Snap-Apple Night
-
*Snap-Apple Night, painted by Daniel Maclise in 1833, shows people feasting
and playing divination games on Halloween in Ireland.*
12 hours ago
![]() |
| Ex-INC™ Minister Isaiah Samson Jr. (Photo Source: Politico.com) |
Ayon kay Kelly Ong, halos 22 milyon daw po ang binabayarang buwanang interes sa bangko. Samakatuwid, gumugugol ang mga kaanib ng INC™ ng kanilang abuluyan para pambayad lamang ng interes?
Sons and Daughters of the Church, Citizens of the Republic
Catholic Response To The Iglesia Ni Cristo Rallies
What do we Catholics do as our brothers and sisters of the Iglesia ni Cristo throng around the EDSA Shaw area?
We, your bishops, offer you these guidelines:
1. PRAY WITHOUT CEASING for a peaceful and just resolution of the present dispute, in a manner both pleasing to God and in conformity with the democratic convictions enunciated in our Constitution.
2. BE CHARITABLE AT ALL TIMES AND IN ALL CIRCUMSTANCES. Jesus, the Lord, willed His disciples to be known by their love. No Catholic should fan the flames of dissension by rumor-mongering and by inflammatory statements. Let all be kind in disposition, respectful in speech and prudent in action.
3. SEEK ENLIGHTENMENT. We appeal to our Catholic lawyers, jurists and law professors to contribute to the on-going discourse in a constructive manner, without condemnation. We seek to be enlightened on what the fundamental law of the land provides, the boundaries of the freedom of religion and the rights and the prerogatives of State.
4. RESPECT HOLY SITES. The EDSA Shrine is a Catholic center of worship. It is a church. There is a Catholic priest assigned to it. We ask that all respect the sacred character of the Edsa Shrine.
5. ABIDE BY THE LAW. Unless it is convincingly shown that a law offends moral precepts, obedience to the law is a Christian duty. Sons and daughters of the Church cannot be less observant of the law than other citizens of the Republic.
6. NO TO OPPORTUNISM. No politician should gain political ground by abetting dissension or, worse, fostering disregard of the Constitution and the law. Neither is it morally correct for any political party to aim at gaining an advantage by controlling a religious sect known to propose to its members a chosen set of candidates.
If we turn to the Lord in sincere prayer, then, we are firm in the faith that all wounds shall be healed.
From the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, August 30, 2015
+ SOCRATES B. VILLEGAS
Archbishop of Lingayen Dagupan
President, CBCP
Ito po ay sulat ng isang kapatid na nagtatago sa pangalang “Lovely Rose”. Siya po ay isang kawani sa Tanggapan ng Central. Makikita nyo po sa ibaba nito ang actual na email na ipinadala niya kasama na po lahat ng supporting documentation sa kaniyang isiniwalat.
![]() |
| GEN AUD=General Auditor, PRES=President, M=Board Member, Y=Yes |
![]() |
| M=Board Member, Assoc=Associate, Y=Yes, CEFO=Corporate Executive Finance Officer, CEO=Chief Executive Officer, LEG=Legal, OTR=Other |
Voice of the Brethren: “I AM A.E.”
Source: Iglesia Ni Cristo Silent No More
June 10, 2015
Brother A.E.,
Alam nyo po ba na nalungkot po ako dahil sa hindi ako nakapagpuslit ng recorder sa loob ng klasehan namin sa Distrito dahil sa biglang higpit sa seguridad at bawal na bawal na magdala ng kahit anong recorder. Ninais kong irecord ang webex at ipadala sa inyo hindi para labagin ang tagubilin ukol dito kundi dahil sa nauunawaan ko pong napakahalaga na marinig ng mga kapatid ang sasabihin ng Ka Eduardo V. Manalo dahil maraming nag-aabang ng kaniyang isasagot ukol sa mga alegasyon ninyo, subalit nabigo po kaming mga Ministro na marinig ang inaasahan naming sagot ng punto-por-punto sa mga ebidensyang inilahad ninyo, halatang finilter na ng Sanggunian ang mga impormasyon upang huwag makarating sa kaalaman ng Ka Eduardo. Akala ko po ng wala akong maipapadala sa inyong audio recording ay bigo na ang lahat, nagulat na lamang po ako ng mabasa ko ang blog ninyo na marami pala kaming kasama ninyo na nag-record din at marami ang nagbuwis pa ng buhay at karapatan para lamang mailabas ang katotohanan, tunay na kumikilos na ang Ama sa paghahayag ng katotohanan. At pagkatapos na mabasa ko kanina madaling araw ang blog nyo tungkol sa WEBEX… Nagkaroon na ako ng pagdududa sa aking sarili?….,Habang hirap na hirap ang Sanggunian na hanapin kung “sino ba talaga” si A.E….Nagdududa na ako sa aking sarili at napagtanto ko na…. AKO PALA SI AE!!!!! Bakit kamo? AKO NGA SI A.E…. (Just disregard the refined ability of constructing the the jaw-dropping scribbled blog)Every minister like myself (even the ordinary brethren) with the same sentiments, having the same observations, embracing the same goal, and fighting for the same cause, in effect, is A.E. Kahit ang mga Ministro sa Abroad o sa malalayo at liblib na destino sa probinsya ay si AE. Kahit ang mga inaapi na mga Ministro, Manggagawa, estudyante na walang boses o kakayanan, ngayon ay nagkakaroon ng pag-asa na maaari pa palang ituwid ang Ministerio na dinungisan ng Sanggunian sapagkat alam naman namin na hindi ang solusyon ay umalis sa Iglesia o sa Ministerio, kundi hintayin ang isasagawang paglilinis ng Ama sa hanay ng Ministerio. Binigyan nyo po ng pag-asa ang mga pobreng Ministro na tila baga ay nilimot na at nilamon na ng sistema. Kaming lahat po ay si AE. Imagine, tens, fifties and hundreds of AE’s all around the world.Therefore, they really cannot find you Brother, because you are everywhere. You are in the mind and heart of every living brethren praying for the same resolution, for the safety of our beloved Executive Minister, for the well-being of the Family of Bro. Eraño G. Manalo, for the entireity of the Church, so that it may be brought back to it’s clean and unblemished state.Lagi po naming ipinapanalangin sa Ama na matapos na po ang pagsubok na ito sa Kaniyang Iglesia at mahayag na ang mga taong tampalasan, mga tiwaling Ministro, lalo na sa hanay ng mga nasa Sanggunian na hanggang ngayon ay nililinlang ang Tagapamahalang Pangkalahatan at pinagsasamantalahan ang buong Iglesia.Kaisa nyo po kami at ang aming buong sambahayan sa pagpapanata gabi-gabi para sa Gawaing ito. Sa totoo po Ka AE, lahat po ng Ministro at Manggagawa dito sa aming Distrito sa Norte ay Maka-AE na pwera na lang po yung Kalihim ng Distrito, subalit di na rin po sya maka-porma dahil nag-iisa lang sya na nagbubulag-bulagan pa hanggang ngayon, palibhasa ay tinamaan sya dun sa isang ginawa ninyong Article na Ministrong wala namang ipinasa sa pagbubunga at wala rin namang ginawang magandang kasaysayan sa mga Lokal na pinagdestinuhan nya at nagpakadaluhasa lang sa pag-sipsip at pagsulsol sa aming Tagapangasiwa kaya inirekomenda sya na maging Kalihim ng Distrito pero wala syang malasakit sa mga kapatid maging sa amin na mga kabaro nya sa Tungkulin, kaya galit sya sa inyo. Tahimik pa lang po kami ngayon, subalit mulat at gising na gising na po kami, naghihintay na lamang ng tamang panahon na kakailanganin na kaming tumindig para sa kapakanan ng Tagapamahalang Pangkalahatan at sa Iglesiang mahal natin. Maraming salamat po at sana ay huwag kayong magsasawa sa inyong pagsisiwalat ng mga katotohanan upang lalong marami pa ang maging gising sa ginagawang PAGKILOS NG AMA para sa Kaniyang Iglesia.
