"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811
Showing posts with label Romans 16:16. Show all posts
Showing posts with label Romans 16:16. Show all posts

Sunday, July 21, 2019

HINDI RAW IGLESIA KATOLIKA ANG TUNAY NA IGLESIA?

[Sipi mula sa Iglesia ni Cristo 33 AD blog]

Isa na namang post ng kaanib ng Iglesia Ni Cristo® 1914 ang ating sasagutin sapagkat hindi tayo magsasawang ipagtanggol ang Iglesiang TATAG NI CRISTO at ang TUNAY na KALIKASAN ni CRISTO bilang DIYOS sa kalagayan ng TAO. Gawin nating parang Q&A para mas malinaw. Ang PULA ay ang komento ng INC™ at ang ASUL ay ang ating sagot/komento/paliwanag.


ANG IGLESIA KATOLIKA BA ANG IGLESIA NI CRISTO NA ITINAYO NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO?

“Hindi Sapagkat sa Pangalan pa lang ay Bagsak na”😂

Ibabalik rin natin sa kanila ang tanong: ANG IGLESIA NI CRISTO® 1914 BA ANG ITINAYO NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO?

Isang malaking HINDI! Sapagkat sa taon pa lamang nang pagkakatatag ay BAGSAK NA! Hulyo 27, 1914!

MALIMIT NATING MARINIG o mabasa na sinasabi ng mga Catholic Defenders na "ang Iglesia Katolika ang Iglesia ni Cristo na itinayo ni Cristo noong unang siglo o noong 33 AD."

Subalit, mapapansin na sila na rin ang may pahayag na "Iglesia ni Cristo" ang itinayo ni Cristo noong unang siglo, samantalang sila ay "Iglesia Katolika Apostolika Romana." Kung sa pangalan pa lang ay magkaiba na, kaya hindi mali na sabihing ang Iglesia Katolika ay nagpapanggap lamang na siya ang Iglesia ni Cristo na itinatag ni Cristo nong unang siglo.

Hindi lang po mga KATOLIKO ang NAGSASABING ang "IGLESIA KATOLIKA MISMO ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO" kundi ang kanilang PASUGO rin.

PASUGO Abril 1966, p. 46: 
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
PASUGO JULY AUGUST 1988 p. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
PASUGO MARCH-APRIL 1992, p. 22
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."
 Ayon naman sa Online Britannica Encyclopedia, na ganito ang sabi:
"The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world." (ang pagdidiin sa amin)
Ito rin naman ang pagpapatotoo ng BBC, ang Iglesia Katolika raw umiral na noon pang mahigit kumulang na 2,000 taon na ang nakakaraan.
"The Catholic Church is the oldest institution in the western world. It can trace its history back almost 2000 years."
Ito naman ang buod ng katotohanan sa kasaysayan ng ating kaligtasan, nasusulat sa Wikipedia ang mga ganito:
"...the history of the Roman Catholic Church is integral to the history of Christianity as a whole. It is also, according to church historian, Mark A. Noll, the "world's oldest continuously functioning international institution." This article covers a period of just under two thousand years."
PAG-ISIPAN NATIN:  Ang IGLESIA KATOLIKA raw po MISMO ang IGLESIANG TATAG ni CRISTO.  Ito ay NAPAPATUNAYAN raw sa PAMAMAGITAN ng PAGTUNTON sa KASAYSAYAN pabalik sa PANAHON ni CRISTO at ng mga ALAGAD na halos mahigit-kumulang na 2,000 taon na ang nakalilipas.

Kaya't DITO LAMANG TAYO SA TOTOO. Ayon sa KASAYSAYAN, ENCYCLOPEDIA at maging sa magasing PASUGO, "ANG IGLESIA KATOLIKA" nga naman MISMO ang "TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO!" Samakatuwid ITO ANG TUNAY AT NAG-IISANG IGLESIA NI CRISTO!

At para hindi naman KAMANGMANGAN ang mananatiling naghahari sa mga isip ng mga kaanib ng INC™ 1914, ito ang ibig sabihin ng salitang KATOLIKO (Catholic)!
Opo, ang IGLESIA KATOLIKA raw po ay ang PANGKALAHATANG IGLESIA NG MGA KRISTIANO! Kaya sana MALINAW na po ito mga kababayan!

Ang ikinakatuwiran nila ay hindi naman daw tinatawag na “Iglesia ni Cristo” ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo. May nangangatuwiran pa nga na wala naman daw pangalang itinatawag sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo. At iba naman, sapagkat ang Iglesia Katolika ay aminado silang hindi tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo, subalit sinasabi nila na hindi naman daw mahala ang pangalan.

Totoo ba ang sinasabi nilang ito? Ito ngayon ang ating siyasatin sa pagkakataong ito.

MAY PANGALANG ITINATAWAG SA IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO

KATOTOHANAN: Walang tiyak o specific na binigay na turo o utos si Cristo ukol sa pagpapangalan sa Kanya ng Iglesia. Ni walang binanggit si Jesus na sinabi sa mga alagad na 'ipangalan niyo sa akin ang Aking Iglesia.'  

Katulad ng malimit na sinasabi ng mga INC™ na WALA raw malinaw na sinabi si Jesus na 'Ako ay Diyos', DAHILAN para ITANGGI nila ang pagka-Diyos ni Cristo. Ganyan ang pamantayan ng Iglesia Ni Cristo®-1914. Kaya't kung HINDI MALINAW na sinabi ni Cristo, HINDI dapat tanggapin ng INC™ bilang saligan.

Pero porke't walang literal na turo si Cristo na ipangalan sa Kanya ang kanyang Iglesia, hindi ito nangangahulugan na ang Iglesia noong unang siglo ay hindi na Kanya.

Tandaan, tanging sa ROMA 16:16 lang may nabanggit si Apostol San Pablo na "iglesia ni Cristo" at HINDI "Iglesia Ni Cristo"! Magkaiba po 'yan! (Basahin: Aling Iglesia nga Ba ang Tinutukoy sa Roma 16:16?)

Hindi tulad noon 1517 matapos tumiwalag si Martin Luther sa Iglesia Katolika, LIBU-LIBONG mga 'iglesia' na TATAG ng TAO at LAHAT sila UMAANGKIN na SILA raw ang TUNAY.



Ang paggamit ng mga INC™ sa talata sa Mateo 16:18 ay parang sila na rin ang naghukay ng sarili nilang patibong.
Mateo 16:18: "Ngayon sinasabi ko sa iyo na IKAW AY PEDRO, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA, at DI MANANAIG SA KANYA ang PINTUAN NG IMPIYERNO!"
Ang talata sa itaas ay HINDI TUMUTUKOY sa kanila (INC™-1914) kundi ITO aty TUMUTUKOY sa KASAYSAYAN ng IGLESIA KATOLIKA!

DITO TAYO SA KATOTOHANAN! 
  • MALINAW na MAY ITINATAG si JESUS na IGLESIA. 
  • MALINAW na HINDI Niya literal na inutos na iparehistro sa Kanyang pangalan.
  • MALINAW na  KAY Apostol SIMON PEDRO Niya ITINATAG ang Kanyang Iglesia (hindi kay Felix Manalo).
  • MALINAW na IPINANGAKO ni Cristo na HINDI MATATALIKOD itong Iglesiang Kanyang itinatag! 
  • At MALINAW na kung WALANG PAGTALIKOD, WALANG ITATAYO! Kung walang pagtalikod, hindi na kailangan ang pagsulpot ng maraming 'iglesia' mula 1517.
PAG-ISIPAN NATIN

Paanong maangkin ng Iglesia Katolika na siya ang Iglesiang itinayo ni Cristo gayung hindi siya tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo, kundi tinatawag siya sa pangalang “Iglesia Katolika Apostolika Romana”?

