"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Tuesday, February 14, 2012

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA MGA LARAWAN PART V

Ni Bro. Marwil N. Llasos, OP
Read, PART IV, PART III, PART II, PART I

Inaalayan ng bulaklak si Felix Manalo at ang Pangulong Diosdado Macapagal at binibigyan ng parangal

            PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA LARAWAN PART V
           
            May isang nauto ang mga ministro ng Iglesia ni Cristo na ang pangalan ay ALLAN JOSE DIGIDI. Buong akala ng natansong miyembrong ito ng INC na nagpaskel sa wall ng Facebook account ko ng isang video mula sa Youtube na ang pamagat ay “Kung Bakit ang IGLESIA NI CRISTO Walang Imahen o Rebulto.”[1] Makailang ulit na po nating nabuking ang mga kasinungalingan at pangloloko ng mga ministro ng INC sa pag-gamit nila ng mga pekeng referencia para lamang mapatunayan ang paborito nilang paratang na sumasamba ang Iglesia Catolika sa mga larawan.

Si Felix Y. Manalo ang tagapagtatag at ulo ng Iglesia ni Cristo

            Isa po sa mga referenciang ginagamit ng mga sinungaling na ministro ng INC ay ang diumano’r Catecismo na isinalin sa Tagalog ng paring si Luis de Amezquita. Sinisipi nila ang diumano’y makikita sa pahina 79 at 82 ng nasabing aklat. Anila, mababasa sa mga pahina ang mga sumusunod:

"Sabi ni Fr. Syndicus at Fr. De Amezquita ay dapat sambahin ang larawan.

"Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa isang Krus o mahal na larawan.

Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar, magwika ka ganito: "Sinasamba kita,"

Catesismo: Tinagalog ni Padre Luis de Amezquita p. 79 at 82."

Panggogoyo ng INC: Binabanggit daw sa pahina 79 at 82 ng Catecismo na tinagalog ni Padre Luis de Amezquita ang mga salitang "Sinasamba kita."

            Bago nating pasambulatin sa pagmumukha ng mga ministro ng INC ang kanilang mga kasinungalingan, iwawasto natin na ang tunay na pamagat ng Catecismo ni Padre Luis de Amezquita ay “Catecismo: na pinagpalamnan ng mga pangadyi at maikling kasaysayan na dapat pag-aralan nang taong cristiano.” Ito po ay inilimbag noong 1933 ng Libreria Y Papeleria de P. Sayo vda. De Soriano, sa Rosario No. 225, Binondo y Azcarraga, No. 552, Tondo, Manila, I.F.[2]

            Doble-doble kung magsinungaling ang Iglesia ni Cristo. Palibhasa manang-mana sa ama nilang Diabo na walang ni isang katiting na katotohanan. Dalawa po ang pangloloko ng mga ministrong halang ang kaluluwa.


 
Pansinin po na walang binabanggit sa pahina 79 ng Catecismo ang mga katagang "Sinasamba kita"

            Una po, ayon sa TV screen, makikita na hinango daw ang halaw mula sa aklat ni Padre Amezquita sa pahina 79 at 82. Ngunit pansinin po natin ang mga nalalahad sa pahina 79 at 82 ng Catecismo.

            Narito po ang matutunghayan sa pahina  Pahina 79:[3]

            Narito naman po ang matatagpuan sa po ang matutunghayan sa pahina Pahina 82.[4]

            Sadyang mga illiterate ang mga ministro ng INC. Mga hindi marunong magbasa. O talagang sadya lamang na mapanlinlang at singungaling. Basahin po ninyo at suriing maigi kung makikita ninyo sa mga pahinang binabanggit ng INC na wala ang kanilang binabanggit na halaw. Eh nasaan?


Wala rin po sa pahina 82 ng Catesismo ang mga salitang "Sinasamba kita."
           
            Nasa Pahina 96[5] po ngunit sadyang may DAGDAG-BAWAS na. Sumipi ng kakapiranggot at dinagdagan ng kasinungalingan. Ang sabi po ng mapanira ang sinungaling na ministro ng INC:

"Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa isang krus o mahal na larawan.

"Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar, magwika ka ganito: "Sinasamba kita,"

            Ano naman po ang aktuwal at tunay na nasasaad sa Catecismo? Tunghayan po natin: 


"Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng isang Cruz o ng isang mahal na larawan. Mangyaring mag Ang tanda ka muna at saka magdasal ng tatlong Ama namin sa Santisima Trinidad. Sa Dios Ama, ay hihingi ka ng pananampalataya ..."


Sa pahina 96 po ng Catecismo matatagpuan ang pamagat na "Sa pagbangon." Pero saan po dito nahablot ng mga ministro ng INC ang mga salitang "Sinasamba kita"? 

            Suriin po natin ang talamak at walang hiyang panggagantso ng mga ministro ni Manalo. Pansinin po ninyo ang mismong sinabi ni Padre Aezquita. Wala pong binabanggit na Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar, magwika ka ganito: "Sinasamba kita…"

            Wala ho, walang wala. Sadyang nagdagdag na naman po ang mga dalubhasa sa “dagdag-bawas” na mga ministro ng INC. Hindi na po talaga tinatablan ng hiya ang apog ng mga tampalasang ito. Nuknukan talaga sila ng kasinungalingan palibhasa kasi manang-mana sa ama nilang Diablo (Jn. 8:44).

