"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811
Showing posts with label Tagalog Apologetics. Show all posts
Showing posts with label Tagalog Apologetics. Show all posts

Saturday, January 19, 2019

KUNG ALING IGLESIA ANG INUUSIG AY SIYA RAW ANG TUNAY

Originally posted at Iglesia ni Cristo 33AD blog


"The Catholic Church is a worldwide force that has reigned for centuries. Through European colonialism, its influence can be found on all continents. Missionaries were an essential part of this religious expansion and although most of these countries have since gained their independence, Catholicism still reigns."  -World Atlas

Isa sa mga maraming pinaghuhugutang batayan ng mga kaanib ng INC™-1914 sa larangan ng debate ay "KUNG SINO RAW ANG INUUSIG AY SIYANG TUNAY NA IGLESIA" at sila raw 'yun.

Inuusig nga ba ng mundo ang INC™ ni Ginoong Manalo?

Ayon sa mga kaanib ng INC™ ni Ginoong Manalo na itinatag niya sa Punta, Sta. Ana Maynila, Pilipinas noong 1914, galit daw ang mga Katoliko at mga Protestante sa Iglesia Ni Cristo®, patunay raw na "tunay" ang kanilang inaaniban ayon sa  Mt. 24:9 ukol sa pag-uusig sa "iglesia" at sila (INC™-1914) nga raw iyong tinutukoy.

Isang kahibangan na naman sapagkat HINDI kailanman tinutukoy ang TATAG na iglesia ni Ginong FELIX MANALO, na inirehistro lamang sa pangalang "Iglesia Ni Cristo" bilang isang TRADEMARK!

Ayon sa Mateo 24:9 ay ganito: "Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan."

Sino na nga ba ang "pinatay" na kaanib ng INC™ ni Manalo dahil kay Cristo?

O di kaya'y INC™ ni Manalo, kinapopootan ng BUONG mundo?

Ayon sa HuffingtonPost HINDI ang Iglesia Ni Cristo® ni Ginoong Manalo ang kinapopootan ng mundo. At wala ni isa sa kanilang mga kaanib ang napatay na dahil sa kanyang pananampalataya sa INC™. Sa kanilang report noong 2013, ang pinaka-inuusig raw ay ang ang KRISTIANISMO sa Iraq, Pakistan, at iba pang mga bansang nasa ilalim ng relihiyong Islam, kasama ang North Korea na nasa ilalim ng komunismo.  Sa mga nabanggit na mga bansa sa mundo, WALA PONG INC™ roon. Takot silang mapatay. Ang mga Kristiano roon kaanib sa orihinal at tunay na Iglesia ni Cristo  na si Cristo mismo ang nagtatag ~ ang Iglesia Katolika!

Kapighatian at kamatayan at kapopootan sasainyo (Mt. 24:9)
(Photo Credit: ExpressUK)
Sa report naman ng Pew Research Center noong 2016, may 144 raw na bansang talamak ang pag-uusig sa mga Kristiano ~ tulad ng pagdiskriminasyon, verbal assault, pisikal na atake, pagkakaaresto kahit walang sala o kaya'y ang pagsara o pagsira sa kanilang mga bahay-dalanginan o  mga pook na itinuturing na banal sa mga Kristiano. Sa listahang ito makikita ang mga bansang

Muli, wala ni isang kaanib ng INC™ 1914 ang kabilang sa mga inuusig. Kaya't papaano sila ang tinutukoy na inuusig ng mundo?

INC™ 1914 and nang-uusig sa tunay na Iglesiang tatag ni Cristo!

Sa kasaysayan ng Iglesia Ni Cristo® mula nang inirehistro at opisyal na itinatag ito ni Ginoong Felix Y. Manalo noong Hulyo 27, 1914, ang kanilang SANGKALAN ay ang Iglesia Katolika.

Tulad ng pag-amin ng kanilang PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."
Halosa sa bawat limbag na kanilang opisyal na magasing Pasugo, ang inuusig nila roon ay ang Iglesia Katolika tulad nitong sinabi nila sa PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."

PASUGO Agosto 1962, p. 9:
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”
Sino ngayon ang lumalabas na INUUSIG? Lalo lamang nilang pinapalitaw na ang IGLESIA KATOLIKA ang TUNAY na Iglesia sapagkat ang Iglesia Katolika nga naman ang kinapopootan, pinapatay at inuusig ng buong mundo at kasama ang INC™ ni ginoong Felix Y. Manalo sa mga nang-uusig sa Iglesia Katolika!

At para matuldukan kung ang Iglesia Ni Cristo® ba ay kanino, kay Cristo o kay Felix Manalo, PASUGO ang sasagot:

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Sa kanilang ika-100 daang TAON ng PAGKAKATATAG, kanilang inamin ang ganito:
"On July 27, 1914... the Iglesia Ni Cristo was registered with the Philippine government... the Articles of Incorporation were filed with the Office of the Division of Archives, Patented Properties of Literature and Executive Office of Industrial Trade Works..." -PASUGO God's Message Special Centennial Issue, p. 16 (by Nicanor P. Tiosen)
Wala na tayong dapat pang pagtatalunan kung sino ang TUNAY na Iglesia! Ito ay ang IGLESIA KATOLIKA!

Sunday, May 6, 2018

Ang Katuparan ng mga Hula ng Biblia sa INC™-1914

Originally Posted at Iglesia ni Cristo 33 A.D. blog

Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga alamat. -II Timoteo 4:3-4



Iyan po ang KATUPARAN sa sinabi ni Apostol San Pablo kay San Timoteo LIBONG TAON bago pa maitatag ni Ginoong Felix Y. Manalo ang kanyang INC™ noong 1914. Ayon kay San Pablo ang HINDI NAKIKINIG sa WASTONG ARAL na itinuro ng tunay na Iglesia ~ ang IGLESIA KATOLIKA "na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo" ayon sa Pasugo Abril 1966, p. 46 ay mga NADAYA ng mga MALING ARAL ng mga bulaang propeta.

Mali po ang sabihin ng mga erehe tulad ng INC™ na "NATALIKOD NA GANAP" na raw ang tunay na Iglesia.  Kung bakit ang mga pahayag nilang ito ay MALING-MALI ay sapagkat HINDI ito sinasang-ayunan ng Banal na Kasulatan.

Wala po tayong mababasa sa Biblia na nagsasaad ng PATALIKOD ng TUNAY na Iglesia. Bagkos, ang sinasabi ng Biblia ay ang PAGTALIKOD NG MGA TAO sa tamang aral.

Ang PAGTALIKOD noon ni Martin Luther (1521 A.D.) na dati ay isang paring Katoliko ang naging sanhi ng pagdami ng mga erehe at mga pekeng mangangaral katulad ni Joseph Smith (1827-1830), taga-pagtatag ng Mormonism; Ellen Gaud White na nagtatag ng Seventh Day Adventists noong May 21, 1863;  Si Felix Manalo na nagtatag ng Iglesia Ni Cristo® noong Hulyo 27, 1914; Eliseo Soriano na nagtatag ng Ang Dating Daan noong 1978, si Eddie Villanueva (1978), si Apollo Quiboloy (1985), Wilde Almeda (1975) at marami pang iba ay naging daan ng katuparan ng mga sinabi ng ating Panginoon at Diyos na si Jesus, "Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw." (Mt. 24:4b-5)


Felix Manalo, Mas Mataas o Kapantay ni Cristo? 

Hindi maitatwa ng INC™ ang pag-aangkin ni G. Felix Manalo sa mga katangiang laan lamang kay Cristo. Halimbawa na lamang ng mga sumusunod na nailathala nila sa kanilang opisyal na magasing PASUGO:

PASUGO Hulyo 1965, p. 12:
“Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios."

Dito sa sinabi nilang ito, nakakakilabot na sabihing PAREHO raw ang espiritu ni CRISTO na Anak ng Diyos sa espiritu ni Felix Manalo na kahit sa kalingkingan ay MALAYONG-MALAYONG IHAMBING kay Cristo Jesus.  Hindi ba't natupad ang mga sinabi ni Cristo sa Mateo 24: 4b-5?

Heto pa ang isang mas nakakakilabot na pahayag nila ukol kay Felix Manalo.

PASUGO Mayo 1964, p. 1:
“Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo."

Diyos na mahabagin! INIHANDOG raw ng DIYOS ang KANIYANG SARILI kay Felix Manalo! At dahil rito eh, si Felix Manalo LAMANG daw ang MAY DIYOS?!

Susmaryosep!

Ano na nga ba ang sinabi ng Panginoong Jesus ukol sa PAGDATING ng MANDARAYA at MANLILINLANG?

"Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw." (Mt. 24:4b-5)

Natupad na nga sa kanila ang mga hula ng Biblia sa pagdating ng BULAANG PROPETA!

Ang Anti-Cristo!

Madaling matukoy kung SINO ANG ANTI-CRISTO.

Ayon kay Apostol San Juan, ang anti-Cristo ay ang mandarayang mangangaral.  Ito ay ang taong HINDI KINIKILALA si Jesus bilang Diyos na NAGKATAWANG-TAO. Para sa kanila, TAO LAMANG si Cristo at kahit kailan ay HINDI raw siya naging Diyos. Ito ay inilathala nila sa kalinang Pasugo:

“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa arw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyat sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.” -PASUGO, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin)
Ngunit DIYOS bago pa  man Siya naging-tao (nagkatawang-tao)!


Dahil MALI ang pagkaunawa nila kay Cristo kaya MALI rin ang kanilang pagkakilala sa kanya.  Para sa mga INC™, "hindi Siya (Cristo) naging Diyos kailanman" ay isang TAHASANG KASINUNGALINGAN, PANLILINLANG at PANDARAYA.

Sapagkat ayon sa Biblia, ang LOGOS o ang SALITA ay DIYOS sa pasimula pa ~ at ang VERBO, LOGOS, SALITA ay NAGING-TAO! (Juan 1:1,14) at NAKAPILING-NATIN!


Heto naman ang PAGLALAHAD ni Apostol San Pablo sa kanyang sulat sa mga FILIPOS!


Ayon sa BIBLIA, KUNG ANO si Cristo NOON ay Siya rin magpasawalang-hanggang.


Kaya ano ang sabi ni Apostol San Pablo sa mga DI TUMATANGGAP kay CRISTO bilang NAGKATAWANG-TAO (mula sa pagka-Diyos)?

Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naging tao.  Ang ganoong mga tao ay mandaraya at laban kay Cristo: o kaya'y anti-Cristo. (2 Juan 1:7)
Ayan po, ang linaw!

Kaya't huwag po tayong padalos-dalos sa kanilang mga propaganda na kesyo mga PARI pa raw ng Iglesia Katolika ang umanib sa INC™ ni Ginoong Felix Manalo. Sapakat DAPAT lamang itong mangyari upang MATUPAD ang mga sinabi ni Cristo sa Mateo 24:4b-5.

Tandaan natin, ang TUMIWALAG ay HINDI si Cristo o Kanyang Iglesia kundi TAO ANG TUMALIKOD.

Sa panahon ni Cristo, si JUDAS ISCARIOTE ang tumalikod.  Unang 500 daang taon ng Santa Iglesia, si ARIUS at NESTORIUS ang tumalikod.

Matapos ang 1,500 taon ng Santa Iglesia, si MARTIN LUTHER naman ang tumiwalag. Sinundan pa siya ni HARING HENRY VIII ng Englatera at marami pang iba.

Sa mga TUMALIKOD na ito nasimulang NAGKAWATAK-WATAK ang mga Kristiano. Nagkaniya-kaniya sila ng mga aral. SALUNGATAN ang kanilang mga itinuturo sapagkat WALA kinikilalang kahalili ni San Pedro.

Sa Pilipinas, TUMALIKOD si FELIX MANALO. At sinundan pa siya ng maraming mga taga-sunod.

Paalala ni San Juan: "Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran...

"Huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay ni batiin ang sinumang dumating sa inyo na may dalang katuruang laban kay Cristo, sapagkat ang bumabati sa kanya ay nagiging kasama niya sa masamang gawain!" -I Juan 1:8-11

AMEN!  Malinaw po 'yan! Magsuri po ang mga tumalikod at bumalik na po kayo sa TUNAY at NAG-IISANG IGLESIA NI CRISTO ~ ang IGLESIA KATOLIKA!


Thursday, November 9, 2017

REFUTING IGLESIA NI CRISTO®-1914: DID JESUS DENY HIS DEITY IN JOHN 14:28?


Jesus Christ took away his being God and became humble (Philippians 2:5-8).

"You must have the same attitude that Christ Jesus had. Though he was God, he did not think of equality with God as something to cling to. Instead, he gave up his divine privileges; he took the humble position of a slave and was born as a human being. When he appeared in human form, he humbled himself in obedience to God and died a criminal's death on a cross."(Philippians 2:5-8)

Jesus came here not to give glory to Himself but to the Father.

He is not like many people who give glory only to themselves.

"Jesus answered, “If I glorify myself, my glory is nothing. It is my Father who glorifies me, of whom you say, ‘He is our God."(John 8:54)

Another New Testament scholar used by INC ministers to twist the truth in John 10:30 is the Book of D.A. Carson on “The Gospel According to John.”

Now, will Parba, Ventilacion and other INC Ministers still accept the statement of D.A. Carson?

"At a popular level, this clause is often cited, out of context, by modern arians who renew the controversy from the early centuries that is connected with the name of Arius. In the clause before us, the father is greater that I cannot be taken to mean that Jesus is not God, or that he is a lesser God; the historical context of Jewish monotheism forbids the latter, and the immediate literary context renders the former irrelevant" (The Gospel According to John by D.A. Carson, Page 507)

I just want to quote the comment of a highly respected Christian Scholar, Norman Geisler.

"The Father is greater than the son by office, but not by nature, since both are God. Just as an earthly father is equally human with, but holds a higher office than, his son, even so the Father and the Son in the trinity are equal in essence, but different in function. "(The Big Book of Bible Difficulties, Page 420)

When INC Ministers defended their wrong interpretation of John 1:1, they gathered what the scholar Dr. Daniel Wallace said.

Now, will Parba, Ventilacion and other INC Ministers still accept the statement of Dr. Daniel Wallace?

"In this context, it is obvious that Jesus is speaking with reference to his office, not his person. That is, the Father has great rank, but the Son is no less deity than is the Father. "(Greek Grammar Beyond the Basics by Daniel Wallace, Page 111)


Saturday, May 21, 2016

'GETTING TO KNOW THE IGLESIA NI CRISTO': PANLILITO AT PANLILINLANG — GAWAIN NG KADILIMAN


Ano nga ba talaga? Iglesia Ni Cristo o Church of Christ? O pareho?

Alam niyo ba ang mga paniki ay ang bukod tanging mammals na may pakpak at karaniwa’y nakikitang lumilipad pagsapit ng takipsilim hanggang sa magbubukang-liwayway.

Ang mga paniki ay HINDI IBON. Katulad din sila ng ibang mga mammals na may buhok at hindi balahibo. Nanganganak at hindi nangingitlog tulad ng mga ibon maliban sa Monotreme na nangingitlog.

Ngunit sa mga taong hindi pa nakakakita ng paniki sa kanilang buhay, sa biglang tingin, habang sila’y lumilipad sa kadiliman, pagkakamalan nga naman silang mga ibon.

Dahil sa totoo lang, ang akala ng ilan, ang LAHAT NG LUMILIPAD ay ibon. Nakakalito! Nakakalinlang! Hindi ba?