PAG-ISIPAN NATIN!

Paanong maangkin ng Iglesia Ni Cristo® 1914  na siya ang Iglesiang itinayo ni Cristo gayung HINDI naman naparito sa Pilipinas si Cristo upang muling ITATAG niya ito (Pasugo Mayo 1961, p. 22)? Pangalawa, HINDI NATALIKOD ang tunay na Iglesia kaya't walang kabuluhan ang pag-aangkin ng INC™ na sila ay ang bumangong-muli mula sa pagtalikod (Pasugo Abril 1966, p. 46). 

Ang INC™ ay ipinangalan kay Cristo ngunit HINDI ito kay Cristo! Katulad halimbawa ang  kumpanyang 'SAN MIGUEL CORPORATION', HINDI po PAGMAMAY-ARI ni SAN MIGUEL ARKANGHEL! Ito ay isang korporasyon na itinatag ni Don Enrique María Barretto de Ycaza y Esteban noong 1890 bilang La Fabrica de Cerveza de San Miguel, at pinamumunuan ngayon ni Ginoong Ramon S. Ang at ni Ginoong Eduardo Conjuanco. Wala pong kinalaman si Arkanghel San Miguel rito!

Katulad ng San Miguel Corp., ang sumulpot na iglesia na nagpakilala sa kopyang pangalang 'Iglesia Ni Cristo®' ay tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo, pinarehistro sa gobyerno noong 1914 bilang IGLESIA NI KRISTO (INK) na pinangangasiwaan ngayon ng kanyang apo na si Ginoong Eduardo V. Manalo (EVM). Ngayon, hindi na INK ang pagpapakilala nito kundi INC na sila. 


PAALALA NI CRISTO: Hindi LAHAT ng TUMATAWAG sa kanya ng 'PANGINOON, PANGINOON,' ay PAPASOK sa KAHARIAN ng LANGIT. (Mt. 7:21).  Hindi LAHAT nang NAGPAPANGALAN ng sambahan kay Cristo ay KAY CRISTO!
Ayon sa tradisyon, ang kasaysayan ng Iglesia Katolika ay nagsisimula kay Jesu-Cristo at sa kanyang mga turo (mga 4 BC - AD 30) at ang Iglesia Katolika ay isang pagpapatuloy ng unang komunidad ng Kristiyano na itinatag ng Mga Disipulo ni Jesus. [According to tradition, the history of the Catholic Church begins with Jesus Christ and his teachings (c. 4 BC – c. AD 30) and the Catholic Church is a continuation of the early Christian community established by the Disciples of Jesus.] -Wikipedia
BAKIT IGLESIA KATOLIKA ANG TAWAG SA TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO? Sapagkat ang Iglesia Katolika MISMO ang Iglesia ni Cristo!
Gayundin naman, sinabi ni Cyril ng Jerusalem, sa ika-apat na siglo na ang Iglesia Katolika ay tinatawag na Katolika hindi lamang 'sapagkat ito ay kumalat sa buong mundo', kundi pati na rin 'sapagkat ito ay ganap na itinuturo at walang kapintasan ang lahat ng mga doktrina na nararapat na dumating sa kaalaman.' [So too Cyril of Jerusalem, in the fourth century, says that the Church is called Catholic not only 'because it is spread throughout the world', but also 'because it teaches completely and without defect all the doctrines which ought to come to the knowledge of men'.] -Wikipedia
Paano kung itawag ang pangalan ni Cristo sa tunay na Iglesia na itinayo ni Cristo? Sa Roma 16:16:

“Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.” (Roma 16:16 NPV)

Paano kung itawag ang pangalan ni Cristo sa HUWAD na Iglesia na itinayo ni Ginoong Felix Manalo noong 1914? Ito ba ay mangangahulugang kay Cristo na?

MALABO pa sa PUTIK na tubig ang sagot. Ang itinuturo ng Iglesia Katolika ay ganito: Na ang Iglesia Katolika ay siya mismong tunay na Iglesia ni Cristo mula pa noon hanggang ngayon!
"Ito ang nag-iisang Iglesia ni Cristo, na sa Kredo na ating itinuturing na isa, banal, katoliko at apostoliko." ["This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic."] -CCC 811
 Ang PROBLEMA ay si Ginoong FELIX Y. MANALO. INAANGKIN niya ang PARA kay CRISTO at PILIT na IKINAKABIT kay Cristo ang iglesiang hindi naman kay Cristo kund ang KANYANG TATAG sa PUNTA, SANTA ANA, LUNGSOD NG MAYNILA (PILIPINAS) noong 1914.

PASUGO Hulyo 1965, p. 12:
“Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios.
Hindi lamang PAG-AANGKIN sa mga katangian ni Cristo kundi pinalalagay pa nilang si F. Manalo ay mas mataas pa sa Diyos sapagkat HINANDOG ng DIYOS ang Kanyang sarili kay Manalo.

PASUGO Mayo 1964, p. 1 ay ganito:

“Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo."
At INAANGKIN din ng Iglesia Ni Cristo® ni Manalo 1914 ang mga pahayag ni Apostol San Pablo sa mga KRISTIANO SA ROMA 16:16:
"Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesiya ni Cristo ay bumabati sa inyo." 
KANINO ba ang SULAT ni Apostol San PABLO? Sa mga Pilipino  o sa mga taga-ROMA?

Wala pong duda na sa mga TAGA-ROMA po ang sulat! Kaya't walang kinalaman ang INC™ na tatag ni G. Felix Manalo.

Bukod niyan, ang SULAT ni Apostol Pablo sa mga Taga-ROMA ay isinulat noon pang mga c.57-58 A.D. samantalang ang INC™ ni Ginoong Manalo ay sumulpot lamang  sa  Pilipinas noong 1914 A.D. Mahigit 1,850 TAON ang pagitan nang itatag ni F. Manalo ang kanyang iglesia sa Pilipinas. Kaya't malabo pa sa maputik na tubig ang kanilang pag-aangkin na sila ang tinutukoy sa Roma 16:16!

Kung ang INC™-1914 ang tinutukoy ni San Pablo, sana kahit minsan ay nangangasigbatian sila ng 'banal na halik'. At sana ay nangangagbatian sila tungo sa kanilang lokal sa Roma.

Pero kabaliktaran! Hindi nagbabatitan ng 'banal na halik' ang kanilang mga bayarang ministro at lalong hindi binabaha ng pagbati ang kanilang lokal sa Roma.

Saan sila NAGPAPABATI? 

Sa PILIPINAS. 

Sa kanilang CENTRAL sa Diliman, Lungsod Quezon! 

Opo, bagamat PINAGMAMALAKI nilang NAKABALIK na raw sa Roma at sa Jerusalem ang ORIHINAL na 'IGLESIA NI CRISTO' ngunit hanggang sa kasalukuyan  NANANATILING sa PILIPINAS pa rin DUMADALOY ang LAHAT ng PAGBATI, PANGANGASIWA, PANANALAPI at ang PAMAMAHALA ng Iglesia Ni Cristo®. Sa Pilipinas pa rin NAROROON ang CENTRAL ng Iglesiang tatag RAW ni Cristo na muling itinatag makalipas ang Sanglibo't Siyamnaraan, at Labing-apat (1,914) taon.

