"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Sunday, July 27, 2014

SA PAGDIRIWANG ng SENTENARIO ng INC Tinupad ba ng IGLESIA NI CRISTO® o INC ang nakasaad sa ROMA16:16?

Ang ika-100 toang PAGKAKATATAG ng Iglesia ni Cristo® na itinatag ni Felix Manalo. Tinalikdan ni Felix Manalo ang tunay na Iglesia-ang Iglesia Katolika bilang katuparan sa mga hula sa Biblia na tatalikod ang tao sa tunay na Iglesia.
Buong pagmamalaking sinasabi ng mga bayarang Ministro ng INC-1914 sa kanilang pamamayahag sa TV o radio o maging sa kanilang official magasing Pasugo na SILA (INC) raw ang mga nabanggit sa ROMA 16:16 "Binabati KAYO ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO." (Orihinal na pagkasulat ay 'Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.')

Gusto lamang kasi nilang IPAMUKHA sa ating mga Katoliko na SILA raw ang TINUTUKOY doon sa Roma 16:16.

Sa tunog na lang "iglesia ni Cristo"  akala nil ay ang INC nga ang tinutukoy doon pero ating SURIIN at SIYASATING mabuti ang Roman 16:16 at mahahalatang MALABONG-MALABONG sila ang tinutukoy doon.  

UNA, ay sapagkat SULAT ito ni APOSTOL SAN PABLO sa mga KRISTIANO sa ROMA noong UNANG SIGLO. Ibig sabihin, may mga IGLESIA NI CRISTO na noon pa! Samakatuwid, HINDI ang INC-1914 ang tinutukoy dito ni Apostol San Pablo.

PANGALAWA, ay sapagkat SULAT po ito ni APOSTOL SAN PABLO sa mga KRISTIANO sa ROMA noong UNANG SIGLO pa. At ang INC ay sa PILIPINAS po ito ITINATAG noon lamang 1914 A.D. bilang TRADEMARK o business.  Hindi po ito ang iglesia noong unang siglo.

PANGATLO, ay sapagkat ang mga tinutukoy rito ni Apostol San Pablo ay ang ROMA bilang BANTOG ang PANANAMPALATAYA sa BUONG MUNDO (KATA-HOLOS) Roma 1:18.
"Una'y nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo dahil sa inyong lahat, sapagkat tanyag sa buong daigding ang inyong pananampalataya."-Biblia ng Sambayanang Pilipino

Ilan lamang 'yan sa mga rason kung bakit ang Roma 16:16 HINDI ang INC ni MANALO noong 1914. [Basahin din ang aking artikulong may pamagat na "Alin nga ba ang iglesiyang binabati ng lahat ng mga iglesia ni Cristo?"]

PANSININ niyo ang uri ng kanilang paniniwala at PAG-AANGKIN sa ROMA 16:16

http://tunaynalingkod.blogspot.com/2013/07/ang-araw-ng-paghuhukom.html

Sige, SAKYAN natin ang kanilang HILING! Sabihin nating INC ni MANALO nga ang tinutukoy doon.

Roma 16:16 “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati KAYO ng lahat ng mga INC.”

Kailan ba nakarating sa ROMA ang INC?

Ang LOKAL ng INC sa ROMA ay opisyal na naitala lamang noong Huly 27,1994.

Ibig sabihin ay 20 taon pa LAMANG ang INC sa ROMA? 

Paano naman babatiin ng lahat ng INC ang LOCAL na INC sa ROMA eh halos 20 taon pa lamang sila sa Roma?

KABALIKTARAN pa nga!

Ang BINABATI ng lahat ng mga INC ay ang INC sa PILIPINAS at HINDI ang INC sa ROMA!

O akala ba namin ay KAYONG mga INC ang binabanggit sa ROMA 16:16?  Bakit naman CENTRAL ang BINABATI ng LAHAT ng mga INC at HINDI ang LOKAL ninyo sa ROMA ang BINABATI?

Isang sa mga maraming billboards na pinaglalagay ng mga pulitiko sa Pilipinas! Ang pagbati sa ika-100 taon ng PAGKAKATATAG nga ng INC-1914

ANO NGA BA ANG IPINAGDIRIWANG NA SENTENARIO NG IGLESIA NI CRISTO-1914?

Huwag po kayong malito.

Ang ipinagdiriwang po ng INC ni Manalo ngayong araw na ito ay HINDI po kaarawan ni FELIX MANALO, o ni ERAÑO MANALO o ni EDUARDO MANALO.

Lalong HINDI po ito pagdiriwang ng "GOD'S BLESSINGS" tulad ng mga tarpouline na nagiging sore-eyes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Lungsod ng Quezon.

HINDI po nila ito ILALAGAY sa kanilang mga pagbati sa harap ng kanilang mga patulis na TEMPLO.

Ang kanilang IPINAGDIRIWANG ay walang iba kundi ang PAGKAKATATAG ng IGLESIA NI CRISTO  sa VERSION ni MANALO noong 1914.

Patunay?

Heto ang sabi ng PASUGO (official magazine ng INC-1914).

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Registration ng INC sa Philippine Securities and Exchange Commission

Bakit CIUDAD DE VICTORIA?

Hindi po kasi nila kayang palitan ang Lungsod ng Maynila kay Manalo kung saan ang unang kapilya ng INC ay naitatag sa PUNTA, STA. ANA, MANILA.

At lalong hindi nila maaaring angkinin ang Lungsod ng Quezon para kay Manalo.  Sinubukan pa ngang gawing FELIX MANALO AVENUE ang buong COMMONWEALTH AVENUE kung saan naroon ang kanilang CENTRAL pero hindi po ito kinatigan ng Lungsod ng Quezon.

Kaya't sila'y GUMAWA ng sarili nilang LUNGSOD na nakapangalan kay MANALO.

Pero HINDI HALATA. Masyado kasing MANALONG-MANALO na ang mga PAGPUPURI at PAGBIBIGAY PARANGAL sa lahat ng mga kanilang mga GUSALI.

Tulad ng NEW ERA. Hango po iyan kay ERA-ÑO (ERA NEW).

Mahilig lang ang mga INC sa paglalaro ng SALITA.

Tulad ng "mga iglesia ni Cristo". Eh kapag nakasulat na po ito sa kanilang mga babasahin ay nagiging "Iglesia" na! Ung i ay nagiging I na!

Kaya't bumili sila ng LOTE na MAS MALAKI sa sukat ng VATICAN CITY sa ROMA kung saan nakatayo ang ORIHINAL na IGLESIA NI CRISTO (sulat ni Apostol San Pablo sa mga Kristiano sa Roma) sa pagitan ng BOCAUE at STA. MARIA sa Probinsiya ng Bulacan at tinawag ng CIUDAD DE VICTORIA

Ang CIUDAD DE VICTORIA po ay ESPAÑOL o WIKANG KASTILA na sumakop sa atin sa mahigit 300 taon.

Bagamat bitter na bitter sila sa mga Kastila pero nakapagtataka kung bakit wikang Kastila ang gamit sa pagpapangalan ng kanilang lugar?

Dito kasi NAKATAGO ang mga TUNAY na PANGALAN ng lugar.

SPANISH ENGLISH TAGALOG
CIUDAD CITY LUNGSOD
DE OF NG
VICTORIA VICTORY MANALO-TAGUMPAY

CIUDAD DE VICTORIA
CITY OF VICTORY
LUNGSOD NG MANALO!

PETSA NG JULY 27, NASA BIBLIA BA?

Kung TUMUTULIGSA nga naman ang mga kaanib ng INC ni Manalo ukol sa Disyembre 25 bilang araw na nakalaan sa KAPANGANAKAN NI CRISTO ay wagas.

http://tunaynalingkod.blogspot.com/2013/12/december-25-birthday-of-sun.html

Para sa kanila WALA raw sa BIBLIA ang PETSA ng kapanganakan ni Cristo.  At sa simpleng Teolohiya ng mga kaanib, KUNG WALA SA BIBLIA ay HINDI TOTOO.

Ano kaya kung IBALIK natin sa kanila ang mga katanungan?

NASA BIBLIA BA ANG JULY 27 bilang PAGDIRIWANG ng PAGKAKATATAG ng INC?!!!

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar