Ano nga ba talaga? Iglesia Ni Cristo o Church of Christ? O pareho?
Alam niyo ba ang mga paniki ay ang bukod tanging mammals na may pakpak at karaniwa’y nakikitang lumilipad pagsapit ng takipsilim hanggang sa magbubukang-liwayway.
Ang mga paniki ay HINDI IBON. Katulad din sila ng ibang mga mammals na may buhok at hindi balahibo. Nanganganak at hindi nangingitlog tulad ng mga ibon maliban sa Monotreme na nangingitlog.
Ngunit sa mga taong hindi pa nakakakita ng paniki sa kanilang buhay, sa biglang tingin, habang sila’y lumilipad sa kadiliman, pagkakamalan nga naman silang mga ibon.
Dahil sa totoo lang, ang akala ng ilan, ang LAHAT NG LUMILIPAD ay ibon. Nakakalito! Nakakalinlang! Hindi ba?
Kaya ginamit ko ang paghahambing na ito ay sapagkat MARAMING MGA Kristiano ang NABULID sa ganitong PAGKALITO kaya’t NALINLANG. Akala nila tunay na Iglesia, iyon pala ay huwad.
Gawain po kasi ni Satanas ang panlilito para makapanlinlang.
Aminin po natin na NAPAKARAMI pang mga Katoliko ang SALAT na SALAT pa sa KAALAMAN tungkol sa pananampalataya. Kaya't ito ay SINASAMANTALA ng mga bulaang mangangaral upang manlito at manlilang.
Maraming mga Katoliko na ang UMANIB sa samahang ITINATAG ni FELIX MANALO (na dating Katoliko rin) noong taong 1914 sa pag-aakalang ang ‘IGLESIA NI CRISTO®’ na KANIYANG TATAG ay ang “tunay” raw na Iglesiang itinatag ni Cristo.
PANLILINLANG SA PAMAMAGITAN NG WIKA