Ating HIMAY-HIMAYIN ang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma 16:16

"MAGBATIAN KAYO NG BANAL NA HALIK!"


Ang ika-266 na KAHALILI ni APOSTOL SAN PEDRO (Papa Francisco) at si PATRIARKA JUAN X ng ANTIOCH ORTHODOX ay NAGBATIAN ng BANAL NA HALIK sa ROMA!

"ANG LAHAT NG MGA IGLESIA NI CRISTO AY BUMABATI SA INYO."

Pila-pila ang iba pang mga 'iglesia ni Cristo' sa Roma upang maghatid ng kanilang pabati.






Sa makatuwid, ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang NAGLALARAWAN ng sulat ni Apostol San Pablo sa (Roma 16:16). 

Ang IGLESIA SA ROMA noong panahon ng Apostol San Pablo HANGGANG sa KASALUKUYAN ay siya pa ring IGLESIA SA ROMA!

Kaya't ang pagbati ng banal na halik at ang pagpapadala ng pagbati ng LAHAT NG MGA IGLESIA NI CRISTO (hindi ang tatag ni Felix Manalo) sa buong mundo ay sa IGLESIA sa ROMA pa rin!



Ang tawag ng mga apostol sa Iglesiang itinayo ni Cristo ay “iglesya ni Cristo” o “Iglesia ni Cristo” (ang “Iglesya ni Cristo” at “Iglesia ni Cristo” ay iisa at hindi magkaiba). Marapat lamang na ang tunay na Iglesia ay tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo o sa pangalang “Iglesia ni Cristo” sapagkat:

1. Si Cristo ang nagtatag ng tunay na Iglesia:

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” (Mateo 16:18, amin ang pagbibigay-diin)

Kung si Cristo ang nagtatag ng tunay na Iglesia, marapat lamang na tawagin ito sunod sa Kaniyang pangalan.

KATOTOHANAN: Si Cristo ang NAGTATAG sa MISMONG TUNAY na IGLESIA. Si Felix Y. Manalo ang NAGTATAG ng HUWAD at PEKENG iglesia.
  • Ang tunay na Iglesia ay tatag sa Jerusalem noong c. 33 A.D. at hindi 1914.
  • Ang tunay na Iglesia ay si Cristo ang nagtatag at hindi tao!
  • Ang tunay na Iglesia ay may mga TANDA (Marks); ito ay Isa, Banal, Katoliko at Apostoliko!
  • Ito ay binabati ng lahat ng mga iglesiang kay Cristo!
  • Ito ay tuloy-tuloy, di natalikod kailanman!
Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay MAAARING ISALIN sa LAHAT ng wika nang HINDI NAGBABAGO ang PAKAHULUGAN at ang PINATUTUNGKULAN.  Ito ay HINDI NAKAKULONG sa WIKANG TAGALOG! Kapag ang isang iglesia ay nakakulong sa iisang wika, HUDYAT na ito ay PEKE! Tatag ng TAO!

Ang Iglesiang tatag ni G. Felix Y. Manalo ay NAIPAREHISTRO sa WIKANG TAGALOG kaya't kahit sa ibang bansa, ang katawagan pa rin sa kanya ay 'Iglesia Ni Cristo' na may pagsasalin sa lokal na wikang kinaroroonan nito, HUDYAT na ito ay ang iglesiang pag-aari ni G. Felix Manalo at hindi ng ibang mangangaral na may kauring pangalan sa wikang Ingles.

Halimbawa, itong artikulong ISINULAT SA INGLES pero kapag ang TINUTUKOY ay ang IGLESIANG TATAG NI F. MANALO, NANANATILI sa WIKANG TAGALOT ~ ang  'Iglesia Ni Cristo':
Iglesia Ni Cristo has thousands of followers in Canada, but in the Philippines, some devotees have been accused of kidnapping and murder. This is the story of a Canadian man who ran up against members of the church and ended up dead. (Source: CBS News)
Worshippers come to hear Manalo speak at an INC church in a Toronto suburb in September. (CBC)
Sambahan ng INC™ sa Petrusburg, South Africa (Source: INC News and updates)
2. Pinatutunayan din sa Mateo 16:18 na ang tunay na Iglesia ay kay Cristo o pag-aari Niya:

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” (Mateo 16:18, amin ang pagbibigay-diin)

Ang sabi ni Cristo ay “itatayo ko ang AKING IGLESIA.” Kung si Cristo ang may-ari at ang Iglesiang itinayo Niya ay Kaniyang pag-aari, marapat lamang na tawagin sunod sa Kaniyang pangalan.

PINATUTUNAYAN lamang ng MATEO 16:18 na ang MISMONG TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ay ang TATAG NIYA noong UNANG SIGLO.  Ang INC™ 1914 ay walang kinalaman sa Mateo 16:18.

"At sinasabi ko naman sa iyo, na IKAW AY PEDRO, at sa IBABAW ng BATONG ITO ay ITATAYO ko ang AKING IGLESIA; at ang mga PINTUAN ng HADES ay HINDI MASISIPANAIG LABAN sa KANYA (Iglesia)." (Meteo 16:18, amin ang pagbibigay-diin).

Ano-ano ang pinapatunayan ng Mateo 16:18?

  • Mayroong iisang Iglesiang tatag si Cristo.
  • Ang Iglesiang tatag ni Cristo ay itinatag noong Unang Siglo.
  • Ang Iglesiang tatag ni Cristo ay itinatag kay Apostol Simon Pedro (bato).
  • Ang Iglesiang tatag ni Cristo ay hindi matatalikod ayon sa pinangako ng nagtatag na si Cristo.
  • Ang Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo ay siyang tunay at wala nang iba.
Ano-ano ang patunay ng Iglesia Ni Cristo® sa Pilipinas mula sa kanilang Pasugo?
  • Ang INC™ ay tatag sa Pilipinas at hindi sa Gitnang Silangan.
  • Ang INC™ ay itinatag lamang nitong ika-20 siglo sa panahon ng mga huling araw.
  • Ang INC™ ay itinatag ni Felix Y. Manalo at hindi ni Cristo.
  • Ang INC™ ay pag-aari ng nagtatag at hindi ni Cristo.
  • Ang INC™ ay huwad lamang sapagkat ito ay sulpot lamang
  • Ang INC™ ay huwad sapagkat ang tunay ay hindi pa natatalikod.
3. Si Cristo ang ulo at ang Iglesia ay katawan ni Cristo:

“At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia…” (Colosas 1:18)

Bilang Siyang ulo ng Iglesia, marapat lamang na tawagin ang Iglesiang itinayo ni Cristo sunod sa Kaniyang pangalan.

Maging ang mga awtoridad Katoliko mismo ay nagpapatunay na ang Iglesiang itinayo ni Cristo ay tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo.” Ganito ang pahayag ng isang paring Katoliko sa aklat na Religion: Doctrine and Practice, sa pahina: “5. Did Jesu Christ established a Church?

“Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, we learn that Jesus Christ established a Church, which from the earliest times has been called after Him the Christian Church or the Church of Christ.”

(Cassily, Francis B., S.J. Religion: Doctrine and Practice for use in Catholic High Schools. 12th and revised edition. Imprimi Potest: Charles H. Cloud, S.J. Provincial of the Chicago Province. Imprimatur: George Cardinal Mundelein, Archbishop of Chicago. Chicago: Loyola university Press, 1934, p. 442-443.)

