Narito na naman ang isang komento mula sa kaanib ng IGLESIA NI MANALO na nagpapatunay na ITINUTURO nga sa kanila na ang IGLESIA KATOLIKA nga ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO! Basahin sa ibaba kung bakit HINDI NA RAW Iglesia Katolika ang tunay ngayon kundi sila na...
Komento mula sa "Ang INC (Iglesia ni Cristo) ba at ang COC (Church of Christ) ay pareho at iisa?" |
Naawa tayo kay Cheyenne Evangelista na kaanib ng INC ni Manalo sapagkat kalat na po ang nakakamatay na kamandag ng kasinungalingan sa kanyang puso't diwa na in-inject ng mga "SINUNGALING at MANDARAYANG MANGGAGAWA" (ayon kay yumaong Eraño Manalo) sapagkat buung-buo na ang paniwala nitong kaanib ng INC ni Manalo na NATALIKOD nga RAW itong TUNAY NA IGLESIANG TATAG ni CRISTO noong namatay na raw ang mga alagad?!
Pero isang malaking kagalakan pa rin sa ating mga Katoliko na KINIKILALA pa rin nila ang katotohanang ang IGLESIA KATOLIKA ang TUNAY na Iglesiang TATAG mismo ni Cristo at wala nang iba pa.
Pinatotohanan naman ito ng kanilang official magasing Pasugo Abril 1966, p. 46 at
Pasugo July-August 1988, p. 6.
Ang TURONG NATALIKOD ng GANAP (Total Apostasy) ang Iglesiang tatag ni Cristo ay isang TAHASANG PAGBIBINTANG kay Cristo na siya ay SINUNGALING at MANLILINLANG. Para sa mga kaanib nng INC ni Manalo, ang pagpuputong ng mga kamay sa kanilang mga KAHALILI (Mga Gawa 6:6; 8:17; 13:3; 28:8; 2 Tim 1:6) ay 'wa epek' sapagkat TUMALIKOD sila kaagad sa mga turo at aral ni Cristo?
At ayon sa INC, tunay nga na ang IGLESIA NI CRISTO ay ang siyang Iglesiang TATAG ni Cristo. Isang katotohanang MAHIRAP BUWAGIN sapagkat ito ang mga nasusulat sa mga Pahina ng Kasaysayan.
Pasugo July August 1988 pp. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
KAILAN NATALIKOD ANG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO?
Madaling magbintang pero mahirap patunayan!
Wala po silang masabing petsa. Kung may pagtalikod mang naganap, dapat sana ay NAKASULAT ito sa mga pahina ng kasaysayan dahil ito'y MALAWAKANG PAGTALIKOD, hindi po ba?
Pero tahimik ang kasaysayan ng tao tungkol sa "Total Apostasy" na pangaral ng mga pekeng mangangaral.
At lalong TAHIMIK ang Banal na Kasulatan tungkol dito!
Ayon sa ibang mga bayarang Ministro ni Manalo, ang pagtalikod daw ay naganap "PAGKAMATAY" ng mga apostoles ni Cristo at ang mga humalili ay mga Obispo na.
Para sa mga bayarang Ministro ni Manalo, daang-daang taon raw po ang binilang nang NAWALA ng GANAP ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO dahil sa PAGTALIKOD (due to apostasy) ayon sa Pasugo July 2009, pp. 14-15).
Ito po ang KAISAHANG TURO ng LAHAT ng mga bayarang Ministro ni Manalo. BUO ang PANINIWALANG NATALIKOD na GANAP na nga ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO-- ang IGLESIA KATOLIKA!
Arius- dating Katoliko na nagturong si Cristo ay hindi Dios sa kalikasan na kinopya ng mga Manalistas |
Mapapatotohanan natin ito sa pamamagitan ng ilan sa mga dating Katoliko na TUMALIKOD na ngayo'y naging SANHI ng PAGKAKAWATAK-WATAK ng mga Kristiano sa buong mundo. Sila ay sina Arius, Nestorius, Martin Luther, Felix Manalo -- ang kanilang kinikilalang sugo raw.
Kaya't kung NATALIKOD na GANAP, ay nararapat lamang na ITAYO itong muli-- at si FELIX MANALO nga raw po ang SUMAKATUPARAN nito!
NATALIKOD NGA BA ANG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO-- ang IGLESIA KATOLIKA mula pa noong mga unang siglo?
Binibining Cheyenne Evangelista, ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na HINDI pa po NATALIKOD ang KINIKILALA NIYONG TUNAY na IGLESIA NI CRISTO-- ang IGLESIA KATOLIKA.
Basahin natin ang PATOTOO mula sa PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Ano raw?
"HANGGANG SA KASALUKUYAN" (1966) daw po ay HINDI PA NATATALIKOD ang "IGLESIANG ITINATAG ni CRISTO noong unang siglo"!
So sinungaling itong nagsulat ng article sa Pasugo July 2009, pp14-15 na nagsabing NATALIKOD na ito "LONG CENTURIES... DUE TO APOSTASY.
Kung gayon, sila na rin ang NAGKUMPIRMA na ang 100th Year Anniversary nila sa July 27, 2014 pagdiriwang ng isang PEKENG IGLESIA!
LUBLOB nga lang ba ang tinatanggap na paraan ng PAGBIBINYAG?
Una, isang malaking DISPLAY OF IGNORANCE, KABOBOHAN at KATANGAHAN (pasensiya sa aking mga salita) ang sabihin nitong kaanib ng INC ni Manalo "noong si Cristo ay umakyat na sa langit at namatay na ang lahat ng apostol yung mga sumunod na namahala sa Iglesia Katolika ay unti-unti nang nilabag yung mga utos na nakasulat sa biblya" sapagkat sa unang halos 500 taon ng IGLESIA ay WALA PANG BIBLIA!
Opo, wala pa pong BIBLIA sa loob ng halos kalahating siglo? Ang mga unang mga Kristiano 33AD-400AD ay HINDI pong KAALAM-ALAM ang sa sinasabi niyang BIBLIA!
Ang alam lang mga mga Unang Kristiano ay ang mga SALITA NG DIOS na HINDI NAKASULAT kundi "THROUGH MOUTH AND DEED" (ORAL TRADITIONS)!
Opo, wala pa pong BIBLIA sa loob ng halos kalahating siglo? Ang mga unang mga Kristiano 33AD-400AD ay HINDI pong KAALAM-ALAM ang sa sinasabi niyang BIBLIA!
Ang alam lang mga mga Unang Kristiano ay ang mga SALITA NG DIOS na HINDI NAKASULAT kundi "THROUGH MOUTH AND DEED" (ORAL TRADITIONS)!
Palibhasa TATAG LAMANG NG TAO noon 1914 ang kanilang Iglesia kaya't WALA silang kamuwang-muwang kung ano ang mga pangyayari LIBONG TAON na ang nakalilipas.
PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."
PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
At dahil walang karapatan ang kahit sinomang tao na magtatag ng Iglesia, mismong Pasugo nila ang humatol sa kanilang INC.
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Tayo po ay 2,014 years na po!
Sila ay 100 years pa lang ngayong July 27!
Sabi ng INC: Halimbawa yung bautismo noon lubog ang ginagawang bautismo ng Iglesia Katolika bakit ngayon binyag na ?
"Naloko na!"-- ito'y paboritong expressions ni G. Mike Enriquez ng GMA7 network, isa sa aking mga paboritong mga journalists.
Naloko na nga itong kaanib ng INC ni Manalo?
Ano ba kasi ang 'bautismo' sa 'binyag'?
Magkaiba ba ito ng pakakahulugan?
Heto ang sabi ng Tagalog Wikipedia:
"Ang bautismo ay isang sakramento o ritwal ng mga Kristiyano na ginagawaran ng paglulubog sa tubig o pagbubuhos ng banal na tubig sa may ulunan ng sanggol o maging nasa-edad na, bilang tanda ng pagiging bahagi niya sa pamayanang Kristiyano. Sa pamamagitan nito, inaasahang magiging mabuting Kristiyano ang binibinyagan. Tinatawag itong binyag sa Simbahang Katoliko Romano..."
Ang binyag at bautismo pala ay pareho ang pagkahulugan.
Ah, baka ang ibig sabihin nitong kaanib ng INC ni Manalo ay ang technical term ng salitang "bautismo" na nangangahulugang "immersion" sa wikang Igles.
Pero balikan natin ang mga unang binyagan noong panahon ng Pentekostes sa MGA GAWA 2:41 (online Tagalog Bible)
"Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa."
TANONG: may sapat bang tubig sa Jerusalem upang LUMUBLOB ang TATLONG LIBONG mga katao?
Ayon sa Catholic Answers "Archaeologists have demonstrated there was no sufficient water supply for so many to have been immersed. Even if there had been, the natives of Jerusalem would scarcely have let their city’s water supply be polluted by three thousand unwashed bodies plunging into it..."
TANONG ULIT: Kung lublob lang ang katanggap-tanggap, TATANGGIHAN ba ng Dios ang pagliligtas sa mga taong PISIKAL na may karamdaman at HINDI maaaring ilublob?
Katulad ng mga nakaratay na sa kama, quadriplegics, mga taong may tracheotomies, negative pressure ventillation (iron lungs), open heart surgeries, mga desert nomads o mga eskimo, mga nasa kulungan sa ibang bansa kung saan hindi sila payagang makalabas ng kulungan at kailangang bautismuhan?
Nakapakitid naman ng 'dios' nila na hindi sila maliligtas sapagkat hindi "lublob" ang kanilang bautismo?
Sabi ng INC: At yung mga imahen at rebulto ang da best na halimbawa bakit tumalikod na ang Iglesia Katolika sa mga aral ng Diyos. Marami pa yan kung sasbihin ko lahat.
Si Aaron at Moses, nakaluhod na sumasamba sa harap ng Ark of the Covenant |
Hay, paulit-ulit. Parang unlimited!
Paayaw-ayaw noong una pero di nagtagal may REBULTO na rin si Felix Manalo sa Centraol.
Paayaw-ayaw noong una pero may mga LARAWAN sina Felix, Eraño, Eduaro sa kanilang mga tanggapan at NAKALUKLOK pa sa mga pangunahing gusali at opisina!! Inaalayan pa ng bulakla ang rebulto at larawan ni Felix at Eraño?!
Susmaryosep!
Basahin mo na lang ang DUODECIMUM SAECULUM!
No comments:
Post a Comment
Comments are moderated by the blog owner.
Thank you and God bless you.