"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Saturday, December 6, 2014

Ano ang sinisimbulo ng mg bandila sa harap ng Philippine Arena na pag-aari ng Iglesia Ni Cristo®- 1914 sa Lungsod ng Manalo??


Nakakamangha ang mga bandila ng iba't-ibang bansa na nakataas sa harap ng INCPhilippine Arena sa Lungsod ng Manalo (Ciudad de Victoria) sa bayan ng Santa Maria-Bocaue, Bulacan. Animo'y parang opisina ng United Nations sa New York, USA.

Ayon sa ABS-CBN, sa report ni Kabayan Noli de Castro, ang mga WATAWAT daw na iyan ay umaabot sa may 102 na SUMASAGISAG sa mga BANSANG may IGLESIA NI CRISTO® na raw. 

Halimbawa na lamang sa mga watawat na nakikita natin sa screen shots sa itaas (mula kaliwa pakanan).

IGLESIA NI CRISTO FLAG
Hindi po bansa ang INC™ para magkaroon ng isang bandila na kapantay ng mga watawat na nariyan sa kanilang Philippine Arena.  Hindi siya katulad ng VATICAN CITY STATE na tinuturing na PINAKAMALIIT na BANSA sa buong mundo. A city within a city ika nga.  Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang Vatican City! Basahin din ang "Iglesia ni Cristo Symbol, nasa Biblia ba ang kahulugan ng kanilang bandila?"
  • Sa Pilipinas po, 80.6% po ay mga Katoliko. Sa Vatican City po ay 100% Katoliko. Sa Italia naman po ay 87.8% po ay Katoliko!
  • Ang Iglesia sa Pilipinas po ay  bumabati po sila sa Iglesia sa Roma (Roma 16:16)
MALTA FLAG
May mga local ba ng Malta na kaanib ng INC™? WALA PO!  Kung paano nakarating sa Malta ang INC™ ni Manalo? Dahil po sa mga OFW (Pinoy)! Narito ang sabi ng kanilang website "How the restoration began involved the meetings of Filipino brethren working in major cities in Italy; France, and Spain quarter of a century ago. Whether they met by chance or sought out one another, they were drawn together by a common yearning for spiritual nourishment." -http://www.iglesianicristowebsite.com/Pages/5a-global-expansion.html   
  • Sa Malta po, ang bilang po ng mga Katoliko roon ay 93.98% po sa kabuuang populasyon.
  • Ang Iglesia sa Malta po ay may Diplomatic Ties at bumabati sa Iglesia sa Roma (Roma 16:16)


MALAYSIA FLAG
 May mga local bang Malaysians na kaanib ng INC™? WALA RIN PO! Mga Overseas Filipino Workers (OFW) po ang bumubuo sa tawag nilang Iglesia Ni Cristo® sa Malaysia. Heto ang sabi ng kanilang website: "Malaysia as a nation was formed in 1963, five years before the Iglesia Ni Cristo set out with its overseas mission, initially establishing congregations in the West. From the mid-1980s to early 90s, when the Malaysian economy was picking up and enjoying unprecedented growth, Church Of Christ prayer groups in both the eastern and western sides of Malaysia began to be formed. The Church Administration, then led by the late Executive Minister, Brother Erafio G. Manalo..."
  • Sa Malaysia po ay 3.3% po ay mga Katoliko!
  • Ang Iglesia sa Malaysia ay may Diplomatic Ties sa Iglesia sa Roma alinsunod sa Roma 16:16.
MADAGASCAR FLAG 
Wala pong kaanib ang INC™ na lokal sa Madagascar.  Ang kanilang mga kaanib po riyan ay mga OFW (Pinoy) na karamihan ay nagtatrabaho sa minahan ng langis.  Booming po kasi ang Madagascar sa langis.
  • Ang kabuuan po ng mga Katoliko sa Madagascar ay 29.48% at bumabati rin po sila sa Iglesia sa Roma (Roma 16:16)
MALAWI FLAG
Ganon din po sa Malawi. Wala pong kaanib ng lokal sa Malawi. Pinoy na Pinoy po ang mga kaanib sa Malawi. Mga manggagawa rin pong Pinoy ang naroon.
  • Sa kabuuan, 28.37% po ang bilang ng mga Katolikong lokal sa Malawi. At nagpapadala rin po sila ng pagbati sa Iglesia sa Roma (Roma 16:16) sa pamamagitan ng Diplomatic Ties sa Vatican City!

LESOTHO FLAG
May mga Lesothians bang kaanib ng INC™? WALA RIN PO! Pinoy pa rin po ang naron sa kanilang INC congregation sa Lesotho: "Such was the experience Brother Rogelio Rafols Sr., a medical doctor from the Philippines, who came to southern Africa in 1977 to work under the United Nations Development Program."
  • Sa Lesotho po ay 48.7% po ay mga Katoliko!
  • Bumabati po ang Iglesia sa Lesotho sa Iglesia sa Roma (Roma 16:16).
LEBANON FLAG
Lalong mangangamatis ang INC™ sa Lebanon. Walang-wala po silang kaanib na Lebanese. Lahat po ng kanilang mga kaanib sa Lebanon ay mga kasambahay at mga iba pang mga OFW. Pinoy na Pinoy po ang naroon sa kanilang lokal ng Lebanon! Yan ba ang sinasabing "Iglesia Ni Cristo sa buong mundo?"  Puro mga PINOY ang kaanib?! Sa katunayan po, IGLESIA KATOLIKA po ang may mga kaanib na LOCAL na LEBANESE!
  • Sa Lebanon po ay 31% po ay mga Katoliko!
  • Bumabati po ang Iglesia sa Lebanon sa Iglesia sa Roma (Roma 16:16)
KUWAIT FLAG
Wala pong lokal na Kuwaiti na kaanib ng INC™. Ang mga bumubuo po ng kanilang lokal diyan ay mga OFW (Manggagawang Pinoy) at wala rin po silang eksaktong bilang kung ilan ang kanilang mga kaanib roon). 
  • May 6.16% pong mga Katoliko sa Kuwait at may Diplomatic Ties din po sila sa Iglesia sa Roma at nagpapadala ng pagbati sa kaniya (Roma 16:16)
 Ang IGLESIA NI CRISTO® na TATAG ni Manalo po ay puro KAYABANGAN. Pinagmamalaki nilang ang INC™ raw ay naron na sa iba't ibang sulok ng mundo.

Ngunit sa katunayan, HALOS 99.99% po ng kanilang mga kaanib sa ibang bansa ay mga PINOY na mga MANGGAGAWA at HINDI po sila mga LOKAL sa lugar.

HINDI po maaaring tawaging LOKAL ang INC™ isang lugar kung ang mga kaanib na naroon ay HINDI NAMAN LOKAL ng bansa. Sila'y mga DAYUHAN at isang araw ay AALIS din mga iyan!

Ibig bang sabihin eh  kapag umalis na ang mga OFW eh AALIS na rin ang "IGLESIA"?

Isang MALAKING PANLILINLANG ang sabihin nilang may LOKAL na sila sa isanb bansa samantalang NI ISA ay WALANG WALA SILANG mga LOKAL na kaanib!

Sa kabilang dako naman, makikita sa INTERNET ang distribution ng mga KATOLIKO sa iba't ibang bahagi ng mundo. Bawat BANSA ay may mga LOKAL na mga KAANIB ang IGLESIA KATOLIKA na siyang ORIHINAL na IGLESIA NI CRISTO (unregistered).

Pari nila ay mga lokal. Ang mga kaanib ay lokal. At ang wikang gamit ay lokal!

Yan ang TUNAY na KAHULUGAN ng LOKAL!  Hindi yung lokal na pinamumunuan ng Pinoy at mga kaanib ay PURO PINOY!

Sa KABUUAN, hindi po MAKATOTOHANAN ang mga BANDILANG nakataas sa kanilang arena.  Pinapatunayan lamang ng mga watawat na iyan na MARAMING MGA KATOLIKONG PINOY na MANGGAGAWA sa mga bansang nabanggit nila!

At mas MASIGASIG at BUHAY NA BUHAY pa ang mga Katolikong Pinoy sa bansang nabanggit.  At mayron silang mga LOCAL BRETHREN na NARON na BAGO pa man DUMATING ang mga kababayan nating mga Pinoy sa kanilang mga bansa!

Kaya't sa pagpunta niyo po sa INC™ Arena, pagmasdan niyo kung gaano kalawak ang nararating ng mga Pinoy sa buong mundo upang maghanap-buhay.

At alalahanin niyo sa 78 MILLION na PINOY mahigit-kumulang na 4% lamang po ang mga KAANIB ng IGLESIA NI MANALO doon.

Samakatuwid, MAS MARAMI pa rin ang mga KATOLIKONG PINOY na naroon sa bansang tinawag nilang may LOKAL na raw ang INC™ ni Manalo!

Huwag po tayong maniwala sa mga MANLILINLANG!

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar