"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Saturday, January 11, 2020

2020 Taon ng Ekumenismo at Inter-Religious Dialogue: Kailan kaya makikipag-dialogo si G. Eduardo V. Manalo sa Santo Papa?

Originally Posted at Iglesia ni Cristo 33 AD blog

Isang kaanib ng INC™ 1914 nagpaabot ng kanilang opisyal na magasing Pasugo sa Santo Papa ng tunay na Iglesia ni Cristo. (Credit to the owner)


Kaawa-awang mga nilalang. Inaakala nila na sa pagbibigay nila ng kopya ng Pasugo sa Santo Papa ay magpapasakop na ang pinuno ng tunay na Iglesia ni Cristo sa INC™ na tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo noong 1914 sa Sitio Punta Sta. Ana sa Maynila (Pilipinas). Inakala ng kaanib ng INC™ 1914 na sa pakikipagkamayan niya sa Santo Papa at pagbibigay niya ng kopya ng Pasugo ay isang BIG DEAL.

Para sa Santo Papa, wala siyang pinagkaiba sa mga nauna pang mga panauhin sa Vatican. Siya (ang kaanib ng INC™) ay napadaan lamang at hindi naging panauhing pandangal. Bago pa man sila nag-abot ng magasin, maraming mga relihiyon na ang nagbibigay sa Santo Papa ng kanilang mga babasahing pangrelihiyon tulad ng mga Muslim ng Argentina na nagbigay kay Pope Francis ng kopya ng Qu'ran.

Mabuti pa ang Saudi Arabia ay may pinadalang tagapamagitan mula sa kanila. Ang Muslim na ito ay nagbigay ng musbaha (ang rosaryo ng mga Muslim) sa Santo Papa bilang regalo. At ito ay tinanggap naman out of courtesy.  



Ang iba't-ibang religious leaders sa buong mundo, maging ang mga lider ng mga non-Christian religions at mga non-Catholic religious leaders ay nakipagkita sa Santo Papa ~ ang Iglesia Ni Cristo® 1914, kailan kaya HAHARAP si Ginoong EDUARDO V. MANALO kay PAPA FRANCISCO sa Vatican at magkaroon ng dialogo?



Ngunit ang mga ito ay ang KATOTOHANANG HINDING-HINDI MABABAGO ng INC™ 1914:

  • Si Cristo ay DIYOS na nagkatawang-tao (Juan 1:1-14)!
  • Si Cristo ay DIYOS na NAPARITO sa laman! (2 Juan 1:7)
  • Si Cristo ay DIYOS! (Filipos 2:5-8)
  • Si Cristo ay DIYOS noon, ngayon at magpasawalang hanggan! (Hebreo 13:8)
  • Ang Iglesia Katolika ay na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo! (Pasugo Abril 1966, p. 46)
  • Ang Iglesia Ni Cristo® ay tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo noong 1914! (Pasugo Agosto-Setyembre 1964, p. 5)

Ang Roma 16:16 ay sulat ni Apostol San Pablo sa mga Kristiano sa ROMA kung saan HANGGANG NGAYON ang TUNAY na Iglesia ni Cristo ay NAKATAYO pa rin at pinamamahalaan ng KAHALILI ni APOSTOL SAN PEDRO ~ si Santo Papa Francisco, ang ika-266 Papa ng Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo (Pasugo Abril 1966, p. 46).

Kaya't huwag na kayong paloloko pa sa mga nagsisulputang mga Iglesia raw ni Cristo sapagkat IISA lamang ang tatag na Iglesia ni Cristo (Pasugo Nobyembre 1943, p. 23). Ito ay tatag sa Jerusalem! (Pasugo Mayo 1954, p. 9) Kung meron mang mga SUMULPOT kamakailan (1914) at sinasabi nilang sila rin ay mga 'Iglesia Ni Cristo' sila ay HINDI TUNAY kundi mga HUWAD o PEKE! (Pasugo Mayo 1968, p. 7)

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar