"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Tuesday, April 5, 2011

'Iglesia ni Kristo' tanggap ng Simbahang Katoliko

Sulat ni San Pablo sa mga Kristiano (Katoliko) sa Roma 16:16 "...mga iglesia ni Cristo."
Article mula sa blog ni Kapatid na Cenon Bibe Jr. sa TUMBUKIN NATIN!

BASAHIN po natin itong sabi ni TERTULLIAN (isang kaanib ng Iglesia ni Cristo na gumamit ng pangalang "Tertullian.")

Tertullian said...
Paano po ipinantatawag ang pangalang Cristo?

Rom 16:16 Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo. (New Pilipino Version)

Tanggap po ba ng Simbahang Katoliko ang katotohanang ito? Opo narito po ang katibayan.

“Did Jesus Christ established a church?”

“Yes, both secular and profane, as well as from the Bible which is considered as a human document. Jesus Christ established a church which from the earliest times has been called after him, the Christian church or the church of Christ...This church, built and established by Christ is the church of Christ, it is the only true church in which God orders all men to join.” (Rev. Francis B. Cassilly S.J. , Religion Doctrine & Practice, page 101)

Sa Tagalog po:

“Si Jesu Cristo ba ay nagtayo ng iglesia?”

“Oo, mula sa pangsanglibutan (secular) at hindi pangkabanalan (profane), lalo na mula sa Biblia na itinuturing na isang dokumentong makatao. Si Jesu Cristo ay nagtayo ng isang iglesia na mula sa mga unang panahon ay tinawag ng sunod sa kaniya, ang iglesia Cristiana o ang Iglesia Ni Cristo...Ang iglesiang ito, na itinayo at binalangkas ni Cristo ay ang Iglesia ni Cristo, ito lamang ang tunay na iglesia na pinaguutos ng Diyos na aniban ng lahat ng tao.”

Maging ang isang pari po ng Simbahang Katoliko na si Francis B. Cassilly ay sumasangayon na ang pangalan ng Iglesia ay Iglesia ni Cristo, sapagkat ito ang pangalan na sunod sa kaniya (o tinawag ng sunod sa kaniyang pangalan- pangalang Cristo), at ayon din sa kaniya ang Iglesia ni Cristo ang tunay na iglesia na pinaguutos ng Diyos na aniban ng lahat ng tao, na ito aniyay mula sa Biblia na itinuturing na dokumentong makatao. Maliwanag na maliwanag po iyan.

Hanggang sa muli.

Happy New Year po sa inyo at sa lahat ng tagasubaybay ng Blospot na ito.

Ang sagot ni Kapatid na CENON BIBE:


HAPPY NEW YEAR din po sa inyo, Tertullian.

NASAGOT na po natin ang sinabi niya tungkol sa "Paano po ipinantatawag ang pangalang Cristo?"

Ginamit daw na "PANGALAN" ng IGLESIA pero sa sinusundan po nitong artikulo ay NAPATUNAYAN NA NATIN na WALA pong GANOON.

Ang sagutin na lang po natin ay ang sinabi ni Tertullian na "TINANGGAP" ng Simbahang Katoliko ang "katotohanang" itinatag ng Panginoon ang "church of Christ."

SASANGAYON po ako. Ang tanong ko lang ay NAUUNAWAAN po ba ni TERTULLIAN ang KANYANG BINASA?

Sa palagay ko po ay HINDI.

NAPANSIN ko po na MAY ESTILO ang mga KAUSAP NATIN na ang tawag ay "PATUNOG."

Ang "PATUNOG" po ay yung PATUTUNUGIN NILA na "may mababasang Iglesia ni Kristo" kahit pa HINDI naman ang INC o ang "iglesia" nila ang tinutukoy ng nasusulat.

Halimbawa po sa ginamit ni Tertullian na sinulat daw ni "Rev. Francis B. Cassilly S.J. , Religion Doctrine & Practice, page 101."

Mababasa po sa sinulat daw ni Cassilly:
"Jesus Christ established a church which from the earliest times has been called after him, the Christian church or the church of Christ...This church, built and established by Christ is the church of Christ, it is the only true church in which God orders all men to join.”

Tinagalog pa po iyan ni Tertullian para LUMABAS ang "PATUNOG."

Sa pagsasalin niya ay ganito ang lumabas:
"Si Jesu Cristo ay nagtayo ng isang iglesia na mula sa mga unang panahon ay tinawag ng sunod sa kaniya, ang iglesia Cristiana o ang Iglesia Ni Cristo...Ang iglesiang ito, na itinayo at binalangkas ni Cristo ay ang Iglesia ni Cristo, ito lamang ang tunay na iglesia na pinaguutos ng Diyos na aniban ng lahat ng tao.”

