"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811
Showing posts with label Two-Lords Doctrine. Show all posts
Showing posts with label Two-Lords Doctrine. Show all posts

Monday, March 1, 2021

Saan LITERAL na Nakatitik sa Biblia ang Pangalan ni Felix Y. Manalo na Sinugo siya ng Diyos?

[Originally published at Iglesia ni Cristo 33 AD blog]

Sipi mula sa Pasugo Online [https://www.pasugo.com.ph/the-significance-of-gods-sending-of-messengers/] Orihinal na inilathala sa Pasugo: God’s Message magazine, May 2018 

KULANG BA ANG DIYOS AT KAILANGAN PA NIYA NG ISANG FELIX MANALO UPANG MAGING GANAP ANG KANYANG PAGLILIGTAS?
In the last days, God sent Brother Felix Y. Manalo to preach His laws and teachings. There are prophecies in the Bible that were fulfilled in him – proof that God indeed sent Brother Manalo. And just as what previous true messengers did, Brother Manalo also proclaimed the Lord’s laws and teachings to fulfill his mission in bringing God’s righteousness, the gospel, to people in order for them to be saved (Rev. 7:2-3; Isa 41:9-10; 46:11-13; Rom. 1:16-17). [Sa mga huling araw, ipinadala ng Diyos si Kapatid na Felix Y. Manalo upang ipangaral ang Kanyang mga batas at aral. Mayroong mga propesiya sa Bibliya na natupad sa kanya - patunay na sinugo talaga ng Diyos si Kapatid Manalo. At tulad ng ginawa ng mga naunang mga totoong sinugo, ipinahayag din ni Kapatid na Manalo ang mga batas at aral ng Panginoon upang matupad ang kanyang misyon sa pagdadala ng katuwiran ng Diyos, ang ebanghelyo, sa mga tao upang sila ay maligtas.]

NAKAKAPANGILABOT ang PAG-AANGKIN ng Iglesia Ni Cristo® na TATAG ni Ginoong Felix Y. Manalo noong 1914 tungkol sa "PAGSUGO" raw ng Diyos sa kanya bilang PINAKAHULING SUGO sa mga HULING PANAHONG ito. Samantalang BALI-BALIKTARIN man ang BIBLIA, MALINAW na WALANG PANGALANG FELIX Y. MANALO na MABABASA sapagkat WALANG FELIX Y. MANALO na NASUSULAT!

KAHINDIK-HINDIK yung PAG-AANGKININ nilang si Ginoong Manalo raw ay KATUPARAN ng mga HULA sa BIBLIA, PATUNAY na siya raw ay TUNAY NA SUGO!

Kung ANO-ANONG mga TALATA sa BIBLIA ang PINAGTAGPI-TAGPI at PINAGDUGTUNG-DUGTONG para PALABASIN na si Ginoong Manalo ay HINULAAN nga sa Biblia at SIYA NGA ay ang KATUPARAN nito! 

Ilang lamang sa mga ginamit nilang mga talata at PINAGDUGTUNG-DUGTONG, pinagtagpi-tagpi ay ang mga sumusunod: Pahayag. 7:2-3; Isaias 41:9-10; 46:11-13; Roma. 1:16-17, ngunit ganon pa man WALANG 'FELIX MANALO' na NABANGGIT roon!

NAIS nilang PALABASIN na ang DIYOS ay INUTIL, NAGPABAYA, SINUNGALING, KULANG-KULANG at WALANG KAKAYAHANG MAGLIGTAS

Para sa kanila, WALANG GINAWA ang Diyos sa loob ng HALOS LIBONG TAON. Siya ay NATULOG lamang ~ NAGPABAYA, NAKALIMOT, ULYANIN, WALANG NAILIGTAS.

Iminumungkahi rin ng Iglesiang tatag ni G. Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo® na ang Diyos ay KULANG-KULANG at KAILANGAN pa Niyang MAGHINTAY ng LIBONG TAON hangang 1914 upang MAISAKATUPARAN ang Kanyang PAGLILIGTAS ~ sa KATAUHAN ni  Ginoong FELIX Y. MANALO bilang HULI (LAST) sa mga ISINUGO (raw) ng Diyos. 

Sa madaling-sabi si GINOONG FELIX Y. MANALO ANG KAHANTUNGAN, KAGANAPAN, at KATUPARAN ng LAHAT ng sinabi sa Biblia UKOL sa PAGLILIGTAS ng DIYOS! Nakakapangilabot!