Kaya ang hindi tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo ay hindi tatag ni Cristo. Hindi kay Cristo, at hindi ang Kaniyang pinangunguluhan.

SI CRISTO BILANG ULO NG IGLESIA ay TURO NAMAN ng IGLESIA KATOLIKA ~ ang siyang tunay na Iglesia ni Cristo! (Pasugo Abril 1966, p. 6). Ito ay nababasa sa OPISYAL na KATEKISMO Blg. 792:
Si Cristo "ang ulo ng katawan, ang Iglesia (Colosas 1:18)." Siya ang prinsipyo ng paglikha at pagtubos. Itinaas sa kaluwalhatian ng Ama, "sa lahat ng bagay siya ay pinakadakila, (Colosas 1:18)" lalo na sa Iglesia, na sa pamamagitan niya ay pinalawak niya ang kanyang paghahari sa lahat ng bagay. [Christ "is the head of the body, the Church (Colossians 1:18)." He is the principle of creation and redemption. Raised to the Father's glory, "in everything he [is] preeminent, (Col. 1:18)" especially in the Church, through whom he extends his reign over all things.]
Si CRISTO bilang ULO ng IGLESIA, hindi na kailangan pang i-SPELL OUT na kay Cristo ang Iglesia sapagkat sa salitang IGLESIA pa lamang si CRISTO mismo ang may-ari! Sa konteksto ng mga KRISTIANO noong UNANG SIGLO ang salitang "iglesia" o "church" ay tumutukoy, walang iba kundi ang Iglesia Katolika!

SUMULPOT lamang naman ang LIBO-LIBONG mga IGLESIA raw ni Cristo mula nang umusbong ang PROTESTANTISMO 1,517 at BINABOY ang Banal na Kasulatan noong 1549. Kaya't ngayon, ANG DAMI-DAMI ng mga relihiyon na umaangkin na SILA RAW AY MGA 'IGLESIA NI CRISTO' rin pero ayon sa PASUGO ay lahat ng mga iyan ay mga HUWAD LAMANG!

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang (ang pagdidiin ay amin lamang)."
Bilang iglesiang bumangon lamang ngayon, KASAMA na ang Iglesia Ni Cristo® 1914 sa mga TINUTURING nilang mga 'HUWAD LAMANG'!

At sa IGLESIA KATOLIKA ay PINATUNAYAN na ng KASAYSAYAN, ng PASUGO at iba pang mga reperensiya tulad ng mga ENCYCLOPEDIA na ITO ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ~ TATAG ni CRISTO noong UNANG SIGLO (c33 A.D.) at ang REHISTRADONG IGLESIA NI CRISTO® (1914) ay PAG-AARI ni G. FELIX Y. MANALO!

PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
PASUGO May 1961, p.4
“At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”
Kung totoo man ang kanilang sinipi mula kay Fr. Francis Cassily, S.J, TUGMA at TAMA naman ang PAGLALARAWAN sa IGLESIA KATOLIKA bilang siyang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO sapagkat ang IGLESIA KATOLIKA nga ang TATAG ni Cristo at wala nang iba!

IYAN din ang ITINUTURO ng IGLESIA KATOLIKA sa OPISYAL na KATEKISMO Blg 811:

["This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." These four characteristics, inseparably linked with each other, indicate essential features of the Church and her mission. The Church does not possess them of herself; it is Christ who, through the Holy Spirit, makes his Church one, holy, catholic, and apostolic, and it is he who calls her to realize each of these qualities.] Ito ang nag-iisang Iglesia ni Cristo, na sa Kredo na ating itinuturing na isa, banal, katoliko at apostoliko." Ang apat na katangian na ito, ay magkakaugnay sa bawat isa, ay nagpapakita ng mga mahahalagang katangian ng Iglesia at ng kanyang misyon. Ang Iglesia ay hindi nagtataglay ng mga ito sa kanyang sarili; Si Cristo na, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ay Siyang gumagabay sa kanyang Iglesia sa kanyang pagiging banal, katoliko, at apostoliko, at siya ang tumawag sa kanya upang mapagtanto ang bawat isa sa mga katangiang ito. 

KAALAMAN: 




  • Sa ANTIOCH UNANG tinawag na Kristiano ang mga taga-sunod ni Cristo (Gawa 11:19-30)
  • Sa ANTIOCH UNANG naisulat na KATOLIKA ang tawag sa Iglesia ni Cristo.
  • Sa Roma 16:16 lamang nababasa ang salitang 'iglesia ni Cristo' at hindi Iglesia Ni Cristo.
  • Sa Gawa 20:28, Iglesia ng Diyos at tawag sa Iglesia ni Cristo.

PAG-ISIPAN NATIN

Paanong maangkin ng Iglesia Katolika na siya ang Iglesiang itinayo ni Cristo gayung aminado naman sila na ang Iglesiang itinayo ni Cristo ay “Iglesia ni Cristo” gayung sila ay “Iglesia Katolika Apostolika Romana”?

PAG-ISIPAN DIN NATIN

Paanong maangkin ng Iglesia Ni Cristo® (INC™) 1914 na siya ang Iglesiang itinayo ni Cristo gayung aminado naman sila na 1914 lamang sila itinatag at aminado rin naman sila na ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa pasimula ay ang Iglesia Katolika?

PASUGO Abril 1966, p. 46: 
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
PASUGO JULY AUGUST 1988 p. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
PASUGO MARCH-APRIL 1992, p. 22
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."
ANG KAHALAGAHANG TINATAWAG SUNOD SA PANGALAN NI CRISTO O SA PANGALANG “IGLESIA NI CRISTO”

Ano ang pinatutunayan na ang Iglesia Katolika ay hindi tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo? Sa Gawa 4:12 ay ganito ang sinasabi:

“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” (Gawa 4:12)

Ganito kahalaga na tinatawag sa pangalan ni Cristo. Ang sabi ng Biblia, “St sa kanino mang iba ay walang kaligtasan.”

HINDI LAHAT NG TUMATAWAG SA PANGALAN NI CRISTO AY KAY CRISTO (Mateo 7:21)!

Ito ang BABALA ni CRISTO sa PAGDATING ng mga BULAANG PROPETA (1517-1914). SINO ang mga DARATING na mga BULAANG PROPETA?

Silang mga NANGGALING SA ATIN (nanggaling sa Katoliko), ngunit HINDI na sila ATIN. Sapagkat KUNG SILA AY ATIN, NANATILI sana sila sa ATIN. 

At ayon kay Apostol San Juan (1 Juan 1:18)  ITO AY DAPAT NA MANGYARI (ang kanilang PAGTALIKOD sa TUNAY na IGLESIA ni CRISTO), upang MAHAYAG ang KATOTOHANAN na SILA'Y HINDI na ATIN at SILA ngayo'y mga KALABAN NI CRISTO!
"Mumunting mga anak, sumapit na ang huling oras. Batay sa inyong maririnig na dumarating na ang ANTI CRISTO, marami nang anti-Cristo ang dumating; kung kaya nalalaman nating sumapit na ang huling oras.  SA ATIN SILA NANGGALING ngunit HINDI SILA ATIN, sapagkat kung sila ay atin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ito ay nangyari upang MATANYAG NA SILANG LAHAT AY HINDI NA ATIN."
At sino ang mga ANTI-CRISTO na ito? Sila ang mga MANGANGARAL na HINDI TANGGAP si HESUS (na DIYOS) na NAGKATAWANG-TAO!
"Sapagkat NAGKALAIT sa daigdig ang MARAMING MANDARAYA na AYAW KUMILALA na si JESUCRISTO ay NAGKATAWANG-TAO; ganyan nga ang MANDARAYA at ang ANTI-CRISTO." (2 Juan 1:7)
Tanggap ba ng mga INC™ si Cristo bilang Diyos? 