Diyan po ay NAPATUNOG na ni Tertullian ang "Iglesia ni Cristo" na isinalin niya mula sa "church of Christ."

ALAM po nating PATUNOG lang iyan dahil MAY BINAGO po si TERTULLIAN.

Paki pansin ninyo na sa ORIHINAL na SINULAT daw ni CASSILLY ay HINDI CAPITALIZED ang "church of Christ." Ibig sabihin ay HINDI PROPER NAME.

Sa SALIN ni Tertullian ay NAGING CAPITALIZED na at nagi nang "Iglesia ni Cristo." Lumalabas nang PROPER NAME.

Kung HINDI po MATALAS ang TUMITINGIN ay MAPAPANIWALA sa GINAWA ni TERTULLIAN.

Ngayon, ang MAS MALALIM pong punto ay ito: ANO ba ang "church of Christ" na tinutukoy riyan? Yun po bang TUNAY na CHURCH OF CHRIST na ITINAYO ng PANGINOON NOONG UNANG SIGLO o yung isa sa MARAMING "CHURCH (CHURCHES) of CHRIST" na NATATAG LANG nitong NAKALIPAS na mga TAON?

MALINAW po sa mismong sinipi ni Tertullian kung ANONG "CHURCH OF CHRIST" ang tinutukoy.

Ang tinutukoy po ay yung NAGMULA PA NUNG UNANG PANAHON o UNANG SIGLO.

Ang NAG-IISA pong IGLESIA na NAGMULA pa NOONG UNANG SIGLO ay ang IGLESIA KATOLIKA.

Sa ACTS 9:31 ay TINUKOY NA ang iglesia bilang "EKKLESIA KATA HOLOS" o sa bigkas ay "EKKLESIA KATHOLES." Sa DIREKTANG SALIN, iyan ang IGLESIA KATOLIKA.

Ang IGLESIA KATOLIKA po ang TANGING IGLESIA na MATUTUKOY o MATI-TRACE PABALIK sa mga APOSTOL at sa MISMONG PANGINOONG HESUS.

E ang "IGLESIA" po kaya ni TERTULLIAN? KAILAN po kaya iyon NATAYO o NATATAG?

MARAMI pong GRUPO na NAGPAPAKILALANG "Church of Christ" o "Iglesia ni Cristo" sa PILIPINO.

Heto po ang ilan sa kanila: (batay sa sabi ng http://en.wikipedia.org/wiki/Church_of_Christ at mga link doon)

1. Churches of Christ na sinimulan nina Barton Stone at Thomas at Alexander Campbell at nabuo noong 1832 sa KENTUCKY, USA.

2. International Churches of Christ - humiwalay sa Churches of Christ nina Campbell noong 1980s.

3. Churches of Christ in Australia - nagmula sa Churches of Christ nina Stone at Campbell. Unang sinimulan sa Albion, Brisbane, Australia, noong 1871 pero pormal na tinawag na Church of Christ in Queensland noong Aug. 1, 1882.

4. Church of Christ of Latter Day Saints - sinimulan ni Joseph Smith Jr. noong 1830.

MARAMI pa pong IBA.

Isa po sa mga "Church of Christ" na natatag dito sa Pilipinas ay ang "Iglesia ni Cristo" na sinimulan ni Felix Manalo sa Sta. Ana, Manila, noong July 27, 1914.

Nito pong July 27, 2009, ay ipinagdiwang ng "Church of Christ" ni Manalo ang ika-95 ANNIBERSARYO nito.

Sa SIMPLENG PAGTAYA po ay MALINAW na ang "church of Christ" na tinutukoy ni CASSILLY ay HINDI ang mga BAGONG TATAG lang na mga "Church of Christ." KAILAN LANG SILA NATATAG.

Sa kabilang dako, ang sinasabi ni CASSILLY ay ang "church of Christ" na "itinayo at binalangkas ni Cristo" "mula sa MGA UNANG PANAHON."

So, LALAPAT po ba ang SINABI ni CASSILLY sa BAGONG TATAG lang na "Church of Christ"?

HINDI po.

Pero NATUTUWA po ako dahil SINASANGAYUNAN ni TERTULLIAN ang KATOTOHANAN na ang TUNAY na IGLESIA ni KRISTO na NATATAG noong MGA UNANG PANAHON "ang tunay na iglesia na pinaguutos ng Diyos na aniban ng lahat ng tao.”

Sa madaling salita po, KUNG ang isang TAO ay HINDI KAANIB ng IGLESIA NI KRISTO na NATATAG NOONG UNANG PANAHON ay WALA SILA sa TUNAY na IGLESIA. Iyan po ay AYON MISMO sa PATOTOO ng reactor nating si TERTULLIAN.