Kaya't MAPAPAISIP tayo kung ANO nga ba ang SAYSAY ng KAMATAYAN ng PANGINOONG HESUS sa KRUS kung ang KAGANAPAN at KATUPARANG lang pala ng Kanyang PAGLILIGTAS ay kay GINOONG MANALO lamang pala GANAP na MATUTUPAD? At WALANG NAILIGTAS ang Diyos mula 110 AD. (noong namatay ang huling alagad) hanggang sumulpot ang INC noong 1914 kay Ginoong F. Manalo?

Sa ARAL NALALANTAD kung ang INC ay sa Diyos o sa kalaban.

At sa PAMAMAGITAN raw ni G. Felix Y. Manalo ay 'NAIPAYAHAG' o NAIPANGARAL daw ang mga 'BATAS at ARAL' ng 'PANGINOON'? 

'DALAWANG 'PANGINOON'?  


Kakatwa ang aral ng Iglesia ni Ginoong Manalo na DALAWANG PANGINOON: Isang PANGINOONG Diyos (Ama ayon sa kanilang aral na Siya lamang ang tanging Diyos) at isang PANGINOONG Tao (si Hesus na taong-tao ang kalagayan ayon sa kanilang katuruan).

Sa DALAWANG 'PINAPANGINOON' ng mga INC™ 1914, KANINONG ARAL kaya ang 'PINAHAYAG' ni Felix Y. Manalo: 'BATAS AT ARAL' ng DIYOS (Ama)? O 'BATAS AT ARAL' ng TAO (Hesus)?

Kaya't sa mga NAGSISIYASAT, UNAWAIN ang mga nakakakilabot na katuruang ito, kundi MAPAPAHAMAK ang inyong mga KALULUWA sa DAGAT-DAGATANG apoy!

Dito tayo sa TOTOO: HINDI po SINUGO ng Diyos si Ginoong FELIX Y. MANALO o kahit sino man sa mga NAGSULPUTANG mga bulaang mangangaral. HINDI po siya SUGO na HINULAAN sa Biblia at HINDI po siya kailangan sa KALIGTASAN ng tao!

Ang KAMATAYAN sa KRUS ng PANGINOONG HESUS ay SAPAT-SAPAT na upang ang KANYANG PAGLILIGTAS ay  MAISAKATUPARAN at maging GANAP! 

SI MANALO ANG IPINAGMAMAPURI SAMANTALANG ANG PANGINOONG HESUS AY NIYUYURAKAN
Indeed, God’s purpose in sending His messengers is to make known to people the truth that will lead them to salvation. That is the important mission and duty that God’s messengers carry out for our benefit. The teachings of God that Brother Felix Manalo preached are being faithfully upheld by the Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) through the leadership of its Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo. [Sa katunayan, ang layunin ng Diyos sa pagpapadala ng Kanyang mga sugo ay upang ipabatid sa mga tao ang katotohanan na hahantong sa kanila sa kaligtasan. Iyon ang mahalagang misyon at tungkulin na isinasagawa ng mga sugo ng Diyos para sa ating pakinabang. Ang mga aral ng Diyos na ipinangaral ni Kapatid na Felix Manalo ay tapat na itinataguyod ng Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) sa pamamagitan ng pamumuno ng Executive Minister nitong si Kapatid na Eduardo V. Manalo.]


Sa Biblia, totoong ang LAHAT ng mga SINUGO ay PINILI at TINAWAG MISMO ng Diyos. Siya ay NANGUNGUSAP sa kanila o kaya'y PINAGBILINAN sa mga ANGHEL at mga PROPETA! 

PINILI sapagkat sila ay TINUKOY mula sa mga lipi! TINAWAG sapagkat sila ay BINANGGIT SA PANGALAN, binigyan ng misyon sa pagliligtas ng Diyos! 

Sa LUMANG TIPAN, nagpadala ang Diyos ng mga sugo tulad nina Moses, Aaron, Isaias, Jeremias, Elisha at iba pa. Tinukoy at tinawag sa pangalan!

Ganon din sa BAGONG TIPAN, ang mga SINUGO ay pinili at tinawag sa kanilang mga PANGALAN. Sa mga APOSTOL ay sina, Mateo, Marcos, Lukas, Juan, dalawang Santiago, Simeon, Judas (Tadeo), Felipe, Bartolome, at Tomas. Tinawag din si Apostol Pablo at ang kahalili ni Judas Iscariote na si Matias. Lahat ay pinili at tinawag sa pangalan!