Desperadong idinadagdag lang ng mga mapanirang ministro ng INC ang mga salitang “SINASAMBA KITA” para lamang maipalabas niya na dinidiyos ng mga Katoliko ang mga rebulto. Walang magawang matino sa buhay ang mga halang ang kaluluwang  mga ito. Salamat sa Dios at walang lihim ang hindi nabubulgar. Pansinin po ninyo sa tunay at orihinal na referencia ay walang binabanggit na “Sinasamba kita.” Gawa-gawa o imbento lamang ng nga ministrong alipores ng kadiliman na bihasang-bihasa sa pagsisinungaling at panggogoyo sa kapwa. Husto na ang katampalasanang ito. Bistado na kayo!                                                                                         

Sino ang may katha ng kasinungalingan at panglolokong ito? Walang iba kundi si Felix Y. Manalo sapagkat ayon sa Pasugo, lahat ng mga itinuturo ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo ay si Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila. Tunay nga na kung ano ang puno, siya ang bunga. Puro kasinungalingan at panlilinlang lamang ang binalangkas at itinuro ng pekeng anghel na si Felix Manalo. Ganyan ba ang "Sugo" ng Dios na sinungaling? Hindi po kundi sugo ng kanyang amang Diabo (Juan 8:44).



[5] 
http://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/pageviewer-idx?c=philamer;cc=philamer;rgn=full%20text;idno=aps8658.0001.001;didno=aps8658.0001.001;view=image;seq=00000098.

Friday, February 10, 2012

Tumbukin Natin: Mga Pinekeng Reperensiya ng Iglesia ni Manalo

Ni Bro. Cenon Bibe ang may akda ng "TUMBUKIN NATIN BLOG"

MAY MGA BINTANG po itong X-CATHOLIC na TUMALIKOD NA sa IGLESIA KATOLIKA at UMANIB NA sa IGLESIA NI CRISTO na ITINATAG ni FELIX MANALO noong July 27, 1914.

ILALAHAD po NATIN sa IBABA ang mga BINTANG NIYA at SASAGUTIN na rin po NATIN AGAD.
Ang isa sa mga utos ng Dios na nilabag/tinalikuran ng Iglesia Katolika ay ang utos po na nagbabawal sa pagsamba sa mga larawan at rebulto.

Exodo 20:3-5

"Huwag kang MAGKAKAROON ng ibang mga dios sa harap ko."
"Huwag kang GAGAW para sa iyo ng LARAWANG INANYUAN o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit,o ng tubig sa ilalim ng lupa:"
"Huwag mong YUYUKURAN sila,o PAGLINGKURAN man sila;

CENON BIBE:
SORRY po pero MALI po ang AKALA NINYO dahil MALI po ang UNAWA NINYO sa PANINIWALA ng KATOLIKO at sa SINASABI ng EXODUS 20:3-5.

NAIPALIWANAG KO na po ito pero UULITIN KO dahil tila po HINDI NINYO NAALALA.

Una, ang IPINAGBABAWAL sa EXODUS 20:3-5 ay mga "LARAWANG INANYUAN" ng mga "IBANG MGA DIYOS."

Pangalawa, WALA pong GANYAN ang mga KATOLIKO.

Ang MAYROON ang mga KATOLIKO ay mga IMAHEN na PAALALA sa DIYOS o sa mga BANAL na LINGKOD NIYA.

MAGKAIBA po IYAN.

KATUNAYAN, kahit ang mga ISRAELITA ay GUMAWA at NAGKAROON ng mga LARAWANG INANYUAN. HINDI po NINYO NATUTULAN YAN, di po ba?

Kaya KUNG IYAN ang BATAYAN NINYO na "NATALIKOD" ang UNANG IGLESIA ay MALI po ang INYONG BATAYAN.

+++

X-CATHOLIC na INC NA said:
Sa isang Aklat Katoliko..Ang Pananampalataya ng Ating mga Ninuno,p.200 ni James Cardinal Gibbons.,

"Sa ganitong kahulugan,sa pagkakilala ko,bumabanggit ang mga manunulat na escolastico hinggil sa gayon ding PAGSAMBANG iniuukol sa mga LARAWAN ni Kristo na parang kay Kristong Panginoon natin narin ;sapagka't ang gawang kung tawagin ay PAGSAMBA sa isang LARAWAN ay tunay na PAGSAMBA kay Kristo na rin,sa pamamagitan ng PAGYUKOD sa harap ng LARAWAN na parang sa harap ni Kristo na rin,.."

Inaamin po mismo ng Iglesia Katolika ang ginagawa nilang PAGSAMBA at PAGYUKOD sa mga LARAWAN o REBULTO....ITO PO AY PAGSAMBA SA dios-diosan na mahigpit po na ipinagbabawal ng Dios!