Kaya ginamit ko ang paghahambing na ito ay sapagkat MARAMING MGA Kristiano ang NABULID sa ganitong PAGKALITO kaya’t NALINLANG. Akala nila tunay na Iglesia, iyon pala ay huwad.

Gawain po kasi ni Satanas ang panlilito para makapanlinlang.

Aminin po natin na NAPAKARAMI pang mga Katoliko ang SALAT na SALAT pa sa KAALAMAN tungkol sa pananampalataya.  Kaya't ito ay SINASAMANTALA ng mga bulaang mangangaral upang manlito at manlilang.

Maraming mga Katoliko na ang UMANIB sa samahang ITINATAG ni FELIX MANALO (na dating Katoliko rin) noong taong 1914 sa pag-aakalang ang ‘IGLESIA NI CRISTO®’ na KANIYANG TATAG ay ang “tunay” raw na Iglesiang itinatag ni Cristo.

PANLILINLANG SA PAMAMAGITAN NG WIKA

Monday, May 16, 2016

KILALANIN ANG IGLESIA NI CRISTO (CHURCH OF CHRIST)!

Araw po ng Sabado, ika-14 ng Mayo, sa buong kapuluan, namahagi po ang mga kaanib ng INC™ ni Felix Manalo upang magmudmod ng isang munting babasahin PATUNGKOL sa INC™-1914 o mas kilala sa TRADEMARK na IGLESIA NI CRISTO®

KILALANIN ANG IGLESIA NI CRISTO (Church Of Christ)


Mayroon pa bang HINDI nanakakakilala sa Iglesiang TATAG ni FELIX MANALO eh halos taon-taon sa tuwing sumasapit ang HULYO 27 ay tadtad ng tarpaulin ang ating mga lansangan sa PAGBATI ng mga nangangandarapang mga TRAPO (Traditional Politicians) para batiin sila sa kanilang FOUNDATION ANNIVERSARY?

Mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nagsabi sa kanyang PAGBATI sa ika-101 Taong Anibersaryo ng INC™ "binabati ko ang bawat kaanib ng Igleisa ni Cristo (sic) sa pagdiriwang ng inyong Anibersaryo ng PAGKAKATATAG." (mula sa PASUGO God's Message Special Issue, p. 4, ang pagdidiin sa kabuuan ng saknong ay akin lamang.)

Ang Hulyo 27, ba ay PAGDIRIWANG ng PAGKAKATATAG ng IGLESIA NI CRISTO®?

OPO!

Sapagkat MALINAW pong sinasaad sa kanilang REHISTRO na si FELIX MANALO ang NAGTATAG nito noong HULYO 27, 1914 at HINDI SI CRISTO! Kaya't marapat lamang na ito rin ang INIUULAT ng mga MAMAMAHAYAG sa buong mundo!

Sipi ng Rehistro nila sa SEC

Narito ang kanilang PANIMULA sa kanilang munting babasahin.


Ang Iglesia Ni Cristo (INC) ay HINDI po relihiyon tulad ng IGLESIA KATOLIKA o ISLAM o JUDAISMO. Ito po ay isang SEKTA!  Sektang TATAG ng isang TAO! Si FELIX MANALO ang nagtatag nito! Kaya't HINDI po ito isang relihiyon.

Ang TUNAY na Iglesia ni Cristo po ay TATAG MISMO ni CRISTO. Ito ay NAGMULA sa JERUSALEM noong UNANG SIGLO pa (basahin ang Wikipedia)

Kaya't MARAPAT lamang na sabihin natin na ang IGLESIA KATOLIKA na siyang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ay ang TUNAY na RELIHIYON.

Nalito ba kayo?

Marahil oo.

Sapagkat ang PANLILITO ng TAO ay gawain ng Diablo.

Linawin natin.

Ang Iglesia Ni Cristo (pansinin ang mga malalaking titik sa bawat salita- INC) ay TATAG po ni Felix Manalo. Ito po ay REGISTERED TRADEMARK kaya po siya ®!

Wala pong pinagkaiba yan sa mga produktong rehistrado ang pangalan. Tulad ng Jollibee, Mang Inasal. Kahit tumawid pa sa ibang bansa ang mga yan ay HINDI NAGPAPALIT ang kanilang pangalan sapagkat ITO ang kanilang Registered Trademark at protected po sila ng Patent Office.

Ang Iglesia ni Cristo (normal lamang ang pagbigkas ng walang pagdidiin) ay ang IGLESIA KATOLIKA sapagkat ITO ang TUNAY na iglesiang tatag ni Cristo noong unang siglo pa.

“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46:
Kaya't ang kanilang PANIMULA sa munting babasahing ay isang malinaw na PANLILINLANG.

Panlilinlang upang MANIWALA tayong mga nasa TUNAY na Iglesiang tatag ni Cristo at sa ating kalituhan ay maakit sa kanilang paanyaya.

Sa kabuuan, ang Iglesia Ni Cristo® ay ISANG SEKTA! (basahin ang Wikipedia) Hindi tunay at huwad!


“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."-PASUGO Mayo 1968, p. 7:

Kaya't kung SEKTA ang Iglesia Ni Cristo®, ang lahat ng kanilang mga sinasabi ay TALIWAS na sa Biblia at SABLAY sa KATOTOHANAN.

Iwasan po natin sila tulad ng PAALALA ni APOSTOL SAN JUAN  sa kanyang Ikalawang Sulat (1:7-10)

"Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman (katulad ni Felix Manalo na itinakwil ang pagka-Diyos ni Cristo na naparito sa laman). Ito ang magdaraya at ang anticristo. (Ayon, mandaraya raw ang mga ganong mangangaral!) Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan. Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak. Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin!"

Kaya't sa kanilang pagbisita at hindi niyo sila binati, isang pagsunod lamang ito sa mga mahigpit na paalala ni Apostol San Juan. Ang inyong ginawa ay ikabubuti ng ating kaluluwa na HINDI MADADAYA kailanman!

Friday, May 13, 2016

ANG BATAYAN SA TUNAY NA IGLESIA AYON SA KOMENTO NG ISANG INC™

Epiphany Catholic Church, IL, USA (Source: Epiphany Parish)
Heto ang isa namang komento ng kaanib ng Iglesia Ni Cristo® -1914 mula sa ating post na ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA INK-1914.

rodel daroyMay 12, 2016 at 10:01 AM

#1. Ang Cristo at mga Apostol ay matagal nang pinag pahinga ng Dios.. 
#2. Ang unang Iglesia Ni Cristo ay natalikod dahil pinag papatay, ang iba ay sumamba na sa mga dios-diosan na gawa sa ginto, bato, kahoy at iba pang materials... nangyari ito ng umakyat na sa langit ang Cristo,,, at ang mga apostol ay pinag pahinga na ng Dios. 
#3. May sinabi ang Cristo, meron pa akong mga tupa wala sa kulongang ito, sila ay tatawagin mula sa malayo... sa maka tuwid hindi ito kasama sa mga pinag papatay at natalikod sa pananam palataya.. merong kakasang-kapanin ang Dios sa muling pag bangon ng INC sa mga huling araw,,, natural mente hindi na ang cristo yun at hindi narin ang mga apostol yun... tao na mag mumula sa sikatan ng araw o sa malayung silangan o Pilipinas,,, bakit namin natiyak na ang INC sa pilipinas nga yong tinotukoy ng Cristo? bakit? meron bang ibang bansa sa malayung silangan na doon muling bumangun ang INC? makikilala ba? 
#4. Sinabi ng Cristo makikila ito sa pamamagitan ng aral na itataguyod nito,,, 
#5. Isang tagapagligtas ang Cristo at isang Dios ang Ama na lumalang ng lahat ng bagay at nasa loob ng isa lamang katawan yun ang IGLESIA,,,ANG KAWAN,,, ANG IGLESIA NI CRISTO,,, colosas 1:18, gawa 20:28, roma 16:16.... 

Ito naman paki basa: 
#6. kani no bang aral ang pag babawal ng pag-aasawa? ang pag babawal ng pagkain ng lamang kati o karne sa mga araw na bawal? at pag samba o pag luhod sa mga larawan o mga santo o mga dios-diosan? ito ang dapat mong suriin kinauukulan,,,, kung ito ba ay aral ng Dios? o aral ng Diablo? wala akong mabasa sa biblia na nangaral ang cristo ang mga apostol ng ganito,,,, at maging ang kapatid na Filix Manalo ay wala ring ganitong ipinangaral,,,,, kung gayun kaninong aral kaya ito? ikaw na ang tumimbang kinauukulan,,, 
#7. ito ang hula sa Iglesiang lilitaw o lumitaw na nga sa Bansang Pilipinas,,, Awit 4:3, Isa.43:5-6, moffatt translation; Isa. 62:11-12, Gawa 20:28 Lamsa translation, ang mga aral ng Iglesiang ito ay walang pinag kaiba sa aral ng unang Iglesia na itinatag ng Cristo sa jerusalim,,, sa makatwid ang INC na lumitaw muli sa pilipinas ay ang kawan na sinabi ng cristo na mula sa malayo... makikilala sa turo at pangangaral... 

mahal namin kayo,,, kaya sana pag laanan niyo ng panahun ang pagsusuri sa mga aral ng INC... salamt po

rodel
proud to be INC,,,


Bagamat ang mga katanungan at sariling sagot ng kaanib ng INC™ na ito ay KASING-TANDA na ng mga kabundukan, atin pa ring sasagutin upang MAIPAKITA natin sila na ang PAGMAMAHAL ng DIYOS ay PAGPAPAHAYAG ng KATOTOHANANG hindi pa nila nasusumpungan hanggang sa kasalukuyan.

#1. Ang Cristo at mga Apostol ay matagal nang pinag pahinga ng Dios..

  • Ano nga ba ang pagkaunawa ng mga kaanib ng INC™ na kapag namatay na ay ALABOK na lamang daw ang isang patay ("Pagbubunyag sa Iglesia Ni Cristo", p. 110) at wala na raw itong saysay sa mundo ng mga buhay (PASUGO December 1966, p. 10). Pinagpahinga ng Panginoon ang mga Apostol ang kanilang mga katawang-lupa ngunit BUHAY NA BUHAY kapiling ang Diyos na si Jesus sa langit. Sa Mt. 22:32, bagamat MATAGAL NANG PATAY sina Abraham, Isaac at Jacob sila ay BUHAY na kapiling ng Diyos. Ganon din ang mga Apostol ni Jesus. Sa katunayan, sinabi pa ni Jesus sa mga Apostol na "mauuna siya at ipaghahanda sila ng tirahan sa langit" na kapiling Siya (Jn. 14:3).

#2. Ang unang Iglesia Ni Cristo ay natalikod dahil pinag papatay, ang iba ay sumamba na sa mga dios-diosan na gawa sa ginto, bato, kahoy at iba pang materials... nangyari ito ng umakyat na sa langit ang Cristo,,, at ang mga apostol ay pinag pahinga na ng Dios.

  • Ang UNANG nagsabing NATALIKOD na GANAP ang Unang Iglesia ay HINDI si Felix Manalo kundi si JOSEPH SMITH ng Mormon. Let me quote what was written by Dr. Patrick Madrid in his article 'IN SEARCH FOR THE GREAT APOSTASY'. "The restored Church affirms that a general apostasy developed during and after the apostolic period, and that the primitive Church lost its power, authority, and graces as a divine institution, and degenerated into an earthly organization only. The significance and importance of this apostasy, as a condition precedent to the re-establishment of the Church in modern times, is obvious. IF THE ALLEGED APOSTASY OF THE PRIMITIVE CHURCH WAS NOT A REALITY, THE CHURCH OF JESUS CHRIST OF LATTER-DAY SAINTS IS NOT THE DIVINE INSTITUTION ITS NAME PROCLAIMS"[1] (emphasis added).
    KINOPYA nga ba ni Felix Manalo ang doktrina ng mga Mormons ayon sa paratag ng blog na ito? Ngunit sa ngalan ng tamang pagsisiyasat, kung NATALIKOD NA GANAP ang TUNAY na Iglesiang TATAG ni Cristo (at ito ang IGLESIA KATOLIKA), ano bang KATIBAYAN ang maaari nating PANGHAHAWAKAN upang paniwalaan natin ang ganitong mga pahayag? Meron po ba silang hawak na HISTORICAL RECORDS na nagpapatunay ng PAGTATALIKOD?
    AYON kay Cristo, HINDING HINDI RAW MATATALIKOD ang kanyang TATAG NA IGLESIA. Kahit pinto pa lamang ng Hades ay HINDI makapananaig dito (Mt. 16:16-18). ISANG PANGAKO yan! Tapos dumating lang si Felix Manalo noong 1914 eh NATALIKOD NA GANAP na raw ito? Inabot pa ng ISANG LIBO'T SIYAM NA RAAN AT LABING PITONG TAON (1,914) bago nalaman ni Cristo na NATALIKOD na pala ang Iglesiang TATAG niya at KAILANGAN ng isang Felix Manalo para 'itatag' muli tulad ng sinabi sa PASUGO Agosto 1971, p.22? Konting sentido comon naman po mga G. Rodel.
    Sa katunayan, ayon na rin sa inyong OPISYAL na MAGASING PASUGO, ay HINDI nga NATALIKOD o HINDI PA NATATALIKOD ang tunay na Iglesia-- ang Iglesia Katolika.
    PASUGO Mayo 1968, p. 5: "Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man." 
    PASUGO Hunyo 1940, p. 27: "Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
    PASUGO, Abril 1966, p. 46: “Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
    Mayron pa ba akong dapat pang ipaliwanag tungkol sa "PAGTALIKOD NA GANAP" daw ng TUNAY na Iglesia ni Cristo? Malinaw na siguro ito mula sa inyong official magazine.

Monday, December 8, 2014

Simpleng katekismo tungkol sa Kapistahan ng IMACULADA CONCEPCION (Solemnity of the Immaculate Concepcton)

Photo Source: America Needs Fatima
Alam niyo ba na ang KAPISTAHAN ng IMACULADA CONCEPCION ay isang HOLY DAY OF OBLIGATION at isa sa PINAKADAKILANG KAPISTAHAN sa loob ng IGLESIA KATOLIKA?

At ayon sa unang nakasaad sa Batas ng Santa Iglesia, sa mga araw na Holy Day of Obligation ay TAYO ay DAPAT MAGSIMBA at TUMANGGAP ng KOMUNIYON sa araw na ito?

Kaya't kung hindi niyo po nagawa 'yan, naku, may pagkakasala na po tayong dapat i-kumpisal sa pari. Ang pagliban sa Misa sa mga araw na itinakda ng Santa Iglesia ay katulad din ng pagliban sa Misa sa tuwing araw ng Linggo at ito ay KASALANANG MORTAL.

Alam niyo ba ang epekto ng Kasalanang Mortal? Ito ay kasalanang 'nakamamatay ng kaluluwa'.  Ibig sabihin, kung lugmok po tayo sa Kasalanang Mortal, mamamatay po tayong WALANG KALULUWA na parang hayop.

Hindi ko po katuruan 'yan. Ito po'y MALINAW na katuruan ng Santa Iglesia:

Can. 1246 §1. Sunday, on which by apostolic tradition the paschal mystery is celebrated, must be observed in the universal Church as the primordial holy day of obligation. The following days must also be observed: the Nativity of our Lord Jesus Christ, the Epiphany, the Ascension, the Body and Blood of Christ, Holy Mary the Mother of God, her Immaculate Conception, her Assumption, Saint Joseph, Saint Peter and Saint Paul the Apostles, and All Saints.

§2. With the prior approval of the Apostolic See, however, the conference of bishops can suppress some of the holy days of obligation or transfer them to a Sunday.
Can. 1247 On Sundays and other holy days of obligation, the faithful are obliged to participate in the Mass.

Moreover, they are to abstain from those works and aVairs which hinder the worship to be rendered to God, the joy proper to the Lord’s day, or the suitable relaxation of mind and body.
Heto naman ang sinasabi ng ating Opisyal na Katekismo:
CCC # 2181 The Sunday Eucharist is the foundation and confirmation of all Christian practice. For this reason the faithful are obliged to participate in the Eucharist on days of obligation, unless excused for a serious reason (for example, illness, the care of infants) or dispensed by their own pastor. Those who deliberately fail in this obligation commit a grave sin.
Para sa karagdagang kaalaman, maaari pong basahin ang Is Missing A Mass a Mortal Sin?

Anyway, kaya ko naisipang ibahagi sa inyo ang kaalamang ito ay sapagkat, nalungkot ako sa misa nang NAKALIGTAANG IPALIWANAG ng pari kung ano, saan, kailan at kung paano nagkaroon ng Kapistahang ito bagamat wala naman tayong mababasa sa Biblia tungkol sa Imaculada Concepcion.

Ano nga ba ang ito?

Ang KAPISTAHAN o SOLEMNITY po ng IMACULADA CONCEPCION (Immaculate Conception) ay HINDI po bago sa kasaysayan ng Kristianismo.

HINDI po ito IMBENTO lamang ayon sa kasinungalingan ng mga Protestante.

Ito po'y ipinadiriwang na noon pang ika-7 siglo, libong taon bago pa man nagkaroon ng Iglesia Protestante ni Martin Luther noong 1517.

Lalong wala pa si Ellen G. White na nagtatag ng  Seventh-day Adventist Church na dating pastora ni Felix Y. Manalo na nagtayo ng kanyang sariling iglesia-- ang Iglesia Ni Cristo® o INC™.

Lalong wala pa si Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord® (JIL™) o ng Members of the Church of God Internationa, Inc (ADD™) ni Eliseo Soriano.

Ayon sa kasaysayan ng ating pananampalataya, ang kasinungalingan ng mga Protestante ay TINULDUKAN ni Papa Pius IX noong ika-8 ng Disyembre 1854 sa kanyang Apostolic Constitution na INEFFABILIS DEUS.

"We declare, pronounce, and define that the doctrine which holds that the most Blessed Virgin Mary, in the first instance of her conception, by a singular grace and privilege granted by Almighty God, in view of the merits of Jesus Christ, the Savior of the human race, was preserved free from all stain of original sin, is a doctrine revealed by God and therefore to be believed firmly and constantly by all the faithful."
Na ang ibig sabihin ay DAPAT paniwalaan ng LAHAT ng mga Kristiano ang DOKTRINA ng IMACULADA CONCEPCION bilang KATOTOHANAN hindi mababali kailanman.

Ano ba ang KATOTOHANANG ito?

Ang Imaculada Concepcion po ay HINDI po tungkol sa PAGLILIHI kay CRISTO. 

Ito ay ang PAGLILIHI kay MARIA sa SINAPUPUNAN ng kanyang ina na si Santa Ana.

Bakit kailangang ideklara ng Iglesia Katolika si MARIA ay IPINAGLIHI na WALANG BAHID na KASALANAN? 

Hindi ba't ang sabi ng Banal na Kasulatan sa Roma 3:23 ay 'LAHAT [ng tao] AY NAGKASALA'? Bakit hindi ba kasama si Maria sa "lahat" [ng tao]? 

Kung TAO si Maria samakatuwid, siya'y KABILANG sa [lahat na] mga NAGKASALA!

Pero hindi ba't 'in every rule there is an exemption' ika nga?  Hindi ba pwedeng si Maria ay exempted sa Roma 3:23?

Bakit sinabi kong maaaring exempted ang Mahal na Birheng Ina?

Sapagkat kung tatangapin natin ang argumento ng mga Protestante (kasama na diyan ang Iglesia Ni Cristo® ni Manalo) na si Maria ay TAO at kasama siya sa may  BAHID na kasalanang minana natin kay Adan at Eba, lalabas na si Jesus na Dios at Taong totoo ay IPINAGLIHI sa KASALANAN dahil MAMANAHIN niya ito mula kay Maria na kanyang (tao) Ina. Lalabas na si Jesus ay ipinanganak ng may BAHID na KASALANAN.

HINDI 'yan ang PAGPAPAKILALA ng Biblia TUNGKOL kay JESUS, hindi po ba?

Ayon sa Biblia, si JESU-CRISTO ay WALANG BAHID ng KASALANAN.  SIYA ay WALANG PAGKAKASALA. WALANG DUMI ang makikita sa kanya (2 Cor. 5:21; 1 Pt. 2:22).  

Kaya NARARAPAT LAMANG (it necessitates) na si Maria, bilang Ina ng Dios Anak ay IPINAGLIHING WALANG BAHID na KASALANAN!

Karapat-dapat lamang na si MARIA ay WALANG BAHID NA MANTSA ng KASALANAN upang ang SINAPUPUNAN niya ay mananatiling PURE, UNDEFILED, UNSTAINED, IMMACULATE and HOLY worthy of the SON OF GOD-- JESUS CHRIST our LORD and SAVIOR!

Dahil diyan, nakita ng DIOS AMA na MALINIS si MARIA.  At ang kanyang sinapupunan KARAPAT-DAPAT ipagbuntis ang ANAK NG DIOS--ang ating PANGINOONG JESU-CRISTO upang ang PAGKAKATAWANG-TAO NIYA ay alinsunod sa BIBLIA-- and the [LIVING] WORD OF GOD became FLESH and HE made HIS dwelling amongst us! (Jn 1:1-9; Fil. 2:2-9)

At dahil sa KATOTOHANANG iyan, ang ating MAHAL na INANG BIRHENG MARIA ay siyang bagong KABAN ng TIPAN (Ark of the Covenant) na mababasa natin sa Revelations 11:19.

Upang lalo tayong maliwanagan dito, basahin ang Scott Hahn on the Blessed Virgin Mary.

Kaya bagama't HINDI literal na nasusulat sa Biblia ang Imaculada Concepcion, ngunit ang kanyang diwa ay NASA KAIBUTURAN ng BANAL NA KASULATAN! Ang mga PANGAKO ng PAGLILIGTAS ng DIOS ay nakaugat sa kanyang kalinis-linisang paglilihi.

Thursday, November 6, 2014

ANG 25 PANDOKTRINA NG IGLESIA NI CRISTO-1914 - by Kuya Adviser

Since the Iglesia Ni Cristo® does not translate their registered name to English even in their English articles, so I decided to retain the terms "Iglesia Ni Cristo" in the English translation of Kuya Advier.

ANG 25 PANDOKTRINA NG IGLESIA NI CRISTO-1914


MGA KAPANALIG, NARITO PO ANG 25 LESSONS OF INC-1914 INDOCTRINATION.

ITO PO ANG KANILANG ITINUTURO AT ITINATANIM SA ISIPAN NG KANILANG PROSPECTED CONVERTS.

ANG GALIT AT TAHASANG PANINIRA SA SANTA IGLESIA KATOLIKA. ATIN PONG TUNGHAYAN.

1. Sa biblia nakasulat ang mga salita ng Dyos.
(The words of God are written in the Bible)

2. Ang tunay na Diyos na dapat kilalanin at sambahin ayon sa inituturo sa biblia ay ang Ama na lumalang ng lahat ng bagay.
(The true God that should be recognize and worship that is from the bible is the Father who created all things.)

3. Hindi totoong pare-parehong sa Diyos ang lahat ng mga Iglesia.
(It is not true that all churches belongs to God)

4. Utos ni Cristo na ang sinumang ibig maligtas ay dapat na maging Iglesia ni Cristo.
(It is Christ's commandment that whoever wants to attain salvation should join the Iglesia Ni Cristo)

5. Ang dahilan kung bakit ang kinagisnan natiy Iglesia Katolika at hindi Iglesia ni Cristo.
(The reason why we grow up with Catholic Church and not the Iglesia Ni Cristo)

6. Ang mga aral ng Diyos na tinalikuran ng Iglesia Katolika.
(The Commandments of god that the Catholic Church turned away)

7. Si Cristo ang nagtayo ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas.
(Christ is the founder of the Iglesia Ni Cristo in the Philippines)

8. Si kapatid na Felix Manalo ang sugo ng Diyos sa mga huling araw.
(Bro. Felix Manalo is god's last messenger)

9. Ang dahilan ng pag uusig sa mga Iglesia ni Cristo at ang kapalaran ng maninindigan.
(The reason why the members of the Iglesia Ni Cristo are persecuted and the fate of whoever will stand in faith)

10. Ang marapat na pag-anib sa Iglesia ni Cristo.
(The proper way of joining the Iglesia Ni Cristo)

11. Ang mga katangian ni Kristo at ang kanyang tunay na kalikasan.
(True nature of Christ)

12. Ang pagkakaiba ng Diyos at ni Kristo at ang mga patotoo ng biblia na hindi si Kristo ang tunay na Diyos.
(Distinctions of God and Christ, and the proofs in the bible that Christ is not the "true God")

13. Mga maling paggamit at mga maling salin ng talata ng biblia ang batayan ng mga nagtuturong si Cristo ang tunay na Diyos.
(Wrong usage and wrong translation of verses in the bible is the basis of those who preach that Christ is God)

14. Pananagutan ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ang pagbabagong buhay.
(Iglesia Ni Cristo members are responsible to have a renewed life)

15. Pananagutan sa Diyos ng mga Iglesia ni Cristo ang pagdalo sa bawat araw ng pagsamba sa Iglesia.
(It is a responsibility of every Iglesia Ni Cristo member to God to attend in worship services to the church)

16. Ang Diyos ang may utos ng pag-aabuloy, pagpapasalamat at paghahandog.
(Offerings and thanksgiving are commandments of God)

17. Utos ng Diyos ang pag-iibigang magkakapatid.
(Love one another is God's command)

18. Ang Diyos ang nagbabawal ng pagkain ng dugo at ng pag-aasawa sa hindi kapananampalataya.
(Prohibition of eating of blood and interfaith marriage are God's commandments)

19. Dapat pabautismo upang maging alagad ni Cristo.
(One should be baptized to be a disciple of Christ)

20. Dapat magmisyon ang bawat isang Iglesia ni Cristo at matuto ng pananalangin.
(Every Iglesia Ni Cristo member should do missionary works and should learn how to pray)

21. Dapat na nakatala ang bawat isang Iglesia ni Cristo at nasasakop ng Pamamahala.

22. Aral ng Diyos ang pagkakaisa ng Iglesia ni Cristo.
(Unity in the Iglesia Ni Cristo is God's command)

23. Sa araw ng paghuhukom magaganap ang pagkabuhay na mag uli ng mga patay at ang pagmamana ng mga Iglesia ni Cristo.
(In the day of Judgment will happen about the resurrection of the dead and the inheritance of the members to God's promises)

24. Dapat magdaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tunay at tapat ang pananampalataya.
(One should experience trials/tests to know if they have a real and true faith)

25. Mga pangkalahatang tagubilin
(overall instructions)

AYAN PO. ANG 25 LESSONS NG PANDOKTRINA NG INC-1914. KUNG NAPAPANSIN NYO PO, TUMBOK NA TUMBOK ANG SANTA IGLESIA KATOLIKA NA SIYANG TANGING IGLESIA NA TINITIRA NG MGA MINISTRONG BAYARAN NG INC-1914.

IMBES NA ANG ITURO NILANG DOKTRINA AY ANG MGA SALITA NG DIYOS, AY PANINIRA, GALIT, AT PANGHUHUSGA LABAN SA SIMBAHANG KATOLIKO ANG GINAGAWA NILANG PUNDASYON UPANG ANG ISANG TAONG NAGPAPADOKTRINA AY TULUYAN NG MAPOOT AT TULUYAN NA RING TUMALIKOD SA SIMBAHANG KATOLIKO.

KUNG NAPAPANSIN NYO PO, LAHAT NG MGA NASA LISTAHAN NG PANDOKTRINA NA ITO AY WALA SA BIBLIYA.
AT KAILANMAN AY HINDI DAPAT GANITO ANG GINAGAWA NILA KUNG TUNAY NGA SILANG KAWAN NI CRISTO.

DAHIL ANG ATIN PONG PANGINOON AY HINDI NAGTUTURO KAILANMAN NG PAGKAPOOT SA KAPWA, BAGKUS AY ANG ITUNURO NIYA AY PAWANG PAG-IBIG NG DIYOS!

Mateo 22:37-39
37 At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
38 Ito ang dakila at pangunang utos.
39 At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

NASAAN PO ANG PAG-IBIG NG DIYOS AT NG KAPWA DITO?? KUNG ANG TINITIRA MO AY ANG SIMBAHANG KATOLIKA PARA LANG MAKAAKAY KA?

GANITO PO BA ANG UTOS NI CRISTO??
HINDI PO!!
NAKALABAG PA SILA SA 10 UTOS NA DIYOS.

Exodo 20:7
Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

Exodo 20:16
Huwag kang MAGBIBINTANG SA IYONG KAPWA.

LAHAT PO NG MGA ITINUTURO SA PANDOKTRINA AY PAWANG KASINUNGALINGAN AT PAMBIBINTANG LAMANG LABAN SA SIMBAHANG KATOLIKO. KAYA NAKALABAG NA PO SILA SA UTOS NG DIYOS NA HWAG MAMBINTANG SA KAPWA.

AT KAPAG PO NAMAN AY NATAPOS NA NG ISANG INAAKAY NA TAO ANG PANDOKTRINA NA ITO AT TOTALLY BRAINWASHED NA SA PANLILINLANG AT KASINUNGALINGAN NG MGA MINISTRO, GANITO NA PO ANG PAPAPIRMAHAN SA INAAKAY NILA:

Pinatutunayan ko na aking lubos na nauunawaan at buong pusong sinasampalatayanan at susundin ang lahat ng mga aral ng Dyos na aking narinig sa panahon ng pagdodoktrina.
(I certify that i really understand and wholeheartedly accept/have faith with and will obey all commandments of God that i heard in the time of bible studies)With the signature of the Bible student, meaning he/she AGREES with the statement above.
So, if youre interested knowing more about such things, dont hesitate to come in the locale nearest you, i know many may misunderstand the above lessons that's why it is important that you can attend bible studies in our locales.
And to the brethren, this will be a reminder for us about the lessons being taught to us, and before we get baptized, we signed the statement saying that we really understand and accept and will obey the commandments of God, in addition to that, we also recited a promise in the time of instruction of the minister to the candidates just before baptism, and we promised it to GOD, not to the "Manalo" and even to church...

AT ITO MAY OATH TAKING PA!!!

Here it is:

IGLESIA NI CRISTO
CHURCH OF CHRIST
District of _____________

MEMBERSHIP OATH

I,____________________________residing at _______________________declare the following:

That I voluntarily accept membership in the Iglesia ni Cristo (Church of Christ) motivated by faith and a pure conscience and no other purpose but to love our Lord God, our Lord Jesus Christ, and His Holy Church;

That I was taught and understand fully all the fundamental doctrines of the Iglesia ni Cristo (Church of Christ); That I faithfully received all these doctrines without any doubt whatsoever; That being a member of the Iglesia ni Cristo (Church of Christ),

I promise with all sincerity that I will submit myself to all these doctrines and discipline of the Church, and that I will fulfill all my duties and obligations; That I will accept any disciplinary action taken against me if I will be found guilty of transgressing any of these doctrines.

SO HELP ME GOD.

Friday, August 29, 2014

SAGOT SA BALIK-ISLAM: Hesus, Hindi Diyos dahil Sumamba sa Diyos Ama? (John 4:22; John 20:17)

Mula sa SAGOT SA BALIK-ISLAM blog

HINDI MATUTULAN ng mga Muslim na si Hesus ay Diyos kaya PILIT silang NAGHAHANAP ng DAHILAN para TUTULAN ang PAGKA-DIYOS ng Kristo.

Isa sa IPINAGPIPILITAN NILA ay “Hindi Diyos si Hesus dahil may sinasamba Siya.” Ang tinutukoy nila ay ang PAGSAMBA ni Hesus sa Diyos Ama.

Ginagamit nila ang John 4:22 at John 20:17 para ipilit ang kanilang pagtutol.

Pero tama ba sila? Dahil ba sinamba ni Hesus ang Ama Niyang Diyos ay hindi na Siya Diyos?

NAGKAKAMALI ang Muslim.

Ang PAGSAMBA ni Hesus sa DIYOS AMA ay PAGKILALA sa pagka-DIYOS ng KANYANG AMA at PAGGALANG ng DIYOS ANAK sa DIYOS AMA.

Dapat lang KILALANIN at IGALANG ng ANAK ang Kanyang AMA. At HINDI NAWALAN ng pagka-DIYOS ang ANAK dahil ginawa Niya iyan.

Kung tayo ba ay KIKILALA at GAGALANG sa ating mga AMA ay NAWAWALA na rin ang ATING PAGIGING ANAK at PAGIGING TAO?

HINDI po.

+++

A. MALING UNAWA
NARITO ang sabi ng Muslim na si Nhordz G Diamal sa Facebook:
Sa kabila na maraming ebidensya na si hesus MAY SINASAMBA: ay ang mga kristyano ay walang tigil sa paghahalungkat ng biblia para lng maging Dios si hesus,, Trying hard maxado,, mapride, may maliwanag na ngang talata na may sinasamba si hesus abay gagawa pa rin ng paraan para maging dios si hesus,,

Sunday, July 13, 2014

Pinapatunayan ng Iglesia ni Manalo (INM) na ang Iglesia Katolika nga ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo, ngunit...

Narito na naman ang isang komento mula sa kaanib ng IGLESIA NI MANALO na nagpapatunay na ITINUTURO nga sa kanila na ang IGLESIA KATOLIKA nga ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO! Basahin sa ibaba kung bakit HINDI NA RAW Iglesia Katolika ang tunay ngayon kundi sila na...

Komento mula sa "Ang INC (Iglesia ni Cristo) ba at ang COC (Church of Christ) ay pareho at iisa?"

Naawa tayo kay Cheyenne Evangelista na kaanib ng INC ni Manalo sapagkat kalat na po ang nakakamatay na kamandag ng kasinungalingan sa kanyang puso't diwa na in-inject ng mga "SINUNGALING at MANDARAYANG MANGGAGAWA" (ayon kay yumaong Eraño Manalo) sapagkat buung-buo na ang paniwala nitong kaanib ng INC ni Manalo na NATALIKOD nga RAW itong TUNAY NA IGLESIANG TATAG  ni CRISTO noong namatay na raw ang mga alagad?!

Pero isang malaking kagalakan pa rin sa ating mga Katoliko na KINIKILALA pa rin nila ang katotohanang ang IGLESIA KATOLIKA ang TUNAY na Iglesiang TATAG mismo ni Cristo at wala nang iba pa.

Pinatotohanan naman ito ng kanilang official magasing Pasugo Abril 1966, p. 46 at
Pasugo July-August 1988, p. 6.

Ang TURONG NATALIKOD ng GANAP (Total Apostasy) ang Iglesiang tatag ni Cristo ay isang TAHASANG PAGBIBINTANG kay Cristo na siya ay SINUNGALING at MANLILINLANG. Para sa mga kaanib nng INC ni Manalo, ang pagpuputong ng mga kamay sa kanilang mga KAHALILI (Mga Gawa 6:6; 8:17; 13:3; 28:8; 2 Tim 1:6) ay 'wa epek'  sapagkat TUMALIKOD sila kaagad sa mga turo at aral ni Cristo?

Friday, May 16, 2014

Ang IGLESIA KATOLIKA ay siya pa ring TUNAY na IGLESIA ni CRISTO hanggang sa kasalukuyan ayon sa INC®

Pope Francis sa kanyang Weekly Audience (Photo Source: UK Foreign & Commonwealth Office)
Alam niyo bang HINDI totoong "NATALIKOD na GANAP" (at hindi ito mangyayari) ang TUNAY na Iglesia ni Cristo-- ang Iglesia Katolika?

Ito ay PINAPATUNAYAN ng magasing "PASUGO" ng nagpapanggap na Iglesia ni Cristo® inilathala ito noong Abril 1966, pahina 46:

“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo." -Katotohanan Tungkol sa INK-1914

Sa kabuuan, ang pinapatunayan ng INC® ay ganito:
  • Hanggang sa kasaluluyan ay Iglesia Katolika pa rin ang tunay na Iglesia ni Cristo sapagkat HINDI pa ito NATALIKOD na ganap!
  • Ang Iglesia Katolika ay siyang TUNAY na Iglesia ni Cristo mula pa sa PASIMULA hanggang sa KASALUKUYAN
  • Ang Iglesia Katolika ay  TATAG ni CRISTO JESUS at hindi si Constantino ayon sa pinangangalat ng kanilang mga Ministro.
  • Ang mga PANGAKO ni Cristo na HINDI MANANAIG ang KAPANGYARIHAN ng Hades ay mananatiling MATUTUPAD!
  • Ang mga pangako ni Cristo na MANANATILI sa kanyang IGLESIA ay TUTUPARIN niya! Si Cristo ang NANGAKO!
  • HINDI tunay ang Iglesia ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo noong 1914

Read more here at ANG IGLESIA NI CRISTO 33AD

Monday, April 28, 2014

Hindi ba't ang Iglesia ay 'Church'? Bakit may 'Iglesia' na, may 'Church' pah?

Ang pagpapakilala ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo® o INC®
"...This “record-breaking man-made marvel” started out as a plenary hall for the INC church..." -from Tempo

INC na, church pa?!!  Tama ba 'yon?

Madalas nating mababasa sa mga pahayagan ang mga katagang "Iglesia ni Cristo Church" o kaya'y "INC Church".

Kapag i-translate natin sa wikang Ingles ay ganito ang lalabas:

The "Church of Christ Church"...

Hindi ba't redundant o paulit-ulit at masagwang pakinggan? 

Sa totoong rules of grammar, hindi po tama ang ulit-ulitin ang isang salita sa pangungusap kaya't mainam na gamitan ito ng pronoun o panghalip upang mas tumama sa gramatika at mas magandang pakinggan.

Ngunit ang "Iglesia ni Cristo Church" ba o "INC Church" ba ay grammatically wrong?  May pagkakamali ba ang journalist na nag-report nito? Hindi ba siya sumusunod sa grammatical rules para mas may kabuluhan at katotohanan ang kanyang inuulat?

Upang maliwanagan po tayo ng lubusan, ang salitang "Iglesia ni Cristo" o "INC" kung daglatin ay isang Registered Trademark. Hindi po ito pwedeng bawasan at hindi po pwedeng dagdagan. Kailangan po siyang isulat ayon sa REHISTRO nito sa Securities and Exchange Commission.

Katulad lamang po ito ng mga produktong SAN MIGUEL BEER, ANDOKS, JOLLIBEE, MACDONALDS etc.  Hindi po pwedeng baguhin ayon sa pagkakasulat nito sa REGISTRATIONS nila.

Kunin nating halimbawa ang kilalang-kilala sa Pilipinas: Ang "San Miguel" Beer.

Kapag kayo po ay dumako sa ibang bansa, sa Amerika man o Europa, SAN MIGUEL pa rin po ang TATAK nito.  Hindi po siya papalitan sa English na "SAINT MICHAEL" beer.  Kapag binago, HINDI na ito ang kilalang serbesa sa Pilipinas.

Kaya't kahit sa malayo pa lang, once na mabasa natin ang REGISTERED TRADEMARK na SAN MIGUEL ay sigurado tayong ito ay ang paborito nating beer na nabibili sa Pilipinas at ngayon ay tumawid na sa ibang bansa.

Exported na ang produktong SAN MIGUEL BEER.

Balikan ko ang "Iglesia ni Cristo", parang ganon na ganon din po siya.

Kahit  NAKATAWID na ito sa USA, Europe at sa iba't ibang bansa, MANANATILI po siyang TAGALOG sa pangalang "IGLESIA NI CRISTO" sapagkat ito ang kanyang REGISTERED TRADEMARK.

Pansinin niyo ang mga sumusunod na artikulong NASUSULAT sa English, 'Iglesia ni Cristo' pa rin ang pagkakabanggit sa iglesia ni Manalo at hindi "Church of Christ'.

Sila na rin ang MISMONG nagpapatunay ng ang IGLESIA NI CRISTO ay isang TRADEMARK, sa kanilang English articles ay nanatiling Tagalog ang katagang 'Iglesia ni Cristo'.

All quotes were taken from http://incmedia.org/content/inc/
[Emphasis and Italics are mine]

The Iglesia ni Cristo (Church of Christ) is a Christian religion whose primary purpose is to worship the Almighty God based on His teachings as taught by the Lord Jesus Christ and as recorded in the Bible. The Church of Christ is a church for every one who will heed the call of God and embrace its faith — regardless of his or her nationality, cultural background, social standing, economic status, and educational attainment.
-----------------------------------
The Iglesia ni Cristo is not a denomination or sect. It is neither affiliated to any federation of religious bodies nor itself an assembly of smaller religious organizations. The Iglesia ni Cristo is Christ’s one true Church today.
-----------------------------------
Today, the membership of the Iglesia ni Cristo comprises at least 110 nationalities. It maintains about 104 ecclesiastical districts in the Philippines and in 100 more countries and territories in the six inhabited continents of the world.
-----------------------------------
Bible as Basis of Faith
The Iglesia ni Cristo also regards the Holy Scriptures as the sole basis of its faith and practice. Some of its fundamental scriptural teachings are as follows...
-----------------------------------
A CHURCH THAT SHARES
The Iglesia ni Cristo endeavors to share the gospel of salvation written in the Bible to as many people as possible, in fulfillment of Christ's vision as stated in Mark 16:15-16 “...Go into the world and preach the gospel to every creature. He who believes and is baptized will be saved...” (New King James Version).
-----------------------------------
Morality and Holiness
The Iglesia ni Cristo strives to maintain a high moral standard. It regards the teaching of the Bible as a way of life. It promotes purity of life among its members by means of instructions, reminders, and, when necessary, corrective or disciplinary measures.
-----------------------------------
Brotherhood and Equality of Members
The Iglesia ni Cristo promotes Christian brotherly love. All members are deemed equal in the sight of God (Gal 3:26, 28). Gender, racial, social, educational, and economic discriminations are strongly discouraged.

Sa kabuuan, ang IGLESIA NI CRISTO po o ang INC ay isang REGISTERED TRADEMARK na nagkukunyaring "iglesia". Ito po ay itinatag ni FELIX MANALO noong July 27, 1914-- dahilan kung bakit sa July 27, 2014 Anno Domini (Catholic Gregorian Calendar na ginagamit din ng mga INC) ay magdaraos ng magarbong pagdiriwang sa pinakamalaking Arena sa buong mundo sa kasalukuyang panahon.

Bagamat halos di pa sila umabot sa 4 na milyon ngunit sa kanilang sapilitang abuluyan ay nakapagpapatayo at nakabibili ang mga Manalo ng mga gusali sapagkat kung may YAYAMAN, hindi ang mga kaanib ng INC kundi ang pamilyang MANALO sapagkat SA KANILA po ang REGISTERED TRADE MARK na IGLESIA NI CRISTO® tulad ng San Miguel na pag-aari po ni Danding Conjuanco.

Dito na po tayo sa tunay na Iglesia na hindi po Registered Trademark-- ang IGLESIA KATOLIKA o the CATHOLIC CHURCH. Pinatutunayan ito ng kanilang PASUGO! Sa ano mang lenguwahe ay maaari po siyang i-translate ng walang agam-agam ng pagkakamali.. sapagkat ito ay TATAG NI CRISTO at hindi ng mga pekeng sugo o ministro.

PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan [ibig sabihin hanggang ngayon ay HINDI PA NATATALIKOD ang tunay na Igleisa ni Cristo-- ang Iglesia Katolika] ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Tatag pala ni Cristo ang Iglesia Katolika noon pang unang siglo. Kaya pala HANGGANG SA KASALUKUYANG PANAHON ay DI PA NATATALIKOD eh naisulat ang artikulong ito noong 1966.  Akala ko eh simula ng itatag ni Felix Manalo ang INC® noong 1914 ay 'NAWALA NA' ang tunay na Iglesia kundi ang INC® na?

PASUGO Agosto 1971, p.22:
Tinitindigan namin na ang Iglesiang itinatag ni Cristo ay talagang iisa lamang. Nang magkaroon ng INK sa Pilipinas ay wala na ang Iglesia ni Cristo sa Jerusalem.”
Ang GULO talaga ng mga inaralan ng PEKENG SUGO!

Eh kung HANGGANG SA KASALUKUYAN ay di pa natatalikod ang TUNAY na IGLESIA, ano ngayon ang kalagayan ng INC® o Iglesia ni Cristo® na lumitaw sa Pilipinas noong 1914?

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

Bakit HUWAD ang tawag nila sa mga NAGSUSULPUTANG mga iglesia rin daw? Kailan at sino ba kasi ang NAGTATAG ng Iglesia ni Cristo® na lumitaw sa Pilipinas?

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Bakit nga ba PEKE o HUWAD ang INC® o Iglesia ni Cristo® na lumitaw sa Pilipinas noong 1914?

PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

Eh kung si CRISTO LAMANG pala ang may karapatang MAGTAYO ng KANYANG IGLESIA at ang KANYANG IGLESIA ay HANGGANG SA KASALUKUYAN ay nariyan pa rin, eh ano pang hinihintay niyo mga kababayan?

Lisanin niyo na po ang NAGPAPANGGAP na INC® o Iglesia ni Cristo® at doon na po tayo sa TUNAY, kahit na pinapasukan ni Satanas ng maling aral, ayon sa kanila, ngunit GARANTISADO po tayong HINDI mananaig ang kadiliman sapagkat si CRISTO ang MAY-ARI nito at IPINANGAKO niyang "HINDI MANANAIG ANG KAPANGYARIHAN NG HADES' (Mt. 16:16-18) sa kanyang Iglesia-- ang IGLESIA KATOLIKA!

'YAN po ang KATOTOHANAN!

Purihin ang Ama
Purihin ang Anak
Purihin ang Espiritu Santo
Purihin ang Iisang Dios!
Banal na Sangtatlo, magkapailanman!

My Blog List

My Calendar