Ang BUONG KAISAHAN ng LUMA at BAGONG TIPAN ay TUNGKOL sa PAGDATING ng MANUNUBOS na DIYOS at PANGINOONG si HESUKRISTO ~ WALA pong mapagsisidlan si Felix Y. Manalo rito.

Masasabi rin ba ng mga bayarang Ministro ng Iglesia ni Ginoong Manalo na siya ay tinawag at pinili ayon sa pagtawag at pagpili sa mga sinugo ng Diyos sa Biblia? Saan at anong aklat sa Biblia na PINILI at TINAWAG sa PANGALAN si Ginoong Felix Y. Manalo upang siya ay IBILANG sa mga LISTAHAN ng mga SINUGO ng Diyos na pinili at tinawag sa Biblia? WALA!

Wala pong ganon sa Iglesia ni Ginoong F. Manalo. Hindi po si Cristo ang kaisahan ng kanilang turo.  Bagkus, NAKATUON ang kanilang mga aral kay GINOONG FELIX Y.MANALO sa kanyang pagka "HULING SUGO" at si CRISTO sa Kanyang pagka "TAONG-TAO" lamang na kalagayan! 

Patunay nito ang halos LAHAT ng kanilang mga ARI-ARIAN at mga PASILIDAD ay sa mga MANALO NAKATUON, tulad ng NEW ERA UNIVERSITY (mula sa ERA-ÑO anak ni G. Felix); SIUDAD DE VICTORIA (victoria = victory = MANALO); MALIGAYA VILLAGE (FELIX = latin ng maligaya); EAGLE NEWS (Felix Manalo bilang IBONG (agila) MANDARAGIT); FELIX MANALO FOUNDATIONS; EVANGELIZATION (pagdidiin sa EVA, pinaikling daglat na pangalan ni Eduardo V. Manalo) atb.

ITINATAAS nila si MANALO (anghel) at PINABABABA nila ang Panginoong Hesus (taong-tao lamang)!
When a person rejects God’s messengers, the One Whom he is really rejecting is the Lord God who sent them (Luke 10:16). Such is a grievous sin – much worse than the wicked acts committed by the people of Sodom and Gomorrah, which incurred God’s terrifying wrath (Matt. 10:14-15). People should believe in the significance of God’s sending of messengers. The Lord Jesus Christ assures those who will accept and believe in the messengers sent by God that they certainly receive their reward (Matt. 10:42). [Kapag tinanggihan ng isang tao ang mga sugo ng Diyos, ang Kisa-isa talaga niyang tinatanggihan ay ang Panginoong Diyos na nagpadala sa kanila (Lukas 10:16). Ang ganoong ay isang mabibigat na kasalanan - higit na mas masahol kaysa sa masasamang gawain na ginawa ng mga tao ng Sodoma at Gomorrah, na nagdulot ng nakakatakot na poot ng Diyos (Mat. 10: 14-15). Dapat maniwala ang mga tao sa kahalagahan ng pagpapadala ng mga sugo ng Diyos. Tinitiyak ng Panginoong Hesukristo ang mga tatanggap at maniniwala sa mga sugo na ipinadala ng Diyos na tiyak na natatanggap nila ang kanilang gantimpala]

Ang mga TINAWAG at PINILI ng Diyos na mga SUGO sa Biblia ay WALANG KADUDA-DUDANG mga GALING  sa DIYOS! Garantisado yan!

Ngunit ang mga HINDI TINAWAG at HINDI PINILI at LALONG HINDI man lang NABABASA ang mga PANGALAN sa Biblia ay HINDI DAPAT PANIWALAAN bagkos dapat sila ay ITAKWIL.  Sapagkat ang KANILANG PAGDATING at ang kanilang PAGKA-SUGO ay HINDI sa DIYOS at HINDI sa KATOTOHANAN.

SILANG LAHAT ay PINAGPA-UNA na ng PANGINOON at mga APOSTOL na DARATING sa ating panahon upang MAGTURO ng KASINUNGALINGAN at LINLANGIN ang IGLESIA.

