Ang Pasko Natin…
Tula ni Kapatid na EMILIANO I. AGUSTIN
Pasugo Dec. 1956, p 10
Sumilang si Hesus sa abang sabsaban
Tinubos tayo sa dilim ng buhay…
Tayo’y nagkasala at mga naligaw
Nawalan ng Diyos at kapayapaan…!
Si Hesus ang ating Maligayang Pasko
Ang Kapayapaang dapat na matamo…
Liwanag ng buhay sa patay na mundo
Biyaya ng Diyos sa handog na Cristo…!
Tanggapin ni Cristo ng buong pag-ibig
Tanging Aginaldo ng Diyos sa Langit…
Sa salang marumi’y mabisang panlinis
At magiging dapat sa dugong natigis…!
Sumunod kay Hesus ang mga naligaw
Maamong pasakop sa Kanyang paanan…
Tumatawag Siya’t lagging naghihintay
May laang PATAWAD sa magbagumbuhay…
Iwan na ang sama at magbalikloob
At buong pagsuyong lumapit kay Hesus…
Kung hindi sa Kanya na Dakilang Handog
Walang kaligtasan sa Hatol ng Diyos… !
Oh ! ang PASKO natin, puno ng pagsuyo
Ang Dakilang Cristong sa sala’y umako…
Sa Paskong marilag tanggapin sa puso
Ang Kapayapaang mahigit sa ginto… !
Ang Kapayapaan o tunay na Pasko
Tatanggapin nating Iglesia Ni Cristo…
Iglesya;y Katawan at Siya ang Ulo
Sa sumpa ng utos tinubos na tayo…!
Maghari sa puso ang KAPAYAPAAN
At sa MANUNUBOS huwag hihiwalay…
Sa Kanyang Iglesya’y manatiling saklaw
May buhay at langit pagdating ng Araw…!
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.