HINDI!

Tanggap ba nila na si Jesus ay Diyos na NAGKATAWANG-TAO (Juan 1:1,14)? 

HINDI!

Ngayon alam niyo na kung sino ang tinutukoy rito ni Apostol San Pablo na mga mandaraya at mga anti-Cristo.

PAG-ISIPAN NATIN

Paanong maaangkin ng Iglesia Katolika na na sila ang tunay na Iglesiang may kaligtasan kung hindi sila tinatawag sa tanging pangalang ibinigay ng Diyos na sukat nating ikaligtas?

Totoong hindi basta tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo” ay tiyak nang ito ang tunay na Iglesiang kay Cristo, subalit isang katotohanan na kung hindi tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo” ay tiyak na hindi siyang Iglesiang itinayo ni Cristo.

Kaya, ang argumento ng mga Catholic Defenders na hindi lamang ang Iglesia ni Cristo ang Iglesiang tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo” ay hindi nagpapatunay na sila ang Iglesia ni Cristo na itinayo ni Cristo noong unang siglo, sapagkat hindi naman sila tinatawag sa pangalan ni Cristo.

Tulad lang ito halimbawa ng paghanap natin sa tunay na may-ari ng isang lupa. Kung ang tunay na may-ari ay “Pedro dela Cruz,” kung gayun, ang taong nagsasabing siya ang may ari ng lupa subalt hindi naman “Pedro dela cruz” ang pangalan, ay tiyak na tiyak na hindi siya ang may-ari ng nasabing lupa. Kung higit man sa isa na may pangalang “Pedro dela Cruz” ang nag-aangkin ng lupa, tiyak na ang mga hindi tinatawag sa pangalang ito ay hindi na isasama ng korte sa sisiyatin kung sino nga ang tunay na “Pedro dela Cruz” na may-ari ng lupa.

Samakatuwid, sa paggamit natin ng “process of elimination” ay tiyak na tiyak na “eliminated” na agad ang Iglesia Katolika sa mga dapat na suriin kung alin ang tunay na “Iglesia ni Cristo,” sapagkat hindi nga sila tinatawag sa pangalan ni Cristo o sa pangalang “Iglesia ni Cristo.” Dahil dito, sa paghanap ng tunay na Iglesia ni Cristo ay tiyak na hindi ito ang Iglesia Katolika.

PAG-ISIPAN NATIN MGA KABABAYAN

Paanong maaangkin ng Iglesia Ni Cristo® na sila ang tunay na Iglesiang may kaligtasan kung hindi sila ang tinawag ni Cristo at wala sa kanila ang pagpanig ng katotohanan ng kasaysayan ng tao? Paano naman sila ang tunay kung kamakailan lamang sila itinatag? Paanong sila ang tunay kung ang TUNAY na TATAG ni CRISTO na Iglesia Niya ay DI PA NATATALIKOD?

Kung may TUMALIKOD, HINDI ang IGLESIANG TATAG ni CRISTO kundi ang SILA ang TUMALIKOD sa tunay na Iglesia.
SA ATIN SILA NANGGALING ngunit HINDI SILA ATIN, sapagkat kung sila ay atin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ito ay nangyari upang MATANYAG NA SILANG LAHAT AY HINDI NA ATIN." (1 Juan 1:18)
Ating pamantayan sa pagkilatis kung alin ang tunay, doon tayo sa ORIG, huwag sa mga KOPYA-KOPYA lamang.

Anong aral ang napupulutan natin sa artikulo ng INC™? Hindi lahat ng MAGKAPANGALAN o MAGKATUNOG ay TUNAY. Ang isa riyan ay HUWAD!

Photo Source: How to Spot Fake
Ating gawing GABAY ang KANILANG sinabi sa PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

Kung sino mang 'iglesia' ang bagong sulpot at inaangkin din na sila ay Iglesia ni Cristo, sila ay hindi tunay kundi HUWAD lamang! Sapagkat ang IGLESIA KATOLIKA ang MISMONG IGLESIA NI CRISTO!


Saturday, October 6, 2018

104 Taon ng Pagkakatatag: Sila raw ang tunay?

Originally posted at Iglesia ni Cristo 33AD blog

Tuwang-tuwa at galak na galak ang mga kaanib ng samahang tatag ni Ginoong Felix Manalo ~ang Iglesia Ni Cristo® ~  sa tuwing sumasapit ang ika-27 ng Hulyo. Ito ay sapagkat ipinagdiriwang nila ang taon ng kanilang anibersaryo ng PAGKAKATATAG.

Ayon sa kanilang REHISTRO ang kanilang relihiyon ay itinatag ni G. Felix Manalo noon lamang ika-27 ng Hulyo 1914. Kaya't sa taon ng mga Katoliko na 2018, sila ay isandaan at apat (104) taon pa lamang ng pag-iral.

Sabihin man nila ng paulit-ulit na ang IGLESIA KATOLIKA ay peke, hindi tunay at tatag ng mga pagano, hindi pa rin ito papasa sa simpleng pagsusuri sa kasaysayan sapagkat sila na rin mismo ang umaamin na sila'y KAILAN lamang ITINATAG. Sapagkat ang Iglesia Katolika ay 2,018 taon na samantalang sila ay 104 pa lamang.



At sa Europa, sila ay 50 AÑOS pa lamang samantalang ang Iglesia Katolika ay halos 1,951 taon nang umiiral doon. Kung pagbabatayan natin ang bilang ng taon upang angkinin ang mga katagang "God's promises fulfulled" eh, malamang hindi sila ang tinutukoy kundi ang IGLESIA KATOLIKA na sa "pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." (Pasugo Abril 1966, 9. 46).


Maging ang kanilang PAG-AANGKIN na ang "tunay" raw na Iglesia ay "NAKABALIK NA" sa kanyang "ORIHINAL" na tahanan, malaking katanungan pa rin sa atin kung BAKIT HANGGANG NGAYON AY NASA PILIPINAS PA RIN ANG KANILANG CENTRAL?


Kung ika'y isang kaanib sa INC™-1914 at ipinangaral sa iyo na ang "tunay" raw na Iglesia ay "nakabalik" na nga naman sa kanyang "original home" ayon sa itiniwalag na si Isais Samson Jr, hindi ba't kagalak-galak na balita ito?  

At dahil alam mo bilang isang INARALAN ng mga ministro ng INC™-1914 na ang ITINATAG ni G. Felix Manalo sa Pilipinas ay isang LOKAL lamang na kailangang IBALIK sa Jerusalem, hindi ba't NAKAKAPAGTATAKA nga naman na ang CENTRAL na PAMAMAHALA nito ay HINDI NALIPAT sa "original home" nito sa Jerusalem?

Lumalabas na ang INC™-1914 na tatag ni G. Manalo sa Pilipinas ay HINDI TOTOONG LOKAL lamang kundi ito ay isang IGLESIANG pagmamay-ari niya. Kaya't ang SENTRONG PAMAMAHALA nito ay HINDING-HINDI maililipat ito sa ibang bansa kundi sa PILIPINAS lamang. Sa Pilipinas itinatag at sa Pilipinas rin ito magwawakas! Ang pagkakaroon ng Central Offices ng  Iglesia Ni Cristo® sa Pilipinas ay hudyat na walang kinalaman si Cristo sa samahang 'yan at lalong wala silang koneksyon sa original na iglesia sa Jerusalem man o sa Roma.