Mga PALATANDAAN sa mga HINDI SINUGO ng Diyos na DAPAT ITAKWIL ay ang mga SUMUSUNOD:

SILA'Y TUMIWALAG SA ATIN (MGA NANG-IWAN / TRAYDOR / 'HUDAS')
1 JUAN 2:18-19
Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras. Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin.
Si Ginoong Felix Y. Manalo ay dating kaanib sa Iglesia Katolika (na ayon sa Pasugo Abril 1966, p. 46 ay 'siyang Iglesia ni Cristo'). 

Si Ginoong F. Manalo ang TUMALIKOD / UMALIS sa tunay na Iglesia ni Cristo ~ ang Iglesia Katolika. Siya ay 'LUMABAS SA ATIN'! Siya ang nang-iwan! Siya ang nag-traydor! Siya ang nanghudas sa Iglesia at kay Cristo. 

Si Ginoong FELIX Y. MANALO ay LUMABAS sa IGLESIA, UPANG MAHAYAG na SIYA ay HINDI SA ATIN! Natupad nga sa kanya ang mga talatang ito.

ITATAKWIL NILA SI CRISTONG NAPARITO SA LAMAN
2 JUAN 1:7
Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.
Ang mga MANDARAYA at ANTI-CRISTO ay ang mga sumusunod:
  • Hindi TINATANGGAP si Cristo na NAGMULA sa PAGKA-DIYOS (Juan 1:1-4)
  • Hindi TINATANGGAP si Cristo [na DIYOS] ay NAGKATAWANG TAO (Juan 1:1-4)
  • Hindi TINTANGGP si Cristo na ay DIYOS na NASUSUMPUNGAN sa ANYONG TAO. (Filipos 2:5-8)
Pasok si Ginoong Felix Y. Manalo sa kategoryang ito. Samakatuwid, NATUPAD nga sa kanya ang talatang ito. 

Thursday, August 24, 2017

MAHINA NGA BA ANG DIYOS NG MGA KATOLIKO?

ILAN ANG DIYOS?

Ayon sa Katekismo ng Iglesia Katolika, IISA LAMANG ang DIYOS ('Munting Katekismo Mga Unang Bagay na Dapat Malaman ng Isang Katoliko', Daughters of St. Paul, Pasay City, p. 2), HINDI TATLO.

Ang IISANG DIYOS na ito ay isang Komunidad ng TATLONG PERSONA - ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Ito ang tinatawag ng mga Kristiano na "HOLY TRINITY" o Santisima Trinidad.

At ayon pa rin sa Katekismo ng tunay na Iglesia, ang Panginong Jesus ay DIYOS ANAK na nagkatawang-TAO. Tunay siyang DIYOS at tunay rin siyang TAO.  Diyos sa kalikasan pero Tao sa kalagayan.

Dito umaapoy sa galit ang mga kaanib ng INC™ 1914 dahil sa hindi nila lubos na munawaan ang misteryo ng Santisima Trinidad.



DI MATANGGAP ng mga INC™ 1914 na tatag ni G. Felix Y. Manalo, ang aral na ito kaya't SUKDULAN ang PANG-IINSULTO nila sa pagka-DIYOS ng ating Panginoong Jesus.

HINDI lang nila BATID na ang isang MAS MALAKING INSULTONG ginawa nila sa Panginoong Jesucristo ay ang SABIHIN NILANG NATALIKOD ang TUNAY na iglesiang TATAG ni CRISTO.

Mas MAHINA ang kanilang Manunubos na 'Cristo'

Ang INSULTO ay narito sa kanilang aral na KINAKAILANGAN pa ni CRISTO ang ISANG FELIX MANALO para lamang MAGING GANAP ang kanyang PAGLILIGTAS. Hindi ba't INSULTO ito sa Panginoong Jesus? Ginawa nilang INUTIL at WALANG SAYSAY ang PAGKAMATAY niya sa KRUS para sa KALIGTASAN ng lahat.

Ibig sabihin, MAHINA ang kanilang MANUNUBOS sapagkat NAGHINTAY pa ang kanilang 'Cristo' ng ONE THOUSAND NINE HUNDRED FOURTEEN YEARS (1,914 taon) bago niya NA-REALIZE na WALA palang NALIGTAS sa kaniyang KAMATAYAN. Kinailangan pa niyang MAGHINTAY ng PAGSILANG ng isang FELIX MANALO para ITATAG (daw) muli ang kaniyang TUMALIKOD na Iglesia?!