– Ka Robert po (Distrito sa Norte)
On May 8, 2015, we were asked to report to the District office to meet with the District Minster, Brother Dyland Ramos. Brother Dyland told us that he received 2 reports about our re-posting on Facebook of a blog written by Antonio Ebangelista entitled “Locale of Humble, Texas For Sale: The Anomaly after the Anomaly” and the Facebook post about the “Ministers of the Sangunian shutting down his Facebook account”. We were asked to submit our affidavits explaining our situation. During our meeting, we asked what was our sin? The response given was that it was wrong that we re-posted these blogs and shared the post of Antonio Ebangelista, who apparently was identified as a detractor of the Church, which we were not aware of at the time of our initial post. So, on May 10, 2015, we submitted our affidavits to Brother Dyland and he instructed us to wait for instructions from the Administration...
![]() |
| Pamilya ni Richard and Estrellita Vasquez |
Alam nyo bang ang konstruksyon ng pagpapatayo ng mga bahay sambahan ng Iglesia ay umaabot humigit kumulang sa 100 sa isang taon? at magkano kaya ang tinatayang halaga ng 1 bahay sambahan?? Milyon milyon po! para sa mga di nakakaalam.
At sa ibang bansa, mas focus ng INC ang pagbili ng properties para gawing bahay sambahan sapagkat di ito tulad ng Pilipinas na napakamura pa ng lupa at pagpapagawa o mga materyales sa paggawa. Kaya kung may nakikita kayong lokal sa ibang bansa na kaparehas ng sa Pilipinas, napakalaking gastos po nito umaabot sa 7million dollars (estimated expenses ng planong itatayong bahay sambahan ngayon sa Los Angeles, California).
![]() |
| Unang post ni ReadMeINC obvious na patungkol sa talamak na katiwalian sa Central ng INC™ |
![]() |
| Unang post ni G. Antonio Ebangelista, ang INC™ Ministro na nagsiwalat sa katiwalian sa loob ng INC™. |
"Ang sabi nga ng isang Ministro sa Tanggapan ng Ka Radel Cortez na naalis sa Ministerio dahil sa “imoralidad”, at ng pagkabalik sa karapatan, wala pang isang taon ay kinuha na ng Ka Radel Cortez at ginawa niyang kalihim at Tagapagsiyasat sa kaniyang opisina, ang sinabi nya sa isang kasama naming Ministro, “Kung gusto mong manatili ngayon sa pagtitiwala ng Pamamahala (Sanggunian ang tinutukoy niya), kailangang matibay ang dibdib mo sa lahat ng bagay. Dapat kapag sinabi sayong GAWAIN MO ‘TO, sasagot ka agad ng OPO!"
"Tingnan ninyo ngayon ang bilang ng mga nababalik sa karapatan na Ministro at napupunta sa mas magagandang destino o kaya ay kinukuha sa Central para maglingkod sa iba’t-ibang Tanggapan, karamihan dun ay mga nagka-kaso ng imoralidad. Nakipagrelasyon sa ibang babae, pumatol sa menor de edad, nangalunya at naki-apid. Subalit agad na nababalik pagkalipas lang ng ilang taon, at ang masakit ay may ilan na hindi talaga naaksyunan, nalipat lang ng Destino kahit pa kaso ng imoralidad... Mga Ministrong napatunayan na kayang isaisang-tabi ang moralidad at Ministerial ethics ng dahil sa pansariling pakinabang o kaligayahan."
"Marami ang nagtatanong sa akin, bakit sa kabila ng mga lantarang nagaganap na pagbabago sa Iglesia na palala pa ng palala ay parang hindi yata ito batid ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan. Imposible naman daw ito. Kaya para malaman natin ang kasagutan ukol dito ay alamin natin, ano nga ba ang ISTRATEHIYA ng Sanggunian? Ang istratehiya nila ay isang mabisang “COVER UP” upang maitago ang lahat ng ito sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Tinitiyak nila na napapaligiran ang Ka Eduardo V. Manalo ng mga taong pinagtitiwalaan ng Sanggunian upang matiyak na hindi makakalusot sa kaniya ang kahit anumang impormasyon na maaaring makapagbunyag sa kanilang ginagawang pagmamalabis."
"Ang pinanatili nila sa pwesto sa mga Distrito sa Metro Manila at karatig na Distrito ay mga Tagapangasiwang kilala sa pagiging “mapanginoon”, “molestyador sa mga materyal na bagay”, “magaling mandaya ng ulat” at mga “sakim sa mahalay na pakinabang” at maaasahan (malakas “mag-abot”). Kaya nga kapag nagkaroon ng lifestyle check sa lahat ng mga Tagapangasiwa din sa mga Distritong ito ay malalantad din ang kanilang mga “hidden wealth”, “dummy bank accounts” at mga house and lot, condo units, mamahaling sasakyan na ipinangalan nila sa mga kamag-anak o dummies nila upang huwag ma-trace sa kanila... Ito rin ang “rationale” kaya maraming mabibilis na na-promote gaya ng Ka Romer Galang at ka Regalado Delos Reyes na dating nasa TV bilang tagapagsalita, naging Pastor ng Lokal ng Central. Paano sya tumalon sa pagiging Tagapangasiwa agad? Dahil sa napatunayan nya sa Sanggunian na handa siyang gawin ang LAHAT, kahit talikuran ang kaniyang sinumpaang katapatan sa Diyos.
"Marami ang nakakakila sa atin kay Ka Regalado Delos Reyes na isang mabait, malumanay at mapagpakumbabang Ministro…noon. Subalit ngayon, alam nating lahat (lalo nan g mga taga-Central) kung paanong nagbago na siya. Ang larawan ng Tagapangasiwang ito ngayon ay ang paging maypagka-panginoon, (kung magsalita at mag-utos sa mga maytungkulin at mga kapatid ang aakalain mo ay kung sino na) mahilig na rin sa pagnenegosyo at materyal na pakinabang, mayroon na rin syang mga alagang contractors, suppliers at mga “runners” at “bagmen” para sa ganitong mga iregular na aktibidad. At higit sa lahat, kaya sya nakapagbigay ng mabisang patotoo sa Sanggunian ay nang walang habas nyang pinaggigipit ang Mommy Tenny at ang Pamilya ng Ka Erdy. Alam ito ng mga ilang kapatid na nakasaksi kung paano sigawan, pagsalitaan ng masasamang salita ng Ka Rey ang Pamilya ng Ka Erdy.
"...ang Ka Jun Santos upang unti-unting itanim sa isip nila na ang pinaka-pinagtitiwalaan ng Tagapamahala ay ang Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. Siya ang “Representative” ng Ka Eduardo. Siya ang mukhang laging inilalabas sa mga palabas sa NET 25 at INC TV, maging sa mga pahina ng PASUGO GOD’S MESSAGE, siya ang laman ng mga interviews, siya ang laman ng mga video presentation/message sa mga Maytungkulin at kapatid sa buong mundo, siya ang nagpapadala ng mga Sirkular sa Pagsamba, siya ang gumagawa ng mga leksyon sa Pagsamba, siya na rin ang bigla biglang nagbabago ng laman ng leksyon, siya ang nangunguna sa Video Conferencing ng mga Ministro at Manggagawa, Siya ang nagpupulong sa mga Tagapangasiwa…
"...And that, my friends, is how you orchestrate THE GREATEST COVER UP OF THEM ALL.
Antonio Ebangelista