IGLESIA SA ROMA, BINABATI BA NG LAHAT NG IGLESIA NI CRISTO®?

At bilang pang-wakas, ang kanilang paboritong talata sa Biblia, ang ROMA 16:16, wala po itong kinalaman sa kanila. Ang pinatutungkulan nito ay ang IGLESIA KATOLIKA na NASA ROMA. 

Bakit kaniyo?

Sapagkat ayon sa talata, "binabati KAYO (Iglesia sa Roma) ng lahat ng mga iglesia ni Cristo".

Bakit? May pagbati ba ang lahat ng "Iglesia Ni Cristo®" sa kanilang lokal sa Roma?

Wala pa akong natatandaan na ang lahat ng kanilang mga lokal sa buong mundo ay nagpapabati sa kanilang lokal sa Roma!

Saang parte ba ng mundo sila nagpapabati?

Sa kanilang CENTRAL sa Pinas.

Kailan?

Sa tuwing sumasapit ang ika-27 ng buwan ng Hulyo, araw ng kanilang pagkakatatag sa Pilipinas!

Kaya't kung kayo ay kaanib sa IGLESIA KATOLIKA, magalak at magpuri kayo sa Panginoong Diyos sapagkat ITO ay ang IGLESIANG INIIBIG ng Diyos, TINAWAG sa kabanalan, biyaya at kapayapaan at ang PANANAMPALATAYANG KATOLISISMO ay BANTOG sa BUONG MUNDO (Universal o καθ' ὅλης Kata Holos (Catholic)!

Ἡ μὲν οὖν ἐκκλησία καθ' ὅλης τῆς Ἰουδαίας καὶ Γαλιλαίας καὶ Σαμαρείας εἶχεν εἰρήνην, οἰκοδομουμένη καὶ πορευομένη τῷ φόβῳ τοῦ κυρίου, καὶ τῇ παρακλήσει τοῦ ἁγίου πνεύματος ἐπληθύνετο. [Acts 9:31]



Thursday, November 20, 2014

Exposing how the Iglesia Ni Cristo® Cult of Manalo using Lies and Deceit to convert people

 (Source: Exposing the INC Cult of Manalo)
Ganito ang mga taktika ng mga taga-PAGTANGGOL ng INC™ ni Manalo. Nakita niyo kung PAANO nila INALIS SYSTEMATICALLY ang salitang "mga" sa kanilang PowerPoint Presentation?!

Si Jose Ventilacion ay numero unong DALUBHASA sa PANDARAYA at PANLILINLANG.

Sa kanyang mga sinasalihang debate, NAGPAPANGGAP siyang maalam sa GRIEGO at HEBREO pero BOKYA po siya sa tingin ng mga DALUBHASA sa Biblical Language.

Madalas, ipinapakita nila sa kanilang mga mambabasa na "Iglesia Ni Cristo" raw ang mga nakasulat sa Biblia pero kung titingnan mo naman ang kanilang Bible source ay "mga iglesia ni Cristo"po ang nakasulat (sa Roma 16:16).

Opo, HINDI po INC ang mga nakasulat doon, ... inC po ang nasa talata! "mga iglesia ni Cristo" po!

Maliban sa Roma 16:16 ay mayroon pa raw isang talata sa Biblia na may mga nakasulat na "Iglesia Ni Cristo" (INC) o "Iglesia ni Cristo" (InC).

Ito raw ay nakikita sa Mga Gawa 20:28.

Kung SILIPIN niyo ang Acts 20:28 o Mga Gawa 20:28, WALA po kayong makikitang "Iglesia Ni Cristo" (INC) o "Iglesia ni Cristo" (InC) o kahit "iglesia ni Cristo" (inC) sa mga talatang binanggit.

Ang tanging makikita niyo ay "church of God" o "iglesia ng Dios"!

Pero hirit nila, sa LAMSA TRANSLATION daw po makikita!

Bakit kay LAMSA lamang ito nakikita?

Heto ang napulot ko sa FB page ng "Exposing the Iglesia ni Cristo Cult of Manalo" (all emphasis mine).
"The Lamsa Bible is supposedly a translation of the Aramaic Peshitta Bible, authored by occultist George Lamsa. He was a very sly man. He used as his base text the King James Bible, and changed passages to fit what he wanted them to say, then claimed he was only "translating the Aramaic."
"The Lamsa Bible is not Christian at all. It is Lamsa's own blend of occultic ideas made to look a lot like the King James Bible. Amazingly he published books with both Holman Publishers and the occultic Unity "School of Christianity." For a while, some Christians endorsed this Bible, and it was the choice for Oral Roberts' study Bible years back. I have not heard anything more about it for years.
"It is better to stay with God's preserved words in English. All these supposed "more ancient" and "better" Bible texts have done is bring confusion to the Christian world. And we all know who is the author of confusion."

Aha! Iyon pala ang dahilan. 

Confusion ba kamo? 

Opo, ganitong-ganito po ang ginagawa ng mga kaanib at taga-PAGTANGGOL ng Iglesia Ni Cristo® o ng INC™ upang sa PAGKALITO dala ng PANLILINLANG nila at PANDARAYA ay AAGAWIN nila ang mga walang-kaalaman sa Katuruan ng Iglesia Katolika upang maging kaanib nila.

BABALA: Bago po kayo umanib sa INC™ Kulto ni Manalo, kung maaari po ay sumangguni po muna kayo sa isang APOLOGIST upang kayo ay matulungan bago pa madala ang inyong kaluluwa sa kapahamakan!


Monday, November 3, 2014

Local ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Roma, BINABATI nga ba ng lahat ng mga iglesia ni Cristo?

Ayon sa PAG-AANGKIN ng mga tagapagtanggol ng Iglesia Ni Cristo® (INC ni Manalo), ang pangalan daw ng kanilang samahan ay mababasa sa sulat ni Apostol Pabol sa mga taga-ROMA 16:16 PATUNAY na sila raw ang TOTOO.  Samantalang ang IGLESIA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA (IKAR daw) ay WALA, PATUNAY na PEKE raw tayo.
"Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo." -Roma 16:16
Pero hindi naman ito ang SINASANG-AYUNAN ng kanilang OPISYAL na MAGASING PASUGO!


Pasugo April 1966, p. 6
"...The Catholic Church which from the beginning was the Church of Christ (“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo.")."

Pasugo July August 1988 pp. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ [Iglesia ni Cristo] is the Catholic Church.”

Kung sa KATUNOG lang ang batayan, tama nga namang may mga katagang "iglesia ni Cristo" ngunit plain and simple hindi ito ang "Iglesia Ni Cristo" na tatag ni Felix Manalo noong 1914.

Ang nakasulat sa Biblia ay "mga iglesia ni Cristo" at HINDI "Iglesia Ni Cristo" (INC)!

Ngunit, for the sake of argument ika nga, ipagpalagay na lamang natin na sila (ang Iglesia Ni Cristo®) ang tinutukoy sa Roma 16:16.

Kailan ba kasi nagkaroo ng lokal ang Iglesia Ni Cristo (INC ni Manalo) sa Roma?

Sabi ng kanilang website, nagkaroon lamang daw ng Local ang INC ni Manalo sa Roma around 22 years ago (1992 A.D.)

At kailan ba naisulat ni Apostol San Pablo ang kanyang SULAT SA MGA TAGA-ROMA kung saan binanggit niya ang mga katagang "mga iglesia ni Cristo"?

Ayon sa mga Bible Scholars (sa ngayon walang Ministro ng INC ni Manalo ang naturingang Bible Scholar) ang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga Kristiano sa Roma naisulat sa pagitan ng 56-57 A.D. at marahil ay ipinadala ito sa Roma noong si San Pablo ay nasa Corinto sa pagitan ng taong 57-58 A.D-- mahigit 1,957 years ago (as of 2014 AD).

Lalong lumalakas ang pruweba na ang tinutukoy ni Apostol Pablo na IGLESIA sa Roma 16:16 ay ang IGLESIA KATOLIKA at hindi ang Iglesia Ni Cristo® (INC ni Manalo).

Kaya may IGLESIA NI CRISTO na pala mula pa noong 57 A.D. At ito ay sa ROMA (modern day ITALY).

At heto pa ang pambungad ni Apostol Pablo sa mga taga-ROMA (1:8)
"First of all, I give thanks to my God through Jesus Christ for all of you, because YOUR FAITH IS SPOKEN OF ALL OVER THE WORLD."

Kitam! Ang PANANAMPALATAYA raw ng mga KRISTIANO sa ROMA ay BANTOG sa BUONG MUNDO!

Sa KATUNAYAN, hanggang ngayon ang PANANAMPALATAYANG KATOLIKO pa rin ang PINAKA-BANTOG na pananampalataya sa BUONG MUNDO! At sa kasalukuyan, ang BILANG ng mga KATOLIKO sa buong mundo ay umaabot na sa 1.2 billion, 1/6 ng buong populasyon-- ibig sabihin sa bawat anim na katao, isa doon ay Katoliko!

Kaya pala sinabi ni Apostol San Pablo sa mga taga-ROMA na ang "LAHAT" daw ng mga iglesia ni Cristo ay 'BUMABATI SA INYO (Roma)".

Heto ang patunay mula sa WIKIPEDIA.

Pansinin ang mga bansang kulay Luntian (Green), ito ang mga bansang MAY PAGBATI sa Iglesia sa Roma.

Ang kulay Abo (Gray) naman ay HINDI BUMABATI at KUMIKILALA sa Iglesia sa Roma. Ito ang mga bansang China (komunista), Myanmar (komunista), Macau (parte ng China), North Korea (Komunista), Afghanistan (Muslim), Saudi Arabia (Muslim), Oman (Muslim), Somalia (Muslim), Mauritania kasama ang Sahara Desert (mga Islamic Republic).

 Lumalabas na sa IGLESIA KATOLIKA pala ang NAKATUPAD sa mga nakasulat sa ROMA 16:16 at hindi ang Iglesia Ni Cristo® (INC) na noon lamang sumulpot sa Pilipinas noong 1914 sa pamamagitan ng pekeng sugo na si Felix Manalo.

[Basahin ang Alin nga ba ang Iglesiang BINABATI ng LAHAT ng mga iglesia ni Cristo?]

IPAGPALAGAY NATIN

Narito ang mga kuhang-larawan ng INC Local ng Roma (mula sa Facebook), kung saan makikita niyo na ang kanilang local sa Roma ay puro mga OFW (Overseas Filipino Workers)!








Ipaglagay natin na sila (Iglesia Ni Cristo Lokal ng Roma) ang tinutukoy sa Roma 16:16.  BINABATI ba ng lahat ng mga Iglesia Ni Cristo ang  local na INC sa Roma?

At kung "the true Church of Christ is back in the region" [Iglesia Ni  Cristo Today] eh bakit hanggang ngayon eh Pilipinas pa rin ang kanilang Central? Akala ko ba  eh LOKAL lamang ang ITINATAG ni Felix Manalo sa Pilipinas? Eh bakit wala sa Roma o Jerusalem ang kanilang Central?

Konting pagbubulay-bulay lamang mga kababayan ko. Gamitin ang sentido-kumon upang makawala kayo sa kapahamakan ng impierno.

ANG MANLILINLANG AT ANTI-CRISTO NA SI FELIX MANALO

Si Felix Manalo ay nangangaral na si Cristo ay TAO LAMANG at hindi siya kailanman naging DIOS.  Ang kanyang mga aral ay SALUNGAT sa Biblia.  Ayon sa 2 John 1:7, ang mga taong DI TANGGAP ang (DIOS) NA NAGKATAWANG TAO ay mga MANLILINLANG at ANTI-CRISTO.  Ito ang PAGLILINAW ng BIBLIA tungkol kay FELIX MANALO at ng mga ARAL ng Iglesia Ni Cristo® -1914

Narito ang ilan sa mga Bible Versions na mahilig nilang gamitin:

New International Version
I say this because many deceivers, who do not acknowledge Jesus Christ as coming in the flesh, have gone out into the world. Any such person is the deceiver and the antichrist.

New Living Translation
I say this because many deceivers have gone out into the world. They deny that Jesus Christ came in a real body. Such a person is a deceiver and an antichrist.

English Standard Version
For many deceivers have gone out into the world, those who do not confess the coming of Jesus Christ in the flesh. Such a one is the deceiver and the antichrist.

New American Standard Bible
For many deceivers have gone out into the world, those who do not acknowledge Jesus Christ as coming in the flesh. This is the deceiver and the antichrist.

King James Bible
For many deceivers are entered into the world, who confess not that Jesus Christ is come in the flesh. This is a deceiver and an antichrist.

Holman Christian Standard Bible
Many deceivers have gone out into the world; they do not confess the coming of Jesus Christ in the flesh. This is the deceiver and the antichrist.

International Standard Version
For many deceivers have gone out into the world. They refuse to acknowledge Jesus the Messiah as having become human. Any such person is a deceiver and an antichrist.

New American Bible
Many deceivers have gone out into the world, those who do not acknowledge Jesus Christ as coming in the flesh; such is the deceitful one and the antichrist.

The Jerusalem Bible
Many false teachers have appeared in the world, who will not acknowledge that Jesus Christ has come in human flesh; here is the deceiver you were warned against, here is Antichrist.

Douay-Rheims Bible
For many seducers are gone out into the world, who confess not that Jesus Christ is come in the flesh: this is a seducer and an antichrist.

Kaming mga kaanib ng TUNAY na IGLESIA ni CRISTO ay nagbibigay sa inyo ng babala na kailangan niyo nang lisanin ang INC ni Manalo sapagkat ito't ikapapahamak ng inyong mga kaluluwa! At hindi kami magsasawang sabihan at paalalahanan kayong lisanin na ang pekeng kulto ni Manalo alang-alang sa inyong kaligtasan.

Pagpalain nawa kayo ng Dios sa inyong paglalakbay pabalik sa tunay na Iglesia-- ang Iglesia Katolika!

Sunday, July 27, 2014

SA PAGDIRIWANG ng SENTENARIO ng INC Tinupad ba ng IGLESIA NI CRISTO® o INC ang nakasaad sa ROMA16:16?

Ang ika-100 toang PAGKAKATATAG ng Iglesia ni Cristo® na itinatag ni Felix Manalo. Tinalikdan ni Felix Manalo ang tunay na Iglesia-ang Iglesia Katolika bilang katuparan sa mga hula sa Biblia na tatalikod ang tao sa tunay na Iglesia.
Buong pagmamalaking sinasabi ng mga bayarang Ministro ng INC-1914 sa kanilang pamamayahag sa TV o radio o maging sa kanilang official magasing Pasugo na SILA (INC) raw ang mga nabanggit sa ROMA 16:16 "Binabati KAYO ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO." (Orihinal na pagkasulat ay 'Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.')