Hindi ba't NAPAKALAKING pang-INSULTO sa kanilang "CRISTO"!?

Hindi lang siya mahinang TAONG-TAO sa kalagayan, NAPAKAHINA pa niyang MANUNUBOS sapagkat LIBONG-TAON bago niya nalaman na WALANG NALIGTAS sa kanyang pagsasakripisyo sa KRUS.

Ano ba yun, NAKATULOG ang kanilang 'Cristo' at DI NIYA NAMALAYAN na lumipas na ang panahon sa IKA-DALAWAMPUNG SIGLO bago na NAPANSIN na INEFFECTIVE pala ang kanyang pagliligtas? 

Kaya pala gayon na lamang ang PAGSINTA nila kay G. Felix Manalo.  Tumatanaw lamang sila ng MALAKING UTANG NA LOOB kay Felix Manalo sapagkat KUNG WALA SIYA, WALANG KALIGTASAN o USELESS ang pagkamatay ni Cristo sa Krus. NATUPAD lamang ang KALIGTASAN ng Diyos (kuno) kay G. Felix Manalo.

Pero tayong nasa TUNAY NA IGLESIA ay hindi naniniwala sa ganitong kwento. Alam natin na ang mga SALITA NI CRISTO ay MAKATOTOHANAN at HINDI LILIPAS ng hindi natutupad.

Kaya't kung sabihin ni Cristo na HINDING-HINDI MANANAIG ang kapangyarihan ng HADES sa KANIYANG TATAG na IGLESIA, hindi ito mananaig. Pero ang aral ni Felix Manalo ay NATALIKOD kuno.

At alam din nating mga TUNAY na KAANIB sa TUNAY na IGLESIA na HINDI SINUNGALING si Cristo, lalabas na si FELIX MANALO ang SINUNGALING at HINDI SI CRISTO!

Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan na nagpapatibay na ang INC™ - 1914 ay TATAG ni G. Felix Y. Manalo
TUNGKOL SA PAGKA-DIYOS NI CRISTO

Ayon sa mga kaanib ng INC™, malabong DIYOS si Cristo sapagkat may mga katangian daw siyang HINDI akma sa katangian ng pagka-Diyos, halimbawa:
  1. Namatay
  2. Nagutom
  3. Nasaktan
  4. Tinuli (Circumcised)
  5. Umiyak
Tama rin naman ang kanilang obserbasyon.  Hndi rin natin ikinakaila na TAO nga si Cristo ngunit HINDI LANG SIYA TAO.  Take note, SINASAMBA rin nila si CRISTO sa kabila ng kanyang PAGIGING 'TAO LAMANG'.  Sa BATAS ng Diyos, TANGING ang NAG-IISANG DIYOS lamang ang DAPAT SAMBAHIN at wala nang iba.  Hindi ba't sa kanilang PAGSAMBA kay CRISTO ay patunay lamang (IMPLIED) na tinatanggap nila ang pagka-DIYOS niya? Halimbawa na lamang sa mga sumusunod na mga KATANGIAN hindi pang-tao:
  1. Gumawa ng Himala
  2. Nagpagaling ng may-sakit
  3. Nagpatawad ng mga makasalanan
  4. Lumakad sa Tubig
  5. Lumusot sa Dingding
  6. Nagpakita sa maraming tao iba't ibang lugar sa parehong panahon
  7. Inangkin ang PAG-IRAL niya BAGO pa man si Abraham
  8. Nabuhay na mag-uli
  9. Tao sa Kalagayan ngunit Diyos ang Kalikasan ayon sa Biblia
  10. Inaming siya ang ALPHA at OMEGA
Bagamat PINATUTUNAYAN ng Biblia na si Cristo ay TOTOONG TAO, WALA namang nababasa sa Biblia na nagsasabing HINDI DIYOS si Cristo. Katulad na lamang ng mga sumusunod na talata.

John 1:1, 14 (RSV) In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. . . . [14] And the Word became flesh and dwelt among us, full of grace and truth; we have beheld his glory, glory as of the only Son from the Father.