CENON BIBE:
NALOKO PO KAYO ng NAGTURO sa INYO ng BAGAY na IYAN. BINALUKTOT at PINEKENG REPERENSIYA po kasi YAN.

Una po, HINDI po SI CARDINAL GIBBONS ang NAGSASALITA sa SINIPI NINYO kundi ang PROTESTANTENG si LEIBNITZ na SINIPI rin lang ng CARDINAL.

Diyan ay IDINIDEPENSA ni LEIBNITZ ang PAGKAKAROON ng IMAHEN ng mga KATOLIKO, KABALIKTARAN sa ITINURO sa INYO.

MALIBAN po sa MALI-MALING SALIN sa SINIPI NINYO ay SADYA ring BINAWASAN ang mga SINASABI sa LIBRO para po MALOKO ang mga TULAD NINYONG WALANG MALAY sa BUONG KATOTOHANAN.

OUT OF CONTEXT po kasi ang SINIPI NINYO.

NARITO po ang SADYANG PINUTOL ng GUMAWA ng SINIPI NINYO:

"Though we speak of honor paid to images, yet ,this in only a manner of speaking, which really means that we honor not the senseless thing which is incapable of understanding such honor, but the prototype, which receives honor through its representation, according to the teaching of the Council of Trent."

MALINAW po riyan na ang tinutukoy na "honor paid to images" ay "only a manner of speaking" o SA SALITA LANG. HINDI TOTOHANAN at HINDI AKTWAL.

Eto pa po, "we honor not the senseless thing ... but the prototype"

HINDI raw po yung WALANG KWENTANG BAGAY ang DINADAKILA kundi yung IPINAPAALALA NIYON.

IYAN po ang KONTEKSTO ng SINABI sa SINIPI NINYO na "Sa ganitong kahulugan,sa pagkakilala ko, bumabanggit ang mga manunulat na escolastico hinggil sa gayon ding PAGSAMBANG iniuukol sa mga LARAWAN ni Kristo na parang kay Kristong Panginoon natin narin ..."

KITA po NINYO?

Nung INILAGAY NATIN sa KONTEKSTO ay NAKITA NATIN na HINDI TALAGA PAGSAMBA sa IMAHEN ang TINUTUKOY kundi "only a manner of speaking" LAMANG.

Ang LAKI ng PAGKAKAIBA, di po ba?

Kaya po NALOKO TALAGA KAYO ng KINUNAN NINYO ng SIPI.


+++

X-CATHOLIC na INC NA said:
Sa Catesismo ng Iglesia Katolika,na isinulat ng isang pari..si Luis de Amezquita,..pg.82

"Pagbangon mo sa banig ay agad kang MANIKLUHOD sa harap ng isang Cruz o isang mahal na LARAWAN."

CENON BIBE:
YAN po ay TAHASANG PEKENG REPERENSIYA.

NATALAKAY KO na po IYAN. Paki CLICK po ang LINK na ITO: 'Catesismo ni Padre Amezquita' Pinekeng reperensiya vs Katoliko

SALAMAT po.

Alexandria: forced eviction of 62 Coptic families by the Salafis

Cairo (AsiaNews / Agencies) - The radical Muslims are trying to empty a village near Alexandria of its Coptic population - 62 families, on the basis of unfounded allegations against a Copt. The Copts of Kobry-el-Sharbat (el-Amerya) were attacked on Jan. 27 by a crowd of some three thousand Muslims led by Salafi leaders who set fire to the Copts houses and shops. The violence were sparked by the allegations of a barber Muslim Toemah, who claimed that a Coptic tailor of 34, Samy Mourad Guirgis, had "illegal" photos of a Muslim woman on his cell phone. Mourad has denied the charges, and turned himself in to police in fear of his life. The Muslims set fire to his house and his shop, and his whole family was forced to leave the village. Mourad is still under police custody.

Since then there have been three "reconciliation meetings" in the police headquarters in el-Amerya, attended by representatives of the Coptic Church, the Salafis and the Muslim Brotherhood. According to police, the woman concerned has denied the whole story, and no compromising photos of any kind were found Mourad’s cell phone. But radical Muslims argue that "Muslim honor has been damaged," and at the first meeting, they refused any type of compensation for the Copts who were innocent victims of their violence.

Wednesday, February 8, 2012

INC 1914 images of the Child Jesus and His Mother, the Blessed Virgin Mary in PASUGO??

Image of the Child Jesus and His Holy Mother the Blessed Virgin Mary (Source: The Splendor of the Church Blog)
HYPOCRISY!

That is the exact word that we can attribute to the INCorporated 1914 All Rights Reserved church of the Manalo clan who attacks the Catholic  Church of Christ for having "images" (photos) of Christ while doing the same?

HYPOCRITES!

Officially, now they are now printing images of Jesus and the Blessed Mother in their PASUGO magazine Issue May 2007 Vol. 5, Page 4.

In the same way that they DETEST all holy images in the Catholic Church while they ERECTED Felix Manalo's IMAGE in Central while reminding people NOT TO WORSHIP MANALO (implying that there are already members of INCorporated 1914 All Rights Reserved church of Manalo who actually 'WORSHP" him?)

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA TANDA NG KRUS PART I

Ni BRO. MARWIL N. LLASOS, OP

The Faith of Our Father ni James Cardinal Gibbons: Isa sa mga referenciang ipinanggogoyo ng Iglesia ni Cristo (1914)

PAMBUBUKING SA PANGGOGOYO NG IGLESIA NI CRISTO TUNGKOL SA TANDA NG KRUS PART I

            Nakagawian na ng mga ng Iglesia ni Cristo (1914) mula pa kay Felix Y. Manalo na gumamit ng mga lumang-lumang aklat-Katoliko bilang mga referencia. Ang akala ng mga ministrong ito ay hindi mabibisto ang kanilang pangloloko sa kapwa.

Sa kanilang Pandoktrina at Aklat Ng Mga Referencia, tatlo sa mga aklat-Katoliko na sinisipi upang makapanligaw ng kapwa ay ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced, Siya Ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD at Pananmpalataya ng Ating Mga Ninuno ni Cardinal James Gibbons. Ang mga ito ay ginagamit nilang referencia para mapanindigan ang kanilang mga paratang sa Iglesia Katolika.

Ang Pasion Candaba ni Padre Aniceto de la Merced: Isa pa sa mga ipinang-uuto ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo

Sa kauulit-ulit ng kanilang mga maling paratang sa lahat ng kanilang pamamahayag at pangangaral, tiwalang-tiwala naman sa kanilang ministro ang miyembro ng Iglesia ni Cristo. Buong akala nila na nagsasabi ng katotohanan ang kanilang mga ministro. Ang hindi nila alam, patuloy silang ginogoyo at inililigaw ng mga bulaang mangangaral na ito.

Sapagkat nabilog na ng mga ministro ang kakapiranggot na kokote ng kanilang mga miyembro, may mga INC na buong yabang na nakikipagdiskusyon sa Internet. Ngunit kung gaano sila kayabang, ganoon din sila kaduwag. Sila ay nagkukubli sa mga alyas lamang. Tila baga ikinahihiya nilang malantad ang kanilang tunay na katauhan. Nahihiya sila sapagkat hindi nila mapanindigan ang mga palsong aral ng kanilang huwad na iglesia.

Kung ano ang pamamaraan ng mga ministro, parang mga unggoy naman kung gayahin ng mga miyembro. Kopyang-kopya ang mga argumento pati na ang mga referenciang binabanggit sa pandodoktrina at pangangaral ng mga ministrong mapagkunwari. Tila walang sariling pag-iisip ang mga miyembro ng INC na sunudsunuran lamang sa kanilang mga ministrong nanliligaw sa kanila. Akala ng mga ito ay hindi mabubuking ang maling pag-gamit nila ng mga referencia. Salamat sa Dios at hindi sa lahat ng panahon ay maikukubli ang katotohanan sa kadiliman.

The Splendor of the Church

Sa comments section ng pamosong blog ni Reb. Padre Abraham Arganiosa, CRS, nagkaroon ng pagkakataon ang inyong lingkod na sumagot sa mga kumakaaway sa Santa Iglesia Katolika. Isa sa mga paksa ng diskusyon ay tungkol sa pag-aantanda ng krus[1] ng mga Katoliko. Bagamat nasagot ko nap unto por punto ang mga paratang, minarapat ko na gumawa ng artikulo para sa ikababatid ng lahat at upang ibulgar ang mali-maling pag-gamit ng mga referencia ng mga tampalasang INC. Iisa-isahin ko ang mga pangunahing paratang ng mga INC tungkol sa pag-aantanda o tatak ng krus.

Ang aktuwal na sipi mula sa mga paratang ng INC ay nasa pula samantalang ang aking sagot naman ay nasa itim.

Ayon sa isang duwag na INCDefender (naturingang tagapagtanggol pero ayaw makipaglaban ng harapan):

“Father ng mga Katoliko, di pekeng quotation ang inilahad diyan, genuine Catholic book ang:  “Siya ang inyong pakinggan" "Ang aral na katoliko" by: Enrique Demond, p.11." Punong-puno kayo ng kasinungalingan talaga. Tanggapin nyo ang katotohanan, Trinity, Pag-antanda, Pagsamba sa Rebulto at marami pang iba ay di utos sa bibliya bagkus ito ang mga tanda ng mga Anti-Cristo! Malinaw na sinabi jan na wala sa Biblia ang Pag-antanda, kinakalaban nyo ang sarili nyong aklat. Pity.... Hangga't may oras pa tanggapin nyo ang katotohanan at umalis na kayo sa bulaang relihiyon nyo.”

 Tunghayan po natin ang pahina 11 ng Siya Ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD kung mababasa ang paratang nitong sinungaling na INCDefender. Mga giliw naming mambabasa, kayo na po ang bahalang humusga kung nasusulat nga sa pahina 11 ng nasabing aklat na binabanggit diumano ng may-akda na ang Trinity, pag-aantanda, pagsamba[2] (sic) sa rebulto at marami pang iba ay di utos ng Biblia bagkus ay ang mga tanda ng mga Anti-Cristo. Tahasan po talaga kung magsinungaling ang mga miyembro ng INC. Manang-mana sa kanilang amang Diablo (Jn. 8:44). Malinaw din po na hindi marunong magbasa ang mga illiterate na ito!

Pansinin po ninyo sa pahina 11 ng Siya Ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD na wala ang mga ipinaparatang ng Iglesia ni Cristo

Ang buong akala kasi ng nagpapakilalang INCDefender ay wala kaming kopya ng aklat na Siya Ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD. Sapagkat nabutata ang INCDefender na ito at napatunayan nating hindi nakasulat sa pahina 11 ng nasabing aklat ang mga binabanggit niya, imbes na humingi ng paumanhin ay walanghiyang bumaling sa ibang aklat at gumamit ng ibang pangalan. Ngayon naman nagtatago na naman siya sa tawag na TruthShallSetYouFree. Ano ang palusot ng sinungaling at tampalasang INC na ito?

“Banggit kayo ng banggit ng pahina 11, sa edisyon ng librong hawak nyo wala nga yan sa pahina 11, pero nasa ibang pahina ayaw nyo lang buksan ang katotohanan. Mga kaawa-awang nilalang!!”

Pansinin po ninyo kung gaano katarantado ang pamamaraan ng pakikipag-diskusyon ng INC na ito. Inamin din na wala sa pahina 11 at nasa ibang pahina daw. Saang pahina aber? Walang maibigay na pahina ng Siya Ang Inyong Pakinggan. Paano makapagbibigay ng pahina eh wala naman siyang kopya ng nasabing aklat. Namumulot lamang sa mga tingi-tinging sipi mula sa mga mapanlinlang na ministro. Kaawa-awa at kaaba-abang mga nilalang ang INC. Mga nagoyo ng mga ministro nilang mapagkunwari!

Ang INC nga naman. Buking na nagpapalusot pa. Nung nasukol sa unang referenciang ginamit, parang palos na nagpalusot pero lalong nagusot:

“Sigurado ako na wala kang kopya ng aklat na ito sapagkat wala sa pahina 11 ng nasabing aklat ang mga ipinaparatang mo”

Ito oh: Malinaw nasa pahina 21 na sinasabing wala sa Bibliya ang pag-aantanda: "we form on our foreheads the sign of the cross. These practices are not commanded by a formal law of SCRIPTURE; but tradition teaches them...”

Siya ang Inyong Pakinggan ni Padre Enrique Demond, SVD: Isa sa mga paboritong referencia ng INC para ilako ang kanilang mga paratang laban sa mga Katoliko

Nasa pahina daw ng Siya Ang Inyong Pakinggan samantalang ang ibinibigay niyang sipi ay mula sa The Faith of Our Fathers ni James Cardinal Gibbons. Ang miyembro ng INC na nauto ng ministro ay nang-uuto din. Kung ano nga ang puno siya rin ang bunga. Talagang iisa ang likaw ng bituka ng mga Manalistang ito.

Buong akala na naman ng sinungaling na si TruthShallSetYouFree ay wala kaming kopya ng The Faith of Our Fathers ni Cardinal James Gibbons. Sinasabi daw dun sa pahina 21 na “wala sa Biblia ang pag-aantanda.” Illiterate nga itong INC na ito. Hindi marunong bumasa (kung may kopya nga siya ng libro at hindi namumulot lamang sa pira-pirasong sipi ng kanyang ministrong manloloko). Una, wala sa pahina 21 ng The Faith of Our Fathers ang tungkol sa pag-aantanda ng krus. Pangalawa, walang binabanggit doon na “wala sa Biblia ang pag-aantanda.” Talagang salat na salat sa unawa ang mga INC na ito na nagoyo ng kanilang mga ugok na ministro. Pangatlo, hindi si Cardinal James Gibbons ang nagbanggit ng “These practices are not commanded by a formal law of scripture; but tradition teaches them, custom confirms them, faith observes them”[3] kundi ang sinaunang Kristiyano na si Tertullian. Kasama ang mga nasabing kataga sa patotoo ni Tertullian na “In all our actions, when we come in, when we dress, when we wash, at our meals, before retiring to sleep, … we form on our heads the sign of the cross.” Talaga ngang hindi marunong magbasa ang mga INC na ito. Hindi nila tinitingnan na nasa quotation marks ang mga salita ni Tertullian na nagpapatotoo na ang mga sinaunang Kristiyano ay may pagtatatak na ng krus. Nakalagay din sa footnote 9 ang pinagsipian ni Cardinal Gibbons mula sa panulat ni Tertullian na De Corona, C. iii. Kaawa-awa ang mga mangmang at nabubulagang INC!