Gusto lamang kasi nilang IPAMUKHA sa ating mga Katoliko na SILA raw ang TINUTUKOY doon sa Roma 16:16.

Sa tunog na lang "iglesia ni Cristo"  akala nil ay ang INC nga ang tinutukoy doon pero ating SURIIN at SIYASATING mabuti ang Roman 16:16 at mahahalatang MALABONG-MALABONG sila ang tinutukoy doon.  

UNA, ay sapagkat SULAT ito ni APOSTOL SAN PABLO sa mga KRISTIANO sa ROMA noong UNANG SIGLO. Ibig sabihin, may mga IGLESIA NI CRISTO na noon pa! Samakatuwid, HINDI ang INC-1914 ang tinutukoy dito ni Apostol San Pablo.

PANGALAWA, ay sapagkat SULAT po ito ni APOSTOL SAN PABLO sa mga KRISTIANO sa ROMA noong UNANG SIGLO pa. At ang INC ay sa PILIPINAS po ito ITINATAG noon lamang 1914 A.D. bilang TRADEMARK o business.  Hindi po ito ang iglesia noong unang siglo.

PANGATLO, ay sapagkat ang mga tinutukoy rito ni Apostol San Pablo ay ang ROMA bilang BANTOG ang PANANAMPALATAYA sa BUONG MUNDO (KATA-HOLOS) Roma 1:18.
"Una'y nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo dahil sa inyong lahat, sapagkat tanyag sa buong daigding ang inyong pananampalataya."-Biblia ng Sambayanang Pilipino

Ilan lamang 'yan sa mga rason kung bakit ang Roma 16:16 HINDI ang INC ni MANALO noong 1914. [Basahin din ang aking artikulong may pamagat na "Alin nga ba ang iglesiyang binabati ng lahat ng mga iglesia ni Cristo?"]

PANSININ niyo ang uri ng kanilang paniniwala at PAG-AANGKIN sa ROMA 16:16

http://tunaynalingkod.blogspot.com/2013/07/ang-araw-ng-paghuhukom.html

Sige, SAKYAN natin ang kanilang HILING! Sabihin nating INC ni MANALO nga ang tinutukoy doon.

Roma 16:16 “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati KAYO ng lahat ng mga INC.”

Kailan ba nakarating sa ROMA ang INC?

Ang LOKAL ng INC sa ROMA ay opisyal na naitala lamang noong Huly 27,1994.

Ibig sabihin ay 20 taon pa LAMANG ang INC sa ROMA? 

Paano naman babatiin ng lahat ng INC ang LOCAL na INC sa ROMA eh halos 20 taon pa lamang sila sa Roma?

KABALIKTARAN pa nga!

Ang BINABATI ng lahat ng mga INC ay ang INC sa PILIPINAS at HINDI ang INC sa ROMA!

O akala ba namin ay KAYONG mga INC ang binabanggit sa ROMA 16:16?  Bakit naman CENTRAL ang BINABATI ng LAHAT ng mga INC at HINDI ang LOKAL ninyo sa ROMA ang BINABATI?

Isang sa mga maraming billboards na pinaglalagay ng mga pulitiko sa Pilipinas! Ang pagbati sa ika-100 taon ng PAGKAKATATAG nga ng INC-1914

ANO NGA BA ANG IPINAGDIRIWANG NA SENTENARIO NG IGLESIA NI CRISTO-1914?

Huwag po kayong malito.

Ang ipinagdiriwang po ng INC ni Manalo ngayong araw na ito ay HINDI po kaarawan ni FELIX MANALO, o ni ERAÑO MANALO o ni EDUARDO MANALO.

Lalong HINDI po ito pagdiriwang ng "GOD'S BLESSINGS" tulad ng mga tarpouline na nagiging sore-eyes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Lungsod ng Quezon.

HINDI po nila ito ILALAGAY sa kanilang mga pagbati sa harap ng kanilang mga patulis na TEMPLO.

Ang kanilang IPINAGDIRIWANG ay walang iba kundi ang PAGKAKATATAG ng IGLESIA NI CRISTO  sa VERSION ni MANALO noong 1914.

Patunay?

Heto ang sabi ng PASUGO (official magazine ng INC-1914).

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Registration ng INC sa Philippine Securities and Exchange Commission

Bakit CIUDAD DE VICTORIA?

Hindi po kasi nila kayang palitan ang Lungsod ng Maynila kay Manalo kung saan ang unang kapilya ng INC ay naitatag sa PUNTA, STA. ANA, MANILA.

At lalong hindi nila maaaring angkinin ang Lungsod ng Quezon para kay Manalo.  Sinubukan pa ngang gawing FELIX MANALO AVENUE ang buong COMMONWEALTH AVENUE kung saan naroon ang kanilang CENTRAL pero hindi po ito kinatigan ng Lungsod ng Quezon.

Kaya't sila'y GUMAWA ng sarili nilang LUNGSOD na nakapangalan kay MANALO.

Pero HINDI HALATA. Masyado kasing MANALONG-MANALO na ang mga PAGPUPURI at PAGBIBIGAY PARANGAL sa lahat ng mga kanilang mga GUSALI.

Tulad ng NEW ERA. Hango po iyan kay ERA-ÑO (ERA NEW).

Mahilig lang ang mga INC sa paglalaro ng SALITA.

Tulad ng "mga iglesia ni Cristo". Eh kapag nakasulat na po ito sa kanilang mga babasahin ay nagiging "Iglesia" na! Ung i ay nagiging I na!

Kaya't bumili sila ng LOTE na MAS MALAKI sa sukat ng VATICAN CITY sa ROMA kung saan nakatayo ang ORIHINAL na IGLESIA NI CRISTO (sulat ni Apostol San Pablo sa mga Kristiano sa Roma) sa pagitan ng BOCAUE at STA. MARIA sa Probinsiya ng Bulacan at tinawag ng CIUDAD DE VICTORIA

Ang CIUDAD DE VICTORIA po ay ESPAÑOL o WIKANG KASTILA na sumakop sa atin sa mahigit 300 taon.

Bagamat bitter na bitter sila sa mga Kastila pero nakapagtataka kung bakit wikang Kastila ang gamit sa pagpapangalan ng kanilang lugar?

Dito kasi NAKATAGO ang mga TUNAY na PANGALAN ng lugar.

SPANISH ENGLISH TAGALOG
CIUDAD CITY LUNGSOD
DE OF NG
VICTORIA VICTORY MANALO-TAGUMPAY

CIUDAD DE VICTORIA
CITY OF VICTORY
LUNGSOD NG MANALO!

PETSA NG JULY 27, NASA BIBLIA BA?

Kung TUMUTULIGSA nga naman ang mga kaanib ng INC ni Manalo ukol sa Disyembre 25 bilang araw na nakalaan sa KAPANGANAKAN NI CRISTO ay wagas.

http://tunaynalingkod.blogspot.com/2013/12/december-25-birthday-of-sun.html

Para sa kanila WALA raw sa BIBLIA ang PETSA ng kapanganakan ni Cristo.  At sa simpleng Teolohiya ng mga kaanib, KUNG WALA SA BIBLIA ay HINDI TOTOO.

Ano kaya kung IBALIK natin sa kanila ang mga katanungan?

NASA BIBLIA BA ANG JULY 27 bilang PAGDIRIWANG ng PAGKAKATATAG ng INC?!!!

My Blog List

My Calendar