Ito ang tinatawag ng mga dalubhasa sa Biblia na 'PROOF TEXT" na malinaw na NAGSASAAD na si CRISTO ay 'ETERNAL' o WALANG HANGGAN sa paggamit ng salitang "SA PASIMULA". Hindi lamang 'yan, ang LOGOS o VERBO ay tumutukoy sa 'ANAK' na siyang NAGKATAWANG-TAO sa versikulo 14. HINDI lamang siya isang PANUKALA o PLANO ayon sa mga mangangaral ng INC™ sapagkat ang isang panukala o plano ay UMIIRAL lamang siya sa ISIPAN ng nag-iisip. Taliwas sa mga pahayag ni Cristo na SIYA ay NARON NA, hindi lang isang panukala o plano kundi siya ay UMIIRAL na, HINDI sa LAMAN kundi sa ESPIRITU: "BEFORE ABRAHAM came to be, I AM' (Jn 8:58 emphasis mine). 

Siya (ang VERBO) ay NAGKAROON lamang ng LAMAN noong SIYA'Y MAGKATAWANG-TAO sa sinapupunan ng mahal na Birheng Maria. Kaya't ang Verbo = Cristo = Diyos = Nagkatawang-Tao!

John 10:30 I and the Father are one.
Sa pahayag na ito ni Cristo, maraming Hudyo ang NAGALIT sa kanya. 

Bakit?

Sapagkat NAUUNAWAAN nila ang ibig sabihin ni Cristo. Kaya't sa verse 33 NAIS siyang PATAYIN ng mga Hudyo: "...ikaw na TAO, ay NAGPAPAKUNWARI kang Diyos."

Si Cristo bilang isang UPRIGHT MAN, bakit HINDI niya ITINAMA ang mga Hudyo kung MALI man ang kanilang PAGKAUNAWA?  HINDI sila itinama ni Cristo sapagkat TAMA nga ang kanilang pagka-unawa.

John 20:28 Thomas answered him, “My Lord and my God!”
"Panginoong ko at DIYOS ko!" 

NAGULAT daw si Tomas ayon sa mga mangangaral ng INC™. Katulad raw ito kung tayo ay nagugulat, nakaksambit raw tayo ng "DIYOS KO PO". Bakit "Diyos" ba ang kidlat o kulog kung masambit man natin ito? 

Ganyan ang pagrarason ng mga bulaang mangangaral.

Sa katunayan, si Santo Tomas ay isa sa mga disipulo na WALA sa pinagtitipunan ng mga apostol noong nagpakita sa kanila ang muling nabuhay na si Jesus. Para kay Tomas, HINDI SIYA MANINIWALA hangga't makikita niya MISMO ng kanyang mga mata si Cristo. Eh NAGPAKITA nga sa kaniya si Cristo! Kaya't sambit ni Tomas ay 'PANGINOON KO AT DIYOS KO!"

Mali ba si Tomas? 

Kung MALI man ang pagsambit ni Tomas na DIYOS SI CRISTO, bilang isang UPRIGHT MAN, dapat sana ay ITINAMA siya ni Cristo para hindi na darami pa ang naniniwalang siya ay Diyos. Ngunit TAMA SI TOMAS sa kanyang profession of faith kaya't nasabi ni Cristo "MAPALAD ang mga DI NANGAKAKITA ay gayon ma'y NAGSISAMPALATAYA.

Colossians 1:19 For in him all the fulness of God was pleased to dwell,

Ano mang pagnanais ng mga mangangaral ng INC™ na maliin ang talatang ito sa pamamagitan ng PAGSIPI ng ibang mga SALIN ng Biblia, mananatili ang katotohanan na ang ANAK  (Jesus) ang tinutukoy rito (versikulo 13); ang ANAK at tinutukoy na WALANG-HANGGAN o eternal (versikulo 15, 17-18); ang ANAK ang tinutukoy na TAGAPAGLALANG (versikulo 16); at ang ANAK ang siyang NAG-UUGNAY NA PAGKAISAHIN LAHAT ng PRINSIPYO sa KALAWAKAN (versikulo 17, pakitingnan rin ang Heb 1:3): LAHAT ng KATANGIANG TUNAY lamang sa DIYOS. Hindi maaaring MAGKAMALI ang Apostol San Pablo rito sa versikulong nakasulat sa ibaba:

Colossians 2:9 For in him the whole fulness of deity dwells bodily,
[Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang BUONG KAPUSPUSAN NG PAGKA-DIYOS sa KAHAYAGAN ayon sa LAMAN (tao)...]
At ang isa sa pinaka-paboritong talata ng mga mangangaral na INC™ ukol sa pagka-PANGINOON ni Cristo...

IISANG DIYOS - DALAWANG PANGINOONG SINASAMBA?

TWO-LORDS DOCTRINE ng INC™ AY HINDI SINASANG-AYUNAN NG BIBLIA.
May aral ang INC™ na hindi matatagpuan sa Biblia: ang DALAWANG PANGINOONG SINASAMBA.

Mula sa panahon ni Amang si Abraham hanggang sa panahon ni Cristo, HINDI NAGBAGO ang ARAL na kanilang ITINUTURO: ang KAISAHAN ng DIYOS o ang IISANG DIYOS.

At ayon sa mga PROPETA noong una hanggang sa panahon sa KASALUKUYAN hindi nagbabago ang katuruan: IISA ANG DIYOS.

At kung IISA ang DIYOS, dapat lamang na IISA rin ang SAMBAHIN! Ngunit bakit DALAWA ang SINASAMBA ng mga INC™?

Ang sagot nila rito ay FILIPOS 2:9-11 na ganito ang nakasulat:

"Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama."
[Because of this, God greatly exalted him and bestowed on him the name that is above every name, that at the name of Jesus every knee should bend, of those in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father.]
GINAWA raw ng DIYOS AMA si Cristong PANGINOON...

Napansin niyo ba ang umpisa ng pangungusap?  KAYA SIYA NAMAN... o sa wikang Ingles ay BECAUSE OF THIS...

Ibig sabihin MAY DAHILAN kung bakit DINAKILA ng DIYOS AMA ang PANGALAN ni JESUS na SIYA ay PANGINOON din.

Mayroon silang PINUTOL na verse! Ito ay ang VERSE 6-8.

BAKIT kaya HINDI SINAMA ang VERSES 6-8 ng FILIPOS 2? Suriin natin...

"Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus."

[Who, though he was in the form of God, did not regard equality with God something to be grasped. Rather, he emptied himself, taking the form of a slave, coming in human likeness; and found human in appearance, he humbled himself, becoming obedient to death, even death on a cross."]
AYON PALA! Iniiwasang banggitin ng mga mangangaral na INC™ ang mga talata ng 6-8 sapagkat MALINAW na SINASABI ni Apostol San Pablo na "BAGAMAT SI CRISTO AY NASA ANYONG DIYOS!"

Nasa ANYONG DIYOS, ay HINDI inaring kapantay niya ang Diyos kundi NAGPAKABABA --- naging TAO.

Naging MASUNURIN sa nais ng Diyos Ama!

Hindi lang basta masunurin, HANGGANG KAMATAYAN siya'y naging masunurin!

Hindi lang sa kamatayan siya naging masunurin kundi KAHIYA-HIYANG URI ng kamatayan -- ang IPAKO siya sa KRUS na kahalintulad ng mga KRIMINAL o mga MAMAMATAY-TAO!

VERSE 9 naman tayo...

KAYA NGA NAMAN SIYA PINADAKILA NG DIYOS...

BECAUSE OF THIS, GOD HIGHLY EXULTED HIM...

KABUUAN ng talatang ito: Dinakila ng DIYOS AMA si JESUS sapagkat SIYA, na DIYOS NANG UMIIRAL MAGPASAWALANG-HANGGAN ay nagpakababa, NAGING TAO - nagkatawang-tao katulad natin at NAGING MASUNURIN hanggang sa kamatayan sa Krus... DAHIL DITO SIYA ay DINAKILA ng DIYOS AMA...

Kaya po huwag tayong quote-quote lamang nga mga CHOP-CHOP verses para LINLANGIN ang ating mga mambabasa. Sapagkat MALAKING KASALANAN sa Diyos ang GAMITIN ang KANYANG SALITA upang MANDAYA at MAGSINUNGALING.

Tandaan, ang PANDARAYA at PAGSISINUNGALING ay HINDI katangian ng IISANG DIYOS. Ito ay KATANGIAN ng DIABLO na ama ng PANDARAYA! (Jn 8:44)

Magsuri po tayo sa KATOTOHANAN. Dito po tayo sa TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO at hindi tatag ng makasalanang tao lamang mula sa Tipaz. Manalangin, mag-nilay, at gumawa ng hakbang upang masumpungan ang KATOTOHANAN.

Pagpalain nawa tayo ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang-hanggan.

My Blog List

My Calendar