"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811
Showing posts with label ReadMeINC. Show all posts
Showing posts with label ReadMeINC. Show all posts

Friday, May 15, 2015

Maingat na maingat na pananalita ni ReadMeIglesiaNiCristo sa kanyang blog patungkol di umano'y mga Katiwalian sa loob ng Iglesia Ni Cristo® na isiniwalat ni G. Antonio Ebangelista!


(Saan nga ba masusumpunga sa Biblia ang ganitong structure ng loob ng isang sambahan? Choir sa pinakataas sa harap, na kasama ang mga Ministro na kaharap ang mga tao? Saan ba sila nakakuha ng source ng model na ang LAGAKAN ng SALAPI ay nasa pagitan ng Ministro at ng mga tao? Very unbiblical ang mga sahay sambahan ng mga INC™. Source: http://iglesianicristoreadme.blogspot.com/2015/05/bibliya-magpakatatag-kayo-sa-inyong.html
Maingat na maingat sa kanyang pananalita itong nagtatagong Ministro ng Iglesia Ni Cristo® na nagpapakilalang si ReadMeINC sa kanyang pinakahuling post sa kanyang blog na iglesianicristoreadme.blogspot.com.  

Dati rati, lahat ng mga ibinabatong kritisismo sa INC™ eh sinasagot niya punto en punto parang si Antony Ka Tonying Taberna ng ABS-CBN sa kanyang dos por dos. Pero malamang baka pinaghihinalaan din sya ng Sanggunian o kaya'y accomplice siya sa di umano'y MALALIM na KATIWALIAN sa kanilan departamiento.

Habang hayag na hayag na sa Internet ang mga akusasyon ni G. Antonio Ebangelista sa Sanggunian ng Iglesia ni Cristo® sa Central ng di umano'y matagal nang UMIIRAL na KATIWALIAN eh, halata namang si ReadMeINC iwas pusoy. 

Bungad pa niya sa kanyang Opening Statement eh hango sa Biblia (I Pedro 5:8-10).  Magpakatatag daw sila sa kanilang pananampalataya sa "Diyos" sapagkat sa "Diyos" daw po sila nananampalataya at hindi kung sino lamang.

Kanino ba dapat sumampalataya ang mga Kristiano, sa Diyos Ama lamang ba? O Maging sa Panginoong Jesu-Cristo rin?

Ayon sa Juan 12:36 "Sumampalataya kayo sa ilaw habang kasama pa ninyo ang ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng liwanag."

Sino ang ILAW na tinutukoy ni Jesus?  

Ayon sa Juan 8:12 "Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman."

Eh DAPAT palang SAMPALATAYANAN ang Panginoong Jesu-Cristo at hindi lamang ang Diyos Ama?

Eh di LUMABAG na naman ang mga kaanib ng INC™ sa sinasaad ng Biblia sapagkat sa DIYOS AMA LAMANG daw sila dapat sumampalataya at hindi kung sino!

Pero para sa mga TUNAY na SUMASAMPALATAYA sa NAG-IISANG DIYOS, hindi lang ang Ama ang dapat sambahin kundi ang Anak at ang Espiritu Santo rin.  Ang PAGSAMBA at pagkakaroon ng SAMPALATAYA sa DIYOS ay TUMUTUKOY na ito sa IISANG DIYOS sa TATLONG PERSONA.

Ang mahirap lang talaga sa mga kaanib ng INC™ ni Manalo ay sumasamba daw sila sa IISANG DIYOS pero sumasamba rin sila kay JESUS na TAO LAMANG!

Saan nga ba IPINAG-UUTOS ng BIBLIA na dapat SUMAMBA SA TAO LAMANG?!

Ang PAG-UUTOS na SAMBAHIN sa JESUS (Filipos 2:9-12) ay sapagkat SIYA AY DIYOS din!

At ang pagka-DIYOS din ni Jesus ay hindi kathang isip lamang tulad ng sinasabi ng mga bayarang Ministro kundi ito'y NASUSULAT sa BANAL NA KASULATAN.