Kaya ang tanong po natin kay Tertullian ay SUSUNDIN BA NIYA ang SINASABI ng PARING si CASSILLY at AANIB SIYA sa "tunay na iglesia na pinaguutos ng Diyos na aniban ng lahat ng tao”? O MAGPAPATULOY ba SIYA sa "Church of Christ" na HINDI TINATAG ni KRISTO?

TANUNGIN po natin ang ating mga SARILI.

Salamat po.

8 comments:

  1. Sa ACTS 9:31 ay TINUKOY NA ang iglesia bilang "EKKLESIA KATA HOLOS" o sa bigkas ay "EKKLESIA KATHOLES." Sa DIREKTANG SALIN, iyan ang IGLESIA KATOLIKA.


    Bro mali ang pagkaka aral mo ng greek jan sa part na yan.. ang ibig sabihin nian ay churches all through out.. nag aral ka ba ng greek?? at hindi ekklesia kata holos un, ekklesia kata oles un bro. kaw ngayon ang magtanong sa sarili mo kung tama ang sinasabi mo... :)

    ReplyDelete
  2. Mali, brother. Ang Iglesia ay naitatag na mula pa lang noong panahon pa lamang ni Kristo. Ang mga tao ay nagalit sa kanya dahil sa pag kontra niya sa mga bulaang propeta noong araw. Kaya nga nabulag ang mga tao kaya siya pinahirapan at ipinako sa krus. Bumuhos ang kanyang dugo at ito ang pinangtubos niya sa mga kaanib sa kanyang Iglesya at itong Iglesya na ito ay nakasulat na isinunod sa kanyang pangalan at ito ang Iglesya ni Kristo.Hindi ninyo masasabi na Iglesya Katolika ang nagmana ng kaligtasan. Isa po akong kaanib sa Iglesya ni Kristo at ayan ang mga nababasa ko sa banal na kasulatan.

    ReplyDelete
  3. Mali, brother. Ang Iglesia ni Cristo ay tatag po ni Cristo. Hindi lahat ng nagsasabing mga Iglesia ni Cristo rin sila ay totoo..

    Sa celphone, ang tunay na NOKIA ay Finland, hindi CHINA!

    Alalahanin, maraming peke na made in China. Hindi lahat ng may pangalang NOKIA ay genuine.

    Esep Esep...

    ReplyDelete
  4. Mayroon po ba kayong salin ng Biblia na ang mababasa sa Acts 9:31 ay Iglesia Katolika?

    Mayroon o Wala?

    O baka po hindi na naman ninyo sagutin ang aking napakasimpleng tanong gaya ng mga naunang itinanong ko po sa inyo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. May salita bang "BIBLIA" sa loob ng Biblia? Meron o wala?
      May nakasulat bang listahan sa Biblia kung anong aklat ang mga inspired? Meron o wala?
      May sinabi ba ang Biblia tungkol sa pagtalikod na ganap ng buong Iglesia? Meron o wala?
      May sinabi bang Felix Manalo sa pangalan, o Pilipinas sa Biblia, meron o wala?

      Mangangamote ka!

      Delete
    2. At meron bang "Iglesia Ni Cristo" na nakasulat sa Biblia? Meron o wala?

      Note: Capital letter "I" (Iglesia) Capital letter "N" (Ni)--- meron o wala?

      Delete
    3. INC ba ang nakalagay sa Biblia (Iglesia Ni Cristo)?
      InC ba ang nakalagay sa Biblia (Iglesia ni Cristo)?
      o inC ang nakalagay sa Biblia (iglesia ni Cristo)?

      Ano mang ang sagot mo, balikan mo ang rules of basic grammar on the usage of Capital letters... dun pa lang, MANLILINLANG NA KAYO!

      Delete
  5. Ang reply po ninyo ay sa pamamagitan ng maraming mga tanong. Di ko naman kayo pinagbabawalan na magtanong sa akin. Pero ang nagiging MALAKING KATANUNGAN NGAYON ay:

    BAKIT WALA KAYONG SAGOT SA NAPAKASIMPLENG TANONG:

    "MAYROON PO BA KAYONG SALIN NG BIBLIA NA ANG MABABASA SA ACTS 9:31 AY IGLESIA KATOLIKA?"

    "MAYROON O WALA?"

    Kung mayroon, di sabihin po ninyo na “MAYROON” kung wala, di sabihin din po ninyo na WALA. Pagkatapos na sabihin ninyo kung mayroon o wala, di saka po ninyo ipaliwanag ang sagot ninyo kung bakit mayroon o wala. Mahirap po bang gawin yon?

    ReplyDelete

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar