ang mga Iglesia ni Cristo, palibhasa umiiwas sa mga pointless one sided arguments like this, which inevitably will end as your loss, wait sabihin na nating walang panalo walang talo, pero ba't di ikaw ang huling replies dito? It's quite humiliating. Tapos bigla na lang mawawala sa takot? Come on.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

"Wow. So this blog is your gateway to heaven? In here, you're all self-righteous..."

This blog is the "gateway to heaven"? How I wish...

At sino ba ang "self-rightesous"? Kami ba o kayong mga Iglesia Ni Cristo®! Hayan basahin mo!

-PASUGO Pebrero 1966, p. 18, (sinulat ni Benjamin Santiago)
“Sa panahong ito'y ang Iglesia ni Cristo lamang ang may karapatang gumamit ng pangalan ni Cristo. Maliban sa Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay walang may karapatang gumamit sa mahalagang pangalang ito."
-PASUGO Agosto 1966, p.13: (sinulat ni Tomas C. Catangay)
“Totoo na kailangan ng tao ang pananampalataya upang maligtas, ngunit kung siya'y hindi Iglesia ni Cristo, tiyak na hindi siya maliligtas’
There you go!

"...freely trampling on things you aren't able to explain. Things like how Iglesia Ni Cristo grew from A SINGLE PERSON, to a world wide religious organization. While the Catholic church, one of the major religion and with worldwide influences, started shrinking down in numbers, including your Church Pastors/Priests."

Bakit ako ang sisihin mo sa "trampling" on things I cannot explain about your supposedly "growth".

Hindi naman ako pwedeng mag-imbento ng datus.  Ang sisihin mo ay ang Iglesia Ni Cristo® Administration sapagkat sila ang ayaw i-publish ang tunay na bilang ng kaanib ng INC™.

O sisihin mo si Eduardo V. Manalo (EVM) dahil hanggang sa kanyang panunungkulan ay di pa umangat ng 5 milyon ang inyong kaanib! Ang dumami lang ay bahay-tulisang templo niyo.

O kaya'y sisihin mo ang mga bayarang ministro niyo sa PANDARAYA ng kanilang mga ulat sa INC™ Admin "upang ilihis ang paniniwala ng pangangasiwa" ayon sa yumaong si Eraño G. Manalo (pakinggan dito 1:00-1:06)!

Ngunit sa kabila ng mahigpit na pagtatago ng Iglesia Ni Cristo® nito, inilathala naman ng Rappler.com, ang totoong bilang ng kanilang kaanib noong July 26, 2014, isang araw bago ang magarbong pagdiriwang ng ika-100 Taon ng Pagkakatatag ng Iglesia ni Manalo sa Ciudad ni Manalo (Ciudad de Victoria), sa Sta. Maria-Bocaue Bulacan:
"There are a total of 2,251,941 members of the INC in the Philippines, according to the National Statistics Office (NSO). It is a 28% increase, from 1,762,845 in 2000."
At inulat pang muli ni Paterno Esmaquel II noong araw na iyon:

"... the INC, the Church of Christ, a group that has grown to 2.25 million followers from only a dozen when it was born in the Philippines in 1914."
Totoo, napakahirap ipaliwanag kung bakit sa kabila ng mga "Malaking Pamamahayag" ng Iglesia Ni Cristo® ay hirap silang makaakit ng bagong kaanib.

At isa pang katibayan na ang bilang ng mga kaanib ng INC™ ay hindi pa umaabot sa 3 milyon, ay mababasa sa CIA Fact Book, na ang Iglesia Ni  Cristo ay halos 2.3% lamang sa kabuuang populasyon ng Pilipinas (na umabot sa 100 milyon noong taong 2014).