  • Juan 1:1 "... at ang Salita ay Diyos..." (ang Salita ay hindi po panukala. May panukala bang naglalalang?)
  • Filipos 2:2-12 "Kahit na siya (si Jesus) ay likas at tunay na Diyos..." (Biblia na ang nagsasabing siya ay Diyos)
  • Juan 20:28 "Panginoon ko at Diyos ko!" (hindi po yan exclamation out of fear or surprise tulad ng pambabaluktot ng mga bayarang Ministro kundi ito ay profession of faith!)

Hirit pa nitong tagong Ministro na halatang kapanalig ni G. Glicerio aka Jun Santos (Jr) na inaakusahan ni G. Antonio Ebangelista ng KATIWALIAN eh "DIABLO" raw po ang kanilang kaaway.  At KINAKASANGKAPAN raw ng Diablo ang mga NAGBUBUNYAG ng di-umano'y KATIWALIAN sa loob ng IGLESIA NI CRISTO® at "NANDITO NA SILA SA INTERNET" at dumarami pa raw sila.

Si G. Antonio Ebangelista kaya ang pinapatungkulan nitong tagong Ministro?

Ang pagkasabi naman po kasi ni G. Ebangelista eh "ako po ay nag-iisa lamang sa pagpapahayag na ito" kaya't paano naman sila dumadami kung mismong si G. Ebangelista na ang nagsasabing lone ranger siya.

Maliban na kung talagang maraming NAGBIBIGAY ng MAHAHALAGANG IMPORMASYON galing mismo sa hanay ng mga Ministro na nakikita ang katiwalian sa pamamahala at pananalapi.

Of course naman, di mo makikita ang di umano'y KATIWALIAN ng mga Ministro sapagkat KASABWAT ka na nila marahil. 

At ang pagkasabi pa ni ReadMeINC eh "HUWAG TAYONG PUMAYAG NA TAYOY MATANGAY NG DIYABLO!"

Hindi kaya SIYA ANG NATANGAY na ng DIABLO at di na nya nakikita ang KATIWALIAN sa KATOTOHANAN?

"Ang ating dapat na gawin ayon sa talata sa itaas ay LABANAN SIYA at MAGPAKATATAG SA ATING PANANAMPALATAYA!"

Lito pa nga ang mga kaanib niyo sa kung KANINO sila SUMAMPALATAYA: Sa DIYOS (Ama) o kay JESUS (na tao)?

Ang sabi mo kasi eh sa Diyos (Ama) lamang daw po sila sumampalataya at "hindi kung sino lamang". Samantalang ang sabi ng Biblia eh SUMAMPALATAYA raw tayo sa PANGINOONG JESU-CRISTO!

Ang labo nga naman talaga!

Sabi pa ni ReadMeINC eh, pagkatapos daw ng kanilang pakikilaban sa "Diablo" na nasa "Internet" na at dumarami pa eh "Diyos"daw ang nagbibigay sa kanila ng kagalingan at katatagan at "PUNDASYONG DI MATITINAG"!

Ibig ba niyang sabihin eh 'YUNG TATAG NA IGLESIA ng PANGINOONG JESUS eh NATINAG, NABUWAG, GUMUHO, TUMALIKOD at NAWALANG-GANAP?

Samantalang ang INC™ na TATAG ni FELIX MANALO noong 1914 ay MAS MATIBAY PA sa IGLESIANG si CRISTO MISMO ang NAGTATAG noong UNANG SIGLO?

Konting SENTIDO KUMON naman mga kababayan!

Paano namang katangap-tanggap ang mga pangungusap na 'yan na palalabasing MAS MATATAG pa ang itinatag ng tao kaysa sa ITINATAG NI CRISTO at ng DIYOS?

Parang MAS naging INUTIL pa ang WALANG SILBI ang ITINATAG ni CRISTO kaysa sa ITINATAG ni FELIX MANALO?

Eh di WOW!

At hallucination pa nitong lunatic eh "MAKABAHAGI TAYO SA WALANG HANGGANG KALUWALHATIAN SA LANGIT, KASAMA SI KRISTO."

Paano naman sila NAKAKASIGURO na SILA'Y MAKIKIBAHAGI sa WALANG HANGGANG KALUWALHATIAN sa LANGIT eh kay sa turo pa lang eh ITSA-PWERA na si Cristo?!

Tapos bonus pang MAKAKASAMA nila si "KRISTO"?

Teka nga, BAKIT NAGING "K" ang Kristo at hindi "C"?  Hindi ba't ang pangalan niyo ay "Iglesia ni CRISTO (letter "C" at hindi "K"?

Ang gulo-gulo nga naman ng mga inaralan ng PEKENG SUGO. Palibhasa PURO SAHOD lamang ang inaatupag! Bayad na bayad na Ministro!

At bilang panghuli, bilang KABUUAN ng kanyang mensahe LABAN sa mga EXPOSITION ni G. ANTONIO EBANGELISTA eh, sabi niya:

"Huwag po tayo paapekto sa kung ano mang nababasa natin ngayon tungkol sa pamamahala, alisin ang PAGDUDUDA, PAG AALINLANGAN at PANLALAMIG dahil hindi po natin ito ikakaligtas. Hayaan natin ang Diyos ang gumawa ng paraan upang maisaayos ang pagsubok na ito. At ang dapat na ipamayani ay ang PANANAMPALATAYA, PAG ASA AT PAG IBIG."


WALA pong KALIGTASAN sa Iglesia Ni Cristo®!


Bakit kaniyo?

Sapagkat sa Iglesia Ni  Cristo®, para sa kanila ay TAO LAMANG si JESUS, noon, ngayon at sa kanyang pagbabalik.

“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa arw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.” -PASUGO, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin) 
Taliwas sa sabi ng Biblia:

"Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas." -Heb. 13:8
Kung si Cristo ay DIYOS noon, DIYOS pa rin siya NGAYON at DIYOS siya MAGPASAWALANG-HANGGAN!

At anong KATAWAGAN sa mga TAONG NANGANGARAL na SI JESUS ay HINDING-HINDI NAGING DIYOS?

"Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naging tao. Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran, sa halip ay lubusan ninyong makamtan ang gantimpala." -2 Juan 1:7
Mga MANDARAYA at mga KAAWAY NI CRISTO raw ang TAGAPAG-TATAG at mga MINISTRO ng Iglesia Ni Cristo® sa PAGTATATWA sa PAGKA-DIYOS ni CRISTO (Diyos na naging TAO)!

At ang BABALA sa atin LIBONG TAON nang nakararaan eh MAG-INGAT daw tayo upang HUWAG MAWALANG SAYSAY ang mga katuruan ng mga Apostol.

Kaya't tukoy na tukoy po natin kung SINO ANG MGA DI NAG-INGAT at NAGPADALA sa mga MANGANGARAL na mga KAAWAY NI CRISTO at mga MANDARAYA.

Kaya't HINDI KATAKA-TAKA na TALAMAK ang DAYAAN at KATIWALIAN ngayon sa IGLESIA NI MANALO o mas kilala sa pangalang Iglesia Ni Cristo®! 

Pagmamakaawa pa nitong tagong Miinistro eh "Kapatid, huwag kang bibitiw ha?"

Takot na takot silang mawalan ng tao ang kanilang man-made na Iglesia. Natural, kapag kokonti ang kaanib, konti ang abuluyan at konti ang lagak.

Pero taliwas sa TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO!

HINDI PO TAYO NATATAKOT kahit na umabot pa tayo ng SAMPUNG KAANIB! 

Bakit kaniyo? 

Sapagkat SI CRISTO ang NAGTATAG ng IGLESIA KATOLIKA. At kung SIYA ang NAGTATAG eh DAPAT LAMANG na SIYA RIN ang MAG-IINGAT NITO at MAGPAPATAKBO nito!

Kung MATALIKOD, MAWALA, o MAGAPI MAN ITO, kapabayaan ni Cristo! At yan ang katuruan ng mga bayarang Ministro!  NAGPABAYA si Jesus kaya NATALIKOD na GANAP ang kanyang orihinal na tatag na Iglesia at kinakailangan pa niya ng isang FELIX MANALO para maitayo ito hehehe.

Salamangkero ng Biblia nga naman!

Pero SIGURADO po tayo na hinding hindi po MANANAIG ang KADILIMAN sa KANYANG IGLESIA, NOON, NGAYON at KAILANMAN! Pangako po yan ng NAGTATAG-- ang ating PANGINOONG JESU-CRISTO!

Sabi ni nga ni SAN ATHANASIUS noong ika-4 na siglo eh "Even if Catholics faithful to tradition are reduced to a handful, they are the ones who are the True Church of Jesus Christ."




Friday, May 8, 2015

Mga Imoral na Ministro Talamak sa Central ng Iglesia Ni Cristo® ayon kay G. Antonio Ebangelista

Si ReadMeINC (may ari ng http://iglesianicristoreadme.blogspot.com) kaya ay isa sa mga kapanalig ni Ka Jun Santos sa malawakang "Cover-up" ng katiwalian sa pananalapi sa loob ng Iglesia Ni Cristo® dahil siya ay direktang nagtatrabaho sa Opisina ng Pananalapi ng Central?

Malamang na kasabwat. Tingnan niyo kung paano na lamang ang kanyang pagsisinungaling para lamang MANGHINGI pala ng DAGDAG ABULOY para raw sa pagbili ng mga properties sa ibang bansa:
Alam nyo bang ang konstruksyon ng pagpapatayo ng mga bahay sambahan ng Iglesia ay umaabot humigit kumulang sa 100 sa isang taon? at magkano kaya ang tinatayang halaga ng 1 bahay sambahan?? Milyon milyon po! para sa mga di nakakaalam.

At sa ibang bansa, mas focus ng INC ang pagbili ng properties para gawing bahay sambahan sapagkat di ito tulad ng Pilipinas na napakamura pa ng lupa at pagpapagawa o mga materyales sa paggawa. Kaya kung may nakikita kayong lokal sa ibang bansa na kaparehas ng sa Pilipinas, napakalaking gastos po nito umaabot sa 7million dollars (estimated expenses ng planong itatayong bahay sambahan ngayon sa Los Angeles, California).
Hirit pa noon nitong tagong ministro sa kaniyang blog na INC Defenders Online (na deactivated na) na may pamagat na "PAGHAHANDOG WAG IKATISOD" (na ngayon ay hindi na rin makikita sa websearch at hindi ko rin nakuhanan ng screen shot) ilang ulit niyang sinabing ang Iglesia Katoliko ay "tuluyan ng BUMABAGSAK" daw at kailangan nilang DAGDAGAN ang kanilang KONTRIBUSYON o ABULOY dumarami raw sila at kailangang BUMILI ng mga LOTE o mga bahay sambahan.

Pero ngayon iba na ang sinasabi...



Sa totoo lang, hindi ko ikinatutuwa ang katiwalian nangyayari ngayon sa loob ng INC™ tulad ng PAGSASAYA ni ReadMeINC sa mga masasamang balita tungkol sa mga paring Katoliko na inakusahan ng pagmamalabis.

Pero ano kaya ngayon ang ipagmalaki ni ReadMeINC sa balitang mas matindi ang katiwalian sa loob ng INC™ Central at mismong sa kanyang Departamento pa?

At dahil PILIT na INAALIS ang mga EBIDENSIYA laban sa kanyang mga naunang pahayag, ilang beses na yatang nagpalit ng blog itong si ReadMeINC kaya't burado na rin ang iba niyang mga posts.

Tapos kapag 'di nalagyan ng link o "Screen Shot" at 'di na mahanap o makita ang kanyang naunang mga articles eh sasabihin niyang "SINUNGALING" daw si Catholic Defender eh siya ang NAGBURA sa EBIDENSIYA at saka niya sabihing "singungaling" ako?!


Tapos bumalik lamang si ReadMeINC Abril 20, 2015 na buong pagmamalaking balik-TRENDING na raw ang kanyang blog:


Pero kapansin-pansin ang TIMING ng unang post niya matapos na siya'y pansamantalang nawala raw sa pagba-blog (dahil kaya sa crackdown na ginagawa noon ni Ka Jun Santos sa mga social media?).

Bumalik lang ulit siya sa pagba-blog noong April 25, 2015 isang linggo nang unang NAG-POST si G. Antonio Ebangelista nang pagsisiwalat sa mga katiwalian sa Iglesia Ni Cristo®:

Unang post ni ReadMeINC obvious na patungkol sa talamak na katiwalian sa Central ng INC™
Unang post ni G. Antonio Ebangelista, ang INC™ Ministro na nagsiwalat sa katiwalian sa loob ng INC™.
BINURA ang mga EBIDENSIYA para kunyaring walang alam ang mga mambabasa.

Ganon na ganon din ang ginawa raw ni Ka Jun Santos sa www.loopnet.com nung in-advertise ng Iglesia Ni Cristo property FOR SALE sa Texas, USA, tapos ngayon eh nawala na sa website ayon pa rin kay G. Ebangelista.

Buti na lang at nakunan ni G. Antonio Ebangelista ng Screen Shot bago pa nila binura sa internet at sasabihing sinungaling si G. Ebangelista?  Ngayon, kaya pa kayang i-cover up ni Ministro ReadMeINC ang mga pagbubunyag ni G. Antonio Ebangelista ukol sa talamak na kaimoralidaran ng mga Ministro sa Central?


Tungkol naman sa mga imoral daw na mga Ministro na naglilingkod sa INC™ Central, heto ang pagkasabi ni G. Ebangelista:
"Ang sabi nga ng isang Ministro sa Tanggapan ng Ka Radel Cortez na naalis sa Ministerio dahil sa “imoralidad”, at ng pagkabalik sa karapatan, wala pang isang taon ay kinuha na ng Ka Radel Cortez at ginawa niyang kalihim at Tagapagsiyasat sa kaniyang opisina, ang sinabi nya sa isang kasama naming Ministro, “Kung gusto mong manatili ngayon sa pagtitiwala ng Pamamahala (Sanggunian ang tinutukoy niya), kailangang matibay ang dibdib mo sa lahat ng bagay. Dapat kapag sinabi sayong GAWAIN MO ‘TO, sasagot ka agad ng OPO!"

"Tingnan ninyo ngayon ang bilang ng mga nababalik sa karapatan na Ministro at napupunta sa mas magagandang destino o kaya ay kinukuha sa Central para maglingkod sa iba’t-ibang Tanggapan, karamihan dun ay mga nagka-kaso ng imoralidad. Nakipagrelasyon sa ibang babae, pumatol sa menor de edad, nangalunya at naki-apid. Subalit agad na nababalik pagkalipas lang ng ilang taon, at ang masakit ay may ilan na hindi talaga naaksyunan, nalipat lang ng Destino kahit pa kaso ng imoralidad... Mga Ministrong napatunayan na kayang isaisang-tabi ang moralidad at Ministerial ethics ng dahil sa pansariling pakinabang o kaligayahan."

"Marami ang nagtatanong sa akin, bakit sa kabila ng mga lantarang nagaganap na pagbabago sa Iglesia na palala pa ng palala ay parang hindi yata ito batid ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan. Imposible naman daw ito. Kaya para malaman natin ang kasagutan ukol dito ay alamin natin, ano nga ba ang ISTRATEHIYA ng Sanggunian? Ang istratehiya nila ay isang mabisang “COVER UP” upang maitago ang lahat ng ito sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Tinitiyak nila na napapaligiran ang Ka Eduardo V. Manalo ng mga taong pinagtitiwalaan ng Sanggunian upang matiyak na hindi makakalusot sa kaniya ang kahit anumang impormasyon na maaaring makapagbunyag sa kanilang ginagawang pagmamalabis."

"Ang pinanatili nila sa pwesto sa mga Distrito sa Metro Manila at karatig na Distrito ay mga Tagapangasiwang kilala sa pagiging “mapanginoon”, “molestyador sa mga materyal na bagay”, “magaling mandaya ng ulat” at mga “sakim sa mahalay na pakinabang” at maaasahan (malakas “mag-abot”). Kaya nga kapag nagkaroon ng lifestyle check sa lahat ng mga Tagapangasiwa din sa mga Distritong ito ay malalantad din ang kanilang mga “hidden wealth”, “dummy bank accounts” at mga house and lot, condo units, mamahaling sasakyan na ipinangalan nila sa mga kamag-anak o dummies nila upang huwag ma-trace sa kanila... Ito rin ang “rationale” kaya maraming mabibilis na na-promote gaya ng Ka Romer Galang at ka Regalado Delos Reyes na dating nasa TV bilang tagapagsalita, naging Pastor ng Lokal ng Central. Paano sya tumalon sa pagiging Tagapangasiwa agad? Dahil sa napatunayan nya sa Sanggunian na handa siyang gawin ang LAHAT, kahit talikuran ang kaniyang sinumpaang katapatan sa Diyos.

"Marami ang nakakakila sa atin kay Ka Regalado Delos Reyes na isang mabait, malumanay at mapagpakumbabang Ministro…noon. Subalit ngayon, alam nating lahat (lalo nan g mga taga-Central) kung paanong nagbago na siya. Ang larawan ng Tagapangasiwang ito ngayon ay ang paging maypagka-panginoon, (kung magsalita at mag-utos sa mga maytungkulin at mga kapatid ang aakalain mo ay kung sino na) mahilig na rin sa pagnenegosyo at materyal na pakinabang, mayroon na rin syang mga alagang contractors, suppliers at mga “runners” at “bagmen” para sa ganitong mga iregular na aktibidad. At higit sa lahat, kaya sya nakapagbigay ng mabisang patotoo sa Sanggunian ay nang walang habas nyang pinaggigipit ang Mommy Tenny at ang Pamilya ng Ka Erdy. Alam ito ng mga ilang kapatid na nakasaksi kung paano sigawan, pagsalitaan ng masasamang salita ng Ka Rey ang Pamilya ng Ka Erdy.

"...ang Ka Jun Santos upang unti-unting itanim sa isip nila na ang pinaka-pinagtitiwalaan ng Tagapamahala ay ang Kapatid na Glicerio B. Santos Jr. Siya ang “Representative” ng Ka Eduardo. Siya ang mukhang laging inilalabas sa mga palabas sa NET 25 at INC TV, maging sa mga pahina ng PASUGO GOD’S MESSAGE, siya ang laman ng mga interviews, siya ang laman ng mga video presentation/message sa mga Maytungkulin at kapatid sa buong mundo, siya ang nagpapadala ng mga Sirkular sa Pagsamba, siya ang gumagawa ng mga leksyon sa Pagsamba, siya na rin ang bigla biglang nagbabago ng laman ng leksyon, siya ang nangunguna sa Video Conferencing ng mga Ministro at Manggagawa, Siya ang nagpupulong sa mga Tagapangasiwa…


"...And that, my friends, is how you orchestrate THE GREATEST COVER UP OF THEM ALL.


Antonio Ebangelista

Nakakabinging Katahimikan ni ReadMeINC, INC™ Central Finance Officer ukol sa katiwalian sa pananalapi ni G. Glicerio aka Jun Santos (Jr), General Auditor ng INC™ Central

ReadMeINC, may masasabi ka ba sa mga alegasyong ito? Tahimik ang iyong blog tungkol kay G. Antonio Ebangelista? :)




Wednesday, April 29, 2015

Iglesia Ni Cristo® Minister vs Iglesia Ni Cristo® Minister! (pro Ka Eduardo Manalo vs.pro Ka Jun Santos)

Antonio Ebangelista (not his real name) is a Minister who exposes corruption in the INC™
Ka Antonio supports Ka Erdy and Ka Eduardo against the "feeling Executive Minister" Ka Jun Santos!

vs

Bro. README (not his real name) is a Minister who hides corruption in the INC™

ReadMeINC as a "Finance Officer" supports Ka Glicerio "Jun" Santos Jr., the General Auditor of the Iglesia Ni Cristo®

Tuesday, December 16, 2014

IGLESIA NI CRISTO-README: Si Cristo at Espiritu Santo ay "NANDOON NA SA SIMULA" kasama ng Dios


Here is what the Iglesia Ni Cristo®'s position on Jesus' pre-existence.

"Many believe that Christ is God who pre-existed before being born on Earth. However, such a belief is based on erroneous interpretations of the Holy Bible." -INCMedia.org

Therefore, IglesiaNiCristoREADME, the only INC™ Defender in the blogsphere is UNBIBLICAL according to the management of the Iglesia Ni Cristo®, Incorporated. 

Thank you for clarifying.

Friday, September 12, 2014

Tuluyan nang NAGPAALAM ang tagong-Ministro ng INC Ni Manalo na si ReadMeINC

Bahagi ng artikulo ng taong Ministro ng INC ni Manalo kung saan siya'y tuluyang namaalam na
SA MGA TUMUTULIGSA SA IGLESIA:

Nagpapasalamat din ako dahil naging daan kayo para masagot ang mga tanong ng marami sa INC. Sa bawat pagtuligsa nyo at paghanap sa kasagutan, lalo kong napapatunayan na ang Iglesiang ito ay tunay na sa DIYOS. Maniwala man kayo o hindi, wala po akong personal na galit sa inyo. Kahit pa kay Mr. Abe Arganiosa na madalas gumawa ng kasinungalingan sa Iglesia, at sa iba pa. Kahit pa magkakaiba tayo ng paniniwala, pare pareho parin tayong Pilipino, kaya dapat walang personalan at siraan na nagaganap sa atin. Ipakita natin ang pagiging KRISTYANO natin, sa bawat kasamaan na ating ginagawa tandaan po natin, may ganti dyan ang Diyos, antayin na lang natin.

Talo! Kung baga sa isang laban ay sumuko siya agad!

'Yan lamang ang maaaring nag-impluwensiya kay ReadMeINC isang TAGONG MINISTRO ng INC Ni Manalo.  

Sabi niya wala raw siyang personal na galit kay "Mr. Abe Arganiosa" pero patutsada naman niyang inakusahang "nagsisinungaling" daw si Fr. Abe laban sa Iglesia ni Manalo.

Ang lakas ng loob niyang sabihing "wala po akong personal na galit" kay Fr. Abe.  

Sa katotohanan, sila, sa pagkatao ni ReadMeINC ang may PERSONAL NA GALIT kay Fr. Abe at sa iba pang mga CATHOLIC DEFENDERS sapagkat PERSONAL nila silang inaaway at GUMAGAWA pa nga ng mga BLOGS na gamit ang PERSONAL NA PANGALAN ng mga Catholic Defenders.

Gustuhin man ni Fr. Abe na MAMERSONAL sa mga kaanib ng INC ni Manalo pero NAGTATAGO naman sila sa mga PSEUDONYM tulad ni READMEINC.

Eh si CONRAD J. OBLIGACION, na may-ari ng RESBAK.COM, matapos MABUNYAG ang TUNAY niyang pangalan eh NADUWAG siyang mag-post ng kanyang PERSONAL NA LARAWAN samantalang pinagpipiestahan niya ang mga larawan ng mga kilalang mga Catholic Defenders.

Ang pagbubuking ng mga kaanib ng ADD sa pagkatao ni "Truthcaster" na si Conrad J. Obligacion

May KARUWAGAN ang mga "defenders" ng INC Ni Manalo sapagkat lumalaban sila ng PATAGO at PAILALIM.

Salamat naman sa pamunuan ng INC Ni Manalo at napagtanto niyong patahimikin ang inyong MINISTRO nagre-represent sa inyo ng PATAGO.

Sana, bigyan niyo rin ng leksiyon si CONRAD J. OBLIGACION na may ari ng RESBAK.com. Si ReadMe at si Conrad ay mga kahihiyan ng inyong samahan!

Paalam. Sana ang iyong pagpapaalam ay isang pagninilay na BABALIK KA SA IGLESIANG TATAG NI CRISTO-- ang IGLESIA KATOLIKA!

My Blog List

My Calendar