Snap-Apple Night
-
*Snap-Apple Night, painted by Daniel Maclise in 1833, shows people feasting
and playing divination games on Halloween in Ireland.*
12 hours ago
"Mas mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat kaysa siya'y maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin. Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito.
Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo.
Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha sa kanya ay may buhay, a at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman...
Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y [ANG SALITA] naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo.
![]() |
| Source: Know The Truth |
“Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni Satanas na Diablo."
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."
“Hindi kailangang patunayan pa kung hindi tunay na Iglesia, kung ito'y kay Cristo o hindi. Ang pag-uusig na nagaganap sa INK, na siyang katuparan ng pinagpauna ng Panginoon ay siyang malinaw na katunayan na ang INK ay tunay na Iglesia at kay Cristo. Anu-ano ang mga kinathang kasinungalingan na ipinaparatang kay Jesus an nakasisirang puri! Hindi lamang nila sinasabing siya'y may demonyo, kundi pinaparatangang siya'y nauulol (Juan 15:20). Kung siya'y inusig tao man ay uusigin din. Ang pag-uusig sa Ulo at tagos hanggang sa katawan. Siya ang ulo, tayo ang mga sangkap, na siyang Iglesia."
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
“Tinitindigan namin na ang Iglesiang itinatag ni Cristo ay talagang iisa lamang. Nang magkaroon ng INK sa Pilipinas ay wala na ang Iglesia ni Cristo sa Jerusalem.”
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."