"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so; to be deep in history is to cease to be a Protestant." (-John Henry Newman, An Essay on the Development of Christian Doctrine).

"Where the bishop is, there let the people gather; just as where ever Jesus Christ is, there is the Catholic Church". -St. Ignatius of Antioch (ca 110 AD)a martyr later thrown to the lions, wrote to a church in Asia Minor. Antioch was also where the term "Christian" was first used.

“But if I should be delayed, you should know how to behave in the household of God, which is the church of the living God, the pillar and foundation of truth.” 1 Timothy 3:15

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." -CCC 811

Monday, April 28, 2014

Hindi ba't ang Iglesia ay 'Church'? Bakit may 'Iglesia' na, may 'Church' pah?

Ang pagpapakilala ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo® o INC®
"...This “record-breaking man-made marvel” started out as a plenary hall for the INC church..." -from Tempo

INC na, church pa?!!  Tama ba 'yon?

Madalas nating mababasa sa mga pahayagan ang mga katagang "Iglesia ni Cristo Church" o kaya'y "INC Church".

Kapag i-translate natin sa wikang Ingles ay ganito ang lalabas:

The "Church of Christ Church"...

Hindi ba't redundant o paulit-ulit at masagwang pakinggan? 

Sa totoong rules of grammar, hindi po tama ang ulit-ulitin ang isang salita sa pangungusap kaya't mainam na gamitan ito ng pronoun o panghalip upang mas tumama sa gramatika at mas magandang pakinggan.

Ngunit ang "Iglesia ni Cristo Church" ba o "INC Church" ba ay grammatically wrong?  May pagkakamali ba ang journalist na nag-report nito? Hindi ba siya sumusunod sa grammatical rules para mas may kabuluhan at katotohanan ang kanyang inuulat?

Upang maliwanagan po tayo ng lubusan, ang salitang "Iglesia ni Cristo" o "INC" kung daglatin ay isang Registered Trademark. Hindi po ito pwedeng bawasan at hindi po pwedeng dagdagan. Kailangan po siyang isulat ayon sa REHISTRO nito sa Securities and Exchange Commission.

Katulad lamang po ito ng mga produktong SAN MIGUEL BEER, ANDOKS, JOLLIBEE, MACDONALDS etc.  Hindi po pwedeng baguhin ayon sa pagkakasulat nito sa REGISTRATIONS nila.

Kunin nating halimbawa ang kilalang-kilala sa Pilipinas: Ang "San Miguel" Beer.

Kapag kayo po ay dumako sa ibang bansa, sa Amerika man o Europa, SAN MIGUEL pa rin po ang TATAK nito.  Hindi po siya papalitan sa English na "SAINT MICHAEL" beer.  Kapag binago, HINDI na ito ang kilalang serbesa sa Pilipinas.

Kaya't kahit sa malayo pa lang, once na mabasa natin ang REGISTERED TRADEMARK na SAN MIGUEL ay sigurado tayong ito ay ang paborito nating beer na nabibili sa Pilipinas at ngayon ay tumawid na sa ibang bansa.

Exported na ang produktong SAN MIGUEL BEER.

Balikan ko ang "Iglesia ni Cristo", parang ganon na ganon din po siya.

Kahit  NAKATAWID na ito sa USA, Europe at sa iba't ibang bansa, MANANATILI po siyang TAGALOG sa pangalang "IGLESIA NI CRISTO" sapagkat ito ang kanyang REGISTERED TRADEMARK.

Pansinin niyo ang mga sumusunod na artikulong NASUSULAT sa English, 'Iglesia ni Cristo' pa rin ang pagkakabanggit sa iglesia ni Manalo at hindi "Church of Christ'.

Sila na rin ang MISMONG nagpapatunay ng ang IGLESIA NI CRISTO ay isang TRADEMARK, sa kanilang English articles ay nanatiling Tagalog ang katagang 'Iglesia ni Cristo'.

All quotes were taken from http://incmedia.org/content/inc/
[Emphasis and Italics are mine]

The Iglesia ni Cristo (Church of Christ) is a Christian religion whose primary purpose is to worship the Almighty God based on His teachings as taught by the Lord Jesus Christ and as recorded in the Bible. The Church of Christ is a church for every one who will heed the call of God and embrace its faith — regardless of his or her nationality, cultural background, social standing, economic status, and educational attainment.
-----------------------------------
The Iglesia ni Cristo is not a denomination or sect. It is neither affiliated to any federation of religious bodies nor itself an assembly of smaller religious organizations. The Iglesia ni Cristo is Christ’s one true Church today.
-----------------------------------
Today, the membership of the Iglesia ni Cristo comprises at least 110 nationalities. It maintains about 104 ecclesiastical districts in the Philippines and in 100 more countries and territories in the six inhabited continents of the world.
-----------------------------------
Bible as Basis of Faith
The Iglesia ni Cristo also regards the Holy Scriptures as the sole basis of its faith and practice. Some of its fundamental scriptural teachings are as follows...
-----------------------------------
A CHURCH THAT SHARES
The Iglesia ni Cristo endeavors to share the gospel of salvation written in the Bible to as many people as possible, in fulfillment of Christ's vision as stated in Mark 16:15-16 “...Go into the world and preach the gospel to every creature. He who believes and is baptized will be saved...” (New King James Version).
-----------------------------------
Morality and Holiness
The Iglesia ni Cristo strives to maintain a high moral standard. It regards the teaching of the Bible as a way of life. It promotes purity of life among its members by means of instructions, reminders, and, when necessary, corrective or disciplinary measures.
-----------------------------------
Brotherhood and Equality of Members
The Iglesia ni Cristo promotes Christian brotherly love. All members are deemed equal in the sight of God (Gal 3:26, 28). Gender, racial, social, educational, and economic discriminations are strongly discouraged.

Sa kabuuan, ang IGLESIA NI CRISTO po o ang INC ay isang REGISTERED TRADEMARK na nagkukunyaring "iglesia". Ito po ay itinatag ni FELIX MANALO noong July 27, 1914-- dahilan kung bakit sa July 27, 2014 Anno Domini (Catholic Gregorian Calendar na ginagamit din ng mga INC) ay magdaraos ng magarbong pagdiriwang sa pinakamalaking Arena sa buong mundo sa kasalukuyang panahon.

Bagamat halos di pa sila umabot sa 4 na milyon ngunit sa kanilang sapilitang abuluyan ay nakapagpapatayo at nakabibili ang mga Manalo ng mga gusali sapagkat kung may YAYAMAN, hindi ang mga kaanib ng INC kundi ang pamilyang MANALO sapagkat SA KANILA po ang REGISTERED TRADE MARK na IGLESIA NI CRISTO® tulad ng San Miguel na pag-aari po ni Danding Conjuanco.

Dito na po tayo sa tunay na Iglesia na hindi po Registered Trademark-- ang IGLESIA KATOLIKA o the CATHOLIC CHURCH. Pinatutunayan ito ng kanilang PASUGO! Sa ano mang lenguwahe ay maaari po siyang i-translate ng walang agam-agam ng pagkakamali.. sapagkat ito ay TATAG NI CRISTO at hindi ng mga pekeng sugo o ministro.

PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan [ibig sabihin hanggang ngayon ay HINDI PA NATATALIKOD ang tunay na Igleisa ni Cristo-- ang Iglesia Katolika] ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Tatag pala ni Cristo ang Iglesia Katolika noon pang unang siglo. Kaya pala HANGGANG SA KASALUKUYANG PANAHON ay DI PA NATATALIKOD eh naisulat ang artikulong ito noong 1966.  Akala ko eh simula ng itatag ni Felix Manalo ang INC® noong 1914 ay 'NAWALA NA' ang tunay na Iglesia kundi ang INC® na?

PASUGO Agosto 1971, p.22:
Tinitindigan namin na ang Iglesiang itinatag ni Cristo ay talagang iisa lamang. Nang magkaroon ng INK sa Pilipinas ay wala na ang Iglesia ni Cristo sa Jerusalem.”
Ang GULO talaga ng mga inaralan ng PEKENG SUGO!

Eh kung HANGGANG SA KASALUKUYAN ay di pa natatalikod ang TUNAY na IGLESIA, ano ngayon ang kalagayan ng INC® o Iglesia ni Cristo® na lumitaw sa Pilipinas noong 1914?

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

Bakit HUWAD ang tawag nila sa mga NAGSUSULPUTANG mga iglesia rin daw? Kailan at sino ba kasi ang NAGTATAG ng Iglesia ni Cristo® na lumitaw sa Pilipinas?

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Bakit nga ba PEKE o HUWAD ang INC® o Iglesia ni Cristo® na lumitaw sa Pilipinas noong 1914?

PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

Eh kung si CRISTO LAMANG pala ang may karapatang MAGTAYO ng KANYANG IGLESIA at ang KANYANG IGLESIA ay HANGGANG SA KASALUKUYAN ay nariyan pa rin, eh ano pang hinihintay niyo mga kababayan?

Lisanin niyo na po ang NAGPAPANGGAP na INC® o Iglesia ni Cristo® at doon na po tayo sa TUNAY, kahit na pinapasukan ni Satanas ng maling aral, ayon sa kanila, ngunit GARANTISADO po tayong HINDI mananaig ang kadiliman sapagkat si CRISTO ang MAY-ARI nito at IPINANGAKO niyang "HINDI MANANAIG ANG KAPANGYARIHAN NG HADES' (Mt. 16:16-18) sa kanyang Iglesia-- ang IGLESIA KATOLIKA!

'YAN po ang KATOTOHANAN!

Purihin ang Ama
Purihin ang Anak
Purihin ang Espiritu Santo
Purihin ang Iisang Dios!
Banal na Sangtatlo, magkapailanman!

No comments:

Post a Comment

Comments are moderated by the blog owner.

Thank you and God bless you.

My Blog List

My Calendar