Pansinin po ninyo na walang binabanggit si James Cardinal Gibbons na wala sa Biblia ang pag-aantanda

Sinabi ba ni Cardinal James Gibbons na wala sa Biblia ang pag-aantanda? Hindi po at walang-wala kang mababasa sa kaniyang aklat na sinasabi niya iyon. Bunga lamang ng ilusyon ng mga INC na hindi marunong magbasa. Hindi ni minsan sinabi ni Cardinal Gibbons na wala sa Biblia ang pag-aantanda gaya ng desperado at pilit na pinalalabas ng INC. Sa katunayan, nagbigay siya ng pinagbabatayan sa Biblia kung bakit ang mga Katoliko ay may pag-aantanda ng krus:

“The Cross is held in the highest reverence by Catholics, because it was the instrument of our Savior’s crucifixion. It surmounts our churches and adorns our sanctuaries. We venerate it as the emblem of our salvation. “Far be it from me,” says the Apostle, “to glory save in the cross of our Lord Jesus Christ” (citing Gal. 6:14 in footnote 8). [Faith of Our Fathers, p. 2]


Ang Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno: Tagalog na salin ng The Faith of Our Fathers ni James Cardinal Gibbons

May biblical na pinagbabatayan si James Cardinal Gibbons taliwas sa palsong pag-aangkin ng INC. Ang mga biblical na batayan ng tanda ng krus ay mas mapapalawig pa sa mga susunod na yugto ng pagbubunyag na ito. Pansamantala, napatunayan na naman natin ang nakakarimarim at kagilagilalas na pagsisinungaling ng huwad  na Iglesia ni Cristo.

Ang mga paratang ng Iglesia ni Kristo laban sa Iglesia Katolika ay pawang mga katha at guni-guni lamang kaparis ng kuwentong ito na bumuhay (daw) ng patay si Felix Manalo. Saan ang dokumento na magpapatunay na may patay na binuhay si Felix Manalo? 



[2] Paulit-ulit na parang sirang plaka anf paratang na ito ng INC. Ilang-ulit na nating nasagot ito ngunit hindi pumapasok sa mapurol na utak ng mga Manalista.
[3] Faith of Our Fathers, p. 3.

NAME GAME: EXPOSING IGLESIA NI CRISTO’S INTELLECTUAL DISHONESTY

Ni Bro. Marwil N. Llasos, OP

Taking something which does not belong to you is of course theft. What do you call it when the Iglesia ni Cristo ascribes unto itself what clearly belongs to the Catholic Church? Is it not also THEFT?

NAME GAME: EXPOSING IGLESIA NI CRISTO’S INTELLECTUAL DISHONESTY

            The Iglesia ni Cristo[1] (1914) points to its name to prove that it is the true church founded by Christ. As proof text for this claim, INC members instinctively point to Romans 16:16 of the Tagalog Bible. INC members have been drilled to recite by rote:

            “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo” (Roma 16:16).[2]

Since INC members are so used to the “tunog”[3] system, they put great stress on “iglesia ni Cristo.” They simply take it for granted that Romans 16:16 talks about “mga iglesia ni Cristo” or “churches of Christ” – in the plural. Uncritical and unscholarly, INC members won’t go as far as investigating the original Greek of the text which mentions the plural ekklesiai.[4] When you point this elementary fact to INC unthinking members, they will simply retort, “That’s your opinion.” INC debater Jose Ventilacion did that to Karl Keating of Catholic Answers.

Favorite reference of the Iglesia ni Cristo:  Religion Doctrine and Practice by Francis B. Cassilly, S.J.

Another tactic of the INC, this time of their ministers and debaters, is to present books written by Catholic authors to prove that the Iglesia ni Cristo Church of Christ[5] in English – is the original true church. Again, the tactic is “tunog” system.

One standard reference for INC ministers and debaters is the book “Religion Doctrine and Practice” by Francis B. Cassilly, S.J. They will say that even Catholic priests admit that the Iglesia ni Cristo (Church of Christ) is the true church founded by Christ. And then they will read a portion of Cassily’s book:

“2. Did Jesus Christ establish a Church?

Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, we learn that Jesus Christ established a Church, which from the earliest times has been called after Him the Christian Church or the Church of Christ.” [p. 329]

INC ministers usually don't show the actual page they are quoting. Here it is. In the immediately preceding paragraph, Fr. Cassilly argued that one proof of the divinity of Christ is that He founded a Church. Remember that the Iglesia ni Cristo denies the divinity of Christ. Ergo, the INC is not the Church of Christ according to Fr. Cassilly

 To the extreme delight of the unthinking INC crowd, the ministers translate it to Tagalog with delirious emphasis on “Iglesia ni Cristo.”  The conclusion? They have proven that the Iglesia ni Cristo is the true Church founded by Christ – based on Catholic sources at that. But have they?

Herein lies the intellectual dishonesty and deception of the Iglesia ni Cristo. INC ministers do not mention the immediately preceding paragraph where Fr. Cassilly is proving the divinity of Christ. Yes, you’ve read it right – the DIVINITY of Christ.

Here’s what Fr. Cassilly is saying in the paragraph before the chopped quote of the INC:

“Jesus Christ, as we have seen before, was the Messias or Redeemer promised in the Old Law, for in Him all the prophecies were fulfilled. He claimed to be God, and as a proof worked by His own power many miracles. As a final demonstration of His divinity He promised to rise again to life after His death, and He kept His promise. Knowing, then, that Christ is God, we simply ask ourselves whether he founded a Church.” [p. 329]

And then follows the favorite quote of the Iglesia ni Cristo.

Why don’t the INC ministers mention that? Because it will unmask their pretense and deception that the Iglesia ni Cristo is the true Church founded by Christ as mentioned by Fr. Cassilly. The nerve for the INC ministers to claim that the INC is the true founded by Christ when it denies the divinity of Christ!

Fr. Cassilly’s point is clear. Christ is God and to prove His divinity He founded a Church which has been called after Him as the Christian Church or the Church of Christ. What about the Iglesia ni Cristo? Does it teach that Christ is God? NO! How dare you claim that you are that Church of Christ mentioned by Fr. Cassilly!

We have proven once again how this false church, so-called Church of Christ, would go just to prove that it is Christ’s church. Its very actuation of resorting to falsehood, intellectual dishonesty and deception shatters to bits and pieces its pretense to be the true Church founded by Christ. INC members are indeed of their father the devil (Jn. 8:44).

The reference used by INC ministers backfires on them. To Fr. Cassilly, the Christ's Church is the Catholic Church

Now let’s to turn to the true Church Fr. Cassilly has in mind:

“The lessons on the Catholic Church are among the most important in the study of religion; for if we once admit that the Catholic Church is the true Church established by God to teach men infallibly the way to heaven and that He has commanded all men to be members of it, our way is clear. We know, then, just what we must believe and do to be saved. But if there is no true Church or we do not know which it is, we shall have no guide as to what we must believe or do to reach heaven.

In this discussion we shall prescind from the inspiration of the Holy Bible, which we learn from the teaching of the Church, and draw our arguments from it merely as a historical document; for even as mere human history, it is just as worthy of belief as any other testimony of history.” [p. 328-329]

There is no doubt that to Fr. Cassilly’s mind, Christ’s Church is the Catholic Church. The Iglesia ni Cristo will never point out that fact:

“15. By what name do we call Christ’s Church?

We call Christ’s Church the holy Catholic Church.

Christ’s Church has many titles. It is sometimes called merely “The Church” or “The Catholic Church.” It is also known as the “The Christian Church,” “The Roman Church,” or “The Roman Catholic Church,” the word “Roman” being added to indicate that it is in communion with the bishop of Rome, the successor of St. Peter. St. Pacian in the fourth century said: “Christian is my name; Catholic is my surname.” The Church is also styled “The Kingdom of Christ,” “The Body of Christ,” and “The Spouse of Christ.” [p. 335]

Now that another cold-blooded deception of the fake and usurper Iglesia ni Cristo has been unmasked, what remains of its credibility? ZERO. By this time, INC ministers have eggs all over their faces.

"Narito, ako'y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip, sabi ng Panginoon, at sinasaysay, at inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan: gayon man ay hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon" (Jer. 23:32).


[1] Hereafter “INC.”
[2] Ang Biblia.
[3] Tagalog for “sound.”
[4] “aspasasthe allElous en philEmati hagiO  aspazontai humas hai ekklEsiai pasai tou christou” (Rom. 16:16, Greek NT transliterated).
[5] The INC likewise takes it for granted that there are dime a dozen churches, denominations, sects and cults that call their organization “Church of Christ.” INC members moreover take it for granted that when “Church of Christ” is mentioned, it refers to them.

Wednesday, January 11, 2012

Ang IGLESIA: Haligi at Saligan ng Katotohan (I Tim 3:15)

Ang Simbahan ng Katoliko sa Qatar, isang bansang Muslim
Bagamat nabanggit nga sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga Kristiano sa ROMA (16:16) ang mga salitang "iglesia ni Cristo" HINDI nangangahulugan na ang ang mga organisasyon o samahan na may ganitong KATULAD na pangalan ay SILA na nga. NANGOPYA lamang sila at kung tuus-tuusin ay PEKE pa rin sila!

At dahil may NAG-IISANG IGLESIA na ITINATAG si Cristo noong Unang Siglo, ang LAHAT ng mga nagsisibangon na mga iglesiang nagpapatawag din sa pangalang "Iglesia ni Cristo" ay mga HUWAD o PEKE o NAGPAPANGGAP lamang.

Ito ay sinang-ayunan ng opisyal na magasin na pag-aari ng samahang may katulad na pangalan-- ang Iglesia ni Cristo na tatag ni Felix Manalo noong 1914 sa Sitio Punta Sta. Ana, Maynila.

Ang sabi ng magasing PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

Bakit nila nasabing HUWAD o PEKE ang mga NAGSISIBANGON at nagsasabing na sila rin ay mga "Iglesia ni Cristo"?

Heto ang sagot din nila sa magasing PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

Bakit? Sino ba ang nagtatag ng Iglesia ni Cristo na natatagpuan sa Pilipinas?

Ito ang sagot din ng magasing PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Sa makatuwid, ang Iglesia ni Cristo pala sa Pilipinas ay HUWAD, PEKE, NAGPAPANGGAP at NAGKUKUNYARI lamang kahit na may pangalan pa itong "IGLESIA NI CRISTO" sapagkat ang samahang ito ay HINDI TATAG ni CRISTO na siya LAMANG ang may karapatang magtayo!

Ang samahang ito ay ITINATAG ng isang TAONG HAMAK na si FELIX MANALO dating kabilang sa TUNAY NA IGLESIA at saka NAGTAYO ng sariling KANYA at pinangalanang KATULAD ng sa atin.

At dahil IISA LAMANG ang IGLESIANG kay CRISTO na KANYANG TATAG hindi maaaring ang INC ni Manalo ay kay Cristo rin.

Saanmang dako ng Biblia ay mababasa natin ang salitang IGLESIA. Kung minsan tinatawag na "IGLESIA ng Dios" o kaya'y "IGLESIA ng Dios na buhay" o kaya'y "IGLESIA ni Cristo". Pero sa maraming pagkakataon ay ang katawagan sa kanya ay IGLESIA lamang sapagkat WALANG IBANG IGLESIA kundi ang IGLESIANG KAY CRISTO.

Bago iyan, basahin ang "Alin ang Iglesiang binabanggit sa Roma 16:16?" upang maunawaan natin kung ano ang ibig sabihin ng sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo.

Ngayon, may BINABANGGIT si Apostol San Pablo na IGLESIA raw. Hindi nabanggit dito ni San Pablo ang salitang "BIBLIA".

Balikan natin ang Unang sulat ni Apostol san Pablo kay Timoteo (3:14-16).

Monday, January 9, 2012

Mike Carlton: Tales of an Unlikely Convert


It was 11:45 p.m. and I couldn’t sleep. I was anxious about a phone conversation I overheard my wife, Laurie, was having with her mother about Catholicism, and my patience for this divisive topic had run out. My mother-in-law was asking my wife how she would feel about not receiving the Eucharist at her sister’s upcoming Catholic wedding now that she had no longer been attending the Catholic Church (we decided to join my Presbyterian church after a period of time “church shopping”). She was also concerned because my future brother-in-law’s best man was not Catholic and, combined with my wife, there would be no Catholic witnesses to validate the wedding. Why does religion have to be so difficult? Why can’t we just agree on the same God and live happily ever after? Why does my mother-in-law care about these matters?

I’m glad she did.

I grew up in a typical Protestant Christian home. With Scottish roots, my family is Presbyterian. My church background involved Youth Club retreats, Senior High Fellowship, and many fond memories of Orchard Park Presbyterian Church just outside Buffalo, New York. My parents raised us to respect everyone independently and in a neighborhood filled with Catholic families, religious difference rarely came up. The only difference I personally noticed was that Catholic families were larger, went to private schools, and followed Notre Dame football. There was a time, however, that I wondered about the word “Protestant” and why my church was associated with the word “protest.” I never imagined someday feeling challenged to wade through the vast theological distinctions that have sadly separated Christianity for almost over 500 years.

Friday, January 6, 2012

Manila Bulletin in error: Felix Manalo "FOUNDED" the Iglesia ni Cristo 1914

Remembering Iglesia ni Cristo Executive Minister Erañao Manalo's 87th Birthday

MANILA, Philippines — On this day, the Iglesia ni Cristo (INC) observes with deep respect and affection the 87th Birth Anniversary of INC Executive Minister Eraño de Guzman Manalo who passed away on August 31, 2009. Ka Erdie’s sincerity, humility, and word of honor were among the sterling qualities for which he was admired. His words and actions made him a worthy successor to his father, the late Felix Y. Manalo. He was succeeded by his eldest son Bro. Eduardo V. Manalo, as INC Executive Minister. [emphasis mine And Eduardo V. Manalo will be succeeded by Angelo Manalo and another Manalo and another Manalo--- because it's the Manalo's Corporation.)

Born on January 2, 1925, Ka Erdie took over the church on the death on April 12, 1963, of his father INC founder Felix Y. Manalo (emphasis mine). The officials and members of the INC looked upon Ka Erdie, who followed the example of his father, as their guiding light and inspiration. (I hope MB would be sensitive to its writings.  It was NOT Felix Manalo who founded the INC but Jesus Christ.  How could MB, a prestigious local news in the Philippines commit such a mistake in their news reporting? Are they not aware of that fact alone? )

Since its founding on July 27, 1914, in Punta Sta. Ana, Manila, with a handful of followers, the INC has grown to become a universal church with over 5,400 local congregations in 90 countries. (The True Church was founded in Jerusalem and not in Punta Sta. Ana. And what's that name again? SANTA ANA? The INC do not believe in "santas" or "santos".  Why the church is founded in that street named after a "santa"? That's most ridiculous!!!)

Read more Manila Bulletin!

Wednesday, January 4, 2012

The "Iglesia ni Cristo Church of Christ"?

By Kevin Boie

FORT WORTH, Texas - Fort Worth police on Monday arrested a 15-year-old they said was driving a stolen car belonging to the victim of a violent robbery.

Police allegedly caught the unidentified boy behind the wheel of Carlos Asido's vehicle.

Asido on Sunday was shot in the stomach and robbed of his car outside Iglesia Ni Cristo Church of Christ in the 5400 block of Anderson Street.

Read more on myFOXdfw.com: myFox.com

My Blog List

My Calendar