Catholic 82.9% (Roman Catholic 80.9%, Aglipayan 2%), Muslim 5%, Evangelical 2.8%, Iglesia ni Kristo 2.3%, other Christian 4.5%, other 1.8%, unspecified 0.6%, none 0.1% (2000 census)
[2.3 % ng 100 milyon ay 2.3 milyon]


Ang paglago ng isang samahan ay binibilang sa bilang ng kaanib, hindi sa halaga ng salaping nakukulimbat sa kanyang mga kaanib o bilang ng mga templong naitatayo o nabibiling mga lupa. Hindi ba't kaluluwa ang binibilang, hindi yaman ng sanlibutan?


Kaya't nauunawaan ko kung bakit TOP SECRET ang totoong bilang ng kaanib ng Iglesia Ni Cristo®.

Ito'y kabaliktaran naman sa TUNAY na IGLESIA-- ang IGLESIA KATOLIKA!

Ang tunay na bilang ng kaanib ng Iglesia Katolika ay HINDI SIKRETO. Inilalathala ito ng Vatican sa kanyanStatistical Yearbook of the Church na inaabangan ng mga mamamahayag sa buong mundo.   Ayon sa nasabing Yearbook report noong huling quarter ng taong 2014, ang estimated number ng mga Katoliko ay umaabot sa 1.22 bilyon.

"...the number of Catholics in the world stood at 1,228,621,000 with an overall increase of more than 15,000,000 compared to the previous year...."
 At hindi lang 'yan. Sa kabila ng mga nabalitang pagmamalabis ng ilang mga paring Katoliko sa mga musmos na bata, lalo pang dumami ang nagpapari!
"The total number of priests – diocesan and religious – around the world grew from 413,418 to 414,313, with a modest increase in Africa, a larger rise in Asia, and slight decreases in the Americas, Europe and Oceania. Asia saw a 13.7 per cent growth in the number of priests between 2007 and the end of 2012."

At dumarami ang mga nagmamadre ayon sa Catholic Herald

At ang ulat na iyan ng Vatican ay iniulat naman ng BBC, isang kilalang Broadcasting Network sa UK at sa buong mundo.

"[T]here are an estimated 1.2 billion Roman Catholics in the world, according to Vatican figures. More than 40% of the world's Catholics live in Latin America - but Africa has seen the biggest growth in Catholic congregations in recent years."

At hindi rin nagpahuli ang Wikipedia sa pag-ulat nito:

"According to the Census of the 2015 Annuario Pontificio (Pontifical Yearbook), the number of Catholics in the world was about 1.254 billion at the end of 2013."

At hindi matapos-tapos na pag-uulat ng mga pangunahing mga pahayagan sa buong mundo...

Nakakapanlumo na kuntento ka na sa napakaliit na kaalamang pinasok sa iyong kaisipan ng mga bayarang ministro ng INC™ ni Manalo.  At nagawa pang MAGSINUNGALING at MANDAYA ng mga ministro at kaanib ng Iglesia Ni Cristo® samantalang ang KATOTOHANAN ay halos bumabaha na sa Internet!

And If you claim the Iglesia Ni Cristo ay nambabastos sa inyong mga Catholic, this is your way for revenge, then? Some Catholic you are. Kung tutuusin yan ang gusto niyo lagi, eh. Makipag-away, from then, till now. 

Hindi yata tama ang iyong nalalaman!

Nauunawaan kita sapagkat ako rin ay tumutugon sa mga pang-aalipusta ng iyong mga kaanib sa aming mga Katoliko at gamit niyo pa ang mga dati naming mga kaanib upang kami'y GOYOHIN ng inyong samahan.

Una, hindi ko naman kine-"claim" na ang mga "Iglesia Ni Cristo ay nambabastos".  Katotohanan naman pong BASTOS sila!

Mismong ang inyong tagapag-tatag na si FELIX Y. MANALO sampu ng kanyang mga bayarang ministro ang nagpasimuno sa kabastusang minana ng mga kaanib nito. Heto't nalathala pa sa inyong opisyal na magasin.

PASUGO Disyembre 1965, p. 5:
“Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni Satanas na Diablo."
PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."
PASUGO Agosto 1962, p. 9:
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”
PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."

Nakita mo? Sinong bastos ngayon? Kami ba o kayo?!

Bastos ang lumalabas na salita mula sa bunganga ng NAGTATAG kaya bastos din ang lumalabas sa bunganga ng kanyang mga bayarang ministro. At kung bastos ang mga ministro, bastos din ang mga kaanib!

Kailan ba nagkaroon ng dialogo ang mga bayarang ministro mo, o kahit ni Eduardo V. Manalo sa Arsobispo ng Maynila?

Noong dumalaw ang Santo Papa Francisco sa Pilipinas (Enero 2015), hindi man kayo sumipot sa "Ecumenical Dialogue" na pinasinaya ng butihing Papa.

Hindi lang yan, maging ang kayliit-liit na tarpaulin na nakasabit sa poste ng kuryente sa harap ng templo ng Iglesia Ni Cristo® ay pinaalis pa ng isang ministro!!




Ano 'yon, bitter?

Narinig mo na ba ang pangalang CONRAD J. OBLIGACION? Siya lang naman ang may-akda at may-ari ng Website na PUNUNG-PUNO ng PAGHIHIGANTI-- ang RESBAK.COM, sa wikang Ingles ay REVENGE!

Gusto mo siyang makilala?  Heto ang pagpapakilala sa atin ng isang blogger na si Filipino Cult:

"If I will be asked to pick a classic example of a true blooded Iglesia Ni Cristo member out there, a genuine INC member, I would have to choose Conrad J. Obligacion / readme / truthcaster / Resbak. Conrad J. Obligacion embodies the whole teachings of the true Iglesia Ni Cristo established by Felix Manalo. Filipinos are fully aware how the Iglesia Ni Cristo takes revenge to their enemies whenever the atrocities of Iglesia Ni Cristo are being exposed. Look at how INC is persecuting their rival group Dating Daan. Look at how INC members are bad-mouthing Catholic blog sites. Look at how Resbak / Conrad J. Obligacion easily throw inflammatory words to all non-INC members. Look at how Resbak / Conrad J. Obligacion attack other religious doctrines. Look at how Resbak / Conrad J. Obligacion maligns and spread lies to others. Iglesia Ni Cristo's Resbak is an embarrassment to the Iglesia Ni Cristo cult."
O 'yan o ang inyong tagapagtatag, mga ministro, mga kaanib-- mga bastos.! Itinatag para GUMANTI sa Iglesia Katolika at mga Katoliko!

Kung totoong relihiyon kayo, ganyan ba ang dapat na behavior ng religious person? Sabihin na nating hindi totoo ang Iglesia Ni Cristo, at ang Catholic, oo, Karapatan ba ninyong mamabastos na lang every now and then sa mga Iglesia, when if you hadn't noticed, they're answering calmly, and with respect. You on the other hand are going all out with your Criticism and Bad words against them.

Hindi po "kung" ang katotohanan na naron sa loob ng Iglesia Katolika. Ito po'y isang KATOTOHANANG DI KAYANG PASINUNGALINGAN maging ang kasaysayan!

Ang Iglesia Katolika po ay ang TOTOONG IGLESIA NI CRISTO na itinatag pa noong Unang Siglo!

The history of the Catholic Church, begins with the teachings of Jesus Christ, who lived and preached in the 1st century AD in the province of Judea of the Roman Empire. The contemporary Catholic Church is the continuation of the early Christian community established by Jesus. -Wikipedia

Katotohanan mula sa History-World.org:

At one level, of course, the interpretation of Roman Catholicism is closely related to the interpretation of Christianity as such. For by its own reading of history, Roman Catholicism began with the very beginnings of the Christian movement

Katotohanan mula sa Patheos.com:

Roman Catholicism is a worldwide religious tradition of some 1.1 billion members. It traces its history to Jesus of Nazareth, an itinerant preacher in the area around Jerusalem during the period of Roman occupation, in the early 30s of the Common Era. Its members congregate in a communion of churches headed by bishops, whose role originated with the disciples of Jesus. Over a period of some decades after Jesus' life, death, and resurrection, the bishops spread out across the world to form a "universal" (Greek, katholikos) church, with the bishop of Rome (traced to the apostle Peter) holding primacy. Today Vatican City — and specifically, Saint Peter's Basilica — stands over the grave of Peter, and the pope is considered Peter's successor. Catholic Christianity began as a persecuted religious community, illegal in the Roman Empire in its earliest days, but within some three hundred years and with the conversion of the Emperor Constantine, it became legal and eventually was recognized as the official religion of the Empire. With the decline and fall of Rome in the 5th century, the Roman Church assumed both temporal and spiritual authority in the West; it thus had enormous influence on the development of the art and culture of the western world through the Middle Ages. Today, its growth is fastest in Africa, South America, and Asia.

Katotohanan mula sa About.com/Religion:

As the apostles of Jesus Christ spread the gospel, they provided the beginning structure for the early Christian Church. It is impossible to separate the initial stages of the Roman Catholic church from that of the early Christian church.
Hindi matapos-tapos na katotohanang nakasulat sa mga Encyclopedia.

At MISMONG ang PANGASIWAAN ng INC™ ang NAGPAPATUNAY nito!

Pasugo Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."


Pasugo July-August 1988, p. 6.

Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”


Pasugo March-April 1992, p. 22

"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..." 

Kung "bastos" man ang dating sa iyo ng aming PAGTATANGGOL sa INANG IGLESIA ay hindi po ito sinadya.  Ito'y kailangan lamang naming gawin upang ang KATOTOHANANG nasa TUNAY na IGLESIA ay maipangaral sa lahat ng mga naligaw ng mga mandaraya at bayarang mangangaral at umasang PAGBABALIK-LOOB ng mga naligaw ng mga bulaang propeta at mga pekeng sugo.

When you also blindly ignore the fact that you can't stop ONE MAN from establishing this huge Church, which, according to you, ay walang kabuluhan, kasinungalingan, at brainwashing.

And you blindly ignore the fact that we are only defending the Church of Jesus Christ from your lies and deceit.  If your paid ministers would leave us alone, this blog, I promise, will cease to exist!

Explain to me also, why you aren't taking care of your church houses? All moldy, old and nearing destruction, ang nakita ko lang na malinis yung nasa Vatican. Yung tirahan ng "pope" ninyo. 

And I hope you accept wholeheartedly my explanations!

"[M]oldy, old", o pasira na pero walang katumbas na salapi ang halaga nito para sa mga bansa.  Ang mga lumang simbahan ng Iglesia Katolika ang kayamanan ng ating kasaysayan, sa ayaw at sa gusto mo.

The churches are presently covered and protected through RA 10066 (National Heritage Law) and RA 10086 (National Historical Commission of the Philippines Law). These legislations ensure their proper safeguarding, protection, conservation, management and use as religious structures, as declared National Cultural Treasures, National Historical Landmarks, and as World Heritage properties...

Nakatawag-pansin din ang kalumaang ito sa UNESCO sa pakikiisa ng National Historical Commission na nagbabawal ng ano mang pag-papalit o pag-aayos o pagkukumpuni ng walang pahintulot mula sa mga nabanggit na mga ahensiya.

Mungkahi ko sa iyo na alamin mo muna ang mga dapat mong alamin bago ka magreklamo sapagkat naging katawa-tawa kung nagbibilad kayo ng kamang-mangan sa tanghaling tapat.

The same "pope" that gives the title "Saints" to your priests, and nuns. Where'd he get that right to name and give title to one person a saint? 

Ang mga santo at santa ay hindi lamang po mga "priests, and nuns". Si San Francisco ng Assisi, dati siyang ordinaryong tao, namuhay ng may kababaang-loob at malasakit sa mga mahihirap at kapus-palad. Dahil sa kanya, nagkaroon ng mga relihiyosong Franciscans.

Si San Lorenzo Ruiz de Manila, di naman po siya pari pero naging matapang na hinarap ang kamatayan para kay Cristo at sa Iglesia.

Ang panawagang maging "santo" o "santa" ang isang namayapang Kristiano ay HINDI po binibigay ng Santo Papa tulad ng iyong pagkaalam.  Ito'y hinihiling ng mga kaanib ng tunay na Iglesia sa Santo Papa upang magpadala siya ng mga SUSURI sa kahilingan hanggang sila'ya maging ganap na tawaging "santo" o "santa"!

Marami ka pang di nalalaman. Mungkahi ko sa iyo na "do your homework before you complain."

At ang nagawa niyo pang tawaging nagmamalinis, Ang Pamamahala ng Iglesia? Pointing out others' "flaws" while ignoring one's own. 

Hindi po kami nagmamalinis.  Sa katunayan, sa kasaysayan ng TUNAY NA IGLESIA ay may isang HUDAS na nagkanulo kay Cristo na Panginoon.  Pero sa kabila niyan ay nanatiling matatag sa kanilang pananampalataya ang natirang ONSE (11) alagad.

Ganon din sa kasaysayan ng Santa Iglesia, may mga TUMALIKOD ngunit nanatiling matatag ang mga buong Santa Iglesia.

Ito rin ang pinatutunayan ng Iglesia Ni Cristo® PASUGO Hunyo 1940, p. 27:
"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
NANATILI raw na MATIBAY sa ARAL ang mga APOSTOL at DAPAT na GANYAN din ang GAWIN ng mga tagasunod ni Felix Manalo.

Pero ginagawa ba nila? Nanatili ba sila sa pananampalataya ng mga Apostol?  Mukhang naiba sila ng landas!

At alin nga ba sa dinami-rami ng mga nag-aangking mga Iglesia ni Cristo ang Iglesiang tinutukoy na nagmula pa sa sa Unang Siglo?

Walang iba kundi “ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo" ayon din sa PASUGO Abril 1966, p. 46.

Dahil ayon sa PAMANTAYAN ng INC™ ni MANALO, ang mga NAGSULPUTAN daw na mga "IGLESIA" na tumatawag din sa kanila ng "IGLESIA NI KRISTO" ay mga HUWAD LAMANG! (PASUGO Mayo 1968, p. 7):
Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Kung gayon, sino ba ang nagtatag ng INK™ or INC™ sa Pilipinas? Si Cristo ba o si Manalo?

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Ganyan din ang pagpapatotoo ng mga ulat sa pahayagan:

"MANILA, Philippines - Albert Martinez (photo) has withdrawn from the cast of Felix Y. Manalo: The Last Messenger, the historical biopic of Felix Y. Manalo, founder of the Iglesia ni Kristo." -Philippines Star Online

"ALBERT IS ‘SUGO’ – Learned from Ms. Shirley Kuan that Albert Martinez is playing Bishop Felix Manalo, founder of the Iglesia Ni Cristo, in “Sugo,”meaning Messenger. Shirley is Albert’s manager." -Tempo

"The INC will mark its 100th year of registration in the Philippines on July 27. The postage stamp shows the INC Central Temple and a portrait of the late Felix Manalo, founder and first executive minister..." -NewsInfo.Inquirer

"Ordinance No. 2517, which the city council approved in a special session on May 6, renamed a portion of Granja Street into Felix Y. Manalo Street after the founder of the Iglesia Ni Cristo (INC), one of the country’s influential Christian denominations."-GMANetwork News

"...Executive Minister Eduardo V. Manalo unveiled the stamp that features the INC Central Temple and the late Felix Y. Manalo, founder and first executive minister of the INC, in sepia." -PDI Online

Sige, not all priests in general are rapists, why're you letting one stay in the midst of a "Holy" church, when it was stated in the bible that those who aren't living by the Holy Words of God, should shunned, and not given any encouragement. And remove it from the Church. 

Pero heto ang malaking pagkakaiba natin.  Ang mga paring napatunayang nagkasala ay nakakulong na ngayon, maging ang mga nililitis pa lamang ay pinagbawalan nang magmisa sa mga simbahan at parokya.

At mismong ang VATICAN ay hinaharap ito ng walang pagtatago!

Salamat sa Diyos at ang mga paring nagkasala ay nanatiling mga "TAO"--hindi inangking anghel, o sugo, o propeta!

Sa kabilang dako naman, si FELIX MANALO ay NAGKASALA rin naman. Mula pa noong una siyang naging pastor sa Philippines Missions Churches of Christ ay napag-alaman na ang kanyang kayahukan sa laman.


At noon namang siya'y nagtayo ng kanyang sariling Iglesia, inakusahan siya ni ROSITA TRILLANES, isang kaanib nila ng PANGGAGAHASA.

At bagamat umatras si Bb. Trillanes, ay tinawag pa rin ng KORTE si FELIX Y. MANALO ng "UN HOMBRE DE BAJA MORAL"! o TAONG MABABA ANG MORALIDAD! -- basahin rito!)

Citing the case of People versus Trillanes, published in the Official Gazette, Volume I, No. 1, July 1954, p. 394, docketed as Case No. 8180, April 21, 1942. The Court of Appeals where Trillanes was acquitted. The appellate court upheld Trillanes and categorically called Manalo “a man of low morals” (“un hombre de baja moral’).
"Shunned" o itinawalag ba si Felix Manalo sa Iglesia Ni Cristo® dahil sa kanyang "IMMORALIDAD" na gawain?

Hinde!

Bagkos, idineklara pa niya ang kanyang sarili bilang "HULING SUGO" raw!

Matinde!

At sa kanyang pagpapakilalang "sugo" raw ng Diyos ay halos IPINANTAY NA NIYA ang KANYANG SARILI sa DIYOS!

Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo." -Pasugo May 1964, p. 1
Kaya't sa kasaysayan ng INC™, halos kay Felix Manalo umiikot at ang katuruan ng buong INC™ ay nasasayang sa pagtatanggol kay Felix Manalo. Ang pagtatanggol sa kanyang pagiging "Huling Sugo" ay isang doktrinang natatangi sa Pilipinas, sumunod lamang sina Apollo Quiboloy bilang "Appointed Son of God" at ni Arsenio T. Ferriol bilang "Huling Apostol" daw!

Dahil sa kanilang PAG-AANGKIN ng mga titulong ikinabit sa kanilang mga pangalan, sila'y maituturing na mga KULTO!

At para mabawasan ang kamangmangan mo, ang PAGTITIWALAG o EXCOMMUNICATION sa tunay na Iglesia ay hindi sa pagkakasala lamang!

Well, these "erring priests" were just sinners like you and me: "Let those who have no sin cast the very first stone." (John 8:7).  Jesus came for the sinners, not the righteous (Lk. 5:31-32)!

The CHURCH can excommunicates those who are guilty of HERESY, APOSTASY and SCHISM!

The Catechism of the Catholic Church defines these three sins against the Christian faith in this way (read all throughout EWTN Online):
2089 Incredulity is the neglect of revealed truth or the willful refusal to assent to it.  
"Heresy is the obstinate post-baptismal denial of some truth which must be believed with divine and catholic faith, or it is likewise an obstinate doubt concerning the same;  
apostasy is the total repudiation of the Christian faith;  
schism is the refusal of submission to the Roman Pontiff or of communion with the members of the Church subject to him." [Code of Canon Law c.751]
May kumpisal kayo? Bakit sa pari niyo sinasabi yan? May kapangyarihan ba sila magpatawad sa inyo? Sila ba ang tagapamagitan sa Diyos at sa Tao? I thought that was Our Lord and Savior, Jesus Christ ONLY. Why must the priests be the mediator to your members. 

Ang Sakramento ng Pakikipagkasundo (o mas kilala sa katawagang "Kumpisal") ay galing mismo kay Cristo.

Here's what I have taken from a not-so-Catholic site About.com:

The Sacrament of Penance, commonly called Confession, is one of the seven sacraments recognized by the Catholic Church. Catholics believe that all of the sacraments were instituted by Jesus Christ himself. In the case of Confession, that institution occurred on Easter Sunday, when Christ first appeared to the apostles after his Resurrection. Breathing on them, he said: “Receive the Holy Spirit. For those whose sins you forgive, they are forgiven; for those whose sins you retain, they are retained” (John 20:22-23).
The official Catechism of the Catholic Church explains the sacrament perfectly understood by those who assent to it.

Why not directly call unto to ONLY GOD, The Father, and His Son, A Human, given the rank of Lord, and God's right hand, BY GOD HIMSELF.

That gives me another doubt, oo, sinasamba namin pareho ang Panginoong Diyos, at ang Panginoong Hesus. Because the Father, Himself, said so. But never did He tell us to give praise to Jesus as a God. And as what you believe, "Tao si Hesus na naging Diyos", nasaan na ang TUNAY na Diyos? Kung naging Diyos si Hesus, dalawa na yun. When the bible CLEARLY STATED that there's only ONE TRUE GOD, The Father on High, above all else in creation, including Jesus Christ. Are you implying that they merged somehow? The Father in heaven, disappeared, with Jesus as his successor in power? How rude is that?


Bakit PILIT mong MINAMALI ang mga KATOTOHANAN?

Ang sabi ng Biblia ay si CRISTO ay DIOS na NAGKATAWANG-TAO. Hindi "Tao... na naging Diyos"!

Maliwanag na isinalaysay sa Juan 1:1-5,14 (Magandang Balita, Biblia)

Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita.
Kasama ng Diyos ang Salita
at ang Salita ay Diyos!
Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa.
Sa pamamagitan niya nalikha ang lahat ng bagay,
at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.
Mula sa kanya ang buhay,
at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan.
Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw
at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.
NAGING TAO ANG SALITA at siya'y nanirahan sa piling natin.
Ano ang pinapatunayan ng Unang Kapitulo ng Juan?


  • Sa  pasimula pa'y ang Salita
  • At ang Salita ay Diyos!
  • At nalalang lahat sa pamamagitan ng Salita na Diyos din!
  • At ang SALITA ay NAGING-TAO!
At kung siya'y NAGING-TAO eh nararapat na SIYA (SALITA) ay IPANGANAK!

Ituloy natin...mula sa Isaias 7:14, (ibid)

Kaya nga't ang Panginoon na rin ang magbibigay ng palatandaan:
Maglilihi ang isang dalaga
At manganganak ng lalaki
At ito'y tatawaging Emmanuel
Ituloy natin sa Isaias 9:6 (ibid)

Sapagkat ipanganganak ang isang sanggol na lalaki
At siya ang mamamahala sa atin
Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo,
ang Makapangyarihang Diyos,
Walang Hanggang Ama,
ang Prinsepe ng Kapayapaan.

Kanino natupad ang mga hula ni Propeta Isaias? Ayon kay San Lukas 1:26,28,31

"... ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diiyos sa Nazaret, Galilea sa isang dalaga na ang pangalan ay Maria... Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito "Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos," wika niya.  "Sumasaiyo ang Panginoon!" 
Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki at siya'y tatawagin mong Jesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan."

Heto pa ang sabi sa Mat. 1:22-23

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: 
Maglilihi ang isang dalaga at
manganganak ng isang lalaki,
At tatawagin itong Emmanuel
(ang kahuluga'y "Kasama natin ang Diyos
"

Napakalinaw ng sinabi sa Biblia.

Ang SALITA ay DIYOS, MAGKAKATAWANG-TAO, ipinaglihi sa sinapupunan ni Maria, at ipanganganak at TATAWAGIN SIYANG ANAK NG KATAAS-TAASAN at ang PANGALAN NIYA AY JESUS!

Kaya't sa katuruan ng mga Unang Kristiano ay SI CRISTO AY DIOS bago pa man siya NAGING-TAO (hindi Tao na naging Diyos!).

Heto ang sinabi ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos 2:6 (ang pagdidiin ay akin)

"Na bagamat SIYA'Y DIYOS, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos,..."

Sino ang TINUTUKOY ni Apostol San Pablo na "SIYA ay DIYOS"?

Walang iba kundi si JESUS! SALITA (Verbo), nasa Diyos, at siya ay Diyos, NAGING TAO, ipinanganak, at nakapiling natin!

Kaya't anong KAPARUSAHAN ang mga TAONG NAGTUTURO na si CRISTO ay HINDI DIYOS?

Sa 2 Juan 1:7 ay ganito ang babala sa atin ng Banal na Biblia:

Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga magdaraya-- MGA TAONG HINDI NAGPAPAHAYAG na si JESU-CRISTO'Y NAGING TAO.  Ang gayong mga tao ay magdaraya at anti-Cristo."

Ayon, napakalinaw.

Ang mga taong nagtuturo na si Jesus ay NAGING TAO (mula sa PAGKA-DIYOS)!

Sino ang mga taong nagtatanggi ng pagka-Diyos ni Cristo na nagkatawang-tao?

PASUGO Oktubre 1959, p. 5:

Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."

 Ang PASUGO ay OPISYAL na mgasin ng Iglesia Ni Cristo®!

Sinong NAGTATAG ng Iglesia Ni Cristo® sa Pilipinas?


PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Sa makatuwid, ITINUTURO ni FELIX MANALO na si Cristo ay kailan man HINDI NAGING DIYOS, na tao siya noon, ngayon at sa kanyang pagbabalik!



PASUGO, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin) -- pagdidiin sa akin
“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa arw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.” 



ISANG KATURUANG LABAG SA BIBLIA!

Anti-Cristo nga ang Iglesia Ni Cristo®!


Di tinitingnan ng Diyos ang Sexual Orientation. Well, well, bakit ginawa niya pala Babae at Lalaki LANG! Nasaan ang bakla at tomboy? Si Adan At Eva? At Iglesia pa talaga ang mas marunong sa bible according to you? Can't remember the exact words, but that's pretty much it. "Di tinitingnan ang sexual orientation", you gay, dude?

Tanong ko sa iyo, totoo bang may mga bakla at tomboy sa ating lipunan?

Totoo!

Ang mga bakla at tomboy ba ay may kaluluwa o wala?

Meron!

Ano bang tinitingnan ng Diyos, ang kanilang mga sekwalidad, o kaluluwa?

Kaluluwa!

Ang isang bakla o tomboy na namumuhay sa kabanalan, hindi ba siya'y maaaring maligtas?

Ang tinitingnan ng Diyos ay ang PUSO ng TAO, mapa-tunay na lalake man o babae, bakla o tomboy, PUSO ang binabasa ng Diyos.

Sabi mo sa unang sentence mo ay "...you're all self-righteous,.."

Hindi ba ikaw na rin ang SUMIRA sa sarili mong akusasyon?

Sa totoo lang, mas may kaligtasan ang mga MAKASALANANG NAGSISISI kaysa sa mga SELF-RIGHTEOUS na katulad mo!

Malaki ang hinanakit mo sa mga bakla at tomboy, dude, deep sexual insecurities 'yan... napaghahalata ka tuloy.

And why'd you disappear? Di ka na nagreply kay Patrick Amo. Can't stand your ground? Can't finds words to defend your statements? I thought you're the "Catholic Defender"? Ba't pinipili mo lang nire-replyan mo? Bias lang? Sayang naman, nasisira lalo ang image ng Catholic dahil sa know-it-all na katulad mo, na hindi naman kayang panindigan ang sarili niya. Minamaliit mo kasi masyado ang mga Iglesia ni Cristo, palibhasa umiiwas sa mga pointless one sided arguments like this, which inevitably will end as your loss, wait sabihin na nating walang panalo walang talo, pero ba't di ikaw ang huling replies dito? It's quite humiliating. Tapos bigla na lang mawawala sa takot? Come on.

I hope you're satisfied with my lengthly reply... God bless at sana bumalik ka na sa tunay na Iglesia ni Cristo-- ang IGLESIA KATOLIKA!

My Blog List

My Calendar